Stallion Island Series Chapter 57

“MAgiging okay lang ba sila Julian at Arjhilleyne?” tanong niya nang palabas sa security office ng Stallion Island kasama si JAiron. Naiwan pa sa loob ang dalawa. Kaharap nito si Prince Rostam at ang iba pang mga village lords para pag-usapan kung anong parusa ang ipapataw sa pag-eeskandalo ng mga ito.

Sa harap pa kasi mismo nina Prince Rostam at Rouen nag-away ang mga ito. At matinding paglilitis ang pinagdadaanan ng dalawa. Hindi pala biro ang pagdadaanan ng mga ito mula sa pitong village lords. Ang mga ito ang magdedesisyon sa parusa. The lords of the riding club were not exactly thrilled about public scandals. Kahit kasi siya ay nagulat sa mga pangyayari.

“They will be fine. Kaunting disciplinary action lang siguro ang ibibigay sa kanila ng mga village lords. Hindi naman ito kaharian ni Prince Rostam kung saan baka ipalatigo sila,” natatawa pang sabi ni Jairon nang parahin ang E-jeepney.

Siniko niya ito bago sumakay ng E-jeepney. “Natatawa ka pa. Hindi naman biro ang nangyari. Naiiyak na nga si Arjhilleyne kanina.”

“Natutuwa lang ako sa kanila. Parang sila rin tayo noong mga bata pa tayo. Aso’t pusa. Maya’t maya nag-aangilan.”

“We used to be so happy then, Jairon.” Kahit na naiinis siya kay Jairon noon ay di pa rin niya maiwasang mapangiti kapag naiisip ito. Hindi ito nahirapang makapasok sa puso niya. She was so young then and recklessly in love. Si Jairon ang naging buong buhay niya. “Anong ginawa kong mali, Jairon? KUlang ba ang pagmamahal ko sa iyo? Nagsawa ka ba sa akin?”

Humugot ito nang malalim na hininga. “Xandie, Xandie, hindi mo na dapat iniisip iyan. Masaya ka na sa buhay mo. Kasama mo na ang lalaking magpapakasal sa iyo. What’s the use of rehashing the past?”

“I don’t know.”

Iba ang intensidad ng emosyong nararamdaman niya para kay Jairon. Sa tindi ng nararamdaman niya, parang kahapon lang sila nito nagkahiwalay o kaya ay kanina lang. Napakadaling manariwa ng sugat sa puso niya. Diimadali na maka-recover. Di madali na magmahal ng iba. Her heart was stuck with him all these years.

“Ako mismo ang gugulpi sa Joshua na iyon kapag niloko ka niya,” nakatiim-bagang na wika ni Jairon. “Nangako siyang npakakaslaan ka niya dapat lang na ingatan ka niya. Tama nang ako ang nanakit sa iyo. Kung alam mo lang…”

“Ano ba ang dapat kong malaman?” tanong niya.

Umiling ito. “Wala.”

Nahiwagahan siya dito. Bakit parang may malaking lihim na itinatago si Jairon sa kanya? Kahit paano ba ay naging mahalaga siyang parte ng buhay nito?

Nabasag ang kaseryosohan niya nang madaanan nila ang isang greenhouse na puno ng mga orchids. “Jairon, ayun ang orchids garden!” excited niyang wika. “kaso nasa private property iyan. Sino kayang nagpagawa?”

“Gusto mo bang makita?”

“Sana. Kaso pakiramdam ko importante sa may-ari ang orchidarium na iyan. Sabi kasi ng gardener, itatayo daw sana iyan kasama ng dream house ng may-ari. Kaso di daw naituloy kasi nagkahiwalay sila. Baka naman para lang iyan sa babaeng mahal niya at bawal ipakita sa ibang babae. Nakakalungkot, no?”

“Hindi rin malungkot ang may-ari niyan. Kasalanan din naman niya kung bakit nawala sa kanya ang babaeng mahal niya. tatanga-tanga kasi siya.”

Nilingon niya ito. “Sino ba ang tatanga-tangang may-ari niyan? Know what? Dapat ipakita niya sa babaeng iyon ang pagmamahal niya kung may pagkakataon siya. Dapat ipakita din niya ang mga orchids na iyan sa babaeng iyon.”

