“It is all about timing, Sahara. Trust your horse. Trust yourself. Mag-relax ka lang at siguradong mai-e-execute mo iyang mabuti.”
NAkatutok ang mata ni Sahara sa tatlong sunud-sunod na hurdles at tatlo pang vertical bars na nasa paligid ng arena. Iyon na ang huling araw ng pagte-training niya kay Chrome. Mahigit dalawang linggo rin nitong tinutukan ang development niya. Nanonood din sa arena ang may-ari ng Stallion Shampoo na si Neiji at ang sikat na director na si Romanov Querido na makaka-trabaho niya sa commercial. Gusto nang makita ng mga ito kung handa na siyang mag-shoot. Lahat kasi ng horse scene ay mahalaga sa bawat Stallion Shampoo commercial.
HInaplos niya ang leeg ni Supernova. Ito ang makaka-partner niya sa commercial. Bukod sa may tiwala siya dito ay ito rin ang pinaka-perfect na kabayo para sa commercial dahil matikas ito.
“Galingan mo. Hindi tayo dapat mapahiya kay Chrome,” bulong niya.
It would also be one of her last days together with Chrome. Gusto niyang makita ang ngiti nito habang ipinakikita sa lahat ang natutunan niya. Kahit man lang doon ay may maalala itong maganda sa kanya.
Nang iwagayway ng flag man ang bandila bilang hudyat ay tinapik ng paa niya ang tagiliran ni Supernova. Malakas ang kaba niya noong una. Nagawa na niyang lusutan ang mga obstacles na iyon nang patatlo-tatlo. Now she had to do it in full circle. Mabusisi kasi ang direktor. Gusto nitong ilabas niya ang lahat ng natutunan niya.
Sumingasing si Supernova. Ibig sabihin ay handa na itong tumalon. Sa tamang distansiya ay ibinigay niya ang hudyat dito. Pigil niya ang hininga nang tumalon si Supernova. Nabawasan ang kaba niya nang makaalpas sila. Hindi na naging mahirap sa kanya na alpasan ang mga sumunod na obstacle. Nakuha na nila ni Supernova ang tamang timing.
Nang talunin niya ang ikaanim na obstacle ay nagpalakpakan ang mga nasa arena. Nakita niya ang pagtango ni Romanov. Nakapasa na siya.
Si Chrome mismo ang sumalubong sa kanya pagbaba niya. niyakap niya ito agad paglapag na paglapag ng paa niya sa lupa. “Chrome!”
“Pinakaba mo ako but you did great. Maganda ang performance ninyo ni Supernova. Ready na kayong mag-shoot.”
Binati rin sila nina Neiji at Romanov. Tuloy na tuloy na ang shooting nila sa susunod na linggo. Lalong magiging busy ang Stallion Island. At lalong maipapakita sa lahat kung gaano kaganda ang isla.
Di niya mapigilang mapaiyak nang yakapin muli si Chrome pag-alis ng mga tao. “Thank you! Mami-miss kita, Chrome,” di niya mapigilang bulalas.
“Hey! Ilang araw lang tayong di magkikita. Pero kung gusto mo, sasama na ako sa iyo papunta sa rancho…”
“Hindi na! babalik din naman ako agad para sa commercial,” wika niya. Hindi siya makakaisip ng paraan kung paano lalayuan si Chrome kung sasama pa ito sa kanya. Baka piliin na lang niyang ipaglaban ang pagmamahalan nila at babawiin niya ang pangako niya sa nanay nito.
Mas lalo siyang di mapapatawad ng nanay nito kapag iyon ang ginawa niya. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa niyang maipit sa ganitong sitwasyon. Ang gusto lang naman niya ay magmahal at mahalin. Kung sino pa ang nagmamahalan, iyon pa ang kailangang paglayuin. At wala siyang magawa para lumaban. Nangako na siya bilang respeto sa ina ng lalaking mahal niya.
Pinahid nito ang luha niya. “Huwag ka nang umiyak. Sandali lang magkikita ulit tayo. Masyado mo naman akong nami-miss.”
Nakagat niya ang labi para pigilang mapahagulgol ng iyak. Ang inaakala nitong sandali ay maaring habambuhay na. She didn’t know if she could stand eternity without him. Habang may ibang babae nang naghihintay dito.
