Gusto nang pumikit ni Alexandrea dahil sa island music na naririnig kasama ang alon sa dagat. Sulo at mga lantern lang na nakasabit ang ilawan nila ni Jairon habang naghahapunan. Mula sa verandah ng oversea cottage nito sa Summer Snowflake ay tanaw niya ang mga yate at bangka ng mga mangingisda. Maging ang windmill na nasa burol ng Wind Village ay nagsilbi ring atraksiyon. Kahit saan yata niya ipaling ang paningin niya ay nagpipista ang mata niya sa magandang tanawin.
“This island is a brilliant creation. Even the Summer Snowflake.” Hexagonal ang Summer Snowflake na matatapuan sa wave country. Hile-hilera ang mga oversea cottages at mula sa ere ay parang isang malaking snowflake iyon. “Good thing you acquired a property here. Where is your villa?”
“Ito na ang cottage ko.”
“Bakit dito lang? Kung ako siguro magkaka-property dito sa Stallion Island, dito ko itatayo ang dream house ko.”
“Ano naman ang gagawin ko sa dream house? I am a bachelor. Mabuti ka pa nga engaged na. You must be really happy.”
“Yes, of course.” Magiging masaya sana siya kung totoong engaged siya kay Jairon. Pero bakit parang may bikig sa lalamunan niya nang sabihing masaya siya? Parang di siya tunay na masaya. Dahil ba kasinungalingan lang ang lahat na ginagamit niya para protektahan ang sarili mula dito?
Kung di sana siya nito sinaktan, baka kasal na sila ngayon. Baka may dream house na itong naitayo at masaya silang magkasama. Gaya ng pangarap niya noon.
“Sa dami ng babaeng may gusto sa iyo, wala ka pa ring natatagpuan na babaeng pakakasalan mo?” bigla ay naitanong niya. Hindi ba’t may babaeng siyang dahilan kung bakit ito naglasing? Sino ang babaeng iyon?
Sa halip na sumagot ay sumubo ito ng garlic prawn. “What can you say about Mist Fusion?” mukhang ayaw nitong pag-usapan ang tungkol sa dream girl nito o kung sinumang babaeng bumigo dito.
“Mist Fusion can run without me. Magaling ang manager na si Gizella. The staffs are very capable handling the patrons. Magagaling din ang instructors at nag-enjoy ako sa special wu shu session with Rohann Madrigal. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa akong pumunta dito. Nandiyan si Gizella. Nandiyan ka.”
“Gusto niyang nasa Stallion Island ka anumang mangyari sa kanya. Parang may death wish yata siya nang pumunta siya sa Tibet. Isa pa, pangarap ninyong magkaroon ng magandang dojo paglaki ninyo. Natupad na niya ang pangarap na iyon and he wants you to experience it even for a while.”
Mist Fusion was more than a dream. Hindi lang iyon isang martial arts dojo. May dance studio din iyon kaya maraming pwedeng gawin. May sarili rin café, yoga center at meditation garden. Kahit noong bata pa siya ay di niya mai-imagine na makakapagtayo ng ganoon kagandang lugar ang kapatid niya. Naroon pa nga siya nang mapanood niya ang pag-e-ensayo ng prima ballerina na si Rayanne Nolliedo.
She twitched her lips. “Parang wala naman akong gagawin habang nandito.”
“Pwede kang magkaroon ng sarili mong tai chi class.”
Kumislap ang mga mata niya. “I actually have an idea. Gusto kong magturo ng water tai chi. I teach it in Canada during my free time.”
“Then we should start making advertisements and announcement soon. Kailangang makahanap agad tayo ng facilities na magke-cater sa mga pangangailangan ng klase mo.” At sunud-sunod na ang tanong nito tungkol sa water tai chi. They share the same language when it comes to martial arts. Dahil din sa martial arts kaya sila nagkalapit. She just missed those days.
Umikot ang buong gabi sa pagdi-discuss nila sa magiging schedule niya sa dadating na mga araw. Kung ano ang pwede niyang gawin sa Mist Fusion kung wala naman siyang water tai chi class. He handled everything with ease. After all, he was able to handle a big computer manufacturing company.
“Jai, I am sorry. Kaninang umaga nahusgahan ko ang preference mo sa mga babae. I shouldn’t have acted so high and mighty. Di ko naman sila lubusang kilala. At maaring may nakita kang maganda sa kanila,” wka niya habang nasa E-jeepney na sila at pabalik sa cottage ng kapatid niya.
