Fresh na fresh ang pakiramdam ni Sissy matapos ang Stallion Shampoo shower niya. Nae-enjoy na kasi niya ang pagtatrabaho sa Lighthouse Restaurant. The members of the club were nice even if they were well off. Malakas din mag-tip ang mga ito na pinaghahati-hatian ng mga staff. Kaya kailangan niyang laging maganda, energetic and on time sa trabaho. Di niya masisilayan ang mga kaguwapuhan kapag napatalsik siya sa isla. Sayang naman ang pagkakataon.
Alas siyete ang duty niya para sa morning shift. Kalahating oras bago ang duty niya ay nag-aabang na siya sa labas ng lodging house. May kalayuan din kasi ang lodging house nilang nasa Central Town sa Lighthouse na nasa Thunder Village.
Pakanta-kanta pa siya habang hinihintay ang E-jeep. Nagngitian ang ibang mga trabahador na kasabay niyang naghihintay. Ngiti lang din siya. Ano ngayon kung wala siya sa tono? Maganda naman siya.
Pero mukhang mawawala talaga siya sa tono sa araw na iyon dahil sampung minuto na ang lumilipas ay wala pa rin ni anino ng E-jeep. “Naku! Mukhang nasa kabilang parte pa sila ng isla, ah!” hula ng isa. “Baka marami silang guest na.”
“Maglakad na lang tayo,” suhestiyon ng isa.
Pakanta-kanta pa siya hanggang mapansin niya na siya na lang ang maiiwan sa waiting shade. Walang problema ang mga ito sa paglalakad dahil sa mga kalapit na village lang ang trabaho ng mga ito.
“Naku! Twenty minutes na lang.” Kapag di pa siya umalis doon at naghintay ng e-jeep, male-late siya tiyak. “Sige na nga. Makapag-alay lakad na lang.”
Baka sakaling makarating siya on time kung simulan na niyang maglakad. Baka rin may masalubong siyang e-jeep. Mabuti na lang at low-heeled shoes ang suot niya kundi ay dusa ang pag-aalay lakad niya.
Palabas na siya ng Central Town nang may itim na kabayong humagibis sa tagiliran niya. May isa pang puting kabayo iyon na kasunod pero bumalik sa kanya.
“Hey! Good morning!” bati ni Yllac na sakay ng puti na kabayo.
“Sir Yllac!” Nang sulyapan niya ang pasahero ng itim na kabayo ay awtomatikong dumilim ang mukha niya sa nakasimangot na si Torque. “Good morning!” pormal niyang bati. Bahagya naman siya nitong tinanguan. Suplado talaga ang kumag. Sayang. Gusto sana niyang sabihin na guwapo ito kahit na pawis na ito mula sa pagho-horseback riding.
“Papasok ka na ba?” tanong ni Yllac.
Tumango siya. “Yes, Sir. Kaso walang e-jeep. Male-late na nga ako.”
“At maglalakad ka papuntang Thunder Village? Are you serious? Ang layo no’n.” Inilahad nito ang kamay sa kanya. “Why don’t hitch on my horse?”
Napatitig siya sa nakalahad nitong palad. “Talaga, Sir?”
“Oo naman. Kaysa naman ma-late ka pa.”
Nagningning ang mga mata niya. Parang isang fairy tale iyon na makaka-angkas niya sa kabayo ang isang prinsipe. Sino ba naman siya para tumanggi?
“Hindi mo siya pwedeng iangkas sa kabayo mo, Yllac.”
Sinibat niyang matalim na tingin ang kontrabidang si Torque. “At bakit naman hindi?” sabay nilang tanong ni Torque. Naku! Pwede nang pumantay sa matayog na kastilyo ni Prince Rostam sa The Peak ang taas ng kilay niya.
“Nagpapagaling pa lang sa injury si Silver Wind,” paliwanag ni Torque. “Baka lalo lang ma-injured iyan kapag nag-angkas ka. Mabibigatan siya.”
Naku! Kasing taas na ng Mt. Everest ang kilay niya. Pinalalabas ba nito na pagkabigat-bigat niya kaya di siya kakayanin ng kabayo? Asar na talaga siya!
“Pero male-late si Sissy kapag di ko siya naihatid sa Lighthouse,” nag-aalalang wika ni Yllac.
“Iaangkas ko na lang siya,” prisinta ni Torque. “Dark Knight is faster after all. And I think he can accommodate no matter how heavy the extra passenger is.”
“Mabuti pa nga, pare,” sabi ni Yllac.
Humalukipkip siya nang sumingit sa pagitan nila ni Yllac si Dark Knight at ang antipatiko nitong amo. INilahad ni Torque ang kamay pero di niya pinansin.
