Inaantok si Sahara sa mabangong amoy ng Stallion Shampoo sa buhok niya. Mula sa main stable ay tumuloy agad siya sa kuwarto niya sa guesthouse at nagkulong. She needed that rest and pull herself together. She could still remember the shock in Chrome’s face a while ago. Masyado na siyang naging emosyonal. Baka sakaling paggising niya ay mas malinaw na ang isip niya.
Nakakatulog na siya nang pumailanlang ang buzz ng doorbell sa suite niya. Hindi sana niya papansinin ang tunog. Nasa Hidden Mist Valley si Summeria at ang alam nito ay nasa main stable siya. Sino kaya ang makulit na iyon?
Napilitan siyang buksan ang pinto. Di rin naman siya makakatulog o makakapagpahinga nang di nawawala ang ingay na iyon.
Si Chrome ang nabungaran niya. He was wearing that friendly smile that he had for everyone. Malayo ito sa seryosong Chrome na humaharap sa kanya. Nang makita niya ang dimples nito, saglit na nawala ang sakit ng ulo niya. Saka niya naalalang di pa siya handa na kausapin ito.
“Hi! Pwedeng pumasok?” tanong nito.
Nanatiling maliit lang ang bukas niya ng pinto. “Di mo ako mapipilit na mag-training ngayon. I really feel bad. Hindi ako umaarte lang.”
Wala siyang magagawa kapag emosyon ang umatake sa kanya. She had always been in control of her emotion or so she thought. Kailangan niyang makaisip pa ng paraan para makontrol ulit iyon at maayos ang sarili niya.
“I know.” Itinaas nito ang metal cup. “Gatas?”
May kakaibang init siyang naramdaman nang malamang gatas ang laman niyon. “Thanks!” Binuksan niya ang pinto at kinuha ang gatas mula dito. Hinayaan niyang bukas iyon para makapasok ito. SUmalampak siya sa carpeted na sa sahig at sumandal sa paanan ng kama. Then she eagerly drank the milk. “Make yourself at home. Hindi kita masyadong maasikaso.”
Saka niya niya ipinagpatuloy ang pag-inom ng gatas. It was fresh cow’s milk. Gumuhit ang ngiti sa labi niya. Naalala niya nang turuan siya nitong kumuha nang gatas mula sa baka. It was one of their happy times together. Mas masaya talaga ang buhay noong bata pa sila. Parang napakasimple ng mundo.
“Gusto mong ipatawag ko si Doc Nathaniella para i-check up ka?”
Umiling siya. “I just need to sort things out.”
Mahabang sandali itong di nagsalita. Nakaupo ito sa couch at gaya niya ay nakaharap din ito sa verandah kung saan tanaw ang dagat.
“Hindi ko inaasahan na hanggang ngayon may galit ka pa rin sa amin ng Papa mo. Buo na ulit ang pamilya mo gaya ng pangarap mo. Why hold a grudge against your father?” humina ang boses nito. “Why hold it against me?”
“Buo nga kami pero parang napingasan naman. Hindi na bumalik ang magandang samahan namin ni Papa. I am used to it. Parang normal na lang din sa akin na di mahilig sa mga kabayo. Hanggang nagkita ulit tayo at ikaw pa ang magtuturo sa akin na sumakay ng kabayo. Things got worse.”
Umuklo ito sa harapan niya. “Sahara, hindi ko gusto ang nangyari. Wala kaming intensiyon na masira ang pamilya ninyo. Naniniwala ako na walang relasyon si Nanay at ang papa mo. Kung itinuring man niya kaming anak ni Kriege, we appreciate that. Malaking bagay iyon para sa dalawang bata na lumaking walang ama.”
“I know. Di tamang madamay ka.”
“At kung may affair man sila, di pa rin tamang sisihin mo ako, Sahara. Gusto ko ring magalit sa iyo. Muntik na akong mawalan ng respeto sa Nanay dahil sa mga ibinintang ninyo. Nagtiwala lang ako na wala siyang intensiyon kahit na muntik na silang matukso ng papa mo. Kinailangan lang niyang manatili noon sa rancho dahil naroon ang ikabubuhay namin. I wanted to hate your family as well. Parang ipinako ninyo sa krus ang isang inosenteng babae. Pero hindi yon makakatulong sa ating dalawa. Hangga’t may galit sa pagitan natin, wala tayong masisimulang trabaho. Importante ang project mo sa iyo. It is not a simple commercial. This will define you as a woman. At marami ka ring matutulungan.”
Gusto niyang tuktukan ang sarili. Habang nagpapakalunod siya sa emosyon at gumagawa ng paraan para makaiwas kay Chrome, kapakanan niya ang iniisip nito. Nakalimutan niya kung para saan ang pagpunta niya sa Stallion Island. May goal siya. Si Chrome pa ang nagbalik sa kanya sa huwisyo. Nahihiya siya dito.
