“Freezia, this is daring,” nakangangang sabi Illiana nang mag-print ng picture nila ni Cody. Nasa conference room sila ng Human Loves Nature para pag-usapan ang mga susunod na products na ila-launch nila.
Sa halip ay pinagpupulungan nilang tatlong ang pictures niya. It was taken after the pictorial. Sa picture na iyon ay magkalapit ang mukha nila ni Cody. Her eyes were wide, almost holding her breath. While he had so much passion in his eyes with the intent of kissing her.
“Maghanda ka nang pagpiyestahan ng mga reporters at ng mga members ng fan’s club niya. Mabubulabog ang buhay mo,” babala ni Jazzmire. “Pero parang gusto ko rin ng ganyang picture tapos gagawin kong billboard. Ano kaya ang sasabihin ni Andreev?”
“Pipilipitin niya ang leeg mo,” sabi niya. At natatakot siya na iyon din ang gawin ni Cody sa kanya.
Lakas loob niyang ginawang profile picture ang picture nila na iyon ni Cody na dapat sana ay pribado. Pero wala na siyang ibang naisip na paraan para mapalabas ang obssessed fan nito kundi ang picture na iyon. Kung may manggugulo man sa kanya, naka-alerto na ang mga taong kinuha ng Kuya Noah niya para protektahan siya. Matatapos na rin ang gulong iyon.
“I want to talk to that woman,” narinig niyang sabi ng boses ng isang babae sa labas ng conference room.
“Miss Aguas, di po pwede,” sabi ng shared secretary nila.
Subalit bumukas na ang pinto at pumasok ang galit na galit na si Marmy. Kasunod nito si Babeth. “You bitch! Anong ibig sabihin nito?” At saka ihinagis sa kanya ang printout ng picture nila ni Cody. Wala na ang mabait at mahinahong Marmy na nakilala nila sa TV. Mukha ito ngayong tigre na nakaangil.
“Kailangan ko pa bang ipaliwanag iyan?” kalmado niyang tanong.
“Sinisira mo lang kami ni Cody.”
“Alin? Ang love team ninyo?” Mahina siyang tumawa. “Relax, Marmy. Wala naman akong planong mag-artista kaya di ako threat sa loveteam ninyo.”
“We are more than just a love team, Freezia. Espesyal ako para kay Cody. Ayaw na niya sa iyo. Ayaw ka nga niyang pumunta sa condo niya, di ba? Ayaw niya sa iyo.”
Nahagip agad ng mata niya si Cody na nakatayo sa pinto ng conference room. “Cody, kung talagang ayaw mo sa akin, bakit tinatawagan mo pa ako? Bakit nagmamakaawa ka pang bumalik ako sa iyo?”
Natigilan ito nang bigla niyang tanungin. Mangiyak-ngiyak itong nilingon ni Marmy. “Cody…”
“Of course I want you back. Kailan ko ba sinabing ayaw ko sa iyo?” kaswal na sabi ni Cody. Na parang di man lang nito napansin ang mangiyak-ngiyak na si Marmy. There was a flash of anger in Cody’s eyes. “At anong ibig sabihin nito?”
Matamis ang ngiti niya nang lapitan si Cody kahit na nanginginig siya sa komprontasyong ito. She had to be brave or foolish to do this. “It means that I am taking you back, Cody.”
“At alam mo ba kung anong gulo ang ginawa mo sa pagpo-post nito?” tanong nito at inilapag sa conference table ang picture. “Pati ikaw malalagay sa panganib.”
Nagkibit-balikat siya. “Ako ang girlfriend mo kaya natural lang iyon. Nahihiya naman ako na lagi na lang ang kaibigan mong si Marmy ang nalalagay sa panganib. She deserves more protection than this, Cody. Lalo na’t matagal na kayong magkaibigan noong nasa Italy pa lang kayo.”
Kumunot ang noo ni Cody at napasinghap naman si Marmy. “Matagal na kaming magkakilala ni Marmy?” ulit ni Cody.
“Paano mo makakalimutan ang kaibigan mo?” Nilingon niya si Marmy. “Wala naman halos nagbago kay Purisima, di ba?”
