Kung may lugar sa mundo na ayaw tapakan si Alexandrea, iyon na marahil ang Stallion Island Riding and Leisure Club. Kahit na iyon pa ang pinakamagandang lugar sa mundo, di naman niya nanaising makita pa ang ex-boyfriend na si Jairon Vince Yun. Nang mag-break sila matapos siya nitong ipagpalit sa ibang babae ay di man lang siya nito hinabol. Ni minsan ay di ito nakiusap na bumalik sa kanya. At di nito pinahalagahan ang pagmamahal niya kahit na isinuko niya ang pangarap para dito.
But when her brother Alessandrace left for a Tibetan expedition, he left his martial arts dojo Mist Fusion into her hands. At ang aalalay sa kanya ay si Jairon.
At nagsilbing isang malaking battlefield ang Stallion Island para sa kanila ni Jairon. Subalit sino nga ba ang mananalo? Ang isip na nagsasabing di na niya ito dapat mahalin o ang puso niyang hanggang ngayon ay hangal pa rin sa pagmamahal dito?
Matagal na nagtitigan sina Alexandrea at Jairon. Bawat isa ay inaalisa ang susunod na gagawin. Sa bawat pagpatak ng segundo ay lumalakas nang lumalakas ang tibok ng puso niya.
“Pwede bang hindi na lang ikaw ang makalaban ko, Master?” mahina nitong tanong. “Hindi ako pumapatol sa babae.”
“You have to land a punch, Jairon,” wika niya at marahang naglakad. Kanina pa sila nag-iikutan sa mat pero di pa rin ito sumusugod. “Or else…”
“Alright!” usal nito at pikit-matang sumugod sa kanya. Parang wala naman itong balak na saktan talaga siya. Sa pagsugod nito ay walang kahirap-hirap niyang nailagan ang suntok nito.
She crept down low. Ihinilahod niya ang binti sa sahig at pinatid ang paa nito. Tumba ito sa sahig. “Oh, gosh! My Jairon!” tili ng ilang kababaihang nakaupo sa gilid ng fighting mat. Pawang mga estudyante ito ng tai chi dojo na pag-aari ng pamilya nila. Siya at ang kapatid niyang si Alessandrace ang mga instructor doon at nakatakdang magmana ng dojo. Kaya bata pa lang ay bihasa na sila sa tai chi dahil na rin may lahing Chinese ang kanyang ina.
Masarap sanang magturo pero kailangan niyang pagtiisan ang matitinis na tilian ng mga kababaihang nag-e-enroll lang para masilayan ang kapatid niyang si Alesssandrace. At nitong huli ay para putaktihin ang bagong estudyante nila sa dojo-ang kaibigan ng kuya niya na si Jairon.
Nag-init ang tainga niya sa pagtitilian ng mga ito. At mukhang mabubuhos ang inis niya kay Jairon. Akmang susugurin niya ito pero dali-dali itong bumangon. Wala itong ginawa kanina kundi ang umilag sa bawat tira niya.
Napagod lang siya sa kaiiwas nito. Mukhang na-perfect na nito ang art ng pag-ilag. Pero sa martial arts, walang pinipiling kalaban dapat babae man o lalaki.
“Jairon, lumaban ka para sa akin,” pakiusap ni Dhaei.
“Hindi. Dapat para sa akin,” kontra naman ni Arianne na kapatid nito.
Dahil nalingat si Jairon sa pagkakaingay ng dalawa ay sinamantala niya ang pagkakataon. She thrust her palms against his abdomen. Animo’y lahat ng enerhiya niay sa katawan ay nailabas niay sa palad niya.
Napaurong si Jairon at napaupo sa sahig sa sobrang pagkagulat. “Jairon!” tilian nina Arianne at Dhaie at dinaluhan si Jairon. Ihinarang ng mga ito ang katawan kay JAiron na parang handang salagin ang lahat ng suntok para sa binata.
“Teacher, huwag mo siyang sasaktan. Ikamamatay ko,” maluha-luhang sabi ni Dhaei.
“Ako rin. Ikamamatay ko,” wika naman ni Arianne.
“Huwag ka ngang gaya-gaya. Dialogue ko iyon,” tungayaw ni Dhaie.
“Hindi mo rin naman original na dialogue iyon, ah!” angall naman ni Arianne.
