Stallion Island Series Chapter 26

Kumalam ang sikmura ni Rayanne nang maamoy ang mabangong mushroom soup at corn muffin. Di pa mandin siya nagpapalipas ng gutom. Kahit na gusto niyang magrebelde, tiyak na magwewelga ang sikmura niya.

Tahimik siyang sumubo habang nakabantay si Yzaak sa kanya. He was worse than the Russian Army. “Hindi ako tatakas,” sabi niya. “Mahina pa ako.” Mag-iipon pa siya ng lakas dahil tiyak na di siya makakaalis sa condo nito hangga’t di nito natitiyak na magaling na siya.

“Buti naman alam mo. Kinausap ko ang manager mo. Si Miss Vishneya. Sabi ko kung di ka gagaling, ika-cancel ang concert mo.”

“Are you crazy?” tanong nito at iniumang sa labi niya ang kutsara ng soup. “Alam mo ba kung gaano kaimportante ang show na iyon? Everyone’s waiting for it. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag di natuloy ang show?”

“That you have to take a rest. Tao ka lang.”

“No. I am a dancing doll. Kailangan kong magsayaw para sa kanila. It’s what I live and breathe for. I must be cursed.”

“Dahil lang sa isang lalaki…”

“It’s not just David. Pati si Sylvette at ikaw nawala sa akin,” mahina niyang usal at marahang isinubo ang muffin. Parang lahat ng malalapit sa kanya na siyang may kinalaman sa success niya bilang ballerina ay nawawala. At sa huli, ang pagsasayaw na lang niya ang maiiwan sa kanya.

“Hindi ako nawala sa iyo. Nandito lang ako.”

“But you hate me. You thought I killed Sylvette.” Malungkot siyang ngumiti. “Well, that’s old history. You don’t really have to bother with me. Kung magsayaw man ako nang may sakit o mamatay man ako, ano ba sa iyo?”

“Hindi kita iniligtas para lang sabihin iyan. If I really hate you, baka hinayaan na lang kita doon sa kalsada nang walang malay at inaapoy ng lagnat. Sa ating dalawa, ikaw yata ang mas galit sa sarili o kaysa galit ako sa iyo. Di nag-iiisip!”

Tumalikod ito at pumasok sa bathroom. Talaga bang gusto niyang patayin ang sarili niya? Di nga ba siya nag-iisip? Anong magagawa niya? She was broken hearted. Gusto niyang ituon na lang ang atensiyon niya sa pagsasayaw. Iyon lang naman ang bumubuhay sa kanya. Iyon lang ang alam niyang gawin.

Susubo pa sana siya ng mushroom soup pero ubos na pala iyon. Di pa rin lumalabas si Yzaak. Nag-alala na siya. “Yzaak, ubos na ang pagkain ko! Bakit ba nagkukulong ka diyan?” pasigaw niyang tanong. “Okay. I am sorry. I shouldn’t have said those stupid words. Inaalagaan mo ako. Thank you! I will be good. Naubos ko na ang pagkain ko. Uuwi na ako.”

Wala siyang narinig na sagot mula dito. Di siguro nito matagalan ang presensiya niya sa bahay nito. Baka dala lang ng kabutihan ng puso nito ay inalagaan nito. Kahit siguro nasagasaang pusa ay aalagaan nito.

Biglang bumukas ang pinto at bitbit nito ang medicine box. “You are not going anywhere. Gusto kong makita ang paa mo.”

Tiningnan niya ang paa niyang nakabenda. “Anong problema sa paa ko?”

Bago pa siya nakahuma ay kinalag nito ang benda sa paa niya. Tumambad nito ang paa niyang puro kalyo at sugat. “Di ba ito problema?”

“Normal lang iyan sa ballerinas.” Ano naman kung magkasugat ang paa niya?

“May rehearsal ka kanina. You’ve been on pointe for so long.” Pumalatak ito nang tanggalin pati ang benda sa kabila niyang paa. Pinindot nito ang button ng intercom. “Bring me a basin of warm water and Epsom salt.” Kinalkal din nito ang medicine box. At naglabas ng medicated balm at foot balm.

Nang pumasok ang kawaksi ay dala ang palanggana ng mainit na tubig ay nilagyan ni Yzaak ng Epsom salt iyon. “Anong ginagawa mo?” tanong niya.

Inalalayan nito ang paa niya at ibinabad sa tubig. “Huwag mong aalisin iyan!”

