Niyakap agad ni Rahya ang sarili. Ang alam niya ay mabilis ma-arouse ang mga lalaki sa babaeng maganda lalo na’t bagong gising. Kung wala itong masamang tangka sa kanya, dapat sana ay binalutan man lang nito ang sarili bago humarap sa kanya. Sila lang ang tao doon. Paano siya hihingi ng tulong? Paano siya makakatutol? Paano kung ayaw na niyang tumutol?
Humalukipkip si Misha at tumuwid ng tayo. “I should be the one asking that. What the hell are you doing here? Nakayakap ka pa sa akin kanina.”
Nagulat siya sa tanong nito. Di yata nito matandaan na hinila siya nito at niyakap. Inakala pa nitong siya ang Mama nito. “Ikaw kaya yumakap sa akin.”
“Tulog nga ako. Ikaw itong gising.” Namaywang ito. “Ayokong isipin na interesado ka nga sa akin at gusto mo akong akitin.”
“Hindi, ha!” Naalarma siya nang maalalang ang pagdedeliryo nito sa lagnat nang nakaraang gabi. “Anong pakiramdam mo?”
Dali-dali siyang tumayo at idinikit ang palad sa noo nito para tantiyahin ang temperatura nito. Malamig na ang balat nito pero parang gusto niyang mapaso nang maalalang idinikit nito ang palad niya sa pisngi nito nang nakaraang gabi. At kung saan gumapang ang kamay niya sa imahinasyon niya.
“Wala na akong sakit,” pagalit na sabi nito.
Binawi niya ang kamay. “Hindi ka na nilalagnat.” Isinalya niya ang kumot sa katawan nito para matakpan. “Kailangan lang ituloy ang pag-inom ng gamot mo at magpahinga.” Saka lang niya nalamang pinipigilan niya ang paghinga nang tumalikod siya para pumunta sa kuwarto at magpalit ng damit. Ito ang may sakit pero parang pinasok ng virus ang utak niya. Kailangan niyang makaalis sa lalong madaling panahon bago pa tuluyang ma-corrupt ang utak niya. Iyon ba ang epekto ng nakahubad na makisig na lalaki sa babaeng di pa nahahalikan ng lalaki kahit kailan?
“Why are you wearing my mother’s dress?”
Natigilan siya sa paglalakad at tiningnan ang suot na damit saka nilingon ito. “Damit ito ng Mama mo? Hindi babae mo?”
“Anong babae ko?” Marahan itong umiling. “Iniregalo sa kanya ni Papa noong ikasal sila. It is conservative. A sign of a virgin bride.”
Namula siya dahil nasapol siya sa pagiging virgin pa rin. “Wala akong baong damit. Di ko naman alam na mag-o-overnight ako dito. Nakita ko sa closet mo.”
Sa Mama pala nito. Kaya siguro nang delirious ito, mama nito ang tinawag nito. Suot niya ang damit ng nanay nito. Ang sariwa niyang alindog, pang matanda na pala. “Take it off. Fast!” utos nito at naningkit ang mata.
Namutla siya. “D-Dito ko huhubarinr? Okay ka lang?”
Mariing pumikit ang mga mata nito at saka itinuro ang guestroom. “Of course! Lalabas muna ako.”
“Antipatiko!” usal niya nang makalabas na ito. Nagmagandang-loob na nga niya itong bantayan, galit pa itong isinuot niya ang damit ng nanay nito. Nanghihiram lang naman. Idinaan na lang niya sa pagtu-toothbrush at paghihilamos ang inis. Maingat din niyang itinupi ang damit ng nanay nito at inilagay sa laundry bin. Nang lumabas siya ay naka-robe na si Misha. Safe na itong tingnan. Nakapaghilamos na din siya kaya nabawasan na ang agiw sa utak niya.
