Maingat na itinanim ni Imhan ang buto ng iba’t ibang namumulaklak na halaman di kalayuan sa windmill. Malamig na ang hangin noon at di na mainit ang araw sa balat dahil malapit nang magdapit-hapon.
Naglaan ng space sa kanya si Jayden. Sumama agad siya sa Stallion Island matapos niyang ipasa ang resignation niya sa ospital. Ayaw sanang tanggapin iyon dahil maganda ang performance niya at ini-rekomenda na rin siya para maging regular na empleyado. Pero ayaw na niyang magtagal pa doon. Ayaw na niyang makagulo pa sa relasyon nina Lou at Remus. Masaya na siyang malaman na compatible si Remus sa anak nito at magdo-donate na ito.
Sa ngayon ay gusto muna niyang magbakasyon. Saka na niya iisipin ang trabaho matapos ang ilang araw. May naipon naman siyang pera. Pwede na siguro niyang simulan ang pangarap niyang business. Handa naman siyang tulungan ng mga magulang niya sa kulang na kapital kung saka-sakali.
“Are you feeling better?” tanong nito at ginagap ang kamay niya habang naglalakad sila pabalik sa villa nito sa tabi ng dagat.
“Hindi ko na nararamdaman ang guilt na nararamdaman ko kahapon. Di na rin ako naiiyak. Alam kong masaya na si Lou at ang anak niya.”
“At masaya ka na rin?”
Yumakap siya sa baywang nito. “Oo. Pipikutin na lang kita para di ko na kailangan pang magtrabaho. How about that?”
Pinisil nito ang ilong niya. “Ikaw pa! Ma-pride ka din.”
Tumigil siya sa paglalakad at tinitigan ito. “Know what? I am still lucky. Paano kung kay Remus ako na-in love? Baka matulad din ako kay Lou.”
“Hindi naman mangyayari iyon. I am here.”
Tumingkayad siya at kinintalan ito ng halik sa labi. “I love you, Jayden. I think you are a gift from heaven.”
Kaya ito ang ibinigay ng Diyos sa kanya para hindi siya mapahamak. He knew perfectly how to make her happy for the rest of her life. Jayden was her dream. At di niya inaakalang magkakatotoo ang magandang panaginip na iyon.
He hugged her tightly. “Hmmm… I like that sound of that.”
“Basta huwag mo akong sasaktan.”
Kinintalan nito ng halik ang ilong niya. “Never.”
MASAKIT pa ang katawan ni Imhan mula sa mga water activities na ginawa nila ni Jayden nang nakaraang araw pero maaga pa rin siyang gumising. Sa wakas kasi ay makakapag-horseback riding na siya. Kaya kahit madilim pa ay kailangan na niyang bumangon. Bahala na kung makatulog siya mamaya habang nasa ibabaw ng kabayo. Kasama naman niya si Jayden kaya di siya natatakot.
Marahan siyang lumabas ng guestroom. Papunta na siya sa kusina para maghanda ng light breakfast bago siya mag-shower nang marinig niyang may kausap si Jayden sa cellphone nito sa may verandah.
“Yes, Tito Em. Mabuti nalaman agad natin ang sekreto ni Remus.” Di sana niya papansinin kundi lang niya narinig na tatay pala niya ang kausap ni Jayden. “Hindi na makakalapit ang lalaking iyon kay Imhan ngayon. Anything for you, Tito. Don’t worry about Imhan. She’s safe with me. You can trust me.”
Umuugong ang tainga niya sa narinig mula kay Jayden. Anything for you, Tito. Lagi niyang naririnig iyon kapag ginagawan nito ng pabor ang tatay niya. At kadalasan, siya ang napuputukan ng mga iyon. Laging pinakikialaman ni Jayden ang buhay niya para mapasaya ang tatay niya.
Iyon din ba ang ginawa nito kay Remus? Nagsabwatan lang ang mga ito para mailayo siya? Hanggang saan ang kayang gawin ni Jayden para sa tatay niya?
“Imhan, gising ka na pala,” sabi ni Jayden at sinuklay ng daliri ang buhok niya. “Gutom ka na ba? Nagluto na ako para sa iyo. Pero kung ayaw mo ng luto ko, mag-breakfast na lang ulit tayo mamaya.”
Pinigilan niya ito sa braso nang maghahain na ito. “Jayden, kung may itatanong ako sa iyo sasabihin mo ba ang totoo.”
Tumango ito. “Of course. Ano ba iyon?”
“Do you love me?”
Inilapag nito ang plato at hinapit ang baywang niya. “Iyan ba ang gusto mong marinig? I love you, Imhan.”
Hindi lang niya gustong marinig iyon. Gusto rin niyang malaman kung totoo. “Matagal mo na bang alam ang tungkol sa pagkakaroon ng anak ni Remus na sinubukan din niyang ipa-abort?”
