Stallion Island Series Chapter 55

“Xandie,” tawag sa kanya ng isang boses. Mula sa ulap ng panaginip niya ay bigla na lang niyang narinig ang boses na iyon.

“Hmmm…” ungol niya at dahan-dahang idinilat ang mata.

“Xandie!”

Unti-unting luminaw ang Malabo niyang mata. May mukhang nakatunghay malapit sa kanya. His face was so close that she could almost taste him. Fresh breath, manly scent and hot skin.

This was Jairon Vince Yun.

Malapit ang mukha sa kanya ni Jairon Vince Yun. Ang lalaking minsan na niyang minahal pero nanikit sa kanya. Ang huling lalaki sa mundo na nananaisin niyang makasama at makita. Si Jairon…

“Eeeee!” Pumunit ang tili niya sa kuwarto. Itinulak niya ito nang ubod lakas. “Anong gagawin mo sa akin?” tanong niya at tumayo agad. Ano kayang ginawa nito habang natutulog siya? Baka pinagsamantalahan siya nito. Ninakawan ng halik. He was a womanizer. Di nito palalagpasin ang isang babaeng natutulog at libre itong gawin ang kahit anong gusto nito.

She stood in her fighting form. Habang marahan namang bumangon si Jairon habang sapo ang balakang. “Aray! Hindi mo naman ako kailangang gulpihi,” ungol nito. “Di pa nga nakakabawi sa gulpi sa akin. Gusto ko lang namang matiyak kung ikaw nga iyan. Baka nananagip lang ako.”

“IYon lang? Tumingin ka lang?”

Tumango ito. “Oo naman.”

Inaambaan pa rin niya ito ng suntok. “Gusto mong gulpihin ulit kita para matauhan ka? Alam mo namang dadating ako pero wala ka dito sa isla. Tapos lalasing-lasing ka pa pagdating dito. Gusto mo talagang mapahiya ako, no?”

Four hours siya nitong pinaghintay. Muntik pa siyang palanguyin palabas ng isla kapag nai-deport siya. Ano bang kasalanan niya dito? Ito nga ang nagtaksil sa kanya noon. Ito pa ang malakas ang loob na ipahiya siya.

Umupo ito sa kama at hinaplos ang nasaktang balakang. “Hinintay kita. Dalawang araw nga kitang hinintay sa terminal. Nag-alala ako dahil di ka dumating.”

Nagsalubong ang kilay niya. “Tinawagan kita pero naka-off ang cellphone mo. Hindi mo ba natanggap ang text ko?”

“Sira ang cellphone ko. At di pa rin ako nakakauwi sa bahay in case may iniwan ka sa answering machine. Hinatak lang ako ni Julian para isama sa Stallion Riding Club at tulungan siyang i-close ang deal. Akala ko hindi ka na dadating.”

“Bakit naman di ako dadating? Kailangan ako ni Kuya.”

“Baka hindi ka pinayagan ng boyfriend.” May lungkot sa mga mata nito nang sabihin iyon.

“Hindi ako pinipigilan ni Joshua na tulungan ang pamilya ko. Siya pa nga ang nagsabi sa akin na tulungan si KUya at magbakasyon ng dalawang buwan.”

“Mabait pala ang boyfriend mo,” may lungkot nitong usal.

“Mabait talaga si Joshua. Di niya ako pinipigilan sa career growth ko. He is very supportive. At hindi siya babaero. Mahal na mahal niya ako.”

“Good for you,” may kapormalan nitong wika.

Bahagya siyang nabaghan. Agree lang kasi ito ng agree sa bawat sabihin niya tungkol kay Joshua. Ano ba ang inaasahan niya? Na sisiraan nito ang “nobyo” niya? Na ipo-point out nito na lamang ito ng dalawang paligo kay Joshua. That’s what men usually do. Pero di iyon ang ginawa ni Jairon. Parang di naman ito interesado kay Joshua o sa kahit anong parte ng buhay niya.

“Bakit ikaw ang custodian ko?” pasuplada niyang tanong.

“We know each other. Hindi ka masyadong maiilang sa akin. At matutulungan din kita sa pamamalakad ng Mist Fusion.”

