Binuksan ni Rayanne ang cap ng Stallion Shampoo at ipinaamoy kay Sapphire. “Amuyin mo! Mabango siya at kasundo ito ng buhok ko. Nakausap ko na ang manager ko. We will sign the contract for Stallion Shampoo commercial after myshow.”
“So ikaw na pala ang magiging bagong endorser nila. Ibig sabihin magiging magkasingganda na tayo?” tanong nito at uminom ng strawberry shake.
Nasa isang restaurant sila ni Sapphire na di kalayuan sa Sining Galleryna pag-aari ni David. May dinner siya kasama ang binata at sasamahan siya sa designer niya para ito na mismo ang pumili ng gown na isusuot niya. Para naman dito kaya gusto niyang maging maganda. Dahil nasa meeting pa si David, pupuntahan na lang niya sa gallery mamaya at nakipagkita kay Sapphire na galing sa gallery ni David dahil artist ito doon.
“Maganda ka naman, ah! You are a Lizardo, ang sikat na clan sa Mountian Province. Di ba parang diyosa ka doon? Lalo lang na-enhance ang ganda mo dahil sa Stallion Shampoo. Akala ko kasi dati publicity lang nila at binibili ng tao dahil sa members ng Stallion Riding Club.” Lumabi siya. “Magaganda kasi ang gown ng hipag mo. Hindi tuloy ako makapag-decide ako ang isusuot ko.”
“Rayanne, nakailang pili ka na ba ng gown para sa party? Kahit ano sa creation ni Jenascia bagay sa iyo. What’s so special about it bukod sa last day ng performance mo? Kung espesyal iyon, dapat nga nagpapahinga ka dahil may sinat ka.”
“I have a feeling that David will propose to me during the party.” Balewala sa kanya kung masama man ang pakiramdam. Si David lang ang gamot doon.
Everything fell into place. Una ay ang exhibit na in-organize ni David para sa kanya. Ngayon naman ay ang party para sa tagumpay ng show niya sa Pilipinas. Hindi ba’t marriage proposal na ang kasunod niyon?
Mahabang sandaling di nakakibo si Sapphire. “We are not sure about that.”
Nahimigan niya ang alinlangan sa boses nito. “Ibig sabihin walang planong mag-propose sa akin si David?”
Bumuntong-hininga ito. “Raye, ayoko lang umasa ka sa kanya. Matagal na niyang alam na in love ka sa kanya. Ilang beses ka nang nakakita ng signs na magpo-propose siya pero hindi naman nangyayari. Iba pa rin ang nagiging girlfriend niya.”
Kulang na lang ay sabihin nito kung kailan ba siya matatauhan. Ilang beses na rin niyang muntik na sukuan si David. She even tried to focus her attention to other men. Pero lagi rin siyang bumabalik kay David. Only David could make her feel good. Wala siyang pakialam kung naging interesado man ito sa ibang babae. Nagsasawa din naman ito. At sa huli, sa kanya din naman nafo-focus ang atensiyon nito.
Ilang buwan nang di nakikipag-date sa ibang babae si David. Naka-focus ito sa gallery nito sa Manila at sa exhibit niya. Naka-focus lang ito sa kanya. Dati rati ay di ito tumatagal nang walang ibang babaeng ka-date. Ito na ang pagkakataong hinihintay niya. She was so sure. David would propose to her soon. Very soon.
“Kung gusto mo, huwag ka nang manood ng Dying Swan show ko. Doon na lang sa party. Gusto ko nandoon ka kapag nag-propose si David sa akin. Please!”
“Okay. I will be there.”
“Thank you!” Kumaway siya nang pumasok sa restaurant ang asawa nitong si Arthur. “He’s here! Mukhang hahayaan ko na kayong mag-date na dalawa.”
“Hindi ka ba sasama sa amin na manood ng show ni Leonard? Akala ko gusto mong mapanood ang Chinayao play nila?” tanong ni Arthur. May pinsan si Sapphire na miyembro ng Cordillera Performing Arts Group. Nagbibiyahe ang mga ito at nagpe-perform sa iba’t ibang bansa gamit ang mga katutubong sayaw at kwento ng Cordillera.
Naging interesado siya sa kultura ng Sagada dahil isa sa pangarap niya ay ang mag-incorporate ng ballet sa mga katutubong sayaw sa Pilipinas. But it won’t be easy. Wala pa naman siyang degree para maging ballet teacher. Pero dahil in demand siya ngayon, wala siyang oras para gawin ang ibang mga plano. Isa pa, mas gusto ni David na mag-perform siya sa stage. Gusto daw nitong makita pa rin siyang nagsasayaw sa stage gaya ng mga sikat at maalamat na ballerina pagtanda niya. After all, her beauty and grace are surely timeless. Siguro magkaka-oras siya para sa ibang plano niya oras na nakuha na niya ang ultimate goal niya. Ang makasal sa lalaking mahal niya.
