Hindi magkandatuto sa pagma-mop ng sahig sa hallway ng Mist Fusion si Summeria. Maputik sa labas dahil malakas ang ulan. Pabalik-balik ang mga customers kaya walang tigil din siya sa paglilinis.
“Ate Summeria, ako na diyan,” prisinta ni Julian, ang nakababatang kapatid ni Jairon. Mas bata siya dito pero dahil parang kapatid na rin ito ni Alessandrace ay ate ang tawag nito sa kanya. He was also one of the members of Stallion Island.
“Okay lang ‘to. Kaya ko ‘to,” nakangiti niyang sabi at pinunasan ng likod ng palad ang pawis noo niya. Di lang siya sa noo pinapawisan kundi ang buo niyang katawan. Umaga pa lang ay nasa Mist Fusion na siya. Ginagawa ang kung anumang trabaho ang dapat niyang gawin. Gabing-gabi na rin siya umuuwi para lang gumising muli kinabukasan para pagsilbihan si Alessandrace sa anumang paraang kaya niya.
“Kuya Drace, bakit ginagawa mo ito sa kanya?” puno ng akusasyong tanong ni Julian dito na dadaan lang para pumunta sa café. Katatapos pa lang ng tai chi class ni Alessandrace. Sa dalawang araw niyang nasa Mist Fusion ay nakabisa na niya ang schedule nito. “Bisita siya dito. Di siya dapat nagtatrabaho.”
“Why me? I didn’t ask her to be my slave. Ni hindi ko siya inutusan na gumawa ng kahit ano dito. Mas gusto ko nga bumalik na siya sa kuya niya. I want her to leave me alone.” MAtalim siya nitong sinulyapan bago walang lingong nagtungo sa café para mag-relax. Gaya ng dati, wala pa ring epekto dito ang lahat ng ginagawa niya.
Pinisil ni Julian ang balikat niya. “Pasensiya ka na, ate. Naging sumpungin na talaga iyan mula nang mag-break kayo.”
“Julian!” tawag ni Alessandrace dito. “Kakausapin tayo ni Lee tungkol sa business na pina-plano natin. Ikaw itong nagmamadaling makuha ang consultation mula sa kanya, di ba?”
“Okay na ako dito,” nakangiti niyang sabi kay Julian na nag-aalangang iwan siya. “This is nothing compare nearly falling from an endless vertical cliff.”
“Iti-treat na lang kita sa spa at salon. Oh, yes! And dinner as well.”
Tumango lang siya at ipinagpatuloy ang trabaho. Wala pa pala siyang matinong kain mula kaninang umaga. Malapit na ang oras ng tanghalian. Nagsisimula nang kumalam ang sikmura niya.
“Oh, God! Summer, anong ginagawa mo sa sarili mo?”
Hinarap niya si Sahara na shock na shock sa itsura niya. Kasama nito ang yoga instructor ng Mist Fusion na si Seeress. “Hi!” bati niya sa mga ito. “Mabuti naman naisipan mo akong dalawin.”
“Niyaya ako ni Miss Seeress for lunch. Yayain din sana kita…”
“Oh, good! Nagugutom na nga ako. Kaso di ako pwedeng magtagal. Kailangan ko pang maglinis dito. Tiyak na pagbalik ko nagpuputik na naman dito.”
“That’s the maintenance’s job, Miss Summeria. Hindi mo kailangang gawin ‘to,” wika ni Seeress na isa sa mga naging mabait sa kanya habang naroon siya. Lagi siya nitong niyayayang kumain o kaya ay mag-relax. Di tulad ng ibang babae doon na karibal ang tingin sa kanya.
“I have to,” makahulugan niyang sabi.
UMiling si Sahara na di pa rin makapaniwala. “Nang sabihin mo sa akin na magiging slave ka ni Alessandrace, di ko inaasahan na ganito ang gagawin mo. Tingnan mo nga ang itsura mo. Daig mo pa ang alila. Paano ka pa kukuning model ng Stallion Shampoo kung halos di nasusuklay ang buhok mo?”
“Huwag ka ngang histerikal diyan!” saway niya dito at binitbit ang mop at timba papuntang maintenance room. “You know why I have to do this.”
