The Bulwagang Fernando Amorsolo in Cultural Center of the Philippines was buzzing with guests and press people. Manghang-mangha ang lahat sa mga artwork na nilikha ng kaibigan niyang si Sapphire na isang sikat na painter at ng asawa nitong si Arthur na isa namang sculptor. Subalit ang highlight ng gabi ay ang mga artworks ng mga ito kung saan siya ang subject.
“For the romantic princess of ballet.”
Awtomatiko siyang ngumiti nang inabot ang flute ng champagne na ino-offer sa kanya. “Thank you, David! I didn’t expect na ganito ang magiging reception sa akin. I feel so special.”
Si David Pausinni ay isang Filipino-Italian na nagmamay-ari ng chain ng art gallery sa iba’t ibang panig ng mundo gaya ng Paris, New York at Milan. Kabubukas lang ng art gallery nito sa Manila. Ito rin ang pasimuno ng art exhibit para sa kanya. Bukod sa painting at sculptures ay may mga larawan din siya na kuha mula nang magsimula siyang maging ballerina at estudyante sa Vaganova Academy hanggang maging bahagi na siya ng Mariinsky Ballet. At dahil guest ballerina siya sa Ballet Philippines na itatanghal sa CCP, naisip din na gumawa ng exhibit para sa kanya. She was more of a Filipina than a Russian. Kaya naman gusto niyang sa Pilipinas itanghal ang exhibit para sa kanya.
“You are indeed special. You capture everyone’s heart. Girls envy you, guys fall in love with you and even little girls want to be like you someday. You are a living artform, Rayanne.”
“I owe it to you, David.”
Her striking looks made her a glamorous figure on and off the stage. Her long arms had fluidity and she was known for the height of her jumps, her extremely flexible back, the technical strength of her dancing, and her charisma. She was like a phoenix. She got better after she rose from the ashes.
Ang pinakamadilim na bahagi ng buhay niya ay nang mamatay si Sylvette. She stopped dancing for a few months. Hanggang makilala niya si David sa isang party na ibinigay ng lola nito sa mga ballerinas. Agripina Pausinni was a dear patron. Nang malaman nitong siya ang ini-request ni Prince Rostam para mag-perform sa Al Ishaq, ipinagmalaki agad siya ito. And David showed her around. Naramdaman niya ang matinding pagpapahalaga nito sa sayaw niya. And that breathed life into her.
Tinanong ni David kung saan ang susunod niyang perfomance. Wala na siyang planong magsayaw noon. Sinabi nito na siya lang ang ballerina na gusto nitong makita sa stage. And that he fell in love with her dancing. Parang nagkaroon siya ng dahilan para magpatuloy magsayaw. David became a good friend until she fell in love with him after a couple of years. Isa na lang ang hinihintay niya- sabihin nitong mahal din siya nito. At sa gabing iyon, naramdaman niyang malapit na itong magtapat sa kanya.
“You deserve it! You worked hard for this.” Pinisil nito ang baba niya. “Sold out na rin ang ticket mo. And you have several invitations…”
“Magseselos ang manager ko sa iyo. Parang hands on ka na sa career ko,” tatawa-tawa niyang sabi. Asikasong-asikaso kasi siya ni David. Well, that’s David. Basta magkasama sila, pinaparamdam nito na siya ang prinsesa nito.
“I won’t charge you with anything. Just dance and dance for me. Oh! Kausap ng manager mo si Neiji Villaranza. He wants you to endorse Stallion Shampoo.”
“Whoo! Interesting!”
Ang Stallion Shampoo na marahil ang pinakasikat na Shampoo sa Pilipinas. Kapag iyon ang binanggit. Naiisip agad ang magandang babae at ang nagguguwapuhang miyembro ng Stallion Riding Club at ang bagong bukas na Stallion Island.
Kausap nila ni David si Neiji Villaranza na siyang may-ari ng kompanyang nagma-manufacture ng naturang shampoo nang dumating si Sylvia. Hinayaan na niyang ang manager niya ang makipag-usap kay David at sinalubong si Sylvia..
