Stallion Island Series Chapter 62

Hindi makapaniwala si Summeria habang nakatitig sa Kuya Scott niya. Di niya alam kung nananaginip ito ng gising o delusional na ito dahil sa gutom at kakulangan ng tulog. “Are you crazy, Kuya?”

“No! I am just desperate.” Huminga ito ng malalim. “Things are starting to fuck up! They are giving me a woman for a reporter. Tapos ang bestfriend ko na nangako sa akin na babalik kami ng Tibet and we will make history with that Tsangpo River trip seems to forget his promise.”

“Nakalimutan mo na ba? Sinabi din niya sa iyo na gusto na niya ng tahimik na buhay. Ibig sabihin di na niya tutuparin ang mga pangako niya sa iyo.”

It was hurting her brother. Masyadong matindi ang bonding nito at ni Drace. They were like blood brothers. Ilang beses na sinagip ng mga ito ang isa’t isa mula sa kamatayan. At di matanggap ng kuya niya na tatalikuran ito ni Drace.

“No. Kailangan lang niyang ma-realize na gusto pa rin niya akong makasama sa trip na ito. And you should see him to remind him.”

She grunted. That was the most outrageous idea she had ever heard. “Kuya, ako ang pinakahuling taong gugustuhin niyang makita.”

The last time she saw Drace was before her trip to Zambesi in Africa. Pinili ni Drace na huwag sumama sa trip na iyon at nakiusap ito na huwag din siyang sumama. Bilang kapalit ay inalok siya nitong magpakasal. Titira daw sila sa isang lugar na tahimik. Di na niya kailangan pang makipagsapalaran sa ilog. She said no. Di siya magpapakasal hangga’t di nila nalalagpasan na magkakapatid ang ilog na kumuha sa buhay ng papa niya – ang Tsangpo River ng Tibet.

At ito na ang panahon na hinihintay niya. Oras na malagpasan niya ang ilog na iyon, handa na siyang isuko ang lahat. It would be her ultimate goal. Kung nakapaghintay lang sana si Drace. Pero ang trip na iyon ang minsang humadlang sa kaligayahan nila ni Drace. Kaya malabong pumayag ito na tulungan siya.

She broke his heart. Mas pinili niya ang pangarap niya. Hindi na ito nakapaghintay. And he didn’t want to see her anymore. Bakit siya nito tutulungan?

Tumayo ito at mariing hinawakan ang balikat niya. “I am sure you can do it. Hindi ko alam kung paano. But there’s something about you that can push Drace’s button…”

Umiling siya. “I don’t know, Kuya. I think it would be a better idea if you will ask someone else.”

Naging matigas ang anyo nito. “We can’t pull off this trip without Drace. And you have to bring him to me. Gusto mong matupad ang pangarap natin, di ba? Gusto mong mabawi ang karangalan ni Papa kahit di na natin mabawi ang katawan niya?”

Nangilid ang luha niya nang maalala ang pagkamatay ng ama. He was a very celebrated kayaker. Sampung taon na ang nakakaraan, sinagupa nito ang Tsangpo River para sa isang National Geographic coverage. Nagngangalit ang tubig noon. Katatapos lang ng isa sa pinakamatitinding winter sa Tibet. At pagdating ng tagsibol, rumaragasa ang tubig sa ilog. Her father’s kayak toppled and he was engulfed by the current. Nakunan ng video ang pagkamatay nito. Hindi na nabawi ang katawan nito. At ipinalabas pa sa telebisyon ang eksenang iyon. Her mother was horrified. Sila namang magkakapatid ay galit na galit. Wala nang naiwang dignidad sa ama niya.

Her brother went back with a vengeance. He made up his own production and film their kayaking trips. Walang nagawa ang pagtutol ng Mama nila na takot na takot na matulad sila sa Papa nila. Namatay itong may hinanakit sa kanilang magkakapatid. Di man lang ito natuwa kahit nanalo ng Emmy awards ang kapatid niya. namatay ito nang may hinanakit dahil di niya pinakasalan si Drace at pinili niya ang hamon ng ilog kaysa sa isang tahimik na buhay gaya ng pangarap nito. namatay ito nang may alalahanin. Alam nitong di siya matatahimik hangga’t hindi siya nakakasama sa Tsangpo River at natatapos ang trip na iniwan ng ama nila.

And she had been waiting for this all her life. Ito rin ang pinakahihintay ng mga kapatid niya. At hindi siya papayag na mabalewala ang lahat ng paghihirap nila. She trusted her brother’s judgment. It was his gut feeling that saved them so many times. Kaya naman walang nakakilala dito ang kumokontra sa judgment nito. They knew that it would save their asses somewhere along the way. At kung sinabi ng Kuya Scott niya na kailangang kasama si Alessandrace, kailangang makasama ito.

“Okay. Kumain ka muna. Titingnan ko kung makakasama ako sa pagpunta ni Sahara sa Stallion Island para sa commercial niya,” pagsuko niya.

