Takipsilim na pero matiyagang nakabantay sa pantalon si Alexandrea. Maghapong nasa laot si Jairon. Patuloy pa rin ito sa paghahanap ng singsing niyang nawawala sa dagat. Nag-aalala siya dahil manaka-naka ang pag-ulan. Hindi maganda ang kondisyon ng tubig. Underwater search ang ginagawa nito. Hindi biro kapag dagat ang kalaban.
“Ate Xandie, nauulanan ka na dito,” wika ni Julian. “Pabalik naman na si Kuya. Baka magkasakit ka pa. BUkas na ang dating ng boyfriend mo.”
“Okay lang ako dito. Di ako aalis hangga’t di dumadating si Jairon.”
Hindi siya natatahimik hangga’t di niya ito nakikita. Kahit na sabihin niyang huwag na nitong hanapin ang singsing ay di pa rin ito tumigil. He really wanted to search for the ring. Siya tuloy ang nahihirapan sa pag-aalala dito.
Hindi na nga nito maharap ang mga trabaho nito. Na-cancel din ang business meetings nito. And it was simply too much.
Madilim na nang dumaong ang search yacht na gamit ni Jairon. “Anong ginagawa mo dito sa port? Hindi ba dapat nagpapahinga ka na?”
“Hindi rin naman ako makakapagpahinga hangga’t di ko alam na safe ka. Delikado ang dagat ngayon dahil maulan.”
“Bukas magiging okay din lahat. Mababawi din natin ang singsing mo. Hindi ba tanghali pa naman ang dating ni Joshua?”
Di siya makakibo nang ihatid siya nito sa cottage. Di na niya matagalan na hayaan itong maghanap sa singsing na iyon.
“Jairon, hindi na mahalaga ang singsing,” wika niya bago pumasok ng cottage.
“That ring is a symbol of Joshua’s love. Importante iyon. Ayokong masira ang relasyon ninyo kapag di niya nakita ang singsing sa iyo…”
“Bakit ba gustong-gusto mong makuha ang singsing ko? Kahit pa manganib ang buhay mo, gusto mo pa ring makuha. Pinag-aalala mo lang ako.”
“Minsan na kitang sinaktan, Xandie. Kaya titiyakin ko na hindi ka na masasaktan ulit. Hindi na mawawala sa iyo ang lalaking mahal mo.” Mahabang sandali niya itong tinitigan. She had unspoken questions. Sa pamamagitan ng mga mata lamang niya maaring ipahiwatig ang mga tanong na iyon. Mariin itong pumikit. “Alright! I am doing this because I love you. Di ka siguro maniniwala pero iyon ang nararamdaman ko kahit nang maghiwalay tayo.”
“Naniniwala ako sa iyo.” Niyakap niya ito nang mahigpit para iparamdam din ang pagmamahal niya. “Jairon, sinabi na sa akin nila Julian ang lahat. Na hindi ako ang babae sa iyo. That I will only bring grief and misfortune. At ako mismo ang unang dadanas no’n . Kaya pinili mong layuan ako.”
He mouthed an oath. “Makakatikim sa akin ang Julian na iyon.”
“Jairon, sinabi lang nila iyon dahil gusto nilang maintindihan ko lahat ng ginawa mo. Ikaw ang higit na nahihirapan sa lahat. Tapos magpapakasal ka sa babaeng hindi mo naman mahal.”
Malungkot siya nitong pinagmasdan. “Ano ngayon kung pakakasalan ko ang babaeng di ko mahal? Ano ngayon kung alam mo ang totoo? It won’t make any difference. You have Joshua now. Masaya ka sa buhay mo.”
There was longing in his voice. Nakikita niya sa mga mata nito na sana ay ito ang lalaking nasa tabi niya. Na parang mas maayos ang mundo kung susundin nito ang hula. Na di na mahalaga pa kung anuman ang nararamdaman nito.
She used to hate him for toying with her then. IYon pala ay ito ang pinaglalaruan ng tadhana. Na gustuhin man nitong magmahal ay di ito Malaya. Wala na bang pag-asa para maitama ang mali?
“Paano kung ikaw ang mahal ko, Jairon?” lakas-loob niyang tanong.
“No!” tutol agad nito. “Stay with Joshua. Mas gugustuhin kong makasama mo ang lalaking nagmamahal rin sa iyo kaysa sa akin.”
“Because I am the cursed one?”
“No. I am the cursed one. Nakalimutan mo na ba na bumagsak ang pamilya mo dahil sa kagagawan ko?” Huminga ito nang malalim. “At kung ako pa rin ang pipiliin mo, di ko alam kung ano ang pwedeng mangyari sa atin. Kaya pabayaan mo na lang ako na gawin ang tama. Para hindi ka na masaktan.”
