Saganang sikat ng araw ang sumalubong kay Alexandrea nang tumapak siya sa airport ng Stallion Island. Inayos niya ang shades at tinanaw ang paglipad ng mga seagulls sa himpapawid. Sa di kalayuan ay tanaw na niya ang karagatan. Sa ere pa lang ay namangha na siya sa magandang isla. Kakaiba pala ang pakiramdam kapag nasa mismong isla na. It was energizing and calming at the same time. Di niya maramdaman ang halos dalawang araw niyang biyahe mula sa Canada. Isama pa ang isang oras niyang biyahe mula sa Manila papuntang isla. Dahil dalawang araw siyang na-late sa takdang pagpunta niya sa isla, nahirapan siyang kumuha ng flight. Maswerte lang siya na may nakuha pa siyang seat.
Parang nasa ibang mundo siya nang pumasok sa pavilion na nagsilbing terminal sa pagpasok sa mismong Stallion Island. It was a high tech airport terminal.
Stallion Island Leisure and Riding Club was really one of a kind. Branch ito ng sikat na Stallion Riding Club na pag-aari ng pamilya Alleje. It catered to rich and famous men in the country. Naging tanyag ang naturang riding club nang ipalabas sa Stallion Shampoo commercial. Mula noon, pinagkaguluhan na ang mga members ng Stallion Riding Club. At ilang buwan lang ang nakakaraan ay nai-launch na ang Stallion Island na pag-aari ni Prince Rostam at ng anim na kaibigan nitong village lords. KAsama ang kapatid niya sa mga pioneer members.
Isasakay niya ang mga luggage niya sa cart mula sa baggage carousel nang may lalaking humawak sa luggage niya at nagsampa sa cart. “I’ll help you, Miss.”
“Thanks!” Guwapo ito at matangkad. Napansin niya ang singsing nito na may Stallion Island insignia. Member ito ng club. At mukha ring babaero.
“You must be one of our guests. I am Slade! And you are…”
KInamayan niya ito. “Alexandrea Sandejas, sister of Alessandrace. First time ko dito sa Island.”
“It is a pleasure to meet you,” anito sa swabeng boses at inangat ang kamay niya palapit sa labi nito. Natigilan ito nang akmang hahalikan ang kamay niya at nakita ang makinang niyang engagement ring. Kinamayan na lang siya nito. “Whoa! I hope you’ll enjoy your stay here at the island. Just look for me if you need help.”
“Thanks!” aniya at sinundan ito ng tingin nang tumalilis ito palayo.
Muntik na siyang bumulanghit ng tawa at inangat ang kamay na may suot na engagement ring. Very convenient nga ang may engagement ring. It could easily ward off woman-hungry men. Katulad na lang ng Slade na iyon. parang katabi lang niya si Joshua at safe ang pakiramdam niya. Tama lang na isuot ang singsing.
TInawagan niya ang kapatid na si Alessandrace habang naghihintay na mabigyan ng clearance papasok sa isla. Mahigpit pala ang security doon. Daig ang NAIA. “Kuya, nasa Stallion Island na ako. I am here at the terminal.”
“Finally! Akala ko hindi ka dadating. Nasa Beijing na kami. Sine-secure namin ang entry visa namin papuntang Tibet.”
“I told you. It is not easy to leave the ski lodge. Buti nga nakarating agad ako. Ang higpit pala dito.”
“I know that you love being a boss, Xandie. Pero habang nandiyan ka, susundin mo ang magiging guardian mo. Siya rin ang magbibigay ng instruction sa iyo habang nasa Mist Fusion ka. Responsibilidad ka niya. Kapag may nilabag kang rules, sa kanya iyon magre-reflect.”
“I am a good girl, Kuya. Hindi na ako bata para sabihan mo pa. Sino nga pala ang susundo sa akin?” tanong niya. Napansin niya na ang ibang mga guest na kasabay niya ay may kasa-kasamang member na nagve-verify ng entry ng mga ito.
“I have to go, Xandie. Kailangan kong itago ang cellphone ko dahil ubod ng higpit dito sa China. Take care of Mist Fusion!”
“Good morning!” bati sa kanya ng terminal personnel.
Inabot niya ang entry pass niya. “I am Alexandrea Sandejas,” wika niya.
“Ma’am, kailangan po ng verification mula sa custodian ninyo.”
Luminga-linga siya. “Wala pa nga ang custodian ko. Sino ba ang custodian ko?” Nag-iwan siya ng mensahe sa numerong ibinibay ng kapatid niya. Wala namang reply. Sinubukan din niyang tawagan pero wala pa ring sagot.
“Si Mr. Jairon Vince Yun po.”
“What? Siya ang custodian ko?” Nasapo niya ang noo. Sa dinami-dami ng custodian na kukunin ng kuya niya, bakit si Jairon pa? “Naman! Wala bang ibang pwede?”
