Stallion Island Series Chapter 61

Bilang isang sikat na kayak explorer, naging misyon na ni Summeria at ng mga kapatid niya na makapagsagwan sa pinakamalalim na river gorge sa mundo – ang Tsangpo River ng Tibet. Subalit di matutuloy ang mapangahas na paglalakbay na iyon kung hindi kasama si Alessandrace Sandejas – ang lalaking minsan na niyang tinalikuran. At siya ang naatasan ngayon na magsama dito sa Tibet o di matutuloy ang trip nila doon.

But Drace had a quiet life in Stallion Island now. At ang huling bagay na nanaisin nitong gawin ay ang bumalik sa delikadong exploration at ang makita siya.

Handa siyang gawin ang lahat para lang matuloy ang pagtungo nila sa Tibet kasama ito. Kahit pa ang maging alipin nito habambuhay.

“She’s really pretty. Like a perfect Stallion princess,” usal ni Summeria nang mapanood ang Stallion Shampoo commercial ni Saskia na isang sikat na equestriane. Magandang-maganda ang buhok nito na nilalaro ng hangin sakay ng puting kabayo. And of course, there was his prince, Reichen Alleje. Her story was a real life fairy tale.

Nilingon siya ng kaibigang si Sahara na nakadapa sa kama at inulit ang pagpe-play ng video ni Saskia na pinanood na yata nito sa pandalawampung pagkakataon sa loob ng isang oras.

“Summer, do you think I am ready to be a Stallion Shampoo model?” tanong nito nang may pag-aalinlangan pa rin sa mga mata.

“Ngayon mo pa naisip iyan. Nakapirma ka na ng kontrata.” Nasa hotel suite sila na inookupa nito. Kagagaling lang nila sa contract signing dahil ito na ang bagong endorser ng pinakasikat at kontrobersiyal na shampoo sa bansa-ang Stallion Shampoo. Isa itong Olympic gold medalist sa athletics at kabi-kabila ang endorsement na nakukuha nito. “Iyan ang ambisyon ng lahat ng babae sa bansang ito. Kahit mga beauty queen naglalakad ng paluhod sa Quiapo para lang maging model ng Stallion Shampoo.”

“Ikaw na lang kaya ang pumalit sa akin,” suhestiyon nito. “Nag-offer din naman sila sa iyo na gawin kang model, di ba?”

She was a very popular female extreme kayaker and kayak explorer. Sila ng kapatid niyang si Scott at Dustin ay naglalakbay upang makihamok sa lakas ng iba’t ibang mga ilog. Idino-document nila ang mga adventures nila at ipinapalabas sa mga cable station. Nitong nakaraan lang ay nabigyan pa sila ng Emmy Awards para sa extreme sports documentary na ginawa nila nang pumunta sila sa South Africa para mag-kayak sa rapids ng isang ilog doon habang inaatake ng mga buwaya.

“Mas gusto ko pang mag-kayak kaysa magngingiti sa camera. What’s eating you? Dahil di ka marunong sumakay ng kabayo? Kaya mo iyon.”

Tatlong taon na silang magkaibigan ni Sahara. Nagkakilala sila sa isang tri-athlete event kung saan pareho silang kalahok. Nagkasundo agad sila at ito ang itinuturing niyang pinakamatalik na kaibigan. Marami kasi silang similarities sa isa’t isa at pareho pa nilang hilig ang sports.

Sahara had always been sure of herself. Di ito kumukurap man lang kapag desidido itong gawin ang isang bagay. Parang lahat nga ay kaya nitong gawin kaya naiuwi nito ang gold medal para sa Olympics. Ngayon lang niya ito nakitang natakot sa isang bagay. Ang paggawa ng commercial ng shampoo.

“Except riding a horse. I… I can’t do that,” anito at itinuro ang pagtalon ni Saskia at ng kabayo nito sa nakatumbang troso. It was flawless and perfect.

“Hindi naman ganyan ang gagawin mo. Simpleng horseback riding lang. Hindi ka naman equestrian, no? May magtuturo naman sa iyong sumakay ng kabayo.”

