Stallion Island Series Chapter 2

Nagmistulang yelo ang dugo ni Rahya nang makita ang guwapong lalaking papalapit sa kanya. He surveyed the room as if it was his territory. He had dark, predatory eyes. Matangos ang aristokrato nitong ilong at nagmistulang isang linya ang mga labi nito nang magdikit. He had a tall and commanding presence. At ang bawat lumalabas sa labi nito ay inaasahang susundin. It was Misha Santoros.

He had a Russian military soldier grandfather at sa palagay niya ay doon nito nakuha ang pagiging dominante nito. Misha was the Russian name for Michael. At sa tatlumpu’t isang taon nito sa mundo, lumaki ito para mag-utos at sundin ng mga tao. Men despised and respected him. Women loved him and swoon over him. Kahit na nakakatakot ito, nangingibabaw pa rin ang kaguwapuhan nito.

“Misha!” bulalas niya at biglang itinago ang canister ng air freshener sa likuran niya. “G-Good morning. Nasa meeting na si Rome.”

Malalaki ang hakbang nitong lumapit sa kanya. Madilim ang mukha nito at sa tingin niya ay sasakmalin siya nito dahil hinayaan niyang um-attend ng meeting si Rome. Napaurong siya sa labis na pagkagulat. Naramdaman na lang niyang nanginginig ang katawan niya nang sumandig siya sa mahogany desk.

“Bakit late siya?” Tumigil ito sa paglalakad at itinaas ang matangos na ilong. “Ano ang naaamoy ko na parang sigarilyo? Nanigarilyo ba si Rome?”

Sunud-sunod na iling ang ginawa niya. “W-Wala iyon.”

Ang tindi talaga ng olfactory nerves nito. Ini-spray-an na niya ng air freshener pero di pa rin nakaligtas dito. Pwedeng bomb sniffing dog ito.

Naningkit ang mga mata nito. “Anong wala? May naaamoy nga ako.”

“A-Ako lang ang naaamoy ninyong amoy sigarilyo!” palusot niya. Di naman nito malalaman na ni minsan ay di sumagi sa isip niya na subukang manigarilyo. Mahal pa kasi niya ang baga niya. “Kanina kasi… ano…”

Nautal siya nang ilapit nito ang mukha sa kanya at inamoy siya. Malapit nang mag-blackout ang utak niya nang maamoy ang bango nito. Hindi yata takot ang nararamdaman niya kundi kilig. Akala niya ay masisiyahan na itong singhot-singhutin siya subalit tumutok ang matiim na mga mata nito sa kanya. Halos gahibla na lang ang layo ng mukha nila sa isa’t isa.

“You are one big liar!” he drawled. “Hindi ka naninigarilyo.”

“Paano mo nalaman?”

“Nakikita kita kapag may parties at kapag may meeting. Laging sumasama ang itsura mo kapag may naninigarilyo. I never saw smoking either. At amoy Stallion Shampoo ka.” Idinukwang nito ang kamay. Pakiramdam niya ay yayakapin siya nito o hahawakan. Pilipitin ba nito ang leeg niya dahil sa pagsisinungaling niya? Mariin siyang pumikit. O hahaplusin nito ang buhok niya at sasabihing ang ganda-ganda niya tulad sa commercial ng Stallion Shampoo? “The ashtray.”

Dumilat siya. Malayo na sa kanya si Misha at hawak nito ang ashtray na gamit ni Rome kanina. Ini-inspeksiyon nito ang mga naiwang ebidensiya doon. “This is definitely Rome’s brand. Kailan pa siya bumalik sa paninigarilyo?” tanong nito habang ibinibiling-biling ang cigarette butt. Ayaw ni Misha sa babaeng nanigarilyo. Kaya nang maging nobya ito ni Rome ay isinuko ni Rome ang bisyo.

