Umalis ng tent si Summeria at nagtungo sa tabing ilog. Papadilim na noon pero alas otso na ng gabi sa relo niya. Beijing time. Isa iyon sa epekto ng komunismo sa China. Ang buong China ay iisa lang ang oras. Kaya kahit pasikat pa lang ang araw sa Tibet ay alas otso na ng umaga at palubog pa lang ang araw kapag alas otso ng gabi.
Nagsisimula na ang river assault ng mga paddlers kanina kasama ang mga kapatid niyang sina Scott at Dustin pati na rin si Alessandrace. At heto siya. Magiging bahagi siya ng ground team. Inggit na inggit siya. Habang siya ay hanggang titig lang ang ginawa sa ilog.
Alam niyang mahalaga rin ang pagiging miyembro ng ground team. They could scout the river and even scout at the higher grounds. Sila ang namamahala sa dadaanan ng mga porters katulong ang mga Sherpa na siyang guide nila.
Bitbit ang fishing pole ay umupo siya sa isang malaking bato at ihinagis ang pamingwit. Ni hindi man lang napansin ng mga kasamahan niya na wala na siya sa tent. Mabuti nang sa labas na lang siya. Maiinggit lang siya sa mga magka-kayak.
“Wala kang makukuhang isda dito,” untag sa kanya ng adventure journalist ng expedition na si Everest. Nag-clash agad ito at ang kapatid niya nang magkita ang mga ito. Her brother hated women. He hated beautiful women like Everest. At dahil isa rin itong journalist ay halos isumpa na ito ng kapatid niya.
“I just want to think and relax a bit.”
“Ah! Nakaka-stress talaga ang mga lalaki. All the testosterone overload could strangle you. Do you think they can paddle such a volume?” At inginuso nito ang rumaragasang ilog.
“Madali pa iyan para sa kanila. We have been training for this river for years now. Minsan na ring nakapag-paddle dito si Kuya at si Drace. But it was a dangerous time then. Masyadong malaki ang volume ng tubig. They didn’t risk it.”
Kaya pumili ng ibang panahon ang kapatid niya kung saan hindi nagngangalit ang tubig. Her father had choosen the wrong time to paddle. Niragasa ito ng ilog at ni hindi nakita ang katawan nito. Ayaw iyong ulitin ng kuya niya.
Pumalatak ito. “Kinilabutan lang ako kanina. May tatlong babae kasi kanina na ipinagdadasal na yata ang kaluluwa natin. Ang sabi ng mga Sherpa, sa palagay daw nila hindi na tayo makakabalik ng buhay.”
Nasa bayan sila ng Pelung kung saan nagsisimula ang Lower Gorge ng Tsangpo River. Puno ng misteryo ang Tsangpo Gorge. Ilang siglo na ring usap-usapan ang misteryosong waterfalls nito na di nakuhanan ng larawan hanggang sa huling taon ng ikadalawampung siglo. Gaya ng Mt. Everest ay puno rin ito ng alamat at kababalaghan.
“We paddlers respect the river. We are humbled by it. At tinitiyak niya na lahat tayo makakabalik ng buhay.”
“Yes. I remember he said "One fuckup out here—one—and the whole thing's over." So everyone is on their toes.”
“Thirteen na ang mga kayakers na malapit sa kanya na kinuha ng ilog ang buhay. At ayaw niyang sa mismong expedition niya mangyari iyon. While he is confident with everyone’s skills, he believes that the river has its own life.”
“How does it feel not to paddle at all? At bakit ka pumayag? I thought you are training for this for years now. Nang makausap ko si Dustin, ipinagmamalaki niya na kayang-kaya mong i-paddle ang Tsangpo River kahit pa babae ka.”
She went still. Iyon ang klase ng tanong na walang nangahas na magtanong sa kanya. Niyakap niya ang sarili dahil nagsisimula nang bumaba ang temperature. Or maybe she was shaking in anger. “Naipaliwanag na sa iyo ng kuya ko…”
“Ilang taon ka nang part ng river assault team. You’re planning for this. Pero dumating lang si Alessandrace Sandejas, nagbago na ang plano. Did he ask for it?”
Inangat niya ang fishing pole mula sa tubig. She didn’t want to discuss her personal life with a reporter. “Bakit hindi mo pigain si Kuya o si Drace kung sa palagay mo may iba pang istorya bukod sa mga sinabi na namin sa iyo?”
And what makes think that she’ll say something?
“A Stallion hunk? Ibibigay sa akin ang sagot na gusto kong makuha? I don’t think so. Katulad din siya ng kuya mo na allergic sa reporter.”
Walang tiwala si Alessandrace at ang kuya niya sa reporters. Sa Stallion Island ay ban ang mga reporters. There was too much at risk. At malaki ang binabayaran ng mga members para sa privacy ng mga ito.
