Stallion Island Series Chapter 21

Ballet is Rayanne Nolliedo’s life. Pangarap niyang abutin iyon kasama ang kaibigan niyang si Sylvette. But she had another dream- Yzaak Argoncillo, Sylvette’s brother. He was the only man who could make her knees weak. At halik lang nito ang bumuhay sa puso niya.

Just when she put her heart in his hands, he crushed it mercilessly. Naniniwala itong siya ang pumatay sa kay Sylvette.

Humihingal si Rayanne matapos ang practice niya. Nasa gitna siya ng sala ng maliit na apartment niya. Napagod na siya kapa-practice pero di pa rin lumilinaw ang utak niya. She would dance the role of Princess Aurora in a Sleeping Beauty Show at the Mariinsky Theater in St. Petersburg, Russia. It was the role she had been dying for and it was the kind of play that would mark her as a real ballerina. Bahagi siya ng Mariinsky Ballet Company o mas kilala sa dating pangalan nitong Kirov Ballet. She was so lucky that she got into that prestigious ballet company. Sinundan niya ang yapak ng kanyang Russian ballerina na ina na pumanaw nang ipanganak siya.

Her dance was perfect. Hangang-hanga nga sa kanya ang choreographer niya na isang dating kasamahan ng Mama niya sa naturang ballet company. Isa lang ang problema niya. She didn’t know what she would do with the kiss.

Parang sasabog na ang utak niya kung paanong sosolusyunan ang problemang iyon. Hindi naman kasi siya ang babaeng basta basta na lang nagpapahalik kahit pa sabihing trabaho lang iyon. She was twenty and she was working her way up to be a principal dancer.

“Anong gagawin ko?” tanong niya sa sarili. Tinanaw niya ang pag-ulan ng niyebe sa labas ng apartment na tinutuluyan niya. Malamig ang gabing iyon katulad ng love life niya. Wala siyang boyfriend. Puro pagsasayaw ang focus niya. She didn’t have time for romance except with her art.

Classical ballet is about romance, a fairy tale. Di siya makakaisip ng fairy tale kung wala siyang inspirasyon bilang Prince Charming. Di niya makita iyon sa ka-partner niya na parang kuya niya. She needed that inspiration soon or she couldn’t get through that stage kiss. There was one particular guy that she liked. Pero hanggang sa malayo lang niya ito pwedeng magustuhan. At di mag-e-extend ang imahinasyon niya sa isang lalaking malayo sa kanya.

Kakaibang tuwa ang naramdaman niya nang ipatawag siya para gumanap bilang Aurora. First soloist siya at inoobserbahan para maging principal dancer. Nagkataon na nasa isang international tour ang principal dancer na pinalitan niya. Ilang beses na siyang nagsayaw sa lead role. Pero iba ang role ni Princess Aurora. She needed all the grace and ballet skills she needed, specially the air of romance.

So she shouldn’t mess up. Ayaw niyang mapahiya. Baka biglang bumangon sa libingan ang mga magulang niya. Nangako siya sa mga ito nang maka-graduate siya Vaganova Academy, ang prestihiyosong ballet school sa Russia, na gagawin niya ang lahat para maging prima ballerina. She was was almost there.

So where would she get an inspiration for that impersonal stage kiss? She didn’t have much time. If she couldn’t get that right, masisira pati ang fairy tale.

Naputol ang pagdugo ng utak niya sa kaiisip nang bulabugin siya ng malakas na katok. “Must be Sylvette. Ano na namang problema ng batang iyon?”

Si Sylvette ay isa sa member ng corps de ballet na kasamahan niya. Bago siya pumasok sa ballet school ay naging kapitbahay nila ito sa Pilipinas. Noon pa man ay nagba-ballet class na siya. She was almost like a sister to her and Sylvette idolized her. She pursued ballet as well.