“Well, Arvind told me…”
“Kailan? Matapos silang magkita dito sa isla? O bago pa kami pumunta dito?”
“Imhan, this is not making any sense at all. Tapos na ang isyu. Kasama na ni Remus ang mag-ina niya. Nakalayo ka sa lalaking hindi alam kung paano haharapin ang responsibilidad niya.”
No. It makes a perfect sense to her. Napagtagpi-tagpi na niya ang lahat ng pangyayari. Kasama na pati ang relasyon nila ni Jayden ngayon.
“Alam mo na ito dati pa. Kayo ng parents ko. Iyon ba ang dahilan kaya gusto mo akong I-date at kunin ang atensiyon ko? Pinapaniwala mo akong in love ka sa akin. You enticed me and lured,” akusa niya.
“I did it to protect you. Hindi namin kayang makita ka kasama ang isang lalaki na alam kong mananakit lang sa iyo. He won’t make you happy.”
“And I suppose you would?”
“Yes. Because you love me.”
Nagtagis ang ngipin niya. “But you don’t. Sa bibig mo na mismo nanggaling. Gusto mo lang akong protektahan dahil sa mga magulang ko.”
“Wala akong sinasabing ganyan,” kaila nito. “I love you!”
“Huwag mo na akong paikutin, Jayden. Malayo na ako kay Remus. Hindi mo na kailangang aksayahin ang oras mo sa akin. Huwag mo nang sabihin ang “I love you” mo na walang katuturuan.”
“Will you please listen?”
Umiling siya. Nanlabo ang mga mata niya sa luha. Wala na siyang naiintindihan sa sinasabi nito. Buo na ang lahat sa isip niya. Niloloko lang siya nito. Ang pagmamahal nito ay kasinungalingan lang. Tinutulungan lang nito ang magulang niya. “I don’t need your lies. Ayoko nang makinig. Uuwi na ako.”
“What? You can’t just leave the island.”
“Watch me!” hamon niya at pumasok sa guestroom. Hinamig niya ang mga gamit. Kahit na halos wala siyang makita sa kaiiyak niya, tiniyak niyang nasa bag niya ang cellphone, wallet niyang may pera at credit card.
Sunud-sunod ang pagbayo ni Jayden sa pinto. “Imhan, buksan mo ito. Babalyahin ko itong pinto.”
Marahan niyang binuksan ang pinto bitbit ang bag niya. Nilagpasan niya ito at naglakad palabas ng villa. Papasikat pa lang ang araw at madilim pa sa labas. Wala siyang pakialam. She just wanted the get in the first plane out of that island. Kung pwede nga lang ay di na siya sikatan pa ng araw doon. Ayaw na niyang makita pa si Jayden.
Hinarang nito ang dadaanan niya. “Hindi ka pwedeng umalis!”
Pinara niya ang paparating na jeep. “Then it means di mo ako ihahatid.” Sumakay siya ng jeep. “Manong, sa airport po tayo.”
Tumabi si Jayden sa kanya. “Manong, hindi po siya aalis.”
“Manong, makikinig ba kayo sa lalaking naka-robe lang at di pa nagsusuklay?” tanong niya. “Aalis nga ako dahil sinungaling siya.”
“Paanong sinungaling ako? Wala ba akong chance mag-explain?”
“Hindi ko na nga kailangan iyon! Magpasalamat ka dahil nakakausap pa kita. Dahil gusto kitang ibitin sa pinamataas na parte nitong Stallion Island at patatamaan sa kidlat. Dapat iyon sa mga manlolokong tulad mo na nagsasabing mahal niya ang isang babae kahit di naman totoo!”
Napasigaw siya nang bigla na lang umarangkada ang jeep. Muntik na yatang maiwan ang puso niya sa sobrang gulat. “Manong, saan ninyo kami dadalhin?” tanong ni Jayden.
“Susundin ko na lang si Ma’am, Boss. Nakakatakot tulad ng misis ko. Kapag ganyan ang pinakasalan ninyong babae, baka magulpi din kayo tulad ko.”
Mabuti naman at may takot si Manong. Habang si Jayden ay mukhang di man lang aamin sa kasinungalingan nito. “Ngayon lang po iyan. Pero oras na mapakinggan niya ako, mawawala na init ng ulo niyan.”
Nagulo na yata ang lahat ng buhok niya at balahibo sa sobrang bilis na magpatakbo ng driver. Wala pang sampung minuto ay nasa aiport na sila ng Stallion Island. Pagbaba niya ay nakabuntot na naman sa kanya si Jayden. Pero sa pagtataka niya ay di na siya nito pinigilan. Dumistansiya pa nga ito nang pumasok siya sa departure are at lumapit sa staff na naroon.
