“WHERE have you been? Siguro nakipag-date ka. Wala sa oras ang uwi mo, Sylvette. You are three hours late. Baka nakikipag-date ka lang,” sermon ni Yzaak sa kapatid habang nasa isang restaurant sila malapit sa Palace Square, isa sa importanteng historical site sa St. Petersburg. Di kalayuan ay ang pinakamalaking skating rink sa buong Europe na dinadayo kahit ng mga Winter Olympics medallists.
“Hindi ako nakikipag-date, Kuya. Wala akong ginagawa kundi pumunta dito para mag-practice. Well, one of my friends told me that I could join Ice Ballet. Iyon ang counterpart ng Stars on Ice dito. You know that I also love ice skating.”
Dumating si Sylvette sa apartment niya matapos mabasa ang note ni Yzaak kung nasaan ito. Dahil mainit ang ulo ni Yzaak, pinili nitong isama sa skating rink para maipakita kung ano ang ginagawa nito sa free time nito. Nakita niya na desididong mag-pursue si Sylvette at iangat pa ang talento nito.
Nakatitig lang si Rayanne kay Yzaak habang umaangil. Malayong-malayo ito sa lalaking hinalikan niya kanina. Guwapo nga pero mabalasik naman. But just the same. He was still good to look at.
“Is it safe to do that?” tanong ni Yzaak at bumaling sa kanya.
“Ha?” Nagulat pa siya dahil sa kanya na pala ito nakatingin. “Anong safe?”
Itinuro nito si Sylvette. “She, doing ballet and ice skating at the same time.”
Uminom siya ng tea saka tuluyang na-digest ng utak niya ang sinasabi nito. “Magandang exposure iyan para kay Sylvette. Magaling naman siyang mag-ice skate. She’s with corps de ballet. Kung di hectic ang schedule niya, she can also do other activities. She would be great on ice like on stage.”
Ngumiti sa kanya si Sylvette. Thankful na thankful ito sa kanya. Nang sabihin nito na gusto nitong mag-ballet, siya ang unang natuwa. Si Yzaak naman ang tutol na tutol. She had other dreams for Sylvette. Hangga’t maari nga ay ayaw nitong malayo sa kapatid. Kahit nang mag-aral si Sylvette sa London para sa Royal Ballet Academy, doon din nagpa-destino si Yzaak.
“Kuya, kasama ko ang iba sa mga kasamahan ko sa company. Even our director’s son is with us. Iyong ipinakilala ko. Si Igor.”
Kumunot ang noo ni Yzaak at tinanaw ang skating rink sa labas kung saan gumagawa ng exhibition si Igor. “Wala akong tiwala sa mga lalaking dumidikit sa iyo. We don’t know. Baka lokohin ka lang niyan. Dahil kung lalaki lang ang aatupagin mo, mabuti pang bumalik ka na lang sa Pilipinas. Mag-aral ka!”
“Kuya, no!” Ginagap ni Sylvette ang braso nito. “Please! I really want to do this. Ballet is the only thing that I want to do in my life. Nagsisimula pa lang ako. Ayokong bumalik sa Pilipinas ng talunan.”
“Yzaak, hayaan mo na siyang mag-practice. Maganda ang feedback niya mula sa choreographer niya. Mai-improve din ang skills niya kung magta-try siya ng ibang activities na may kinalaman sa ballet,” depensa niya kay Sylvette.
Nagpakawala ng malalim na hininga si Yzaak at mariing pumikit. “Alright. You may go. Pero isang pagkakamali mo lang…”
Biglang kinintalan ni Sylvette ng halik si Yzaak sa pisngi. “Thanks, Kuya. You are the best. I love you.” At tumakbo na si Sylvette bitbit ang skating boots nito.
“Nauto na naman niya ako,” iiling-iling na wika ni Yzaak. Mahigpit ito kay Sylvette pero may tendency rin naman ito na maging spoiler.
“Don’t be so hard on her. She likes this so much. You know Sylvette. Pabago-bago ang mga gusto niya. Madaling magsawa. Pero ito ang isang bagay na ipinaglaban niya sa iyo. This is her dream.”
Malungkot nitong tinanaw si Sylvette na tinuturuan ni Igor ng isang ballet variation. It was tricky dancing on ice than the normal floor. “She’s my only sister. Di madali na malayo siya sa amin ni Mama. I am responsible for her welfare.”