“Sa palagay mo hindi ako nasasaktan ngayon?” Itinakip niya ang palad sa mga mata habang pinipigilang mapaiyak. “This is not fair, Jairon. Walang karapatan ang kahit sino na agawan ka ng kaligayahan.”
“Kailan ba naging patas ang buhay.” Tinanggal nito ang palad sa mga mata niya at pinahid ang luha. “Di daw patas na masyado akong maswerte. At di rin patas na masyado akong malas kapalit ng lahat ng kaswertehang tinatamasa ko. But there is nothing I can do.”
“Jairon…”
Binitiwan siya nito at tumigas ang anyo nito. wala na ang bakas ng kalungkutan sa mukha nito. “Huwag mo na akong kaawaan. Hindi na ako ang buhay mo ngayon, Xandie. Naihanda ko na ang sarili ko para dito. Ang magagawa mo lang para sa akin ay maging masaya ka kahit wala ako.”
Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan nang iwan siya nito. It must be really over. Paano pa siya lalaban kung si Jairon mismo ang sumuko? Tatanggapin na lang ba niya di nila kayang labanan ang tadhana?
WALANG tulog si Alexandrea habang hinihintay sa Pavillion Terminal si Joshua. Hindi pa rin siya matahimik dahil kay Jairon. Sana ay di na lang niya nalaman na mahal pa siya nito. sana ay di na lang niya nalaman ang tungkol sa hula sa kanila. Sana ay nakaalis na lang siya sa isla at maipagpapatuloy ang buhay niya. Pero paano pa niya itutuloy ang buhay nang wala ito kung alam niyang nagmamahalan naman sila?
“Xandrea!” untag ng tinig ni Joshua sa kanya.
Tumingkayad siya at hinalikan ito sa pisngi. “Hi! How’s your flight?”
“Rough. But I love the view of the island. Mukhang mag-e-enjoy ako dito.”
Ginagap niya ang kamay nito. “Nagpa-reserve ako sa Lighthouse Restaurant. They have a majestic view.”
“Parang mas gusto ko sa Stallion Wave. After all, sa Summer Snowflake ako naipagpa-reserve ni Xandros. Well, since this is his island, I should call him Alexander the Great. That’s the translation of his Greek name Megos Alexandros.” Bigla itong ipininid ang bibig. “Oh! According to the rule, nobody is allowed to call him that. Kundi palalanguyin pabalik sa mainland.”
Natawa siya. Kahit paano ay nawala ang tensiyong nararamdaman niya. “MAg-aral ka nang lumangoy nang malayuan ngayon pa lang.”
Pinigilan nito ang kamay niya. “Nasaan ang singsing mo?”
Ipapaliwanag sana niya dito ang nangyari nang may tumawag sa pangalan niya. “Xandie!” tawag ni Jairon sa kanya na hangos na paparating. Humihingal pa ito nang lumapit sa kanila. Inilabas nito ang panyo at binuklat. “You forgot your ring at the safety deposit box. Mabuti na-check ko.”
“Thank you,” marahan niyang usal. It was the same ring yet she had a feeling that it was a different ring at all. “Jairon, this is my fiancé Joshua.” Umabrisyete siya kay Joshua. “Josh, meet Jairon. He is my brother’s friend. Siya ang nag-a-assist sa akin sa Mist Fusion.”
Kinamayan ito ni Joshua. “It’s a pleasure to meet you. Ikaw pala ang nag-aalaga kay Xandrea nandito siya.”
“I am sorry about the ring. Pinahuhubad talaga namin ang jewelries kung may training. Naiwan ni Xandie kamamadali,” paliwanag ni Jairon.
“I understand. Ang importante hindi nawala ang singsing na bigay ko.” KInintalan ni Joshua ng halik ang likod ng palad niya. “It means so much to me.”
Siya ang di makatagal. Alam niyang nasasaktan lang si JAiron na makita silang dalawa ni Joshua. “We must be going. Kailangang magpahinga ni Joshua.”
“Let’s have a chat sometimes. Pagdalaw ko sa Mist Fusion?” tanong ni Joshua.
“Sure. No problem. Take care of Xandie.” May kinawayan ito sa mga bagong dating. NAningkit ang mga mata niya nang makita si Merian.
Hindi maganda ang nakikita niya sa future ni Jairon. Isa ba si Merian sa napipisil na ipakasal dito? Malapit na talaga ang katapusan ng mundo!
MASAMA ang titig ni Alexandrea kina Merian at Jairon habang nagsasayaw ng salsa. Kasama niyang mag-dinner sa Stallion Wave si Joshua nang makita niya sa dance floor ang dalawa. Nananadya na naman ba ito? Kahit na alam niyang strategy lang iyon ni Jairon para lumayo siya dito, di pa rin niya maiwasang magselos. Halos magdikit na ang katawan ng mga ito. That was what Merian wanted to start with. At sadyang ibinibigay iyon ni Jairon. Gusto ba nitong magpapikot sa babaeng hito?