Muntik nang bumagsak ang panga niya. Yes, he was a master in various martial arts. Pero ang di siya maiilang dito? Sandali! Sandali!

“And my brother knows how much I hate you!” walang gatol niyang wika.

“I help him run Mist Fusion,” kaswal na wika nito at uminom ng gatas. “He trusts me. Alam ko kung paano palakarin ng kapatid mo ang dojo. This is purely business, Alexandrea. Wala akong ibang gagawin sa iyo.” At bahagya pa itong tumawa na parang ilusyon niyang akitin siya nito.

Anong gusto nitong palabasin? Di sapat ang alindog niya at wala na itong interes sa kanya? Fine! Pabor nga iyon sa kanya.

“Mabuti nang malinaw ang usapan.” HUmalukipkip siya. “Paano iyan? Baldado ka pa rin. Sino ang mamamahala sa dojo.”

“May sariling manager ang Mist Fusion. Makakabalik na ako bukas. Kinuha ni Race si Rohann Madrigal para sa special wu shu class. Tai chi class lang ang wala sa ngayon. It will run even without us. Gusto lang tiyakin ng Kuya mo na may mapagkakatiwalaan siyang tao kaya tayo kinuha. Bukas ka na rin pumunta sa Mist Fusion. Mag-relax ka muna sa cottage.”

“I didn’t come here to relax.” Gusto na niyang simulan ang trabaho. Paano ba siya magre-relax sa isang isla kung saan nandoon din ito?

“You need it. Papangit ka kapag stressed out ka.”

Nanlaki ang mata niya. “You…”

“Thanks for taking care of me. Babawi na lang ako sa iyo bukas. Bumalik ka na sa cottage. Kung gusto mong mamasyal sa isla, ipapasundo kita kay Warren o kay Julian. Pasensiya na kung di ko iyon magagawa para sa iyo.”

“Hindi na!” Inayos niya ang damit niya at naghanda na sa pag-alis. “Gusto ko na lang din matulog. Magpagaling ka na rin para di ka mukhang pasa kapag pumasok sa Mist Fusion. Baka isipin ng mga kliyente natin, tuturuan lang natin sila kung paanong magulpi sa training.”

Hinaplos nito ang sariling baba. “GUwapo pa rin naman ako.”

Lihim siyang ngumiti nang makalabas ng clinic. GUwapo pa nga naman si Jairon kahit mukha itong pasa. That fact was something she couldn’t deny.

IT WAS paradise. Kaya naman pala handang ubusin ng Kuya Race ni Alexandrea ang kayamanan nito para lang makapasok sa Stallion Island. Her brother’s cottage in Hidden Mist Valley had a dramatic view of the waterfalls. Nasa gitna iyon ng kagubatan na akala mo ay walang nakatira. Sa kabila ng pagiging modern, malaking bahagi pa rin ng Stallion Island ang kagubatan. Mula sa verandah ng kuwarto niya ay naririnig niya ang huni ng ibon, ang lagaslas ng tubig mula sa talon. Nakaka-relax. It was the most relaxing place on earth. Hindi niya iyon natagpuan sa ski resort o kahit saan man sa mundo. Parang masarap na doon tumira.

Hawak ang tasa ng lavender tea ay pumaling siya sa bahagi ng cottage kung saan tanaw ang makitid na kalsada sa harapan ng Mist Fusion. Sakto lang iyon para sa E-jeepney na naghatid sa kanya kahapon at ideal para sa mga kabayo.

Nang dumating siya ay sinamantala na niya ang pagtulog. Napagod din siya sa pagbabantay kay Jairon. She was revived. Kung kahapon ay parang ginulpi siya ng sampung Shaolin monks, ngayon ay ayos lang sa kanya kahit na patalunin siya mula sa tuktok ng waterfalls. Dapat lang na may energy siya. Magtu-tour siya sa Mist Fusion at makikipag-meeting siya kay Jairon para sa arrangement ng pamamahala niya sa Mist Fusion.

