Stallion Island Series Chapter 198

Nagulat siya at napapitlag. Trick never raised a voice. Lagi itong mahinahon kahit na nakikipag-argue. Subalit hindi niya magawang matakot. She knew that Trick won’t hurt her. She could feel the agony eminating from within him. Nababalot ng sakit ang puso nito.

Humawak ito sa railing ng yate at tumanaw sa malayo. “Alam mo naman na namatay ang mga magulang ko at ang kapatid ko. Ipinapatay sila dahil sa pulitika. It is dirty. It is dangerous. Ayokong mahalo pa tayo sa gulong iyon.”

She could understand where he was coming from. Natatakot si Trick sa pwedeng mangyari sa kanya at sa magiging anak nila. Ito na lang ang naiwan sa pamilya nito sa edad na dalawampu’t dalawa. Nasa UP Law School na ito noon. Isinuko nito ang pangarap na maging abogado at nag-focus sa negosyo ng pamilya. At nanatili itong simple sa kabila ng pangalan at kayamanan nito.

Lumapit siya at humawak sa braso nito. “Trick, hindi naman siguro sa lahat ng pagkakataon ganoon ang mangyayari. Look at me. Naka-survive naman ang pamilya ko at patuloy na nagsisilbi. We have a good security team. Hindi mo rin mararamdaman na ini-invade ang privacy mo…”

Nang humarap sa kanya at puno ng takot at sakit sa mga mata nito. Hindi sapat na konsolasyon ang halimbawa ng pamilya niya. “No! Kahit pa PSG ang pagbantayin sa atin, hindi ko iri-risk ang buhay mo at ng magiging mga anak natin.” Mahigpit siyang niyakap nito hanggang hindi na siya halos makahinga. “That would kill me. Hindi ko alam kung kaya kong mawala ka.”

Trick was hurting. At walang ibang mas mahalaga sa kanya nang mga oras na iyon kundi ang mawala ang sakit na nararamdaman nito. Hahayaan niya itong yakapin siya kahit na maubos pa ang hininga niya.

Hinaplos niya ang mukha nito. “I am sorry. Hindi ko gustong ibalik pa ang nakaraan. I didn’t mean to hurt you, Trick. Kung gusto mo mag-quit din ako bilang chief of staff ni Kuya, gagawin ko.”

Umiling ito. “No. It is your job. Alam ko na malaki ang maitutulong mo sa kapatid mo. Ayoko lang na hahawak tayo ng kahit anong posisyon sa gobyerno. Nagkakaintindihan ba tayo?”

Tumango siya. Sa wakas ay sumilay ang ngiti sa labi nito. Then he kissed her lips fervently. Finally, ibinigay na rin nito ang halik na hinihingi niya. And she kissed him back, devoured him.

Walang mahalaga sa kanya ngayon kundi si Trick at ang kinabukasan nila. Maiintindihan naman siya ng mama niya. At hindi siya papayag na saktan si Trick ng kahit sino o kahit ano. Naroon siya para protektahan ang kaligayahan nito.

SINALUBONG agad si Vix ng yakap ng mama niya nang dumating siya mula sa Stallion Island. “Mukhang pagod ka sa biyahe, hija,” sabi agad nito. “Gusto mo bang ipaghanda kita ng miryenda.”

“Busog pa po ako, Ma.” Wala siyang ginawa sa Stallion Island kundi ang pakainin ni Trick. Alagang-alaga siya nito. Kung siya lang ang masusunod, ayaw na niyang maghiwalay pa sila ni Trick. Pero alam nitong kailangan nilang bumalik sa kanya-kanyang trabaho. Kung pwede lang ay maikasal na agad sila.

“How’s your weekend?” tanong ng Mama niya at ipinaghain pa rin siya. Pero santambak na salad ang ihinain nito. She didn’t mind. Madalang kasi ang pagkakataong inaasikaso siya ng Mama niya.

“Great! We had dinner at a log cabin. At every morning magkasama kami ni Trick na nagho-horseback riding. He even gave a new horse. Regalo daw niya para sa nalalapit na kasal namin. At nakapag-decide na ako sa design ng gown, Ma.” Lalo siyang na-excite sa papalapit nilang kasal.