Kinagat nito ang labi. “Papayag kaya sila kung tatanggalin iyon? Kasi iyong unang Stallion Shampoo commercial di naman nakasakay ng kabayo ‘yung model. Ipinakita lang iyong kabayo…”

“Heh! Iyon nga ang highlight ng pagiging sporty mo. Ang pagsakay sa kabayo. Di naman pwedeng di ka sumakay.”

Iyon na ang trademark ng naturang shampoo mula nang i-launch ito sa isang commercial na nai-shoot sa sikat na Stallion Riding Club at nai-feature maging ang naggugwapuhang members ng naturang mga club. Nayanig ang buong bayan sa commercial na iyon at lahat ng babae ay nangangarap na makapasok sa naturang riding club at makabingwit ng isa sa mga prinsipe doon.

“Sa Stallion Island kami magsu-shooting. May invitation din ako doon galing kay Prince Rostam,” anito at ipinakita sa kanya ang invitation na may naka-emboss na gold emblem ng Stallion Island.

“Wow!” usal niya nang makita ang kaakit-akit na imbitasyon na para lang sa iilang privileged na nilalang ang maaring magmay-ari. “Isang authentic na prinsipe pa ang nag-invite sa iyo.”

Si Prince Rostam ng kaharian ng Al Ashiq ay isa sa mga village lords ng bagong branch ng Stallion Riding Club- ang Stallion Island Riding and Leisure Club. Noong una ay parang tsismis lang iyon. Hanggang mai-feature ang pagbubukas ng naturang isla sa isang magazine. Ngayon ay santambak na kababaihan ang gusto nang languyin ang karagatan makatapak lang sa naturang isla at makakilala ng guwapo at mayayamang kalalakihan.

“Nandoon din daw ako para sa horseback riding lesson ko.” Ginagap nito ang braso niya. “Samahan mo ako, ha?”

Iling agad ang sagot niya. “Hindi pwede. Naghahanda pa ako para pumunta sa Tibet, di ba?”

Malaking exploration ang pinaghahandaan nilang magkapatid kasama ang iba pang sikat at mapangahas na kayak explorers mula sa iba’t ibang parte ng mundo. They would paddle the deepest gorge in the world- the Yarlung Tsangpo River of Tibet. Mahalaga sa kanila ang naturang exploration. Sampung taon na iyong pinaghahandaan ng Kuya Scott niya. At para sa kanya, iyon na rin marahil ang pinnacle ng buhay at career niya. Matagal na niyang hinihintay ang pagkakataong iyon. Marami na siyang isinuko para sa trip na iyon.

“Mas gusto ko pa rin na kasama kita sa Stallion Island. Pwedeng ikaw ang mag-double para sa akin,” nakangisi nitong sabi.

“Hindi tayo magkamukha!” bulalas niya.

“Come on! They can do something about it. Kaunting suklay lang naman ang katapat ng buhok mo, ready ka na para sa commercial ng shampoo.”

Umiling siya. “Nah! I will pass.”

Nang i-offer sa kanya ang Stallion Shampoo commercial, gusto talaga niyang i-consider dahil malaki ang maitutulong ng mga ito sa mga kayak explorations nilang magkakapatid. Except that she didn’t want to set foot on Stallion Island. Mukhang iyon na ang magiging location ng series of commercials para sa Stallion Shampoo.

“You can still change your mind. Dati mo pa nababanggit sa akin na gusto mong magka-boyfriend ng guwapo at mayamang miyembro ng Stallion Riding Club.”

“Pero sa Stallion Island ka naman pupunta.”

“What’s the difference? Pareho lang naman iyong pugad ng mga guwapo at mayayamang lalaki. Come on! You will miss a lot. Hindi mo ba naisip na dinamayan mo na akong kaibigan mo, pagkakaguluhan ka pa ng mga boys. Kahit sinong babae gugustuhing mapunta sa pwesto mo.”

Gusto niyang tumuntong sa Stallion Island. Bakit naman hindi? Isa lamang siyang mortal na babae na nangangarap din magka-boyfriend ng guwapo at mayaman. Subalit may isang miyembro ng isla na di niya nanaising makita.