Niyakap siya nang mahigpit ni Scott. “Salamat!”

It was one of those times that she felt her bond with her brother. Mabibilang niya sa daliri ang panahong niyakap siya nito. Ang pinakahuli ay nang maghiwalay sila ni Alessandrace at ito lang ang pwede niyang hingahan ng sama ng loob. It would mean a lot to her brother and their family. Hindi niya hahayaang mahaluan ng personal niyang problema kay Alessandrace ang misyon na iyon.

Subalit tiyak niyang di magiging madali ang lahat. Pero titiyakin niya na makakasama nila sa Tibet si Alessandrace. Kahit ano pa ang kapalit.

“WOW! Ako ba talaga ‘to?” di makapaniwalang usal ni Summeria habang nasa harap ng salamin at sapo ang pisngi. Nakalugay ang mahaba niyang buhok at kumikintab iyon sa ganda. Na-highlight ang features niya dahil sa kaunting make up. And she was wearing a cream goddess-styled dress. Bumagay iyon sa pagka-morena niya. Noon lang yata siya naging ganoon kaganda sa buong buhay niya. Parang isang panaginip.

“Kulang ka lang sa suklay. Di ka kasi nagsusuklay,” sabi nito.

She was also wearing a fabulous gown created by Ayumi Tezuka, ang official designer ng Stallion Island. Nasa Island Guesthouse sila ng Stallion Island. Dumating sila ng hapong iyon at ngayon ay papunta sa party na ipinahanda ng mga village lords para dito. Isang malaking karangalan nga naman na maging panauhin sa isla ang isang Olympic gold medalist at isang itinuturing na bayani ng bayan.

“Stallion Shampoo naman ang gamit ko. Kailangan pa bang magsuklay.”

“Di naman kasama sa technology ng Stallion Shampoo na automatically susuklayin niya ang magulo mong buhok. Dapat talaga sa iyo nag-aayos. Para naman magka-boyfriend ka na,” anito at inayos ang clasp sa balikat niya.

“Sino naman nagsabi sa iyo na di ka pa nagkaka-boyfriend?”

Nagulat ito. “Talaga? Nagka-boyfriend ka na? Di mo pa nasasabi sa akin.”

Bigla niyang iniwas ang tingin dito. She never discussed Alessandrace with her before. Isa iyon sa mga topic na nagpapalungkot sa kanya. At ayaw niyang malungkot. Hindi naman kasi madali ang basta na lang iwan ng taong mahal niya.

“Naku! Male-late na tayo sa party. Let’s go!”

Pakiramdam niya ang prinsesa siya habang nakasakay sa karwaheng hila ng dalawang kabayo papunta sa Banyan Tree Restaurant. Pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa at nasa isang paraiso siya.

Stallion Island was a paradise indeed. Animo’y isa iyong independent na kaharian na hiwalay sa bansang Pilipinas. They have their own rules. It was so modern yet nature was preserved at the same time. Nahahati iyon sa pitong village na ang bawat isa ay pinamumunuan ng mga village lords. Bawat isang village ay may kanya-kanyang katangian. At ang bawat miyembro ay makakatira sa mga village na aayon sa personality ng mga ito. Nirerespeto ng club individuality ng bawat miyembro maging ang mga preference ng mga ito. At siyempre nariyan din ang privacy at security. Pawang mga sikat, may kaya at maimpluwensiya ang nagiging miyembro doon.

“Kinakabahan tuloy ako.” Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya. “Gusto ko nang umuwi.”

“Luka! Ngayon pang sobrang ganda mo. Umayos ka. Nandito na tayo.”

TUmigil ang karwahe sa tapat ng Banyan Tree Restaurant. Isa iyong eleganteng restaurant na itinayo sa paligid ng banyan tree. Pag-aari iyon ng village lord na si Rouen na isang Michelin-star chef na iginagawad lang sa mga magagaling na chef sa mundo.

Siya naman ang biglang kinabahan nang tumutok sa kanila ang mata ng mga tao. Dapat ay sinisimulan na niyang hanapin si Alessandrace pero di niya alam kung ano ang sasabihin dito. Four years he walked away from her. Ni hindi ito lumapit sa kanya kahit nang mamatay ang mama niya apat na taon na ang nakakaraan. Kung sinaktan siya nito, mas nasaktan niya ito.

Ano ang dapat niyang sabihin para makumbinsi ito na sumama sa Tibet? Baka makita pa lang siya nito ay palanguyin na siya nito palabas ng isla. Di sapat ang tatag ng loob niya. She must come up with words soon.

“There you are, goddess of water!”

Nang lumingon siya sa nagsalita ay kaharap na pala niya ang village lord na si Gianfranco. He was handsome with his dark Italian looks and smouldering dark eyes. Pag-aari ng mga del Pierro ang isang cruise company at nagmamay-ari din ito ng maraming yate at sailboats. If she was a water goddess, he must be Neptune incarnate.

