His lips covered hers, slowly at first. So slowly, too slowly. Parang hindi pa ito desidido noong una. A kiss could lead to something more. Nang ibuka niya ang labi niya, naramdaman niya ang paglalim ng halik ni Alessandrace.
And she loved it. One moment they were kissing slowly, the next moment they were devouring each other. Hinawakan nito ang batok niya at ibinaon sa buhok niya habang ang isang kamay naman nito ay nakahawak sa baywang niya at hinapit palapit ang katawan niya dito.
Hanggang panaginip lang niya naranasan ito. Panaginip na inangkin niya sa loob ng apat na taon. Apat na taon na may halong pagsisisi. Her kayak and the river may give her a kind of high but it couldn’t give her the love that Alessandrace gave her. He was the only one who could make her feel a myriad of emotions. And she missed that.
“You told me that you’d do everything for me,” he whispered against her lips.
“Everything,” bulong niya.
Kung hihilingin nito na huwag na siyang pumunta sa Tibet para makasama ito, baka iyon mismo ang gawin niya. Iyon na ang pangalawang pagkakataong lihim niyang hinihiling para makasama si Alessandrace.
“What if I ask for a night with you?”
“So be it,” aniya at pinagapang ang kamay sa balikat nito. Lumulutang na ang isipan at katawan niya. Handa siyang tuparin ang lahat ng hiling nito. Her emotion was overflowing. Wala na siya sa huwisyo pero minsan na niyang isinuko si Alessandrace. It made her feel empty. And now he was filling the emptiness inside her, the void in her life.
“What if I want you to spend every night with me?” he asked then nipped her lips.
“Every night. Even forever, Alessandrace.”
Gusto niyang umiyak dahil inaalok nito sa kanya ang pangarap niya. She wanted to spend time with him. Ayaw na niyang magkahiwalay sila.
Hind niya alam kung paano niya nagawang mabuhay ng apat na taon nang wala ito sa piling niya. Isang halik lang nito ang kailangan para di na niya naising malayo pa dito. She would risk everything. Everything for him. Give up her kayaking if he asked her to. Handa siyang ito na ang gawing mundo niya. Kundi nito kayang sumama sa mundo niya, siya ang mabubuhay sa mundo nito.
“Gagawin mo talaga ang lahat para lang maisama ako sa Tibet.”
She tried to focus her passion-filled gaze. Saka niya na-obserbahan na iba na ang Alessandrace na nakatingin sa kanya. There was no love nor passion in his eyes anymore. Hindi na ito ang lalaking humahalik sa kanya kanina.
There was a cynic glint in his eyes. His smile was almost cruel.
“Well, sinabi ko na iyon sa iyo noon…”
He let out a curse. Dali-dali itong bumaba ng kama. “You get what you want, Summeria. Sasama ako sa iyo sa Tibet.”
“T-Totoo?” di makapaniwala niyang usal. Ibig bang sabihin ay ito ang handang sumuko para sa pagmamahal sa kanya. Tuwang-tuwa niya itong niyakap. “Iyan ang pinakamagandang balitang natanggap ko! Matutuwa sila Kuya…”
Subalit naramdaman niya ang panlalamig nang di man lang nito sinagot ang yakap niya. Nang pagmasdan niya ito ay patay ang emosyon sa mga mata nito. “Pinatunayan mo sa akin na gagawin mo ang lahat para sa kapatid mo. Para makarating sa Tibet. Then you got me.” Ibinuka nito ang mga kamay. “I will fix my papers soon.”
“Pero bakit parang di ka masaya? Drace…”
“The master-slave is still on.”
Parang sinampal siya nang maunawaan kung ano ang nangyayari. Master-slave. Iyon ang nakatanim sa isip nito. Na gagawin niya ang lahat ng gustuhin nito bilang alipin nito at para makumbinsi ito na sumama sa Tibet.
She felt sick. Iniisip din ba nito na handa siyang ibigay ang katawan niya dito para lang makaakyat ng Tibet kasama ito? That was so low.
