Stallion Island Series Chapter 66

“Nakalagay na ang sunblock sa bag mo at Stallion Shampoo na rin. Walang masyadong bisita sa barko niya na babae ‘yon maliban sa girlfriend ng Kuya Andreas niya na si Synnovea.”

Nilingon niya si Sahara habang inaayos ang mga gamit sa buri bag niya. Parang ito na ang nanay niya kung asikasuhin siya. “Leave it! Pumunta ka sa horseback riding training mo. Baka nagsu-shooting na kayo sa commercial, hindi ka pa rin kilala ng kabayo mo.”

“I am trying to manage. Excited lang ako dahil sa wakas makikipag-date ka na at sa isang village lord pa. Akala ko habambuhay ka nang papaalipin sa Alessandrace na ‘yon.” Hindi nga ito makapaniwala nang yayain siyang mag-date ni Gianfranco. Alam kasi ng lahat na barko lang ang focus nito.

Pinatay niya ang hair dryer at sinuklay ng daliri ang buhok. “Kailangan ko rin mag-relax. Huling araw ko na dito sa Stallion Island. Sasakit tiyak ang ulo ko kapag bumalik ako kay Kuya nang di ko dala-dala si Drace. It would ruin his plans.”

Hindi siya makatulog nang nakaraang gabi habang tinitimbang kung tama ang desisyon niya na isuko na lang si Alessandrace. It was futile to fight for it. Tama si Sahara. Kung gusto nitong sumama sa Tibet, di na siya nito pahihirapan pa.

“Ginawa mo na ang lahat. Hayaan mo na si Drace at ang model niyang puro boobs. Just enjoy the sun and Gianfranco del Pierro. Hayaan mong kainggitan ka ng mga kababaihan bago ka umakyat ng kabundukan.”

“And you have your Chrome,” tukso niya dito. Si Chrome Venitio na siyang stable master ang siyang riding instructor nito.

“He is not mine!” tanggi nito at iniwas ang tingin sa kanya. Halata namang may interes ito sa teacher nito noong unang gabi pa lang sa party.

“Bakit binabanggit mo ang pangalan niya sa panaginip?”

“Binabangungot ako!”

“Sabi mo “I love you, Chrome”. Bangungot iyon?”

Namula ang mukha nito sa tukso niya. “Umalis ka na nga!”

Natatawa niyang kinuha ang buri bag. Saka niya ito niyakap ng mahigpit. “Thank you! Nag-enjoy talaga ako sa bakasyon na ‘to.”

“Wala naman akong masyadong naitulong sa iyo. I just hope you will have a successful trip to Tibet. Come back alive, Summeria. Safe and sound please.”

Iyon din ang hiling niya kung makakaalis sila. Matinding kumbinsihan ang kailangan niyang gawin sa kuya niya para pumayag itong umalis papunta sa Tibet nang di kasama si Alessandrace. Malaki ang sampalataya nito na magiging matagumpay ang pagpunta nila sa Tibet kung kasama si Alessandrace.

Well, she had the whole day for her leisure. Saka na niya haharapin ang problemang dulot ni Alessandrace.

Pagbaba ng E-jeepney na naghatid sa kanya sa marina ay nakaabang na sa wooden pathwalk si Gianfranco. Naka-white polo ito at khaki shorts. Sa likuran nito ay ang megayatch nitong Signora.

“Boun giorno!” bati nito at hinalikan ang dulo ng kamay niya. “Ready?”

“Yeah! So that’s Signora.”

“She’s ready for you as well. Nakahanda na rin ang kayak para sa atin. We have calm waters at the cove. It is perfect for leisure kayaking. It is not as extreme as your type though.”

“Any kayak would do. I miss kayaking.”

Mas na-acquiant siya sa mga walis at mop nitong nakakaraang araw sa paglilinis sa Mist Fusion. Kailangan na niyang mag-kayak o mababaliw na siya. After all, she kayaks more than two hundred days every year.

Paakyat na sila ng Signora nang may marinig siyang tumawag kay Gianfranco. “Sandali lang!”