“Naiintindihan ko na ikaw na ang responsible sa kanila ni Tita Sylvia. But Sylvette also has to grow up,” paliwanag niya. “Mabuti nang habang maaga maging independent siya at gawin niya ang mga gusto niya.”
“Pero paano ko siya poprotektahan kung malayo siya sa akin?”
“She needs to grow up,” mariin niyang wika. “Kahit ako pa ang kasama niya, di ko rin siya laging masusubaybayan. Just trust her a bit.”
Mapait itong ngumiti at pinagmasdan siya. “She adores you so much. Nag-hunger strike siya nang di namin siya payagan ni Mama na dito na sa Russia mag-join ng ballet. But she keeps on insisting that you are here.”
“Jealous?” tanong niya.
Marahan itong tumango. And it was something that she didn’t expect. “Ako ang kuya niya pero mas gusto pa niya akong kasama. Kung marunong lang akong magsayaw, baka nag-aral na rin ako para masubaybayan ko siya. Ang kinatatakutan ko may lalaking umali-agilid sa kanya. Rayanne, sabihin mo sa akin kung nagpapaligaw ko nakikipag-boyfriend na ang kapatid ko. Iuuwi ko talaga siya sa Pilipinas. Seventeen lang siya.”
Bahagya siyang kumaway nang makitang kumaway si Sylvette. She was still painfully young. Batang-bata pa nga ito at maganda. Kahit siya ay natatakot din. Ayaw din niyang mapahamak si Sylvette. Pero may instances na si Sylvette mismo ang humihingi ng kalayaan nito. “Hayaan natin siyang lumipad. Gusto mo siyang maging successful, di ba? Mabuti pa mag-relax ka na lang.”
“Relax?” Nagkibit-balikat ito. “Relax naman ako.”
“I mean you should loosen up a bit.” Binuksan niya ang pouch at naglabas ng ticket. “Here. Para talaga sa inyo ni Tita Sylvia iyan. Ipapadala ko sana pero mabuti nang nandito ka. Baka sakaling makapunta kayo.”
“Si Mama daw manonood na lang kapag nasa London ka. Pero baka pabalik na ako sa Pilipinas sa play mo.”
Bumagsak ang balikat niya. “Gusto ko sana makanood ka. Pasasalamat ko na rin sa iyo.” Kung di dahil dito, baka balisa pa rin siya hanggang ngayon.
“Dahil sa chicharon?”
Tumango siya. “Yes! Dahil sa chicharon.”
Inilagay nito sa pocket ng coat nito ang ticket. “Then I will try.”
UMUGONG ang palakpakan sa Mariinsky Theater nang mag-bow si Rayanne. She gave a stellar performance and did justice as Princess Aurora. Her mentors even some of the well-known critic nodded.
It was her night. Inulan siya ng papuri ng mga kasamahan. They said that she was not Rayanne Nolliedo dancing as Princess Aurosa. She was Princess Aurora herself. Many were anticipating her next performance. Her sacrifices paid off. At iyon pa lang ang simula ng magandang career niya. Matapos ang interview sa ilang reporters at dance and ballet critics ay nagbihis na siya para puntahan ang naghihintay na mga magulang.
Mahigpit siyang niyakap ng nanay-nanayan at choreographer na si Vishneya. “You did great, Rayanne.” Iyon lang ang nasabi nito at umiyak na ito nang umiyak.
“Ahhhh, thank you, Mama!”
Ito rin halos ang tumatayong manager niya. Di ito nagkukulang ng pag-alalay sa kanya at parang nanay rin niya ito. Ito ang kanyang guardian angel. Dati itong principal ballerina sa Mariinsky Ballet at gusto niyang maabot ang naabot nito.
Niyakap siya ni Sylvette. “Ate! Naiinggit ako sa iyo. Kinikilabutan ako sa palakpakan nila. I wish I could be like you.”
“Magiging katulad din kita kung magfo-focus ka. Focus!”
It was very overwhelming. There was a great competition between dancers around the world vying for schools, scholarship and jobs. Maswerte nga daw siya dahil nai-cultivate agad niya ang potential sa bata niyang edad. Pero di simple ang hirap na pinagdaanan niya para marating sa kinalalagyan niya ngayon. It would take a very special person to perform thousands of spins and tendus within any given month. At ang importante ay kung ano ang magagawa niya kapag nasa stage na.