While her brother’s distrust with reporters esteemed from their father’s death. Nang mamatay ito, ang na-focus ay kung paanong naghirap ang papa nila sa ilalim ng tubig bago tuluyang nawala kunin ng ilog ang buhay nito at hindi sa pagkatao nito. Kundi dahil sa sponsorship, di papayag ang kuya niya na may reporter sa team lalo na’t di naman nito aprubado.
Nagkibit-balikat siya at naglakad palayo. “LAlong wala kang makukuha sa akin.”
“Alam ko na may relasyon kayo dati.” Natigilan siya at di maihakbang ang paa. She did her research. “Pero hindi ako nandito para sa love life mo. Gusto ko lang may makausap ka. I know how frustrating it is na mapigilang gawin ang gustong-gusto mo. I saw the hunger in your eyes. Pero di ko maintindihan kung saan nanggaling ang idea na huwag kang isama sa river assault team. Dalawa lang tayo dito. Kung wala kang makakausap, nandito lang ako. This is off the record.”
“Off the record?” nakataas ang kilay niyang tanong.
“Yes. Off the record. I am not a yellow journalist. Kung ano lang ang topic, doon ako magkakaroon ng interes. Just think of me as your girl pal. Dalawa lang tayong babae dito. At kung may mabigat kang dinadala na di mo mai-share sa iba, you can always try me.”
Tiningnan niya ito ng isang beses. Masyado na siyang emosyonal at talagang sasabog na siya. Kahit dati ay kay Sahara lang siya nagse-share. It was too risky to trust Everest. Pero kakalbuhin na lang siguro niya ang maganda nitong buhok kapag ini-reveal nito ang mga sasabihin niya. “I love kayaking more than anything in the world.”
“More than him?”
Tumango siya. “Yeah! More than him. Pinapili niya ako dati. Kayaking ang pinili ko. I think Drace is doing this out of revenge.”
“Or out of spite. He is sealing you off now from the thing you loved to do most. From your ultimate dream.”
“Right,” sang-ayon niya ay umupo sa batuhan sa pampang ng ilog. “And now I hate him. And I sort of hate my brother for allowing him to do this.” Pero ang sentro talaga ng galit niya ay naka-focus kay Alessandrace. Bakit parang ito lang ang tanging importanteng tao sa trip na iyon? Di na ba siya mahalaga?
Huminga ng malalim si Everest at inunat ang dalawang kamay. “Mahirap talaga ang buhay dahil di natin nababasa ang nilalaman ng puso at isip ng isang tao. Pero di mo ba naisip na baka gusto ka lang niyang protektahan?”
Nagulat siya sa tanong nito. Ni minsan ay di iyon pumasok sa isip niya. “Gusto niya akong protektahan?” Umiling siya. “Nah! We paddled for years. Kahit nang boyfriend ko na siya, he treats me as his equal. At alam niya kung gaano ako kagaling sa ginagawa ko.”
Kaya talagang di niya maintindihan nang papiliin siya ni Alessandrace noon. At kapag nagpakasal na sila ay kailangan na rin niyang itigil ang kayaking nila.
“You see it as spite. I still think that he is trying to protect you. You it is as revenge. I see it as love. He still loves you.”
Mapait siyang ngumiti. Lalo niyang hinapit palapit sa katawan niya ang snow jacket. “Mangyayari siguro iyan kapag di na Mount Everest ang pinakamataas na bundok sa Earth.” Paano pa siya nitong mamahalin kung mababa ang tingin nito sa kanya? Baka nga natatakot ito na ma-pollute ang ilog dahil sa kanya. Because she was a woman with no morals in his eyes.
“Hindi siguro kita makukumbinsi. Mabuti pa isigaw mo na lang ang galit mo para mas gumaan ang pakiramdam mo.”
Tiningala niya ang mataas na limestone cliffs sa paligid nila. Wala namang masama kung magwala siya doon. Wala namang ibang tao.
Naningkit ang mata niya habang ini-imagine ang itsura ni Alessandrace. “Drace! Feeling mo naman guwapo ka? Halimaw ka! Di dahil nakapag-date ka ng babaeng puro boobs, macho ka na!” sigaw niya. She was satisfied when it echoed.
“Talaga? She dated a woman like that?” tanong ni Everest.
“Yeah! An underwear model.” Ipinagpatuloy niya ang pagsigaw. “Your ego is as monumental as Mount Everest. But I will bring you down! At hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa akin. Oras na matapos ang trip na ito, kakarnehin kita ng buhay. ITatali kita at lalatiguhin!”
“Bakit hindi mo siya gawing sex slave para makabawi ka?” pilyang suhestiyon ni Everest. “It is not as bloody as your first idea.”
“Kailangan kong isigaw dito?” Di yata niya kayang ipagsigawan iyon.