“N-Ngayon lang. Siguro pressure sa trabaho…”

“Pressure sa trabaho?” Lumagabog ang mesa nang padarag nitong ibaba ang ashtray. Di naman mahirap ang ginagawa niya dahil may efficient siyang assistant.”

At kadalasan nga ay siya na ang gumagawa ng trabaho ni Rome. Pero dahil ampon lang siya, wala siyang pribeleheyong mataasan si Rome. “Mas maganda kung pag-uusapan na lang ninyo…”

“Paano kami mag-uusap? Ni ayaw niya akong kausapin sa cellphone!” pabulyaw nitong sagot sa kanya. “And then this!” Napansin nito ang papel na may lukot sa ibabaw ng table. Tumiim ang labi nito. “Nagwala na naman siya?”

“Konti lang naman. Wala namang nabasag. Medyo nalukot lang itong ibang files. Saka paanong di siya magwawala? Di ka na naman nakasipot sa usapan.”

“Nagsabi naman ako sa kanya na may importante akong meeting. Siya ang nagpilit na mag-set ng dinner. She knew that I can’t. Mabuti pa si Lolo Fonsy naintindihan ako.” May bahid na ng pagod sa boses nito. The company was already a handful. Dadagdagan pa ng isang makulit na girlfriend. Sanay na kasing mag-manipulate ng tao si Rome para masunod ang gusto. However, she couldn’t manipulate this one man.

“Kung gusto ninyo ipagse-set ko na lang kayo ng dinner. Walang schedule si Rome mamayang gabi,” malumanay niyang wika. “Gusto din niyang magkausap kayo.” Kung mag-eeskandalo ang mga ito, makabubuti sa kaluluwa niya kung malayo siya sa war zone.

“Okay. Pero titingnan ko siya sa meeting. Baka anong ginagawa niya.”

Hinarangan niya ang dadaanan nito at umiling. “Huwag na. Hayaan mo siya.”

“What if she messes things up? Dapat nga di mo siya iniwan.”

Siya pa ang may kasalanan. Kapag pumalpak si Rome, laging sa kanya ang bagsak ng sisi. Di naman menor de edad si Rome na responsibilidad pa niya.

“Hayaan mo naman siyang gawin ang trabaho niya. She’s not stupid! Mag-usap na lang kayo mamaya sa dinner. Bumawi ka sa kanya.”

Nagdikit ang labi nito na parang di pa makapagdesisyon sa gagawin. “Dinner. Ika-cancel ko ang appointment ko kaya tiyakin mo lang na dadating siya sa oras.” Ayaw nito sa mga taong late at ayaw nito nang may naaksayang oras.

May banta sa mga mata nito nang umalis. Siya ang lagot oras na hindi magpakita si Rome. “Naku! Konting tiis na lang ako sa iyo!” isip-isip niya nang makaalis si Misha. “Kapag pinakasalan na ako ni Prince Rostam, luluhod ang mga tala. At ikaw Misha Santoros, ipapa-ban ko sa Earth!”

NALILITO NA si Rahya kung alin sa mga palabas sa sinehan ang panonoorin niya. Kung ilang billboard ng pelikula ang nadaanan niya. Lahat ay parang maganda. Kung nasa kanya lang ang oras sa mundo ay panonoorin niya lahat iyon.

Nakasakay siya sa FX papunta sa pinakamalapit na mall kung saan din sila magkikita ni Imhan. Matatagalan daw ang kaibigan niya dahil may inventory pa ito sa pharmacy ng ospital. Baka sa last full show na ito makahabol. Sapat na ang panahong iyon para makapag-shopping siya.

Malapit na ang alas siyete. Iyon ang oras ng usapan nina Misha at Rome. Tinawagan niya ang pinsan. “Hi, cuz! Nasaan ka na?”

Nakarinig siya ng exotic na tugtog sa background. “I am here at the spa.”

