“Grabe talaga ang Merian na iyon. Hindi lang sa showbiz intrigera. Hanggang dito sa isla nagkakalat ng lagim,” wika ng waitress ng Stallion Wave na si Leica nang i-serve sa kanya ang yoghurt ice cream niya. “Hindi naman talaga siya ni-rape ni Domeng. MAbait kaya iyon. Kaso pangarap talaga niyang mag-artista. Kaya nga nauto ni Merian. Sabi magpa-practice lang daw sila ng isang eksena sa script na gagawin niya. Iyon pala naman palalabasin niyang totoong rapist si Domeng dahil target talaga niya na mailigtas ng isang member dito. Buti nga sa kanya. Isang buwan siyang di makakatapak sa Stallion Island. Sana package deal na lang. Isama na rin niya ang mga Sirens niya nang matahimik dito sa isla.”
Nangingiti na lang si Xandie sa kwento ni Leica. Usap-usapan na sa bawat sulok ng isla ang eskandalong ginawa ni Merian. Kahit yata ang mga kabayo at kuliglig ay iyon ang pinag-uusapan. Pinili na lang niyang manahimik sa isyu. Mas matinding tunggalian kasi ang nararanasan niya. Ilang araw na niyang pilit na iniiwasan si jairon. It was not easy. Kaya nga nasa malayong lupalop siya ng Stallion Wave tuwing nagtuturo ito sa Mist Fusion.
Hindi siya komportable kapag nasa paligid si Jairon. Naghahabulan agad ang pulso niya kapag naramdaman niya ang presensiya nito. Habang umiiwas siya ay lalo pa siyang nagiging aware sa presensiya nito.
What he did was unforgivable. Sana ay nirespeto nito ang relasyon niya kay Joshua. Maraming babae itong maaring akitin. Bakit siya pa?
At di rin niya mapapatawad ang sarili. Nagpatangay siya dito. At sa halip na maiwaksi sa puso niya si jairon ay lalo pa itong nagsusumiksik. Kung pwede nga lang na baklasin na lang ang puso niya para wala siyang maramdaman para dito ay ginawa na niya. Nahihirapan na kasi siyang magpanggap na walang pakialam dito.
“Miss, nasaan na ang order ko?” anang si Warren at kinawayan si Leica. “I-follow up mo naman ang order ko.”
“Excuse me, Miss Xandie. Kakausapin ko lang iyong taong di marunong tumingin sa relo. Sabi ko fifteen minutes pa ang in-order niya. five minutes pa lang, tawag na nang tawag,” reklamo ni Leica.
“Sige na. Puntahan mo na si Warren. The Yun family has very impatient guys.” Di nagsisitagal ang mga ito maging sa pag-ibig.
Napapangalahati na niya ang yoghurt ice cream niya nang may aninong tumakip sa ilaw. “Xandie, can we talk?”
Kumalampag ang kutsara sa ice cream goblet nang marinig ang boses ni Jairon. Di niya alam kung patuloy pang kakain ng ice cream at di ito papansinin pa o aalis na lang nang umupo ito sa tapat niya.
“Don’t you dare leave,” banta nito nang parang nabasa ang isip niya. “wala akong masamang gagawin sa iyo. I just want us to talk.”
“wala na tayong dapat pag-usapan.” At minadali niya ang pagkain ng ice cream. Ayaw na niyang magkaroon ng rason para magtagal sa lugar na iyon.
“Hindi pwedeng ganito tayo habambuhay. Nangyari na iyon, Xandie. I kissed you and you kissed me back. Apologizing won’t even make things better. Ano ba ang gusto mong gawin para maayos natin ang gulong ito?”
“Wala. Mag-iwasan lang tayo hanggang makaalis na ako dito.”
Sa ngayon, marahil ay nangangalahati na ang kapatid niya sa kabundukan ng Tibet. Isang buwan pa at uuwi na rin ito. Makakaalis na siya ng Stallion Island. Hindi na iyon magandang paraiso para sa kanya.
“Paano kapag may importanteng bagay na kailangang pag-usapan?”