“Magiging busy na tayo next month, hija. Tatlong buwan na lang at filing na ng certificate of candidacy. We must forge alliances soon. At siyempre kailangang maihanda na rin ang projects at plataporma ni Trick. Kahit na kampante akong mananalo siya, gusto ko pa ring paghandaan ang kampanya niya.”

Hindi na niya maituloy ang pagkain niya. “Ma, nagkausap na kami ni Trick. Ayaw po niyang tumakbo sa kahit anong posisyon sa gobyerno. Gusto po niya ng simple at normal na buhay para sa amin,” mahinahon niyang sabi. “I am sorry.”

Mahabang sandaling natahimik ang Mama niya. Pagkatapos ay nag-utos ito sa kawaksi na kumuha ng tsaa. “I suppose you didn’t try hard enough, Victoria Grace.”

Her heart sank. Of course, her mother was disappointed. Pinagkatiwalaan siya nito para i-persuade si Trick subalit hindi niya nagawa. “Ma, pinaliwanagan ko si Trick. Buo na po ang desisyon niya. Alam naman ninyo ang nangyari sa pamilya niya dahil sa pulitika. Ayaw niyang mangyari din iyon sa amin. Kapakanan lang po ng magiging pamilya namin ang iniisip niya.”

Hindi agad ito kumibo. Akala niya ay magagalit ito. She was used to her mother’s disappointment. What else is new. Mahina siya. Pero titiisin niya iyon para kay Trick.

Napangalahati pa nito ang tsaa nang sa wakas ay nagsalita ito. “Okay.” Tipid itong ngumiti. “Hindi natin siya pipilitin kung ayaw niya.”

“Ma!” Tumayo siya sa kinauupuan at tuwang-tuwa itong niyakap. “Oh, Ma! I love you! This really means a lot to me. Salamat po dahil naiintindihan ninyo kami ni Trick.” It really came as a surprise. Ni hindi siya nito pinagalitan. Siguro ay mas namayani ang pagmamahal sa kanya ng Mama niya kaysa sa ambisyon nito.

Magandang regalo na iyon para sa kasal niya.

ABALA si Vix sa pag-aasikaso ng mga dumalo sa consultation ng Kuya Guilbert niya sa mga tao ng San Martin. Kasama sa mga dumalo ang gobernador at ang mga board member para pakinggan ang mga hinaing ng mga magsasaka. But she was distracted. Dadating kasi si Trick. Buong linggo silang hindi nagkita dahil nag-a-adjust pa siya bilang staff ng kapatid niya. Ngayon lang ulit sila magkikita mula nang dalhin siya nito sa Stallion Island.

“Is it true that you are marrying Patrick Vergara?”

Nilingon niya ang anak ng governor na si Aimee. Isa ito sa kinaiinisan niya noong elementary at isa sa mga naghahabol kay Trick noong nasa UP pa sila. Nang mag-settle ang binata sa San Martin anim na taon na ang nakakaraan ay madalas itong dumalaw sa farm ng nobyo niya. Mabuti na lang at ipinadala ito sa Amerika at nang nakaraang linggo lang bumalik. Pero mukhang interesado pa rin ito kay Trick.

Umangat ang gilid ng labi niya at patuloy sa pagte-take down ng notes. “Of course. College pa lang patay na patay na siya sa akin.”

Aimee let out an unlady-like snort. “Hindi yata ako naniniwala. Ano namang makikita niya sa iyo. Mas gusto niya ang mga beauty queens na tulad ko.”

Muntik na siyang humagalpak ng tawa. Beauty queen? Hindi naman ito mananalo sa pageant na sinalihan nito sa probinsiya nila dati kundi dahil anak ito ng gobernador at sa probinsiya nila ginanap ang patimpalak. Lagi kasi itong talunan sa ibang mga pageants.