Alessandrace Sandejas. May lungkot at kakaibang pintig sa puso niya nang maalala ang dating nobyo. No. She didn’t want to risk seeing him. He crushed a part of her dream. She crushed her heart. At alam niyang kapag nakita siya nito sa Stallion Island ay iuutos agad nito na palayasin siya doon.

She didn’t want to risk it. Tama nang sinaktan siya nito minsan.

“SPECIAL delivery!” anunsiyo ni Summeria nang pumasok sa flat ng kapatid niyang si Scott. Bitbit niya ang dalawang malaking plastic bag ng Jollibee take out.

Naka-focus ang pinsan niyang si Dustin at ang kambal na sina Willie at Johnnie na taga-Arizona, mga kayakers na makakasama nila sa expedition sa satellite images ng Tsangpo River. Kahit ang isang sexy na babae pa ang pumarada sa harap ng mga ito ay di agad-agad papansinin. Pero nagkislapan ang mga ito nang makita ang dala niya.

“Jollibee!” excited na sabi ni Dustin. Isang taon lang ang tanda niya dito. He was twenty-four, the youngest in the expedition team. “May kiddie meal, Ate?”

Inabot niya ang libreng laruan dito at ang chicken joy nito. Her brother was quite a matured man. He was forced to mature when their father died in a river expedition ten years ago. Pero silang tatlong magkakapatid kasama na ang Kuya Scott niya, sa halip na lumayo sa tubig ay lalo lamang piniling umikot ang buhay doon. Namana nila ang adventurous streak ng tatay nila. Hindi sila napigil ng nanay nila na namatay apat na taon ang nakakaraan. Ang pagkahilig nito sa kiddie meal ng Jollibee na lang ang nalalabing parte ng kabataan nito.

“Who else wants kiddie meal?” tanong niya.

Nagtaasan ng kamay ang kambal na sina Willie at Johnnie. Naging paborito naman ng mga ito ang spaghetti at burger steak. Ilang beses nang nakasama nilang magkakapatid ang mga ito sa mga kayak expeditions nila. Sa sobrang busy ng lahat ay walang nakakapagluto. Kundi magpapa-deliver, kailangang may magdala ng pagkain sa mga ito dahil kadalasan ay nakakalimutan ng mga ito na um-order o kahit na kumain. They were too focused with the expedition details.

“Don’t forget me!” anang si Steve na nakaharap sa computer habang sa isang kamay ay hawak ang awditibo ng telepono. He was handling the sponsors of their trip and arranging their flight. Ilan pa lang ang mga ito sa makakasama nila sa expedition. Their trip was dangerous and costly. Lahat ay dapat mag-participate.

“Here!” Inilapag niya ang two-piece chicken joy sa computer table. “They already ran out of kiddie meal.”

“Double damn!” usal nito. He was from South Africa. He already tried the rapids of Victorian Falls in Africa. Isa ito sa malulupit na kayaker sa mundo. They were hand-picked by her brother Scott.

“Where’s my brother?” tanong niya.

Ngumuso ito sa pinto at nagsimula nang kumain. Hindi na niya kailangan pang magtanong kung gaano na katagal nang huling nagsikain ang mga ito. They were famished. Ubos na ang mga de lata sa cupboard. She would replenish them soon. The house was rowdy. Iba talaga kapag may babae sa bahay. Di man siya marunong magluto, at least alam niyang mag-ayos ng gamit.

Nang pasukin niya ang opisina ng Kuya Scott niya ay parang tambakan iyon ng basura. Naglalabo-labo ang mga papel sa ibabaw ng desk nito. Hindi pa nahuhugasan ang pinagkapehan nito.

Magulo ang buhok nito at lukot ang damit. Mukhang wala pa itong tulog. Araw-araw ay tigdadalawang oras lang lagi ang tulog nito. The rest of the twenty-two hours that he was awake, he was editing videos that will be sent to Anaheim, California. Ipapalabas sa Disney Channel ang huling adventure nila. Ang apartment na iyon din ang siyang production house para sa mga extreme sports film nito. Her brother was not doing it for money. He just loved the water and the sports. At malaking bagay dito ang makapagkayak sa forty-four mile na Tsangpo River.