“They are one great couple,” wika ni Joshua. “
Tumayo siya. “Lumipat na lang tayo ng lugar. Masyadong maingay dito.”
Subalit hindi pa rin nabago ang mood niya kahit na lumipat sila ng ibang lugar. Sa comedy night na sila ng Wind Café nagpunta pero di siya matawa. Naasar pa nga siya sa standup comedian na idol si Merian sa paggiling.
“Parang hindi ka masayang nandito ako,” sabi ni Joshua nang naglalakad na sila papunta sa cottage nito sa Summer Snowflake. “May problema ba? May nanggugulo ba sa iyo? Baka matulungan kita.”
Sumambulat na ang emosyon niya at napaiyak nang yakapin ang kaibigan. “Josh! Hindi ko na alam ang gagawin ko.” Sa pagitan ng pag-iyak ay ikinuwento niya dito ang tungkol kay Jairon. Sa palagay kasi niya ay si Joshua lang ang makakaunawa sa nararamdaman niya nang mga oras na iyon.
“Hula? May naniniwala pa ba doon?”
“They have Chinese ancestry. Matindi ang paniniwala nila doon. Lalo pang tumibay ang paniniwala ni Jairon nang bumagsak ang negosyo namin dahil doon.”
“That one has a human factor with it,” Joshua pointed out. “Coincidence lang ang lahat ng iyon. Kung gusto mong sumaya kayo ni Jairon, dapat ipaglaban mo siya.”
“How can I fight destiny?”
“You create your own destiny, Xandie.” Hinaplos nito ang dulo ng ilong niya. “Keep that in mind.”
HALOS hindi humihinga si Alexandrea habang sakay ng helicopter na maghahatid sa kanya sa Snake Mountain. Sa tuktok niyon matatagpuan ang templo ni Kung Pao kung saan ginaganap ang seremonya para sa pagpili ng babaeng pakakasalan ni Jairon. Sa loob ng ilang araw ay sinala ni Kung Pao ang mga kababaihan sa isla. Doon daw malakas ang enerhiya upang matagpuan ang babae para kay Jairon.
Tinapik ni Joshua ang kamay niya. “Kinakabahan ka ba?”
“Kahit naman sino kakabahan sa gagawin ko.”
Hindi lang basta tadhana ang kinakalaban niya sa gagawin niya. Pati ang pamilya ng mga Yun. Minsan nang narasanan ng mga ito na maghirap dahil sa paglabag sa hula. Hindi madali para sa ito na pakawalan si Jairon.
“You want to fight for Jairon’s happiness. Ikaw lang ang makakagawa no’n.”
Nadagdagan ang lakas ng loob niya. Di nagtagal ay bumaba na sa Snake Mountain ang chopper nila. Dinig niya ang tunog ng batingaw ng templo. Dali-dali siyang umakyat ng hagdan.
Papasok sa templo ay nagpaiwan na si Joshua. “Maghihintay ako dito. Kung kailangan mo ng tulong, sabihin mo lang sa akin.”
Pinisil niya ang kamay nito. “Thanks for being an angel.”
Lakas-loob siyang pumasok sa templo. Nakapaligid ang buong pamilya ng Yun kina Jairon at Kung Pao. Nakapaikot din kay Jairon ang may sampung kababaihan. Pinauusukan ng incense stick si Merian. Kung Pao was muttering some Chinese mantra. Ibig bang sabihin ay si Merian na ang babaeng pinili nito para kay Jairon?
“Hindi ako papayag na mapunta si Jairon sa ibang babae. Dinadala niya ang anak ko!” deklarasyon niya na ikinagulat ng lahat ng nandoon.
Kahit si Jairon ay bakas ang pagkagulat nang makita siya. “Xandie…”
Dali-dali niyang nilapitan si Jairon at papingot na binitbit sa tainga. “Akala mo ba makakatakas ka sa responsibilidad mo sa akin? Hindi pwede!”
“JAiron, akala ko ba iniiwasan mo na ang babaeng iyan?” tanong ng lolo ni Jairon. “Paano mo ‘to nagawa sa pamilya natin?”
Ginagap ni Jairon ang kamay niya. “Lolo, kahit pa siguro lumindol o mag-tsunami o kahit magbagsakan pa ang lahat ng negosyo sa mundo, di ko tatalikuran si Xandie. Mahal ko siya. Nangako ako sa inyo, alam ko. Ginawa ko iyon para protektahan si Xandie.”
“Hindi mo na ako kailangang protektahan,” sabi niya kay Jairon. “Ang alam ko pantay-pantay ang mga tao. Lahat tayo may karapatang magmahal nang Malaya. Di naman gusto ng Diyos na pangunahan ng buwan at bituin ang pusong ibinigay Niya sa atin. At naniniwala rin ako na kung naging maswerte kayo sa negosyo noon, dahil din sa pagsisikap ninyo at kakayahan ninyo.”