“Alam mo naman iyan! Laging si David ang inuuna,” sabi ni Sapphire. “Ihahatid ka na namin sa gallery.”
Pagdating sa gallery ay sekretarya ni Maggie ang nabungaran niya. Ihinahatid nito ang isa sa mga kliyente. “Tapos na ba ang meeting ni David?” Si Maggie kasi ang ka-meeting ni David. Ang alam niya ay pansamantala lang pamamahalaan ni Maggie ang gallery dahil ito rin ang may hawak sa Pausinni Galleries sa Paris.
“Baka daw po matagalan pa sila, Ma’am.”
“It’s okay. I will just look around.” She liked Asian artists. They are so fresh due to their diverse culture. Siyempre pinakamagaling ang mga Filipino.
Iniisa-isa niya ang mga display ng pottery na may handpainting na gawa ng mag-asawang Sapphire at Arthur nang lumabas sina David at Maggie mula sa opisina ng huli. Sa ekspresyon ng mukha ng mga ito, mukhang di pa tapos ang meeting.
Nagulat pa ito nang makita siya. “Hello, princess!” bati ni David at humalik sa pisngi niya. “Tumawag na sa iyo ang assistant ko kanina.”
“Hindi pwedeng hindi tayo matuloy! Magtatampo ako.” Nakangiti siyang bumaling kay Maggie. “Meeting’s over? ”
“Not yet. We are supposed to discuss it over dinner,” wika ni Maggie. “Pero kung may lakad kayo ni boss, I must be going then.”
“No. Hindi pwedeng ipagpaliban ang pag-uusapan natin,” mariing wika ni David.
“Pero paano naman ang preparation ko para sa engagement party natin?” biglang nanulas sa dila niya. Bakas ang pagkagulat sa mukha ni David.
“Ie-engage na kayo?” gulat na usal ni Maggie. “Wow! Congrats!”
“No!” biglang tutol ni David. “Maggie, can you wait for me? I just need to discuss a few things with Rayanne. I’ll just borrow your office.”
Tumango lang si Rayanne at pinasunod siya ni David sa opisina. Malakas ang kaba sa dibdib niya. Noon lang niya nakitang di ngumiti si David. Galit ba ito sa kanya.
“I am sorry. Hindi ko sinasadyang banggitin sa iyo ang engagement party…”
“What engagement party?” tanong ni David.
Of course he’d deny it. Di nito inaasahan na mape-preempt ang sorpresa nito. “Siguro mo akala mo hindi ko napapansin na lahat ng ginagawa mo para sa akin recently dahil malapit ka nang mag-propose. The exhibit, the party… I should have pretended that I am not aware.” Pero anong magagawa niya kung na-excite siya?
“Rayanne, wala akong planong mag-propose. That party is meant to celebrate your tenth year as part of Mariinsky Ballet. And the Stallion Shampoo wants to welcome you as their endorser. That’s just it. It has nothing to do with us.”
So he didn’t want to steal the spotlight. “Kailan ka magpo-propose?” Kahit naman kailan ay okay lang sa kanya. Kahit noon din sa opisinang iyon. She didn’t care! Ang gusto lang naman sa kanya ay marinig na mahal siya ni David.
“Wala iyan sa plano ko,” mahina nitong usal.
Parang binuhusan siya ng nagyeyelong tubig sa spinal cord niya. Paanong wala itong planong magpakasal? Well, he may be a playboy. Pero magbabago iyon kapag nagmahal ito. “Am I not woman enough for you? Di mo ba ako mahal?”
“I love you, Rayanne. I love the way you move on stage and seduce the audience with your innocence.” Hinaplos nito ang buhok niya. “You are a living work of art.”
“Hindi iyan ang sagot na gusto ko!” She didn’t want to be the romantic princess of ballet or a living work of art. She wanted to be his woman. “Mahal mo ba ako? Do you see me as your girlfriend or your wife someday?”
Direkta siya nitong tiningnan sa mga mata. And she had never seen David so serious all her life. Kahit ang ngiti sa mga mata nito ay naglaro din.
“No! I was married once and I won’t do it again.”