All the time he was kissing her, iniisip nito na inaakit lang niya ito para masunod ang gusto niya? hindi ba nito naramdaman ang pagmamahal niya? Na handa siyang isuko ang lahat para dito?
“You still want me to be your slave?” mahina niyang tanong. Halos di na niya marinig ang sarili niya.
“Of course. Kaya matulog ka na. Umaga ang flight natin. I asked your friend Sahara to pack your overnight luggage. Dito ka na matulog.” Saka niya napansin ang tote bag niya. Mga damit niya ang laman niyon at toiletries. “I won’t bother you tonight. I will meet you tomorrow.”
HINDI mapakali sa kinauupuan niya sa eroplano si Summeria. Katabi niya si Alessandrace na relax na relax sa kinauupuan habang nagbabasa ng libro tungkol sa Tibet. Siya naman ay pusang di mapakali.
Di siya nakatulog nang nagdaang gabi. Pinagdusahan niya ang lahat ng sinabi sa kanya ni Alessandrace. It would be any woman’s nightmare. Ang akusahan ng lalaking mahal niya na nang-aakit para lang makuha ang gusto niya.
Kaya nga di niya kinakausap si Alessandrace kanina. Akala niya ay mahihirapan itong iwan ang Mist Fusion. Iniwan nito ang pamamahala sa kaibigang si Jairon at sa nakababatang kapatid na si Alexandria. Narinig din niya na kausap n ito ang abogadong si Cord de Lara para sa last will and testament na pinirmahan nito bago sila umalis ng isla.
Delikado ang magiging paglalakbay niya. Tibet was a country with harsh climate condition, harsh terrain and more harsh elements. Kampante lang siya sa kakayahan ng kapatid niya. Wala pa itong expedition na pinangunahan nang may namatay.
Parang invisible na naman siya sa paningin nito. That was good. Dahil ang totoo ay wala rin naman siyang mukhang maihaharap dito.
She felt so cheap! Ito ba ang kabayaran ng halik nito? Napakamahal naman! She kissed him with all her heart. Walang ulterior motive na kasama doon. Pero kung aaminin niya ang pagmamahal niya, maniniwala ba ito sa kanya?
She was still high strung when they reached the airport. Pagod na pagod siya at kulang pa sa tulog. At nadagdagan pa ang pagdurusa niya dahil sa pagtrato sa kanya ni Alessandrace. Kung ngayon pa lang ay ganito na sila, paano pa kapag magkasama na sila sa Tibet? Tatratuhin pa rin siya nitong parang hangin? How would they work as a team?
Akala pa mandin niya ay mag-i-improve na ang relasyon nila ni Alessandrace. Akala niya ay babalik na sa dati ang relasyon nila. Na sasabihin nitong mahal siya nito. Pero anumang pagmamahal niya ay di na nito paniniwalaan. She was just a desperate woman who would use her body to get anything she wants. And she never dreamt of being branded as one.
“Drace!” tuwang-tuwa itong niyakap ng Kuya Scott niya na sinadya pa talaga silang sunduin sa airport.
“Ano? Wala ka pa ring girlfriend hanggang ngayon?” kantiyaw ni Alessandrace dito. At least nakita niya na genuine ang pakikitungo nito sa kanya. Sa kabila ng paghihiwalay nila ni Alessandrace ay di nabahiran ang pakikipagkaibigan nito sa kapatid niya. They would always be brothers. Best of friends.
“Nah! Magseselos ang kayak ko. Good thing you are here.” Bakas na bakas ang saya sa mukha ng kapatid niya.
“Pwede ba naman kitang tiisin?”
Mapait siyang ngumiti. Nagawang tikisin ni Alessandrace ang kapatid niya. Siya lang ang di nito napagtiyagaan. Perhaps he just wanted her off his back. Pinagbigyan na lang siya para di na niya ito guluhin.
Di na lang niya sasabihin sa kuya niya kung paano niyang naisama si Alessandrace. Sasarilinin na lang niya iyon. Wala namang mas mahalaga sa kanya kundi ang matuloy sila sa Tibet.
