“Be glorious all day long with Stallion Shampoo. Totoo ba ito?” tanong ni Sahara nang matapos ang presentation ng Define Ads para sa bagong Stallion Shampoo commercial. Siya ang napiling endorser ng naturang kompanya kagayang iba pang shampoo company at iba pang kompanya na gusto siyang kuning modelo mula nang manalo siya ng Olympic gold medals sa track and field event.
Siya ngayon ang itinuturing na bayani ng bansa. Sa wakas kasi ay nakapag-uwi ng gold medal ang PIlipinas. At ang nakamangha pa sa marami ay di siya mukhang maskuladong atleta. Mas mukha nga daw siyang isang beauty queen. Kahit nga ang pag-aartista ay ino-offer sa kanya. Tumanggi lang siya dahil tama na sa kanya ang mga commercial. Magagamit kasi niya ang mga iyon para sa mga plano niyang paunlarin ang sports sa bansa. Gusto kasi niyang suportahan pa ang mga atletang Pilipino para mamayagpag sa mundo.
“I use the shampoo ever since and I love it,” sagot ng nag-present kanina na si Rahya. Isa iyong buhay na testimonya kung gaano ka-effective ang Stallion Shampoo. “Lahat ng activities na gagawin mo sa commercial, ginawa ko using Stallion Shampoo. Madali siyang I-manage kahit na mabasa ng tubig o tangayin ng hangin. I can just enjoy the day nang di iniisip ang itsura ko. Stallion Shampoo took care of that.”
Sa story board ay ipinakita ang iba’t ibang klaseng adventure sports na maaring makasira ng buhok. Yet it would look great with Stallion Shampoo.
Ang Stallion Shampoo na marahil ang pinakasikat na shampoo sa bansa. Nang i-launch ito ay na-associate agad ito sa exclusive na Stallion Riding Club na pugad ng guwapo at mayayamang lalaki sa bansa. At lahat ng Stallion Shampoo commercial ay sa naturang lugar isinu-shoot.
Ang bagong bukas na Stallion Island ang pagiging lokasyon ng commercial. Sa magazine lang niya nakita ang features ng naturang isla na pag-aari ni Prince Rostam at ng mga mala-prinsipe nitong mga kaibigan. Kahit sinong babae ay papangarapin na makapasok sa naturang lugar at di na siya iba sa mga iyon. At isang pang-akit sa kanya ang commercial. Parang paraiso kasi ang isla. At di na masamang paligiran ng nagguguwapuhang lalaki.
Siniko siya ng kaibigan niyang si Summeria na pansamantala niyang manager dahil pauwi pa lang mula sa Morocco ang mama niya na siyang tumatayong manager niya. “Tanggapin mo na ang offer. Stallion Island na iyan. Maraming boys. Walang ibang shampoo commercial ang magpapasok sa iyo doon.”
Dinampot niya ang shampoo. Isang malaking karangalan na maging Stallion Shampoo model. Isa pa, nangako ang kompanya na tutulong sa pangarap niyang magtayo ng Olympic library para sa mga atletang Pilipino.
“Kailan magsisimula ang trabaho natin kung sakali?” tanong niya kay Rahya at sa head ng Facet Ads na si MIsha Santoros na member din ng Stallion Island.
“As soon as you sign the contract,” sabi ni Neiji na owner ng manufacturing company ng Stallion Shampoo.
“Then you better prepare that contract soon. You got yourself a new Stallion babe,” deklara niya at kinamayan ang lahat.
Nagpaalam agad siya sa lahat dahil marami pa siyang schedule. May pictorial pa siya para sa mga magazine at may meeting pa siya para sa commercial ng isang energy drink. Kahit yata sabong panlaba ay gustong ipa-endorse sa kanya. Hindi man siya naging beauty queen gaya ng pangarap ng mama niya pero parang Miss Universe na rin siya kung tratuhin ng mga tao ngayon dahil sa tinatamasa niyang kasikatan.
“How about you, Summeria? Kailan ka magiging endorser ng Stallion Shampoo?” tanong ni Neiji nang palabas na sila ng conference room. Isang explorer kayaker ang kaibigan niya. She might look vulnerable but she could flip and somersault over waterfalls and gushing water on her kayak.
“You have to talk to my manager,” anito at kinindatan si Neiji.