“Good!” Maaga itong umalis sa opisina para makapag-relax ito bago I-meet si Misha. Konting spa at massage lang ang katapat ng pinsan niya. Basta magkikita na ito at si Misha, nalulusaw na rin naman ang galit nito. “Puntahan mo na si Misha. Baka mamaya maghintay pa iyon sa iyo.”

“Pabayaan mo siyang maghintay. Hindi ako magpapakita.”

“What? Di mo pwedeng gawin iyon. Magagalit iyon.”

Nai-imagine na niya ang pag-usok ng ilong ni Misha kapag pinaghintay ito. Giyera na naman tiyak ang dalawa bukas.

“Hayaan mong siya ang magalit. Hindi ako natatakot sa kanya.”

“Pwes, natatakot ako,” mahina niyang usal.

Humalakhak ito. “Ayoko pa siyang makita. Lagi na lang siyang walang oras sa akin. Oras naman para maramdaman niya ang nararamdaman ko, di ba?”

Gusto nitong gumanti. Naiintindihan niya ito. Iyon lang naman ang dapat sa mga lalaking tulad ni Misha. “Pero paano naman ako. Ako mapuputukan nito!”

“Ikaw ang humarap kay Misha. Kayo ang mag-date.”

Napaka-inconsiderate nito. Di bale sana kung di siya mapapahamak. Nangi-nginig na ang tuhod niya sa takot. Maisip lang niya na siya ang makakaharap ni Misha sa halip na si Rome, gusto na lang niyang magpasagasa sa tren. Mas madaling kamatayan iyon kaysa balatan ng buhay sa matalim na titig at sermon ni Misha.

“Tatawagan ko na lang si Misha. Sasabihin ko na hindi kayo pwede ngayon. Na may importanteng meeting ka...”

“Sasabihin ko kay Lolo na ayaw mo akong tulungan. Na nag-set ka ng appointment kay Misha kahit na ayaw ko at gusto mo akong mapahamak.”

Nai-imagine na niya ang itsura ng pinsan. She was pouting her lips yet she had that devilish glint in her eyes. It was a game that she loved to play. Alam nitong ayaw niyang magalit sa kanya ang lolo niya. It was blackmail.

“You are so unfair!” gigil niyang usal.

“You will arrive there on my behalf. Hindi niya kailangang magmukhang tanga katulad ng ilang beses niyang ginawa sa akin.”

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. “Ano ba ang gusto ninyong mangyari sa inyo ni Misha?”

“NI minsan hindi pa siya nag-sorry sa lahat ng sama ng loob na ibinigay niya sa akin. Sa dami ng na-miss niyang date namin, I lost count. Sa mga pagkakataon na nagmukha akong tanga kahihintay sa kanya, wala man lang siyang ginawa. He’d walk up to me as if nothing happened. Ni hindi niya ako pinapansin kapag nagre-reklamo ako. This is my revenge. Do it for me.”

Naalala niya ang bilin ng lolo niya. Dapat ay tiyakin niyang magkakaayos ang dalawa. Kawawang Rome. Kung siya ang magkaka-boyfriend at katulad ni Misha, malamang ay aani din siya ng sama ng loob. Pero bago pa dumating iyon ay baka makipaghiwalay na siya. Gusto niya ng lalaking magpapahalaga sa kanya.

“Kapag kinain ako ng buhay ni Misha…”

Hinawakan nito ang balikat niya at pinisil. “You are stronger than you think, Rahya. Even stronger than me. You can handle Misha. You will be fine.”

ATUBILI ang lakad ni Rahya papunta sa restaurant na ipina-reserve ni Misha para kay Rome. Paulit-ulit ang dasal niya na sana ay buo pa rin siya kapag lumabas ng restaurant na iyon at naisin pa niyang mabuhay. Nasabi na niya sa kaibigang si Imhan na di matutuloy ang panonood nila ng sine. Nakaka-depress talaga.

