Mabilis ang kilos ni Summeria. Sa nanginginig niyang mga kamay ay isinuot niya ang latex gasket sa leeg at kamay ng drysuit niya. nakaayos na rin ang life vest sa katawan niya. Walang oras siyang sasayangin. Nasasabik na siya sa ilog na nasa harapan niya. It was a Class V water. Perfect for whitewater kayaking.
Nag-aabang ang mga naglalakihang mga bato. Gayun din ang mga nagtatayugang kabundukan ng Himalayas ay nag-aanyaya sa kanya. Pang-akit para sa kanya ang agos ng tubig na nagmistulang alon. Handa na siya sa hamon ng ilog.
“Ate, huwag kang tumuloy. Please!” pagmamakaawa sa kanya ng kapatid niyang si Dustin. Sa paanan niya ay nakalapag ang kayak nito na siyang gagamitin niya sa river assault niya.
“Akala ko ba kakampi kita?” tanong niya habang dino-double check kung nakaayos na lahat pati ang first aid equipment na sakay ng kayak. “Sa palagay mo rin unfair ang ginawa sa akin ni Alessandrace.”
“Oo. Unfair talaga!” sang-ayon nito.
“At may usapan kami ni Kuya na pwede akong mag-kayak hanggang sa malapit sa kinamatayan ni Papa para sa alaala niya. At malapit na tayo doon. Kapag lumagpas ako doon, mas lalong hindi na ako makakapag-kayak.”
Aligaga siya nitong nakakaraang araw. Hindi siya makasakay sa kayak niya kaya naman hindi siya mapakali. Parang wala siyang silbi. She was so frustrated she was driving herself crazy. She worked hard all her life to be here. At hindi siya aalis ng Tibet nang di nagagawa ang misyon niya.
“But you can’t kayak here. Walang kahit sino ang makikipagsapalaran sa tubig na iyan. Lahat sila aakyat ng bundok para doon dumaan.”
Gumuhit ang ngiti sa labi niya nang tingnan ang satellite image ng bahaging iyon ng ilog. Nothing comes close to the real thing. The river was like a monster. Dumadagundong iyon na parang kidlat. Dahil walang sinuman ang maglalakas-loob na suungin ang ilog, walang makakapigil sa kanya na mag-kayak doon. Ito
Pinigilan nito ang kamay niya. “Sinabi ngang di pwede, Ate.”
“Wala ka bang tiwala sa akin? I can do this.” They paddled together since they were kids. At naging habit na ni Dustin na suwayin ang kuya niya. Noong nasa Lhasa pa sila, ang capital ng Tibet, nagawa pa nitong mag-beerhouse at magpakalasing bago ang pagpunta nila sa Tsangpo. At ilang beses na itong na-injured dahil gumagawa ito ng sariling diskarte at di sinusunod ang plano ng grupo. Bakit siya pinipigilan nito ngayon?
“Ano pang ginagawa ninyong dalawa dito? Naghihintay na sila sa inyo,” sabi ni Everest na nagulat nang mapagmasdan siya. “What do you think you are doing?”
“I’m paddling,” kaswal niyang sabi at sumakay sa kayak.
“You can’t do that with that water,” histerikal nitong wika. “Magpapakamatay ka sa ganyan kadelikadong tubig. There’s a steep drop ahead of us. Kahit ang kambal na malakas ang loob at halimaw sa mga drops, di nakipagtalo sa kuya mo.”
Ang drop ay parang maliliit na waterfalls sa ilog. Iyon ang laging inaantabayanan ng mga kayaker. Sa mga drops naipapakita ng mga kayaker ang iba’t ibang klaseng exhibition. Her main purpose was not to impress. She needed this for herself. At di siya natatakot sa matarik na kababagsakan niya mamaya.
“Don’t you want to put a woman’s mark on this trip? Ikaw ang laging nagsasabi sa akin na dapat ipaglaban ko ang gusto kong gawin at ang mga pangarap ko. This is my chance. Magkita na lang tayo mamaya,” aniya at pinadausos ang kayak pababa ng malaking bato.
Nang bumagsak ang kayak niya sa tubig ay napasigaw siya sa sobrang lamig. Winter sa Tibet at sobra sobra ang lamig. Kayang mag-adjust ng katawan niya sa lamig. Ilang beses na siyang nakapag-kayak sa iba’t ibang ilog sa Himalayas. This was nothing new. But it was an exhilarating experience.