“Come! The team is excited to meet you,” anang si Scott at parang di man lang napansin na nag-e-exist siya. Masyadong sabik ang kapatid niya kay Alessandrace. Ni hindi man lang siya naalalang kumustahin.
“Kumusta ang Stallion Island, Ate?” tanong ng nakababata niyang kapatid na si Dustin na siyang nagbitbit ng maleta niya. “Puro party siguro ang ginawa mo sa Stallion Island at horseback riding. Mukhang pagod na pagod ka.”
“Marami kasing pwedeng gawin doon.” Maglinis, maglaba, mag-aral mag-groom ng kabayo, mag-mop ng sahig at magwalis sa Mist Fusion. Jeez! Iyon lang ba ang ginawa niya sa isla sa pananatili niya doon bukod sa eleganteng dinner noong unang araw niya at ang muntik na sana nilang date ni Gianfranco.
“Wala ka bang naka-date na village lord?”
Nilingon siya ni Alessandrace na nasa tabi ng driver’s seat. Kuya Scott niya ang may hawak ng manibela. Sa bintana siya lumingon. “Kung sabihin ko na meron, maniniwala ka ba?”
“Wala!” sagot agad ng kapatid niya. “Ate, sa dami ng babaeng nagkakandarapa sa mga Stallion Boys na iyan, sa palagay mo ba may magyayaya sa iyong mag-date lalo na ang isang village lord? Give me a break.”
“Eh, di wala akong naka-date,” usal niya. “Matutulog muna ako.”
“Yeah! You should take a rest,” narinig niyang wika ni Alessandrace.
“Magiging busy na tayong lahat lalo na ngayong nandito na si Drace,” wika ng Kuya Scott niya. “Matulog ka lang at naghihintay na ang peanut butter choco cake mo. Nagpa-bake ako.”
Sumilay ang ngiti sa labi niya. Her peanut butter choco cake. Nasa mood mag-celebrate ang kapatid niya. Di na nito kailangan pang sabihin. He was thankful to her for bringing Alessandrace.
Di nito alam kung gaano karaming sama ng loob ang nakuha niya para lang maisama sa Tibet si Alessandrace. Durog na durog ang puso niya.
If only a simple choco peanut butter cake could fix her broken heart.
TSINE-CHECK ni Summeria na mabuti ang mga kakailanganin nilang gamit kung kumpleto na lahat. There was a long list at the white board. Ang ilan sa mga gamit doon ay kailangan pa nilang bilhin sa ibang bansa. Walang snow shoes sa Pilipinas na isa sa pinakamahalagang gamit nila sa pag-akyat sa Tibet. They also had avalanche transceiver and GPS device.
Handang-handa na siya. Mahigit isang buwan sila sa Tibet. Kung ang ilang pack ng chocolate ang bitbit niya. Kailangan niya iyon para sa energy niya. Sa dami ng supplies na dadalhin nila, kakailanganin nila ng isandaang porters para bitbitin ang mga gamit nila. And they should carry their own kayaks and boats. She was up for the challenge. She had been training for this all her life. Sa wakas ay makakatapak na siya ng Tibet. At titiyakin niyang matatapos niya ang misyong naiwan ng ama. Ang mapuntahan ang Hidden Falls at Rainbow Falls.
“Kumpleto na ba lahat?” tanong ng Kuya Scott niya.
Nag-thumbs up siya. “Perfect! Nagbaon ako ng pulvoron. Sana lang makain pa natin iyon kapag nagyeyelo na siya.”
“Mabuti naman at ready na lahat. Nilalakad pa ng kambal ang visa natin papasok ng Tibet.” Bukas sila susunod sa Beijing. Nauna na ang kalahati ng grupo. Hindi madaling makapasok para sa isang grupo ng foreigners ang Tibet. Malaking pera na ang pinakawalan ng kapatid niya di iyon tiyak na papapasukin sila sa Tibet.