“I love you, Chrome. Kung hindi ko pa nasasabi, ngayon alam mo na.”
Kinintalan nito ng halik ang noo niya. “Alam kong mahal mo ako kahit di mo pa sabihin. Smile. Ayokong makita kang umiiyak. Pakiramdam ko kasi kasalanan ko kung bakit ka umiiyak.”
“I am just happy.”
Pipilitin niyang maging masaya hangga’t may oras pang natitira sa kanila. Dahil maaring sa dadating na araw ay may luha na sa bawat ngiti niya.
MALUNGKOT na inisa-isa ni Sahara ang kuwadra ng kabayo sa rancho nila. It was good to remember that Chrome worked there once. Matagal na niyang di dinalaw ang lugar na iyon dahil natatakot siya sa mga alaala ni Chrome. Ngayon ay tanging alaala na lang ang maiiwan sa kanya.
“Sahara, it’s time for dinner,” untag sa kanya ng mama niya.
Dawn Fernandez changed a lot during the past few years. Hindi na ito ang topnotch social butterfly pero manaka-naka ay nagpapa-party pa rin ito sa rancho. MAs simple na lang ang mama niya. Noong una ay naiinip ito sa rancho pero nasanay na rin ito lalo na nang ipanganak si Jonas. At priority na nito ngayon ang pamilya. She could see that she’s happy about her choice.
“Susunod na po ako, Ma.”
“Napapadalas yata ang punta mo dito sa stable. Mukhang nag-enjoy ka sa training mo sa Stallion Island.”
Nakangiti siyang tumango. “Yes. He is a world class equestrian.”
“Katulad pala siya ni Chrome kung ganoon.”
Nawala ang ngiti niya nang banggitin nito si Chrome. “Mama…”
“Hindi mo ba sasabihin sa akin na boyfriend mo na si Chrome?”
Mariing nagdikit ang labi niya. MArami ring kakilala ang mama niya sa Stallion Island. Di malabong mabalitaan nito ang relasyon nila ni Chrome. “Don’t worry, Ma. Malapit na kaming maghiwalay.”
“Bakit? Hindi ko naman sinasabing maghiwalay kayo.”
“Hindi pa po. But you will soon.” Naglakad siya palabas ng stable. Nangilid ang luha niya. “Ayaw na ninyong magkaroon ako ng kaugnayan sa kahit sinong tao na nagtangkang sumira ng pamilya natin. But I love him. Pinigilan ko pero habang pinipigilan ko, lalo ko lang siyang minamahal.”
HInawakan nito ang balikat niya. “Mahal ka ba ni Chrome?”
Marahan siyang tumango. “Kung alam lang ninyo ang ginawa niya para sa akin.”
“Ayaw ko kay Chrome para sa iyo,” anito sa seryosong boses. “Pero ikaw mismo ang nagsabi na kung may magagawa ka makasama mo ang taong mahal mo, gawin mo. Kung mahal mo si Chrome, hindi mo papansinin ang opinyon ko. May sarili ka nang isip, Sahara. Hindi ko na dapat panghimasukan pa ang mga desisyon mo.”
“Ma?” Di siya makapaniwala sa naririnig. “Hindi na kayo tutol kay Chrome…”
“Hindi na ako makakatutol kung ipaglalaban mo siya. Nakita ko na nagbago ka kahit sandali lang ang panahong nagkasama kayo. Kahit ang papa mo natuwa dahil kinakausap mo na siya. Hindi na malamig ang trato mo sa kanya.”
Subalit lalo lang siyang nalungkot. “Ma, isinuko ko na si Chrome. Nangako ako sa kay Aling Lumen na iwasan ko na si Chrome.”
“Bakit ka pumayag?” tanong nito sa mataas na tono. “Hindi na siya dapat makialam. Treinta na ang anak niya.”
“I can’t really blame her. Malaki rin ang kahihiyang dinanas nila dahil kay Papa. Wala silang relasyon ni Aling Lumen. Naapektuhan din ang samahan nila ng pamilya niya. At ayaw na nilang ibalika ng sakit na iyon.”
HInaplos ng mama niya ang likod niya. “What do you want me to do? Kailangan bang humingi ako ng tawad sa kanya? LUmuhod? Gagawin ko ang lahat para lang maging masaya ka.”
