Stallion Island Series Chapter 23

Parang isang prinsesa na may invisible na korona si Rayanne habang naglalakad sa hallway ng Mariinsky Theater. Kakakausap pa lang ng director nila na siya ang pinili ni Prince Rostam, ang prinsipe ng Al Ishaq para mag-perform sa palasyo nito. Kahit ang mga sikat na ballerina sa ballet company nila ay di nagkakaroon ng ganoong pagkakataon. The royalties of that kingdom were so picky. At siya pa na baguhan ang napili ng mga ito.

Nag-ring ang cellphone niya. Dali-dali niyang sinagot ang tawag nang makitang number ni Yzaak ang tumatawag. “Yzaak! I have a good news for you.”

“Prince Rostam told me that you will perform here at Al Ishaq right at the palace,” wika agad nito. He was working for Prince Rostam. Bagamat langis ang pangunahing yaman ng naturang kaharian bukod sa mga mamahaling Arab horses, gusto ng prinsipe na magamit ang iba pang natural resources na di nauubos sa Al Ishaq. At ang kompanya nito ang kinuha ni Prince Rostam para I-develop iyon.

“Isn’t it great? Me performing for the prince and the whole kingdom. Teka. Alam niyang magkakilala tayo?”

“Nakita niya ang ticket ko sa show mo sa opisina ko. And I told him about you. He asked his dance critic friend about the reviews about you. The mere fact that you are part Filipino like him, he decided to talk to your director about bringing your company here. Next month na ang schedule ninyo.”

“Manonood ka ba?” tanong niya.

“It depends. Kung hahalikan ka na naman ng ka-partner mo, mas gusto ko pang mag-sandstorm dito. And every man in this kingdom will ogle you. Tama. Dapat talaga mag-sandstorm para mapuwing sila.”

Sumandal siya sa dingding at natawa. “I want to think that you are jealous.”

“I want to think that you like me that’s why you kissed the last time we are together,” he said in husky voice.

Muntik na niyang mabitiwan ang teleponong hawak niya. Nanlambot ang buto niya. “Well, that’s something that we shouldn’t discuss over the phone.”

Di naman niya pwedeng mahal niya ito sa telepono lang. Gusto niyang magkaharap sila kapag sinabi niyang ito ang prinsipe niya. And she didn’t give a damn about other men’s kisses. Halik lang nito ang may halaga sa kanya.

“Right. Pero kung may kissing scene, di ako manonood.”

“Don’t worry. We will do Coppelia and I’ll be just a doll. No romantic scene.”

“Is Sylvette coming with you?”

“I am not sure. May show din siya noon. Guess what? She’s having a solo role. She is one of the fairies in Sleeping Beauty.”

Bagamat di sila magkakasama sa naturang show dahil Giselle ang show na naka-schedule sa kanya, masaya na rin siya para kay Sylvette. Napapansin na ng company ang talento nito. At umaasa siya na maabot din nito balang-araw ang kinalalagyan niya basta maging pasensiyosa lang ito at magsipag.

“Good. I will give her a call later and I will see you soon.”

Soon. Pangako iyon. Dapat ay galingan niya kapag nag-perform siya. Di langa ng buong Al Ishaq ang dapat niyang ma-impress. Gusto rin niyang maging proud sa kanya si Yzaak at mahalin nito ang bagay na nagpapasaya sa kanya.

Nasalubong niya ang mga kasamahan ni Sylvette para sa Romeo and Juliet. Tinanong niya kung nasaan si Sylvette. Naiwan pa daw ito sa dance studio kasama ang isa pang principal dancer na si Igor. Ang alam niya ay tinuturuan ito ni Igor sa mga steps na hirap itong makuha.

Dali-dali siyang pumunta sa dance studio. Nabitiwan niya ang hawak na bag nang makita si Sylvette na na hinahalikan ng principal dancer nila na si Igor.

“Wwhat the hell are you doing?” pasigaw niyang tanong.

Dali-daling naghiwalay ang dalawa. Si Igor ay nagpaalam at hinablot ang coat na nasa sahig. Nagpaalam lang ito at dali-daling lumabas ng dance studio bitbit ang mga gamit. Gusto sana niya itong komprontahin. Naiwan si Sylvette sa loob na di mapakali. Ini-lock na lang niya ang pinto.