“But is it worth it? Wala nga siyang pakialam sa iyo!” anang si Sahara na puno pa rin ng pag-aalala. “Pinapatay mo lang ang sarili mo sa trabaho pero wala rin namang nangyayari. Hindi siya sasama sa Tibet.”
Lalo lang siyang nape-pressure. Apat na araw na lang ang natitira at kailangan nang i-finalize ang mga makakasama sa expedition na iyon. Pero ni isang saglit ay di lumambot si Alessandrace. Di nga siya nito pinapansin man lang. parang hangin lang siya na dinadaan-daanan nito.
“May ilang araw pa naman para makumbinsi siya.”
Ayaw niyang mawalan ng pag-asa dahil importante iyon para sa kanilang magkakapatid. Di na rin niya iniisip na maikli ang tatlong araw para kumbinsihin niya ito. May tiwala sa kanya ang kuya niya. Magagawa niya ito!
“Kung gusto niyang sumama sa Tibet, you don’t have to do this. Kahit yata magbigti ka sa harap niya para lang sumama siya sa Tibet, di pa rin siya sasama.”
Ngumiti siya dahil ayaw niyang panghinaan ng loob. Ayaw din niyang mag-aalala pa sa kanya si Sahara. She was facing her own problem. Ayaw na niyang makadagdag pa sa distress nito.
“Kumain na lang tayo at ikwento mo sa akin ang training mo,” aniya sa pinasiglang boses.
“Summeria!” Nagtaas na ng boses si Sahara at mariing pumikit. “Miss Seeress, pwede bang ikaw na ang magpaliwanag sa kanya?”
Lumipad ang tingin niya kay Seeress. “Okay lang talaga ako sa ginagawa ko.”
“Alam ko na kailangan mo itong gawin para sa exploration ninyo. But I don’t think he really cares.” Humugot muna ng malalim na hininga si Seeress. “May date si Sir Drace bukas.”
Natigagal siya habang nakatingin kay Seeress pero di naman talaga niya ito nakikita. Malabo ang paligid niya. Makikipag-date sa ibang babae si Drace.
Napaupo siya sa bench at pinagsalikop ang kamay. Kung tutuusin naman ay walang kinalaman ang pakikipag-date ni Alessandrace sa ibang babae sa pagsama nito sa Tibet. Pero nandoon lang siya sa isla. Naroon siya at nagpapa-alipin dito. Tapos ay makikipag-date ito sa ibang babae. But it was silly. Naihahalo niya ang misyon niya sa emosyon niya. Ibig sabihin ay wala na talagang interes si Alessandrace sa kanya at wala na siyang rason para manatili doon.
“Pero huwag kang mawalan ng pag-asa,” wika ni Sahara. “May naisip na akong paraan para matulungan ka namin.”
“Talaga? Is this the part where we will plot his kidnapping?” Sa palagay niya ay iyon lang ang paraan para maisama si Alessandrace. Sana ay kidnapin nila ito bago pa makarating sa date nito. Di ito pwedeng makipag-date sa iba.
“A little more subtle than that,” sabi ni Seeress. “We have to make you more beautiful. Tingnan lang natin kung ma-resist ka pa niya.”
“OKAY lang ba itong itsura ko? Baka mamaya mapaaway ako sa suot ko,” tanong ni Summeria kina Sahara at Seeress. Nasa loob sila ng karwahe na nakaparada di kalayuan sa Banyan Tree.
Pilit niya tinatakpan ang cleavage na nakikita mula sa suot niyang low neckline red evening dress. Habang inaayos niya ang neckline niya pataas ay hinihila rin niya pababa ang damit na nagpapakita naman sa legs niya. Di niya alam kung anong sumapi sa kanya para magsuot ng ganoon kaikling damit. Ewan niya kung bakit nagpadala siya sa emosyon niya. Nang sabihin ng mga ito na makikipag-date si Alessandrace sa isang sexy na model ay lumipad na ang kukote niya. Di niya alam kung wala lang siya sa sarili o desperada siya kaya umayon na lang siya sa lahat ng plano ng mga ito. Di na kasi siya makapag-isip kanina. Kahit anong paraan para makuha ang atensiyon ni Alessandrace ay gagawin niya. Di man lang niya naisip ang pros and con ng planong iyon.
“Disente pa iyan kaysa sa suot ng ka-date ni Alessandrace. Nakita mo nga. Garter lang yata ang damit no’n,” sabi ni Sahara at tinampal ang kamay niya na humihila sa dress niya para takpan ang hita niya.