“Bakit hindi mo tinanggap ang offer na maging model nila?” tanong niya nang naglalakad na sila papunta sa parking lot. “It will fund your expeditions with your brother. Hindi ka mahihirapang humanap ng sponsor.”
“Saka na. Ayoko ng masyadong ma-showbiz. Di ko kaya ang schedule mo. You have the looks, the fame and the money. Kulang na lang sa iyo boyfriend. Baka sa Stallion Island mo na iyon matagpuan, girl.”
Umasim ang mukha niya. “Hindi ba close sa mga kabayo ang mga tao doon? Alam mo namang may allergy ako sa mga kabayo.”
Sa dinami-dami ng sports na nasubukan niya, equine sports ang di niya sinubukan. She would remember her father’s attachment with horses. She would remember Chrome. Ayaw na niyang maalala pa si Chrome.
“Baliw ka ba? Bakit ka pumayag maging endorser nila kung ayaw mo sa kabayo? May eksena kang nakasakay ng kabayo.”
“Di ba pwedeng alisin iyon?”
“Kailan pa nagkaroon ng Stallion Shampoo commercial na walang kabayo? Anong gagawin mo ngayon?”
“CONGRATULATIONS, Sahara! Ikaw na ang bagong model ng Stallion Shampoo!” Tuwang-tuwa siyang niyakap ni Dawn nang dumating siya sa family suite na kinuha nito sa isang La Brissa Boutique Hotel sa Manila. “Sinabi ko naman sa iyo, di ba? Bagay talaga sa iyo ang maging model nila. Nakita ko ang story board. I am sure magiging hit na naman iyon. Sino ang ka-partner mo?”
Kadarating lang ng mga ito mula sa equestrian competition ng nakababata niyang kapatid na si Jonas sa competition. Bukas ay babalik na ang mga ito sa Rancho Paradiso.
“Ma, hindi pa kami nagmi-meeting.” Niyakap niya ang dose anyos na kapatid na si Jonas. “Hello, Prince Charming! Ano ang pasalubong mo kay Ate?”
Itinaas pa nito ang tatlong gold medals na sadyang isinuot nito para ipagmalaki sa kanya. “Ginalingan ko po, Ate. Para maging katulad kita.”
Namamayagpag na sa Junior show jumping competitions ang kapatid niya. Sa wakas ay natupad na rin ang pangarap ng papa niya na magkaroon ng anak na magkakaroon ng hilig sa mga kabayo gaya nito.
Nabuo ang pamilya nila na lalo pang tumibay sa pagdating ng nakababata niyang kapatid na si Jonas. Ito ang itinuturing na anghel ng pamilya. Subalit sa kabila niyon ay may harang na sa pagitan nilang mag-ama. Di maiwasang maging malamig ang trato niya dito paminsan-minsan.
Isang kahon ang inabot ng papa niya sa kanya. “For my Stallion princess.”
Sinilip niya ang laman ng kahon. Isang white gold necklace iyon na may pendant ng tumatakbong kabayo. Isinara agad niya ang kahon. “Thanks, Pa,” tipid niyang pasalamat kasama ang tipid na ngiti.
Di niya nakahiligan ang mga kabayo kahit na sa rancho na siya tumira. Mas gusto pa niyang kaibiganin ang mga baka. Isang uri ng pagrerebelde niya na nakuha niya ang Olympic medal na pangarap nito pero di mula sa isang equestrian event. Ayaw niyang maikumpara siya nito kina Chrome at Kriege na kapwang nagtagumpay sa equine world. Umiwas din siya sa mundong iyon dahil ayaw niyang makita ang sinuman sa mga ito lalo na si Chrome. Maayos na ang pamilya niya subalit may naiwan pa ring pilat sa puso niya. Minsan sa buhay niya, iba ang piniling maging anak ng papa niya. Walang kahit anong Olympic gold medal ang makakabura ng alaalang iyon.
Naghahapunan na sila nang biglang magtanong ang papa niya. “Nakita ko ang storyboard ng commercial mo, hija. You have a horseback riding scene where you have to jump over a vertical bar. Hindi ba di ka marunong sumakay ng kabayo?”
