Stallion Island Series Chapter 63

Summeria didn’t move for a while. Hindi niya magawang alisin ang mga kay Alessandrace. Iba ang pakiramdam nang tinitingnan lang niya ito kaysa ngayong nakatingin din ito sa kanya. Parang sinuntok ang dibdib niya.

He was more handsome than before. He had more character than before. Parang mas kumisig ito. And his dark beautiful eyes spoke of maturity and more intelligence. His hair was properly kept. Di tulad dati na wala silang pakialam kung parehong magulo ang buhok nila o magulo ang damit nila. They didn’t care. Nature was always around them. Nature didn’t judge.

Pero ngayon ay nasa mundo na ito na ang pananamit ng tao at ang itsura ng mga ito ay nagsasabi sa personalidad nito. And she could say that he looked good in his black business suit. At sinasabi niya noon na mas guwapo si Alessandrace kapag nakayapak ito at nakapantalon lang.

But he had laughter in his eyes then. And he looked painfully young. Ngayon ay nag-mature na ito at may galit sa mga mata nito para sa kanya.

“Ganyan ka bang tumrato ng bisita? Ano kaya ang sasabihin ng mga village lords oras na marinig iyan?” tanong niya at marahang lumapit dito. Kailangan niya itong harapin pati ang galit nito.

“Ah, excuse me!” anang si Merian na dahan-dahang lumalayo.

Bigla itong hinila ni Alessandrace sa braso. “Stay here, Merian!”

“Sabi mo kanina umalis na ako,” anang si Merian sa nanginginig na boses. Mukhang nakita nito ang impact ng emosyon ni Alessandrace nang makita siya. And it was really scary.

“Dito ka lang sabi. You were asking me about that private lesson,” he said in a raspy, sulty voice. Hindi nito inaalis ang tingin sa kanya. As if he was taunting her.

Humalakhak siya nang may halong panunuya. Kanina ay nagseselos siya kay Merian. Ngayon ay hindi na. “Drace, this is not good for your ego. Kailangan mo ba talagang gumamit ng babae para itaboy ako? Why don’t you tell it to my face. Gusto kong isipin na naduduwag ka sa akin.”

“Hindi ako duwag!” Hinapit nito palapit si Merian. “May date lang talaga kami at nakakaabala ka.”

Humilig si Merian sa dibdib ni Alessandrace at pumikit. “Okay lang sa akin kahit na gamitin mo ako sa anumang paraan na gusto mo, Alessandrace. Gusto ko lang na makasama ka.”

Hinaplos niya ang dulo ng kilay. The woman was more dramatic than Alessandrace and it was starting to annoy him. Pinagmasdan lang niya ang mga ito habang naa-amuse. “Isn’t it romantic?”

“Romantic talaga!” anang si Merian. “Kaya pwede ba huwag mo kaming abalahin ni Alessandrace?”

Humalukipkip siya. “Okay lang. Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nasasabi ang gusto kong sasabihin. Sayang naman ang pagtawid ko ng dagat kundi tayo magkakausap. Pero para sa benefit ng date mo at nang maintindihan niya kung ano ang pinag-uusapan natin, dapat siguro bigyan ko siya ng konting background sa history natin.”

Tumiim ang anyo ni Alessandrace at naguguluhan naman siyang tiningnan ni Merian. “History? Wala akong hilig doon. Ex-boyfriend ko lang ang kinokopyahan ko kaya ako pumapasa sa Social Studies dati.”

“No. Mas interesante naman ang naging relasyon namin ni Alessandrace dati, di ba? At kung bakit kailangan pa niyang gumamit ng ibang babae para lang itaboy ako,” nakapamaywang niyang sabi at naghahamon na tiningnan si Alessandrace.

Inangat nito ang baba at binitiwan si Merian. “Bumalik ka na sa loob ng restaurant.”

Nagdabog si Merian. “Ayoko nga. Magkukwento pa siya tungkol sa inyo, di ba? Alam mo naman na marami akong gustong malaman tungkol sa iyo.”

She knew Merian’s type. She was a sucker for gossip. At anumang malaman nito ay ibabalita nito sa buong baranggay. Tiyak na kakalat sa buong isla ang nakaraan nila ni Alessandrace pati ang pagsasama niya dito sa Tibet.

At sa babaeng tulad ni Merian, baka kung anu-anong kwento na ang idagdag nito. Sa huli, si Alessandrace ang magsa-suffer dahil ito ang maiiwan sa isla.

“Go inside. Maraming members ang gustong makasayaw ka,” sabi ni Alessandrace. “Look! Rouen is looking for you.”

“Talaga? Ako ang hinahanap niya?” excited na wika ni Merian. “Excuse me, ha? Magkwentuhan muna kayong dalawa.”

“Nice meeting you, Merian!” malambing niyang sabi.

Sumandal si Alessandrace at tinungga ang kopita ng alak kahit wala nang laman. “What do you want now?”