Naiwan namang nakaupo si Sylvette sa sahig. DI ito makatingin nang diretso sa kanya. “A-Ate, magpapaliwanag ako…”

Mariin siyang pumikit. “May relasyon na ba kayong dalawa?”

“I-I don’t know. We just realized that we are attracted to each other.” Nawala ang guilt sa mukha nito. Her eyes sparkled like diamonds. “Siya ang dahilan kung bakit nagsisipag ako sa ballet ngayon. Marami siyang naituro sa akin.”

“Hindi ko na alam kung tungkol pa rin sa ballet ang naabutan ko kanina,” may malisya niyang sabi at nasapo ang noo. “Alam mo na may iba siyang karelasyon? Isa ring principal dancer dito! Where’s your head? You are playing with fire.”

“A-Ang bilis kasi ng mga pangyayari…” mangiyak-ngiyak nitong sabi.

“Paano kapag kumalat ang relasyon ninyo? Hindi ka tatagal dito. At ano na lang ang sasabihin ng pamilya mo? Ipinagkatiwala ka nila sa akin.”

Mariin siyang pumikit. Naninikip ang dibdib niya maisip lang ang itsura ni Yzaak oras na malamang ang tungkol doon. Alalang-alala ito kay

“Hindi ko naman kasi alam kung paano kontrolin ang nararamdaman ko.” Naluha ang mga mata nito at yumakap sa kanya. “Rayanne, please understand. Nagmamahal lang naman ako. Bakit kailangang maging mali?”

“Mali dahil wala ka sa lugar! Bata ka pa! May girlfriend na siya.”

“Wala akong pakialam kung ang girlfriend niya ay may kapit sa company. Importante mahal naming ang isa’t isa! At hindi na ako bata. Malapit na akong mag-eighteen. Di ba ako pwedeng magdesisyon para sa sarili ko?” giit nito.

Mukhang nabubulagan na ito sa pag-ibig. She was young and impressionable. Madali para dito ang ma-attract. At kapag na-attract ito, di na nito magagawang makita ang rason.

“Mag-isip ka nga! How long will he keep you? Poprotektahan ka ba niya kapag natanggal ka sa Mariinsky? Don’t be stupid!”

“Bakit hindi mo ako maintindihan?” Niyakap nito ang sarili. “Kaibigan kita!”

“Nagmamatigas ka?” Hinaklit niya ang braso nito. “Sige! Sabihin mo sa kuya mo ang ginagawa mo dito. Ayokong madamay sa mga kalokohan mo, Sylvette.”

Kundi lang din naman ito makikinig sa kanya, mabuti nang mawala ito sa mga kamay niya. Ayaw niyang tuluyan itong mapahamak habang nasa poder niya.

“Ate, huwag mong sirain ang mga pangarap ko! Oras na malaman ni Kuya ang tungkol dito, baka mapatay niya ako. Pababalikin na niya ako sa Pilipinas at hindi na ako makakapag-ballet. I want to dance.”

Parang bibiyakin ang puso niya nang lumupasay ito sa sahig at humagulgol. She watched her grow. Kung anuman ang pangarap niya para sa sarili, iyon din ang pangarap niya para dito.At parang nakasalalay din sa kamay niya ang pangarap nito.

Umuklo siya sa harap nito at ginagap ang kamay nito. “Alam ko na mahirap mamili sa pagsasayaw mo at kay Igor. You can’t have both at the moment, Sylvette. At oras na piliin mo si Igor, ipapaalam ko sa pamilya mo ang tungkol dito. I am afraid you will lose everything. Kapakanan mo din ang iniisip ko.”

“I… I will forget about Igor. Ayokong umalis dito. Gusto ko pang sumayaw. I will do my best to be good, Ate.”

“Then I will be very firm with you as well. Hindi ka basta-basta makakalapit kay Igor. May mga matang nakasunod sa iyo mula ngayon. Doon din ako sa apartment mo titira.” Umungol ito bilang pagtutol. “Alam ko gusto mong magsolo but I have no choice.”

“Wala ka talagang tiwala sa akin?”

“You have to gain it, Sylvette,” mariin niyang wika. “At kapag out of town ako o nasa abroad, si Miss Vishneya ang titingin sa iyo.”

Marahan itong tumango bilang pagsuko. “I don’t have a choice, do I?”

“You don’t.” dahil isang pagtutol lang nito sa mga sinabi niya, pababalikin na agad niya ito sa Pilipinas. Di niya hahayaang masira ang buhay nito.