“Arianne! Dhaei! Stop it!” awat ni Jairon sa dalawa. Kundi nahawakan ni Jairon ang kamay ng mga ito ay magsasabunutan na.
“JAiron, ilabas mo na nga iyang mga babae mo,” madilim ang mukhang utos ni Sofiajade, isa sa magagaling nilang estudyante sa dojo. “Nakakasira ng mood sa training. Magsisisi ka kapag ako ang kumaladkad sa mga iyan.”
“Teacher Xandie, pwede bang sa ibang araw na lang natin ituloy?” malumanay na paalam na Jairon.
“Sige. Tapos na ang training natin for now,” aniya at yumukod.
Tinapos niya ang training na iyon sa isang cool down. Lahat sila ay napagod sa sparring training. Di lang nila itinuturo sa dojo na iyon ang tai chi bilang isang uri ng ehersisyo. They also teach combat tai chi. Bagamat isa iyong magandang exercise, malupit naman iyon kapag gagamitin sa pakikipaglaban.
Pasimple niyang nilingon si Jairon na pinapagalitan ang magkapatid na Dhaei at Arianne na nag-uusap sa labas ng silid. Masinsinang kinakausap ni Jairon ang mga ito na mukhang wala yatang balak na magkasundo.
Lumingon sa kanya si Jairon at dali-dali niyang itinuon ang atensiyon sa mga estudyante. Di siya nito pwedeng mahuling tumitingin dito. Kaya naman abnormal ang tibok ng puso niya kahit na pampakalma ang breathing exercise nila.
Nang i-dismiss ang mga estudyante ay nilapitan siya ni Jairon. “I am sorry, Teacher Xandie. Di ko naman alam na mag-aaway sila.”
“Alam mong mag-aaway sila. Kailan ba naman hindi nag-away ang dalawang iyan,” singit ni Sofiajade nagpupunas ng pawis.
Pinigilan ni Jairon ang noo nito. “Huwag mo na akong kontrahin.”
“Huwag mo nang ipagtanggol ang mga babaeng iyon. Panira talaga sila ng mood sa training. Sa susunod kapag naka-sparring ko ang mga iyan, lagot sila sa akin. Di na nila nirespeto ang dojo,” angal ni Sofiajade.
“Di bale. Alam na nilang may punishment sa kanila sa next training day natin,” sabi niya. Di lang niya gaanong mahigpitan sina Arianne at Dhaie dahil may mga sinasabi ang mga magulang ng mga ito sa mundo ng negosyo. Nadadagdagan ang mga estudyante sa dojo dahil sa rekomendasyon ng mga ito.
“How about coffee? Para makabawi ako sa iyo,” alok ni Jairon. “Pwede din tayong manood ng movie.”
“Hindi nagkakape si Xandie. At ang babaduy ng mga pelikula ngayon,” harang agad ni Sofiajade dito.
Matamis na ngumiti si Sofiajade. “Nagtatampo ka naman dahil hindi ikaw ang niyaya kong magkape at manood ng sine. Halatang may HD ka sa akin.”
“Anong HD? Hard disk?” inosenteng tanong ni Sofiajade.
“Hidden desire,” sagot ni Jairon saka humalakhak nang malakas.
“Ang kapal mo! Kung ibalibag kaya kita nang matauhan ka sa ilusyon?” banta ni Sofiajade at pumorma na para makipaglaban. Pinigilan niya sa braso ang nagngingitngit na si Sofiajade. Umaangat ang paa nito para manipa pero tatawa-tawang nakalayo si Jairon. “Isang sipa lang sa mukha. Isa lang!”
“Hahayaan mo ba akong bumawi sa iyo, Teacher Xandie?” tanong ni Jairon na may halong pang-aakit ang mga mata. He looked so tempting at the moment.
Marahan siyang umiling. “No, thanks. Tama naman si Sofiajade. Puntahan mo na lang sila Arianne. Baka mag-away ulit sila.”
“Okay. See you soon!” anang si Jairon at sumaludo pa.
Pinigilan niyang iangat ang kamay para kawayan ito. Pumasok na lang siya sa shower room. Tapos na naman ang araw na iyon para sa kanya. Di pa rin nawawala sa isipan niya si Jairon kasama sina Arianne at Dhaie. Nairita lang siya at itinodo ang shower. Nagsilbing libo-libong sinulid iyon na tumusok sa pagod niyang katawan.