Tinakpan niya ng palad ang noo para di masilaw sa sinag ng araw habang inaninaw ang lalaking tumatakbo papalapit sa kanila. Nagulat siya nang makilala kung sino iyon. “Drace?” Anong ginagawa nito sa marina? Bakit ito humahabol?

“Drace, may problema ba?” tanong ni Gianfranco.

“Saan kayo pupunta?” tanong nito at sa kanya nakatingin.

“I’ll tour her around the island with Signora,” sagot ni Gianfranco.

“Not without my permission,” mariing wika ni ALessandrace.

Di niya inaasahan na iyon ang sasabihin ni Alessandrace. She couldn’t miss the possessive tone in his voice.

“Bakit kailangan ko pang permiso mo?” tanong niya. Nahihibang ba ito? Kahapon ay parang hangin siya kung tratuhin nito. Parang di siya nag-e-exist sa mundo. Ngayon ay kailangan niya ng permiso nito para sumama kay Gianfranco.

“You are my slave,” deklarasyon nito at tiningnan siya ng direkta sa mata.

“Excuse me!” aniya sa mataas na tono. “Nitong nakakaraang araw wala ka namang pakialam sa akin. Tapos biglang ngayon hahabol-habol ka!”

Nang-aasar ba ito? Tanggap na nga niya na di na ito interesado sa kanya. Na ayaw na nitong maging parte ng buhay niya. Sinusubukan na niyang mag-move on. Bakit bigla itong nambubulabog.

“Sinabi mo sa akin na willing kang maging slave ko at gagawin mo ang lahat para sa akin,” anito at ikiniling ang ulo.

“Oo. Sinabi ko nga iyon,” sang-ayon niya.

“Then you are my slave,” he declared once more with more conviction.

Gusto na niyang magsisi sa idea niyang maging alipin nito. She wanted to tell him right on his face that she already quit. Pero baka pagsisihan na naman niya iyon. Kailangan pa rin niya si Alessandrace sa team niya.

“Even slaves need a day of leisure,” pagtatanggol ni Gianfranco.

“If I say so. But it is not her day off today. Kahit ang mga tauhan mo hindi nakakapili ng day off dahil lang gusto nila. Same thing with my slave. She has to ask for her master’s permission even if she’s spending her day with the village lord.”

Tahasang sinasalungat ni ALessandrace si Gianfranco. Gianfranco looked so cool. Habang parang sasabog si Alessandrace.

“What can you say, Summeria?” tanong ni Gianfranco. Sa kanya nito iniiwan ang desisyon kung kanino pipiliing sumama.

“Well… I…”

Sino ba ang pipiliin niya? Kung pride niya ang pamamayanihin niya, mas gusto niyang sumama na lang kay Gianfranco at sabihin kay Alessandrace na nag-quit na siya bilang slave nito. Pero kung nire-recognize siya nito bilang slave, ibig sabihin ay may pag-asa siya para maisama ito sa Tibet. She couldn’t miss the chance. Iyon lang naman ang ipinunta niya sa isla.

“She doesn’t have the luxury to answer the question, Lord Gianfranco. Marami pa siyang gagawin,” wika ni Alessandrace at hinila siya sa braso palayo kay Gianfranco. “I apologize for this. It is subordination on the part of my slave.”

The nerve! Siya pa ngayon ang nagsa-subordinate dito. Gusto niyang bigwasan si Alessandrace. Kasalanan pa niya ngayon. Hindi ba’t ito nga ang di interesado sa kanya. Mas gusto pa nitong i-date ang bruhang model na iyon na walang kahihiyan kaysa sa kanya.

“Summeria is a nice girl. You should treat her nicely,” wika ni Gianfranco.

Nagkibit-balikat lang si Alessandrace. “Kung kailangan mo ng ibang ka-date pwede kong tawagan si Mela para sa iyo.”

Iling agad ang isinagot ni Gianfranco. “No way! I am perfectly happy with Signora.” There was gentleness in his eyes when he looked at her. “Go now, Summeria. Pagbalik mo galing Tibet, we will go on a river cruise.”

“I love that!” wika niya. “Thank you!”