Di pa siya nakakahinga ay ipinagbalibagan na siya ng naglalakihang alon at tinangay ng nagngangalit na agos. Nilunod na ng mga kulog ng Tsangpo ang sigaw nina Dustin at Everest. Nakafocus siya sa dambuhalang ilog at ang nagtataasang bundok ng Himalayas sa harapan niya kung saan aagos ang Tsangpo hanggang makarating sa ilog ng India.
Subalit hindi siya maaring maging kampante. Isang pagkakamali lang niya o mapunta lang siya sa maling bahagi ng ilog ay tiyak na ang kamatayan niya.
Bumagsak siya sa may tatlong talampakang drop at nasundan ng anim na talampakan. Tumaob siya at naging maliksi ang kilos niya. iniikot niya ang katawan at ang kayak at nakaahon siya. Itinapon siya ng ilog palayo sa pampang. Pinilit niyang muling makalapit sa pampang at pilit na nilalaban ang agos.
Iyon ang instruction na natanim sa isip niya. di siya maaring lumayo sa pampang para kung magka-problema man ay madali siyang masasagip.
Kailangan ay mabilis ang isip ng isang kayaker. Ang survival niya ay nakadepende sa split-second decision. Ang makaahon mula sa naglalakihang alon at ang iwasan ang mga ipo-ipo sa tubig at paghandaan ang mga drops sa ilog.
Kare-recover pa lang niya nang marinig niya ang nakakabinging dagundong ng ilog. Bumilis nang bumilis ang agos ng ilog. Isang malakas na pwersa ang humihigop sa kanya. Ito na ang drop na iniiwasan ng mga kasamahan niya. The drop that caused her father’s death.
Ang orihinal na plano ay tatawirin iyon ng mga paddler gamit ang kayak pero pinili ng Kuya Scott niya na iwasan iyon dahil sa malaking volume ng tubig. Wala siyang balak na iwasan iyon.
She braced herself. Makakaya niya ang tubig na iyon. Hindi siya natatakot. Wala na ring oras para umurong pa siya. Ito lang ang nag-iisang pagkakataon para makapag-kayak siya. Para sa Papa niya.
Hindi na nila nabawi pa ang katawan nito. The TV network which covered his expedition and death stripped him off of his dignity. Ito na ang pagkakataon niya para bawiin ang lahat ng iyon. Di man niya mabawi ang katawan ng Papa niya, mabawi man lang niya ang dignidad nito.
Parang lumilipad siya nang bumagsak siya mula sa sampung talampakang drop. The water was roaring right before her eyes. Parang bibig ng isang halimaw na nakahanda siyang lamunin.
Umilalim siya sa tubig at parang may isang higanteng ipo-ipong humihigop sa kanya sa baba habang bumabagsak naman ang pwersa ng tubig sa ibabaw niya. Nakabaligtad siya sa kayak niya. Hindi siya makahinga. Kailangan niyang makaalis doon o hindi na siya makakaalis pa.
Nagpilit siyang makawala. Para sa isang kayaker na nasa sitwasyon kagaya niya, maari niyang hilahin ang spray skirt niya na pumipigil sa tubig para makapasok sa cockpit ng kayak niya at lumangoy palayo.
Pero iba ang Tsangpo sa ibang ilog. Isa itong halimaw. Kung aalis siya sa kayak niya, tiyak ang kamatayan niya Hindi siya bubuhayin ng nagngangalit na ilog. Swimming was not an option in this river.
Sa lugar na iyon mismo namatay ang Papa niya. He was caught up underwater. Di na ito nakaligtas pa at tinangay ng malakas na agos.
She felt a pang of panic. Napupuno na ng nagyeyelong tubig ang baga niya niya at malamig na dugo na rin ang dumadaloy sa katawan niya. Kahit anong poglas niya ay di siya makawala sa tubig. Iyon din ba ang mangyayari sa kanya? Tuluyan nang kukunin ng ilog ang buhay niya?
She was too emotionally distraught. Hindi siya sumunod sa Kuya Scott niya dahil mas pinamayani niya ang pride niya at ang kagustuhan niyang mag-kayak. She just wanted to prove something for once – to her father, to her colleagues and even to Alessandrace. Tama ang desisyon niyang mag-kayak.
Mula sa mala-kidlat na dagundong ng tubig ay parang may narinig siyang tumawag sa pangalan niya. “Summeria!”
Her brother Scott and Dustin who were always supportive. They turned her into a tough woman. And she loved them so much. Gusto pa niyang makasama ang mga ito. Oh, her brother Dustin would surely cry. And she didn’t want to see him cry.
“Summeria, come back!”