Niyakap siya ni Sylvia. “Darling, sorry we are late. I had to wait for Yzaak to arrive from the island. Siya itong mapilit na sabay kami. Siya naman pala itong male-late.” Ang islang tinutukoy ni Sylvia ay ang Stallion Island, isang eksklusibong isla iyon na para lamang sa mga prestihiyosong member ng naturang club at pag-aari iyon ni Prince Rostam at ng anim pa nitong mga kaibigan na kilala bilang village lords.
Ang kompanya ni Yzaak na RENGY Powers ang nag-develop ng energy source sa isla at siyang nagme-maintain dito. Doon na rin halos nag-oopisina si Yzaak bagamat umaalis-alis pa rin ito kung kinakailangan.
“Nasaan po si Yzaak?”
Matagal na niya itong di nakikita o nakakausap man lang. Alam niyang iniiwasan siya nito. And she was still excited to see him. Kahit pa may David na sa buhay niya, he held a special place in her heart. Kundi lang siguro nawala si Sylvette, baka si Yzaak na ang boyfriend niya ngayon o baka nga kasal na sila.
“Mauna na daw ako. Ipinasundo na lang niya ako sa mga kaibigan niya.” At inginuso nito ang iba pang miyembro ng Stallion Island. Pamilyar na ang ilan sa mga ito lalo na si Oliver, ang security expert na siyang namamahala sa Stallion Island at bestfriend ni David. Kaya nga di na kailangan pang maging miyembro ng isla si David dahil naroon naman na daw ang bestfriend nito.
Hinalikan siya ni Oliver sa pisngi. “Hey! Nasa Al Ishaq pa si Prince Rostam. He asked me to deliver this message to you.”
Isang naka-emboss sa ginto na sulat ang natanggap niya kay Prince Rostam. It was an invitation to the Stallion Island. Espesyal daw kasi siyang bisita nito. At nire-recognize nito ang talento ng isang Filipina na tulad niya.
“Wow! Thank you!” Nanatiling siya ang paboritong ballerina ng prinsipe. At nangako ito na aanyayahan siya sa isla nito kapag nabuksan na.
“Tao ka ba talaga?” tanong ni Lee at kinusot pa ang mata habang nakatitig sa picture niya kung saan gumawa siya ng mataas na split jump. It was during a production of Don Quixote. “Kahit si Jairon di makakagawa niyan.” Magaling kasi sa kung fu si Jairon na namamahala ng isang computer company.
“Magkaiba kami. Ballerina siya,” sabi ni Jairon.
“May buto ka pa ba?” tanong ni Julian, nakababatang kapatid ni Jairon. “Parang di kasi nagagawa ng normal na tao ang ginagawa mo.”
“She has fine bones. Can’t you see?” kontra ni Chrome, ang Olympic medallist na siyang stable master ngayon ng Stallion Island. Sikat din kasi iyon sa mga kabayo at sa world class nitong riding club.
“Look! It’s my beautiful Sylvette!” manghang-manghang sabi ni Sylvia sa malaking black and white picture nila ni Sylvette. It was her first day in Mariinsky Ballet. Nakasalampak siyang dalawa sa sahig habang hawak ang tutus nila. “She looks so young, so innocent and so alive.” Pinisil nito ang balikat niya. “Thank you! Hindi mo nakalimutan ang kapatid ko. I miss her more.”
“Me, too.” Parang kapatid na niya si Sylvette. She was a big loss.
Mas lalo siyang naging malapit kay Sylvia mula nang mamatay si Sylvette. Subalit di si Yzaak. Isang kaaway ang tingin nito sa kanya. Ni halos ayaw siyang kausapin o tingnan man ni Yzaak kapag nasa isang lugar sila. He still hated her.
Di niya magawang magalit kay Yzaak sa kabila ng masasakit na akusasuyon nito sa kanya. He always held a special place in her heart. Gusto sana niya itong damayan pero ayaw na niyang ma-reject nitong muli. Tama na.