Natigilan siya sa pagkain. Iyon ang eksenang bumabagabag sa kanya. Iyon din ang malaking babayaran sa kanya sa commercial. Di pwedeng maging simpleng horseback riding scene lang iyon dahil mawawalan ng sense of adventure. Isa pa, kailangang maging impressive siya sa commercial na iyon para masundan pa ang commercial niya. And of course, that would involve horses again.
“Nasabi ko na po iyon sa mga namamahala ng commercial. They will provide me training. In no time, I can easily ride a horse. Di po mahirap iyon sa akin,” puno ng kumpiyansang wika niya. Di niya aaminin na natatakot din siya. Di madaling magmaniobra ng kabayo lalo na ang patalunin ito.
“Sa rancho ka na lang mag-training,” alok ng papa niya.
Itinaas ni Jonas ang kamay. “Tuturuan kita, Ate!”
Malungkot siyang ngumiti at pinisil ang baba ng kapatid. “Hindi na. Mag-concentrate ka na lang sa competition mo. May magtuturo na sa akin sa Stallion Island. May invitation ako mula kay Prince Rostam.”
It was a privilege to be invited by the prince. Di lahat ng sikat na tao sa bansa ay nagkakaroon ng ganoong pagkakataon. Ang iba pa nga ay handang gumastos makatapak lang sa Stallion Island. Kaya susulitin na niya ang pagpunta doon. Mas gugustuhin na niyang magpaturo sa isang estranghero kaysa sa Papa niya. the ranch had so many memories of Chrome. She refused to stay there.
“Anak, tama iyan! Doon ka na lang sa Stallion Island. Tiyak na maraming magkaka-interes sa iyo doon na member. Sana pagbalik mo may boyfriend ka na,” excited na wika ng mama niya.
“Di kailangan ng member pa ng Stallion Riding Club o Stallion Island ang magustuhan ng anak mo. Basta mamahalin siya at di lolokohin,” anang papa niya.
“I will keep that in mind, pa. Don’t worry,” aniya at sumubo. Kaya nga takot siyang magmahal. Ayaw na niyang danasin ang minsang ipinadanas sa kanila ng papa niya. Ayaw niyang masaktan. Dahil sa papa niya, nawala rin sa kanya si Chrome. At ito ang lalaking di niya maaring mahalin pa.
“A NIGHT soiree with Sahara Fernandez!” Ipinagwagwagan ni Summeria ang imbitasyon na nasa royal blue velvet paper at may gold emboss. “You are on a different league. At si Prince Rostam pa mismo ang nagpahanda ng party para sa iyo. At nandito ka lang sa Stallion Island para mag-aral mangabayo.”
Nakasakay sila sa isang puting karwaheng hila ng dalawang kabayo na sumundo sa kanila sa guesthouse ng Stallion Island. Papunta sila ngayon sa welcome party na ihinanda ni Prince Rostam para sa kanya. Di niya inaasahan ang party na iyon. Mabuti na lang at may kasamang dalawang evening gown ang inempake ng mama niya na gamit niya papunta sa isla.
“Nalulula nga ako dito sa lugar na ito. Everything about this place is so grand.”
Mula high tech terminal ng mga pumapasok at lumalabas sa isla, sa white sand beaches at magarbong palasyo ni Prince Rostam sa pinakamataas na bahagi ng isla. MAging ang mga mamahaling kabayo ay nakaka-intimidate. Binibigyan kasi ng importansya ang mga kabayo sa lugar na iyon. After all, Stallion Island was a riding club first and foremost.
“At naghihintay sa iyo ang santambak na Prince Charmings. Isama mo pa si Prince Rostam at ang anim na village lords. Baka pwedeng maki-share.”
TInampal niya ang braso nito. “Puro ka kalokohan. Kinakabahan nga ako.”
Hindi siya mahilig makipag-socialize sa matataas na tao. Mama niya ang sanay sa pakikihalubilo sa mga tao. Dapat na daw siyang masanay sabi ng mama niya. Kaya di ito sumama para matuto siya.
“Mag-smile ka na lang. We are here.”
TUmigil ang karwahe sa tapat ng Banyan Tree Restaurant. Isa iyong eleganteng restaurant na itinayo sa paligid ng banyan tree. Pag-aari iyon ng village lord na si Rouen. Pagbaba pa lang niya ay tumutok na ang atensiyon sa kanya ng mga tao. Nakakakaba talaga. Pilit siyang ngumiti. Puno ng naggagandahan at nagguguwapuhang nilalang ang party. Nagpalakpakan ang mga ito at kusang nahawi ang daan nang lumapit sa kanya si Prince Rostam.