Hinanap ng paningin niya si Yzaak. Di niya ito makita. “Di dumating ang kuya mo?” tanong niya. Wala kasi itong hilig sa ballet. Di niya maintindihan kung paano siyang na-attract sa lalaking walang hilig sa bagay na pinakamamahal niya.
“Nandiyan!” nanghahaba ang ngusong sagot ni Sylvette. “Pero lumabas na lang siya basta. Akala ko nga nag-e-enjoy siya noong una. Hihintay na lang daw niya tayo sa lobby.”
“He is here?” Sheer excitement ran through her. “Pupuntahan ko siya…”
Akmang tatakbo na siya sa lobby nang pigilan ni Vishneya ang braso niya. “You have to change first.” Naka-Princess Aurora costume pa kasi siya.
Hinatak niya si Sylvette. “Tulungan mo akong magpalit.”
“Hindi ka naman masyadong excited, Ate,” anito.
Ngiti lang ang isinagot niya dito. Pakiramdam niya ay si Yzaak lang ang kulang sa gabing iyon. At makukumpleto na ang gabing iyon oras na makita niya ito.
Di na siya napigil pa ng mga ito na pumunta sa lobby matapos siyang magbihis ng dress. Sa pagmamadali niya ay di na niya tinanggal pa ang tiara sa ulo niya. Isang ballerina mula sa ibang ballet company ang kumakausap at lantarang nagfi-flirt dito. Kaya ba mas pinili nitong lumabas na lang para makipagkita sa ibang babae? Hindi ba sapat ang kagandahan niya para dito habang ang lahat ng lalaki kanina na nasa loob ng theater ay humahanga sa talento at ganda niya?
Di niya alam kung hahablutin niya ang buhok ng babae o tatalikod na lang siya at magmumukmok. Nakatingin lang kasi si Yzaak sa schedule ng mga susunod na shows at mukhang okay lang na makinig sa sinasabi ng babae. Then he gave the woman his icy glance. He was famous for giving than glance when he wanted to tell the person to leave him alone.
Daig pa ng babae ang tinamaan ng frostbite at dali-daling nagpaalam. Bumalik ang ngiti sa labi niya at nilapitan si Yzaak. “Mukhang may tinakot ka na namang babae, Mr. Argoncillo.”
“Only those who are annoying. And I suppose that kind of glance won’t affect you, huh!”
“I am Princess Aurora. The curse is finally lifted. Sa palagay ko hindi na ako matutulog ng isang century kahit na titigan mo pa ako ng matalim.”
Tumango ito. “Yes. A princess complete with tiara. Di ka pa nagbibihis?”
“Nakabihis na ako. Gusto ko lang tiyakin kung nandito ka nga. Sayang hindi mo napanood ang performance you. You must be bored.”
Gusto pa mandin niyang I-share dito ang tagumpay niya sa gabing iyon. Gusto niyang maging proud din ito sa kanya.
“No! You did great!”
“Liar! Hindi mo nga ako pinanood na mabuti. Lumabas ka agad.”
“Lover’s quarrel?” nakangiting tanong ni Vishneya sa kanila.
“No!” tanggi niya at kinuha ang bag niya kay Vishneya. Hinalikan niya ito sa pisngi. “Thank you. Let’s have another great evening tomorrow?”
“Of course.” Niyakap siya nito. “Congratulations!”
Di kalayuan ang building ng apartment niya mula sa Mariinsky Theater kaya pinili nilang lakarin na lang iyon. Di umuulan ng snow noon kaya masarap maglakad. Walang tigil sa pagkukwento si Sylvette sa mga nasaksihan nito nang gabing iyon. Nakangiti lang siya pero wala siya halos maintindihan.
Pinakikiramdaman niya si Yzaak dahil laging nakasunod ang tingin nito sa kanya. It was not that sharp look. Instead, it was warm and unsettling. Something that could make her heart skip a beat.
Una nilang ihinatid si Sylvette sa apartment nito na mas malapit sa theater. “Goodnight, Ate! Sana may Prince Charming din na gigising sa akin bukas,” kinikilig na sabi ni Sylvette.
“Subukan lang at paduduguin ko ang nguso niya,” banta ni Yzaak.