“It’s okay. Marami ngang taong nabababawan sa mga Sirens at sa mga babaeng kagaya nila na naghahabol sa mga guwapo at mayayamang lalaki. But they are just like any ordinary women. They just want to be loved. Iba-iba talaga ang ugali ng mga tao. Nasa atin lang kung paano tayo makakatagpo ng taong tatanggap sa atin kung ano tayo at magmamahal sa atin.”
“Hindi mo pa sinasabi sa akin kung ano ang tungkol sa ideal girl mo. Wala ka bang planong mag-settle down kasama siya?”
Nagkibit-balikat ito at tumingin sa labas ng sasakyan. “Huwag mong masyadong intindihin ang lovelife ko. Madali lang iyon para sa akin. Sabi mo nga, di ako pihikan sa babae.”
Halata namang pinagtatakpan lang nito ang sakit. Di niya ito masisisi kung di na nito nanaisin pang magmahal kung nasaktan na ito ng babaeng mahal nito. Ganoon din naman siya nang masaktan nito.
Humugot siya nang malalim na hininga. Kung di sana nito sinira ang tiwala niya at di nito binalewala ang pagmamahal niya, di na sana ito masasaktan.
Sayang. Wala na ang pagkakataong iyon para sa kanila.
SUMASAKIT ang ulo ni Alexandrea sa ingay na naririnig niya sa waterfalls. May pictorial session ang grupo ng Sirens sa wooden bridge ng waterfalls. They were wearing awfully colorful swimsuits. May suot pang naglalakihang shades, wide brim hat at may hawak pang payong. Pupunta yata sa beach ang mga ito kaysa naghahanda sa water tai chi class niya. Ang nakakainis ay nagtitilian ang mga ito habang kasama si Jairon sa pictorial. Hindi tuloy siya makapag-enjoy sa masarap na lavender tea niya at sa kausap niya sa cellphone.
“Ano ba? NAkakairita na!” mahina niyang usal.
“Ako ba ang nakakairita, Xandrea?” tanong ni Joshua sa kabilang linya. “Akala ko naintindihan mo nang nagka-problema dito sa ski resort sa Bolivia. And my dad and I are still arguing whether we should not allow cellphone signals at satellite phone lang ang ia-allow sa ski resort para sa complete relaxation ng guests.”
“No! no! Hindi ikaw ang nakakairita, Josh. It’s just…”
“Kinakabahan ka siguro sa tai chi class mo. You are great. Kahit wala akong alam sa tai chi, I am sure that you will have a great class. Who knows? Baka manood pa sa iyo si Prince Rostam at ang mga village lords.”
Isang malaking karangalan nga kung magugustuhan ng mga head ng Stallion Island ang resulta ng klase niya. Pero siguro naman ay di aaksayahin ng mga ito ang panahon niya para sa klase niya. tama na para sa kanya na mai-uphold ang tradisyon ng pamilya niya na dinala ng kapatid niya sa pamamagitan ng Mist Fusion.
Pero paano naman titino ang klase niya kung nariyan ang Sirens. Isama pa si Jairon na mukhang aliw na aliw sa mga ito. Pagdating sa Sirens, gusto niyang kalimutan ang pagiging magiliw niya sa mga customers.
O baka naman naiinis lang siya dahil sa pagiging mabait ni Jairon sa mga ito. Bakit ba gusto niyang magwala tuwing ngumingiti ito sa ibang babae at may iba itong kausap? Parang girlfriend siya na nagseselos.
Mahigit isang linggo pa lang siya sa Stallion Island ay di na niya nagugustuhan ang nangyayari sa sarili. Masyado na siyang aware sa bawat kilos ni Jairon. Di na sapat ang diamond ring para ipaalala sa kanya na di ito ang lalaki para sa kanya. May sariling isip ang puso niya. parang bumabalik siya sa nakaraan kung saan mahal pa rin niya ito. And the thought was driving her insane.
“Xandie, it is time!” tawag ni Jairon sa kanya. “Marami pa tayong importanteng gagawin.”
“May importante pa akong kausap sa phone,” tungayaw niya at pinanlakihan ito ng mata. Bakit di na lang ito maki-pictorial sa mga sirenang malansa nito?