Kinuha niya ang kopita dito at ibinigay sa nagdadaang waiter. Saka siya umorder ng tsaa para dito. “Hindi parte ng healthy lifestyle ang pag-inom ng wine. Ikaw mismo ang nagsabi sa akin, di ba?”

“It is none of your business! Ano bang kailangan mo?”

“You!” direkta niyang sagot at tiningnan ito sa mga mata.

“Me?” Nagulat siya nang hatakin nito ang braso niya at hapitin ang baywang niya palapit sa katawan nito. She held her breath when his nose nozzled the side of her neck. “I am quite flattered, Summeria. Hindi ko inaasahan na ikaw pa ang susundo sa akin. And you look as comely as a goddess.”

Nanuyo ang lalamunan niya at di makahinga nang talunturin ni Alessandrace ang tirante ng gown niya. Where did this earthy and sensual Alessandrace came from? Noong nobyo pa niya ito, lagi itong naglalagay ng distansiya sa pagitan nila. Ayaw nitong makaramdam siya ng pagkailang.

This man could easily break down boundaries that he himself set up years ago. His musky cologne was muddling her brain. Nagpunta siya dito para pasunurin ito. Pero bakit siya yata ang handang sumunod sa anumang naisin nito.

“D-Drace, I am here to take you to Tibet.”

His lips touched her earlobe. “Forget about Tibet, baby. You can stay here with me and forget about the rest of the world.”

His lips were tracing the corner of her lips now. And it was not a real kiss yet. Ngayon pa lang ay nararamdaman na niya na parang nilulunod siya ga-bahay na alon. If he would kiss her for real, it would be like being swept by a tsunami. Tiyak na makakalimutan na niya ang lahat.

She missed him. Ito ang pangarap niya. Ang makasama ito. To hell with the rest of the world. She still loved this man. Kahit nang piliin niya ang mga pangarap niya kaysa dito, di nagbago ang nararamdaman niya. The absence made her feelings for him stronger. And she would willingly do whatever he asked her to.

Pero kaya ba talaga niyang kalimutan ang lahat? Kalimutan ang kapatid niya at ang mga pangarap niya? Naghihintay ang mga ito sa kanya. Naghihintay ang Ilog Tsangpo sa kanya. Naghihintay ang Papa niya sa kanya.

Itinulak niya si Alessandrace. “No! Kailangan nating pumunta do’n. Sasama ka sa akin!”

Umangat ang gilid ng labi nito. The passion was gone replaced by cynicism. “What makes you think that you can make me?”

“N-Nangako ka sa kapatid ko…”

There was cruelty in his eyes when he looked at her. “I already told him that I can’t fulfill that promise. I made that clear four years ago. I even sent your brother a list of paddlers and I even sent financial support for his team.”

“Yeah! He told me. You are willing to finance tens of paddlers to replace you. Is that your way of assuage your guilt? At sa palagay mo ganoon lang kadaling makabawi sa pangako na di mo kayang tuparin? I know you better than that. You are the man who keeps your word.”

Mapait itong ngumiti. “Not this time, Summeria. Not this time. I don’t care if you think I am a complete heel. Hindi mo ako maidadala sa Tibet.” Ibinulsa nito ang kamay sa bulsa. “Go back to your brother. You are wasting your time here.”

Tinalikuran Siya nito at naglakad palayo. Ganoon lang ba matatapos ang pag-uusap nila? Hindi man lang ba nito susubukang makinig sa kanya? Ganoon na lang kadali dito na talikuran ang pangako sa kapatid niya?

“Drace, sandali! Mag-usap tayo!”

Subalit di siya nito pinansin. Masyado itong mabilis maglakad habang di naman siya makatakbo dahil sa takong ng sandals niya. Napigilan siya sa paghabol dito nang sumabit ang laylayan ng gown niya sa matinik na halaman.

“Drace, huwag ka munang umalis! Hindi pa tayo tapos!” sigaw niya. Subalit tuluyan na nitong sumakay sa nagdadaang e-jeepney habang naiwan naman siya para kalasin ang sensitibong gown niya mula sa pagkakasabit. Huli na nang matanggal niya iyon. Wala na si Drace.

“Hindi mo na siya mahahabol pa ngayon. Pinahihirapan mo lang ang sarili mo.”

Gulat niyang nilingon ang isang babaeng nakasuot ng matingkad na pulang damit na sobrang nipis. She was beautiful. Almost like a dream. At parang out of place ito sa suot nito dahil mas bagay ang damit nito sa mga diyosa ng disyerto. She also had black long flowing hair. Maging ang mga mata nito ay kakaiba.

“Ano ka? Isang genie?” tanong niya.

Umiling ito. “Hindi. Isa lang akong alipin nung prinsipe ninyo.”

“Alipin ka ni Prince Rostam?” tanong niya at napansin ang magandang choker na pulang bato. Mukha kasi itong matapang at edukada para maging alipin lang.

“Jumeirah Independencia,” pagpapakilala nito at inabot ang kamay.