MINSAN nang ikinasal si David? It was unheard of. Kahit sa mga gossip magazines tungkol dito ay walang naibalita tungkol doon. Pilit ngumiti si Rayanne. Inintindi niya ang kalagayan nito. “It’s okay. Siguro hindi maganda ang nangyari sa pagsasama ninyo. It turned bad. We’ll do it right, David,” aniya sa magaang boses.
Hindi siya magpapatalo sa anumang bumagabag dito. Siya ang babae para dito. Ang magtatama ng mali sa buhay nito gaya nang itama nito ang mali sa buhay niya.
“There’s nothing you can do about it.” He stared at her with eyes full of sorrow. “I still love her. I can’t love you the way you want me to.”
Naestatwa siya nang marinig ang sagot nito. Hindi iyon ang sagot na inaasahan niya kapag tinanong niya kung mahal niya ito. In her dreams, she always envisioned him answering yes and telling her that she was the woman of his dreams. Not the work of art but the woman he wanted to spend the rest of his life with. Subalit di niya nakuha ang sagot na gusto niya. May iba na itong mahal at di niya mapapalitan ang babaeng iyon sa buhay nito.
“I-I don’t believe you!Ang dami mong naging girlfriend.It’s not even in the news.”
Ginagamit lang ba nito ang babaeng naging “asawa” nito para walang mag-trap dito sa kasal? Is David so slimy to use that lowly tactic?
“It’s a secret that only a few people know. Kahit si Sapphire hindi alam. Sinasabi ko sa iyo dahil kaibigan kita. And those women, I only use them to camouflage my real feelings. Na nasasaktan ako at di ko makalimutan ang asawa ko.” Asawa pa rin ang tawag nito sa babaeng iyon hanggang ngayon. How pathetic!
“Maswerte pala ang mga babaeng iyon kung ganoon,” sarkastiko niyang sabi. “Kahit paano, kaya mong magpanggap na makakalimutan mo ang dati mong asawa sa pamamagitan nila.”
“Don’t make this harder for your self, Rayanne. Kaibigan kita. Di kita magagawang gamitin. And I have so much respect for you as a friend and as an artist.”
She was more pathetic! Kahit ang pagkukunwari nito di niya naranasan. He told her right away that he was not a bit attracted to her. Isa lang siyang art object dito.
Emotion suddenly surged inside her. Gusto niyang maging histerikal. Gusto niyang sampalin ito para maramdaman din nito ang sakit na nararamdaman niya. Hanggang ngayon ay dahan-dahan pa ring hinihiwa ang puso niya.
“I loved you all this time, David. Mukha akong tanga habang ipinaparada mo sa harap ko ang babae mo. But I didn’t care because I was a fool to keep on loving you. Pero masisisi mo ba ako? You’ve been treating me so kindly. Kung ayaw mo sa akin, noon mo pa sana ako itinaboy.”
Sadyang bang wala siyang isip? She never heard from him that he was in love with her. Mabait ito sa kanya pero tuwing magkasama sila, lagi nitong bukambibig ang tungkol sa ballet. Akala niya ay natural lang iyon sa isang lalaki na proud sa babaeng gusto nito. Kasalanan ba niyang umasa dito? Masyado itong malambing sa kanya. Kapag nagpe-perform siya ng ballet, nasa kanya lang ang mga mata nito. She felt so special whenever he tells everyone how great she was.
Ipinamulsa nito ang kamay. “Siguro nga kasalanan ko. I sent the wrong signal. Sana nga hindi na lang ako naging mabait sa iyo. Sana di kita kinaibigan. I am sorry.”
Halos bumaon ang kuko niya sa balat niya nang kuyumin niya ang palad. Ayaw na niyang maramdaman ang sakit. Ayaw niyang magmukhang mahina sa paningin ng lahat. Sinabi na sa kanya ni Sapphire na huwag siyang umasa. Alam na siguro nito na wala siyang aasahan kay David. Siya lang ang matigas ang ulo. He was married. At di siya nito nakikita bilang babae. Isa lang siyang work of art. Parang di siya tao.
“Sorry? Ilang taon kitang minahal. When you told me that you love whenever I am on stage and I make you happy, ginagawa ko iyon dahil gusto kong mahalin mo ako. Sorry lang pala ang masasabi mo sa pagmamahal ko.”
Nagsayang lang siya ng maraming taon. Kahit sinong babae naman siguro ay di kasing tanga niya. Tumingala siya at tumawa nang pagak. Pinagtatawanan siya marahil ng buong mundo. Makikitawa na lang siya sa kabiguan niya. Naramdaman niya ang pangingilid ng luha sa mata niya at tumulo iyon sa pisngi niya.