Fifteen minutes na siyang late nang dumating sa restaurant. Nadagdagan ang takot niya. Ayaw sa lahat ni Misha ay late. Nakakunot na ang noo nito at pasulyap-sulyap sa mamahaling Cartier’s watch sa bisig. Ihinanda na niya ang ngiti at nagdasal na buhay pa rin siya mamaya.

Halos hindi siya humihinga hanggang makalapit dito. She took time to admire his good looks. Kung di lang sana legendary ang mala-dragong kasungitan nito ay perfect na itong Stallion Island boy. Baka gustuhin pa niyang magpanggap na isa iyong magandang panaginip. Makaka-date niya ang isa sa Stallion Boys.

“Good evening, Misha!” bati niya.

Marahang umangat ang tingin nito at lumalim pa ang guhit nito sa noo nang maktia siya. “What are you doing here?” Pilit nitong inaninaw ang entrada ng restaurant na parang may hinahanap. “Where is Rome? Male-late ba siya?”

“Hindi makakarating si Rome.”

Nagdikit nang mariin ang mga labi nito sa narinig. “So she’s still mad at me,” he said in low, dangerous tones. Mas gusto pa yata niyang kung sumigaw ito o magalit. Mas nakakatakot ito sa ganoong tono.

Marahan siyang tumango. “Sorry. Nagpunta lang ako dito para sabihin iyan. Aalis na ako.”

Tama ang diskarte niya. Nagpakita siya dito. Di niya kailangan pang manatili ito para ihain ang sarili niya na lapain nito. Nakipagkita na siya dito at nasabi na niya ang mensaheng di makakarating si Rome. Di rin magagalit ang lolo niya.

“Hindi ka pwedeng umalis.”

Natigil siya sa paglakad palayo nang marinig ang boses nito. Marahan siyang lumingon. “E-Excuse me?”

Tumayo ito. “I said you are not leaving.”

“Pero …”

Inusod nito ang upuang bakante. “Sit down!”

Lumagabog ang kaba sa dibdib niya. Heto na! Katapusan na ng mundo niya. Pwede pa siguro siyang tumakas kung magagawa niya at may lakas pa siya ng loob.

Lumunok siya. “B-Bakit?” nauutal niyang tanong.

“Hindi ka ba nagugutom? I am famished. Have dinner with me.”

Kumislap ang mata niya nang maamoy ang mabangong pagkaing dala ng dumaang waiter. Naramdaman niya ang pagkalam ng sikmura niya. Gutom na siya at mukhang masarap ang Italian cuisine doon. Pagkain! Pagkain! Pagkain!

“P-Pakakainin mo ako?”

Tumango ito. “Of course. Mahirap kumain nang walang kasalo, di ba?”

Nakadama siya ng awa dito. Ang instruction naman talaga sa kanya ni Rome ay samahan niya itong mag-dinner. Di na nga ito sinipot ng ka-date nito, tapos ay iiwan din niya ito. Napakawalang-puso naman niya.

Basta ba libre ang pagkain at makakain niya ang anumang gustuhin niya, walang problema sa kanya. Kahit sa pagkain man lang ay makabawi siya na di siya makakapag-relax sa araw na iyon at makakanood ng sine.

Umupo siya sa nakahandang upuan. “Thank you!”

Nang matiyak na komportable siya sa upuan niya ay bumalik na ito sa upuan sa tapat niya. “Marami tayong pag-uusapan, Rahya.”

KUNG paanong nakakain si Rahya ng hapunan habang nakasunod ang tingin sa kanya ni Misha ay di niya alam. Sa sobrang gutom niya ay wala na siyang pakialam. Ang gusto na lang niya ay makakain ng masarap. Misha Santoros had to wait.

Bakit hindi mo ginagalaw ang dessert mo?” tanong niya at inginuso ang walang bawas na pagkain sa harap nito. Naglalaway siya dahil parang crepe iyon na may cream at ginadgaran ng tsokolate sa ibabaw.