Hawak nito ang maroon na kahon mula kay Rome. Nakabukas na ang takip niyon at hawak nito ang isang diamond studded bracelet. Regalo nito kay Rome nang nakaraang anniversary ng mga ito at hindi ito nakapunta. Bakas ang sakit sa mga mata nito nang kumuyom ang palad nito sa bracelet. Saka lang niya naalala na iyon ang pakay niya sa pagpunta doon.
“I gave these to Rome,” he said in half-whisper.
“Ipinadala niya iyan bago siya tuluyang pumunta sa abroad. Bilin niya sa akin na ibalik sa iyo.”
Nilingon siya nito. “Kaya ka ba nagpunta dito para lang ibalik ito?”
Walang emosyon ang boses nito. Parang wala itong pakialam sa mangyari sa relasyon nito at ni Rome. Sa dalawa, si Rome ang mas maraming emotional investment kay Misha. Habang si Misha, ang mga mamahaling regalong iyon lang ang investment nito kay Rome. What a pity. Ang mga regalo naibabalik pa. Pero ang emosyon at pagmamahal na naibigay na, nagsisilbing lason.
“Hindi lang iyan ang iniwan ni Rome. Nag-iwan din siya ng malaking problema.” Umupo siya sa sofa. “Nang dumating ako sa office noong isang araw burado na ang lahat ng files na gagamitin natin para sa Stallion Shampoo commercial. Nawawala rin ang story board natin na ipe-present na sana sa iyo. That same morning, nakatanggap ng information si Eros. May natanggap daw na storyboard ang Comte Ad Agency. Malakas ang pakiramdam ko na iyon ang concept natin. At di na natin mababawi iyon.”
Nanlisik ang mata nito at kinuyom ang palad. “Sino ang gumawa nito?”
“Nakita ko sa CCTV camera. Si Rome ang gumawa noon.”
Galit nitong ihinagis ang kahon. Kumalat ang laman niyon sa sahig. “Damn her! She’s really such a brat! Matagal ko siyang pinagtiisan. Kung di lang siya apo ni Lolo Ildefonso, matagal ko na siyang nasakal. Ibabalik ko siya dito! Tuturuan ko siya ng leksiyon at titiyakin kong pagbabayaran niya ang kalokohan niya.”
She knew the feeling. Tinraidor ni Rome di lang si Misha kundi maging silang lahat. At wala man lang pakialam ang pinsan niya.
“Walang ibang nakakaalam nito sa ngayon. Di ko sinabi sa security department kung bakit ako nag-check sa CCTV records nila. Ni hindi ko masabi sa mga tauhan ko kung ano ang totoong nangyari. Di rin alam ni Lolo. Ayokong lalo siyang magkasakit kapag nalaman niya ang ginawa ni Rome.”
“Bakit hindi mo sinabi kay Maurice ang tungkol dito?” tukoy nito sa assistant.
“It is too risky. Di ko alam kung ano ang magiging plano niya. It might jeopardize the company kung lalabas ito. Kaya napilitan akong sabihin nang direkta sa iyo. Ginagawa na ng team ko ang lahat para gumawa ng bagong concept. Pero kailangan namin ng tulong mo. We can’t create a new concept in less than a week’s time.” At ilang araw pa mula noon ay ang presentation nila mismo ang presentation nila kay Neiji Villaranza. Di sila pwedeng mapahiya.
“Kailangan na nating bumalik sa Manila ngayon.”
“I don’t know. Di ko alam kung makakagawa tayo ng concept kung babalik tayo sa Manila. Pero kung dito sa Stallion Island ang location ng commercial, sa palagay ko makakahanap ako ng idea.”
Umiling agad ito. “No way! Uuwi na tayo ngayon.”
Namaywang siya. “Iniisip mo pa rin ba na pagpapa-cute lang sa members dito ang habol ko? I also have a family to protect. At baka nakakalimutan mo na isa ako sa malulupit na utak ng Creative Department. Gusto mo ba ng concept o wala?”
Nagsalubong ang kilay nito habang mariing magkadikit ang labi. “Sige. Anong plano mo?”
