Stallion Island Series Chapter 70

It was a fair weather by Tibetan winter standards. Mas maaliwalas ang langit at naririnig niya ang huni ng ibon. Sa labas ng tent niya ay dinig niya ang malakas na tunog ng agos ng tubig at ang manaka-nakang tawanan ng mga porters pati ang kwentuhan ng mga Sherpa at Chinese interpreter nila.

Nang lumabas siya ay nakita niyang kanya-kanyang pwesto ang mga ito habang kumakain ng agahan. Hahanapin sana niya ang mga kasamahan niya nang makita niyang palapit sa kanya si Alessandrace dala ang tray ng pagkain.

“Bakit bumangon ka na?” tanong nito. “Di ka pa dapat gumagalaw.”

“I feel better now. Kahit ngayon pwede na tayong lumipat.” Luminga siya. “Nasaan ang iba?”

“They went to the river. Fishing.”

“Hindi ka sumama sa kanila?” tanong niya.

“Kailangang may magbantay sa iyo. Bumalik ka na sa loob ng tent mo para makakain ka na. Hindi ka pa dapat bumangon.”

Sumalampak siya sa ilalim ng puno. “Sa palagay mo ba tatagal ako sa loob ng tent. Di nga ako magtataka kung iiwan ninyo ako dito sa tigas ng ulo ko.”

“Iiwan ka namin dito kapag di ka kumain ng mabuti.”

Yak’s milk agad ang ibinigay nito sa kanya. Gatas iyon ng hayop na kapamilya ng baka na inaalagaan sa Tibet.

He was more calm now. Inaasahan kasi niya ay di na naman siya nito papansinin kapag nagkita sila. She was a major pain in the butt. Pero naiwan pa ito sa camp para alagaan siya.

Tinitigan niya ito habang humihigop ng soup. Nanlalalim ang mata nito at mukhang pagod na pagod ito. “Nakatulog ka ba kagabi? Kumain ka na ba?”

“Ikaw itong muntik malunod. Huwag ako ang intindihin mo. Mamaya magpapadasal sila para sa Papa mo at para na rin sa kaligtasan mo at nating lahat. It is a miracle that we got this far.”

Sa expedition ng papa niya ay nagsibalik na ang lahat ng crew nang malunod ito. Nobody dared to go further.

“Sana ituloy pa rin natin kahit na palpak ako. May goal pa ang team. Ang marating ang Hidden falls at rainbow falls hanggang sa kung saan ang kaya nating marating. I mean, I will be good. And I am sorry for being stupid.”

Her brother nearly had a breakdown according to Dustin. Ito ang nagbantay sa kanya nang nagdaang gabi. Habang si Alessandrace ay di daw mapakali habang nasa labas ng tent niya. malamang ay nagbantay din ito. Di lang nagpakita sa kanya. Siguro ay nag-aalala ito nang masaktan siya. Pero kapag magaling na siya, tiyak na sesermunan siya nito.

Subalit di ito kumibo hanggang makatapos siyang kumain. He just had that sullen look in his face. Inaalalayan siya nito pero di man lang ito nagsalita. Di niya alam kung tinatanggap na nito ang sorry niya.

“Magpahinga ka na ulit sa tent mo,” sa wakas ay sabi nito nang bumalik ito matapos alisin ang pinagkainan niya.

“Gusto kong maglakad-lakad. Di naman ako lalayo. Please.”

Tumango lang ito at inalalayan siya. There was the silence again. His politeness was killing her. Sinaktan na naman niya ito. Pero mas gusto niyang magalit ito sa kanya kaysa di niya alam ang laman ng isip nito.

Kumapit siya sa braso nito at tumigil sa paglalakad. “Drace, I am sorry. Hindi ako dapat nag-kayak nang di ninyo alam at hindi sa lugar kung saan walang nagtangkang mag-kayak sa inyo. That was selfish of me. Sarili ko lang ang iniisip ko. inilagay ko sa alanganin ang buhay ko pati ang misyon ng buong team. I’m sorry.”

She felt really bad. Saka lang niya naisip ang pagkakamali niya. Sana lang ay mapatawad siya ng lahat. At maiintindihan niya kung galit ito sa kanya.

Ibinulsa nito ang kamay sa pantalon nito. parang takot itong hawakan siya. “No. I should apologize. Hindi kita dapat pinigilan na gawin ang lahat ng gusto mo.”