“Miss, I need to catch the first available plane out of this island.”
Malungkot na ngumiti ang babae. “Ma’am, wala po kayong permisong umalis ng isla. Kailangan pong may pass kayo mula kay Sir Jayden.”
“Emergency kasi. May pera naman ako saka credit card…”
“Kahit po emergency, Ma’am. Di rin po namin matatanggap ang pera ninyo o kahit ang credit card dahil lahat ng gastos ninyo ay provided ng member na nagsama sa inyo dito. Kausapin po ninyo si Sir Jayden.”
Itinuro pa nito si Jayden na pasipol-sipol habang nagbabasa ng diyaryo sa may couch. Parang nasa bahay lang ito dahil suot pa nito ang robe nito at wala itong pakialam kung pinagtitinginan na ito ng mga tao.
Malalaki ang hakbang niya palapit kay Jayden. “Kailangan daw ng pass mo para makaalis ako dito.”
“I can’t give you a pass. You need my thumb mark to get out of here.”
She grabbed his hand. “Ilagay mo na ang thumbmark mo sa touchscreen pass ko. Please! Ayoko na talaga dito.” Nang di ito natinag ay ang singsing na bigay nito ang napagdiskitahan niya. “Ito! Kailangan ba tanggalin ko ito? O kailangan kong putulin ang daliri ko para mawala ito? A-Ayoko nang makita ka.”
Isinubsob niya ang mukha sa palad at di na mapigilang umiyak. Sasabog na ang dibdib niya sa sobrang sama ng loob. Ang pinagdaanan niya kay Remus kaya niyang I-handle. Ang di kaya ng puso niya ay magmahal sa isang lalaking di naman siya totoong mahal at gusto lang I-please ang magulang niya.
Tumayo ito at niyakap siya. “Listen to me, Imhan. Iyon lang ang hihingin ko sa iyo. Nasa iyo kung gusto mo nang umalis pagkatapos ng sasabihin ko.” Pinahid nito ang luha niya. “I love you, Imhan. Seven years old pa lang ako, ikaw na ang babaeng gusto kong pakasalan. Kaya nga inuulan kita ng chocolate noon kasi bata pa lang ako, gusto na kitang ligawan. Itanong mo pa kay Papa.”
“Bata ka pa noon. Paano mo nasasabi? DI ko nga maramdaman na mahal mo talaga ako. Ni hindi ka nga nanligaw dati. Lagi mo lang akong iniinis.”
“Gusto ko lang pansinin mo ako. That’s the only way I can get your attention. Bakit ko ba ibinubulgar lahat ng pangit sa mga manliligaw mo? Para ako ang mapansin mo. At bakit ikaw ang ihinaharap ko sa ibang babaeng may gusto sa akin? Dahil kahit na gusto kong iwasan ka, ikaw pa rin ang gusto ko.”
“Wala kang pakialam sa akin. Kundi pa dahil kay Remus, hindi mo naman ako liligawan.”
Hinawakan nito ang balikat niya. “Fifteen ka pa lang, nagpaalam na ako sa kay Tito Em na liligawan kita. Pero gusto niya ng lalaki na kaya kang alagaan at kaya kang buhayin sa sarili niyang pagsisikap. So I tried to make a difference. Gusto ko alagaan ka at ng magiging pamilya natin. Akala mo ba noong una pinagkakatiwalaan ako ni Tito Em? Ikaw daw ang bunso niya. Di ka niya basta-basta ibibigay lang sa kung sinong lalaki. Nang nakapasa ako sa kanya, saka lang kita niyaya ng date.”
“Date? Alin? Iyong invitation dito sa Stallion Island? Malay ko kung seryoso iyon. Ang dami-daming babaeng gustong makipag-date sa iyo. Kaya nga naisip ko dapat si Remus na lang ang boyfriend ko.”
“Matagal ko nang alam ang tungkol kay Remus. Noong magkakilala kami, nagpahanap agad ako ng impormasyon tungkol sa kanya. Hindi siya gusto ng parents mo. Para na rin sa ikapapanatag mo ang ginawa namin. At first, his record looked impeccable. Kaya nga nang matuloy ang date natin dito sa isla, isinama ko siya at ang parents mo para makilala nilang mabuti. Nang magkagulo sila ni Arvind, saka ko nalaman ang buong story. And I know that I have to make a move. I have to be more aggressive and open with my feelings. Dahil nawawalan ako ng oras.”
“At hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa mag-ina niya?”
“Ayokong sabihin mo na sinisiraan ko lang siya. And Remus can easily deny it. Kita mo nga! Kahit na may sakit pa ang anak niya, di pa rin niya kinikilala.”
“Remus is not the one for me. But I thought you are the one.”