“Rayanne, don’t make this hard for me. I don’t want to hurt you.”
“You already did.” Malaya nang umagos ang luha niya subalit wala siyang pakialam kung dugo na ang iniluluha niya. “I am just a work of art? A dancing doll? That is hardly a compliment David. Kung sa ganoong paraan mo lang ako kayang mahalin, salamat na lang. I want you to love me as woman not as an art object!”
Tinalikuran na niya ito at nagtatakbo palabas ng opisina. Muntik pa niyang mabangga si Maggie. “Rayanne, anong nangyari…”
Di niya ito pinansin. Gusto lang niyang makatakas. Makalayo.
Masyado nang masakit. Maiintindihan naman niya kung mahal pa nito ang dating asawa nito. Pero sana tinrato siya nito na tao na may damdamin. All he cared about was her art, her dance. Siguro nga ay parang isa siyang mamahaling babasaging dancing doll para dito, kahanay lang ng mga pinakaiingatan nitong art pieces sa gallery nito.
She was just that- Rayanne Nolliedo, the romantic princess of ballet. Created for dance, not for love.
Gulong-gulo ang isip niya. Lakad-takbo lang ang ginawa niya sa kalsada. Wala siyang pakialam sa mga taong nakakasalubong niya o sa mga nakakasabay niya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Ni hindi nga niya mahanap maging ang sarili niya. Lahat ng paghihirap at pangarap niya ay naglahong parang bula. She felt like she was the most worthless creature. She was breathing for nothing. She was lost.
Isang malakas na busina ang narinig niya. Nang lumingon siya ay isang itim na sasakyan ang paparating. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Naramdaman niyang nawala ang bigat ng katawan niya at nagdilim ang paligid.
PARANG LUMULUTANG si Rayanne nang idilat niya ang mata niya. Bumungad agad sa kanya ang racoco at baroque style na kuwarto. Mistulang ginto iyon at sa mga paintings at frescos na nasa silid ay parang nasa isang palasyo siya sa Russia. Natagpuan din niya ang sarili na nakahiga sa four-poster bed.
Hindi niya alam kung paano siyang napunta sa lugar na iyon. Ang huli niyang tatandaan ay malapit na siyang masagaan ng isang paparating na sasakyan matapos sabihin ni David na di siya nito mahal. Patay na ba siya? O baka naman bumalik siya sa dating panahon para mabuhay bilang isang Russian princess. Iyon ba ang paraan niya ng pagtakas? Para makalayo sa lalaking di siya kayang mahalin?
Bumangon siya para tingnan ang nasa paligid niya. Bahagya pa rin siyang naliliyo kaya dahan-dahan siyang bumaba ng kama. Even the carpet was soft and intricately designed. Pero nasaan nga ba siya? Bubuksan sana niya ang kurtina nang maulinigan niya ang nag-uusap sa labas ng kuwarto.
“She’s tired. She needs total rest. Mukhang napagod siya nang sobra dahil sa mga rehearsals niya. If she wants to perform the next day, she needs to rest until tomorrow. And you have to make sure that she gets total rest.”
Kumunot ang noo nang marinig niya ang di pamilyar na boses. Bumagsak ang pag-asa niya na isa siyang prinsesa noong unang panahon. She was back to being a ballerina. So famous and successful but so alone. Walang nagmamahal.
“That’s all? She needs to take a rest?”
Boses iyon ni Yzaak. Bakit nandoon si Yzaak? Sumilip siya sa may pinto at nakilala niya ang interior ng condo nito. May isang matanda itong kausap na may suot na salamin. Sa palagay niya ay doktor iyon.
“Hindi naman siya nasagasaan. She lost consciousness because of shock maybe. At matindi ang physical exertion na narasanan niya.”
“Isn’t she pregnant?” may kahinaang tanong ni Yzaak.
Pregnant? Paano naman naisip ni Yzaak na buntis siya? Ang natatandaan nga niya ay puro polite kisses lang ang ibinigay ni David sa kanya.
Bumagsak na naman ang confidence level niya. Habang ang karamihan ng lalaki ay nagkakandarapa na maangkin siya, si David naman ay hanggang halik sa noo at pisngi lang ang naibigay sa kanya. Habang ang ibang babae ay inaalok agad nito ng date. Ganoon na ba siya kapangit para ayawan nito?
Napaupo siya sa sahig at napaiyak. She didn’t want to live like this? Parang wala siyang karapatan na mahalin. May nagawa ba siyang mali?