“Miss Fernandez, welcome to Stallion Island,” anito at kinintalan ng halik ang likod ng palad niya. Nanginig siya nang matitigan ang berde nitong mga mata. Huling beses na nanginig siya nang ganoon ay kay Chrome. But they were on a different level. Prince Rostam really had a regal air around him.
Lalo siyang natabunan ng atensiyon nang makilala pa niya ang mga village lords ng Stallion Island. They were princes in their own right. Malulunod na yata siya sa sobrang papuring ibinibigay ng mga ito sa kanya.
“This welcome party is really unnecessary,” nahihiya niyang wika.
“You bring honor to our country,” katwiran ni Alexandros na isang sikat na car racer bukod pa sa chain of international hotel ng mga pamilya nito. “You deserve a hero’s welcome.”
“We will support your Olympic library,” sabi naman ni Ryuhei na isang grand slam tennis champion.
Itinaas ni Prince Rostam ang champagne glass. “For our heroine. Mabuhay!”
“Mabuhay!” sabay-sabay na sigaw ng lahat.
She was definitely having the time of her life. Iyon yata ang pinakamagarbong party na naibigay sa kanya. Bumabaha ng pagkain at mamahaling alak. Muntik na siyang masamid nang magtama ang paningin nila ng pares ng matitiim na mata. Its owner had patrician nose. Manipis din ang mga labi nito na nakatiim. Lumalabas ang mga dimples nito kahit na di ito nakangiti. Parang ngingitian nito ang lahat ng tao sa mundo maliban sa kanya. His angelical looks simply made her heart pound so hard.
“Chrome,” usal niya at di magawang alisin ang mga mata dito. He matured so much. Ang alam niya ay nasa thirty na ito. Labing-isang taon na ang nakakaraan mula nang huli silang magkita. His eyes were full of hatred. And he had that same hatred and indifference in his eyes. Only stronger. And it was heartbreaking for her to see him after a long time again. Lalo na’t di nagbago ang tibok ng puso niya para dito. Nang mga oras na iyon ay parang may karera ng kabayo sa dibdib niya.
“Chrome, come here!” Parang nananadyang tinawag pa ito ni Prince Rostam palapit sa kanila. Chrome effortlessly glided though the crowd. He looked lithe in his black suit. Dati ay naka-checkered polo lang ito lagi na bagay para sa mga trabahador ng rancho. Now he looked so elegantly polished.
Anong ginagawa nito sa Stallion Island? Ang alam niya ay abala ito sa pagbiyahe sa iba’t ibang bahagi ng mundo. He was a successful equestrian. Marami na itong award na napanalunan at sikat di lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Dapat nga ay magkakasama sila sa Olympics pero nag-backout ito sa di niya malamang dahilan. Siguro para iwasan siya.
Bahagyang yumukod si Chrome paglapit kay Prince Rostam. “Your Highness.”
Natawa si Chrome. “Huwag mo siyang pansinin. Nickname lang nila sa akin ang Your Highness. Sahara, I want you to meet our stable master here at the island. Chrome Venitio. Chrome, si Sahara ang magiging estudyante mo hanggang matapos na niya ang Stallion Shampoo commercial. Please take care of her.”
Pareho silang nagulat ni Chrome. PAreho nilang ayaw na makasama ang isa’t isa. Pareho lang nilang di magawang tumutol dahil kaharap pa nila si Prince Rostam. What a big joke. Kung sino pa ang pinakaiiwasan niya, ito pa ang magtuturo sa kanyang sumakay ng kabayo.
“Chrome is one of our best horsemen. I worked with him at Al Ashiq. He is well respected in our country,” paliwanag ni Prince Rostam.
Inilahad ni Chrome ang palad sa kanya. “Miss Fernandez…”
Napilitan siyang kamayan ito. “It is an honor, Mr. Venitio. Sana hindi kayo mahirapan na turuan ako.”
“I will see you tomorrow, six in the morning here at Banyan Tree. Don’t be late,” anito at nagpaalam na sa kanila ni Prince Rostam.