Ngayon niya nakita kung gaano kalaki ang ipinagbago ng mama niya. Isusuko nito ang pride para sa sarili niyang kaligayahan.
Niyakap niya ito. “Hindi na po kailangan. Hindi ako ang babae na gusto ni Aling Lumen para kay Chrome. Si Angela ang gusto niya. Matagal nang hinihintay ni Angela na magustuhan siya ni Chrome.”
Tahimik siyang lumuha. Iyon na lang ang magagawa niya para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya. Chrome would hate her once she breaks up with him. At tiyak na nariyan si Angela para aliwin ito.
“Are you sure about this, Sahara?”
Hindi na niya mababawi ang pangako niya kay Lumen. Sana lang ay maging masaya si Chrome kapag wala na siya sa buhay nito.
ABALA ang lahat ng tao sa production. Sa unang dalawang araw ay nai-shoot na ang iba’t ibang sports na may eksena si Sahara at nagpapakita ng maganda niyang buhok gamit ang Stallion Shampoo.
Sa araw na iyon ay isu-shoot nila ang jump scene niya kasama si Supernova. Tapos na ang pagpapatakbo niya dito sa malawak na grassland ng Stallion Island. Gusto ni Romanov na matutukan ang mismong pagtalon ng kabayo.
Inaayusan siya ng make up nang mapansin niya si Chrome na nakatayo sa tabi ni Supernova. Sinu-supervise nito ang pag-aayos dito ng groomsman.
Sinenyasan niya ang makeup artist na tumigil saglit at nilapitan ito. Nakabantay ito sa shooting niya pero laging nasa distansiya lang at nanonood. Tuwing lalapit siya ay lumalayo ito. Nag-aalala marahil na magka-problema ito sa mama niya na kasama rin niya sa shooting.
“Kinakabahan ka ba?”
Pinisil niya ang kamay nito. “Mas kinakabahan ka pa yata sa akin.”
Buo pa rin ang suporta ni Chrome sa kanya. Ni hindi man lang nito maramdaman na malapit na siyang mawala sa buhay nito.
“Mamayang gabi na ang tapos ng commercial. Pwede ko bang maimbitahan ang mama mo bukas para sa breakfast?”
“Let’s discuss this after the shooting.”
“I love you,” he whispered at the top of her head.
Ngiti lang ang isinagot niya. Pilit siyang ngumiti para sa camera nang sumampa na siya kay Supernova. Subalit ngumingiti rin siya para kay Chrome. Para di nito mahalata na nasasaktan siya. Na natatakot siya dahil sa maikling panahon, di na siya sanay nang wala ito sa tabi niya. Para mawala man siya sa buhay nito, maalala nitong masaya siya na nagkasama sila.
“Let’s do this for Chrome, Supernova.”
She rode through the wind when the director gave the signal. Maraming take pero pinilit niyang i-maintain ang ngiti niya at ang magandang galaw nila ni Supernova. Hindi siya nahirapan dahil nariyan si Chrome para suportahan siya.
“Good take!” wika ni Romanov. Hudyat na rin iyon para mag-pack up sila. Pupunta na sa The Peak ang lahat para sa huling bahagi ng shooting.
Lalapitan sana niya si Chrome subalit nakita niyang paalis na ito. Nakatingin ito sa kanya habang nakahawak sa braso nito si Angela.
Natigilan siya sa paglapit dito. He looked sorry for leaving her for Angela. Iyon na ba ang hudyat para mas madali sa kanyang iwan ito?
“Si Chrome iyon, ah!” anang mama niya. “Bakit hindi mo lapitan?”
“Kasama niya si Angela, Ma.” Umabrisyete siya sa ina. “Mag-beauty rest na tayo. Kailangang maganda ako sa final shoot mamaya.”
Nasasaktan siya. Pero siya ang may desisyon na layuan na si Chrome. Nang mangako siya kay Aling Lumen, nawalan na siya ng pagkakataong ipaglaban ito. Isa siguro iyong bagay na pagsisisihan niya habambuhay.
NAKATUTOK ang mata ng mga tao sa party nang bumaba si Sahara ng grand staircase. Lahat ay nakasuot ng mask maliban sa kanya. Iyon kasi ang concept ng party. Para maipakita ang kagandahan niya at ng buhok niya.