She let out a growl. Nakaka-relax sa pagod niyang paa ang mainit na tubig. Iyon din ang ginagawa niya pagkatapos ng training niya para maalagaan ang paa niya. Kinalimutan na rin niya ang pagtutol. A while ago, she was in hell. Pero ngayon ay parang nasa langit na siya. “This is good!”

“Ballet on pointe is one of the most graceful and beautiful forms of dance. Good foot care after being on pointe should be given high priority as a dancer.”

Humiga siya sa kama at hinayaan lang na nakababad ang paa niya. Gusto na lang niyang magpahinga gaya ng paa niya. Pagod na ang puso niya, pagod pa ang katawan niya. That would be great. Then she could forget about the world. Napapitlag siya nang punasan ni Yzaak ng malambot na towel ang paa niya. “What are you…”

Maingat nitong nilagyan ng antiseptic ang sugat niya. “To prevent infection,” sagot agad nito kahit di pa tapos ang tanong niya.

She sighed deeply. The way he caressed her foot was so sensual and so seductive. Ni minsan ay di niya naisip na magagawa siyang alagaan ng lalaki sa ganoong paraan. David treated her to the best spa. Pero ni minsan ay di ito nagprisinta para alagaan siya mismo tulad ngayon.

Nakuyom ng palad niya ang bedsheet. Hindi siya dapat magpadala sa nararamdaman niya. David had just torn her heart into pieces. At di niya dapat kalimutan na si Yzaak din ang unang nagwasak sa puso niya. Parang wala siyang kadala-dala kung magpapaakit siya dito dahil lang inaalagaan nito ang paa niya.

“Bakit alam mong ganito I-treat ang paa namin?” tanong niya. “Gusto mo bang magpatayo ng spa and massage parlor?”

Direkta siya nitong tiningnan sa mga mata. “Pinag-aralan ko kung paano aalagaan si Sylvette noon. Pero ayaw naman niyang magpaalaga sa akin. Di na daw siya bata.” Malungkot itong ngumiti. “At least nagamit ko pa rin.”

Mahal talaga nito si Sylvette. Kung di siguro niya in-encourage si Sylvette na mag-ballet, baka buhay pa rin ito hanggang ngayon, nanonood sa kanya habang nasa stage. Sana kasama pa rin nito ang pamilya nito.

Pero bakit inaalagaan pa rin siya ni Yzaak? It was too much. He was taking care of her as if she was special. It was not fair. She didn’t deserve it.

Naramdaman niya ang pagpatak ng luha niya at mabilis niyang pinahid iyon. May babala sa mga mata nito nang tingnan siya. “Huwag mong sabihin na iniiyakan mo na naman si Pausinni? Maraming magkakagustong lalaki sa iyo. Kung isasama kita sa Stallion Island…”

“Hindi naman iyon ang iniiyakan ko. Wala pang gumagawa sa akin ng pag-aalaga tulad ng ginawa mo. Thank you.”

“I am in a generous mood at the moment. Feeling better?”

Tumango siya. “I will go back to the hotel and call my manager.”

Wala siyang balak bumalik sa nakaraan. Sina David at Yzaak ay bahagi ng nakaraan. At gagawin na rin niyang bahagi ng nakaraan niya ang ballet. Ballet caused her enough misery. Parang wala na siyang dahilan pa para sumayaw. The people’s applause was not reason enough to stay.

“Take a rest and stay here. Ako ang kakausap sa kanya. I will tell here that you are here.”

“Baka ipa-cancel mo ang show ko…”

“Hindi ko ika-cancel iyon kung magpapagaling ka!” Dinuro nito ang dulo ng ilong niya. “So don’t do anything stupid.”

Humiga siya at pumikit nang patayin nito ang ilaw. She really wanted to dance. Parang iyon na lang ang natitira sa kanya. Kung gusto niyang makapagsayaw muli, kailangan niyang sundin si Yzaak.

PUMAILANLANG ang cello solo sa musika ni Camille Saint-Saens sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of the Philippines. Tumutok ang spotlight sa gitna ng stage. Kay Rayanne. She was wearing a white ballerina dress with feathers. Mistulang isa siyang swan habang nagga-glide sa gitna ng stage. Siya ang huling mapapatay sa mga hayop sa circus ayon sa istorya. Para sa kanya, maaring iyon na ang huling performance niya. She moved across the floor in tiny bourrées. Animo’y may di nakikitang pwersa sa bawat galaw niya habang kumakampay ang kamay niya.

Nang pumailanlang ang putok ng baril ay bumagsak siya sa tubig. Nalulunod siya habang tinatangay ng agos. Sinusubukan niyang lumaban. Iyon mismo ang pakiramdam niya. Isang gansa na tinatangay ng agos habang sugatan. Sinusubukan niyang sagipin kung ano pa ang natitira sa sarili niya. At ang huling gabi na lang na iyon ang natitira sa kanya sa mundo ng ballet.