Nakakuha ito ng scholarship sa Royal Academy of Ballet sa London matapos manalo sa prestihiyosong ballet competition na Prix de Laussuane. Matapos mag-aral ay sumunod ito sa kanya sa St. Petersburg at maswerteng nakapasok sa Mariinsky Ballet Company kahit pa nga mababa lang ang ranggo. Pero dahil seventeen pa lang ito at naninibago sa bansa, kadalasan ay pinapasakit nito ang ulo ng choreographer at mga kasama. Sa kanya ito laging tumatakbo.

Binuksan niya ang pinto. “So what trouble are you in this time, Sylvette…” Nabitin ang question mark sa dila niya nang makitang di si Sylvette ang nasa harap niya. He was a scowling handsome young man in his mid-twenties. He was tall. Kung 5’8” ang height niya, kailangan pa niyang iangat ng ulo niya para masalubong ang itim nitong mata. Aristokrato ang mata at ilong nito. It was Yzaak Argoncillo, Sylvette’s older brother. Ang lalaking dati ay tinatanaw lang niya sa malayo pero ngayon ay kaharap na niya.

“Is Sylvette here?” tanong nito.

No hello or hi. Ni hindi man lang siya nito kinumusta. He was very intimidating. Samantalang wala naman itong gapatak ng dugong bughaw. Di tulad niya na ang mga ninuno niya ay mga boyar, mga aristokrato ng Russia.

“Yzaak! I-I didn’t know you are coming.”

“Dapat nasa Moscow ako ngayon. Gusto ko lang bisitahin si Sylvette but she’s on in her apartment. Can I come in?”

“Sure,” aniya at gumilid sa pinto. Pumasok ito hila ang luggage bag.

Her knees became weak when he brushed past her. Sobrang lapit na nito sa kanya ngayon. She could smell his manly perfume. Basa rin ang buhok nito dahil sa natunaw na snow sa labas. Pero iba yata ang nangyayari sa sistema niya.

Mag-freeze man ang buong St. Petersburg o kahit pa ang buong mundo, parang natutunaw naman siya kapag kadikit si Yzaak. Habol niya ang hininga niya at malakas ang pintig ng puso niya. And she knew that she didn’t get it from her thorough dancing.

Pasimple niyang hinaplos ang buhok niyang basa ng pawis at umurong. Nakakahiya tuloy dumikit ito. Mukha kasi itong mabango habang nanlilimahid siya. Samantalang sa ballet partner niya na kadikit niya kapag nagsasayaw sila ay wala namang ganoong epekto sa kanila.

Ibinagsak nito ang sarili sa sofa at humalukipkip. “It is freezing outside!”

“Hindi pa nga malakas ang snow sa labas. Normal lang iyan. How about tea?”

“Coffee?” he said with tea-are-for-sissies written all over his face.

“Coffee then.” She loved the mild scent of tea. Iyon ang nagpapa-relax sa kanya. Masyadong matapang ang amoy ng kape para sa kanya. Pero sadyang natitira siya ng kape para kay Yzaak.

“May conference ako sa Moscow bukas. Inagahan ko na lang ng dating para madalaw ko si Sylvette. Nang dumating ako sa apartment niya, wala siya doon,” nakapikit nitong sabi nang I-serve niya ang kape dito. Instant coffee lang ang kape niya dahil mahal ang brewed coffee. Kahit anong klaseng kape naman ay okay na dito. “Nag-email siya sa akin ng schedule niya. Dapat dalawang oras na siyang nakauwi galing sa rehearsal niya.”

“Baka na-extend ang rehearsal niya. Hindi lang naman sa iisang show siya kasama. Tatlong play ang sasayawan niya.” Kahit pa nga minimal lang ang roles nito, istrikto pa rin ang mga choreographer nila at artistic director. Everything must be perfect. Ipinaiintindi ng mga ito na lahat ng cast ay mahalaga. Di lamang ang mga may lead roles. Kahit ang simpleng pagkakamali ay makakasira sa show.

“Uuwi din iyon. Tatawag naman siya sa akin kapag nakauwi na siya.”