“Matapang ka,” taas-noong wika ng lolo ni Jairon. “Mahal mo ang apo ko.”
“At mahal ko rin si Xandie, Lolo,” sabi naman ni JAiron at nilingon ang mga babae. “I am sorry, girls. Magiging unfair ako sa inyo kung isa sa inyo ang pakakasalan ko. Hindi rin kayo magiging masaya.”
“Paano ako?” angal ni Merian na may costume pa na bagua sa noo. “Hindi ba tayo na ang destiny? Tinalikuran ko si Prince Rostam para sa iyo.”
“Ayaw mo bang magkaroon ulit ng chance kay Prince Rostam?” tanong naman ni Warren. “Saka marami akong pinsan na wala pang girlfriend. Si Kuya Jairon lang iyan. Marami pa naman kaming mga guwapo.”
“Papa, pabayaan na natin si Jairon,” anang papa ni Jairon. “Tama si Xandie. Nagsumikap din tayo kaya umunlad ang negosyo natin. Saka blessing ang beata lalo na’t nagmamahalan naman sila.”
Sinenyasan sila ni Julian nang nakikipag-argumento pa ang lolo niya. Lahat kasi ng kapamilya nila ay kumampi na sa kanila ni Jairon. Umalis na daw sila.
Hinila siya ni Jairon palabas ng templo. Nang tangkang hahabulin sila nina Kung Pao at lolo ni Jairon ay hinarangan agad ang mga ito ni Julian at ng iba pang pinsang lalaki ni Jairon. They were free.
“Paano ka nakapunta dito?” tanong ni Jairon.
Inginuso niya ang helicopter. “Doon tayo.”
Pinisil ni Jairon ang kamay niya at padaplis siyang kinintalan ng halik sa labi. “Nagulat talaga ako kanina. Akala ko maise-set na ang kasal ko sa isa sa kanila. At di ko rin inaasahan na sasabihin mo sa kanilang lahat na magkaka-baby na tayo.”
“It is not my idea. Sa kanya iyon.” Itinuro niya si Joshua.
Nakaantabay na si Joshua sa puno ng hagdan. “Halika na!”
“Anong ginagawa mo ng boyfriend mo?” nagseselos na tanong ni Jairon.
“Mamaya na ako magpapaliwanag. PUmasok ka na ng helicopter.”
Hindi maipinta ang mukha ni Jairon nang magkaharap-harap silang tatlo sa loob ng helicopter. Matalim ang tingin ni kay Joshua. “Pwede ba ninyong ipaliwanag sa akin kung ano ang nangyayari?”
“Hindi ako boyfriend ni Xandrea,” wika ni Joshua. “Magkaibigan lang kami. Ginagamit lang niya ako para itaboy ang mga unwanted admirers niya. At hindi rin totoo na engaged kami. So relax.”
“Ibig sabihin hindi ka masasaktan kahit na ako ang piliin ni Xandie? Wala kang gusto sa kanya kahit na katiting?” paniniyak ni Jairon.
“She is a very efficient staff. Malulungkot lang siguro ako dahil hindi na siya magtatrabaho pa sa akin kapag pinili niyang magpakasal sa iyo.”
“Ihahanap kita ng magaling na kapalit niya,” sabi ni Jairon at walang sabi-sabing hinagkan siya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naipakita ni Jairon sa harap ng ibang tao kung gaano siya nito kamahal nang walang pag-aalinlangan.
And it was the most wonderful and liberating experience for her. Hindi na nila kailangan pang magtago. Hindi na sila dapat pang matakot. Sila na ngayon ang kumokontrol sa tadhana nila.
Nang lumapag sila sa Stallion Island ay idinala agad siya ni Jairon sa Paradiso. It was their haven, their sanctuary. And it became more special. Iyon kasi ang simbolo ng pagmamahal ni Jairon sa kanya.
“That was brave a while ago.” Kinintalan siya nito ng halik sa noo. “Kahit ako di ko basta basta magagawa iyon kay Lolo.”
“Problema lang natin kapag hinanap nila ang magiging baby natin. Anong sasabihin natin sa kanila?”
Tinitigan siya nitong mabuti. “Sa palagay ko hindi iyan magiging problema. Kaya naman nating gawan ng paraan.”
Pinisil niya ang pisngi nito. “Pakasalan mo muna ako.”
“Mukhang wala naman akong choice, di ba? Pinikot mo na ako, eh.”
Pero sa lahat yata ng pinikot ay ito ang masaya. And they would be happy for the rest of their lives. Dahil sa unang pagkakataon, si Jairon ang kokontrol sa buhay at kaligayahan nito. Malaya na ang puso nila.