Sayang! Kung isinantabi sana ni Yzaak ang galit nito sa kanya at pumunta sa gabing iyon, sana ay nakita nito kung paano niyang ialay ang tagumpay niya kay Sylvette. Parang pangarap na din nito ang natupad niya.
Kumukuha sila ng hors-d'oeuvre sa buffet table nang mahuli niyang nakatitig sa kanya si Sylvia. “Yes, Tita?”
“David arranged everything, right? Did he propose to you already?”
“Not yet. But I am hoping it is soon.”
David was a lothario. He dated a lot of women, left and right. Ni minsan ay hindi pa siya nito niyaya ng romantic date samantalang open naman dito na gusto niya ito. Kung lalabas man sila, laging may kasamang mga kaibigan. She had been so patient. Natuto na rin siyang tiisin tuwing makikita sa mga diyaryo na may ka-date itong ibang babae. Ang katwiran niya, sa huli ay siya rin ang mamahalin nito.
Basta ang importante sa kanya, kapag uma-attend ito ng ballet shows niya ay wala itong kasamang ibang babae. Sa kanya lang din ang mga mata nito habang nasa stage siya. She was the one he adored. Sa palagay niya na isang senyales ang exhibit na iyon para ipakita ni David kung gaano siya kaespesyal dito. At alam niyang bago matapos ang gabing iyon ay magpo-propose na ito sa kanya.
“You deserve to be happy, Rayanne,” sabi ni Sylvia at huminga nang malalim. “Di ko na makikita si Sylvette na magpakasal. That’s why I am hoping to see you at the altar someday. Akala ko pa nga gusto ka ni Yzaak.”
Iling agad ang isinagot niya. “No. Imposible iyon, Tita. Alam naman ninyo si Yzaak. Before his engagement, he never dated the same woman twice.”
“Pinuwersiya siya ng lolo niya na magpakasal kay Kesca. Ngayon nagmo-mongha na ang anak ko. I expect that he’d be back to the dating scene soon.”
“Sana lang po magseryoso na nga siya sa babae.”
Pumalatak ito. “I don’t know. Wala naman talaga siyang balak na mag-asawa. Wala ka bang mga kaibigang ballerina?”
“I have a lot of single friends, Tita. I am sure they will say yes to Yzaak.” Kahit pa siguro ang pinakamatanda nilang ballerina ay tatango agad oras na aluking I-date si Yzaak. He could easily charm any woman in sight. Baka kundi dumating si David sa buhay niya hanggang ngayon ay si Yzaak pa rin ang mahal niya.
“Kung bakit kasi wala ang batang iyon ngayon dito!”
She excused herself. Baka tatawagan nito si Yzaak. Sinalubong niya ang kaibigang artist na si Sapphire. Isa ito sa mga gumawa ng painting para sa kanya. Kasama nito ang asawang si Arthur.
“Hay! Bakit ba hindi na lang ako naging dancer?” naiinggit nitong tanong.
“Paano ka pa magiging dancer? Buntis ka na.” Five months na itong buntis. And she was thrilled about it. “Bakit ba matagal mag-propose sa akin si David? Sana pala noong nasa Sagada kami, pinikot ko na siya.”
Tumawa lang ito. “Come on! Hindi mo naman kailangang mamikot. You are beautiful. You can have any man you want.”
“Sana nga.” Impatience can break her confidence sometimes. Alam naman niyang siya rin ang mamahalin ni David sa huli. Marami na itong naging girlfriends. Marami nang babaeng naka-date. Pero laging espesyal naman ang tingin nito sa kanya.
RAYANNE excused herself to go to the restroom. May film showing gamit ang LCD projector sa huli niyang matagumpay na performance sa Perm, Russia kasama ang mga Filipino musicians at ballet dancers. Naiinitan na siya at humuhulas na ang make up niya. She had to stay pretty for David.