Habang sinasabi niya iyon ay hinihila na siya ni Alessandrace palayo. “Bye!” mariin nitong sabi, inuutusan siyang magpaalam na kay Gianfranco.

Napilitan siyang magpatangay dito o susubsob siya sa daan. “Ano bang problema mo?” singhal niya dito nang sakay na sila ng E-jeepney papunta sa Mist Fusion. Katahimikan lang ang isinagot nito sa kanya. Tuwid lang ang tingn nito sa daan. Hangin na naman ang trato nito sa kanya.

“Aalis na ako bukas. Hindi na kita guguluhin. You don’t really care about me. Oo na. tanggap ko na iyon. Na kahit na magluluhod ako sa harap mo, hindi ka sasam sa Tibet. Ano naman ang pumasok sa kukote mo…”

Patuloy siya sa paglilitanya hanggang makapasok sila sa cottage nito sa likuran ng Mist Fusion. Wala pa rin itong sagot sa kanya.

“Hindi ka ba masaya sa date mo kagabi at ako ang binubulabog mo?” tanong niya sa kawalan na ng sasabihin. Naiinis na siya dahil sa hangin lang siya nakikipag-usap. Umakyat ito sa kuwarto nito at nakasunod pa rin siya. “Ano? Tatakbuhan mo na lang ako?” Kapag di pa ito nagsalita, hahampasin na niya ito ng malaking antigong banga na nasa tabi ng pinto nito.

Hinarap siya nito habang dahan-dahan nitong kinalas ang butones. “Hindi ba dapat natutuwa ka dahil sa wakas na-recognize na kita bilang slave ko?”

Napalunok siya nang sumilay ang makinis nitong dibdib habang bumubuka ang damit nito. “Anong gusto mong gawin ko?”

“A lot.” Those two words entail a lot of promises.

Baka bigla itong nagka-idea na papayag siyang maging sex slave nito. Alam niyang desperado siya pero di siya ganoon kadesperada. Maisip pa lang niyang maging sex slave nito ay nanginginig na ang tuhod niya at di siya makahinga. Pero paano niya ito tatanggihan lalo na’t ipinakikita na nito ang magandang katawan sa kanya? It was torture! Kung ibibigay niya ang sarili niya, hindi sa ganitong paraan kundi dahil nagmamahalan sila…

Tuluyan nang nahubad ang damit nito at ihinagis nito. Nanigas siya sa kinatatayuan nang lumapit ito sa kanya. This is it! Kailangan na niyang tumakbo kung ayaw niya dito. But he was a dream. Ilang beses na ba niyang pinapangarap si Alessandrace na ganito. Kitang-kita niya ang muscles nito na nakabilad sa kanya at nag-aanyayang yakapin niya ito. At silang dalawa lang sa silid na iyon. he was all hers. Hindi niya tatanggihan ang biyayang tulad nito.

Pumikit siya. Apat na taon na siya nang huling mahalikan. At si Alessandrace lang ang hinayaan niyang humalik sa kanya.

Naramdaman niyang napakalapit ng katawan nito sa kanya. Hindi na siya makakaurong pa ngayon. Handa na siyang tanggapin anumang ibibigay nito sa kanya at ibibigay niya dito ng kusa ang lahat ng gusto nitong angkinin.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto ng closet. Pagdilat niya ay kumuha ito ng damit at ipinaghahagis ang laman niyon. “Nasaan ba ang paborito kong polo?”

Nanlaki ang mata niya nang isa-isang kumalat ang mga damit nito sa carpet. Hindi siya nito hahalikan, yayakapin o aangkinin? Anong gusto nitong gawin niya?

Naiahon na yata nito ang lahat ng damit sa closet saka nito nahanap ang polong sinasabi nito. “O! Ano pang itinatayo mo diyan?” tanong nito habang isinusuot ang green polo. “Ayusin mo lahat ng gamit ko. Kung sa palagay mo nadumihan dahil nalaglag sa carpet, labhan mo. Isabay mo sa mga labahin na nasa laundry bin. Bilisan mo dahil marami ka pang gagawin.”

