Stallion Island Series Chapter 47

“Hi, Sahara! I am Slade! Remember?”

Kinamayan niya ang nagpakilala. “Yes. Ikaw ang pilot ng flight ko papuntang isla. It is good to see you again. Wala ka sa party ko kagabi.”

Nasa Banyan Tree siya at hinihintay si Chrome nang lapitan siya nito. Maganda ang gising niya kaya willing siyang i-entertain ang mga gustong kumausap sa kanya. Di na lang niya iniinda ang training kasama si Chrome.

“If you have time, my plane can take you on a tour around the island.”

Nagningning ang mga mata niya. Gusto nga niyang makita ang kabuuan ng isla mula sa ere. “That’s lovely! How about ten in the morning?”

Nag-thumbs up ito. “It’s a date!”

Nang makaalis si Slade ay siya namang pagpasok ni Evandro na isa sa village lords. KInawayan agad siya nito nang makita siya at tumuloy sa mesa niya. “Hi! Hindi na tayo nakapag-usap sa party kagabi. May emergency call mula sa sekretarya ko. I just can’t leave without taking you out on a dinner.”

She checked her schedule. Inilista agad niya ang pangalan nito. “I always have time for you, Congressman Luminares.”

“Evandro would be fine.” Tiningnan nito ang relo. “ I wish I could join you for breakfast. Pero ang alam ko may appointment ka kay Chrome ng six.”

“Unfortunately,” she answered with a tight smile.

“He is a very good rider. Di lahat nagkakaroon ng pagkakataong turuan niya. Enjoy your lesson with Chrome.” In-order siya nito ng black milk tea bago umalis.

She loved Stallion Island. Hindi siya mauubusan ng guwapong lalaki na magyayaya sa kanyang makipag-date. She didn’t expect that she would have a great time entertaining men just to spite Chrome.

Nakasunod ang tingin ni Summeria kay Evandro kahit nang samahan siya sa mesa. “Sahara, si Congressman Evandro iyon. Di man lang ako nagpa-picture!”

“May date naman kami mamayang alas sais ng gabi.”

DInampot nito ang planner niya. “Oo nga, no? O! Itong guwapong piloto nasa listahan mo rin.” Naningkit ang mata nito. “Pati ang impaktong Alessandrace niyaya ka rin na mag-date?” bulalas nito. “Ang impaktong iyon.”

“Sumama ka na lang. Yoga class lang naman iyon. Selos ka?”

Iwinagwag nito ang planner niya. “Of course not! Bakit ang dami mo naman yatang ka-date. Sa isang araw lang ito?”

Nagulat siya nang may isang kulot na babaeng humablot ng planner mula kay Summeria at binasa iyon. “What? Eight o’clock date with Warren Yun?”

Naki-usyoso ang ibang kasamahan nito. “She has a date with Evandro! Dalawang buwan ang ginugol ko bago niya ako tingnan man lang.”

Dinuro siya ng isa sa mga ito. “How dare you! Ang lakas ng loob mong pumasok dito sa isla tapos ikaw pa mismo ang nilalapitan ng mga boys para yayaing mag-date?”

Napanganga siya. Sino ba itong mga bruhang babae na ito na pakiramdam yata ay pag-aari ang mga kalalakihan ng Stallion Island. “Pakialam ninyo sa kung sino ang magyaya sa akin. Saka sino ba kayo?”

Pumalakpak ang pinaka-lider ng mga ito. “We are the Sirens!” sabay-sabay na pakilala ng mga ito. “At irereklamo namin ito sa village lords. Hindi pwedeng lahat na lang ng lalaki dito i-date mo.”

It was serious dating. Ang iba ay mabait lang talaga sa kanya at gusto siyang i-accommodate sa pananatili niya sa isla.

“Anong kaguluhan ito?” singit ni Chrome na sa wakas ay dumating na. She didn’t know if any man had the right to look so good and fresh. Mamasa-masa pa ang buhok nito at parang pagkabango-bango.

“Chrome, look!” sabi ng lider ng Sirens at inabot ang planner niya dito. “Halos lahat ng boys dito ide-date niya.”

Matiim ang anyo ni Chrome nang basahin ang schedule niya. “Ano ito? Punong-puno ang itinerary mo. Baka nakakalimutan mong may training tayo.”

“Oo nga. Six in the morning,” kalmadong wika niya.

“Pero may schedule ka na mag-dolphin watching ng alas otso ng umaga kasama si Warren Yun. At….” Nagtuloy-tuloy ang mata nito sa pag-scan ng schedule niya saka madilim ang mukha siyang tiningnan. “Saan mo pa ako planong isingit sa schedule mo? Pati bukas meron na!”