“Ikaw si Purisima,” tanong ni Cody at sa itsura nito ay di na nito makilala ang babaeng nakilala sa Italy. “Kapatid ni Ruvelyn? P-Pero di iyon ang sinabi mo…”
Napaiyak na si Marmy. “Cody, I am sorry. Sasabihin ko rin naman sa iyo pero di ko lang alam kung paano. Ginawa ko lang naman ito para mapalapit sa iyo. Kahit na malapit lang ako sa iyo, parang di mo naman ako napapansin. G-Gusto ko lang naman na magkasama tayo. Di iyong ibang babae ang nakikita mo.”
Huminga nang malalim si Cody. “Ano pang kasinungalingan mo na hindi ko alam?” pasigaw na tanong ni Cody.
“M-Mahal kita kaya p-pinalabas ko na may nanggugulo sa akin dahil sa iyo,” nanginginig na pag-amin ni Marmy.
Niyakap ito ni Babeth. “Hush now, Marmy. That’s enough.”
Nanlambot siya. Walang stalker si Marmy. Ito mismo ang obssessed na fan ni Cody. Gawa-gawa lang nito ang lahat. Sumakit ang ulo niya kaiisip kung paano nagawa ni Marmy ang lahat ng iyon. Ganoon ba ito kadesperada?
“Gusto ko protektahan mo ako. Gusto ko mahalin mo rin ako. Ginawa ko naman ang lahat para ipakitang magiging mabuting asawa ako para sa iyo.” Yumakap ito kay Cody. “I just want to be with you. Binago ko ang lahat sa akin para ako naman ang mahalin mo.”
Mariing magkadikit ang labi ni Cody nang kinalas ang pagkakayakap ni Marmy. “I am sorry, Marmy. All I can see is your lies and deceit.”
“No! Mahal kita! Ang mahalaga totoong mahal kita.” Tinangkang hawakan ni Marmy si Cody pero lumayo na ang huli dito.
Nagtagis ang bagang ni Cody. “Pagmamahal ba ‘yan? Maraming tao ang niloko mo.” Matalim ang mata nitong tiningnan si Babeth. “Magkasabwat ba kayo kaya siya nakagawa ng false ng identity para sa makeover challenge?”
Napipilan si Babeth at namutla. Ito ang sumasala sa mga kandidata ng makeover challenge at taga-check ng validity ng identity ng mga ito.
Hinila nito si Marmy. “Umalis na tayo dito, Marmy.”
“Go!” utos ni Cody. “Pero dumirekta kayo kay Neiji at Aric para ipaliwanag ang kalokohan ninyo. Dahil kapag ako pa ang nag-report sa kanila, mas malaking gulo ang gagawin ko. I am not in a forgiving mood.”
“Sabi ko sa iyo umalis na tayo,” takot na takot na sabi ni Babeth.
“Hindi ko pwedeng iwan si Cody,” anang si Marmy at pumadyak. “Cody, I love you. Di mo ba ako kayang mahalin?”
"I am sorry. Mahal ko si Freezia. Sana kahit bilang mabuting kaibigan mai-offer ko sa iyo. But you also ruined that chance. At wag kang magtatangkang saktan si Freezia o guluhin pa kami. Masama akong kaaway."
Niyakap niya si Cody. A friend betrayed him big time. Tinangkang sirain ang relasyon nila. "Cody, I am sorry,” usal niya. Ni di niya napansin na umalis na rin ang mga kaibigan niya para bigyan din sila ng privacy.
"Don't be. It's over. Everything will be fine from now on. Promise."
“Fine?” Tumingala siya. “Sigurado ka?”
Mariin itong pumikit. “May ginawa na naman ba ako?”
“Hindi mo sinabi sa akin na sa iyo ang pera na ginamit ko para sa Human Loves Nature.”
Bumuntong-hininga ito. “I hope you won’t hold it against me. After all, kaming dalawa ng Papa mo ang magkausap. Ayokong masira ang mga pangarap mo. That’s how much I love you.”
“At kahit malayo ka sa akin, okay lang sa iyo para protektahan ako?”
“It’s the sacrifice I had to take. Unfortunately, I trusted the wrong woman. Will you forgive me for being stupid?”
“You are not stupid. Masyado ka lang nagtiwala sa taong inaakala mong kabigan mo. But you can trust me Cody.”
"THANK you for forgiving my sister," sabi ng dating documentary host ni Ruvelyn at kapatid ni Marmy. "Babalik na kami sa Italy. We want to start anew."
Isinama siya ni Cody nang makipagkita sa dating nobya nito. Pinili ng owner ng Stallion Shampoo na si Neiji Villaraza na huwag ilabas sa publiko ang gulong ginawa ni Marmy. Pinili na lang ni Marmy na lumayo.