Mula sa kagubatan ay sumulpot ang isang chestnut brown na kabayo. Isang makisig na lalaki ang nakasakay doon. Nakasunod lang ang mga mata niya habang animo’y nakikipagpaligsahan sa hangin ang dalawa. Nakasunod lang ang tingin niya sa dalawa. Mukhang isa iyon sa magagandang atraksiyon ng riding club. Bukod sa mamahalin at makikisig na kabayo ay may makikisig din na lalaki.

Ilang minuto pa ang lumipas bago niya napagsino kung sino ang lalaking iyon. It was Jairon. Nag-somersault ang puso niya. Parang sixteen years old ulit siya nang mapahanga siya ni Jairon. As if she was in love again for the first time.

Naipilig niya ang ulo. Bakit ba siya humuhanga kay Jairon? Hindi ba’t kagugulpi lang dito? Paano kung masaktan ito? Malaglag sa kabayo?

Hangos siyang lumabas ng cottage at napatakbo sa Mist Fusion. Doon ang direksiyong tinungo ni Jairon. Kailangan niya itong sabihan na huwag nang mangabayo dahil mahina pa ang katawan nito. Parang tinalaktak ng kabayo ang dibdib niya maisip lang niya kung ano ang aksidenteng maaring kahantungan nito. Sana lang ay pakinggan siya ni Jairon. Naging masungit siya dito. Baka masamain pa nito kung magmamalasakit siya.

Hindi niya alintana ang malamig na hangin o kung di niya naayos ang buhok niya at nakapantulog pa siya. Tanging si Jairon ang laman ng isipan niya.

Natigilan siya sa paglapit nang makitang pinagkukulumpunan ng mga kababaihan si Jairon. Nag-init ang mga mata niya. kanya-kanyang haplos ang mga babae sa mukha nito at kanya-kanyang pisil sa braso nito.

“Ay! Kawawa ka naman! Galit na ako kay Julian. Hindi na namin siya mahal. Hindi ka niya dapat na sinaktan,” anang babaeng mahaba ang kulot na buhok. Pamilyar ito sa kanya dahil isa itong kontrobersiyal na artistang kinaiinisan ng mommy niya dahil inagaw ang boyfriend ng singer na gusto nito.

“Don’t worry, Merian. Mark of courage ang mga galos sa katawan ko,” malambing na wika ni Jairon at tinitigan nang malagkit si Merian.

Mark of courage? Duh! Kailan pa naging courage ang nagulpi dahil sa kalasingan? Nuknukan nang yabang. Wala namang ipagyayabang. Sayang lang ang pag-aalala niya dito dahil may mga hitad na palang mag-aalala para dito.

At nagtilian ang mga babae. Sa ingay ng mga ito, kahit ang mga ibon ay nabulabog at nagliparan sa puno. Nakakasira ng magandang atmosphere ng lugar. Kung may engkanto nga sa lugar na iyon, malamang ay nairita na rin sa boses ng mga ito. Nakakairita rin ang matitinis na boses ng mga ito.

“Excuse me! Bawal ang maingay dito,” saway niya sa mga ito. “We have

“Sino siya?” nakataas ang kilay na tanong ni Merian.

“Baka naman bagong security guard dito. Daig pa ang masungit na school principal. Parang hindi niya kilala ang Stallion Shampoo,” bulong ng isa.

Awtomatiko niyang isinuklay ang daliri sa buhok. Nag-Stallion Shampoo siya. IYon ang isa sa matinding bilin ng kapatid niya. Di pwedeng magpasok sa isla ng ibang shampoo. Dati pa naman ay iyon na ang gamit niya. Kaya nga okay lang kahit hindi siya magsuklay. At hamak na maganda naman siya sa mga babaeng mukhang clown sa kapal ng make up. Confident siya doon.

“She is Race’s sister, Alexandrea. Siya ang magma-manage Mist Fusion habang namumundok pa si Race,” paliwanag ni Jairon. “Pagod si Xandie dahil hindi siya nakakatulog kapag may flight siya. But she’s still beautiful, isn’t she?”

She was taken aback by the gentleness of his voice. Kung makatingin ito, parang maganda pa rin siya sa paningin nito kahit may muta ang mata niya at may panis na laway siya. This was the same Jairon who would kiss her even if she was sweaty after the tai chi sparring section.