“Don’t worry. I am sure that one day he will. At kung magkakaroon siya ng lakas ng loob, baka aminin din niya na mahal pa rin niya ang babaeng iyon.”

Mukhang malapit si Jairon sa may-ari ng orchidarium na iyon. Na parang pareho lang ang mga ito na iniwan ng minamahal. Kailan ba niya malalaman kung sino ang babaeng nanakit kay Jairon? Baka sakaling iyon ang susi para di na makahiligan ni Jairon na tumingin sa ibang babae.

Sinaktan man siya ni Jairon, hangad na nito ngayon ang kaligayahan niya. Siguro ay matatahimik siya kapag natiyak niyang kasama na ni JAiron ang babaeng totoong mahal nito.

FRESH na fresh ang pakiramdam ni Alexandrea matapos ang water tai chi class niya. Masigasig ang mga estudyante niya dahil na rin sa reward na maka-date ang village lord na si Rouen. Pero marami rin naman ang talagang interesado sa water tai chi at di sa reward. At least lahat ng estudyante niya ngayon ay talagang sumusunod.

Mula sa indoor pool ay nagtungo siya sa Mist Fusion Café. Nahagilap agad ng paningin niya si Jairon. Pag-uusapan nila ang magiging presentation sa birthday ni Lord Ryuhei. Excited siyang mag-perform sa mga taga-Stallion Island.

Kausap ni Jairon ang lolo nito na si Ping Yun. Kasama ng mga ito ang isang matandang lalaki na nakasuot ng makulay na kasuotan at may mahabang balbas. Marami ring makikinang na palamuti ng damit nito. Mukha itong walking lucky charm.

“Xandie!” tawag sa kanya ni Jairon at pinalapit siya.

“Good morning, Sir,” magalang niyang bati kay Ping Yun.

Natuon sa kanya ang mga mata ng matanda. Parang nanunuot ang tingin nito. Di nito pinakitaan ng masama ang pamilya nila kahit natuklasang nagkaroon sila ng relasyon ni Jairon. He was even nice to her brother. Pero pagdating sa kanya, nararamdaman niya ang disgust nito. Magiliw naman ito noon sa kanya.

“Alexandrea! I thought you are in Canada.”

“Siya ang gusto ni Race na mamahala sa Mist Fusion habang nasa Tibet po siya, Lolo. Iniwan pa nga niya ang fiancé niya para lang makatulong,” depensa ni Jairon.

Kumislap ang mata ni Ping at sinenyasan siyang umupo. “That’s good news. Nasabi ng Papa mo na may boyfriend ka na nang huling beses kaming magkita.”

Napilitan siyang ngumiti sa kabila ng pagkailang. Di niya alam kung bakit sinabi iyon ng Papa niya. bagamat ilang beses na siya nitong tinanong tungkol kay Joshua.

“There is another man in your heart,” bigla ay singit ng matandang lalaking may mahabang balbas at makulay ang kasuotan.

“Excuse me?” tanong niya sa mataas na tono at binalingan ito.

“This is Kung Pao,” pakilala ni Ping. “He is a traditional Chinese astrologer. His ancestors has been our family’s astrologer for centuries. We trust his predictions. Gusto mo bang malaman kung ano ang masasabi niya sa future mo, hija?”

Nanlamig ang pakiramdam niya nang hawakan ng matanda ang kamay niya. parang may kakaibang aura ito. Kakaibang enerhiya na mahirap labanan.

“This other man has a strong hold on you. Pero hindi kayo pwedeng magsama. You are the sun and you can’t share the sky with the moon at the same time. If you insist, your world will be doomed.”

“Hindi ko alam ang sinasabi ninyo,” kaila niya. Si Jairon ang tinutukoy nito. Kung tumagal-tagal pa ang hulang iyon, baka mabasa din nito na di tunay ang relasyon nila ni Joshua. Wala siyang sampalataya sa mga hula. But damn it! Di niya gusto ang lumalabas sa bibig ng matandang ito. Ano pa ang nababasa nito sa kanya?

Inagaw ni Jairon ang kamay niya mula sa matanda. “Huwag ninyong idamay si Xandie dito,” humihingal sa galit na wika nito.

Gulat niya itong tiningala. “Jairon…” Parang gusto siyang protektahan ni Jairon sa anumang sinasabi ng matanda.