“May bakanteng oras ako diyan.”

“Yes! Ten in the evening. Tulog na ako noon at ang mga kabayo.” Ibinagsak nito ang planner sa mesa. “Nandito ka sa isla para mag-training sa akin.”

“Pero hindi ibig sabihin wala na akong karapatan na mag-date o gumawa ng kahit anong bagay.” Matamis siyang ngumiti. “I have that right, di ba?”

Nagtagis ang bagang nito. isang sakit ng ulo marahil ang tingin nito sa kanya. “May target goal tayo. Dalawang linggo lang ang ibinigay sa atin para makapagpatalon ka ng kabayo sa vertical bar. Kung kinakailangang ako na lang ang maka-date mo at ang kabayo para matuto ka agad, gagawin ko.”

“As if I’d allow that.” Kaya nga gusto niyang makipag-date sa iba dahil ayaw niyang buong buhay niya sa loob ng dalawang linggo ay umikot na lang kay Chrome. Dahil ilang sandali lang na matitigan niya ito, bumabaligtad na ang mundo niya.

“Hinahamon mo talaga ako.” Isinabit nito ang maliit nitong headset sa tainga. Lumapit ito sa touchscreen computer na nasa isang bahagi ng Banyan Tree. Nagulat na lang siya nang mag-flash ang imahe ni Chrome sa mga LCD monitor sa iba’t ibang bahagi ng restaurant. Kahit sa laptop ng isang member sa kabilang mesa ay nakita rin niya ang biglang pagsulpot ng live video message ni Chrome. “This is Chrome Venitio. Para sa lahat ng naka-schedule na makipag-date kay Sahara Fernandez at sa mga planong makipag-date, hinahamon ko kayo sa isang show jumping match. The winner gets the chance to exclusively date her while she’s at the island. He can have her for the whole day today. At makakapili rin siya ng schedule ng date nila sa dadating na araw.” Ibig sabihin ay pagtitiyagaan lang nito ang matitirang oras para sa training nila.

Tumayo siya at nilingon si Chrome. “Hey! You can’t do that.”

Ni hindi siya nito kinonsulta sa plano nito. Di niya ma-imagine ang sarili na paglalabanan ng mga lalaki. Parang may papatol sa hamon nito. Gusto lang niyang asarin si Chrome. Looks like she pissed him off big time. Di niya alam kung paanong aayusin ngayon ang gulong ginawa niya.

Biglang sumingit si Summeria sa screen. “At may libreng kiss din mula kay Sahara kung sinuman ang mananalo.”

KInaladkad niya si Summeria palayo ng screen. “Dumagdag ka pa! Pati halik ko idinadamay mo sa kalokohan ng Chrome na iyan.”

“Wala ka pang first kiss, eh! Sayang naman.”

Gusto niyang mainsulto nang makita niya ang pagngisi ni Chrome. PInagtatawanan ba siya nito dahil wala pa siyang first kiss?

She had one forbidden dream. Si Chrome lang ang lalaki na hinahayaan niyang humalik sa kanya kahit pa sa panaginip. She couldn’t imagine another man kissing her. And it was madness. Oras na para tapusin ang kahibangang iyon. Only another man’s kiss could break that curse. Para maalis na si Chrome sa sistema niya.

“I am putting my first kiss at stake,” deklara niya na ikinagulat ni Chrome.

Di niya alam kung hanggang saan mauuwi ang labanan nila ni Chrome. Pero hindi na siya uurong. She’d do anything to put her out of her system. Hindi na siya fourteen years old. She didn’t want to confront the fact that she liked him still. Ayaw niyang pamihasain ang puso niya. Natatakot siyang ang kahibangan niya ay pagmamahal na.

HINDI magkamayaw ang mga tao na nanonood ng show jumping match. May limang naunang matatapang na sumubok na. di pa rin siya komportable na pinaglalabanan siya ng mga kalalakihan. But for the Stallion Boys, it was a serious matter.

Katabi niya sa special box si Prince Rostam. Ang box na iyon ay para lamang sa prinsipe at sa mga village lords. Hurado kasi ang mga ito sa match.

“Who is your bet?” tanong ni Prince Rostam sa kanya.

Nagkibit-balikat siya. “Kahit sino ang manalo, walang problema sa akin.”

“I bet it would be Chrome.”

“Kasali ba siya? Hindi ba dapat disqualified na siya?” Chrome was already a master. Mamaniin nito ang mga kalaban. Paano ang pangarap niyang talunin ito?

“Chrome is a fair man. I am sure he will give a handicap.”