“He is a bit unusual tonight,” komento ng prinsipe. “Chrome is a very nice guy. Maybe he is worried about one of the horses. Parang siya na ang tatay ng mga kabayo dito sa isla. Mas gusto niyang problemahin ang kabayo kaysa sa babae.”
NAninibago siya kay Chrome. Napakalamig ng trato nito sa kanya. Alam niya ang dahilan ng kalamigan nito. Di lang niya napaghandaan dahil ang orihinal na plano ay siya ang di mamamansin dito. Naunahan pa tuloy siya nito.
Nakasunod ang tingin niya kay Chrome habang nakikipagngitian ito sa ibang babaeng guest doon. Libreng-libre ang ngiti nito sa iba samantalang sa kanya ay di man lang siya nginitian kahit na pabalat-bunga. Guwapo pa mandin nito kapag nakalabas ang dimple at nakangiti. Life is so unfair!
“Sino ang cute na dark angel at may dimples?” tanong ni Summeria nang dikitan siya. “Ang ganda din ng mata.”
MAtalim ang mata niya nang lingunin ito. “PAti ba naman ikaw?”
“Anong pati ba naman ako?” inosenteng tanong nito saka ito nanunuksong ngumiti. “Uy! Crush mo si Mr. Dimples, no?”
“Anong crush?” maangas niyang tungayaw. “Anong palagay mo sa akin? Fourteen years old pa rin na nagpapadala sa magandang ngiti at mapang-akit na dimples ng lalaking iyan. Hindi na ako mai-in love sa lalaking iyan kahit kailan!”
Nagpapalit-palit ang tingin nito sa kanya at kay Chrome. “You mean… siya…”
Dumampot siya ng hors d oeuvre mula sa tray ng nagdadaang waiter at isinubo dito. “Wala kang sasabihing kahit ano.” Nakita niya na paalis na si Chrome ng restaurant. “Dito ka lang. Huwag kang aalis,” bilin niya kay Summeria at hinabol si Chrome.
Ilang bisita ang sinubukang harangin siya subalit kailangan niyang tanggihan agad. Di pwedeng di sila magkalinawan ni Chrome. Humihingal na siya nang sa wakas ay maabutan ito. Naglalakad na ito palayo habang sukbit ang suit sa balikat nito. Ni hindi man lang ito nagpaalam sa kanya.
“Chrome, sandali!” Tinakbo niya ang distansiya nila nang tumigil ito.
“Yes, Miss Fernandez?” pormal nitong tanong.
Di agad siya nakapagsalita. Malamig na naman ang mga mata nito at puno ng pagkamuhi para sa kanya. How could she handle him when he is like this?
“Pwede bang hindi na lang ikaw ang maging instructor ko? You know how awkward it is….”
“I don’t want to take you as my student either if I have a choice,” putol nito sa ibang sasabihin niya. “Pero si Prince Rostam mismo ang nag-utos sa akin na turuan ka. How can I say no to the prince?”
IYon mismo ang problema. Paano nga ba tatanggihan ang prinsipe? Padalos-dalos kasi siya ng pagkausap dito. Sana ay nag-isip muna siya, Akala niya ay papayag itong mag-iwasan sila nang matapos na ang lahat. Kung siya ang kakausap kay Prince Rostam, di rin niya alam ang sasabihin dito kung bakit ayaw niyang si Chrome ang maging instructor niya.
“Siguro naman alam niyang busy ka. Saka masyado namang magaling kung ikaw pa ang magtuturo sa akin.”
“The Prince wants what’s best for you. Reputasyon din ng Stallion Island ang nakasalalay sa paggawa ng commercial mo. Kung ayaw mo sa akin, siguro si Kriege na lang ang ire-recommend ko.”
“Ha? Si Kriege?”
Tumango ito. “Yes. He is the head of Horse Sanctuary.”
Naloko na. Lalo siyang mahihirapang matuto kay Kriege. Mga kabayo lang ang kinakausap niyon. Di ata iyon kumakausap ng tao. Baka ipatalaktak pa siya nito sa mga kabayo nito. Di tuloy niya alam kung ano pang ilulusot kay Chrome.
“Kung wala ka nang ibang sasabihin, magkita na lang tayo bukas sa Banyan Tree. Ayoko ng late. Goodnight, Miss Fernandez.”
Mariin siyang pumikit. It was inevitable. Magkakasama silang muli ni Chrome.