“Killjoy ka talaga, Kuya.” Tumingkayad si Sylvette at hinalikan ito sa pisngi. “I have an early practice tomorrow. Hindi kita maihahatid sa airport.”
“It’s okay. Basta mag-behave ka.”
Ini-adjust niya ang strap ng bag sa balikat niya. “I must be going as well. Napagod ako sa play. May show pa ako bukas.” Aalis na si Yzaak. Ni hindi man lang ito naging masaya sa sayaw niya. Sayang ang lahat ng papuri sa kanya sa gabing iyon kung ang lalaking gusto niya ay hindi niya napasaya.
“Ihahatid na kita,” anito at pinapasok na si Sylvette sa loob.
Tahimik siya habang naglalakad sila sa malamig na kalsada ng St. Petersburg. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin dito. Ang saya niya ay napalitan ng pagtatampo.
“Himala! Hindi ka yata masyadong maingay ngayon.”
Tiningala niya ito. “Kahit naman magkwento ako, di mo rin naman maa-appreciate. Hindi ka nag-enjoy sa show ko kanina.”
“I enjoyed it. You are sensational. Malakas ang palakpakan ng mga and everybody’s thrilled about you. Matutupad na ang pangarap mo na maging principal dancer. It won’t be for long.”
“Di naman importante ang opinion nila. Importante ang opinion mo.”
Humugot ito ng malalim na hininga. “You want my honest opinion?”
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. “Yeah!”
Huli na para bawiin pa niya. Gusto ba talaga niyang marinig ang opinion nito? Paano kung sabihin nito na huwag na lang siyang magsayaw? O kaya pangit siya sa stage? It would surely break her heart.
“Pwede bang hindi ka na lang halikan ng Prince mo?”
Nalaglag ang panga niya sa pagkabigla. That was the most ridiculous comment she had ever heard. “Hindi pwede! Bakit pa naging Sleeping Beauty iyon kundi lang din siya gigisingin ng Prince Charming niya sa kiss?”
Sinipa nito ang snow pile sa tabi nito. “Umisip sila ng ibang paraan. Hindi iyong kailangan mo pang halikan ang lalaking hindi mo naman gusto.”
“Pero gusto ko naman…”
“What? Gusto mo ang ka-partner mo?” angil nito, parang lalamunin siya nang buhay. Napaurong tuloy siya sa pagkabigla.
“Not me. I mean Princess Aurora and Prince Desire. It is just a play. Hindi naman totoo ang halik na iyon.”
“Kaya lumabas ako. Ayokong mapanood na halikan ka ng lalaking iyon.”
Hindi talaga niya ito maintindihan. Iyon lang ba ang ipinagsisintir nito? “What’s eating you? Gusto ko tuloy isipin na nagseselos ka sa akin…”
“Huwag mong iisipin iyan!”
Itinaas niya ang dalawang kamay. “Hindi na! Hindi ko iisipin.” Pero natutuwa siyang isipin na nagseselos nga ito. He looked like it. Nabuhay ang pag-asa sa puso niya. Kung nagseselos ito, ibig sabihin ay gusto rin siya nito. Wala itong ideya na habang hinahalikan siya ng prinsipe niya para gumising ay ito ang naiisip niya.
Mariing nagdikit ang labi nito. “Hindi ako manonood kung may hahalik na naman sa iyong lalaki.”
“Sino lang ang dapat kong halikan?” tanong niya.
Iniwas nito ang tingin sa kanya. “Kiss the man you are in love with. Sige! Halikan mo ang lalaking iyon. Anong magagawa ko kung parte iyon ng trabaho mo? Just don’t expect me to watch…”
She gave him a quick kiss on his lips to cut off his words. “Thanks!”
Nagitla ito. “Bakit… kasasabi ko lang sa iyo huwag kang hahalik sa lalaking hindi ka naman in love…”
Matamis siyang ngumiti. “Minsan mag-isip ka muna bago ka magsungit. Tawagan mo ako kapag nasagot mo na kung bakit kita hinalikan.”
Saka siya nagtatakbo papasok ng apartment building niya at iniwan niya itong nakatulala sa labas. Hindi siya makatulog nang gabing iyon habang iniisip ang mga nangyari sa gabing iyon. Everything was like a dream. Her career in ballet and Yzaak. Sana lang ay ma-realize nito na gusto siya nito at nagseselos ito. At kaya niya ito hinalikan ay gusto niya ito. He was her inspiration.