Natulala lang siya. Inuutusan siya nito na ayusin ang mga gamit nito at maglaba? Inaayos pa lang niya ang mga damit nang marinig niya ang pagbabagsakan ng mga gamit sa sala. Napasugod siya pababa ng sala at nakita niyang kinakalkal naman ni Alessandrace ang mga libro nito.

“Anong ginagawa mo?” nanlalaki ang mata niyang tanong.

“I am looking for my favorite book,” he answered with a sheepish grin on his lips. Saka ito tumuloy ng kusina. Nang marinig niya ang pagkakalampagan ng mga kaserola at mga plato ay di na niya kailangang magtanong. May nawawala na namang paborito nito. And she must clean up the mess.

Nanlambot siya at napaupo sa hagdan. Di na niya alam kung anong uunahing linisin. At mukhang iyon lang din ang unang pagkakataon na mabubulabog ang bahay ni Alessandrace. Ayaw nitong makalat. Pero para pahirapan siya ay guguluhin nito ang bahay nito.

She must endure it. Simple lang ito kumpara sa pagkasira ng pangarap nilang magkakapatid. Gagawin niya ito para sa alaala ng papa nila.

SUMMERIA was dead tired. Wala siyang pahinga mula nang umagang tumapak siya sa bahay ni ALessandrace. Daig pa ng dinaanan ng sampung bagyo ang bahay nito bago siya nito iniwan para ayusin ang kalat nito.

He had no washing machine. Ang washing machine nito ay ang inimbentong washing machine ng miyembrong si Yllac kung saan kailangang pedalan sa bike para gumana ang washing machine. It was ingenuis but it nearly broke her bone. Matapos ang labahin ay kailangan niyang iayos ang mga libro, damit pati gamit sa kusina ni Alessandrace. He was like a madman, a Tazmanian devil. Parang na-possess ito at hinarumbal ang lahat ng gamit.

Di niya namalayan na nakatulog na lang siya sa sofa. Hindi na niya kayang igalaw kahit ang isang daliri niya. She already had enough.

Naalimpungatan siya nang maramdaman niya ang pagyugyog sa balikat niya. “Summeria,” tawag ni Alessandrace sa kanya.

Umungol siya. “Why don’t you just kill me, master? Kung may iba ka pang iuutos, bukas na lang paggising ko.”

Wala siyang pakialam kung gusto nitong baligtarin ang buong isla at ipaayos ulit sa kanya. Gusto lang niyang matulog kahit ilang oras lang.

Naramdaman niya ang pag-angat mula sa couch. “Hindi ka komportable sa couch. Doon ka sa guestroom matutulog.”

“Wala ka nang ipapagawa sa akin?” tanong niya at isinubsob ang mukha sa dibdib nito. Nabawasan ang pagod niya nang maramdaman ang init ng katawan nito at ang men’s cologne nito. It tickled her senses. Ito ang reward ng pang-aalipin niya. It was enough for her to be his slave forever.

“Wala na. You did a great job.”

She was glad that he was satisfied. She rubbed his nose against the front of his shirt. “Drace, you smell so good.” Di niya alam kung okay lang na dumikit siya dito. Tiyak na namamaho siya dahil sa dami ng trabahong ginawa niya.

“Shhh… don’t speak. Just sleep.”

Marahan niyang idinilat ang mata nang ilapag siya nito sa kama. “Hindi na ako makakatulog. I miss you.”

He was taken aback and stared back at her. Sa tulong ng maliit na liwanag sa lamp sa guestroom ay nakita niya ang kalituhan sa mga mata nito. Hinaplos niya ang mukha nito. She really missed him. Napakadali para sa kanya noon na lumapit dito. She could easily ask him to hold her and he would easily oblige. All he needed was a word from her and he would kiss her. She missed those days. She missed his warmth and his kisses. She missed the love in his eyes whenever he stared at her.

Pinigilan nito ang kamay niyang humahaplos sa pisngi nito. “Don’t…”

Then she saw it. The flash of memories of passion and love was also in his eyes. Hindi ito immune sa kanya gaya ng inaakala niya.

Umupo siya sa kama at hinaplos ang ibaba ng labi nito. “I just want a kiss from you, Drace. Just a kiss.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.