His temperament was showing while talking on the phone. “What? He broke his hip?” Narinig niya ang pagmumura ng kapatid niya. Kausap nito ang Outdoor magazine marahil, ang kinuha nilang sponsor para sa expedition na iyon. “And now you are sending me a woman. Does she know that coming with us is dangerous? This is not about discrimination. One woman in my team is trouble enough.”

Maingat niyang inilapag ang chicken joy nito at creamy macaroni soup saka isa-isang inayos ang mga nagkalat na papel. Hindi madali para sa isang babae na gaya niya na sumama sa kayak expedition na iyon. Tibet was a dangerous country. Ayon sa inside report na nakuha nila, magulo na doon kahit nang nasa ilalim pa ng pamamahala ng Dalai Lama. At sa ilalim nang Chinese occupation, lalong nabulabog ang Tibet. Isang malaking risk na makasama siya doon. But she loved risks. At dilat ang mata niya nang sumama sa expedition na iyon. She even had her living will and testament prepared years ago. Ang katwiran niya, kahit na sinong ordinaryong tao ay pwedeng madisgrasya anumang araw. O kaya ay magkaroon ng sakit. Ayaw niyang mabuhay nang di nagagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin.

Inayos niya ang mga papel na nagkalat sa paligid matapos itong ipag-brew ng oolong tea. Her brother needed to relax.

Ibinagsak nito ang sarili sa swivel chair at sinapo ang noo. Inilapag niya ang tsaa sa harap nito. “Kumain ka na, Kuya. You want a massage?”

“I need Ibuprofen. Sumasakit ang ulo ko,” sabi nito.

“No. Kailangan mong gawin kumain at matulog pagkatapos. Oh! A hot shower might make you look better.”

“No! Wala yata akong karapatan na mag-relax,” anito at sumimsim ng tsaa. “Do you know that Outside is replacing Kern with a woman?”

Si Kern ay isang adventure journalist. Ito ang pinili ng kapatid niya na mag-cover para sa kanila. Although he distrusts journalists because most of them were sleazy, her brother needed the sponsorship. At handa ang Outdoor magazine na may sarili ring TV cable station na maglabas ng malaking halaga para i-cover ang kayak adventure nila sa Tibet.

“The woman must be good. Hindi naman siguro maglalabas ng malaking halaga ang sponsor natin para lang ipa-cover sa isang babaeng lampa ang trip natin. Iyon na lang ang isipin mo,” aniya at binuksan ang takip ng creamy mushroom soup.

He grunted when he smelled the soup. Wala itong choice kundi ang sumuko sa temptation. “Women are trouble.”

“I am a woman,” paalala niya. “Hindi ko pa pinasakit ang ulo mo.”

Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. Then there was fondness in his eyes when he looked at her. “You are my sister.”

“Yeah! Patronize your own.”

“I trained you myself, Summer. At sa ilang trips natin kapag nagkakagulo na kaming mga lalaki, you give us reason. You calm us. We could use that. And you can protect yourself. This woman... I don’t know.”

“Let me run a backrgound check on your frilly reporter later. Sa ngayon, kumain ka muna at mag-shower ka mamaya. Mabaho ka na.”

Inaasahan niyang makikipag-inisan pa ito pero malungkot pa rin ang mga mata nito. “Drace said no again.”

Natigilan siya nang marinig ang pangalan ng dating nobyo. Ilang buwan na itong kinukumbinsi ng kapatid niya na sumama sa Tibetan expedition na iyon. And everytime he turned her brother down. “So? Ano bang bago?”

“I trust him! At kailangan ko ng isang taong mapagkakatiwalaan sa trip na ito. Nakasama ko na siya sa Tsangpo five years ago. We just had to pull back. It was the wrong time of the year to paddle. Pero ilang beses na siyang nakabalik doon with pilgrimage.”

“Anong gagawin natin kung ayaw niya?”

Nasasaktan siyang makita ang sakit sa mga mata ng kapatid niya. Bestfriend nito si Drace. Nang maghiwalay sila ni Drace para piliin ang mas tahimik at normal na buhay, nag-iba na rin ang relasyon nito sa kapatid niya. They were still bestfriends but he stopped craving the same adventure streak that her brother had.

“Puntahan mo siya sa Stallion Island. Convince him.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.