Alessandrace. The man she loved and the man she loved so much. Para saan? Para mamatay lang dito.
Dati ay hindi siya takot mamatay. Isinuko na niya ang buhay niya sa pagka-kayak kahit gaano kadelikado. Tinalikuran niya si Alessandrace para dito. But was it all worth it. Ayaw niyang mamatay doon. Gusto pa niyang sabihin kay Alessandrace na mahal niya ito. Gusto niyang tumanda kasama ito kung bibigyan siya ng isa pang pagkakataon. Ayaw pa niyang mamatay.
Tsangpo River might not be the ultimate dream for kayakers like her but it was not her ultimate dream. She wanted a life. A normal life. A man who loved her. A family with him. She wanted Alessandrace.
Ginamit niya ang natitira niyang lakas. She focused, she paddled and flipped out of the froth. Nang maingat niya ang ulo ay nakita niya sa pampang ng ilog. Nandoon si Alessandrace, ang mga kapatid niya at kasamahan niya. Even the Tibetan porters lined up. They were cheering for her.
Inubos niya ang lahat ng lakas niya para makapagsagwan palapit sa pampang. Hindi pa niya tiyak ang kaligtasan niya hangga’t di pa siya nakakalapit sa mga ito. She was shaking badly. Nanunuot ang matinding lamig.
Malapit na siya sa pampang nang lambot na lambot na siya para magsagwan. Ihinagis ng mga ito ang hook sa kayak niya at hinila ang kayak palapit sa pampang. She couldn’t move a muscles. Nanginginig na siya sa lamig at hindi na siya makagalaw pa.
Nagtulong-tulong ang mga ito na alisin siya sa cockpit. Pumikit siya. Gusto niyang matulog sa sobrang pagod. “Huwag kang pipikit! Huwag kang matutulog!” narinig niyang utos ni Alessandrace sa tainga niya. There was tremor in his voice as if he was scared and in the verge of crying.
Sinubukan niyang idilat ang mga mata. Inaantok na siya. May matatag na brasong yumakap sa kanya at inangat siya mula sa kayak. Then she heard Alessandrace breath whispering to her. The message was muffled. Wala nang nauunawaan ang inaantok niyang diwa.
But she thanked God she was alive She was finally in Alessandrace’s arms.
ANG mainit na usok ang agad na naramdaman ni Summeria nang magkaroon ng malay. Nananakit ang buong katawan niya. Pakiramdam niya ay ipinagbabalibagan pa rin siya ng agos ng Tsangpo. Nasa loob siya ng main tent na siya ring nagsisilbing medical center at headquarters ng grupo. Maluwag ang paghinga niya. Di gaya noong bago siya mawalan ng malay kung saan nanigas na yata ang baga niya.
Unti-unti muling pumipikit ang mata niya ay muli siyang hinihila ng antok nang marinig niya ang mataas na boses ng Kuya Scott niya.
“This is all your fault, Drace! Sinabi ko na sa iyong pagbigyang sumama si river assault si Summeria. Isa o dalawang beses lang. You are too cruel to give her the chance to do something she worked for and she trained so hard for her whole life.”
Sa naninigas niyang kalamnan ay nilingon niya ang pinanggalingan ng boses ng kapatid niya. Nakatayo ito malapit sa pinto ng tent. Sa tulong ng Coleman na ilawan ay nakita niya ang matinding galit sa mga mata nito habang nakadiin ang braso nito sa leeg ni Drace. Ngayon lang niya nakitang nag-away ang dalawa. At mukhang di mangingiming sakalin ng kuya niya si Drace anumang oras.
Subalit wala siyang mabakas na takot sa mga mata ni Drace. His eyes were also angry but in control. Di tulad ng kapatid niya na sasabog anumang oras. “Cruel? Nakita mo ang nangyari? Muntik na siyang mamatay!”
“She won’t pull that stupid stunt if you allowed her to paddle!” pasigaw na depensa ng kuya niya. “Alam mo kung gaano ito kaimportante sa kanya. At dahil ayaw mo siyang payagan, natural lang na iisip siya ng paraan para makapag-kayak kahit na bawalan natin siya. At wala siyang pakialam kung delikado man. You challenge her and this is what happens. She challenged her own death.”
Nahimigan niya ang lungkot sa boses ng kapatid niya. Her brother loved her so much. He loved her and protected her enough not to spoil her. He trained her to be tough. Pero kapag wala sila sa kayaking expedition, ine-enjoy nito ang company niya. Ito pa mismo ang sumasama sa kanyang manood ng mga romantic movies dahil hindi naman siya nakikipag-date. She loved him and Dustin. At handa itong kalabanin ang pinakamatalik nitong kaibigan para sa kanya.