MAGKAHAWAK ang kamay nila ni Yzaak habang papunta sa Mariinsky Theater at habulin ang show ni Sylvette. Ilang oras pa lang ang nakakalipas nang lumapag ang flight nila mula sa Al Ishaq kung saan naging maganda ang pagtanggap sa kanya.

“I really like that country. The audience is great and they are so generous.”

Di siya makapaniwala nang regaluhan siya ng mamahaling alahas ng ilan sa mga royalty at may posisyon sa bansang iyon. She just didn’t know how to say no.

“Yes. And they even offered you to be a part of their harem,” hindi maipinta ang mukhang sabi nito.

“Nagseselos ka na naman?” tanong niya nang may pigil na ngiti sa labi. “Tinanggihan ko naman iyong mga sheikh na nag-aalok sa akin na maging part ng harem nila. And besides, sabi ko na ikaw ang Prince ko.”

Pinagsugpong nito ang mga kamay nila. “Good. At mabuti rin walang humalik sa iyo. Malaking problema talaga iyon. Masasaktan siya sa akin.”

Pinanood nang buo ni Yzaak ang show niya. At nakita niya ang pagmamalaki sa mga mata nito. Finally, na-appreciate nito ang ballet. Di rin siya nito iniwan habang kausap nito ang ibang mga patrons at alerto agad ito kapag may indecent proposals sa kanya. Dahil alam na malapit kay Prince Rostam, nobody would dare cross with him. Hindi niya alam kung boyfriend na niya ito. Ang sigurado lang ay espesyal ang pagtitinginan nila. Hindi na nila kailangan pa ng kahit anong tawag doon dahil di rin naman niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya habang kasama niya ito.

“Yzaak, paano kung may show ako na kailangang…”

“Halikan mo ulit ang ka-partner mo?” Dumilim ang mukha nito. “Quit ballet.”

“Yzaak!” angal niya.

Kinintalan siya nito ng halik sa noo. “Ako na lang ang lalabas.”

“Well, let me tell you a secret. Ikaw ang iniisip ko nang halikan niya ako.”

Umiling ito. “I don’t believe you.”

Hinaplos niya ang ibabaw ng labi nito. “Remember? Hinalikan kita habang natutulog ka sa apartment ko, my Sleeping Dragon Prince.”

Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga mata nito. “Pumasok na tayo.”

She felt so light. Maaring di pa sanay si Yzaak sa mundo ng ballet pero masasanay din ito.

Papasok na sila ng theater nang may marinig siyang tumatawag sa pangalan niya. ”Rayanne! Rayanne!” tawag sa kanya ni Vishneya. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Nakita na lang niya ang isang stretcher na galing sa dressing room. Sumasal ang kaba sa dibdib niya at dali-dali siyang tumakbo. Si Sylvette ang nakasakay sa stretcher. At tigmak ng dugo ang puting swan costume nito.

Nanlambot siya. Muntik na siyang matumba kundi lang siya nahawakan ni Yzaak sa balikat. “I am sorry,” mahinang usal ni Sylvette.

Namumutla na rin ito at mukhang nanghihina. Wala namang sakit ang kaibigan niya nang iwan niya. She was well. Nagpaalam pa nga ito na pupunta sa Moscow para sa Ballet on Ice doon.

“Shhh… don’t speak. Everything will be okay,” anang si Yzaak sa matatag na boses. Pero alam niyang nanlalambot din ito. Ayaw nito sa lahat na masasaktan ang nakababatang kapatid nito.

Marahang umiling si Sylvette. “Gusto ko lang sumayaw ulit. I still want to be a prima ballerina. Tutuparin ko pa ang pangako ko, Ate Rayanne. I am sorry. I was so stupid…Stupid…”

Kasabay ng paghina ng boses nito ay unti-unting pagsara ng mata nito. Nakalaylay na rin ang kamay nito nang isakay ito sa ambulansiya. Isinugod agad ito sa emergency room nang makarating sa ospital.

Napaiyak siya at yumakap kay Yzaak. Naramdaman niya ang pagtiim ng bagang ni Yzaak. “Sabihin mo sa akin, Rayanne. Ano ang nangyari sa kapatid ko?” mariin nitong tanong. Naramdaman niya ang pagbaon ng daliri nito sa braso niya. “Sabihin mo!”