“May meeting pa po kami ni Xandie, Lolo,” wika ni Jairon subalit bakas sa mukha nito ang kontroladong emosyon. “Parating na si Arvind. Mas maganda siguro na sila ni Julian ang bigyan ninyo ng prediction. They are causing a lot of trouble here.”

Napilitan siyang tumayo dahil mahigpit siyang hinawakan ni Jairon sa kamay. “Aalis na po kami, Sir. It is good to see you again.”

Subalit kay Jairon nakatuon ang mga mata ni Ping. “Don’t forget about your duties, Jairon. Don’t be selfish.”

Hinila na siya ni Jairon palayo. Narinig pa niya ang pahabol na bilin ni Kung Pao. “Huwag na huwag mong huhubarin ang singsing na iyan. Layuan mo rin ang isa pang lalaki sa puso mo. Hindi ka magiging masaya…”

“huwag mo nang pansinin,” utos ni Jairon nang lilingunin niya ang matanda.

“Anong problema?” tanong niya. “Parang ayaw mong marinig ang mga hula niya at saka may problema ba kayo ng lolo mo?”

“basta may kinalaman kay Kung Pao, huwag mo nang intindihin. Di iyon importante.” Nang humarap ito sa kanya ay nakangiti na ito. Wala na ang kadilimang bumalabot dito kanina. “Do you want to use the sword for our mock fight?”

NAGLALAKAD-LAKAD sa paligid ng isla si Alexandrea habang bitbit ang digicam niya. Mag-iisang buwan na siya sa isla pero di pa rin niya nakikita ang kabuuan. Basta may free time siya ay namamasyal siya kahit na mag-isa. Basta lang tiyakin niya kay Jairon na di siya magpapagabi. Mas istrikto pa yata ito sa tatay niya.

Maganda naman ang development ng tai chi class niya. Dahil sa may premyo ang pinakamagaling niyang estudyante para maka-date si Rouen, nadagdagan ang klase niya at ang mga estudyante niya. Di na masamang magkaroon ng kaunting kompetisyon. Masarap ding magturo lalo na’t nagsisikap ang mga estudyante niya.

Bukas na ang mga poste sa pathwalk sa kagubatan ng Hidden Mist Village. Naghuhunihan na rin ang mga panggabing hayop. Tiyak na hinahanap na siya ni Jaiorn. Baka ulanin siya ng sermon nito at atakihin ng pagka-killjoy. Baka samahan na siya nitong mamasyal sa susunod.

Naririnig na niya ang lagaslas ng waterfalls nang makarinig din siya ng tili ng isang babae. “Saklolo! Saklolo! Rape! Rape!”

Dali-dali siyang pumunta sa pinanggagalingan ng boses. Ang artistang si Merian de Vera na lider ng Sirens ay yakap-yakap ng isang lalaki at hinahalikan. Parang di naman alintana ng lalaki ang pagtili-tili ni Merian.

Hindi siya nag-aksaya ng oras. Hinaklit niya ang baliakt ng lalaki palayo kay Merian. “Anong…” Nagulat pa ito nang makita siya. Nilingon nito si Merian. “O! Bakit may ganito? Di naman ito kasama sa eksena…”

“Anong eksenang pinagsasabi mo?” tanong niya at diniinan ang balikat ng lalaki. Napaigik ito sa sakit at napaupo habang hawak ang balikat. “wala kang karapatan na mambastos ng kahit sinong babae.”

Pamilyar ang mukha nito sa kanya. Isa ito sa staff sa Stallion Wave, ang restaurant na nasa gitna ng Summer Snowflake. Baka nagka-interes ito kay Merian dahil artista at maganda rin naman. Usong-uso sa mga ito stalker.

“Hindi ko po siya binabastos,” mangiyak-ngiyak na wika ng lalaki.

“What do you think you are doing?” tili ni Merian. Parang galit pa ito sa ginawa niya sa lalaki.

“Di ko siya papatayin. Di lang siya makakagalaw hanggang may dumating na security para damputin siya.” Hinawakan niya sa balikat si Merian. “Are you okay?”

PUmiksi ito. “Bakit ka ba nakikialam?”

NAtigagal siya. Bakit galit ito sa kanya? “Hindi ba humingi ka ng tulong? Kundi ako dumating, baka na-rape ka na.”

“Di ko kailangan ng tulong mo,” nanlilisik ang matang wika ni Merian.