Ano kayang klaseng handicap iyon? Lalaban ito nang nakapikit isang mata?

Ina-announce na ang ikapitong kalahok nang sumulpot si Evandro sa box nila. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Gianfranco. “Hindi ba number eight ka?”

Tinanggal nito ang long sleeve polo na uniform ng members. Itinira lang nito ang vest nito at saka kampanteng umupo. “Akala ko kasi nagbibiro lang si Chrome sa match na ito. Sineryoso ang laban.”

“Nagseryoso lang, nag-backout ka na,” kantiyaw ni Alexandros. “Ikaw pa mandin ang bet ko na mananalo. Ikaw ang pwedeng tumapat kay Chrome.”

“Kahit ikaw magba-backout kapag nakita mo siya.” Sinulyapan siya ni Evandro. “I am afraid sa labas ng isla na kita maide-date. He is in an entirely different mode today. At nakakatakot siya kapag nagseseryoso siya.”

Tinawag ang pangalan ni Chrome. Umugong ang bulungan ng lahat. Napasinghap siay nang makitang nakapiring ang mga mata nito. Napatayo siya sa kinauupuan. “Bakit naka-blindfold siya? Hindi ba niya alam kung gaano kadelikado ang gagawin niya?” nag-aalala niyang wika.

Maraming equestrian kahit pa Olympians ang nadidisgrasya kapag nagkamali ng galaw sa arena. Dilat pa ang mata ng mga ito. Lalo naman si Chrome. Di niya alam kung anong gusto nitong patunayan. Nagyayabang ba ito o suicidal na.

Parang wala namang nakakarinig sa kanya. Excited pa ang marami sa gagawin ni Chrome. Wala bang concern sa mga ito? Di kakayanin ng dibdib niya na panoorin ang gagawin ni Chrome. Ikamamatay niya kapag nasaktan ito.

Aalis sana siya ng box nang maagap na pinigilan ni Prince Rostam ang braso niya. “Don’t leave, Sahara. Panoorin mo kung bakit si Chrome ang isa sa pinakamagaling naming horseman at sa kanya ko ipinamahala ang stable.”

Naluluha niyang ipinikit ang mga mata nang magsimula nang tumakbo ang kabayo ni Chrome. Sana talaga di niya hinamon si Chrome. Masasaktan ito dahil lang gusto niyang tuluyan itong mawala sa buhay niya. The beat of her heart was painful. Parang iyon na lang ang huling pagtibok ng puso niya.

Halos mabingi siya sa katahimikan ng arena. Halos lahat ay di yata humihinga. Hanggang halos mabingi siya sa sabay-sabay na pagsisigawan ng lahat. “I love you, Chrome!” tili ng ibang kababaihan na nagpadilat sa kanya.

Chrome was effortlessly jumping over vertical bars as if he had normal eyesight. His moves were lithe and smooth. Hindi niya magawang kumurap sa bawat paggalaw nito. Tuluyan nang nawala ang takot niya at napalitan ng paghanga. Iba ang tiwalang ibinibigay ni Chrome sa kabayo nito. Only a rider who conquered the heart of his steed could do that.

“Hindi ko alam na handang gamitin ni Chrome ang pinakamalupit niyang trick para lang ma-impress ang isang babae,” komento ni Raddison.

“Kaya mo bang magpalipad ng eroplano nang walang piring ang mata para sa isang babae?” tanong ni Ryuhei.

“I don’t know. Di pa naman ako baliw para ma-in love.”

“Kahit ako hindi magluluto ng nakapikit,” wika ni Rouen. “Iba siguro talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Kung kasali ako diyan, umurong na ako kanina pa.”

Kumunot ang noo niya sa sagot ni Raddison at Rouen. Imposibleng ma-in love si Chrome sa kanya. But how come he was taking the match seriously? Mukhang di naman ito mahilig basta-basta magpasikat sa mga tao.

Di niya alam kung bakit naluha pa rin siya nang matapos ang performance ni Chrome. Pumalakpak siya hanggang sumakit na ang mga kamay niya. Malaki ang iginaling ni Chrome. The people at the island had so much respect for him.

Hindi na mabigat ang loob niya nang ideklarang si Chrome ang nanalo. Nagsigawan ang mga audience nang dalhin siya ni Prince Rostam kay Chrome.

“You are not allowed to date anyone else unless Chrome tells you so, Sahara. Si Chrome ang bahalang magparusa sa iyo kapag lumabag ka,”wika ng prinsipe.

Tumango siya. Nahirapan siyang lumunok nang hapitin ni Chrome ang baywang niya at ilapit ang labi sa tainga niya. “Mukhang iniyakan mo ang pagkapanalo ko. Maging sports ka. Tanggapin mo resulta ng laban.”