The same Jairon who could seduce with his eyes. The same Jairon who broke her heart into pieces.

“Hipag!” tili ng babaeng nagsabing security guard siya kanina.

“Hipag?” nakataas ang kilay niyang usal nang yakapin siya nito.

“I am Raine. Ako ang future wife ng Kuya mo.” Idinikit nito ang pisngi sa kanya. “Di nalalayo ang ganda nating dalawa. Hindi ka na siguro nagtataka ngayon kung bakit nagustuhan ako ng kapatid mo.”

Parang gusto niyang i-check ang temperature nito dahil parang nagdedeliryo ito. Sa itsura nito, itatakwil niya ang kapatid niya kapag pinatulan ito. Mula sa false eyelashes nito hanggang sa scaly shining, shimmering, splendid nitong dress,. Kikinang ito kapag sinikatan ng araw. Eeewww, eeewww and eeewww!

“Tinitirikan mo kami ng mata?” nakataas na tanong ni Merian. “We are customers here. Di dahil galing kang Canada, pipitsugin lang ang tingin mo sa aming mga Sirens. I am Prince Rostam’s future wife. Kahit ang Canada kaya niyang bilhin.”

“Tumitirik ang mata ko?” tanong niya. Di niya alam na ganoon pala katindi ang iritsayon niya sa mga ito. Nagre-react agad ang katawan niya.

“Ah… Nahihiya lang siguro si Xandie dahil di pa siya naliligo,” sabi ni Jairon at inalalayan siya sa siko palayo kay Raine. “Kaya magbe-breakfast muna kami at magsa-shower siya. Okay?”

“Magkasingganda pa rin tayo kahit di ka pa naliligo, hipag!” pahabol ni Raine.

“Why are you associating yourself with those women, Jairon?” she hissed. “Kahit ang mga bubuyog at kuliglig naeeskandalo sa kanila."

“They are nice women. And they appreciate my good looks. Sino bang lalaki ang hindi mafa-flatter,” kaswal na wika ni Jairon.

Madilim ang mukha niyang hinarap ito. “Hindi ka pa rin nagbabago. Babaero ka pa rin hanggang ngayon. At kahit anong klase ng babae, okay lang sa iyo. Basta dinudumog ka at halos maghubad na sa harap mo, masayang-masaya ka na.”

Nakita niya kung paano itong lingkisin ng mga babaeng iyon. Ah! Stallion Island was paradise indeed. Pati naglilingkisang ahas ay kasali.

“What’s wrong with that? I am single. Wala akong girlfriend.”

“Kahit naman noong may girlfriend ka, mas gusto mo pa rin ng atensiyon ng ibang babae. Kaya ka nga pumunta sa party ni Diane noon dahil enjoy ka na nag-i-strip ang babae sa harap mo at halos sambahin ka. Mula nang mag-break tayo, tuluyan ka na yatang nawalan ng taste sa babae.”

Hinapit nito ang baywang niya at isinalya sa katawan nito. Di siya nakahuma nang ilapit nito ang labi sa tainga niya. She could feel the electric current zinging inside her body. Sa kabila ng malamig na hangin ay parang sinisilaban siya.

“And you are a woman who is tasteful enough to eat and to keep?” he whispered in a low, seductive voice. “Matagal na tayong magkahiwalay. I didn’t know that you are still interested with my affairs…”

“I am not…”

“Shhh…” saway nito at ipinaling ang mukha sa kanya. “NAiintindihan ko naman kung gusto mo pa rin ako.”

Nanlaki ang mata niya. Sasawatahin sana niya ang sinabi nito pero sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. Di siya makahinga. She could taste his kiss. Jairon was such a good kisser who could make her forget her name. At isang maling salita lang niya, tiyak na hahalikan siya nito. hindi iyon maaring mangyari!

Mahabang sandali silang nagtitigan. Walang sinumang tumitinag. Animo’y isa itong ahas. Isang maling galaw lang niya ay tutuklawin siya nito.