Hindi niya ito maintindihan. Di ba dapat ay magpasalamat ito sa pagkakaligtas niya dito.

Nakarinig siya ng yabag ng mga kabayo. It was Soultaker at sakay nito si Jairon. Patalong bumaba ng kabayo si Jairon. “Anong nangyayari dito?”

“Jairon!” YUmakap si Merian dito at umatungal ng iyak. “He tried to rape me! Namamasyal lang ako nang bigla niya akong sugurin. “Tulungan mo ako.”

“Mabuti na lang dumating ako. Kundi baka na-rape na siya,” wika niya. Bigla ay naging damsel in distress na naman ito sa pagdating ni Jairon. Ano pang itutulon ni jairon dito? Heto nga at di na makagalaw ang rapist nito.

Kumawala si JAiron kay Merian at sinipat siya. “Sinaktan ka ba niya? may masakit ba sa iyo? Titiyakin kong mananagot ang lalaking iyan.”

“Nasa script pa ba ito? Hindi naman ito ang usapan natin, ah!” anang lalaki.

“Manahimik ka! Rapist!” bulyaw ni Merian dito.

Di nagtagal ay dumating ang E-jeep mobile ng security ng isla. BUmaba si Ridge na isang security officer. “Damputin mo ang lalaking iyan. She tried to rape Merian,” sabi ni Jairon. “Ikaw na rin ang bahala kay Merian. She might need some medical attention.”

Inutusan ni Ridge ang dalawa pang kasamang security officer para bitbitin ang lalaki at alalayan si Merian. Habang inakay naman siya ni Jairon sa kay Soultaker. “Kailangan kitang patingnan sa doktor.”

“Hindi na kailangan. Sa palagay mo ba masasaktan ako ng rapist na iyon? Ni hindi nga pa siya nakakakurap, pinaralisa ko na siya,” wika niya.

“Kung ayaw mo sa doktor, ako na lang ang titingin sa iyo.” Isinampa siya ni Jairon kay Soultaker at dali-dali rin itong sumakay sa may likuran niya. Saka nito pinasibad nang mabilis si Soultaker.

“Jairon, don’t leave me!” sigaw ni Merian habang palayo sila.

Naguguluhan siya. Si Merian ang dapat nitong inaalala at hindi siya. Pero bakit kailangan pang siya ang alagaan nito. hindi naman siya ang muntik nang ma-rape.

Itinigil nito si Soultaker sa harap ng orchidarium. “Anong gagawin natin dito?”

“Orchids will help you relax. Mas magiging komportable ka kapag kasama mo ang mga orchids, hindi ba?” He swiped his access card. Bumukas ang pinto ng greenhouse at kusang bumaha ng liwanag.

Para nasa kaharian siya ng mga orchids at siya ang reyna. Naroon ang lahat ng naggagandahan at rare orchids mula sa iba’t ibang parte ng mundo.

“Welcome to Paradiso, Xandie.”

“May access ka dito? Ang ganda dito.” Kung may traumatic experience man siya, tiyak na makakalimutan niya ang mga iyon sa tulong ng mga bulaklak.

Pinagmamasdan niya ang butterfly orchid nang yakapin siya ni Jairon mula sa likuran. “Xandie, nag-alala ako sa iyo. Nang marinig ko ang sigaw ni Merian, sumugod agad ako. Pero nanlambot ako nang makita ka. Akala ko ikaw ang nasaktan. Ni hindi ko na nga siya nakita halos. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa rapist na iyon kung sinaktan ka niya.”

Gumapang ang init sa buong katawan niya. Ngayon lang siya nito muling niyakap. Sa loob ng mahabang panahon ay mistulang yelo siya. Kahit na niyayakap siya ni Joshua, di niya naramdaman ang init na ipinararamdam ni Jairon sa kanya.

Ano bang ginagawa ni Jairon sa kanya? Sabi ng isip niya ay kalokohan ang sinasabi nito pero iba naman ang isinisigaw ng puso niya. It felt so right. Parang iyon ang pinakatamang nangyari sa buhay niya sa loob ng mahabang panahon.

Mistulang manika siyang sunud-sunuran nang iharap nito. Hindi niya magawang huminga nang marahan nitong haplusin ang pisngi niya, ang kilay niya at maging ang labi niya. naramdaman na lang niya ang panginginig ng labi niya at ang pangingilid ng luha niya.