“I want to experience being a Stallion Island Girl for three days.”
Umungol ito. “Ipapa-book ko na talaga ang flight natin pabalik. Hindi mo ako mauuto.”
“Okay. Isang araw na lang. Kung sa palagay mo wala tayong mapapala sa mga gagawin ko, lalangoy ako pabalik sa Manila.”
Pero siyempre wala siyang planong lumangoy pabalik. Patutunayan niya kay Misha na karapat-dapat siyang manatili sa Stallion Island.
“MISHA, look! Iba-ibang klase ang isda sa ilalim!” Aliw na aliw si Rahya habang pinagmamasdan ang ilalim ng dagat mula sa mesa. Nag-aagahan sila ni Misha sa Stallion Wave, isang restaurant na nakatirik sa ibabaw ng dagat.
Isa sa atraksiyon sa restaurant na iyon ay makikita ang ilalim ng dagat mula sa mesa. Parang kumakain sila sa ibabaw ng aquarium.
“Kumain ka nang kumain diyan. Isang araw lang ang ibibigay ko sa iyo para umisip ng magandang concept.”
Binuhusan niya ng chocolate fudge ang waffle niya. “Okay. May kopya pa ako ng ilan sa draft ng nauna nating concept.” Binuksan niya ang PC notebook niya at ipinakita dito ang rough draft ng storyboard. “Basically, it’s Sahara Fernandez in the moment of triumph with her beautiful hair.”
Si Sahara Fernandez ay Olympic medallist ng Pilipinas as athletics. She also loves adventure. Kaya ito ang napiling mag-endorse ng bagong Stallion Shampoo. Kasama ito sa pipili ng concept para sa commercial. Masyado kasi itong choosy at ayaw nitong ipakipagsapalaran ang pangalan nito para lang kumita ang isang kompanya na di naman tutupad ng pangako sa consumers.
“Paano natin mahihigitan ang concept na iyan?” tanong ni Misha.
“Iyan ang inaprubahan ni Rome. Pero kung titingnan natin ang mga pictures ni Sahara habang nagko-compete siya, she doesn’t care much about her hair. Sabi nga niya sa interview halos di siya nagsusuklay. Wala na siyang oras.”
“So hindi niya magugustuhan ang original concept natin? May bago ka bang idea para ma-please din natin si Sahara at the same time?”
“The Stallion Shampoo test. Isang adventurer si Sahara. Buong araw maganda pa rin siya kahit na ibilad mo siya sa init ng araw o mainitan man siya o mabasa. Then a grand party would be the last part of it. Ipapakita lang natin that she can be both strong and beautiful at the same time.”
“Whole day lang pala. Kaya mo rin iyan ng whole day.”
Tinapik niya ang kamay nito. “Di ko alam kung anong activity dito sa riding club ang pwede nating gamitin. Sa dami no’n, I need three days.” Siyempre patutunayan niya kay Sahara na nasubukan niya ang shampoo at gumana iyon. Kinuha ulit niya ang PC notebook niya. Saka siya nag-open ng word program. “Ano ba ang gusto mong gawin kapag nandito sa island?”
“Gusto ng mga kliyente ko ang horseback riding. Well, catamaran sailing is also great and scuba diving.”
Inangat niya ang tingin dito mula sa PC notebook niya. “Di ko naman tinatanong kung ano ang gusto ng kliyente mo. Tinatanong ko ang gusto mo.”
“Di ko masyadong napag-isipan iyon. Basta kung ano ang nai-schedule ni Maurice na sa palagay nila magugustuhan niya, sasamahan ko na lang sila.”
“What a pity! Puro negosyo ang naiisip mo. Ni hindi mo naisip ang mag-enjoy.”
Di na rin siya magtataka kung bakit napuno si Rome dito. Wala nang nasa isip si Misha kundi paanong ipi-please ang clients at paano uunlad ang kompanya.