Inaasahan ba nito na basta-basta siyang sasakay sa kabayo nito matapos nitong dustain ang pagkatao niya? Nangangarap ito ng gising.
“Sumakay ka na,” wika ni Torque.
“Wala akong pampagamot sa kabayo mo kapag napilayan iyan sa bigat ko.”
“He will be fine. Kay Prince Rostam ko mismo siya binili and he guaranteed that he could take another weight as heavy as yours. Or I will get my money back. Saka baka ma-late ka. Mabait si Darwayne pero ayaw niya sa mga late.”
Napilitan siyang hawakan ang kamay nito at buong lakas na sumampa sa kabayo nito. “Sigurado ka na hindi ako ihuhulog ng kabayo mo?”
“Basta kumapit ka lang mabuti sa akin para hindi ka malaglag.”
Nag-aalangan siyang kumapit sa baywang nito. “G-Ganito?”
Drat! Nanginginig ang katawan niya. Ngayon lang siya kusang yayakap sa katawan ng isang lalaki. Pa-Maria Clara kasi siya kay Leo noon. Nagpapaalam pa ito kapag yayakap sa kanya. Di siya ang nauunang magprisinta.
“Hindi ganyan.” Hinila ni Torque ang dalawang kamay niya at iniyakap na mabuti sa baywang nito. Napasandig ang katawan niya sa malapad at matipuno nitong likuran. “Ganyan ka lang hanggang mamaya, ha?”
“Ganito lang?” Di rin ba siya hihinga habang nakayakap dito? Hanggang mamaya rin ba manginginig ang buong katawan niya? First time niyang sasakay ng kabayo na may kaangkas na guwapong masungit. Nagra-riot
“Huwag na huwag kang bibitaw kahit na anong mangyari.”
“Torque, ingatan mo si Sissy!” bilin ni Yllac.
“Sure. Mag-meet na lang tayo sa Banyan Tree,” wika ni Torque at saka nito pinahagibis ng takbo si Dark Knight.
Namanhid siya sa malamig na hangin na humahampas sa katawan niya. Wala siyang pagpipilian kundi isubsob ang mukha sa likuran nito at kumapit na mabuti.
Huminga siya nang malalim. Parang hamog sa umaga ang scent ni Torque. Very refreshing. Ang bango. Noon din siya naging aware sa matikas nitong kalamnan at matigas nitong muscles. Pumikit siya at isinandig ang pisngi niya sa likuran nito.
Nagsimula siyang mangarap na isa itong prinsipe at isa siyang prinsesa. At dadalhin siya nito sa isang maganda at matayog na palasyo. Pwedeng yumakap na lang siya dito habambuhay? Kahit huwag na itong magsalita basta hayaan lang siya nitong yakapin ito. Bakit naman kasi may hotness factor ito? Masarap itong yakap-yakapin ang pisil-pisilin ang muscles nito.
“Okay ka lang?” untag nito sa kanya.
“Oo naman. Okay na okay lang ako dito,” nakangiti niyang wika at nananatili pa ring nakapikit.
“NAndito na tayo.”
“Sa palasyo?” tanong niya. Then she opened her eyes dreamily.
“Sa trabaho mo,” mariin nitong sabi.
“Ha?” Saka lang niya nakitang nasa harap na sila ng Lighthouse. At hindi na ang Prince Charming niya ang kasakay niya kundi ang nuknukan ng sungit na si Torque. Saka lang siya nagising mula sa pangangarap niya at biglang kumalas sa pagkakayakap dito. “Di mo naman kasi sinasabi.”
“Nananaginip ka pa yata,” anito at naunang bumaba ng kabayo. Hinawakan nito ang baywang niya at walang kahirap-hirap na hinila siya pababa.
Nanginginig pa ang tuhod niya mula sa horse ride na iyon. Nang tingnan niya ang relo ay sampung minuto lang nilang tinakbo ang Lighthouse. Kaya naman pala mahilo-hilo siya sa sobrang bilis nito.
Parang matutumba siya nang hawakan nito ang balikat niya para mabawi niya ang balanse niya. “Huwag masyadong kakain ng madami, ha? Namimigat ka na. KOnting exercise naman,” sabi nito at pasimpleng inayos ang nagulo niyang buhok.
Tuluyan nang naputol ang magandang panaginip niya sa mga hirit nito. “Salamat, ha?”
“You’re welcome!” anito sa pormal na boses.
“Salamat sa panlalait!” nanlalaki ang mata niyang wika. “Tuwing bubuka iyang bibig mo, wala ka nang sinabi kundi panlalait.”