Kahit ang utak niyang nagsasabing mali ang nangyayari ay di na nagawa pang magprotesta. She could see emotion dancing in Jairon’s eyes. Parang isa siyang babasaging Kristal na iniingatan nito. Na napakahalaga niya.

“Alexandrea…” bulong nito at kinintalan ng halik ang mga mata niya.

Napapikit siya. How could the man who hurt her make her feel so important? At ang pagbanggit nito sa pangalan niya ay pinakamagandang nangyari sa buhay niya sa loob ng mahabang panahon.

Parang sasabog ang dibdib niya nang hagkan ni Jairon ang labi niya. Nananantiya pa iyon noong una. Subalit nang kusa niyang ibuka ang labi niya at tanggapin ang halik nito ay parang dam na kumawala ang lahat ng emosyon niya. Wala na siyang pakialam sa tama at mali sa mundong ginagalawan nila. Para sa kanya, iyon lang ang tanging bagay na mahalaga sa kanya. Si Jairon lang ang iniikutan ng mundo niya.

It was such a gentle kiss but it was like a giant wave engulfing her. Napasinghap siya nang maghiwalay ang labi nila.

Saka lang siya natauhan nang imulat niya ang mga mata at nagtama ang paningin nila. Memories came rushing back. Hindi na sila ang Alexandrea at Jairon na nagmamahalan. Isa lang iyong ilusyon. Ang alam nito ay ikakasal na siya at suot niya ang engagement ring bilang patunay niyon. Iyon ang nagsisilbing proteksiyon niya para di siya lapitan ng mga lalaking katulad ni Jairon. But it didn’t offer her enough protection at all. Naging mahina siya sa halik ni jairon.

Di niya matanggap ang kahinaan niya. Ubod ng lakas niyang sinampal ni Jairon. “Ang kapal ng mukha mo! Nag-aalala ka sa akin pero gusto mo lang palang akitin ako. To think that I trusted you. Na kahit paano irerespeto mo ako.”

Nakatigagal ito habang sapo ang nasaktang pisngi. “Xandie, I respect you. Hindi iyon nawala kahit minsan. And I kissed you because…”

Tinaasan niya ito ng kilay. “Ano? You think I am easy? Gusto mong patunayan sa sarili mo na kaya mo akong akitin kahit na may boyfriend na ako? I don’t want to be a part of your machismo games, Jairon. Hindi ka pa ba masaya na paasahin ako minsan para saktan lang? Ano bang pagkakamaling nagawa ko para saktan mo ako? Ano bang gusto mong gawin sa akin?”

Naghalo-halo na ang galit niya dito at labis na guilt para kay Joshua. Bakit kailangan niyang magpatangay sa halik ng lalaking minsan nang nagtaksil sa kanya?

Inangat nito ang kamay at tinangkang haplusin ang mukha niya. “Makinig ka sa akin. Di ko naman intensiyon noon na saktan ka. I have a valid reason…”

Umurong siya at marahang umiling. “Hindi ko na kailangan ng valid reason galing sa iyo. Tama na. Hindi mo na ako mapapaikot. Baka mamaya sabihin mo sa akin na itinayo mo ang orchidarium na ito para sa akin. Dahil naalala mo na gusto ko ng orchids. At naalala mo ang pagmamahalan natin.” Ikinumpas niya ang kamay. “Spare me the crap. I already had enough of it.”

“Hindi ka maniniwala kahit na iyon ang totoo?”

“Wala na akong paniniwalaan mula sa iyo. Just stay away from me! At huwag na mo rin akong kakausapin kahit na kailan. BAbaliin ko ang buto mo.”

Patakbo siyang lumabas ng orchidarium at pinara ang dumadaang E-jeepney. Sa kabila ng pagtatapang-tapangan niya ay sumabog ang emosyon sa dibdib niya. Napahagulgol siya ng iyak.

Iyon na ang huling pagkakataon na magtatangka si jairon na akitin siya. Hindi na siya magpapadala pa sa pang-aakit nito.

KAunting panahon lang ang ilalagi niya sa isla. Aalis siya doon at di na makikita pa si Jairon. At di na niya bibigyan pa ng pagkakataon ang puso niya para magpalinlang kay Jairon. Hindi na.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.