“Give me until tomorrow morning, Chrome. I will be okay.”
Ginagap nito ang kamay niya. “We have a common goal. To get you on a horse and make it jump. Let’s work on that goal. Trust me!”
Hinagilap niya ang mga mata nito. Bigla ay di na naman niya maapuhap ang gagawin. Trusting someone could be pretty hard for her. Hindi yata madali sa kanya na pagkatiwalaan si Chrome o kahit ang kabayong iha-handle nito.
“Hindi ko alam ang gagawin ko,” pag-amin niya.
Napapikit siya nang kintalan nito ng halik ang mga mata niya. “Magpahinga ka na. Bukas ng umaga susunduin kita.”
Nagulat siya dahil di niya inaasahang hahalikan nito ang mga mata niya. It was so sweet. Parang natural lang kay Chrome na halikan siya. Wala siyang makapang protesta sa dibdib. That kiss was like a touch of a gentle breeze, lulling her to sleep. Pinawi ng halik na iyon ang mga takot niya.
Nang idilat niya ang mata ay bakas ang pagkagulat sa mukha ni Chrome. Dali-dali itong pumunta sa pinto. Nilingon niya ito. “Chrome, iyon na ba ang kiss na premyo mo kanina sa show jumping competition?”
Kumunot ang noo nito. “Halik na ba iyon? Sahara, you have no idea what kind of kiss I have in mind after I risked my life for it. Goodnight!”
Dali-dali siyang humiga sa kama at nagtalukbong nang marinig niya ang pag-lock ng pinto nang isara ni Chrome. Naintriga siya bigla. Anong klaseng halik kaya ang ibibigay nito sa kanya?
PUPUNGAS-PUNGAS pa si Sahara nang bumaba sa lobby ng Guesthouse. Alas kuwatro pa lang ay pinuntahan na siya ni Chrome sa kuwarto niya. kailangan daw ay nakahanda na siya bago mag-alas singko. At dahil hilo siya sa antok, hindi niya alam kung ano ang itsura niya.
“Kulang na lang sa iyo unan at kumot, ah! Pwede ka na ulit matulog,” pabirong sabi nito at inayos sa balikat ang maroon long sleeve riding suit niya na siyang uniform para sa mga guest ng isla.
“Sabi mo maaga. Di mo naman sinabing kasabay kong gigising mga manok.”
“Gising na ang mga kabayo ng ganitong oras kaya dapat gising ka na rin. Saka masarap mamasyal habang maaga pa.”
Ikiniling niya ang ulo at ikinurap ang matang halos di niya maidilat pa. “Hindi pa nga ako marunong sumakay ng kabayo. Paanong masarap mag-horseback riding nang ganito kaaga?”
“You used to ride with me, remember? Iniikot natin ang rancho ninyo.” Inilahad nito ang kamay. “Halika na! Kanina pa naghihintay si Supernova.”
Walang pag-aalinlangan niyang inabot ang palad nito. She remembered the joy of riding the horse with him. Gusto niyang maranasan ulit iyon.
Isa sa dahilan kung bakit ayaw na rin niyang sumakay pa ng kabayo dahil nasanay siyang kay Chrome lang nakakaangkas. She couldn’t ride a ride without remembering the good times they had. At malulungkot lang siya.
Ngayon ay parang wala siyang panahon na malungkot. Di na rin siya nakakaramdam ng takot. Naka-focus na lang siya sa goal nila ni Chrome. Kailangan niyang matuto. At hangga’t kasama niya ito para igiya ang kabayo, wala siyang dapat na ipag-alala. Maybe it would be a usual morning ride. Para lang maranasan ulit niya kung paanong sumakay ng kabayo.
Pinasampa agad siya nito ng kabayo. Madilim pa ang daan. Malamig ang hangin kaya inaantok pa siya. Pasimple siyang humilig sa dibdib ni Chrome. Mas masarap yatang humilig sa dibdib nito kaysa matulog sa kama. He smelled like the fresh morning breeze. Nakaka-addict ang kabanguhan ng lalaking ito.
Nananadya yata itong akitin siya. Akala niya ay magiging torture sa kanya ang training na iyon. She was actually enjoying it. Pwede bang iyon na lang ang maging eksena sa Stallion Shampoo commercial niya? Effortless pa.
“Tinutulugan mo na yata ako, Miss Fernandez,” may kapormalan nitong wika.
Bigla siyang tumuwid ng upo. “Hindi, ha! Pinag-aaralan ko nga kung paano patatakbuhin itong kabayo kapag mag-isa na lang ako. The right posture.”