“Pinagtiyagaan lang niya ang mga iyon kasi hindi siya makapag-confess ng love niya sa akin.” Naramdaman niyang may mga matang nakatingin sa kanya. Alerto siyang tumingin sa direksiyong iyon at nagtagpo ang mga mata nila ni Trick.

Muntik nang malaglag ang puso niya nang makita itong nakasandal sa puno ng mangga. Nakapantalon lang ito at white na T-shirt pero malakas agad ang dating nito. Ngumiti ito at bahagyang kumaway nang makita siya.

“That’s Trick!” sabi ni Aimee at hinaplos ang sariling buhok. “Ang ganda ng ngiti niya sa akin. He must think that I am pretty.” At saka ito kumaway.

Ilusyunadang palakang ito. tatayo na sana siya pero sumenyas si Trick. Hihintayin siya nito. At tingnan lang niya kung makaporma pa ang ilusyunadang Aimee na ito oras na ipakita niya kung gaano sila ka-sweet ni Trick.

Makalipas ang limang minuto ay lumapit ang isa sa mga security ng kapatid niya at may inabot na basket ng mga prutas. “Ano ito?”

“Ipinabibigay sa inyo ni Sir Trick, Ma’am.”

Nang-iinggit niyang tiningnan si Aimee saka bumaling ulit sa security. “Nasaan na siya?”

“Hindi na daw po siya magtatagal. Kailangan po niyang pumunta ng Agusan.”

May palaisdaan at mga bukid din sa Agusan si Trick. Parang biglaan naman yata ang pag-alis nito. “Excuse me.” Nanghingi siya ng direksiyon sa security at nagbaka-sakali na maabutan pa si Trick. Ini-start na nito ang sasakyan nang makarating siya sa paradahan ng sasakyan. “Trick!”

Bumaba ito ng sasakyan. “Hindi ka sana umalis. Tatawag naman ako.”

Yumakap siya sa baywang nito. “Aalis ka ng hindi nagpapaalam sa akin?”

“Ayokong abalahin ka sa trabaho mo. Kailangan kong pumunta ng Agusan dahil nagbaha doon. Apektado ang mga palaisdaan. Lumubog pati bahay ng mga tauhan namin. Magkikita na kami doon nila Andreev at Steffanos para ayusin ang damage. Susunod na lang ang ibang mga members.”

Nag-alala siya dahil wala pang isang taon ang farm ni Trick sa Agusan. “Wala bang nasaktan? Magkano ang damage?”

“Mabuti na lang nakalikas sila kaagad. Hindi ko na iniisip ang mga damage sa property ko. Ang importante maibalik sa normal ang buhay ng mga tauhan ko at mga taong apektado ng baha.”

That’s Trick for you. Mas uunahin nito ang ibang tao kaysa sa sarili nitong interes. Magiging magandang role model ito sa magiging mga anak nila.

Yumakap siya sa leeg nito. “Mag-iingat ka doon. I miss you.”

Kinintalan siya nito ng halik sa labi at lumayo agad sa kanya. “Bumalik ka na sa meeting. Baka may makakita sa atin.”

Pilit na ang ngiti niya nang kawayan ito habang papalayo ang sasakyan. Pagbalik niya ay nakaabang na agad sa kanya si Aimee. “Bakit umalis agad si Trick?”

“Gusto lang talaga niya akong makita. He is leaving for Agusan.”

“Sinabi mo bang nandito ako?”

She smiled shrewdly. “Nakita ka niya kaya nga nagmamadali siyang umalis.”

Tapos na ang consultation. Lalapitan sana niya ang kapatid na kausap ang mga baranggay captains nang kawayan siya ng Mama niya na kausap ang gobernador. “Victoria Grace, I thought I saw Patrick. Where is he? Gusto siyang makakwentuhan ni Governor Sanchez.”

Kumunot ang noo niya. Bakit kailangan pang makausap ng gobernador si Trick. Naghihinala niyang pinagmasdan ang mama niya. Gusto ba nitong ipitin si Trick para di na ito makatanggi kapag pinatakbong mayor ng Mama niya? Bakit di ba niya iyon naisip? Her mother was clever. Hindi siya nito pinagalitan nang nakaraan dahil di niya nakumbinsi si Trick.