Nagkibit-balikat ito. “Kung ayaw mo ako na lang ang gagawa.” Siya naman ang nagulat sa isinigaw nito. “Scott Fontana, oras na makabalik tayo sa sibilisasyon, kikidnapin kita at gagawing sex slave! Tingnan ko lang kung makatawa ka pa at makapagsungit ka pa sa akin.”
“Crush mo ang kuya ko?” tanong niya.
“Crush? Pinagnanasaan ko siya.” Nagpatuloy ito sa pagsigaw. “Crush sana kita kaso ang sungit mo! Kaya dapat lang sa iyo na maging sex slave para matuto ka ng leksiyon.” At sabay silang nagtawanan. Yeah! It would be fun to teach those men with monumental ego a lesson. Nang mga oras na iyon ay sila lang ang magkakampi ni Everest.
“Anong palagay ninyo sa ginagawa ninyo?” nagngangalit na tanong ng Kuya Scott niya na bigla na lang sumulpot sa likuran nila. “Gusto ba ninyong magka-avalance dito at matabunan tayong lahat.”
Namutla si Everest habang nanlalaki ang matang nakatitig dito. Narinig tiyak ng kuya niya ang banta ni Everest na gagawin itong sex slave. “Narinig mo lahat ‘yon?” nanginginig ang boses nitong tanong.
“Oo. At ng buong Tibet. Umabot pa yata ang boses ninyo hanggang sa India at Nepal. At di ko alam kung ilang avalanche ang nai-launch ninyo. Anong ginagawa ninyo dito sa ilog? BUmalik na kayo sa camp at kumain.”
Nang dumating siya sa camp ay lumapit agad sa kanya si Alessandrace na may dalang pagkain. “Napagod ka yata sa pagsigaw mo. KUmain ka na.”
Nakahinga siya nang maluwag. At least hindi niya ipinagsigawan kanina na gagawin niya itong sex slave. She was safe. Isang ngiti ang naglaro sa labi niya habang pinapanood si Alessandrace sa pagkain. She hated him but he was too handsome. Iyon na ang pinakamagandang parusa niya para dito.
“Anong ningiti mo diyan?” tanong ni Alessandrace.
“Wala,” kaila niya at ngingiti-ngiting ipinagpatuloy ang pagkain. Tiyak na magagalit ito kapag nalaman ang laman ng isip niya. What he didn’t know won’t hurt him.
“BAKIT BA ayaw mong sumama sa amin pababa sa ilog? We need you to scout with us. At kailangan namin ng medical back up after that stunt Dustin pulled,” anang Kuya Scott ni Summeria habang naghihiwa siya ng carrots at patatas para sa soup na kakainin nila. daig pa niya ang magpapakain ng isang batalyong sundalo bukod pa sa mga kasamahan nila sa team. Kapag di siya kailangan ng ground team ay tumutulong na lang siya sa kusina. Mas nararamdaman niya ang silbi niya doon.
“So Dustin did a little stupid flip. Nabukulan lang naman siya at nasermunan na. Kailangan ba ninyo ako doon? Nandoon naman ang kambal sa medics. Kunghahayaan mo akong sumakay ng kayak, sasama ako sa iyo.”
Lalo lang siyang naiinggit sa mga kasamahang nakaka-kayak sa mabangis na ilog. And she didn’t want to see Alessandrace on his kayak either. She felt a bit scared. Inaalala niya na matagal na itong di nag-kayak at baka madisgrasya ito. But he was thriumphant in the end. He was still as agile and graceful as before. Napapanood niya sa mga video na kinuhanan ng Kuya Scott niya. Di na yata siya sanay na nakikita itong nasa peligro ang buhay.
“Alam mo na hindi pwede ngayon. Maybe on our next Tsangpo expedition…”
She gave her brother a blank stare. “Nangako ka sa akin na ngayon ako magka-kayak sa Tsangpo River. Hindi sa susunod na expedition. Not in another lifetime. This is important for me. Nag-aral akong mag-kayak para sa ilog na ‘to. Will you let me paddle a time or two? Iyon lang.”
“It is not me. It is Drace. Maya’t maya akong nakikipag-compromise sa kanya para payagan kang mag-kayak dito. His answer is no. Uuwi na lang daw siya kung makikita ka niyang mag-kayak dito. He cares for you.”
Itinirik niya ang mga mata. “He despises me. Halos magkahawig lang ang sinabi ninyo ni Everest, alam mo ba?”
TUmalim bigla ang mga mata nito. “Huwag mong ididikit ang pangalan ko sa kanya o kahit anong ginagawa ko. That woman…”
Pinakatitigan niya itong mabuti. “Kuya, nagba-blush ka ba?” Halatang iniiwasan ng kapatid niya si Everest mula nang marinig nito ang plano ng dalaga dito na gawin itong sex slave.
