Stallion Island Series Chapter 52

“GUSTO kong magpunta sa abroad at magtrabaho sa isang magandang hotel. Or maybe manage my own restaurant. Kaso hindi ka naman expertise ang pagluluto,” patuloy na kwento ni Alexandrea habang sakay sila ng elevator.

Katatapos lang nilang mag-celebrate ng monthsary nila. Simple lang iyon. Nag-dinner lang sila habang pinagku-kwentuhan ang mga plano at pangarap nila.

“Gusto mo lang magtrabaho? Kayang-kaya naman kitang ipagpatayo ng hotel kung gusto mo. Kahit gaano pa kalaki,” puno ng kompiyansang wika nito.

Siniko niya ito. “Ang yabang mo! All I want is a little inn with a homey feeling. Para pwedeng maging bahay ng magiging mga anak natin.”

Kinintalan siya nito ng halik sa noo. “Kaya bilisan mong makatapos ng college para madali na para sa akin na itanan ka.” Ngumisi ito. “With consent.”

Ayaw pa ng Papa niya na magpaligaw siya. Masunurin naman siya noon hanggang nanligaw si Jairon sa kanya. Siguro naman ay matatanggap na ng mga magulang niya sI Jairon bilang nobyo niya sa panahong iyon. Sapat na para patunayan ni Jairon na malinis ang intensiyon nito sa kanya at siya lang ang babaeng mahal nito.

Magkahawak pa ang kamay nila ni Jairon nang bumukas ang elevator. Muntik na niayng naising sumara iyon ulit nang bumungad sa kanila ang magkapatid na Dhaei at Arianne. Dali-dali siyang bumitiw kay JAiron. Ni hindi sila napansin ng mga ito dahil abala ang mga ito sa pagtatalo.

“That necklace is mine,” nakapamaywang na wika ni Dhaei.

“Sa akin iyon. Moonstone iyon. Di naman iyon ang birthstone mo,” kontra ni Arianne.

“And it isn’t yours either. Mas bagay sa kagandahan ko ang kuwintas na iyon kaya common sense lang na sa akin iyon ibibigay.”

Napahawak siya sa kuwintas na suot. Iyon marahil ang kuwintas na pinagtatalunan ng mga ito. Pasimple niyang ipinaloob ang pendant ng kuwintas. Iniimbestigahan pala ng mga ito ang kilos ni Jairon.

Inakay siya ni Jairon palabas ng elevator. “Dhaei, Arianne, what are you doing here?”

“Jairon, I miss you!” wika ni Arianne at yumakap sa leeg nito.

“Ako rin. Miss na kita,” sabi naman ni Dhaie na sa baywang ni Jairon yumakap. Nakamaang lang siya sa mga ito. Ang totoo ay di naman siya nagseselos. Naaalibadbaran lang siya. Parang linta kasi ang mga ito kung makakapit.

“Girls, nakakahiya! Nasa public place tayo,” paalala ni Jairon.

“Then let’s go somewhere private,” bulong ni Dhaei.

“Hindi ba kayo nahihiya kay Teacher Xandie?” marahang tanong ni Jairon.

Parang di pa rin natinag ang dalawa nang makita siya. Sumimangot si Arianne. “Anong ginagawa mo dito? Nanliligaw ka kay Jairon?”

“What?” Umiling siya. “Of course not! Naiwan ni Jairon ang cellphione niya sa locker. Ipinakuha lang niya sa akin. May report siyang kailangang ipasa kanian kaya ako na lang angm nag…”

Natigil siya sa pagsasalita nang pakatitigan ni Dhaei ang leeg niya. “Nag-a-alahas ka pala. Sabi mo hindi ka mahilig.”

“N-Ngayon lang naman.” Bakit di na lang magpatuloy sa pagdikit-dikit kay Jairon ang mga ito? Bakit kailangan pang pansinin ang leeg niya? Hindi tuloy siya naging komportable at bahagyang umurong.

“Baka naman bigay iyan ng boyfriend mo. Patingin naman ako,” sabi ni Dhaei. Hindi na nito hinintay ang permiso niya at hinatak ang kwintas niya para makita ang pendant. “Wow! How nice! Ang ganda naman ng pendant. Moonstone.”

“Dhaei, that’s the necklace! IYan ang binili ni Jairon sa jewelry store. Nakita natin, hindi ba?” bulalas ni Arianne.

“What?” tili ni Dhaei at kinuyom ng palad ang pendant. “You bitch! Ikaw ang babae ni Jairon. Sa akin dapat ang kuwintas na ito. Sa akin!”