“Dahil ba sa sinabi ni Kuya? Don’t mind him! Kasalanan ko naman talaga.”

TIningnan siya nito ng direkta sa mga mata. Puno ng lungkot ang mga mata nito. “No. I just care about you so damn much. I never stopped caring.” Hinawakan nito ang balikat niya. “Ayoko lang makitang tangayin ka ng ilog at di ka makita pa ulit na buhay. I don’t want to watch you die because it will kill me as well.”

May himig ng paghihirap sa boses nito. Patindi nang patindi ang lungkot sa mga mata nito. As if he was still holding so much emotion back.

“Bakit, Drace?”

Gusto niyang malaman kung bakit masasaktan ito kapag nawala siya. They gave up on each other years ago. He even dates another girl. Minsan lang ito nagpakita ng interes sa kanya- nang huling gabi niya sa Stallion Island. At sa paningin nito ay di na siya ang babaeng minsang minahal nito.

Hinaplos nito ang pisngi niya. “Because I love you still. Gagawin ko ang lahat para protektahan ka.”

Nahigit niya ang hininga. Hindi niya iyon inaasahan mula dito. Akala niya ay tuluyan na siya nitong kinalimutan at hanggang ilusyon at pangarap na lang na mahal pa rin siya nito. Hindi niya magawang magsalita. Nakakabingi ang tibok ng puso niya. Parang agos ng Tsangpo River.

Inaral ng daliri nito ang bawat bahagi ng mukha niya. Ang labi, ang ilong niya at ang mga mata. PArang isa siyang babasaging bagay na mababasag. “Ayokong matulad sa Mama mo. She died when she lost your father. At namamatay siya tuwing nagka-kayak kayong magkakapatid. Na baka mawala rin siya sa inyo.”

Ang alam niya ay ayaw din ng Mama niya kay Alessandrace. PAlagay kasi nito ay madadali ang buhay nito. “Bakit alam mo ang tungkol diyan? Nagkausap ba kayo ni Mama?” Her mother was not a happy woman. She lost her light when her father died at sinubukan nitong higpitan silang magkakapatid lalo na siya. At habang pinipigilan sila nito ay lalo lang nilang minahal ang pagka-kayak.

Marahan itong tumango. “Umaasa siya na makakatagpo kayong magkakapatid ng taong magmamahal sa inyo na magpapatigil sa inyo sa pagka-kayak at magiging normal na ulit ang buhay ninyo. Kaya niyaya kitang magpakasal. Nakiusap siya sa akin na dalhin kita sa isang lugar kung saan magkakaroon tayo ng buhay na iba sa gusto mong tahakin.”

“At hindi kita pinagbigyan,” aniya sa mapait na boses at nangilid ang luha sa mga mata nang maalala ang kasunod niyon. “At namatay si Mama sa sama ng loob sa akin. Pakiramdam niya wala na kaming pag-asang magkakapatid. Mamamatay kami nang gaya ng nangyari kay Papa.”

Niyakap siya nito. “It is not your fault. It is your choice. It is your life. At marami kang na-achieve. Ito ang nagpapasaya sa iyo.”

Umiling siya at pinunasan ang luha sa mata. “pero hindi kasing saya nang kasama pa kita. kahit na ilang ilog pa ang tawirin ko, wala ka naman doon para maghintay sa akin. Natiis ko iyon. Minahal na lang kita habang nasa malayo ako. Habang nasa ilalim ako ng tubig kahapon at di makaahon, akala ko mamamatay na ako. Narinig ko ang mga boses ninyo. Sabi ko ayokong mawala sa mundong ito nang may pinagsisisihan. I didn’t get to say sorry for hurting you. That bringing you here is torture on your part. At kapag nabuhay ako at tinanong mo ako kung ano ang gusto ko – ikaw o ang kayaking – ikaw ang pipiliin ko. Because I love you. And it also broke my heart when you left me.”

Tumingkayad siya at hinagkan ang labi nito. He answered her with a slow kiss. Na parang natatakot ito na masaktan siya o mabasag. But she didn’t care if she’d break. Isinusuko na niya ang lahat dito. Her heart, her life and soul. Kayaking and the river was the farthest thing from her mind at the moment. All that matters to her was Alessandrace and his kiss.

Idinikit nito ang labi sa noo niya nang maghiwalay ang labi nila at hinapit nito ang katawan niya palapit dito. “No pressures, Summeria. Hindi kita papipiliin sa akin at sa kayaking kahit na alam kong mahal mo pa rin ako.”