“Jairon, isakay mo kami kay Soultalker!” tawag ni Merian dito.

“TInatawag na nila ako,” wika ni Jairon. “Maligo ka na. Mukhang kahapon ka pa hindi naliligo. Nakakahiya kapag may nakaamoy sa iyo.”

“Aba’t…”

Humalakhak ito at saka nagmamadaling lumayo sa kanya. “Magkita na lang tayo mamaya! Maraming stock ng Stallion Shampoo sa shower room mo.”

Nagpupuyos siyang pumasok ng cottage at dali-daling naligo. Mabango pa naman siya. Kung magsalita ang Jairon na iyon, parang nangangamoy nasiya. Baka naman namanhid na ang ilong nito sa tapang ng pabango ng mga babaeng naglilingkisan dito.

“That pompous ass!” Halos mapangalahati niya ang Stallion Shampoo sa sobrang inis. Nag-shampoo siyang mabuti. Gusto niyang mawala ang bakas ni Jairon. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang init ng katawan nito.

Di ito maari. Tapos na ang kahibangan niya kay Jairon. Hindi na siya mauuto pa nito. At di na rin siya magpapadala pa dito. Itataga niya iyon sa bato.

MAINGAT na nagpahid ng make up si Alexandrea. She was wearing a black dress adorned with elegant pearls. May dinner meeting sila ni Jairon. Dinner meeting at hindi dinner date. Dalawang araw niya itong hindi nakasama sa pagtu-tour at pag-o-observe niya sa Mist Fusion. Ang manager nito na si Therese ang umalalay sa kanya. At sa gabing iyon ay pag-uusapan nila ni Jairon ang set up nila. May sarili kasi itong business meeting sa ibang mga members ng riding club.

Eksaktong alas sais y medya nang marinig niya ang pag-buzz ng doorbell. Si Jairon ang napagbuksan niya na nakatanaw sa waterfalls. She took time to admire him. He was wearing a black dinner jacket and trousers to match. Isa sa mga pagkakataong mukha itong seryoso at kagalang-galang.

“Let’s go,” untag niya dito.

Ngumiti ito. “You look stunning.”

“I know,” aniya sa malamig na boses. Tiniyak niyang kapag idinikit siya sa mga babaeng lumilingkis dito ay di siya mapipintasan.

Napatingin ito sa kamay niya. “Where is your engagement ring?”

“Huh?” Awtomatiko niyang tiningnan ang kamay. “N-Naiwan ko sa kuwarto dahil hinubad ko nang nag-shower ako. Sandali lang.”

Nagmamadali siyang bumalik sa kuwarto. Malakas ang kaba sa dibdib niya. Bakit ba nawala sa isip niya? Hindi naman kasi siya sanay na magsuot ng alahas. Paano kung kuwestiyunin iyon ni Jairon sa kanya?

“Saan ko nga ba inilagay iyon?” tanong niya at hinalungkat ang drawer at ang bedside table. Wala doon. “Sa banyo!”

Kumislap ang singsing niyang nakapatong sa sink. Sa kamamadali niya ay nawalan siya ng balanse nang umapak sa madulas na sahig. Napasigaw siya sa takot. Muntik na siyang bumalabag kundi siya napahawak sa hamba ng pinto. Habol niya ang hininga habang pilit na itinatayo ang sarili.

“Xandie!” tawag ni Jairon sa pangalan niya. Binuksan nito ang pinto at dali-dali siyang nilapitan. Inalalayan siya nitong makatayo. “Anong nangyari?”

“Naiwan ko sa sink. Muntik na akong madulas,” hinihingal niyang sabi.

Ito na ang Dumampot ng diamond ring. Matiim itong nakatitig sa kanya nang hawakan nito ang kamay niya, inilapag ang singsing sa palad at inikom ang palad niya. “Huwag na huwag kang aalis nang di suot ang singsing na iyan.”

Marahan siyang tumango at habol pa rin ang hininga nang nauna na itong lumabas ng silid. Kung pwede lang talaga ay huwag na niyang hubarin ang singsing sa kamay niya. Iyon ang magsisilbing harang sa puso niya at kay Jairon.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.