Nahindik siya nang mabanaag ang matinding selos at galit sa mata nito. Naramdaman din niya ang pagbaon ng chain ng kuwintas sa batok niya. Awtomatikong gumalaw ang mga kamay niya. Tinabig niya ang kamay ni Dhaei at lumayo dito. Wala siyang planong komprontahin ito tungkol sa kuwintas. Hindi siya handa. Sana ay pisikal na laban na lang ang harapin niya.

Dahil alam niyang nanganganib ang relasyon nila ni Jairon. Hindi sila Arianne at Dhaie ang maaring magtago ng sekreto sa relasyon nila ni Jairon,.

Dinaluhan agad siya ni Jairon at itinago sa likuran nito para protektahan siya sa dalawa. “Kay Xanie talaga ang kuwintas na iyon,” mariin nitong wika.

“May relasyon kayong dalawa?” nag-aapoy ang matang tanong ni Dhaie. “Hindi ba ako ang para sa iyo? Why her?”

“We are also destined together,” wika ni Arianne at ipinadyak ang paa. “At hindi ako papayag na may humadlang sa pagmamahalan natin.”

They were screaming at the top of their voices. She didn’t like it one bit. Nakakakuha na sila ng atensiyon ng ibang mga tao lalo na’t malapit lang sila sa elevator at natatanaw mula sa lobby. Sana ay may magic siya para maglaho na siya sa harapan ng dalawa at makalayo na siya sa mga ito.

“Sa ibang lugar natin ito pag-usapan,” wika ni Jairon.

“Hindi!” Hinampas ni Arianne ang salamin ng estante kung saan may stone sculpture. “Walang kwenta kundi ka magiging akin.”

sculpture at akmang ipupukol sa kanila ang rock sculpture. “Ma’am, huwag po kayong dito magkagulo. Sa ibang lugar na lang po.”

“Huwag ka ngang makialam dito!”

Sa gulat niya ay ang guwardiya ang nabalingan ng magkapatid at pinagsisipa at pinaghahampas ng bag. Sinubukan nilang umawat kasama ng iba pang mga guwardiya na sumaklolo. Parang mga maninilang hayop ang dalawa. Nahirapan din ang iba napigilan ang mga ito.

“Dalhin na natin sa presinto ang dalawang baliw na iyan,” deklara ng security head matapos matamaan sa panga dahil sa pagwawala ng dalawa.

ALERTO si Alexandrea sa bawat pagri-ring ng telepono at maging ng cellphone niya. Hindi siya mapakali. Kailangan niyang makausap si Jairon Maghapon niya itong hindi nakita at di rin tumawag. Di rin ito dumalo sa tai chi class nito. Di rin nakadalo ang magkapatid na Arianne at Dhaei. Dahil sa ginawang gulo sa condo building ni Jairon ay nakulong ang mga ito. May slight physical injuries pa na isinampang reklamo dito bukod sa public scandal.

Pinauwi na siya ni Jairon at ito na lang ang tumuloy sa presinto para piyansahan ang dalawa. Nangako itong tatawagan siya para balitaan. Pero hanggang ngayon ay naghihintay pa rin siya ng tawag nito.

“Ma’am Marge, alam po ba ninyong nakulong pala ang anak ni Mr. Ortiz? Sina Dhaei at Arianne. Aba’y nag-eskandalo ba naman sa condo building ng kaibigan ng anak ninyo. Si Sir Jairon. Paano’y may nahuling may kasamang babae.”

Bigla siyang naging alerto nang marinig ang kwento ng kawaksi nila sa mama niya. Pinsan nito ang isa namanag kawaksi sa bahay ng mga Ortiz. At pagdating sa palitan ng tsismis ay di napag-iiwanan ang mga ito.

“Wala talagang buting maidudulot ang mga babaero. Ako nga natatakot na baka mahawak si Alessandrace ko sa kay Jairon. Mabait namang bata si Jairon kundi lang talaga palikero. Ngayon may nakulong pang babae dahil sa kanya,” naiiling na wika ng mommy niya habang ihinahanda ang hapunan.

“May kabigatan din ang kamay ng dalawang babaeng iyon, Ma’am. Paano’y inaawat na sila ng guwardiya, iyon namang guwardiya ang binalingan. Pinatatadyakan at pinagsusuntok daw. Kulong ang inabot nila. At alam ba ninyo kung sino ang babae, Ma’am?”