“Do you want the cannoli? Sa iyo na.”

Kung ganito ba lagi si Misha, magkakasundo silang dalawa. Hindi na rin siya lugi na pumayag mag-dinner kasama ito. Ikokonsidera niya iyong himala ng langit. Nasa ikalawang dessert na siya pero mabait pa rin sa kanya si Misha. Ibig sabihin ay makakauwi siya nang walang galos at makakatulog ng mahimbing at busog.

“So tell me. Where is Rome?”

Natigilan siya sa tanong nito at ngumisi. “In Italy?”

Nanlisik ang mga mata nito. “I am asking about your cousin!”

Lalo niyang nilaparan ang ngisi niya. Nadala siya sa Italian ambiance ng restaurant at ng masarap na Italian food kaya nawala sa isip niya ang boss niyang nagsugo sa kanya doon. “She doesn’t want to see you. Mas mabuti na daw na huwag muna kayong magkausap ngayon. Huwag na muna natin siyang pilitin.”

“Akala ko ba gusto niya akong makausap?” Naningkit ang mata nito. “So this is just a waste of time.

“There is something wrong with your relationship.”

Naglaban ang tingin nila. Minsan lang siya magkakaroon ng ganoong pagkakataon. Di na niya magagawa pa iyon kapag nasa opisina sila at sinisindak siya nito. Para na rin sa ikatatahimik ng buhay niya.

“Minsan di kami magkasundo lalo na’t demanding siya.”

“At dahil demanding siya, marami sa mga dates at affairs ninyo ang di ka nakakarating o kaya nale-late ka.”

Tumango ito bilang pagsang-ayon. “May mga previous engagement na ako na di ko pwedeng I-cancel. She must understand that.”

“Nag-sorry ka ba sa mga shortcomings mo?”

Nanlaki ang mata nito. “I-I won’t call those shortcomings.”

Uminom ito ng tubig. Mukhang ito naman ang natetensiyon ngayon. His huge male ego couldn’t take it that he had shortcomings.

“Hindi pala shortcomings na hindi ka dumating agad sa birthday niya hanggang kalahati na ng guests ang umalis.”

“Na-delay ang flight ko from Tokyo. I gave her a nice pearl necklace for that delay. Natural lang naman iyon sa relationship. Naiintindihan niya iyon.”

Nilaro ng tinidor niya ang natitirang chocolate shreds sa cannoli. “Hmmm… walang reklamo si Rome sa mga regalo mo. Pero hindi mo ba sinubukang bumawi sa kanya tulad ng isa pang extravagant date o kaya manood ng sine.”

Umiling ito at itinaas ang dalawang kamay. “No way! Why should I waste my time with those? I am very busy. At kung magkakasama kaming dalawa, marami naman kaming activities na pwedeng gawin na mas kapaki-pakinabang.” Iniwas nito ang tingin. “Bakit ba lahat na lang ng babae hindi makaintindi?”

“Hindi makaintindi o baka naman may pagkukulang ka talaga?”

Naghahamon niya itong tiningnan. He was taken aback. Ang lakas naman ng loob nito kung laging pinsan niya ang di makaintindi. Okay lang ang isa o dalawang beses na di ito makarating o ma-late ito. Pero saksi siya kung gaano kadalas iyon.

“I shower her with gifts to compensate for those wretched dates.”

Ipinagmalaki pa nito ang mga regalo nito. Kahit si Rome ay kayang bilhin iyon. “Hindi mamahaling regalo ang kailangan niya. It’s quality time.” Lumaki si Rome nang walang atensiyon ng magulang dahil busy ang mga ito sa trabaho. Naghahanap ito ng pagmamahal at atensiyon na di rin maibigay ni Misha.

Naningkit ang mga mata nito. “I told you, I am busy.”

“Kung di mo mabibigyan ng oras ang girlfriend mo, mabuti pang huwag ka na lang mag-girlfriend.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.