“I am sorry. He left for Agusan right away. Dumaan lang po siya para makita ako. Baha po doon at nasira ang palaisdaan niya at ang bahay ng mga tauhan niya,” paliwanag niya.

Nasapo ng Mama niya ang labi nito. “How horrible! Tawagan mo siya mamaya para malaman ko kung may maitutulong sa iyo.” Nakangiti nitong binalingan ang gobernador. “I apologize for this.”

“Makakabalik ba siya kaagad? I am afraid kailangan na nating mag-set ng appointment kay Senator Benitio para ma-secure natin ang endorsement ng partido para sa susunod na eleksiyon.”

Napatiim-bagang siya at tinitigan ang Mama niya na iwas naman ang tingin sa kanya. Hindi siya nagkamali. Plano nga ng mama niya na ipitin si Trick. Hindi niya papayagan iyon.

“Sa palagay ko po magiging busy si Trick. Hindi niya maiiwan basta-basta ang mga tauhan niya ngayon. At sa dadating na eleksiyon…”

“Makikilala mo ngayon ang bagong mayor ng San Martin,” maagap na sabi ng Mama niya bago pa niya masabi na ayaw ni Trick na tumakbong mayor.

Nagtaka ang gobernador. “But Patrick is not here.”

“Si Victoria Grace naman talaga ang magiging susunod na mayor ng San Martin. And her future husband supports her.”

Natigagal siya sa deklarasyon ng Mama niya. Siya ang susunod na mayor ng San Martin? Hindi ito ang usapan nila. Alam ng Mama niya na gusto nila ng normal na buhay ni Trick. Walang sinuman sa kanila ang tatakbo sa kahit anong posisyon sa gobyerno. And she couldn’t say no. Hindi niya kayang ipahiya ang mama niya.

Lumulutang ang utak niya habang iniisa-isa ng Mama niya ang mga achievements niya. Achievements which she thought were quite mediocre. Wala sa kalingkingan ng na-achieve ng Kuya Guilbert niya at ni Daniel.

Pero paano niya ipapaliwanag kay Trick ang lahat. He would be livid.

“Tandaan mo na next week dadating si Senator Benitio. Kailangang makumbinsi mo siya na ikaw ang i-endorse na mayor ng San Martin. This election would be a tough one. Maraming gustong tumakbo,” sabi ng Mama niya nang makarating sila sa Villa Elizaga.

“Ma, napag-usapan na natin na hindi tatakbo ang kahit sino sa amin ni Patrick sa eleksiyon,” aniya sa mababang boses. “And I thought you understand.”

Inalis nito ang shawl at ihinagis sa sofa. “What should I do? SInong ihaharap ko? Hindi mo nakumbinsi si Patrick. I have to find a replacement.”

“Pero nangako na po ako kay Trick.”

Hinawakan nito ang balikat niya. “You are my daughter. Politics runs in your blood. There is no backing out now. Kung mahal ka niya, hindi siya tututol sa mga responsibilidad ng pamilya.”

Mariin siyang pumikit. “I don’t even like the party’s president. Nakatrabaho ko na siya sa Congress dati. Wala nga siyang accomplishments. I can’t give my allegiance to that kind of man.”

Nagkibit-balikat ang Mama niya. “He is the most popular candidate. He will surely win. Hindi ka pa rin ba sanay na pagdating sa pulitika, kahit ang mga kaaway nagkakampihan para manalo? That’s a fact of life, Victoria Grace. Live with it.”

Nanlalambot ang tuhod niyang umupo sa sofa. “I don’t think I can do this.”

Sa gulat niya ay niyakap siya nito. “You will be a great mayor. Naniniwala ako na kaya mo itong gawin. Inaasahan ko na gagawin mo ang responsibilidad sa pamilyang ito. I want to be proud of you.”

Proud. Iyon ang matagal na niyang gustong marinig sa Mama niya. Ang maging proud ito sa kanya. Ito ang matagal na niyang pangarap at abot-kamay na niya. Sana ay maintindihan siya ni Trick.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.