“Kailangan ka na yata para sa klase mo. Go now. Tatawagan na lang ulit kita kapag hindi na ako busy. Late na rin. Maaga pa ang trabaho ko bukas,” pagtataboy ni Joshua.
“Mag-ingat ka diyan, Josh. I love you, Josh!” malambing niyang wika at matamis na ngumiti saka sinulyapan si Jairon na nakabantay sa kanya.
“Xandrea, you are acting weird.”
“Don’t forget that I love you. Call you later.” Di maipinta ang mukha niya nang lapitan si Jairon. “Ang aga-aga pa, ah! Huwag mong sabihing kailangan ko ring sumama sa pictorial ng Sirens mo.”
“No. Gusto ko lang i-check mo ang indoor pool area. Naka-reserve na iyon para sa tai chi lesson mo. Mabuti nang ikaw mismo ang tumingin para matiyak mo na walang problema bago ka magsimula.”
“Okay. Let’s go.”
Pinigilan nito ang braso niya saka hinagod ng kamay ang noo at kilay niya. “Baka matakot ang mga estudyante mo sa iyo. Smile! Papangit ka sige.”
“Ano ngayon kung pangit ako?”
Pinisil nito ang pisngi niya. “Hindi bagay sa iyo. This is your day. At titiyakin ko na makikinig sa iyo ang lahat ng estudyante mo.”
Nawala ang iritasyon niya. iniisip lang ni Jairon ang kapakanan niya ng Mist fusion. Di niya maiwasang ngumiti. Mukhang may ihinanda si Jairon na pakulo. Gusto na niyang malaman kung ano iyon.
“HI, I am Alexandrea Sandejas. I will be your tai chi teacher for this special class,” pagpapakilala niya sa may dalawampung estudyante. “What is tai chi? It is an ancient form of martial arts formed by the Chinese. It is a gentle martial art. It improves our balance, our posture, straightens our core, it helps us to breathe more deeply and relaxes us. Question anyone?”
Nagtaas ng kamay ang estudyante niyang si Arjhilleyne na member ng security team ng Stallion Island. “Master Xandie, why do it on water? May normal tai chi naman. Anong kaibahan nila?”
“Hindi ka babagsak sa tubig. You have wonderful liquid around you to hold you up. May buoyancy din sa tubig para lumutang ka. You can get beautiful stretching when you float. At kapag nasa tubig ka, nare-relax ang muscles at joints mo. At kapag relax ang muscles at joints mo, mas flexible ang movements natin.”
“Pwede bang ibahin ninyo ang uniform ng tai chi class? Look! Your swimsuits are boring. Hindi katulad namin. Very festive ang kulay,” wika ni Merian.
“Nandito tayo para ma-relax. Hindi para mag-fiesta,” sabi naman ni Imhan. “Ang sakit kaya sa mata ng swimsuit ninyo.”
“Paano tayo makakaakit ng boys kung boring ang swimsuit natin?” tanong ni Francey na member ng Sirens. “Hirap na hirap pa mandin akong mag-isip ng magandang swimsuit para mas maganda ang projection.”
“Girls, hindi mahalaga kung anuman ang isuot ninyo,” sabi ni Jairon. “Mas importante sa tai chi ang graceful movements. And besides, you have special people to impress today.” At itinuro nito ang village lord’s box.
Muntik nang bumagsak ang panga niya nang makitang nakaupo doon si Prince Rostam at katabi nito si Rouen Arezmendi na isa sa village lords.
Halos himatayin sa kilig ang mga estudyante niya. May ibang mukhang di apektado pero tiyak na excited din ang mga ito na panoorin sila ng dalawa. Nakaupo din sa bench ang ilan sa mga members ng Stallion Island. Katulad nina Misha Santoros at Jayden Arcega dahil estudyante niya ang nobya ng mga ito na sina Rahya at Imhan.
“kailangang mag-behave kayo. Ang pinakamagaling na estudyante makaka-date si Rouen Arezmendi,” anunsiyo ni Jairon.
“Jairon, wala sa usapan natin iyan!” angal ni Rouen. “Bakit ako? Pwede namang si Rostam na lang.”
“Mabuti iyan nang magamit mo ang pagiging romantic French mo. Hindi ka na nakakalabas recently,” ngingiti-ngiting wika ni Prince Rostam.
“Pwede bang mag-retouch muna?” tanong ni Janet na member din ng Siren. “Gusto ko talagang maging maganda sa paningin ni Lord Rouen.”