Ibinibigay na niya ang best niya. Gusto na niyang matapos ang shooting. At bukas pagputok ng araw ay aalis agad siya ng isla. Di na rin naman tuloy ang agahan na plano ni Chrome sa kanya. Kasama na nito si Angela. Kaya nga wala rin ito para sa final shoot. Di niya ito makita kahit saan.
Ihinanda niya ang ngiti para sa nakamaskarang model na nag-aabang sa kanya sa baba ng hagdan. Continuous ang shot nila dahil gagamitin din iyon sa MTV. She wanted to feel like a princess. At si Chrome ang prinsipe niya. Nakatulong sa kanya ang mascara ng lalaki para makapag-ilusyon siya.
Nang mag-glide sila sa gitna ng malawak na ballroom ay wala siyang naging problema sa pagsasayaw nila. Fluid na kasi ang galaw nito. Di tulad kaninang nagpa-practice sila na ilang beses siya nitong natakapan.
“Nag-improve ka, ah!” usal niya nang hapitin nito palapit ang katawan sa kanya. Gumuhit lang ang ngiti sa labi nito. Nawala ang ngiti niya at kumunot ang noo niya nang mapansin ang dimples nito na malalim. “May dimples ka pala.”
“Cut!” sigaw ni Direk Romanov. “Sahara, maintain your smile.”
“Sorry, Direk!” Ngayon lang niya napansin ang dimples ng model na iyon. Kanina namang nagpa-practice sila ay di niya napansin.
Pilit siyang nag-concentrate sa ginagawa niya at hindi sa dimples ng kasayaw niya. Naman! Kahawig nito ang dimples ni Chrome pati ang ngiti. Dapat ay hindi siya pumayag na makatrabaho ang lalaking may magandang ngiti at dimples tulad ni Chrome. Ang pakonswelo na lang niya ay magaling itong sumayaw. As if they were meant to dance together.
Inalalayan siya nito para sa isang front dip. There was something sensual about the way he held her. Na parang pag-aari siya nito. Di ba alam ng lalaking ito na si Chrome lang ang may karapatang gumawa niyon sa kanya.
Walang personalan. Trabaho lang.
Pilit niyang tinitigan ang mata nito habang dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa kanya. Hinintay niya ang senyas na cut. Masyado nang malapit ang labi nito sa kanya. Halos halikan na nga siya nito.
Di na siya makakatagal. Nasaan na ang cut?
Hindi na niya narinig pa ang cut dahil hinapit na nito ang katawan niya palapit at inangkin ang labi niya. Umugong ang tainga niya. Gusto niyang magprotesta dahil hindi naman iyon kasama sa script. But the man in mask was kissing her expertly. She could almost forget about everything. Ang tanging naisip lang niya ay parang si Chrome ito dahil si Chrome lang ang may karapatang humalik sa kanya.
Posible ba na parehong humalik ang dalawang magkaibang tao?
Nang itulak niya ito ay kusa ring bumitiw ang lalaki sa kanya. “It’s party time!” narinig niyang deklara ni Neiji.
“Bakit hindi ko narinig ang cut?” tanong niya sa lalaki. Nang magkibit-balikat ito ay sinugod niya si Direk Romanov. “Direk, wala namang kissing scene sa script!”
“Hindi ko alam sa inyo. Kanina pa ako cut nang cut. Di naman ninyo ako naririnig. Don’t worry. Kung hinalikan ka man niya, di na iyon nacapture,” very professional na sagot ni Romanov sa kanya.
Nakalahad ang kamay ng model na nakamaskara pa rin nang lapitan niya. “Sahara…”
Ubod na lakas niyang sinipa ang paa nito. “Ang kapal ng mukha mong halikan ako! Boyfriend ko lang ang may karapatang humalik sa akin? Tapos…” Sinamantala nito ang kahinaan niya. Tapos ginaya pa nito ang paraan ng paghalik ni Chrome. Nakakahiya!
“Ahhh!” napaigik ito sa sakit at sinapo ang nasaktang paa. Saka nito tinanggal ang maskara. “Sahara, ako si Chrome!”
Natigilan siya. “Chrome? Anong ginagawa mo dito? Nasaan ang model na dapat ka-partner ko.”