Overprotective ito kay Sylvette dahil dalawa lang magkapatid ang mga ito. Si Yzaak na rin ang tumayong padre pamilya nang mamatay ang parehong ama nila sa pagguho sa isang uranium mining sa Russia na para sana sa demand ng iba’t ibang bansa para sa nuclear energy.

She was independent at the age of fifteen. Bata pa lang kasi ay namuhay na siya nang hiwalay sa Papa niya mula nang sa dormitory na siya ng Vaganova Academy tumira. Pero ang Mama nitong si Sylvia ang nagsilbing ina niya. Habang sineryoso naman ni Yzaak ang pagtataguyod ng paggamit ng renewable energy source. Tungkol din doon ang conference na dadaluhan nito. At kung may pagkakataon, lagi nitong binibisita si Sylvette at siya na rin.

“Naabala yata kita sa practice mo,” anito at pinagmasdan siya sa suot niyang loose blouse at leotards sa ilalim.

“No. Nagpapahinga lang naman ako kanina nang dumating ka.” At nag-iisip kung saan siya kukuha ng prinsipe bilang inspirasyon.

He suddenly encircled his hand around her wrist.“Lalo ka yatang pumapayat.”

Dali-dali niyang binawi iyon dahil parang may kuryenteng dumaloy sa katawan niya. Lagi siyang nahahawakan ng partner niya pero kay Yzaak niya naramdaman iyon. “P-Payat naman talaga ako.”

“Dapat hindi buto’t balat ang mga babae. Inaalagaan mo ba ang sarili mo?”

“Oo naman. Wala akong magagawa kung hindi ako tabain.”

Pumalatak ito at hinalungkat ang luggage nito. “Ayoko talaga sa mga babaeng ginugutom ang sarili nila.” Isang pakete ang ihinagis nito sa kanya.

Awtomatiko niya iyong sinalo. Naglaway siyang bigla nang makita kung ano ang pasalubong nito. “Wow! Chicharon!” Niyakap niya ang pakete ng chicharon. “Favorite ko ito! Miss na miss ko na! Thank you!”

It was a forbidden food. Pero wala siyang pakialam. Bata pa lang siya ay iyon ang patago niyang kinakain. Dahil istrikto si Sylvia pagdating sa diet niya, naka-ban ang chicharon kapag nagbabakasyon siya sa bahay nga mga ito. Habang kasabwat naman niya si Yzaak kapag gusto niyang kumain ng chicharon na paborito nito.

“Sige! Magpakasaya ka dahil wala niyan dito.”

May mabuti naman itong puso kahit madalas ay sungitan siya nito. Minsan lang naman siyang kakain ng chicharon kaya di naman siya tataba. “Wait! Iiinit ko lang sa microwave oven dahil nagsesebo na. Kain tayo.”

Di na niya hinintay pa ang sagot nito at tumakbo sa kusina. Excited niyang isinalin sa microwave dish ang chicharon at saka ipinasok sa oven. Hinarap naman niya ang paggawa ng sawsawang suka na may bawang. Kahit na sa Russia siya tumira, mas Pinoy pa rin siya. Iyon kasi ang gusto ng papa niya. Kaya kahit nakuha niya ang features ng mama niya na brown ang buhok at berde ang mata, mas gusto pa rin niyang mamuhay bilang Filipino at mag-retire sa Pilipinas. Magagawa lang niya iyon kapag sikat na siyang ballerina at maraming pera.

Bitbit ang bowl na pinagsalinan niya ng chicharon at sukang sawsawan ay bumalik siya sa sala. “Yzaak, kain tayo!” yaya niya. Subalit isang tulog na tulog na Yzaak ang naabutan niya pagbalik. Bakas ang pagod sa mukha nito. Hinayaan niya itong matulog. “Must be jetlag.”

Kumuha siya ng thermal blanket sa cabinet niya dahil mukhang nag-a-adjust pa ito sa lamig ng panahon sa Russia. Nang makumutan niya ito ay umungol ito at kusang iniayos ang kumot kung saan ito mas komportable kahit tulog pa ito.