“Si Sir Alessandrace lang po ang magdedesisyon kung sino ang pwedeng maging custodian ninyo. It was verified by your brother, Ma’am.”
Ano bang nakain ng kapatid niya nang kunin nito si Jairon bilang guardian niya? Di kaya lasing ang kapatid niya noon? O baka naman mentally deranged nang mga panahong iyon? Si Jairon nga mismo ang pinakaiiwasan niyang makita.
“Nasaan siya ngayon?” mataray niyang tanong. Di ba alam ng Jairon na iyon na di siya nito dapat paghintayin at ipahiya?
Nag-type ang personnel sa keyboard. “Ma’am, Sir Jairon is not at the island right now. May meeting po siya sa Stallion Riding Club.”
Tumaas ang kilay niya. “ANong ginagawa niya doon? Nandito ako! Kailan siya babalik?” Pagod na siya sa biyahe. Gusto niya ng disenteng pahinga.
“Hindi po namin alam, Ma’am. Kahit po ang mga kapatid at pinsan niya wala rin dito sa isla. If you can contact him…”
“I can’t!” Mukhang sinasadya ng Jairon na iyon na hindi dumating sa isla. Di pa siya naglulubag-loob sa kasalanan nito sa kanya noon. Ngayon ay dadagdagan pa nito ang kasalanan nito. “Wala bang ibang pwedeng magpasok sa akin sa isla?”
“Si Sir Jairon lang po ang may permiso para magpasok sa inyo sa isla at maging guardian ninyo. Dapat pong makapasok na kayo sa isla four hours upon arrival. Kung hindi po, ibabalik kayo sa mainland.”
“No way! Kapatid ako ni Alessandrace. Ako ang temporary manager ng Mist Fusion. Hindi ninyo pwedeng gawin ito sa akin,” nanggagalaiti niyang wika. “Sandali! Tatawagan ko si Kuya para humanap ng ipapalit sa Jairon na iyon!”
Mariing magkadikit ang labi niya. tinawagan niya ang numero ng kapatid. Di niya ito matawagan. In-off nga pala nito ang cellphone. Nakakainis!
Lumapit sa kanya ang isang matangkad at matipunong lalaki. Sa uniform nito ay miyembro ito ng security ng isla. “Ma’am, you have to come with us at the waiting lounge if your custodian is not here yet.”
Napilitan siyang sumama sa waiting lounge. Kasama niya ang mga babaeng kuntodo sa pagpapaganda. Mukhang mga nagbabaka-sakali lang itong makapasok sa Stallion Island. Desperate women who wanted to be a part of the prestigious island. Madidikit siya sa mga babaeng ito? Made-deport din siya?
Nagbaka-sakali siyang tawagan ang numero ni Sofiajade. Kasama ito sa security team ng Stallion Island. “Hello,” anito sa ngamol na boses.
“Sofie, Xandie here!”
“Master Xandie! Himala at tinawagan mo ako. What’s up?”
She felt guilty. Madalang niyang sulatan ang kaibigan. Malapit kasi ito sa pamilya ni Jairon at minsan ay di maiiwasang mabanggit nito si Jairon. Nabalitaan pa nga niya sa Kuya Race niya na ito ang napipisil ng lolo ni Jairon na ipakasal sa binata. Kaya minsan ay naiilang siya dito. Pero ito lang ang pag-asa niya ngayon.
“Nandiyan ba si Jairon?”
“Bakit mo hinahanap ang walang kwentang babaerong iyon?” mataray nitong tanong. Napangiwi siya. Sa tono ni Sofiajade, mas gugustuhin pa nitong lumaklak ng muriatic acid kaysa ang pakasalan si Jairon.
“I am in Stallion Island right now. At siya ang guardian na pinili ni Kuya Race. Kailangan ko na siya ngayon. Kundi mapaaalis ako sa isla.”
“Errr… nasa dojo siya ngayon kasama si Myco at Julian. Close door session.” Kapag close door session ay di lalabas ang mga ito hangga’t di tapos ang laban. IT meant all out combat. Pare-pareho kasing bihasa sa martial arts ang mga ito. “Mukha ngang masama ang mood ni Jairon, eh.”
“Pwede bang pakikalampag sila? Nagagawa pa niyang makipaggulpihan habang mukha akong tanga na naghihintay dito!” Kinuyom niya ang palad. “Kapag na-evict ako dito sa isla dahil sa kagagawan niya, ako mismo ang gugulpi sa kanya!”
MISTULANG time bomb ang bawat paglipat ng kamay ng orasan para kay Alexandrea. Malapit nang mag-alas dos ng hapon. Alas diyes ng umaga siya lumapag sa Stallion Island. Wala pa ring linaw kung makakarating si Jairon sa oras.