“Shut up!” singhal nito sa kanya. Ngumiti na lang siya pero nararamdaman niya na may kakaibang energy sa pagitan ng dalawa. Naapektuhan ni Everest ang kapatid niya.
Lumapit sa kanila si Everest. “Hindi ako gustong kausapin ni Drace para sa interview. Matutulog pa daw siya. I think he is hurt. Baka iyong pagbaligtad ng kayak niya ng ilang beses kanina…”
Di na niya tinapos pang magsalita si Everest. Naghugas agad siya ng kamay at pumunta sa tent ni Alessandrace. NAabutan niya itong nakadapa sa ibabaw ng sleeping bag nito. Makapal na blanket lang ang nakatalukbong sa katawan nito.
Umungol ito. “I told you. I don’t want the damn interview.”
“I am not a reporter. Oras na para kumain.”
“Ayokong kumain. Iwan mo ako,” angil nito.
Tinanggal niya ang thermal blanket nito at tumambad sa kanya ang malaking pasa sa likod ng balikat nito. “Drace, anong nangyari dito? Gamutin natin.”
“Uminom na ako ng pain reliever. Now leave me alone.”
LUmuhod siya sa tabi nito at kinapa ang katawan nito. “Let’s check for broken bones.”
“Nabugbog lang muscles ko. Ako na ang nagsasabi sa iyo. Tumaob ang kayak ko kanina at nahigop ako ng undercurrent. Ihinampas ako sa rock boulder sa ilalim. Mabuti hindi ulo ko. But I will leave.”
“Hindi ka makakatulog nito,” usal niya at marahang pinahiran ng ointment.
“Wala bang ibang pwedeng gumamot sa akin. I don’t want to bother you.”
“Ano lang ba naman ang ginagawa ko dito? Maghiwa ng patatas at carrots. You used to tell me when you are hurt, Drace.”
Laging siya ang gumagamot sa mga injury nito. Alam naman nito kung gaano kaimporante na ma-treat ang mga simpleng injury nila lalo na sa lugar na mataas ang elevation at mababa ang oxygen level.
“You didn’t hate me then.”
“Wala iyong kinalaman sa pagiging part mo ng exploration team. We are still a team.” Kanina lang ay galit na galit siya dito. Ngayon ay napalitan na ng pag-aalala ang galit niya dito. “Kahit sino sa inyo ang masaktan, mag-aalala ako. Tayo-tayo lang ang aasahan ng isa’t isa. Responsibilidad natin ang bawat isa.”
Kapag kaligtasan na ng team members ang pinag-uusapan, isasantabi na niya ang personal niyang nararamdaman dito.
“Ito ba ang buhay na gusto mong buhay, Summeria? Buong buhay mo magka-kayak ka na lang. Will you always thrive on danger, wasting your life away.”
“I don’t call this wasting my life away. May ibang buhay naman ako. But this is my passion. I don’t think I can live without kayaking.” She was a member of the prestigious Explorer’s Club. Malaki ang contribution nila sa mga discoveries na natutuklasan nila sa mga lugar na pinupuntahan nila. She was also planning to write a book about her adventure and people’s different cultures. “At di ako natatakot. Kung oras mo na para mamatay, mamatay ka kahit nasaan ka.”
“How about the deaths?” tanong nito sa malungkot na boses. “Hindi ka pa nagsasawa na nakikitang kinukuha ng ilog ang mga malalapit sa iyo?”
Nagulat siya sa tanong nito. Di niya maigalaw ang kamay niyang gumagamot sa sugat nito. Naalala niya ang tanong ng mama niya noong buhay pa ito. “Di ka pa ba masaya na namatay na ang Papa mo sa ilog na iyan? Gusto rin ninyong mawalan pa ako ng anak?”
Hindi niya magawang sagutin ang tanong nito. Lahat ng kaibigan niya ay naiintindihan kung ano ang pinapasok nila. They loved the adrenaline rush, the pounding water and the beauty of nature. And she thought that death was natural. Di siya natatakot mamatay pero paano ang mga mahal niya sa buhay…katulad ni Alessandrace kanina. Ibang takot ang naramdaman niya. Could she lose him to the river?
“Pagod na ako,” mahina nitong usal at narinig niya ang panatag na paghinga nito.
Di niya alam kung pagod na ito dahil sa sinagupa nitong current at malalaking alon sa araw na iyon o dahil pagod na ang puso at isip nito na makitang masaktan ang mga malalapit dito at mga taong mahal nito.
And she was too cruel to drag him here. Tahimik na ang buhay nito. Malayo na ito sa kamatayan na minsang kinaharap nito. Malayo sa sakit.
Tinapos niya ang paggamot sa pasa nito at inayos ang kumot nito. Hinalikan niya ang ibabaw ng ulo nito. “I am sorry.”