Subalit mas hihigpitan na ni Neiji ang mga susunod na contest na ila-launch ng Stallion Shampoo lalo na’t may isang pinagkakatiwalaang staff na minanipula ang lahat. At least Marmy used her own money buying votes. Di na nito kailangan pang mandaya. Talagang ginawa nito ang lahat para maging prinsesa ni Cody.
"Despite her lies, alam ko na di siya masamang tao."
"I can't really blame her. Wala nang ginawa si Ate Purisima kundi sumunod sa parents namin. They were like tyrants. Kaya nga kahit nang ibalik nila tayo nang magtanan tayo at ipadala nila ako sa boarding school, okay lang kaysa parang nakakulong ako sa tore kasama ang parents namin."
Ginagap ni Cody ang kamay niya. Ipinaliwanag nito na pareho lang nagrebelde ang mga ito sa mga magulang nito pero walang nangyari sa mga ito. Pinaghiwalay ng tulugan ng tita ni Cody na may-ari ng vineyard ang mga ito.
"Inalagaan niya ang parents namin at di niya iniwan kahit na gaano kasama ang ugali nila. Kaya kung deprived man sa pagmamahal si Ate Purisima, natural lang na i-experience niya ang lahat ng di niya naranasan. Ako ang nagsabi sa kanya na magpaganda. Na gamitin niya ang pamana nila papa. Kinailangan niyang itago ang pagkatao niya dahil sa gulong ginawa ko. A man died because of me. Naaawa din naman ako sa kapatid ko. Gusto lang naman niyang maranasang mahalin kahit minsan. And she realized that she could do a lot with money…” Bumuntong-hininga si Ruvelyn. “I really don’t know what to say. She really didn’t mean harm.”
"She did it for love. Lahat naman ng tao baliw pagdating sa pag-ibig. Most of the time we lose reason. Kahit ano tama basta mahalin din tayo ng mahal natin," nakakaunawa niyang sabi at ngumiti. Ngayong mas malinaw na ang lahat ng bagay, natuto sila ni Cody na intindihin ang lahat at sa huli ay magpatawad.
“Inisip ko na lang na naging mabuting kaibigan din si Marmy… si Purisima sa akin dati. Sa kabila ng gulong ginawa niya, ang mahalaga di niya sinaktan si Freezia. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may nangyaring masama sa kanya.”
Ngumiti si Ruvelyn sa kanya. “She’s the one, right? Siya ‘yung babaeng ikinuwento mo sa akin nang sulatan mo ako sa boarding school. Na hindi mo ako pwedeng itakas dahil may ibang babae ka nang gusto.”
Ikinuwento siya ni Cody sa babaeng minsan nitong minahal dati pa? She didn’t expect that from him.
“Finally, pumayag na akong maging boyfriend niya.”
Siniko niya ito. “Excuse me! As if naman maghahabol ako sa iyo.”
“Titiyakin ko na hindi na kayo guguluhin ng kapatid ko. Ngayong magandang-maganda na siya, I am sure maraming Italian ang magkakagulo sa kanya. She will forget about you, Cody. Like I did.”
Hindi binitiwan ni Cody ang kamay niya hanggang makasakay sila ng eroplano. Naka-schedule silang pumunta ng Stallion Island para makapagpahinga. Sa dami ng nangyari, kailangan nila ng ilang araw na bakasyon. “Cody, hindi ako mawawala. Di rin ako tatakas.”
“Baka magselos ka na naman kay Ruvelyn.”
“Mukha ba akong nagseselos?” tanong niya.
Hinawakan nito ang pisngi niya. “Ibig sabihin kampante ka na mahal talaga kita?”
“I never doubt that for a moment.” Lalo na sa nalaman niya ngayon na sinira nito ang pangako nito sa isang babae para sa kanya.
“Pero nagseselos ka pa rin sa ibang babae.”
Nanghaba ang nguso niya hanggang pwede nang sabitan ng hanger. “Sometimes you just make me feel insecure. Lalo na kapag may mga bagay kang di sinasabi sa akin. Hindi naman ako ang girlfriend na kailangan mong mag-report sa akin oras-oras. Pero kung may mahahalaga kang desisyon na may kinalaman sa akin, gusto ko i-inform mo ako. At huwag na huwag kang lalayo sa akin para protektahan lang ako. We are in this together.”
“I might not agree on that last one but I will try my best. Sorry kung nasaktan kita dahil kay Marmy..I mean Purisima.”