“Waterproof ba ang make up mo?” tanong ni Rahya.
“Hindi,” sabi ni Janet. “Kailangan pa bang waterproof?”
Itinirik ni Rahya ang mga mata habang humagikgik naman ang iba. “Master Xandie, pwede bang simulan na natin ang training. Kailangan kong ma-relax. Baka kasi uminit lang ang ulo ko.”
Naramdaman niya ang pagpisil ni Jairon sa balikat niya. “Impress Prince Rostam and Rouen. You can do it. Ipakita mo sa kanila ang galing mo.”
Ngumiti siya kay JAiron sa unang pagkakataon. Isang malaking opportunity ang ibinibigay nito sa kanya. It was like the old days. Kung saan lagi siya nitong sinusuportahan at ipinagmamalaki. It warms her heart.
She just missed the old Jairon that she knew. The Jairon who made her fall.
“WATER tai chi is really interesting,” wika ni Prince Rostam habang kasamang nagkakape ni Alexandrea sa village lord’s box ng indoor pool. Di niya inaasahan na ipapatawag siya nito para makausap matapos ang unang water tai chi class niya.
“Thank you, Your Highness,” mahina niyang usal. Ingat na ingat siya sa kilos niay kanina sa takot na ipatigpas nito ang leeg niya kung di nito magugustuhan ang performance niya.
“Dapat may water tai chi din para sa mga lalaki, di ba?” tanong ni Rouen. “Bakit parang wala yatang nag-enroll? I would love to.”
“nagtataka nga ako kung bakit walang nag-enroll, Lord Rouen,” usal niya.
“Mas maganda kasing panoorin ang mga babae sa water tai chi kaysa sa mga lalaki,” katwiran ni Jairon.
Naniningkit ang mata niya itong tiningnan. Ito pala ang salarin. “Ang sabihin mo gusto mo lang pag-interesan ang mga babaeng naka-swimsuit. Pervert!”
“Ikaw lang din ang pinoprotektahan ko kaya ayokong magturo ka ng water tai chi lalo na sa mga members dito. They are hot blooded males.”
“bakit pinangungunahan mo ako?” protesta niya. “Di naman kita pinipigilang magturo sa mga babae ng tai chi, ah! Bakit ako bawal magturo sa mga lalaki? Professional naman ako. Saka trabaho lang.”
He was starting to get into her nerves. Parang di siya nito kilala. Di na siya nito kailangan pang protektahan. Kaya niyang patumbahin ang kahit sinong lalaki. Walang sinumang pwedeng mag-take advantage sa kanya.
Tumikhim si Prince Rostam. “May problema ba?”
“Nothing, Your Highness.” Nakakahiya! Sa harap pa ni Prince Rostam sila nagtalo. Nawala na naman siya sa sarili. Si Jairon kasi!
“Bakit hindi kayo magkaroon ng exhibition sa birthday ni Ryuhei,” suhestiyon ni Rouen para sa kaarawan ng isa sa village lords. “Next month na iyon. Dadami pa ang magkaka-interes sa Mist Fusion kung maipapakita ninyo ang galing ninyo.”
“No problem, Lord Rouen,” kampanteng wika ni Jairon.
“That would be an honor,” sabi naman niya. Kapag nailabas na niya ang galing niya ay papayag na si Jairon na tumanggap ng estudyanteng lalaki para sa water tai chi. Hindi na ito makakatanggi.
Naputol ang pakikipag-usap nila nang lumabas ng dressing room ng mga babae si Julian na habol-habol ni Arjhilleyne. Isang white bikini ang hawak ni Julian.
“Julian Veron Yun, ibalik mo sa akin iyan!” utos ni Arjhilleyne. Naka-swimsuit pa rin ito. Di marahil makapagbihis dahil nasa kay Julian ang underwear nito.
Si Julian ay nakatapis pa ng tuwalya. Ito naman ang susunod na magsu-swimming kasama ang ibang mga kaibigan nito matapos ang water tai chi class niya.
“Habulin mo ako kung kaya mo!” tukso pa nito kay Arjhilleyne.
Halatang na-frustrate si Arjhilleyne nang di nito mahabol si Julian. Malapit na sana ito pero di nito mahawakan. “Akin na sabi…”
Nahablot nito ang tuwalya ni Julian. Halos yanigin nito ang dome ng indoor pool sa tili nito nang makita nitong wa lang kahit anong saplot si Julian.