Sabi ni Sofiajade ay nakaalis na ito sa Stallion Riding Club. Anong oras pa ito dadating sa isla? Siya na lang ang naiiwan doon sa waiting lounge. Ang ibang mga kasama niya ay naipa-deport na palabas ng isla. Pawang nag-aatungalan na parang baka. Ni di man lang daw nasimoy ng mga ito ang Stallion Boys. Kung alam niyang dadanasin din niya ang kahihiyang iyon, di na sana siya pumayag sa hiling ng kapatid niya na bantayan ang Mist Fusion.
“Coffee, Miss Sandejas?” alok sa kanya ni Ridge, ang security officer na nagdala sa kanya sa waiting lounge kanina.
“No, thanks! I had enough.” Hindi siya umiinom ng kape. Pero sa sobrang inip niya kanina ay naka-walong tasa na siya. Di na maganda ang pakiramdam niya. “Jairon, kailangang may magandang paliwanag ka kung bakit nasa Stallion Riding Club ka at wala dito para sunduin ako mamaya. Pero kung mapapalayas ako, di ko na kailangan ng paliwanag. Babalatan talaga kita ng buhay!”
Huminga siya nang malalim nang limang minuto na lang ang natitira bago ang pagpapalayas sa kanya sa Stallion Island. NIlapitan siya ni Ridge. “Miss Sandejas, dumating na si Jairon. He is waiting for you at the terminal.”
Taas-noo siyang tumayo. “Thank you. Iiwan ko muna dito ang mga bagahe ko. Gusto kong siya mismo ang magbitbit ng mga iyan.” Lintik lang ang walang ganti. Ngayon pa lang ay nagdeklara na ito ng giyera.
Nakita agad niya ang nakababatang kapatid ni Jairon na si Julian. “Ate Xandie! Sorry kung na-late kami ng dating.”
“Nasaan ang kuya mo?” mataray niyang tanong at nagpalinga-linga.
“Ayan, o!” At itinuro nito ang nasa wheelchair.
Nahindik siya nang makita si Jairon. Mistula itong lantang gulay at puno ng pasa sa katawan. Parang nagulpi ito ng mga gangster. Putok ang kilay at labi nito. “Anong nangyari sa kanya?” tanong niya.
“Nakipag-sparring sa amin ni Myco, eh. Malakas ang loob. Nakainom pa nga iyan. Di namin maawat.”
Hinampas niya si Julian sa braso. “Bakit mo pinatulan? Nakita mo na ngang nakainom ang kapatid mo!” Naglaho ang galit sa dibdib niya at napalitan ng concern. Magaling makipaglaban si Jairon. Wala ngang nakakatalo dito.
“Pagkakataon ko nang magulpi si Kuya. Minsan lang iyan, eh!”
Pinanlakihan niya ito ng mata. “PUro ka talaga kalokohan! Nakasakit ka na. Kailangan na natin siyang patingnan sa doktor. Ano pang hinihintay mo?”
“UY, concern kay Kuya.”
Namanhid ang mukha niya sa kahihiyan at iniwas ang tingin dito. “Ano bang sinasabi mo? Paano niya ive-verify ang entry ko sa Stallion Island.” Di siya concern kay Jairon. Ang Mist Fusion lang ang inaalala niya.
“Thumbprint lang niya ang kailangan,” singit ng matangkad na lalaking may abuhing mga mata. “I am here to check na validity of the admission.”
It was Rouen Arezmendi, one the Stallion Island’s village lords. He was half-French, half-Filipino two star Michevellian chef. Isa sa nirerespetong chef sa mundo.
Wala pa ring malay si Jairon nang ilapat ang hinlalaki nito sa thumb print scanner. Nang ma-grant na ang pass niya ay dali-daling itinakbo si Jairon papunta sa emergency entrance para magamot.
“Xandie, I am Warren Li, Jairon’s cousin,” pakilala ng chinitong lalaki na lumapit sa kanya pag-alis ng grupo nila Jairon. “Remember?”
“Yes, of course.” Ang alam niya ay isa itong piloto.
“Ako muna ang makakasama mo habang di pa nakaka-recuperate si KUya Jai. Wear this ring so the machine can validate it,” wika nito at inabot ang isang white gold na singsing sa kanya. “IMportante iyan sa bawat transaction na gagawin mo sa isla. It will keep track of your location. Di ka pwedeng mag-stay sa isla nang wala iyan.”
Isinuot niya iyon sa palasingsingan sa kanang kamay at isang staff doon ang umalalay sa kanya sa paglalagay ng kamay sa makinang mag-a-activate niyon.
Napansin niyang nakatitig si Warren sa kaliwang kamay niya. “Bakit?”