“Baka nasa banyo pa. Nag-LBM. Kaya ako ang nandito.”
“Bakit hindi sinabi na may sakit siya…” Napanganga siya nang ma-realize ang buong pangyayari. “Anong ginawa mo sa kanya?”
“Shhhh!” saway nito sa kanya at isinuot ulit ang maskara. “Baka iharap pa kami nila Jairon kay Prince Rostam kapag nalaman ito. Major offense iyon. Saka tatay ko ang may idea doon.”
“Bakit kailangan mo pang gawin ito?”
HInila siya nito palayo sa mga tao. “Para ma-kidnap kita!”
“Ha?” Binitbit siya nito papunta sa pathwalk kung saan may hilera ng outdoor stable. Kinuha nito ang isang kabayong naroon. Si Supernova. At parang sako lang siya ng patatas na isinampa nito sa kabayo. “Chrome, anong ginagawa mo?”
“Itatanan na kita,” sagot nito nang umangkas sa kabayo at saka pinasibad nito ang kabayo palayo.
“What do you think you are doing?” sigaw niya sa kabila ng humahampas na hangin sa mukha niya. “Itatanan mo ako. Kasama mo nga kanina si Angela.”
“Sino ba sa atin ang nangako sa nanay ko na di na magpapakita sa akin kahit kailan.”
Napipilan siya dahil di niya alam ang isasagot dito. Nalaman na pala nito ang kasunduan nila ng nanay nito. Natahimik siya hanggang makarating sila sa flower field. Naiilawan ang puno doon kaya hindi madilim. Habang nanatiling tahimik si Chrome nang ibaba siya sa kabayo at tanggalin ang maskara nito.
“Chrome, paano mo nalaman na nagkausap kami ng nanay mo?”
“SI Kriege. Di siya makatiis na di sabihin sa akin. Akala ipaglalaban mo ako.”
“Ayoko lang masaktan ang nanay mo,” mahina niyang usal. At ayaw niya sa akin. Saka kasama mo na si Angela kanina.”
“para lang sabihin sa kanya na hanggang pagkakaibigan lang ang maibibigay ko sa kanya. Kahit na siya pa ang gusto ni Nanay, wala silang magagawa dahil ikaw ang mahal ko. Hindi mo ba naisip iyon?” tanong nito at binayo ang katawan ng puno.
Nakagat niya ang labi. Di niya alam kung paano papapayapain ang kalooban nito. “I am sorry. Kung galit ka sa akin…”
“Oo. Dahil galit ako sa iyo, hindi ka na makakaalis dito. Kinausap ko mismo si ang mga village lords. Di ka makakaalis nang walang permiso ko.”
“Chrome, gusto mo bang magalit sa iyo si Aling Lumen?”
“Bahala siya. Kinausap na siya ng magulang mo. Kung di sila magkakasundo, problema na nila iyon. Basta itatanan kita.”
NIyakap niya ito. “Chrome!”
“Iyon naman ang dapat na ginawa natin sa simula pa lang. Ang pagharapin sila. I respect my mother. At iyon din siguro ang ginawa mo kaya nakapangako ka sa kanya. Pero may karapatan din naman tayong maging masaya, di ba?”
“Right!” mas matapang pa ito kaysa sa inaasahan niya. “I am sorry kung di ako sumunod sa usapan natin. Natakot ako. Pero hindi na mauulit iyon. Alam ko na magagalit ang nanay mo kapag di ko tinupad ang pangako ko pero di na kita maiiwan ngayon.”
Mariin nitong hinagkan ang labi niya. she couldn’t let go of Chrome now. Ayaw na niyang mawala ito sa tabi niya. Karapatan din nilang maging masaya. Wala na siyang kinatatakutan ngayon.
“Pero paano pala ang model na biniktima ninyo?” tanong niya.
“Susuweldo siya nang walang bayad. Isipin mo na lang na nailigtas kita dahil tiyak na tatapakan lang niya lagi ang paa mo. Di siya marunong sumayaw.”
“At magaling ka?”
HInapit nito ang baywang niya. “I will even dance forever with you. And I want to grow old with you, Sahara.”
“So do i.” Si Chrome lang ang lalaking maaring magbigay ng kaligayahan sa kanya. And she was happy that she didn’t lose him.