“Hindi ko alam!” Nanginig siya sa takot nang makita ang apoy sa mga mata nito. She had never seen him so mad in his life.

“Tiyakin mo lang na wala kang alam!”

Nanlambot siya nang bitiwan siya ni Yzaak. There was a silent warning there. Oras na may mangyaring masama kay Sylvette, maaring siya ang managot.

THE memorial park was almost deserted. The sobs ceased moments ago. Kahit ang mga iyak ni Rayanne ay tumigil na rin. Wala na siyang iiiyak dahil isang linggo na ring mugto ang mata niya mula nang mamatay ang pinakamatalik na kaibigang si Sylvette. It was a week of scandal, sorrow and anger.

Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga pangyayari. Nang isugod sa ospital si Sylvette, saka lang nila nalaman na nagpa-abort pala ito nang mga panahong nasa Al Ishaq siya. Malala pa ang affair nito kay Igor kaysa sa inaasahan niya. At wala man lang siyang nagawa para protektahan ito.

Bakit kasi di ito nag-isip noong una pa lang? Bakit di nito sinabi sa kanya na nagdadalang-tao ito? Di sana ito magpapa-abort kung naroon siya para dito. May karamay sana ito. Di sana ito magkakaroon ng komplikasyon at mamamatay.

Muntik nang mapatay ni Yzaak si Igor nang malamang ito ang nag-udyok sa kapatid niya na magpa-abort. That miserable jerk! Ayon sa isang kasamahan ni Sylvette sa corps de ballet, ito pa ang inutusan ni Igor na sumama kay Sylvette sa pagpapa-abort sa Moscow. Normal lang iyong kalakaran sa bahaging iyon ng mundo. Wala na daw aasahan pa si Sylvette dahil malapit na itong ikasal. And Sylvette must be crushed. Wala nang matitira dito kapag nagbuntis ito. She had to leave the world of ballet.

Pinigil na lang ni Yzaak ang galit nito para sa mama nitong si Sylvia na gustong tuluyan nang matahimik si Sylvette. Si Igor naman ay dali-daling nagpakasal sa nobya nito at lumipat sa ibang ballet company dahil natakot itong tuluyang matanggal dahil sa reklamo ng mga Argoncillo. It was not enough. Dapat ditong makulong. Pero walang batas sa bansang iyon na poprotekta sa katulad ni Sylvette.

Niyakap niya ang sarili at hinapit ang suot na coat nang umihip ang malupit na hangin. Silang dalawa na lang ni Yzaak ang naroon. Papadilim na rin at lalo pang lumalamig. Lumapit siya dito. “Umuwi na muna tayo. Dumidilim na dito.”

“Bakit kailangang mawala ang kapatid ko, Rayanne?” tanong nito sa mahinang boses subalit may diin ang bawat salita nito.

“Hindi ko rin alam.” Mula nang magmahal si Sylvette, nakalimutan na nito ang sarili mo. At nang panahon na para buuin nito ang sarili nito, mali ang paraang ginawa nito. It ruined her career and dreams. It ruined her life.

“How could you allow this to happen?”

Tiningala niya si Yzaak. Nakatuon ang tingin nito sa puntod ni Sylvette subalit nararamdaman niya ang tinitimping galit nito. Siya ba ang sinisisi nito sa pagkamatay ni Sylvette? “Yzaak, hindi ko ito gustong mangyari. Nalaman ko na lang...”

Dahan-dahan itong lumingon sa kanya. Mistulang sibat ang mga mata nito na nagtulos sa kanya sa kinatatayuan. “Alam mo nang nangyayari ito pero hindi mo sinabi sa akin? Pinabayaan mo ang kapatid ko!”

Mariin siyang pumikit. He sounded as if she betrayed him. “Yzaak, it was not intentional. Nang mahuli ko sila, ginawan ko ng paraan para magkalayo sila. Gusto kong sabihin sa iyo ang totoo pero nakiusap siya sa akin na huwag kong sabihin sa iyo. I didn’t expect that she’d end up pregnant.”

“Bakit di siya magsasabi sa iyo? She trusts you! And I trusted you,” anito sa mahina ngunit mapanganib na boses.

Tinakpan niya ng mga palad ang mga mata niya dahil di niya matagalan ang akusasyon sa boses nito. Hindi na lang siya nagsalita. Ano ang depensa niya? Matatanong pa ba niya kung bakit di nagtapat si Sylvette sa kanya?