“Hindi nakakasama sa kompanya ang ginagawa ko,” angal nito.
“Oo. Kulang na lang na lang pakasalan mo ang kompanya. Habang nandito tayo cancel muna ang mga meetings mo.”
“Magaling na ako kaya di mo na ako mauutus-utusan.”
“Tutulungan mo akong makabuo ng concept kaya kailangan mong sumama sa akin. A Stallion Island Girl needs a Prince Charming. Pagtitiyagaan na kita.”
“WALA akong balak na sumakay ng kabayo. Magpapahinga pa ako,” pasupladong sabi ni Mishia habang nakaupo sa wooden fence. Nasa main stable sila para mamili ng kabayong masasakyan sa pamamasyal nila sa Stallion Island. Sinumang pupunta ng Stallion Island, dapat ay unahing makita ang mga prized horses na ino-offer ng club. Kahit wala siyang masyadong alam sa kabayo ay na-in love siya sa mga ito.
Nakadama siya ng lungkot. “Paano iyan? Di ako marunong mag-horseback riding. Akala ko makakaangakas ako sa iyo.”
“Kung magho-horseback riding ako, ayoko ng may kaangkas.”
Malas! May topak pa ang Prince Charming niya. Kung pwede lang iba ang kasama niya, di niya ito pagtitiyagaan.
“Sa akin ka na lang umangkas,” suhestiyon ni Chrome, ang stable master. “I can also teach you how to ride. How about that?”
“I like that. Thank you, Chrome. You are so nice.” Mabuti pa si Chrome. Guwapo na, mabait pa.
“Huwag na! Sa akin ka na lang umangkas!” sabat ni Misha. “Mang-aabala ka na naman ng tao. Si Adrenaline na lang ang sasakyan namin. I think he is strong enough to take both of us.”
Nagulat siya sa biglang pagbabago ng isip ni Misha. Naging sunud-sunuran na lang siya nang alalayan siya nitong sumakay kay Adrenaline. “Mahina pa ang katawan mo, hindi ba?” tanong niya nang sumampa ito sa likuran niya. “Di naman siya namimilit na samahan siya. Pwede naman itong magpahinga.”
“Baka sakaling makaisip din ako ng magandang concept.”
Katamtaman lang ang bilis ng kabayo. Di niya mapigilang maghikab. “Misha, aantukin ako nito. Ano ang silbi ni Adrenaline kung parang wala siyang energy?”
“Tama na iyang mabagal lang siya. Ang dami mo namang gusto.”
Tiningala niya ito. “Hindi ganito ang gusto kong makita sa commercial.” Tinapik niya ng paa ang tagiliran ng kabayo gaya ng napapanood niya sa commercial. Humalinghing si Adrenaline at sumibad sa malawak na parang.
Humalakhak siya nang tangayin ng hangin ang buhok niya at humampas sa mukha niya. Iyon mismo ang gusto niya. Ang mabuhay ang sense of adventure niya.
“Damn it, Rahya! Are you crazy?” gigil na tanong ni Misha nang pabagalin ang takbo ng kabayo.
“I am not. This is what you call having fun! This is definitely number one on our story board.”
Pumaikot ang braso nito sa balikat niya. Hinapit siya nito palapit hanggang madikit ang likod niya sa harapan nito. “Papatayin mo ba talaga ako sa takot? Paano kung malaglag ka?”
“Hindi mangyayari iyon. Di mo naman ako pababayaan.” Tiningala niya ito. “Seriously. Nag-aalala ka ba talaga sa akin?”
Bahagya nitong inilayo ang katawan sa kanya at inalis ang pagkakahapit sa kanya. “Ayoko lang mapahamak ka. Responsibilidad na kita mula nang ako ang magbayad ng in-order mo kahapon ng dinner. You are out of Jayden’s hands now.”
“Masyado ka namang nerbiyoso. Bumalik na tayo sa stable.”