“Underwear model ‘yon! Sanay siyang magbilad ng katawan. Hindi ko nga maintindihan kung ano ang nagustuhan ni Drace sa ganoong klaseng babae,” angal niya. Samantalang dati ay ayaw na ayaw ni Drace na magdidikit sa mga mapang-akit na babae. Kaya nga siyang simple lang ang nagustuhan nito.
“To spite you,” anang si Seeress at umangat ang gilid ng labi. “Hindi naman siya nakikipag-date. Lahat nga kami nagulat nang makipag-date siya basta. Well, let’s give him a dose of his own medicine. Lalo na kapag nilapitan ka ng ibang lalaki... Sana may video recorder. I want to see him suffer.”
Kampanteng-kampante si Seeress sa planong iyon. There was a sinister glint in her eyes. Parang entertainment dito na kung makikitang masaktan si Alessandrace. “Why are you helping me out?”
Nagkibit-balikat ito. “I just want to know what makes those men tick. Ngayon ko lang nakitang na-disorient ang boss ko. I just want to push him to the limit. You will see. He’ll come crawling at your feet soon.”
Hindi pa rin siya kumbinsido na may patutunguhang maganda ang plano ni Seeress. Mababang-mababa ang confidence niya. Pagpasok niya sa restaurant ay nakita niya ang sexy na date ni Alessandrace. May ibinubulong ito sa tainga ng binata habang nakahawak sa braso nito. Then she laughed seductively.
She felt a tug in her heart. Ni hindi man lang napansin ni Alessandrace ang pagdating niya. Samantalang dati kapag nasa isang lugar lang siya ay nararamdaman agad nito ang presensiya niya. Tumitingin agad ito sa kanya at ngingiti. Nawala na ba ang connection nilang iyon?
“A lady shouldn’t walk around here unescorted.”
Nang lumingon siya sa nagmamay-ari ng malalim na boses ay nakaharap niya ang village lord na si Gianfranco. “Good evening, my lord.”
He let out a husky laugh. He was like a dark Mediterranean pirate. Itim ang mga mata nito at olive ang balat. Mahaba ang buhok nito. And he wears it in a rougish fashion. Parang madalang itong makikitang nakangiti. But he looked sexy when he laughed. “So what brings you here, river goddess?” tanong nito at iginiya siya papunta sa bakanteng mesa.
“Just relaxing,” kaswal niyang sagot.
“You should have an escort.”
“Kung magpiprisinta ka na maging escort ko, I don’t really mind. Huwag lang sana akong pagselosan ng barko mo.”
“Signora is a megayatch,” pagtatama nito.
“Kasinlaki na siya ng barko. So it’s a ship.”
“A ship. A megayatch. It doesn’t matter. Hindi naman siya siguro magseselos. That’s what I love about my Signora. Pwede siyang maging demanding katulad ng ibang babae pero hindi siya nagseselos. And sailing her even through a fierce storm is like making love roughly. When the storm passes, you will satiated.”
“That’s a very creative description.”
Na-enjoy niya ang company ni Gianfranco. For a pirate, he had some class. Ayon sa usap-usapang naririnig niya ay ito ang village lord na pinaka-volatile. Ni hindi ito nakikipag-usap basta-basta sa kahit sinong babae. Pero dahil siguro pareho nilang interes ang tubig kaya may kakaibang koneksiyon sila. Siguro ay iyon lang ang klase ng babae na magugustuhan nito. Ang irerespeto ang interes nito.
“Mukha akong obsessed sa barko ko. I know. But I guess the same goes to you. Riding on a kayak and battling the river’s rapids give you a kind of high. Kaya rin siguro wala kang boyfriend.”
Uminom siya ng wine para maitago ang emosyon sa mga mata niya. She gave up Alessandrace for her passion with river. At di niya alam kung paano pa niya ito makukumbinsi na sumama sa kanya sa Tibet. He obviously had his own life. May mga bagong kaibigan at makakapili ng kahit sinong babaeng gustuhin nito. Hindi iyong magpapakamatay para sa kagustuhan niyang masundan ang yapak ng ama. She was living in a fairy tale before. Napagsasama niya ang pagmamahal niya sa river exploration at si Alessandrace. Mukhang imposible na iyon ngayon. Her greatest dream was within arm’s reach and the man she loved could make it or break it. There was too much at stake here and she was starting to lose it.