“I still want to believe that I am the one.” Ginagap nito ang kamay niya. “Kung iniisip mo na ginagawa ko lang ito para protektahan ka, sino ba ang ayaw protektahan ang babaeng mahal niya? Ganoon din ang parents mo. Wala kaming planong lokohin ka. We care for you because we love you. I love you.”
Nakita niyang naluluha na si Jayden. Di niya alam kung dahil naiinis na ito sa kanya o nasasaktan ito dahil ayaw niya itong paniwalaan. But she was confused. Kaya bang paniwalaan ng puso niyang nasugatan ang pagmamahal nito?
“Paano ko malalaman kung totoo ang lahat ng sinasabi mo?”
“Then we have to look for a very reliable person.” Iniikot nito ang tingin sa airport. Natuon ang atensiyon nito sa isa sa village lord na si Ryuhei Tezuka. Nakasukbit pa ang tennis bag nito at mukhang nagmamadali. Kinaladkad siya ni Jayden at hinarang si Ryuhei. “Ryuhei, sandali lang!”
“What? Male-late na ako sa meeting ko sa advertisers ko. Make sure that this is really important.” He was a tennis superstar. Ang palangiting si Ryuhei sa mga news ay di na maipinta ang mukha. Isa sa ayaw nito ay ang male-late.
Itinaas ni Jayden ang kamay niya na may suot na singsing. “Ano ito?”
“Kamay!”
“No! I am pertaining to the ring.”
Sinulyapan lang ni Ryuhei ang singsing at tumango. “This is a forever ring. Kahit ilang tao pwedeng imbitahan ng isang member sa Stallion Island at lahat sila mabibigyan ng ring for security purpose. Pero isa lang ang babaeng bigyan ng member ng forever ring. She will get a lot of privileges like the ones that a member has. At ang alam ko ikaw pa lang ang nabibigyan ng ganyang singsing dito sa isla. Kahit ang mga may asawa naming member, di nila binibigyan ng ganyang singsing ang asawa nila.” Tinapik ni Ryuhei ang balikat ni Jayden. “I don’t know if I should call you stupid. Wala akong magagawa. Mukhang in love ka talaga.”
Natulala na lang siya habang nakatitig sa singsing. Narinig niyang nagpasalamat si Jayden kay Ryuhei. Ni hindi na nga niya napansin na nakaalis na pala ang huli. Dina-digest pa rin kasi ng utak niya ang lahat ng narinig niya.
“Nahawakan lang ni Ryuhei Tezuka ang kamay mo, nawala ka na sa sarili,” may himig ng pagseselos sa boses nito.
“Mahal mo nga ako,” mahina niyang usal. Nakuha niya ang singsing na iyon bago pa man siya dumating sa Stallion Island. Bago pa malaman ni Jayden ang tungkol sa mag-ina ni Remus. “Bakit ibinigay mo sa akin ito? Paano kung hindi naman ako ang babae para sa iyo?”
“You are the only one for me and no one else. Alam ko na sa iyo ko lang maibibigay ang singsing na iyan. At kahit di mo pa ako mahalin, at least naiparating ko ang pagmamahal ko sa iyo sa pagmamahal na iyan. Pero kung di mo pa rin paniniwalaan ang pagmamahal ko, I am willing to let you go.”
“No. Don’t let me go, Jayden. I want to stay here with you.”
Yumakap siya sa leeg nito. Then she kissed him bravely and boldly. Wala na siyang pakialam sa mga nakakakita sa kanila. Kung naipakita ni Jayden sa lahat na siya nga ang mahal nito, di siya mangingiming gawin din iyon. Simple lang iyon kumpara sa pagmamahal na ibinigay ni Jayden sa kanya.
“You are staying? Hindi ka na aalis?”
“Magmamatigas pa ba ako? Ako lang din naman ang masasaktan kapag umalis ako dito. Alam ko naman sa huli ikaw pa rin ang mahal ko. Tama ka. Di ko dapat minasama ang pagmamahal ninyo sa akin. So I am sorry if I hurt you.”
Kinintalan nito ng halik ang ilong niya. “I can endure the pain. Kung aalis ka ngayon, I will give you time. Pero siyempre liligawan pa rin kita.”
“Hindi na kailangan. I love you, Jayden. At mas pagkakatiwalaan na kita.”
Magkahawak-kamay silang lumabas ng airport terminal. Lahat ay nagtataka kung bakit nakarating ito ng naka-bathrobe lang pero nang makitang kasama siya, parang naintindihan na mga ito. Nang sumakay sila sa nakaabang na jeep sa harap ay nakita nila ang takot sa driver na nagmaneho din ng nasakyan nila kanina papunta doon.
“S-Saan po tayo, Ma’am?” nanginginig na tanong ng driver.
“Kahit saan gusto ni Jayden.” Kahit saan pa basta kasama niya si Jayden.