“Okay,” anito at mabagal ulit na pinatakbo si Adrenaline. Pumailanlang ang boses nito sa buong isla nang tapikin ulit niya ang tagiliran ni Adrenaline at tumakbo na naman ito ng mabilis. She would have the time of her life.
INUNAT ni Rahya ang dalawang kamay habang naghahanda sa pagtalon. Nasa Hilagang bahagi silang isla kung saan may nagtatayugang limestone cliffs. Perfect spot iyon para sa rock climbing, rappelling at pati sa bungee jumping.
“Nasubukan mo na ito?” tanong ni Misha habang kinakabitan siya ng harness.
Umiling siya. “But I want to try. Kung mag-e-enjoy ako dito at maganda pa rin ang buhok ko pagkatapos, Sahara will probably like this one.”
“Hindi ka ba talaga titigil? Nakapag-rock climbing ka na paakyat dito. Ngayon gusto mo na rin ng bungee jumping?”
“Oo. At may rappelling pa tayo pababa! Nice!” Kung ganoon sana ang trabaho niya, lagi siyang mag-e-enjoy. Unti-unti nang nabubuo ang concept sa isip niya. Marami na siyang nagawa pero marami pang pwedeng gawin sa isla.
“Hindi mo naman ito kailangang gawin.”
“Look! Di lang ang advertisement ang ibebenta natin kay Sahara kundi pati ang Stallion Shampoo mismo. Ilang shampoo companies ang nag-aagawan sa kanya. Dito natin maipapakita ang dedikasyon natin sa trabaho. Kaya maghintay ka na lang dito dahil tatalon na ako.”
Walang nagawa si Misha nang tumalon siya. Parang hinahalukay ang kaluluwa niya nang bumulusok siya pababa. At parang hinugot ang kaluluwa niya nang hilahin siya paitaas. Nanginginig ang tuhod niya nang makasampa ulit sa batuhan.
“Misha! Nagawa ko!” sigaw niya. “Ang galing ko!”
Niyakap siya nito nang mahigpit nang makababa na siya. “Don’t you even dare do that stunt again! You will kill me!”
“Misha, what is wrong? You are trembling.” Wala namang masamang nangyari sa kanya. O baka naman nagagalit ito sa kanya kaya nanginginig sa galit. Pero kung galit ito, hindi naman siya nito yayakapin.
“Hindi ko iri-risk ang buhay mo para lang sa commercial na ito.” Inilabas nito ang cellphone. “Do you still have an available chartered plane back to Manila?”
Inagaw niya ang cellphone dito. Saka niya kinansela ang tawag. “Misha, buhay ako. That is just bungee jumping. I am safe. I am alive.”
Umiling ito. “I don’t know. Iuuwi na kita.”
Hinawakan niya ang pisngi mo. “Teka! Tingnan mo nga kung maayos pa ang buhok ko. Mas maganda ba sa camera ang buhok kung habang bumabagsak o iyong inaangat na ng rope? Di mo kasi tinitingnan kanina.”
Mahina itong tumawa at kinabig ang katawan niya. “Mamamatay ako sa takot dito, buhok mo pala ang iniisip mo. Well, the shampoo smells great. Pwede mong sabihin kay Sahara na kahit mainitan, mabango pa rin ang buhok niya.”
Gusto niyang tumawa pero di niya magawa. Sobrang lakas kasi ng kaba sa dibdib niya. Parang kinakabahan siya habang pinagpapawisan ng malamig. And it was weird. She liked that feeling. Gusto din niyang maramdaman ang init ng katawan ni Misha. She felt safe yet unprotected at the same time. Parang may isang puwersang humihila dito na di niya kayang kontrolin.
“Let’s go now. Lumalamig na dito. Palubog na ang araw,” bulong nito.
Umungol siya. “Misha, iuuwi mo na ba ako sa Manila?” Wala naman siyang magagawa kung ayaw nitong manatili pa siya sa isla.
“No. Kailangan mong magpahinga. Marami pa tayong adventures bukas.”