Ipinapakita sa sayaw na iyon ang isang mahinang nilalang sa isang madamdaming paghihirap bago ang kamatayan nito. Ipinapakita doon di lang ang kahinaan kundi maging ang paglaban habang hinaharap ang kamatayan… na lumaban hanggang sa huling hininga.

Parang siya ang swan na iyon. She should be graceful until her last breath. That’s a true ballerina.

Umulan ng masigabong palakpakan nang muling tumutok sa kanya ang spotlight at tumayo siya. Kung malabo ang mga mata niya, natitiyak niyang nakikita niya ang luha sa mata ng mga audience. Yumukod siya. Di niya alam kung saan galing ang pride na nararamdaman niya. Maybe because she danced for herself. Not for David’s love. At anumang emosyon ang ipinakita niya, nanggagaling iyon sa puso niya.

Niyakap siya ng choreographer niya. May luha sa mata nito. “That’s the best performance I’ve seen ever. You are the perfect swan and the best ballerina I ever worked with,” bulong nito sa kanya sa salitang Russian. Nagpasalamat siya dito. Madalang itong magbigay ng compliment lalo na sa Dying Swan na napaka-emosyonal sayawin.

Niyakap siya ng manager niyang si Vishneya. “Great, loobemaya! The dance critics are crying their hearts out on that performance. That’s your best!”

“Thank you!” pasasalamat niya at tinanggal ang swan headdress.

Nang humarap siya sa salamin, alam niyang malaki ang accomplishment niya sa gabing iyon. And she didn’t have David in mind. It was just her and her audience. Mula ngayon, sa sayaw na lang niya itutuon ang atensiyon niya.

Tinulungan siya ni Maya na tanggalin ang swan headdress niya. Kinalag nito ang pony tail niya at sinuklay ang buhok niya. “You still have a fever. You should take a rest. You don’t have to attend that party.”

“I must! I must face David. I must face them,” aniya at pilit na ngumiti. Nasabi na niya sa manager niya na walang mangyayaring marriage proposal mula kay David. At kung gaano katinding sakit ang nararamdaman niya.

Tipid itong ngumiti at niyakap siya. Wala itong magagawa kapag siya ang nagdesisyon. Gusto man siya nitong protektahan, kailangan niyang harapin lahat.

Nagulat siya paglabas ay walang press na naghihintay sa kanya. Himala! Ihinahanda na niya ang sarili sa pagharap sa mga ito dahil tiyak na dudumugin siya. Iintrigahin ang susunod na mangyayari sa relasyon nila ni David at tiyak na ang malalapit sa kanila ay aabangan ang “proposal” nito na iniilusyon niya.

Handa siyang harapin lahat ng mangyayari sa gabing iyon. At para na rin sa ikatatahimik ni David, ibibigay niya ito sa babaeng mahal nito. Sasabihin niya sa lahat na mabuti lang silang magkaibigan. At ilalatag niya ang santambak na tours na magmamarka sa career niya pati ang pagiging model ng Stallion Shampoo.

“We sent the press to the party. We asked them to wait for you there,” anang si Vishneya nang makita ang pagtataka sa mukha niya. “Get in the car.”

“You are not coming with me?”

Ginagap nito ang kamay niya at tinapik. “I’ll be at the other car. I have a date.” Isang Russian diplomat ang naghihintay dito.

Mabuti pa ang manager niya may lovelife. Ganoon din ba ang mangyayari sa kanya? Aabutin siya ng siyam-siyam bago makahanap ng lalaking magmamahal sa kanya? O buong buhay niya ay uubusin niya sa ballet.

Inaliw niya ang sarili niya sa linya ng mga yate na nadadaanan niya sa gilid ng Manila Bay nang ipasok ang sasakyan sa vicinity ng Manila Yacht Club.

Tinapik niya ang driver. “Kuya, sa Manila Hotel po tayo.”

“May gusto lang pong makipag-usap sa inyo.”

Nanlamig ang kamay niya. Paano kung kikidnapin siya? O kaya ay ipapakain na lang siya nang buhay sa mga pating kung mayroon mang may galit sa kanya? Di niya alam kung paano siya lalaban dito nang suot niya ang magandang gown niya. Kinapa niya ang cellphone niya. Tatawag na sana siya sa manager niya nang tumigil ang kotse subalit nakatutok sa isang lalaking nakatayo sa harapan ang headlight.