Kinamayan niya ito. “That’s really ironic. Independencia ang surname mo pero isa kang slave.”

“My father’s name is Al Nuri. So my name was supposedly Jumeirah Al Nuri. In my father’s country, it means light.” Bumagsak ang balikat nito. “Well, that got me in trouble in the first place…”

“Kundi ka masaya sa ginagawa mo, pwede ka namang umalis.”

Umiling ito. “I am beholden to the prince. She can’t get rid of me. I can’t get rid of my master either. There is too much at stake here. At kahit na pinasasakit ko ang ulo niya, wala siyang choice. I am here to stay… to serve him.”

Ang alam niya ay pwedeng i-trade ang slave. Ito naman ang klase ng slave na walang magagawa ang master kundi hayaan itong magsilbi. Pinakatitigan niya ito at isang ideya ang kumislap sa isipin niya. tiyak niyang makakatulong iyon para maisama niya si Alessandrace sa Tibet.

“Jumeirah, where did you get that costume?”

ALESSANDRACE’S head was buzzing. He cursed a bit. Dala marahil ng pag-inom niya ng alak kaya kung anu-ano ang naririnig niya. It was an Arabian music with seductive flute and drums. Iyon ang ginagamit ng mga nagbe-belly dancing sa Mist Fusion and sultry music was not particularly his favorite.

Umungol siya. “Hinaan ninyo iyan! Gusto ko pang matulog!”

Nasa likuran lang ang cottage niya ng Mist Fusion. It was a sports, relaxation and leisure center. They catered to different types of martial arts at may dance studio din sila para sa iba’t ibang klase ng dance art. It was a building with Japanese inspired architecture. Nasa tabi iyon ng Hidden Falls ng Mist Village kaya naman napakagandang lugar para mag-relax. Nasa likod niyon ang English cottage niya. he loved his solitude and privacy there.

Bakit pa sobrang lakas ng tugtog mula sa Mist Fusion? Hanggang sa cottage niya ay naririnig niya.

“Argh! Let me sleep! Di na ako iinom!” angil niya at inangat ang ulo. Nagulat sila nang makitang madilim pa. Nang tingnan niya ang relo ay alas dose pa lang. sarado na ang mga dance studio nang ganoong oras. At bakit parang sa loob ng kuwarto niya nanggagaling ang musika?

Nagulat siya nang makitang bukas ang CD player niya. What the heck! Natitiyak niyang di niya binuksan iyon dahil natulog na agad siya pagdating ng bahay. Nahihilo na siya noon. At wala siyang belly dancing CD!

Marahan siyang bumaba ng kama para patayin ang CD player nang may mapansin siyang gumalaw sa paanan ng kama niya. Napakurap siya at pinagmasdang mabuti sa tulong ng liwanag ng buwan. May babaeng nakaupo sa stool sa baba ng kama niya?

Ipinilig niya ang ulo. Dala ba ito ng kalasingan niya kaya kung anu-ano ang nakikita niya? Hell! Walang multo at di siya naniniwala sa multo. Lasing nga lang siguro siya. And it was Summeria Fontana’s fault- his first love and the only woman he had come close to marrying. But she rejected him.

Ano ngayon ang ginagawa nito sa Stallion Island? Para lang kaladkarin na naman siyang makipaghamunan ng kamatayan sa ilog? No way! Gusto na niya ng tahimik na buhay. Masaya na siya sa buhay niya ngayon.

While Summeria decided to choose her wild river adventure over instead of him. He was offering her a stable life. Hiwalay na sila. Tapos ay babalik pa ito sa buhay niya?

Dahil sa healty lifestyle na ipino-promote ng Mist Fusion, hindi na siya umiinom ng alak. The last time he was drunk was when he and Summeria broke up. Napainom siya ulit kanina nang makita niya ulit ito. Nagpadala siya sa emosyon niya. Hindi pala ganoon kadaling mawala ang sakit ng pagkaka-reject nito sa kanya. And she looked beautiful than before. She looked like a goddess in that dream gown.

Seeing her again was not good for his health. She was not good for his health at all.

“Mabuti at gising ka na, Master. Gusto mong ipagtimpla kita ng kape?” tanong ng malambing na boses ng babae at gumapang ito papunta sa kama niya.

Napaurong siya at ipinilig ang ulo. Nakasuot ang babae ng manipis na damit mid-rib, emerald green sleeve puff blouse. Nakasuot din ito ng katernong genie pants. Nakalugay ang mahaba nitong buhok at may manipis na telang nakatakip sa mukha nito. It was like the costume of Prince Rostam’s slave. Like a harem girl.

“S-Sino ka?”

Lumuhod ito sa gitna ng kama niya. “I am your slave.”

Dali-dali niyang kinapa ang switch ng ilaw sa tabi ng pinto. Nang bumaha ang liwanag sa buong silid ay saka niya natuklasan kung sino ang babaeng nagpi-prisintang maging alipin niya. “Summeria?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.