“Mag-iwan ka na lang ng note. Sasagot ako sa note din.”
“Paano kung gusto ko pa ring makita ka?”
Umiling siya. Subalit mukhang desidido ito. He would have things his way. At di niya ito mapipigilan sa gusto nito. She felt so helpless. Paano niya ito iiwasan?
“Let’s have a deal. Sa isang linggo na ang birthday ni Lord Ryuhei, di ba? Sa halip na mag-exhibition tayo, mag-battle royale na lang tayo. Kapag nanalo ako, hindi ka magpapakita sa akin. Susunod ka sa mga guidelines ko para masiguradong di tayo magkikita. At kapag nanalo ka, you can do whatever you want. Hindi kita itataboy kapag lumapit ka sa akin. Di rin kita iiwasan.”
“Pero hindi kita kayang saktan.”
Matiim niya itong tinitigan. “Saktan mo ako kung talagang gusto mo akong makausap. I will send a message to the program director.” Tumayo siya at di ito nilingon nang lumabas ng Stallion Wave.
She knew that it was risky. Walang katiyakan kung ano ang kalalabasan ng hamon niya kay Jairon. But it was the only way to get her sanity back.
Matapos ang labang iyon, tiyak na babalik na sa normal ang buhay niya. Buhay na di na bahagi pa si Jairon.
IT WAS such a perfect day. Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ni Alexandrea habang malamig naman ang hanging pumapawi sa init. Marahan niyang idinilat ang mga mata. Tapos na siyang mag-meditate. Kalmado na ang isip at katawan niya. Nakakondisyon na siya para sa paghaharap nila ni Jairon.
Sarado ang maraming establishments sa Stallion Island kasama na ang Mist Fusion dahil lahat ay imbitado sa birthday ni Ryuhei. Iyon ang unang pagkakataon na magse-celebrate ng kaarawan ang isang village lord sa Stalion Island kaya paniguradong magarbo at pinaghandaan iyon.
Bagamat isang professional tennis player, mahilig din sa martial arts si Ryuhei. Sa katunayan ay kendo master ito at ang nakatatandang kapatid na businessman na si Ryuji. Bagamat excited siyang makita ang kendo demonstration ng mga ito ay higit siyang excited sa laban nila ni Jairon.
Bukod sa pagpapakita ng galing niya sa lahat, ibubuhos niay ang lakas niya para tuluyan nang lumayo sa kanya si Jairon. Dahil iyon ang tama.
Pabalik na siya sa cottage nang may sumabay na kabayo sa paglalakad niya. It was Jazzmire, ang kakambal ni Julian at pinakabatang kapatid nila Jairon.
“Ate Xandie!” tawag nito sa kanya.
“Jazzmire, nandito ka rin pala.” Niyakap niya ito nang makita. Di naman nagbabago ang pagmamahal niya sa pamilya ni Jairon sa kabila ng nangyari sa kanila. “Manonood ka ba ng laban ko?”
“Sa palagay ko hindi makakalaban si Kuya Jai. Halika!”
Isinama siya nito sa isa sa mga silid sa Guesthouse. Nakahilata si Jairon doon. Tulog na tulog ito. At mukhang lasing. “Anong nangyari diyan? Bakit siya nag-inom? Hindi ba may laban kami ngayon?”
“Ayaw niyang labanan ka, Ate. Ayaw ka rin niyang saktan,” wika ni Julian na mukhang puyat mula sa pagbabantay dito at nakaupo sa overstuff couch. “Kaya pasensiya na kung hindi kayo magkakaharap ngayon.”
“I don’t think makakalabas pa siya sa kuwartong ito. He is wasted. Ako na lang ang kakausap sa organizer na individual exhibition na lang ang gagawin ko. Kayo na ang bahalang magbantay kay Jairon.”
Maybe it was for the best. Ayaw din niyang saktan si Jairon. Dahil di ito makakarating sa laban nila, he already forfeited the match. Hindi na siya nito maaring guluhin pa kahit kailan.