“Siyempre ikaw na ang pinili ko.”

“Listen!” Hinawakan nito ang baba niya. “Kahit ayokong mag-kayak ka, alam ko na kailangan mo itong gawin dahil nasa dugo mo ‘to. It is your dream and you have to do it for your father. Wala akong karapatang pigilan ka.”

Nagsalubong ang kilay niya. “Okay lang sa iyo na mag-kayak ako kahit na muntik na akong mamatay?”

“You are the best woman kayaker in the world if only you’d listen to team instruction. Hindi na kita pipigilan. I promise to get you home safely,” anito at kinintalan ng halik ang labi niya.

“About our deal...” That master-slave thing was still on she supposed.

“It will always be your choice from now on.” Huminga ito ng malalim at tumingala. “Alam ko parang ipinamimigay kita kay Kamatayan. I might even regret this later because right now it is already killing me. Pero kung hahawakan kita sa leeg nang mahigpit, parang ako na rin ang pumatay sa iyo.”

Ngumiti siya ng malapad at pinagkikintalan ng halik ang labi nito. “You are super!” Mas mahal na niya ngayon. Alam niyang marami itong isinuko para lang mapagbigyan siya. But he was giving her freedom to choose anway. “I won’t pull anymore selfish, stupid stunts. Promise! And I won’t let my stupid stubborn streak clloud my judgment.”

“Good! So were are good.”

“Make that together again.” Yumakap siya sa baywang nito at tinangala ito. “Maybe this is the part where you should kiss me.”

Natigilan ito. “I thought this is the part where you will help me talk to your brother. Wala pa rin siyang kinakausap mula kagabi maliban kay Dustin. Para lang sabihin na magpapadasal tayo para sa Papa mo at sa lahat.”

“I am sure hindi pa kumakain si Kuya. Dalhan natin ng breakfast para bati ulit kayo. Kulang lang sa kain iyon.”

At tiyak niyang matutuwa ang Kuya Scott niya oras na malamang nagkabalikan na sila ni Alessandrace.

Ginagap niya ang kamay nito nang pabalik sila sa camp. Marami pa silang dadaanang matitinding pagsubok pero habang hawak niya ang kamay ni Alessandrace, alam niyang ligtas siya.

His love would always protect her.

“WHOOO! I am the king of the world!”

Natawa silang lahat habang nakataas ang dalawang kamay ni Dustin at naka-pose para sa camera habang nasa likuran nito ang Hidden Falls. Dambulaha ang ilog na kinababagsakan niyon at halos magsigawan sila para magkarinigan.

Huminga siya nang malalim. Hindi na niya susubukan pang hamunin ang bahaging iyon ng Tsangpo na dadaan sa kabundukan ng Hiimalayas at babagsak ang India. Malaking achievement nang marating nila ang lugar na iyon na iilan pa lang ang nakakakita.

Niyakap ni Alessandrace ang baywang niya at inabot ang ligaw na bulaklak sa kanya. “For your father.”

Kinuha niya ang bulaklak at ihinagis sa falls. “Sana masaya na siya. Oras na malaman ng mundo ang accomplishment ng team, naibangon na rin naming magkakapatid ang dignidad niya.” Then she uttered a simple prayer.

Isang bulaklak pa ang inabot nito sa kanya. “For your mother.”

Ihinagis niya iyon sa tubig. Hindi rin niya dapat kalimutan ang mama niya. Ito ang nangarap sa kanya nang mas maayos na buhay. “I am sorry if I hurt you, Ma. Pero hindi madaling maging anak ninyong dalawa ni Papa. Pero alam ko na masaya ka na ngayon dahil may taong mag-aalaga at magmamahal sa akin.” At nakangiti niyang tiningala si Alessandrace. “And he won’t leave me anymore.”

Magkahawak-kamay silang naglakad pabalik sa camp nila sa bayan ng Tsachu. Tapos na ang misyon nila sa lugar na iyon. Nagsisimula na namang magplano ang Kuya Scott niya ng iba pang ilog na pwede nitong i-kayak. He was really unstopable.

“Let’s go home,” nawika na lang niya kay Alessandrace.

NAGKAKATUWAAN ANG miyembro ng Tsangpo expedition team sa beach ng Wave Village kung saan isang enggrandeng victory party ang ibinigay dito ng mga village lords at ng miyembro ng Stallion Island.