Sana sa susunod na magkita sila ni Jairon ay di na nito kasama ang dalawa.
“DI ko talaga maintindihan kung ano ang nagustuhan ng mga babae sa mundo kay Jairon Vince Yun. So what kung guwapo siya at mayaman? Nuknukan naman siya ng hangin. Feeling niya siya na ang pinakaguwapong lalaki sa mundo. Tayo lang yata ang walang gusto do’n,” may halong ngitngit na wika ni Sofiajade habang tumitingin-tingin sila ng mga libro sa bookstore.
Ilang araw na lang ay aalis na si Sofiajade papuntang Tokyo para doon mag-aral kaya sinasamantala na nila sa pagkakataon. Sa mga estudyante niyang babae sa dojo, ito ang nakagaanan niya ng loob. TIyak kasi niya na naroon ito para mag-training at hindi para habul-habulin lang ang kapatid niya o si Jairon.
“Na-imagine mo na ba si Jairon na hindi mayabang?” nangingiti niyang tanong habang nagba-browse sa mga novel ni Dean Kroontz. “Sa palagay ko parte ng charm niya ang pagiging mayabang.”
Natural lang na maging confident si Jairon. When Jairon spoke and he had that mischievous smile on his face, it could also make her smile. Either you hate him or you love him. Para sa mga di maka-kontra sa kayabangan nito, mabuti pang pagtawanan na lang.
Napapitlag siya nang diinan ng daliri ni sofiajade ang pisngi niya. “Hey! Tama ba ang naririnig ko? Naniniwala ka na may charm si Jairon? Akala ko ba magkakampi tayo?”
“Bakit ba sobrang tindi yata ng galit mo kay Jairon?,” panghuhuli niya dito. “The more you hate, the more you love.”
Matagal nang kaibigan ng pamilya ni Sofiajade ang mga Yun. Ang alam nga niya ay may ikinakasang deal ang kompanyang pinapasukan ng ina ni Sofiajade na Hinata Industries para maka-tie up ang computer manufacturing company ng mga Yun.
Ipinilig nito ang ulo. “Ewww! The thought gives me creeps. Hindi ako magkakagusto sa impaktong iyon. At mas gugustuhin ko na lang na magbigti kaysa naman magpakasal sa kanya.”
Kumunot ang noo niya. “Wait! Bakit sa kasalan na nauwi ang usapan?”
Hinila siya nito sa di mataong bahagi ng bookstore na parang may ibang makikinig sa usapan nila. “Narinig ko ang lolo ni Jairon na kausap sila Mama at Papa. Ngayon pa lang daw pag-usapan na ang kasal namin.”
“Wait! Akala ko isa din kina Dhaei at Arianne ang gusto niyang pakasalan ni Jairon. Bakit pati ikaw nasasali? Baka naman biruan lang iyon.”
“It isn’t funny! Saka may Reiven na ako.”
“Hindi ka nga kinakausap ng Reiven mo,” tatawa-tawa niyang sabi.
“Bukas luluhod din ang mga tala. Tandaan mo iyan. Mamahalin din niya ako.”
Napailing na siya. “Mauna na nga ako sa iyo.”
“Hindi ba manonood pa tayo ng sine?” tanong nito nang palabas na sila ng bookstore.
“Sabi mo puro baduy ang mga palabas ngayon,” paalala niya at saka ngingiti-ngiting patakbong lumayo dito. Kahit pa ilibre siya nito ng sine ay hindi pa rin siya sasama dahil may nauna na siyang natanguan. May ka-date siya.
Nagpahatid siya sa taxi sa isang condo building sa Makati. Sa penthouse ang destinasyon niya. Excited siya habang pinagmamasdan ang bawat numero sa mga floor na nadadaanan niya.
Isang matandang lalaki na ang nakaabang sa kanya paglabas niya ng elevator. “Miss Alexandrea, this way please.”
Kinuha nito ang mabigat niyang sports bag. Natigilan siya pagpasok sa eleganteng condo. Parang celebrities at royalties lang ang maaring tumira doon.
Hinagilap ng paningin niya ang ka-date niya. There he was, standing near the penthouse garden door. Nakalahad ang kamay nito. His jet black eyes chinky eyes complimented the sunset. Ilang hibla ng buhok nito ang bumagsak sa noo nito. And he definitely looked dashing in his… waiter’s uniform?