Akala niya ay basta na lang isinuko ng kuya niya ang lahat ng pangarap niya kay Alessandrace. Pero ipinaglaban siya nito. Naniniwala lang ang kapatid niya sa kompromiso. At sa tigas ng ulo ni Alessandrace, di nito isinuko ang kagustuhan nitong huwag siyang maging bahagi ng river assault team.
Biglang nagbaga ang galit sa mga mata ni Alessandrace. Animo’y naging itim na apoy iyon nang titigan ang kapatid niya. “Alam mong ito ang mangyayari oras na isama mo ako sa expedition na ito, Scott. I don’t want to see her kayaking that monstrous Tsangpo River. Naging consistent ako sa sagot ko sa iyo. I always said “no” to you. Pero anong ginawa mo? You pushed your luck. At si Summeria pa ang ipinadala mo sa akin.” Mariing nagdikit ang mga labi ni Alessandrace habang tinitimpi ang pagsambulat ng emosyon. “Alam mo ba kung ano ang ginawa ng kapatid mo para lang makasama ako dito? Alam mo ba?”
Umungol siya. Sana ay di na sabihin pa ni Alessandrace ang mga nangyari nang gabing iyon. It would ruin her brother for good. He already had enough guilt and responsibility as well. Ayaw na niyang makadagdag pa sa mga problema nito.
“Kuya,” tawag niya dito at nagpasalamat siya dahil may boses pa siya kahit na minamalat siya. “Kuya...”
Nawala ang atensiyon nito kay Alessandrace at nilingon siya. Mabilis na nawala ang galit sa mga mata ng kuya niya ay nilapitan siya. “Are you okay? Ano pang masakit sa iyo? Gusto mo bang kumain?”
Pilit niyang sinagot ang mga tanong ng kuya niya. Nang lumingon siya ay nakalabas na ng tent si Alessandrace. Di nagtagal ay hangos na pumasok si Dustin at si Everest na may dalang tray ng pagkain.
Umiyak agad si Dustin ay sumubsob sa balikat niya. “Ate!”
Natawa siya at napaubo nang manakit ang dibdib niya. Hindi pa rin siya nakaka-recover sa tindi ng lamig at sa pagkakababad niya sa tubig. Her brother was still a little crybaby. Pero alam niyang dahil natakot itong mawala siya.
“It is okay. I am fine.”
“IIwan daw ako ni Kuya Scott sa may kawayanan. Hahayaan daw niya akong kainin ng tigre,” sumbong nito.
“Dapat lang iyon. Hinayaan mong gamitin ng ate mo ang kayak mo,” wika ng Kuya Scott niya at humalukipkip.
“Pwede ba huwag kayong mag-away sa harap ni Summeria. Let her rest!” saway ni Everest sa mga ito. “Dustin, pakainin mo ang kuya mo. At patulugin mo na rin siya pagkatapos. Baka naman siya ang sumunod na casualty natin…”
Akala niya ay makikipagtalo pa ang kuya niya pero ginagap nito ang kamay niya at pinisil. “I am sorry,” anito sa malumanay na boses.
Umiling siya. “No! Ako ang dapat mag-sorry. Dapat nag-isip akong mabuti. Dapat sumunod ako sa inyo. I learned my lesson.” Iniikot niya ang mata sa mga ito. “Pinag-alala ko ba kayo?”
“Like hell!” anang kuya niya. “But you are safe now. That’s all that matters. We are staying here as long as we are okay to move.”
“Bukas lang ready na ako,” aniya at sinubukang bumangon pero napaungol siya nang magprotesta ang mga kalamnan niya.
“All the rest you can get. The rest of the team could also use a rest.” Kinintalan nito ng halik ang noo niya. “Magpagaling ka.”
“Muntik na silang magkasakitan ng kuya mo,” anang si Everest habang pinapakain siya ng mushroom soup. “Nag-aalala silang lahat sa iyo.”
“Si Alessandrace?” hanap niya sa binata.
“Tumuloy agad sa tent niya nang tawagin kami. He is worried about you as well.”
Di siya kumibo at sumubo ng soup. Yeah! He was worried. And maybe he hates her. Ito ang sinisisi ng kuya niya dahil sa pagpapadalus-dalos niya. Alessandrace was right. Hindi nila ito dapat pinilit na sumama sa Tibet. Perhaps he won’t hurt her so much. How could their love turn out this way?