NAPAHANGA si Alexandrea ng mga martial artists na nag-perform para sa kaarawan ni Ryuhei. She was particularly fascinated with with horse archery competition between Ryuhei and Hiro HInata of Stallion Riding Club. IYon kasi ang unang showdown mula sa dalawang riding club on horseback. Patas lang ang laban dahil parehong magaling ang mga ito. Iyon ang nagsilbing opening ceremony para simulan ang martial arts demonstration.
Sa open arena ginanap ang martial arts exhibition. Katatapos lang ng capoiera exhibition nang tawagin na ang pangalan niya. Tumayo siya sa gitna ng mat at yumukod. Iisipin na lang niyang ini-represent na rin niya si Jairon sa labang iyon. Kung maganda ang performance niya, siguro naman ay bawi na ito hangover. Mas mabuti na ang solo performance niya kaysa maglaban pa sila.
“Shandali!” Mula sa entrance ay hahapay-hapay na lumapit ng mat si Jairon. “Mahdahya ka. Pati ako kasama diyan. Bakit siya lahng ang bida?”
“Jairon?” mahina niyang usal. Anong ginagawa nito doon? Hindi ba dapat ay nagpapahinga lang ito lalo na’t lasing ito? Nasaan ang bantay nito?
“Hi, fans!” KUmaway pa ito sa mga tao. Nagtilian ang ilang guest na babae dito. Dahil isa sa pioneer members ng riding club kaya sikat ito. “Hi, Aleshande…dre…Alex…” Bago pa nito mabuo ang pangalan niya nadapa ito at umurangod sa mat. Ni hindi ito makagulapay sa kalasingan.
“Naku!” Dali-dali nila itong nilapitan ng host. Napatili ang host nang pumaikot ang dalawang paa ni JAiron at walang kahirap-hirap na tumayo. Subalit parang wala pa rin ito sa balanse at halatang lasing habang nagpipilit tumayo.
“Oha! Ang galing ko, no?” namumungay ang mata nitong sabi.
“Jai, you are drunk,” mariin niyang wika. “Pabayaan mo na ako dito.” Baka magalit pa ang may kaarawan dito at maapektuhan ang membership ni Jairon.
Iwinaksi nito ang kamay. “Hindi ako lashing. Tingnan mo pa.” Sinubukan pa nitong mag-exhibition. He was still agile even on a drunken state. Nagulat pa ang host nang agawin ang microphone dito. “Shori, Lord Rouen. Late ako sa birthday mo. Hey! Hey! Heypi birthday!”
“Sir, si Lord Ryuhei po ang may birthday,” pagtatama ng host dito.
HUmalakhak si Jairon. “Alam ko! Tinetesting ko lang kung alam mo.” Sinubukan ng host na kunin ang microphone mula dito pero inilayo ni Jairon at nagpatuloy sa pagsasalita. “Importante sa akin ang laban na ‘to. Di pwedeng wala ako. Ayokong matalo dito dahil hindi ko na makakausap si Xandie. Hindi kasi niya alam kung bakit nag-break kami dati…”
Nanlaki ang mata niya. Gosh! Di lang ang dahilan ng laban nila ang ina-announce ni Jairon. Maging nakaraan nila ay inilalantad nito sa lahat. Inagaw niya ang microphone dito at inabot sa host. “I am ready to rumble.”
Titiyakin niyang makakatulog agad si Jairon para di na ito makapagsalita pa. HBIndi ito masyadong magaling lumaban kapag lasing kaya walang problema.
Naka-crane stance siya at naghanda na sa pag-atake nito. Subalit nakapikit lang ito at mukhang natutulog nang nakatayo. Mukhang wala itong balak na sumugod. Napilitan tuloy siyang sugurin ito. She thrusts her palm against his chest.
Subalit bago pa sumayad ang palad niya sa dibdib nito ay lumiyad ito. Nagpawala siya ng sipa pero nagpatibuwal ito. He pushed himself up and was able to recoil right away. He looked off balance but he was actually a better fighter in that state. Saka niya naalala kung ano ang istilo nito. It was drunken boxing.