“Mama!” tawag agad niya sa ina bago pa nito malaman ang katototohanan. Wala pa mandin pakundangan ang maid nila sa maapektuhan ng tsismis nito. ang mahalaga lang dito ay may maihatid na pagtsitsismisan. “Nag-text po si Papa. Magpaganda daw po kayo. Gusto niay magandang-maganda kayo kapag Sinalubong ninyo siya para po mawala ang pagod niya.”

“Talaga?” kumikislap ang matang tanong nito. “Karing, ikaw na ang bahala dito. Minsan lang mag-request si Wulbert na magpaganda ako.”

“Yes, Ma’am,” sabi ni Karing at iniwan itong nag-aayos ng mama niya.

“Ate karing, iyong tungkol sa babaeng nahuling kasama ni Jairon…”

“Uy! Gusto mo ring malaman? Di ko rin alam. Nahuli na kasi si Meldy na nagte-telebabad ng amo niyang lalaki. Ayun. Pinababa na ang phone. Inuuna pa daw ang tsismisan samantalang malaki ang problema sa bahay.”

Nakahinga siya nang maluwag. Ligtas siya sa ngayon. Ang problema ay kapag lumaba ang katotohanan sa relasyon nila ni Jairon. Hindi kaya panahon na para kausapin niya ang mga magulang niya? pero di niay iyon maaring gawing mag-isa,. Kailangan ay makausap niay si Jairon.

Sinubukan niyang tawagan ang numero nito sa cellphone pero di niay ma-contact. Maging sa condo nito ay wala ring sumasagot. Nasaan na ba ito?

“Xandie, nandiyan na ang daddy mo. Gusto ka daw makausap,” untag sa kanya ng mama niya. bakas ang matinding pag-aalala sa mukha nito.

Seryoso din ang itsura ng papa niya. masayahin ito at madaling ang pagakakataong nagagalit ito.

“Tapatin mo nga ako, Alexandrea. Boyfriend mo ba si JAiron?”

“P-Papa!”

“Na-decline ang loan natin sa bangko nila Mr. Ortiz,. Ang sabi daw ng mga anak niya, inaagaw mo si Jairon sa kanila. Kaya naman nakulong ang dalawang iyon dahil nahuli kayong magkasama ni jairon.”

“Totoo ba iyon, anak?” tanong ng mama niya.

“Ma, sila lang naman ang naghahabol kay Jairon. Kami ni jairon ang talagang nagmamahalan.” Huli na para bawiin pa n iya ang pahayag. Hindi na niya maari pang itago ang katotohanan ngayon.

“Ano?” galit na bulalas ng papa niya. “Sinabihan ka na namin na layuan si Jairon. Kailan pa naging matigas ang ulo mo? Dahil sa kanya?”

“Nagmamahalan po talaga kami, Pa. At hindi ako lolokohin ni jairon. Gusto niyang huimarap nang maayos sa inyo kaso nag-aalala ako…”

“Dahil sa pagsuway mo, ako naman ang walang mukhang ihaharap sa mga ninuno natin. Sa sobrang galit ni Mr. Ortiz, na-decline na ang request nating mag-loan para sa expansion ng negosyo natin. At kilala ko siya kapag nagalit. Baka mahirapan na tayong humanap ng ibang bangko dahil sa impluwensiya niya. Saan mo sa palagay mo pupulutin?”

Bukod sa tai chi dojo ay may maliit pa silang sapatusan. Mahirap ang dinanas ng negosyo nila at ngayon pa lang sila bumabawi. Kaya nga sa kabila ng batang edad ay naging responsible na siyang tumulong sa pamilya.

“Papa, I am sorry.” Di niya inaasahang aabot doon.

“If you are really sorry, then stay away from Jairon. Huwag ka nang makikipagkita sa kanya nang kayong dalawa lang. Wala siyang mabuting idudulot sa iyo. Kung mahalaga pa kaming pamilya mo, kalimutan mo na siya.”

MAGAAN ang pakiramdam ni Alexandrea habang papunta sa party ng kaibigan ni Sofiajade na si Hiro Hinata. Sinundo siya nito sa bahay nila dahil wala daw itong kasama sa pagpunta sa naturang party. Parang despedida na rin kasi iyon ng kaibigan na malapit nang lumipad papuntang Tokyo para mag-aral.