Di niya inangat ang tingin nang bumukas ang pinto. “Rayanne?” tawag sa kanya nI Yzaak. Lumapit ito at hinawi ang buhok niyang nakasabog sa mukha niya. “What are you doing? You should be resting.”
Pumihit siya patalikod dito saka niya inangat ang tingin at pinahid ang luha. “A-Anong ginagawa ko dito?”
“You collapsed infront of my car. Muntik na nga kitang masagasaan. Idinala kita sa ospital pero wala kang injury. So I decided to take you to my condo instead. Sabi ng doktor na tumingin sa iyo kailangan mo lang magpahinga. And thank God you are not pregnant.”
“Of course, I am not!”
“Bakit parang wala ka sa sarili mo kanina? Ni di mo nakita ang traffic light na naka-stop. Magpapakamatay ka na ba?” tanong nito sa mataas na boses.
“Ano naman sa iyo kung magpapakamatay nga ako o mamatay man ako?” Tumayo siya at hinagilap ang doll shoes niya. Katulad lang naman ni Yzaak si David. Wala rin itong pakialam sa kanya. “Where are my shoes?”
Nakita niya ang doll shoes na nakapatong sa shoe rack. Palapit siya doon nang harangan siya nito. “Why are you using that tone, Rayanne? Of course I care for you. Paano kung nadisgrasya ka? Makukulong pa ako!”
Tinapik niya ang pisngi nito. “Don’t worry, Yzaak. Kahit makulong ka, marami pa ring dadalaw sa iyong babae. Maraming nagmamahal sa iyo.”
Nangilid ulit ang luha sa mata niya. Kung nasagasaan ba siya, may lalaking mag-aalaga at magmamahal sa kanya? Wala!
Dadamputin niya ang doll shoes niya pero pinigilan nito ang kamay niya. “Hindi ka pwedeng umalis dito. You are worn out from your hectic schedule. At kailangan mong kumain. Ang advice ng doktor, kailangan mong magpahinga hanggang bukas ng tanghali kung gusto mong makapag-perform.”
Mapait siyang ngumiti. “Oh, yes! Malaking kawalan nga naman sa mundo ng ballet kung mawawala ako. Iyon lang naman ang mahalaga sa lahat ng tao, di ba?”
Napapasaya nga niya ang mga tao pero di niya magawang pasayahin ang sarili niya. Samantalang ang gusto lang niya ay may lalaking magmahal sa kanya.
“What’s eating you?”
“Simple lang. David prepared a party for me. Inaasahan ko na magpo-propose siya sa akin.” Binuksan niya ang kurtina at tinanaw hagupit ng malakas na ulan sa labas. “Nang magkita kami kanina, nadulas ang dila ko. Nabanggit ko ang tungkol sa pagpo-propose niya. Sabi niya imposible iyon. Wala siyang balak magpakasal. Tinanong ko siya kung mahal niya ako. He said yes.”
“Meron bang nagmamahal na hindi makapag-commit.”
Tumango siya. “Yes. David is commited to the world of art. He loves me whenever I am on stage.” Nakuyom niya ang palad at idinikit ang noo sa malamig na salamin. “He never saw me as a woman. Isa lang akong buhay na art object. That I dance to please people. Parang isa lang ako sa collection sa art gallery niya. I am not! Tao din naman ako. Di ba ako pwedeng mahalin? All these years, pinaasa lang niya ako sa wala. And I am a fool.”
Lahat ng taon at pagmamahal na nasayang niya ay dumaan sa harapan niya. Maging ang mga pangarap niya ay nawasak din sa harapan niya. Naramdaman niya ang panghihina ng katawan niya. Habol din niya ang hininga niya. Akala niya gagaling siya kapag nakita niya si David. It only made her feelings worse.
Muntik nang bumigay ang tuhod niya ngunit maagap siyang nasalo. “Damn it! Sabi ko sa iyo mahina ka pa. Magpapadala ako ng pagkain.”
Pilit siyang bumangon. “Ayokong kumain.”
Idiniin nito ang palad sa magkabilang gilid niya. “Kung gusto mong makaalis dito, kailangan mong kumain para matakasan ako. How about that for a dare?”
Handa siyang itulak ito para makatakas nang maramdaman niya kung gaano ito kalapit. It’s effect came rushing at her. She smelled his cologne. She wanted to slide her hand against his warm body. His proximity made her weak. No. She wouldn’t dare mess up with him. Baka mas lalo pa siyang mapasama.
“Kakain na ako,” mahina niyang pagsang-ayon.