Pinahinto nito ang kabayo nang naaninag na niya ang sikat ng araw. May iniladlad itong itim na tela sa harap niya. “Tatakpan natin ang mata mo.”
Tiningala niya ito. “Bakit? Isa-salvage mo ako. Ihuhulog sa dagat?”
“Of course not!” natatawang tanggi nito.
“Chrome, ayoko. Hindi ako sanay nang madilim. Iba na lang laruin natin.”
“This is our exercise for the day. Trust me.”
Bumagsak ang balikat niya. Wala naman siyang magagawa dahil parte iyon ng training niya. “Okay.”
Itinali ni Chrome ang tela sa ulo niya. Nang matiyak na wala siyang makita, saka lang nito pinalakad muli ang kabayo. Kinapa-kapa niya ang braso nito. “Chrome… natatakot ako.”
“Relax. Trust me,” bulong nito at iginiya ulit ang kamay niya pabalik sa renda.
Hindi pa rin siya mapakali. Pakiramdam niya anumang oras ay mahuhulog siya sa kabayo. “Chrome, para ba kasi saan ito? Naiiyak na talaga ako sa takot.”
Iniyakap nito ang braso sa balikat niya at isinandig siya sa dibdib nito. “Puro kasi takot ang iniisip mo. Bakit hindi mo pakiramdaman ang paligid mo? Nasa isip mo lang ang takot mo.”
Natahimik siya sa sinabi nito. Sa training niya, natuto siyang alisin ang takot at kaba. Kapag kasama lang naman niya si Chrome nararamdaman iyon. Sinunod niya ang bilin nito. Itinuon niya ang isip sa mga bagay sa paligid niya. Una niyang narinig ay ang matatag na tibok ng puso ni Chrome. Then she felt the cold breeze of the wind. Ang pag-iyak ng pandagat na ibon. Maya maya pa ay narinig na niya ang hampas ng alon ng dagat.
“Nasaan na tayo? Pwede ko na bang tanggalin ang blindfold ko?” tanong niya. Di na siya natatakot. Gusto na niyang makita kung nasaan sila at kung ano ang nasa paligid nila.
“Patience, Sahara.”
Lalo lang tumindi ang excitement na naramdaman niya nang humagibis ang takbo ni Supernova nang palusong. Naramdaman din niya ang init ng araw sa balat niya. Nawala ang tamlay at antok na naramdaman niya kanina.
Kinalas ni Chrome ang piring sa mata niya nang tumigil si Supernova. Bumulaga sa kanya ang magandang tanawin. Nasa isang talampas sila na puno ng mga bulaklak. It was like a little flower field. Nakabingit ang talampas na iyon sa dagat.
“This is nice, Chrome!” Tiningala niya ito. “Hindi ko ito nakita sa brochure ng Stallion Island.”
“This land is mine. Nasa likod ito ng bahay ko.” At itinuro nito ang two-storey villa na may limang minuto ring lalakarin mula sa talampas. BUmaba si Chrome ng kabayo at hinapit ang baywang niya saka siya ibinaba. Inilahad nito ang palad sa direksiyon ng puno. May nakalatag nang picnic blanket doon at may picnic basket na rin. “Hindi ka nakapag-agahan kanina. Kain na.”
Binuksan niya ang picnic basket at kumuha ng wheat bread. Saka siya tumakbo papunta sa gitna ng maliit ng flower field. Nagliparan ang mga maliliit na ibong nanginginain doon. “Huwag muna kayong umalis! Kumain muna kayo.”
Saka niya pinira-piraso ang tinapay at ihinagis sa lupa. Nag-unahan naman ang mga ibon sa pagdapo sa lupa at pagtuka sa tinapay. Humalakhak siya na parang bata. Kung naroon ang nakababata niyang kapatid na si Jonas ay matutuwa ito.
“Inuna mo pa iyang mga ibon. May pagkain na ang mga iyan. Ikaw ang kumain dahil baka manghina ka,” sermon ni Chrome at inabutan siya ng sandwich.
“May pa-blindfold-blindfold ka pa. Dadalhin mo lang pala ako at papakainin.” Itinakip niya ang palad sa noo at saka iginala ang tingin sa paligid. “This place is really, really nice. At tahimik din.”
“Hindi nga daw ako dapat dito tumira. This is part of the Rainbow Village. Para sa artists lang village but I got a parcel of land here.”
“Naalala ko ang flower field sa rancho.”
“Ano nang nangyari doon?” tanong nito.
Nagkibit-balikat siya. “I don’t know. Di ko na nadadalaw. Sila Mama at Jonas na lang ang pumupunta doon. Pero pagbalik ko sa rancho dadalawin ko ulit.” Ibinabalik ni Chrome ang kaligayahan niyang ma-appreciate ang mga lugar at pangyayaring nagdulot ng kaligayahan sa kanya. And it somehow sets her free.