Gumuhit ang ngiti sa labi niya. Mas guwapo ito at maamo kapag tulog. Hindi ito mukhang dragon. He was almost like a prince. A sleeping dragon prince.

He looked so damn kissable.

NAWALA ang ngiti sa labi ni Rayanne nang may marinig siyang boses na nagbulong na halikan niya ito. As if they switched places. Ito si Sleeping Beauty at siya ang prince. Well, make that a Sleeping Gorgeous Dragon Prince.

Naramdaman niya ang malakas na pintig ng pulso niya sa leeg niya habang nakatitig sa nakatiim nitong labi. Why not? Di kanina ay nagrereklamo siya dahil ang nasa malayo si Yzaak? Ngayon ay abot-kamay na niya ito. He was the inspiration that she needed. At nadodoble ang pagkagusto niya dito kapag di ito masungit at di matalim kung tumingin. Nangyayari lang iyon kapag tulog ito.

Well, Yzaak is the most gorgeous man in the planet once asleep. At wala siyang ibang lalaking gugustuhing halikan kundi ito lang. Minsan lang ang pagkakataong iyon!

Ipinikit niya ang mga mata at lakas loob na inilapat ang labi niya dito. She tried to immerse with her character. She was Sleeping Beauty. Na-comatose siya. At ang tanging magpapagising sa kanya ay halik ng isang prinsipe.

She felt that current of electricity zinging inside her body. And she thought she saw fireworks. Nabuhay nito ang bawat himaymay ng laman niya. Bumilis ang tibok ng puso niya. The kiss was sweet. It was something that she couldn’t get from her partner. Yzaak was dynamite. Tulog pa ito. Paano pa kapag gising na ito?

Kung ito ang prince niya sa play, baka makalimutan na niya kung ano ang gagawin niya sa stage oras na halikan siya nito.

Nahigit niya ang hininga nang dahan-dahang dumilat ang mga mata nito. Parang napapanood niya ang sarili sa Sleeping Beauty. Only it was the prince whom she woke up. And now, she was in trouble.

Mabilis siyang sumalampak sa sahig at tinalikuran ito. Kumuha agad siya ng isang pirasong chicharon at isinubo iyon. Narinig niya ang pag-ungol nito. Di niya ito nilingon man lang kahit na nagtatayuan ang balahibo niya nang maramdaman niyang natuon sa batok niya ang mga mata nito.

“Rayanne, did you kiss me? O panaginip ko lang iyon?”

Namanhid ang dila niya nang sinubukan niyang magsinungaling. She was not really good at lying. “Hinalikan kita. Kasi…” guwapo ka lalo kapag tulog.

“Dahil sa chicharon?” tanong nito.

“Chicharon?” Tiningnan niya ang bowl ng chicharon na hawak niya. “Ah, oo! Gusto ko lang mag-thank you!” Magaan niyang tinapik ang pisngi nito. “Salamat!”

Pinigilan nito ang kamay niya. “Baka mangamoy bawang at suka ako. Baka hinalikan mo rin ako kanina amoy bawang ka,” anito at tinalikuran siya. Napansin niya na banayad na ang paghinga nito.

Inambaan niya ito ng suntok. Di ba nito naamoy na mabango pa ang hininga niya kanina dahil di pa siya kumakain ng chicharon. Pasalamat ito at masarap itong halikan at binigyan siya nito ng excuse. Gusto naman talaga niyang magpasalamat sa chicharon. Iba nga lang ang motibo niya nang halikan ito.

Pinindot niya ang remote ng CD player niya at pumailanlang ang Rose Adagio ni Tchaikovsky na sasayawin niya para sa isang act ng Sleeping Beauty. Tumayo siya at kumilos ang mga paa niya. Nakatingkayad siya na pumunta sa may bintana and she imagine charming the people inside the theater.

She felt great and energized. No doubt that she could perform at her best as Princess Aurora. She had her own prince now. Her sleeping dragon prince. Yzaak.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.