Sa tai chi, sanay siyang dumepensa. Sa bawat pagsugod sa kanya, ibinabalik lang niya ang lakas ng kalaban. She didn’t have to exert much effort. But it with JAiron’s confusing movements, she was having a hard time projecting his next move.
Alcohol was a depressant, relaxing the body and loosening the muscles. A flexible fighter like Jairon could easily dodge, recoil and strike from any angle. Ang ginagawa pa nga lang ni Jairon ay ang iwasan ang pagsugod niya. Nakakainis. Siya ang nauubusan ng enerhiya dahil dito.
Bumagsak si Jairon sa sahig kung kailan nahihirapan siyang talunin ito.Narinig niya ang mahinay nitong hilik. Nakatulog na pala ito. Ito na ang pagkakataon niya. Tutuluyan lang naman niya itong patulugin. She just needed to press a chakrapoint. Hindi na ito mahihirapan pang lumaban.
Nagulat siya nang pagsalikupin nito ang palad sa kamay niya. He swept both his feet on the floor. Natagpiuan na lang niya ang sarili na nakadapa ang kalahati ng katawan sa ibabaw ng katawan nito. Yumakap din ang mga kamay nito sa katawan niya. Then he rolled her over and planted a kiss on her lips.
Naestatwa siya nang humugong ang sigawan ng mga tao. Parang laro lang yata sa mga ito ang lahat lalo na nang bumangon si Jairon para lang patihayann bumagsak sa tabi niya. At ngayon ay mahinay na itong naghihilik.
Dumating naman si Jazzmire na kasunod ang medical team. Isinakay na sa stretcher si Jairon. Nag-bow siya bago sumunod sa kay Jazzmire.
Ang di niya tiyak ay kung paano pagbabayarin si Jairon sa halik na iyon. Lasing ba ito o sinadya talaga nito para mahalikan siya?
“JULIAN, bakit mo pinayagan na basta-basta umalis ng Guesthouse ang kuya mo. Alam mo na ngang lasing iyan. Doon pa siya nagkalat sa program ni Lord Ryuhei. Nakakahiya talaga!” sermon ni Xandie nang magkita sila sa clinic. Sinusuri si Jairon para tiyakin na walang damage ang pakikipaglaban nito nang lasing sa kanya. Ilang beses din itong bumagsak. Though the execution of his movements were flawless, gusto niyang makatiyak dahil wala naman ito sa sarili kanina.
Sapo nito ang panga nang humarap sa kanya. “Paano ako makakapigil? Pinatulog niya ako. Akala ko nga magugulpi ko siya dahil lasing siya. Pero kakaiba ang lakas niya kanina.”
“Yes, I know. Parang drunken boxing fighter siya kanina. Ano ba kasi ang ininom ng KUya mo? Hindi naman siya ganyan kapag nalalasing.”
“nakadalawang long neck siya ng black rice wine galing Mountain Province. Bigay iyon ni Rohann sa kanya. Malay ko ba namang iba pala ang epekto ng black rice wine sa kanya. Ayan! Tulog na naman siya.”
Umupo siya sa tabi ng hospital bed ni Jairon. “Akala ko ba hindi na niya ako lalabanan. Bakit bigla na naman siyang sumugod?”
“Sigurado dahil di rin niya kayang di ka makita, Ate,” wika ni Jazzmire.
“Jazz,” saway ni Julian dito.
“Bakit kailangang mag-suffer ni Kuya Jai? Mahal naman talaga niya si Ate Xandie, ah!” angal ni Jazzmire. “Kaya lang naman siya nagpanggap na interesado sa ibang babae noon dahil iyon ang gusto ng Kung Pao na at ni Lolo.”
“Anong kinalaman nila sa relasyon namin ni Jairon? Hindi ba manghuhula lang naman si Kung Pao?” Bakit kailangang pakialaman ng isang manghuhula ang buhay nila ni Jairon?
Pinaupo siya ni Julian sa couch. “Dapat siguro sabihin na namin lahat para maintindihan mo ang pinagdadaanan ni Kuya Jai.”