Laman sila ngayon ng mga sports magazine at kabi-kabila din ang mga interview nila sa local TV networks at maging sa abroad. May mga offer na rin ng endorsement sa kanila. At siyempre, pinakauna na ang Stallion Shampoo commercial para sa kanya.

Aliw na aliw ang mga kasamahan niya sa mga belly dancers at sa pakikisaya sa ibang mga miyembro at bisita para mapansin ang pasimple niyang pagtalilis papunta sa mas tahimik na bahagi ng beach kung saan bumababa ang tubig ng Hidden Mist Falls papunta sa dagat.

“Hindi ka pa rin natututo ng leksiyon, Miss Fontana? You shouldn’t walk this island alone unless you are asking for trouble.”

Hinarap niya ang guwapong nobyong si Alessandrace. He looked quite young in his white polo shirt and khaki shorts. “I am not asking for trouble. I just want a little privacy with you.”

May mga pagkakataon na inaakala niyang di na siya makakalabas ng Tibet ng buhay. But he was always there to back her up and protect her. Malaking bahagi ng trip ang napagtagumpayan nila dahil dito pero pinili nitong i-downplay ang contributions nito. Mas inangat nito sa interview ang ibang miyembro ng team.

At sa pagbalik nila sa sibilisasyon ay di pa rin siya nito iniwan. Kailangan kasi nitong laging ipaalala sa ibang lalaking umaaligid sa kanya na may boyfriend na siya. Lagi niyang idinidiin ang pagiging tai chi master ni Alessandrace. Sapat na para mabahag ang buntot ng mga ito.

“Napag-isipan mo na ba ang Stallion Shampoo commercial?” tanong nito.

Nagkibit-balikat siya. “I want the women who dares concept. Pero siyempre pag-iisipan ko pa. Wala akong planong pumasok sa magulong mundo ng showbusiness lalo na’t importante sa iyo ang privacy mo.”

Hinapit nito ang baywang niya. “Pinaghahandaan mo na ba ang pagpunta ninyo ng team sa isang Venezuelan river expedition?”

“No. Lie low muna ako sa mga exhilarating river adventures nila.”

“I’m glad. But I hope not because of me.”

Tinitigan niya ito. Alam niyang kahit gaano ito ka-supportive sa kanya ay may matindi pa rin itong takot sa dibdib na lagi nitong nilalabanan. And he was tired of his friends dying away on the river. “No. Ultimate dream ko na ang pagpunta ko sa Tibet. Nagawa ko na ang misyon namin para kay Papa. Oras na siguro para tuparin ang isa ko pang pangarap.”

“Ano iyon?”

“Sabi ko pakakasalan kita kapag nakauwi ako galing sa Tibet.” She smiled sheepishly. “Will you marry me, Alessandrace Sandejas?”

Nagsalubong lang ang kilay nito at tinitigan siya. “I don’t think I can accept that, Summeria.”

Namutla siya at parang binagsakan ng matalim na kutsilyo ang dibdib niya. “A-Akala ko…” Akala niya ay mahal siya nito. Anong nangyari? Bakit bigla ay ayaw na nito na pakasalan siya?

Gumuhit ang ngiti sa labi nito. “I should be the one proposing, silly!” Isang singsing na may Stallion Island insignia ang isinuot nito sa daliri niya. “Hindi na siguro ako dapat magtanong since inunahan mo ako na mag-propose. This is more than an engagement ring. This is Stallion Island’s forever ring and I want you to spend forever with me.”

Kinagat niya ang labi habang pinipigilang mapaiyak. NIyakap siya nito nang mahigpit nang maisuot na ang singsing sa kanya. “I don’t know if I really deserve this but yes. I want to spend forever with you.”

“You can still kayak if you want. Alam ko may ini-reserve na slot sa iyo para magturo ng kayaking dito. It is not some wild kayak adventure, I know. But I won’t mind if you will try the Hidden Falls when you are bored.”

Mababawasan marahil ang pagka-kayak niya kapag nag-concentrate na siya sa magiging pamilya nila ni Alessandrace. And they would give their children the chance to experience more in life. Kahit pa anong gusto ng mga ito.

And she had a lot of things to do with him forever. The first was a kiss. At di na siya nag-aksaya ng oras para halikan si Alessandrace. What a life!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.