“Nag-alala ako dahil naka-blindfold ka kanina. Dalahin ko pa sa konsensiya ko kapag na-injured ang kabayo mo.”

Umangat ang gilid ng labi nito. “Kay Autumn Shower ka nag-alala at hindi sa akin? You are really something.”

INiwas niya ang tingin dito. Di niya agad aaminin dito na nag-aalala siya. Sapat nang maging masaya siya dahil ligtas ito.

“Kiss! Kiss!” kantiyawan ng mga nasa audience. Saka niya naalala na kasama pala sa kasunduan nila na ang mananalo ay makaka-first kiss sa kanya.

Halos manigas siya sa kinatatayuan nang titigan siya ni Chrome. She could see the fire burning in his eyes. Parang napaso siya nang tumutok ang mga mata nito sa mga labi niya. Would he stake his claim now?

Bumilis ang pintig ng pulso niya. She had been dreaming about that kiss since she was fourteen. Sa wakas ay matatapos na ang paghihintay niya.

Itinaas ni Chrome ang kamay at tumahimik ang lahat. “Hindi naman kasama sa usapan na ike-claim ko ang reward mo sa harap ng maraming tao, di ba?”

“Ang killjoy mo!” sigaw ni Jairon na natalo ni Chrome sa laban.

Tumawa lang si Chrome at iginiya siya palabas ng arena. Mabuti nang hindi natuloy ang paghalik nito sa kanya. Paano pa siya makakapag-training nang maayos kapag hinalikan siya nito? Mawawala lang siya sa sarili niya.

“Salamat. Hindi ka nagpadala sa kantiyaw nila,” sabi niya kay Chrome.

“Don’t thank me. Isang araw sisingilin din kita.” Pumara ito ng E-jeepney paglabas ng arena. “Sa main stable tayo, manong.”

“THIS is Star Dust,” pakilala ni Chrome sa puting kabayo na hawig ni Snow White. “She’s very gentle. Siya muna ang magiging ka-partner mo habang nag-aaral ka pa lang magpatakbo ng kabayo. She’s perfect for leisure riding. Kapag mas sanay ka na, saka tayo magte-training kasama ang kabayong gagamitin mo sa jump scene. Sumunod ka lang sa instruction ko, magiging madali ito sa iyo.”

Nakatitig lang sa kabayo si Sahara habang nanlalamig ang buong katawan niya, Nasa main stable sila ni Chrome para simulan ang training niya. Subalit kahit ano pang lumabas sa bibig nito ay wala siyang maintindihan.

She had been swamped with horses the moment she entered the stable. Their smell, their sound and their mere presence. Di niya iyon naramdaman nang nasa rancho siya dahil di siya lumalapit sa mga kabayo. Now she was confronted by them, she was not able to prepare herself. Good and bad memories tortured her heart.

“. Kailangan magkakilala muna kayong mabuti ng kabayo mo. Lapitan mo siya,” udyok ni Chrome. Hindi siya natinag sa kinauupuan niya. Pumalatak ito at napilitan siyang hilahin palapit sa kabayo. “Magpapahirapan pa tayong dalawa dito, Sahara? Hindi ako nagpakahirap na ibuwis ang buhay ko sa arena kanina para lang pahirapan mo.”

“Ayaw sa akin ng kabayo mo, Chrome.”

“Anong ayaw? Di ka pa nga nakakalapit.” Hinila siya nito palapit pero natigilan nang mahawakan ang kamay niya. “Nanlalamig ka. Are you sick?”

Napalunok siya. Di niya inaasahan na ganito ang magiging reaksiyon niya sa pagsakay sa kabayo. It was more than just a fear. Mas malalim pa iyon.

“Chrome, sabi mo sa akin matalino ang mga hayop. Mararamdaman nila kung ano ang nararamdaman ng tao. Kung kinakabahan ba o natatakot…” Kumawala siya sa pagkakahawak nito. “I hate horses, Chrome. She will feel that.”

“Bakit ayaw mo sa mga kabayo?”

“Dahil sa inyo ni Papa. Ang mga kabayo ang link niya sa iyo.” Naglakad siya paurong. “Minsan niyang tinangkang iwan ang pamilya niya. Minsan niyang pinili na pamilya mo ang maging pamilya niya.” Umiling siya. “I am sorry. This is not easy.”

Parang wala siya sa sarili na tumakbo palayo dito. Akala niya ay malakas na siya. Di pala madali na harapin ang nakaraan. And all she could do for now is run.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.