Maaring natatakot ito na magsalita. Alam nito ang kahihinatnan oras na sabihin nito ang totoo. Ipapaalam niya sa pamilya nito ang nangyari at babalik na ito sa Pilipinas. Hindi na ito makakapagsayaw pa. Tiyak na na-pressure din ito ni Igor. Gustuhin man nitong magsisi sa pagkakamali nito ay huli na. She was pregnant. At ang nakikita nitong paraan para ituloy ang pagba-ballet nito ay ang magpa-abort.

“Is this your idea?” Mahigpit nitong hinawakan ang balikat niya. “Did you also advice my sister to have the baby aborted so that she could continue with her ballet? Baka magkasabwat kayo ng Igor na iyon…”

Inalis niya ang takip sa mata niya. Sa naluluha at nanlalabong mata ay pilit niyang tinitigan si Yzaak. “What are you talking about? Hindi ko sinabi kay Sylvette na magpa-abort siya. NI hindi ko alam na buntis siya.”

Ni minsan ay di niya naisip na tama ang pagpapa-abort. She loved kids. Ni sa bangungot ay di niya naisip na gagawin iyon ni Sylvette. Sa kanya na natuon ang galit nito. Samantalang sa lahat ng iyon, si Igor ang may kasalanan.

Inalog nito ang balikat niya. Kanina ay walang ekspresyon ang mukha nito. Pinipigil lang nito ang galit nito. Ngayon ay handa na iyong sumambulat.

“Kung nalaman namin agad, susuportahan namin siya. Mas gusto naming buhayin niya ang bata kahit na walang ama. That child would be an Argoncillo. At di magbabago ang pagmamahal namin kay Sylvette. But no! Pinili niya ang ballet at ang pangarap ninyong maging sikat na ballerina. Pinili ka niya.”

Napaurong siya at umiling.“Hindi totoo iyan! And I have nothing to do with it.”

Subalit di nakinig si Yzaak at lumapit sa kanya. Parang isa itong hayop na handang sumila. “Is this how you make things work? Is this how you conquer the world? Para mutupad ang pangarap mo, kailangan mong pumatay ng inosente…” Hinawakan nito ang baba niya at inangat ang mukha niya. “Yes. You can conquer the world with your innocent face and your sinful body. And you are ready to ruin everything…”

“Bakit sinasabi mo sa akin iyan, Yzaak?” Bakit kung magsalita ito ay isang halimaw ang paglalarawan nito sa kanya? “I love your sister! I won’t do anything to hurt her. And I love you, Yzaak. Di ko sasaktan ang mga taong mahal mo.”

“Don’t give me that rubbish! Hindi na ako maniniwala na mahal mo ako o si Sylvette. It was a big mistake that I trusted you. Hinayaan kong ituloy ni Sylvette ang pangarap niyang mag-ballet para makasama ka. I allowed her to leave our family because I thought you’d take care of her. You put ideas inside my sister’s head. You killed her, Rayanne! You killed her.”

Tinakpan niya ang tainga. “No! That’s not true.”

Napayukyok siya at humagulgol ng iyak. Akala niya ay bumagsak na ang mundo niya nang mamatay si Sylvette. Pakiramdam niya ngayon ay ibinabaon siya ng buhay sa masasakit na salitang binitiwan ni Yzaak sa kanya.

Mahal niya si Yzaak. Naiintindihan niyang nasasaktan ito.

“Go back to your world, Rayanne. Alam kong maaabot mo ang mga pangarap mo. You are so damn good,” puno ng sarkasmo nitong pahayag. Iniluhod nito ang isang tuhod para mapagmasdan siyang mabuti. “Pero kahit makuha mo pa ang puso ng lahat ng tao sa mundo, walang lalaking magmamahal sa iyo ng totoo. All you love is yourself and your ballet. You will end up alone.”

Tumayo ito at naglakad palayo. Gusto niya itong habulin subalit wala na siyang lakas. Kahit ano pang sabihin niya kay Yzaak, di siya nito pakikinggan. Tinalampak nito ang pagmamahal niya.

Hindi lang matalik niyang kaibigan ang nawala sa kanya kundi maging ang lalaking mahal niya. At nang mga oras na iyon ay nabaon na rin ang puso niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.