Bahagya siyang yumukod. “Lord Gianfranco,” magalang niyang usal.

“Dio!” Nasapo nito ang ulo. “She’s the girl after my own heart and she calls me lord. Sino ba ang nagpausong tawagin tayo no’n?” tanong nito kay Raddison Archer na natatawa lang. he was also a village lord. Pag-aari naman ng pamilya nito ang Royal Air, isang commercial airline. At ito rin ang namamala sa Swan’s Flight, ang line ng mga sea planes at chartered planes.

Nagkibit-balikat si Raddison. “The members conspired to call us that, remember? And how can you say that Miss Fontana here is the girl for you? Hindi naman siya mukhang barko.”

“If she could do fantastic tricks with her kayak, then I will marry her,” usal ni Gianfranco.

“Huwag ka munang mag-propose sa kanya. Baka kapag nakita ako niyan, tanggihan ka niya,” anang boses sa likuran niya.

Naniningkit ang mata niya itong hinarap. “Jairon Vince Yun! Kahit kailan talaga nuknukan ka ng babaero.”

Namutla ito nang makita siya. Parang nakakita ito ng multo. “Ah, excuse me! Parang may nakita pa akong ibang magandang babae doon.”

Nag-excuse siya sa dalawang village lords na kausap at hinabol si Jairon. “Hoy! Sandali lang! saan ka pupunta?”

“Uuwi na sana ako. Sumakit ang ngipin ko.”

Halata namang iniiwasan siya nito. he was Alessandrace other bestfriend. Naging nobyo ito ng nakababatang kapatid ni Alessandrace na Alexandria.

Mariin niyang hinawakan ang panga nito. Huli na nang umigik ito sa sakit. He was merely acting. “Tototohanin ko na pasakitin ang ngipin mo kapag di mo itinuro sa akin kung nasaan si Alessandrace.”

Umiling ito. “Hindi ka pwedeng makita ni Alessandrace nang ganito. Maghuhurumentado iyon. HUmarap ka sa mga tao nang ganyan ang suot mo…”

“Wala siyang pakialam kung ano ang isuot ko. Matagal na kaming break. Ngayon may iba akong kailangan sa kanya.”

“Katawan lang niya ang habol mo?”

Pabiro niyang sinuntok ang sikmura nito. “NAsaan na ang bestfriend mo? Jairon, I don’t have much time!”

“Nasa garden. But he is not in a good mood. Nang malaman niyang nandito ka, gusto na niyang umuwi. Sinabihan ko lang huwag umalis dahil inaasahan siyang susuporta sa Olympic library ni Sahara Fernandez.”

“Well, my business with him is more urgent than the Olympic Village. It is about his promise, Jairon. Ngayon kung ipagmamalaki mo sa akin na wala pang tinupad na pangako ang kaibigan mo, oras na para pangatawanan niya iyon. wag kang mag-alala. Di ko siya hahampasin ng takong para sumunod sa gusto ko. Mag-uusap lang kaming dalawa.”

“Swear?” tanong nito.

“Pinky swear!”

Mukhang nag-aalala pa rin ito nang tumalikod siya para bumaba ng restaurant at puntahan si Alessandrace. Nakatayo ito sa may bride at pinagmamasdan ang mga isda sa pond. Subalit hindi ito nag-iisa. May isang magandang babaeng kulot ang buhok na pinapagapang ang kamay sa braso nito.

“Master Drace, why don’t you give me a private lesson? I can be good. Very, very good,” the woman purred.

Alessandrace was a tai chi master at a very young age. Kaya nakilala nito ang kapatid niya dahil nakasabay nito si Alessandrace sa isang pilgrimage sa Nepal. Her brother was out to paddle. Si Alessandrace naman ay magme-meditate sa isa sa mga templo doon. Secret passion pala ni Drace ang kayaking kaya nayaya itong kapatid niya. Since then, they shared the love for rapids.

Nang maghiwalay sila ni Alessandrace, bumalik ito sa tahimik na buhay. He now owned Mist Fusion in Stallion Island’s Hidden Mist Village. And he was enjoying the company and attention of women she guessed.

Nagdilim ang paningin niya sa selos. Sino ba ang bruhang babaeng ito? Samantalang si Alessandrace noon ay di niya ma-harass. Dalagang Filipina siya, no?

Napapitlag siya nang tabigin nito ang kamay ng babae. “Stay the hell away from me, Merian! Don’t touch me!”

“So you want more than touch?” tanong ni Merian.

Lalo lamang nairita si Alessandrace at matalim ang mata nang tunggain ang alak saka itinutok ang tingin sa babae. Kapag nanlilisik na ang mga mata ni Alessandrace ay nakakatakot na ito.

Pumalatak siya. “Hindi ka dapat umiinom ng wine. Hindi nagiging maganda ang mood mo. And it is not good for the health.”

Gulat siyang nilingon si Alessandrace. Halo-halo ang emosyon sa mga mata nito nang makita siya. In the end, there was hatred. “What are you doing here?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.