“Jairon, bakit ganyan ang itsura mo,” panggigilalas niya at hinatak ang coralline nng vest nito.
“Sige. Pagtawanan mo lang ako. I will be your servant for tonight.” Iginiya siya nito sa penthouse garden. Punong-puno iyon ng naggagandahang orchids.
Namilog ang mata niya. Parang paraiso sa kanya ang lugar na iyon habang iniisa-isa ang ibat ibang uri ng orchids, iba’t ibang kulay at laki. It was like a mini orchidarium. “Jairon, kailan pa nagka-orchids sa penthouse mo?”
“Ipinahanda ko talaga para sa date natin ngayon.” Pinaupo siya nito sa sculpted rock boulder na garden set. “Love it?”
“I love you,” aniya at ginagap ang kamay nito. Gustong-gusto niyang bumisita sa mga orchid gardens. Dahil di niya iyon magagawa nang kasama si Jairon, gumawa ito ng orchid garden para sa kanya.
Maraming hindi nakakaalam ng relasyon nila ni Jairon. It was an ultra secret relationship. Di alam ng pamilya at mga kaibigan nito at lalong hindi pwedeng malaman ng pamilya niya. bagamat mabuti itong kaibigan ng Kuya Race niya, di naman gusto ng mga ito ang pakikipagrelasyon ni Jairon sa iba’t ibang mga babae.
Kahit naman siya ay hindi interesado kay Jairon. But she could help herself. Everytime she looks at him, the air sizzles. At kapag ngumingiti ito sa kanya ay natutunaw ang tuhod niya. sa mga mata nito, siya lang ang nag-iisang babae.
Kaya kahit anong iwas niya, di naman nakaiwas ang puso niya. at para pangalagaan ang relasyon nila, pinili nilang isekreto ang lahat.
“Lalo mo siguro akong mamahalin.” Isinalin nito sa china cup ang mabangong tsaa na siyang paborito niya. “I brought you a lavender tea.”
“Thank you!” maluha-luha niyang sabi. Matagal na siyang di nakakainom niyon. Mahirap kasing um-order ng brand na gusto niya sa isang specialty store sa Switzerland. “Mawawala na ang stress ko. Nakakapagod ang training kanina.”
“Thank you lang? wala ba akong kiss?” pilyong tanong nito.
“Hindi mo naman ako tinamaan kaninang laban natin. You don’t deserve one.” May deal sila na kapag tinamaan siya nito sa laban nila, pwede na siya nitong halikan. Pero wala naman itong ginawa kundi ang umilag.
Usapan nila ni Jairon ay mahahalikan lang siya nito kapag twenty na siya. Di ito nakatiis na maghintay ng dalawang kaya nakipag-deal sa kanya.
“Kaya ko namang magtiis na di ka mahalikan. Di kita kayang saktan.” Nagsalin din ito ng lavender tea at uminom. “Kaso mukhang may matindi kang galit sa akin dahil sa palm thrust na iyon.”
“Okay lang naman sa iyong masaktan. Nandoon naman sina Dhaie at Arianne para protektahan ka.” Awtomatikong tumirik ang mga mata niya.
Hinaplos nito ang pisngi niya. “Nagseselos ka sa kanila? Ikaw ang mahal ko.”
“Yes. Pero nasasabi nila sa harap ng ibang tao kung ano ang nararamdaman nila para sa iyo.” Kinuyom niya ang palad. “Samantalang ako…” Pumalatak siya. “Ako naman ang may gusto na huwag i-reveal ang relasyon natin. But it is somehow frustrating on my part.”
Niyakap siya nito. “Kahit naman ako. Di ko alam kung paano ka poprotektahan sa mga lalaking gustong manligaw sa iyo. Pero kung gusto mo, pwede naman nating kausapin ang parents mo. I want to tell the world that you are my girlfriend. At di ka rin magseselos sa ibang babae.”
Umiling siya. Di niya alam kung bakit may kakaibang takot na pumipigil sa kanya na sabihin ang totoo. Parang isang malaking trahedya ang nakaabang oras na may ibang makaalam ng relasyon nila ni Jairon.
She couldn’t risk that. Ayaw niyang mapalayo kay Jairon. Kaya pa niyangj magtiis kahit na ilang panahon pa hanggang tuluyan na siyang nakahanda na ipaglaban ito.