Paglabas niya ay nilapitan siya ni Maggie, ang organizer ng exhibit at manager ng gallery ni Yzaak. “Rayanne, I’ve been looking for you. Someone wants to buy that painting.” At itinuro nito ang painting ni Sylvette.
Kumunot ang noo niya. “But it is not for sale.” Lahat ng itatanghal sa exhibit ay ibinebenta nila at ang beneficiary ay ang ilang institution para sa mga mahihirap na performing artists. Tanging ang picture lang nila ni Sylvette ang di niya ipagbibili.
“That’s what I told that guy. He told me to name your price.”
Sa dinami-dami ng artworks doon, bakit ang picture pa nila ni Sylvette. “Gusto kong makilala ang lalaking iyon.”
Malakas ang kaba niya nang lapitan ang lalaking nakatayo sa harap ng painting. Matikas ang tindig nito habang nakatayo sa harap ng painting. Bahagyang mahaba ang buhok nito na halos sumayad sa suit nito. She knew that familiar feeling. Even that man was familiar. Isang lalaki lang ang nagbibigay sa kanya ng ganoong pakiramdam.
“I am sorry. The painting is not for sale, Mr. Argoncillo,” wika ni Maggie.
“Everything has a price,” wika nito at naningkit ang mata nang malingunan siya.
“Kami na ni Mr. Argoncillo ang mag-uusap, Maggie,” aniya at di inaalis ang mga mata nang lumapit kay Yzaak. Parang may magnet na humahatak sa kanya palapit dito at di niya maialis ang paningin sa madilim at matiim nitong mata. Kahit naman noon ay di niya kayang iiwas ang tingin dito kahit pa galit ito. “You made it, Yzaak!”
Hindi pa rin siya makapaniwalang pupunta ito. Akala niya ay titikisin siya nito. Napakagaan ng puso niya nang mga oras na iyon. Parang ito ang pinaka-importanteng bisita niya. Siguro dahil sa mahabang panahon, alam niyang galit ito sa kanya. Six years halos ay ayaw man lang nitong I-recognize ang existence niya.
“Yeah! Pinagbantaan ako ni Mama na ipapa-rape ako sa kababata kong matagal nang may gusto sa akin kapag di ko ginawa.”
“Si Krizzie? Hanggang ngayon ba may gusto pa rin siya sa iyo?”
Lalong dumilim ang mukha nito nang subukan niyang tumawa. “Sige! Itukso mo pa sa akin si Krizzie at aalis ako dito.” Ibinaling ulit nito ang tingin sa painting. “Bakit hindi ko pwedeng bilhin ang painting ng kapatid ko? Give me a price.”
“Hindi mo na kailangang bilhin ang picture ni Sylvette. Ibibigay ko talaga iyan sa pamilya mo.”
His eyes became misty. “Thank you. Hindi mo kinalimutan ang kapatid ko,” anito sa nanginginig na boses. Vulnerable pa rin ito pagdating kay Sylvette. At natutuwa siya dahil di galit ang narinig niya sa boses nito.
“She’s also like a sister to me. Maniwala ka man o hindi.”
Inilabas nito ang checkbook at sinulatan ng halaga saka inabot ang tseke sa kanya. “Donation ko ito para sa mga tutulungan mo. I am doing this for Sylvette.”
“She’s happy wherever she is. Thank you!” Idinala niya ito sa counter para pumirma ito sa list ng mga nagbigay ng donation. “Mayamang-mayaman ka na siguro. Being a member of Stallion Island and all. And girls run after you…”
Nagkibit-balikat ito. “I am not really thrilled about it. Nag-member ako doon dahil gusto kong I-encourage ang mga maimpluwensiyang members para mas mag-focus sa environmental issue at paggamit ng renewable energy sources.”
“That’s business for you.”
“It’s an advocacy. Like you. I don’t believe you just dance for fame and money.”
“Of course not. I do it for my art.”