Pinisil niya ang balikat nito. “Don’t worry, Kuya. Everything will be okay. Matutuloy ang plano mo. We will conquer Tsangpo River.” Pinagkiskis niya ang mga palad niya na parang bata. “Excited na akong mag-kayak.”
“Summeria, may nagbago sa plano natin.”
Nagtataka niya itong pinagmasdan. “Ano iyon? Nag-meeting kayo habang bumibili ako ng chocolate? Di yata fair iyon.”
Pinagsalikop nito ang mga palad at huminga nang malalim siya pinagmasdan sa malungkot na mga mata. “You won’t be part of the paddling team.”
Tumaas ang kilay niya. “Ha? Anong di na ako part ng paddling team? May problema ba? I am perfectly okay. Ang lakas-lakas ko...”
“I know. Pero sa ground team ka ngayon makakasama.”
Hindi siya makapaniwala habang inaanalisa ang mga sinabi nito. Umiling siya. “Hindi pwede, Kuya! Matagal kong pinaghandaan ang expedition na ‘to. At kasama ako sa plano mo! You even insisted that I join your Himalayan expeditions, remember? Gusto mo mag-training ako para dito.”
“You have to understand. Iyon ang kondisyon ni Drace para sumama siya sa Tibet.”
Parang nabingi siya sa deklarasyon nito. “Drace! Drace na naman! Mas mahalaga pa ba ang Drace na iyan kaysa sa misyon nating magkakapatid?”
That self serving animal! Anong palagay ni Alessandrace sa sarili nito? Hari? Pati ba kuya niya ay gagamitin nito para gipitin siya? Paddling the Tsangpo River was the best experience ever. And Alessandrace was robber her of that experience.
“Summeria, don’t make this any harder,” pakiusap ng kuya niya.
Hindi niya ito pinansin at tinungo ang kuwartong tinutuluyan ni Alessandrace. Di na siya tumatok at itinulak na lang ang pinto. Ineempake nito ang mga gamit sa mountaineering backpack. “Ikaw! Anong palagay mo sa sarili mo? Sinabi lang ng kuya ko na importante ka sa trip na ito, umaabuso ka naman!”
“You’d do everything so that I will join you in Tibet. Do you remember that, Summeria?” he asked in a firm voice. “At inaasahan ko na susunod ka katulad ng pagrespeto ng kapatid mo sa gusto ko.”
“But you are asking for my dream. Parang pinutulan mo na rin ako ng paa!”
“Akala ko pa mandin ibinibigay ko sa iyo ang pangarap mo.”
Umiling siya kasabay ng pangingilid ng luha. “Paddling the Tsangpo River is my dream. And you sealed my fate. You are a nightmare.”
Hindi man lang ito nabaghan sa luha niya. Kaswal lang nitong pinahid ang luha niya nang walang emosyon sa mukha nito. “Really? If I am a nightmare then why would you willingly sacrifice yourself to me. Para lang makapag-kayak sa Tibet?”
“Hindi ako kasing babaw ng iniisip mo.” DAMn him! Paano nitong naisip na walang kasamang pagmamahal ang bawat halik niya dito?
Isang malupit na ngiti ang sumilay sa labi nito. “Tell me. Handa ka rin bang ibigay ang katawan mo sa ibang lalaki kung may papalit sa akin?”
Umiling siya. “Of course not! Ikaw lang naman ang...”
Itinaas nito ang kamay at tinalikuran siya. “Tapos na ang usapang ito. I won’t change my mind even if you are hell bent in seducing me once more.”
Kinuyom niya ang palad habang nakatitig dito. Ipinagpapatuloy nito ang pag-aayos ng damit nito. Ito ba ang lalaking minahal niya? Ang handa niyang pag-alayan ng pagkatao niya? Ang lalaking dahilan kung bakit isusuko niya ang pangarap niya?
“I hate you!” mariin niyang sabi at lumabas ng silid.
Loving him only made her miserable. He was a hard man now. Hindi nito makikilala ang totoong pagmamahal kahit nasa harap na niya ito.
And damn him! She still loved him even if he keeps on hurting her002E