“Iyon mismo ang intensiyon niya. Siguro kung wala lang siyang masamang interes sa iyo, baka naging mabuti pa kaming magkaibigan. Hindi naman siguro siya ganoon kasama. After all, ngayon lang niya hahabulin ang panahong nawala sa kanya.”
“Maybe someday we can be friends again. Someday.” Hindi na kinausap pa ni Cody si Marmy. TIyak na lilikha iyon ng isyu pero walang pakialam si Cody. Sa ngayon ay mas pinag-uusapan na siya na ang girlfriend nito.
“So ano ngayon ang plano mo para sa bakasyon natin?” tanong niya.
“Why don’t you let me surprise you?”
“ANO na naman kaya ang pakulo ni Cody?” tanong ni Freezia habang kinukulot sa salon ang dulo ng buhok niya. May luncheon date daw sila. Pero sa pagtataka niya ay isang flowing white gown ang ipinadala nito para isuot niya. “Magmumukha akong white lady nito. May sagala ba ngayon?”
“Ma’am, weird naman po talaga ang mga Stallion Boys. Minsan walang magawa sa mga pera nila kaya kung anu-anong naiisipan nilang gawin. Pero romantic naman,” kinikilig na sabi ni Aling Vanessa na kahit may tatlo nang mga anak ay kinikilig pa rin. Inilagay nito ang butterfly hair clip sa buhok niya. “Perfect!”
Maganda naman siya sa flowing white gown niya pero naiilang pa rin siyang magpakita kay Cody. “Dapat yata mamayang gabi na lang kami mag-date para magmukha akong white lady. Tapos mananakot kami,” sabi niya sa driver e-jeepney na sumundo sa kanya.
“Ma’am, wala pong matatakot sa inyo. Mukha kasi kayong diwata,” sabi ng driver na si Mang Pepe.
Wala pa rin siyang ideya kung ano ang pakulo ni Cody hanggang tumigil ang e-jeepney sa harap ng cottage nito. Marami silang pinuntahan nitong nakakaraan. Namasyal sila sa Nirvana Island at dinalaw si Persephone, dumalaw sa mga organic farms at pareho silang nakipag-usap sa mga estudyante para ikampanya ang paggamit ng organic products na nakakatulong sa kalikasan. Pero hindi pa siya idinadala ulit nito sa cottage nito.
Na-excite siya nang makita ang iba’t ibang kulay ng bulaklak sa paligid ng cottage nito. Tuwang-tuwa siyang pumasok sa bakuran nito. She always had that giddy feeling whenever she sees lots of flowers.
“Mukhang may naliligaw yatang fairy sa garden ko,” sabi ni Cody na bumaba mula sa swing. “Alam mo bang bawal mag-trespass dito?”
“And I thought I was invited here.”
Sinambilat siya nito sa baywang. “I will only let you stay if you will kiss me.”
Yumakap siya sa leeg nito at ibinigay ang hiling nito. She felt wonderful. That kiss was hot but she felt younger.
“Cody, this flower garden is wonderful.” Tiyak na kakantiyawan si Cody ng iba sa members ng Stallion Island na gustong panatilihing macho ang image ng mga ito. But she knew that Cody did it for her. “Thank you. Ito ba ang sorpresa mo?”
“One of them. May gusto lang akong ibalik sa iyo.”
Nagsalubong ang kilay niya. “Ano iyon?”
Hinawakan nito ang kamay niya at isang singsing ang isinuot nito. Nahigit niya ang hininga. “It’s the forever ring!”
It is the highest sign of love that a Stallion Boy could give to a girl. Dahil kung naa-annul ang kasal, isang beses lang pwedeng ibigay ng forever ring sa buong buhay ng isang member. Hindi niya akalaing may isang magbibigay ng ganoong singsing sa kanya.
Ngumiti si Cody. “Kahit na subukan pa akong akitin ng ibang babae, wala kang dapat ikatakot. Hindi ako magpapaakit sa kanila. There’s only one fairy whom I have my sights on forever.”
“And there is only one rake I wish to spend my life with. I love you, Cody Lance.”
“And I am your slave forever. I will give you whatever your heart desires.”
Kung anumang masamang nangyari sa nakaraan nila at takot niya ay tuluyan nang nabura nang buhatin siya ni Cody at dalhin sa loob ng bahay. She might not be a fairy tale princess but she had her Prince Charming. Or make that her slave.