Isa sa magandang katangian ni Yzaak ay ang pagiging firm nito sa bawat pinaniniwalaan nito. He was a man of principles. Nakatuon ang atensiyon nito di lang sa pangkasalukuyan kundi maging sa pang-hinaharap. And he was very promising. She was delighted to see his visions come to life.
Kumuha siya ng dalawang flute ng champagne at inabot dito ang isa. “Bakit ka na-late kanina? May ka-date ka siguro.”
“The last time I checked it, you weren’t my mother.”
“The last time I checked it, we haven’t talked for six years. Wala sigurong masama kung kukumustahin kita.”
Tinungga nito ang champagne. “Go back to Pausinni. Baka hinahanap ka na niya at ng mga bisita mo. I don’t want to keep you.”
Mariing nagdikit ang labi niya. Wala itong balak makipag-kwentuhan sa kanya. Siguro ay nagpunta lang ito dahil sa nanay nito. Pero wala itong pakialam sa kanya. Magpasalamat na lang siguro siya na kinausap siya nito kahit paano.
She couldn’t even tell him that she missed him.
“Okay. Make yourself comfortable.”
Patalikod na siya nang bigla nitong hatakin ang kamay niya at hapitin ang baywang niya palapit dito. Nahigpit ang hininga nang masuyo niyang hawakan ang baba niya habang nakatitig ito sa mata niya. “Rayanne…”
Kinukulang na ng supply ng oxygen ang katawan niya dahil lalo pa nitong inilapit ang mukha sa kanya. Di halos makagalaw. “Why, Yzaak?”
“Gusto ko lang matitigan ang mukha mo. I didn’t get the chance to stare at you that much during those six years. Gusto kong makita ang mga nagbago sa iyo.”
Parang dahan-dahan siyang sinisilaban nang humaplos sa mukha niya ang mabangong hininga nito. Pinigil niyang mapapikit. It was a slow thrilling death to feel his warm breath against her skin. Ano bang ginagawa ni Yzaak sa kanya? Not even David could make her melt like this.
“A-Anong nagbago sa akin?” tanong niya.
“Lalo ka yatang pumapayat. Pausinni doesn’t take care you, does he?”
Napalunok siya. “H-He does. Diet … and… all.”
Unti-unti nang humihina ang boses niya. Marahil dahil nanghihina na rin ang katawan niya sa kakulangan ng oxygen. Yzaak was dangerous. Wala itong lisensiya para ilapit ang katawan nito sa kanya. Yet she had no power to say no.
Nagulat siya nang marahan siya nitong bitiwan. “Kapag pumunta ka sa Stallion Island, titiyakin kong makakakain ka nang marami. Don’t kill yourself for the sake of art.”
She tried to steady her feet. “Y-You are right!” Naging normal na ulit ang katawan niya nang muling magka-supply ng hangin. “And I should go back to the my guests now.”
Parang nasagip siya mula sa lumulutang na dagat nang makita si David na kausap si Maggie. Lumapit si David sa kanila. “Argoncillo! What can you say about the exhibit?”
“You know I have an eye for art,” kaswal na sagot ni Yzaak saka nilingon siya. “Nandito lang ako dahil kay Rayanne.”
“Yeah!” Humawak siya sa braso ni David. “Sister niya si Sylvette.”
“I know,” wika ni David at ginagap ang kamay niya. “Nilalamig ka yata.”
Binawi niya ang kamay kay Rayanne at hinaplos ng palad ang braso niya. “M-Must be the aircon.” Or it must be her encounter with Yzaak a while ago. Hindi basta-basta humuhupa ang epekto nito sa kanya.
“Take care of her, Pausinni. Masyado nang payat si Rayanne. Baka hindi mo siya inaalagaan,” wika ni Yzaak.
“I care for her the way I care for my Picasso.”
“You should care for her more than Picasso.” Saka nilapitan ni Yzaak ang ina.
Sinundan niya ito ng tingin. She wanted to believe that Yzaak cares for her. Is it too much to wish that she still has a spot in his heart?