Wala siyang hilig sa parties pero parang iyon na ang pinakamagandang nangyari sa kanya nitong nakakaraang araw. Gwardiyado ng pamilya niya ang bawat kilos niya. bagamat parang normal pa rin ang schedule niya, di naman niya pwedeng makita si Jairon. Hindi na rin ito nakakapag-training pa sa dojo. At dahil walang pinapalampas na party si Jairon, umaasa siyang magkikita sila ngayong gabi.

“Bakit kailangan ko pang magpaalam kay Tito?” tanong ni Sofiajade. “dati naman siya pa ang nag-e-encourage sa ating um-attend ng parties.”

“Grounded kasi ako ngayon,” pag-amin niya.

“Bakit?” Siniko siya nito. “May boyfriend ka na siguro. Sino iyon?”

Makahulugan siyang ngumitii. “Sekreto!”

“Kainis! Ako nga alam mo ang pagsinta ko kay Reiven tapos wala ka man lang iku-kwento kahit konti? Hindi ako papayag nang matapos ang gabing ito nang di mo sinasabi sa akin ang lahat.”

Hindi nagtagal ay dumating sila sa estate ng mga HInata. Inspired by Japanese architecture ang bahay ng mga ito. Pag-aari ng mga HInata ang Hinata Industries, ang kompanyang nangunguna sa paggawa ng bagong technology. At tiyak niyang naroon si Jairon dahil ka-tie up ng kompanya nito ang mga Hinata.

Sa gitna ng maraming mga tao, naramdaman na lang niya ang pagtayo ng balahibo niya sa batok. The air around her sizzled. Animo’y may magnetong himila sa kanya. Nang lumingon siya ay nagtama ang tingin nila ni Jairon. Parang pinipiga ang puso niya habang nakatitig ito sa kanya. Nang mga oras na iyon, parang sila lang ang mga tao sa mundo. She wanted to run to him and touch him. Hold him and never him go. She missed him so much she wanted to cry out for his name. Halos isang buwan niya itong di nakita. Paano siya nabuhay nang isang buwan nang wala ito sa piling niya?

“Hay, naku! Nandito na naman ang panira ng party. Hindi yata na-detect ng PAG-ASA na may dadating na bagyo,” pasaring ni Sofiajade. “Mabuti pa doon tayo sa malapit sa band. Naaalibadbaran ako sa Jairon Vince Yun na iyan.”

Subalit di siya natinag at nananatiling nakatitig lang kay Jairon. Huli na para hilahin siya ni Sofiajade palayo dahil nakalapit na ito. “Good evening, ladies. Xandie, I haven’t seen you in a while.”

Nahigit niya ang hininga nang banggitin nito ang pangalan niya sa swabeng boses. “Hindi ka na kasi nagpupunta sa dojo para mag-training.”

Kakaiba ang pakiramdam niya kay Jairon. He was looking at her with those modern Casanova eyes. Parang intensiyon niya ay akitin ang sinumang babaeng nakikita nito. Hindi ito ang Jairon na puno ng pagmamahal tuwing tinititigan siya kahit na hindi ito magsalita.

“Nagbakasyon kasi kami sa Singapore,” singit ni Dhaie na awtomatikong kumapit sa braso ni Jairon. Naroon pala ito at kasama ni Jairon sa party.

“And we had a great time!” dugtong naman ni Arianne. Napamaang siya. All this time, habang siya ay nakabilanggo ay kasama pala nito ang dalawa. At sa itsura ni Jairon ay mukhang nag-enjoy ito sa bakasyon.

“Buhay pa pala kayong dalawa,” anang si Sofiajade at umingos.

“Hindi namin basta-basta isusuko si Jairon,” sabi ni Dhaei at nakatuon ang tingin sa kanya. “Mabuti nang sa amin siya mapunta kaysa sa iba.”

“At walang magagawa ang kahit sinong babae para maagaw siya sa amin.” Idinikit pa ni Arianne ang katawan kay Jairon. “So it’s just between me and Arianne.”

Tinitiyak nito na eliminated na siya sa listahan. Maaring pakitang-tao lang ni Jairon ang lahat. Subalit nang tingnan niya ito ay ngumiti lang ito. Hindi iyon ang ngiti na may sekretong mensahe na para lang sa kanilang dalawa.

“Girls, let’s go! Salubungin natin si Papa,” sabi ni Jairon at nagpaalam sa kanilang dalawa ni Jairon.