“Good evening, Lord Gianfranco.”
Muntik na niyang maibuga ang alak na iniinom nang marinig ang boses ni Alessandrace. Nasa harap niya ito at nakatayo sa likuran ni Gianfranco. He was looking at her direction. Pero parang di naman siya visible sa paningin nito.
Nilingon ito ni Gianfranco. “Good evening,” bigla ay pormal nitong bati lalo na nang makita nito ang ka-date ni Alessandrace.
Bumitiw kay Alessandrace ang ka-date nitong si Mela Moreno at humawak sa braso ni Gianfraco,. “Oh, gosh! A real village lord?” nanlalaki ang matang wika ng babae. “I didn’t really expect this.” Di pa ito nasiyahan at humalik sa magkabilang pisngi ni Gianfranco. “I am a big fan.”
She saw Gianfranco grimace. He had the same look when her brother was around women he called “piranahs”. They were always after the man who was more famous and with more money. He hated the type.
“Bakit hindi mo siya ipasyal sa windmill?” suhestiyon ni Gianfranco. “Acoustic night ngayon sa Wind Cafe. That would be splendid.”
“How about you join us?” tanong ni Mela at pinapungay ang mata.
Ngumiti si Gianfranco sa direksiyon niya. “I am enjoying this ladies’ company. It would be a waste to leave. Ngayon lang ako nakatagpo ng babae na sa palagay ko makakasundo ko.”
“Pumunta na nga tayo sa windmill,” padarag na sabi ni Mela na nadismaya dahil di sasama si Gianfranco. Sa dinami-dami ng ide-date ni Alessandrace, bakit ganoong klaseng babae pa. Kasama pa ito, nagpi-flirt na sa ibang lalaki. Parang nang mga oras na iyon ay gusto niyang tusukin ng karayom ang retokadong dibdib ng modelo. Wala itong karapatang tratuhin na walang kwenta si Alessandrace.
“Hindi ka pa ba uuwi?” tanong ni Alessandrace sa kanya. Parang di naman ito apektado sa inaakto ng ka-date nito.
“I am still enjoying his company,” sabi niya. Namayani pa rin ang pride niya. Bakit siya nito pauuwiin? Mamamasyal pa nga ito kasama ang ka-date nito. Dapat rin nitong malaman na di lang ito ang lalaki sa mundo.
Gusto man sana niyang umuwi na lang bilang simpatya dito. Pero di ba dapat inuuwi na lang nito ang bruhang modelong ka-date nito na halatang interesado sa mas mayaman at guwapong lalaking mabibingwit nito. He deserved more than that piranah.
Tumango lang ito at inalalayan sa siko ang ka-date nito. Malungkot niya itong sinundan hanggang makaalis ito. Kailangan ba talagang i-date ni Alessandrace ang ganoong klaseng babae para lang iwasan siya?
“Anong pumasok sa utak ni Drace? That woman is a piranah!” bulalas ni Gianfranco. “I thought he has more sense than that.”
“Malaki na siya. Alam na niya ang ginagawa niya,” sabi na lang niya. Pero matigas na ang lalaking minsang nagmahal sa kanya. Napatunayan niyang wala na itong pakialam sa kanya. Ano bang inaasahan niya? Na kakaladkarin siya nito palayo kay Gianfranco at sasabihin nitong ayaw nitong may ibang lalaking lalapit sa kanya kaya mabuti pang sumama na lang ito sa Tibet. Silly!
Oras na para sumuko siya? Dapat na ba siyang umalis nang bigo sa Stallion Island? Ito na ang mundo ni Alessandrace. Di na siya magiging bahagi pa niyon. Kukumbinsihin na lang niya ang kuya niya na humanap ng papalit kay Alessandrace.
“How about I tour you around the island with Signora?” alok ni Gianfranco. Mukhang kanina pa siya nito kinakausap pero lumilipad ang utak niya.
“That... would be fun!” sang-ayon niya. “I am on, Captain Gianfranco.”
Oras na para kalimutan niya si Alessandrace. She didn’t have to be his slave anymore. At walang masama kung ie-enjoy niya ang isla para kahit paano ay mabawasan din ang sakit na dulot nito sa kanya.