Tumingala siya at nakangiting Sinalubong ang sikat ng araw. She was living like a robot these past few years. Masyado siyang naka-focus sa goal niya. Pinatay niya ang emosyon lalo na sa mga bagay na nagpapalungkot sa kanya. Dahil din doon ay di niya magawang maging masaya nang lubos.
Pero nang komprontahin niya ang nararamdaman niya kay Chrome, saka niya natuklasan na di niya matatakasan ang kalungkutan sa nakaraan niya. Nang magawa niyang harapin iyon ay nagawa niyang maging masaya kahit sa mga simple at maliliit na bagay.
“Takot ka pa ba sa kabayo?”
Umiling siya. “Nope. I don’t hate them either. Ano bang kinalaman nila sa nangyari nang nakaraan? Wala.”
“Do you hate me for doing our exercise?”
“Hindi. Nakita ko na kung bakit naging perfect ang routine mo sa show jumping competition. You trust your horse’s instinct. At dapat iyon din ang gawin ko.” GInagap niya ang kamay nito. “Pagkakatiwalaan na kita mula ngayon. Ikaw at ang kabayong makakatrabaho ko. Hindi lang pagsakay sa kabayo ang gusto mong ituro sa akin. Kailangan naroon ang tiwala at puso.”
Hinaplos nito ang likod ng palad niya. “Do you still hate me?”
“Wala akong dahilan para magalit sa iyo. Ginawa mong espesyal ang mga panahon na magkasama tayo noon and I treasure those moments. And I am sorry about being emotional and immature. I am okay now.”
Pumitas ito ng bulaklak at inipit sa tainga niya. “It’s okay. In my eyes, you will always be fourteen. Lively, young and innocent.”
“Ibig sabihin mukha pa rin akong bata?”
“Hindi. Nagtataka lang ako kung bakit wala ka pang first kiss.”
Inirapan niya ito. “Kasalanan mo iyon.” Nangako siya noon na kapag nanalo ito sa King Abduramal Cup ay hahalikan niya ito. At makukuha lang nito ang halik na iyon kapag eighteen na siya. Ilang taon na ba siya? Twenty-five na siya. Wala pa rin siyang first kiss hanggang ngayon.
“Bakit naging kasalanan ko?” tanong nito.
Tinalikuran niya ito. “Ah, ewan! Gutom na ako.”
Mabuti pa ang mga kabayo nahuhulaan nito ang iniisip. Pero pagdating sa kanya ay palpak ito. Mabuti na ring di nito alam ang laman ng isip niya. malalaman lang nito na dahan-dahan na namang nahuhulog ang puso niya dito.
SAHARA clucked her tongue. Iyon ang hudyat para maglakad paikot ng maliit na coral fence ang kabayong si Star Dust. It was love at second sight. Naging malapit agad sila ni Star Dust sa isa’t isa. Mas gusto nga niyang lambing-lambingin na lang ito kaysa sakyan. Di siya nahirapang pasunurin ito. She was a gentle mare. Matalino rin ito at magaling ang instinct. Sa tulong ni Chrome ay natuto siyang pakibagayan ang ugali ng mga kabayo. Even their innate abilities. Pero habang di pa siya bihasa ay sa maliit na corral fence muna sila ni Star Dust.
Sa hudyat ni Chrome ay tinapik ng paa niya ang tagiliran ni Star Dust. Nag-jogging ito paikot ng corral fence. Nakakasampung ikot na siya nang hilahin niya ang renda ni Star Dust at tumigil ito.
Dali=dali silang nilapitan ni Chrome. “What’s wrong?”
“Nahihilo na ako, eh!”
“Gusto mong tawagin ko si Doc Nathaniella?”
Umiling siya. “Hindi. Baka pwede mo namang lawakan ang tatakbuhan namin. Masyado nang maliit itong corral fence.”
Gusto na niyang makalaya sa maliit na kulungang iyon. Sa palagay niya ay gayundin si Star Dust. Gusto niyang subukan ang kakayahan niya sa labas ng kulungang iyon. After all, Stallion Island is one big riding club. Nilikha talaga ang mga facilities doon para i-accommodate ang mga kabayo at mga riders. Naiinggit kasi siya sa ibang malayang nakapamamasyal sa isla gamit ang mga kabayo.
“Okay.” Binuksan ni Chrome ang gate para sa mas malaking corral fence.
Nadismaya siya. Akala naman niya ay makakalaya na sila ni Star Dust. Iyon pala ay mapupunta lang sila sa mas malaking kulungan. A mischievous idea came to her mind. Hinaplos niya ang leeg ni Star Dust. “Lilipad tayo, ha? Huwag mong sasabihin kay Chrome. Ready?”