Saglit na tumigil ang puso niya sa pagtibok nang makitang si Yzaak iyon. Bumaba siya bago pa man siya nito mapagbuksan ng pinto. He looked dashing on his black suit. Even his slightly long hair was in place. Di tinatangay ng hangin.

“Hi! I am sorry for the inconvenience. Hindi na ako makakapunta sa party kaya naisip ko na I-check ka bago pumunta doon.”

“I-I am fine.” Di na lang niya sinabi dito na may bahagya siyang lagnat dahil tiyak na papagalitan siya nito. Kinaumagahan ay sinundo siya ni Vishneya sa bahay nito at ibinalik sa hotel. Pero tiniyak ni Yzaak na may doktor na titingin sa kanya. She even asked him to come to her show but he just grimaced. She took it as a no. Wala naman talaga itong hilig sa ballet. “You look good,” nanulas sa labi niya.

Bigla itong nailang at di agad nakapagsalita. Ayaw nga pala nito ang napupuri. “I want us to talk. Six years tayong di nagkausap tungkol kay Sylvette.”

Hindi niya inaasahan na bubuksan nito ang topic na iyon. Na ito pa mismo ang lalapit sa kanya para pag-usapan iyon. Akala nga niya ay dadalhin na lang nito sa hukay ang hinanakit nito sa kanya. May naghihintay sa kanyang party. But it can wait. Ang pagkakataong ibinibigay ni Yzaak sa kanya ay di na mauulit pa.

“Dito tayo mag-uusap?”

Inilahad nito ang kamay. “The yacht is waiting. It will provide us privacy.”

Tinanggap niya ang kamay nito at inalalayan siya nito pasakay sa yacht. Sa deck ay may nakalatag na blanket at naglalakihang unan. May nakahanda din na champagne na nakababad pa sa ice bucket. It was nostalgic. Nang maka-graduate siya ng Vaganova Academy at papasok na sa Mariinsky Ballet ay naghanda si Yzaak ng midnight picnic bago siya bumalik ng Russia.Baka daw iyon ang huling pagkakataon niya kumain ng chicharon.

“Kakain ba tayo ng chicharon?” tanong niya at tinanggal ang high-heeled shoes.

“No. Vishneya will probably kill me. I hope champagne is fine.”

“Bordeaux Champagne is perfectly fine with me.” Ni hindi siya tumutol nang umandar ang yate palayo sa pantalan. It gave her a sense of comfort even for a while. Bago man lang siya pugutan ng ulo. Tumingala siya sa langit nang gumuhit ang champagne sa lalamunan niya. “Second best ito sa chicharon pagkatapos ng nakakapagod na performance.”

“You did a moving performance and you look fabulous on that swan costume.”

Ini-adjust niya ang sarili sa cushion. “Nanood ka?”

“Yes. Naawa ako sa swan. Iyak nang iyak si Mama. Ngayon lang ulit ako nakanood ng show mo pero parang gusto kong mahilig sa classical ballet.”

“That is not so you, Yzaak but thank you. Para sa isang tulad ko, malaking achievement nang ma-appreciate ang ballet ng isang taong walang hilig dito.”

“I know Sylvette is happy for you. Gusto rin ni Mama na maging masaya ka.”

Inubos niya ang champagne sa kopita at pinasalinan ulit dito. “Tell me. Paano ako sasaya? Ipokrita ako kung sasabihin kong masaya na akong habambuhay na lang na mag-ballet. I am just making the most out of it. I don’t think magmamahal pa ulit ako. Ang mga minamahal ko, nawawala din sa akin o di ako kayang mahalin.”

Kahit na pinipilit niyang lumaban, katulad lang siya ng swan na iyon. Sa huli ay napilitang magpatangay sa agos.

“You just need to take a rest. Get away for a while.”

“Bakasyon? Lalo ko lang maiisip kung gaano ako kamiserable. At least sa ballet nararamdaman ko may silbi ako kahit na dancing doll lang ako.” Tumayo siya at hinaplos ang gown. “Thanks for the champagne and for watching my show. Kailangan ko nang pumunta sa party. Pakibalik na ako sa dock.”

Pagtakas ang huling bagay na gagawin niya. Mababaliw siya kung di siya makakapagsayaw. Doon na lang niya ibubuhos ang kabiguan niya tulad ng dati. Sa bawat pinagdadaanan niya, sila lang ng pagsasayaw niya ang nagkakasama sa huli.

“Hindi na ito babalik pa sa Manila. Hindi ka na pupunta sa party.”