“Engaged ka na?”
Marahan siyang tumango. “Yes.”
“Huli na pala si Insang Jairon.”
Di na lang niya pinansin ang huling komento nito. He was late. Years too late.
“Ihahatid na kita sa lodge. May cottage sa tabi ng Mist Fusion si Race. BUkas mo na lang siguro makikita si Kuya Jai,” sabi nang makalagpas sa security pass.
“pwede bang ipadala na lang ang gamit ko sa cottage? Kailangan kong puntahan kung nasaan man si Jairon.”
“YOU have nothing to worry, Miss Xandie. Walang nabaling buto kay Jairon. Wala ring seryosong damage sa kanya ang pakikipaglaban niya. Mostly are nasty bruises and a few cuts,” paliwanag kay Alexandrea ini Doctora Nathaniella, ang doktor na tumingin kay Jairon. Nakahiga pa rin sa hospital bed si Jairon at walang malay habang nakapaligid dito ang mga mga pinsan nito.
“Pero bakit wala pa rin siyang malay, Doc? Baka may internal damage.” Di pa rin siya mapakali hangga’t di nagigising si Jairon. Kung bakit kasi nakipagbabag pa ito. Siya mismo ang nagturo kay Myco. She knew how deadly he could be. At maging si Julian ay eksperto sa taekwondo at aikido. Jairon may be a great fighter but he was no match to two expert fighters especially if he was drunk.
“Mas lasing siya kaysa nagulpi. He is one tough fighter. At alam din ng mga kalaban niya kung paano iwasan ang mga sensitive points. Don’t worry. Bukas-makalawa lang pwede na siyang bumalik sa Mist Fusion, manghabol ng babae…”
“Manghabol ng babae?” nakataas ang kilay niyang tanong.
“Past time nilang magpipinsan especially si Doc Maniac,” anito at inginuso ang pinsan ni Jairon na si Arvind James na isa nang doktor.
“Nathaniella, huwag mo ngang sirain ang malinis kong pangalang walang mantsa,” kontra ni Arvind James.
“Kung gusto mo doon tayo sa labas para di mabulabog ang pasyento ko habang pinagdidiskusyunan natin ang kaguwapuhan mong walang kapintasan,” hamon ni Nathaniella.
“maiwan ko muna kayo,” sabi ni Arvind James at hinatak na palayo si NAthaniella. “Itong si Doc, di makatiis na di makausap ang kaguwapuhan ko. Talagang patay na patay sa akin.”
“Nakainom ka ba ng anesthesia? Sa kapal ng mukha mo di mo man lang nararamdaman na tumatama ka na sa pader. Ambisyoso!” tungayaw ni Nathaniella.
“Bakit ba naglasing iyan?” tanong niya kay Julian.
“Natuwa lang siya dahil nai-close namin ang deal sa pagma-manufacture ng security and tracing device para sa mga laptop computers.”
Bihasa sa manufacturing ng electronic devices ang kompanya ng mga Yun. It boomed a lot. Kaya kahit na architecture ang tinapos ni Jairon ay tumutulong ito sa kompanya ng pamilya. IYon ay hanggang maihanda si Julian sa pamamahala sa kompanya. Di pa kasi tapos ni Julian ang training at masteral nito.
Umungol si Jairon. “Bakit ganoon? Ibinigay ko naman ang lahat ng pagmamahal sa kanya. Nagsakripisyo ako para lang maging masaya siya. Tapos magpapakasal lang siya sa Kanong iyon. Gusto ko talagang mamatay na lang! Tagay pa tayo!” At itinaas pa ni Jairon ang kamay.
“Nananaginip pa yata si Kuya,” wika ni Julian.
“Talaga bang masaya siya sa business deal ninyo o baka may problema siya sa babae. Di iyan maghahamon ng away kung walang malalim na dahilan.”
Umiling si Julian. “Wala, Ate! Lasing lang iyan. Papatulan mo ba ang lahat ng sabihin niyan? Ngayon mo lang kasi nakitang lasing si Kuya.”
“Tama ka. Ngayon lang.” Di naman kasi naglalasing si Jairon. Pero natitiyak niyang malalim ang problema nito. Sa lungkot na nahihimigan niya sa boses nito, malalim ang sugat sa puso nito. Gaya ng iniwan nitong sugat sa puso niya.
Masakit bang masaktan, Jairon? Ngayon alam mo na kung ano ang pakiramdam ng masaktan. Nang maghiwalay sila, di man lang nalungkot si Jairon kahit konti.
Pero sa halip na matuwa ay nasasaktan siya.
Ipinilig niya ang ulo. Humanitarian reasons lang siguro iyon. Alam niyang mahirap masaktan dahil sa pag-ibig. She won’t wish it on anyone. Not even on Jairon.