KINALAMPAG ni Alexandrea ang mesa ni Jairon na busy pa sa pagtitig sa laptop nito. Kalalabas lang niya mula sa university na pinapasukan. Tumawag ito sa kanya at sinabing nasa coffee shop lang ito sa harap ng university at hinihintay siya.
“Hoy! Malapit na akong sunduin ni Kuya. Bakit ba bigla kang nakipagkita?” tanong niya habang palinga-linga sa paligid. Mahirap nang may makakita sa kanilang magkasama. Ilag na ilag siya dahil ayaw niyang mapaghinalaang nobya nito.
May dinukot ito sa bulsa ng jacket nito. “Para dito.” It was a white gold necklace with an aquamarine pendant. “Happy second monthsary!”
Namilog ang labi niya lalo na nang isuot iyon ni Jairon sa kanya. Nakalimutan na niya ang takot na may makakilala sa kanilang ibang tao. Nakalutang siya sa alapaap nang mga oras na iyon. Iyon ang unang beses na nakatanggap siya ng regalo mula dito para sa monthsary nila.
“Akala ko hindi mo maalala,” wika niya nang umupo ito sa tapat niya.
“Noong unang monthsary natin, di ko alam. Di ko naman naranasang magka-monthsary sa ibang naging girlfriend ko. Di na kami umaabot pa ng isang buwan para mag-celebrate.” Ginagap nito ang kamay niya. “Pero di ko na makakalimutan ang importanteng araw ng buwan na ito para sa ating dalawa.”
Her heart swelled with so much joy it nearly burst. Nang nakaraang buwan ay isang linggo niyang di kinibo si Jairon sa sobrang tampo dito dahil di nito naalala ang monthsary nila. Araw-araw siya nitong sinuyo noon.
Ngayon ay di ito nakalimot. Nawala na ang katiting na alinlangan sa puso niya na baka hindi siya nito mahal. Ibig sabihin ay siya ang pinakamatagal nitong girlfriend at seryoso ito sa kanya. Sana ay tumagal pa ang relasyon nila. Sana sa susunod ay kaya na nilang ipagsigawan sa buong mundo na mahal nila ang isa’t isa.
“Sa penthouse ko tayo mamaya. I have a surprise for you,” anito at ginagap ang kamay niya.
“Sige. Pagkatapos ng tai chi class ko. May tai chi competition naman si Kuya Race sa Hong Kong at flight na niya mamaya. I will see you. I love you, Jai!”
Nag-flying kiss ito sa kanya nang paalis na siya. Magaan ang pakiramdam niya habang patawid ng kalsada. Nawala ang ngiti niya nang makitang nasa harapan na niya ang Kuya Race niya. Nakahalukipkip ito at matiim ang mga labi habang pinagmamasdan siya.
“Si Jairon ba ang kausap mo sa café?” tanong nito.
Marahan siyang tumango. “Y-Yes. Humihingi lang siya ng information tungkol sa isang classmate ko. Basta magaganda, walang pinapalagpas iyang kaibigan mo.”
Tahimik itong nagmaneho hanggang makalayo na sila sa eskwelahan. Kampante na sana siya na di na ito mag-uusisa pa kay JAiron nang magsalita itong bigla. “Don’t fall in love with Jairon. Wala siyang babaeng seseryosohin.”
Pagak siyang tumawa kahit na malakas na malakas ang kaba ng dibdib niya. Naghihinala na ba ang kapatid niya tungkol sa kanila ni Jairon.
“Kuya, mukha ba akong mai-in love sa kanya?”
“Bakit naman hindi?” walang kangiti-ngiti nitong ganti ng tanong.
Napalunok siya. “I don’t even like the man.” Saka siya umiwas ng tingin.
“Hindi mo masasabi, Xandie. Jairon will never fall in love. Kung magmamahal man siya, that girl is surely in jeopardy.”
“Bakit naman?” usisa niya. Sumasal ang kaba sa kanyang dibdib. Kung magsalita ito ay parang nasa panganib ang buhay niya.
“Basta. Mamalasin ang babaeng iyon. so don’t you dare fall for him,” mariin muli nito paalala. “Masasaktan ka lang.”
Itinuwid niya ang tingin sa daan. Wala nang silbi ang warning na iyon. Mahal na niya si Jairon at wala nang makakapagpalayo pa sa kanya dito.