“What? Are you crazy?” Maraming tao ang naghihintay sa kanya. He couldn’t be serious! Tiyak na maraming taong nag-aalala sa kanya.

“Hindi ka na kailangan doon. Malamang nasa kalagitnaan na ang press conference ni Miss Vishneya. Siya na ang haharap sa press at kay David.”

“At ano naman ang sasabihin niya sa press?”

“Na kailangan mong magbakasyon. Hindi pa sigurado kung ilang buwan… siguro isang taon. You just need to gain your strength.”

Nanlaki ang ulo niya. “No! No way!” Inilabas niya ang cellphone niya para tawagan ang manager niya. Di pwedeng I-cancel niya ang lahat ng schedule niya. She needed to dance. Muntik na niyang ibato ang cellphone niya dahil walang signal. Binalingan niya si Yzaak na prenteng-prente sa pag-inom ng champagne. “You can’t do this to me! Isang araw pa lang na di ako magsayaw, mababaliw na ako!” Tumakbo siya sa railing ng yate at tinanaw ang papaliit na ilaw ng Maynila. “Ibalik mo ako!”

Hinila siya nito sa baywang at isinandig sa katawan nito. “Don’t you even dare jump! Hindi ka makakalangoy sa gown mo.”

Kumawala siya sa pagkakahawak nito at hinarap ito. “May galit ka talaga sa akin at sa ballet, no? Gusto talagang sirain ang career ko.”

Kunyari lang na naiintindihan siya nito. Na na-touch ito sa performance niya. She was like that swan, shot through her heart. Inalisan na siya nito ng kakayahang huminga.

Hinaplos nito ang pisngi niya. “I care for you and your ballet,” anito sa malamyos na boses. “Ayoko lang patayin mo ang sarili mo. May lagnat ka pa. Pinilit mo pa ngang mag-rehearsal kahapon kahit dapat nagpapahinga ka. Nag-perform ka kahit may sakit ka. Well I got news for you. Kahit na lumangoy o lumipad ka pabalik sa Manila, wala ka munang trabaho. Manager mo ang nagdesisyon nito. I just gave her an idea.”

She clenched her fist. Ano bang laban niya? Nasa kamay ni Yzaak ang kapalaran niya. Siguro nga ay nag-aalala lang ito sa kanya. Naramdaman niya iyon nang alagaan siya nito. Pero hindi naman nito kailangang panghimasukan ang buhay niya. Kahit ang manager niya ay nakuha nito ang pagsang-ayon.

“Hindi na ako magtatrabaho? Paano ko bubuhayin ang sarili ko?”

Humalukipkip ito. “Sagot ko ang bakasyon mo. Wala kang gagastusin. So you can forget about dancing for a while. Magagawa mo ang lahat ng gusto mo. Kahit ang diet mo pwede mo ring kalimutan.”

“Great! As if that appeals me.”

“Ipapangalan ko sa iyo ang isa sa windmill sa Stallion Island. Ang kikitain no’n habang nakabasyon ka, sa iyo mauuwi.”

Tumawa siya ng pagak. Windmill? How charming! “Makakapagsayaw ba ako sa tuktok ng windmill na iyan?” Itinaas niya ang dalawang kamay nang titigan lang siya nito. She was at his mercy. Wala siyang magagawa kundi magpatianod. “Alright! Saan mo ako dadalhin? Sa Spratly’s Island?”

“Matulog ka na lang. Bukas ng umaga malalaman mo kung saan tayo pupunta.”

“Fine!” Binitbit niya ang high heeled shoes at pumasok sa loob ng yate. Mini living room ang bumungad sa kanya. Nakita niya ang isang pinto. Iyon marahil ang cabin na tutulugan niya. Bigla siyang inantok nang makita ang eleganteng kama. Ini-lock agad niya ang pinto at ibinagsak ang sarili sa kama.

Kinatok siya ni Yzaak. “Rayanne, that’s my cabin.”

“Gusto ko dito!” At niyakap niya ang unan saka pumikit. It was heavenly. Dahil bahagyang maalon sa labas, parang nasa water bed siya.

“Paano ako? Saan ako matutulog? Sa kabilang cabin…”

“Doon ka sa kabilang cabin o kung saan mo gustong matulog. Basta dito ako!”

“Rayanne!” pasigaw nitong tawag sa kanya.

“Goodnight, Yzaak! Sweet dreams!” Mahina siyang tumawa nang sumuko ito.

May ngiti sa labi niya nang ipikit ang mata. She didn’t even bother to take off her gown. At least for tonight, she could still be the romantic princess of ballet.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.