Hindi niya maiwasang sundan ng tingin si Jairon habang kausap nito ang ibang tao. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari. Parang masaya pa si Jairon habang nakaakbay sa dalawang babae. He usually flirts with women. Balat-kayo nito para itago ang kanilang relasyon. Pero di niya maiwasang magselos ngayon. Hindi ba dapat ay ipinaglalaban siya nito? Hindi nagbabakasyon kasama ang mga babaeng dahilan kung bakit di na matutuloy ang negosyo ng Papa niya. Parang sinasaksak nito ang puso niya. Matagal silang hindi nagkita tapos ito ang bubungad sa kanya? She needed an assurance that she’s still in his heart.

Sinamantala niyang lapitan si Jairon nang maiwan ito sa mesa at pumunta naman sa powder room sina Arianne at Dhaei. “Jairon, can we talk?” Luminga siya sa paligid. “Somewhere private.”

Tumayo ito. “Sure,” anito at iginiya siya papunta sa bahagi ng garden na walang tao. May maliit na man-made spring doon kung saan malaya silang makakapag-usap at malayo sa mga bisita. “Anong gusto mong pag-usapan?”

Gusto niyang mayakap ito nang silang dalawa na lang subalit nadismaya siya nang marinig ang malamig nitong boses at walang ekspresyon sa mukha nito. Hindi iyon ang inaasahan nila ngayong silang dalawa na lang.

“About us. Hirap na hirap akong di tayo nagkikita. Akala ko iniisip mo rin ako. Tapos ito lang pala ang makikita ko? Pumunta ka sa Singapore kasama sila at ngayon umaakto ka na parang wala tayong relasyon na dalawa.”

Itinaas nito ang isang kamay. “Xandie, it’s over.”

Di siya makapaniwala habang nakatitig dito. Tapos na ang relasyon nila? Ganoon lang kasimple? “Bakit? Dahil ba sa parents ko? Ayaw nila sa iyo? Sabi mo naman maghihintay ka, di ba? Ipaglalaban mo ako…”

HInawakan nito ang balikat niya at tinitigan siya sa mga mata. “Xandie, it is not about you or your family. It’s about me. Hindi mo ba ako kilala? Matagal na ang dalawang linggo sa karelasyon ko. You are lucky. We lasted for two months.”

Ngayon niya naintindihan ang tinutumbok ng sinasabi nito. He already ended everything. Wala na rin ang pagmamahal na sinasabi nito sa kanya. “Balewala na ako sa iyo matapos ang two months? And you promised to love me.”

Ipimulsa nito ang kamay at umangat ang gilid ng labi. “Minahal naman kita, ah! Naging faithful din ako sa iyo sa loob ng dalawang buwan na girlfriend kita. Kaya siguro tumagal ang relasyon natin dahil may thrill na isinekreto natin. Pero may iba nang nakaalam. Our relationship lost its appeal.”

“Parang laro lang ako sa iyo?”

“Right. It has always been a game for me. Do you think I would seriously fall in love?”

Umiling siya at mapait na ngumiti. “No. I am just stupid to believe you.” Lahat ng pagmamahal ay ibinuhos niya dito. Nangangarap pa nga siya na magtatanan sila at ipagtatanggol nito ang pagmamahal nila. She was disillusioned. She felt worthless. “Ito na ang huling beses na maloloko ako ng katulad mo.”

Gusto niyang tatagan ang sarili subalit parang dinudurog puso niya. Parang naiwan lang siyang mag-isa. Siya lang ang nagmamahal. Siya lang ang naananaginip. Wala naman pala siya ipaglalaban dahil pinaglaruan lang siya nito.

“Anong ginagawa mo sa Jairon ko?” sigaw ni Dhaei at patakbo silang nilapitan.

“JAiron ko rin iyan!” segunda naman ni Arianne.

“Sa inyo na ang Jairon ninyo,” matatag niyang wika kahit na naluluha siya. Hinarap niya ang dalawa nang nakangiti. “Baka matagal na ang dalawang linggo sa inyong dalawa, you will be dumped. He has no concept of happily ever after. Sarili lang naman niya ang mahal niya.” Hinaklit niya ang kuwintas na bigay ni Jairon at ihinagis sa dalawang babae. “O! sa inyong dalawa na. Maging masaya sana kayo.”

Di na siya nagtangka pang lingunin si Jairon. Tama na ang panghihiya niya sa sarili niya. Ayaw niya itong bigyan pa ng kaligayahan na makita kung gaano siya nasaktan. Wala itong karapatan na mahalin ng kahit sino. Nagising siya sa isang masalimuot na bangungot mula sa isang magandang panaginip.

Hindi siya papayag na masaktan pa ng katulad ni Jairon kahit kailan.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.