“Ganoon ba?” nakakunot-noo nitong wika. “Sige. Suklayin mo na iyang buhok mo at baka akalain nila na may Halloween party ngayon. Mas malapit na hamak ang Mahal na Araw sa kalendaryo. Di bagay ang ayos mo.”
Dali-dali niyang pinadaanan ang magulo niyang buhok ng daliri at nagdadabog na pumasok ng restaurant. Mabuti na lang at instant ayos ang buhok niya sa Stallion Shampoo kundi ay nadagdagan ang stress niya.
NGumisi siya. Di bale nang asarin siya nito. Nakarating naman siya on time sa trabaho. Nakayakap pa siya at nasinghot ang bango nito. Di araw-araw na may mag-aangkas sa kanya na Stallion boy sa kabayo nito.
HUwag lang talagang bubuka ang bibig ni Torque ay perfect prince na ito.
HALOS mabasag ang eardrums ni Sissy habang isine-serve ang lunch ng mga Sirens, isang grupo ng mga kababaihang guest sa Stallion Island na ang tanging purpose sa buhay ay makaakit ng mga Stallion Boys. Kanya-kanyang pagpapaganda ang mga ito habang rumarapido ang bibig tungkol sa kagandahan ng mga ito at kung sino sa mga members ang sisiluin ng mga ito.
Takip-takip ni Kukai ang palad sa tainga nito nang lumapit siya sa counter habang nakatirik ang mata nito. “Utang na loob! Ang iingay nila! Basta sa akin si Prince Rostam,” gagad nito sa dialogue ng leader ng Sirens. “Lahat naman ng lalaking guwapo at mayaman dito gusto nilang pagparte-partehan.”
“Pabayaan mo na sila sa kaligayahan nila,” aniya at kinuha ang listahan ng mga stocks sa kusina na kailangan niyang i-inventory.
“Kahit si Torque mo gusto nilang pag-agawan.”
“Ay, goodluck sa kanila!” Wala namang babaeng malakas ang loob na lalapit kay Torque. Hanga siya sa babaeng makakapagpaamo kay Torque.
“Hindi ka nagseselos?”
“Hindi ko siya gusto,” kaila niya. Di naman niya ikakaila na may attraction siyang nararamdaman kay Torque. Kaya lang imposibleng pansinin siya nito. Kung ang ibang babae ay di nito pinapansin kapag kinakausap ito, siya naman ay madilim agad ang mukha oras na makita siya. Parang asiwang-asiwa ito sa mukha niya. Mukhang galit ito sa mga ubod ng ganda na tulad niya.
Papunta siya sa stock room nang harangin siya ni Yllac. “Hey! Day off mo daw bukas sabi ni Kukai. May ka-date ka na ba?”
“Oo. Mga labahin ko. Natambakan na ako, eh.”
Lagi kasing madami ang customers sa restaurant. Kahit na day off niya ay pinapatawag pa rin siya ni Darwayne. Di tuloy niya ma-enjoy ang day off niya.
“Go out on a date with me,” alok nito.
“Date? Seryoso ka?” May mga nagyaya na ng date sa kanya noon pero tinanggihan niya dahil mga kilalang playboy. Di niya inaasahan na may mabait na tulad ni Yllac na magyayaya sa kanya.
“Oo naman. Di ka naman siguro buong maghapong maglalaba. Your friend Leica told me that you are too busy to explore the island. Ako na ang guide mo.”
Tipid siyang ngumiti. “Pag-iisipan ko muna, ha?” Serious business kasi ang paglalaba sa kanya. Ayaw naman niyang magpa-laundry dahil mas may tiwala siya sa laundry skills niya kaysa sa makina.
Sinulyapan nito ang relo. “May isang oras akong meeting kasama ang mga Sirens. Siguro naman makakapag-isip ka na tungkol sa alok ko.” At saka pumunta ito sa table ng mga Sirens kung saan halos pag-agaw-agawan na ito.
“Diyos ko! Tumawag tayo ng security. Kawawa naman si Sir Yllac. Bakit kasi nakipag-date siya sa mga babaeng iyan?” tanong ni Kukai.
“Para tumulong sa mga projects niya.” Isang social entrepreneur si Yllac na tumutulong sa mga mahihirap. “Para may pakinabang sila sa lipunan.”
Kinalabit siya nito. “Ikaw? Inaalok ka rin niya ng date. Bakit ka tumanggi?”
“Sabi ko pag-iisipan ko muna.”
“Yllac del Rio na iyon, Ma’am. Tatanggi ka pa?”
Tinapik niya ng ballpen ang folder ng inventory files niya. “Uuunahin ko muna ang trabaho.” At pumunta na siya sa stock room. Madali lang maghanap ng ka-date sa isla. Pero ang trabaho ay hindi niya pwedeng ipagpaliban.
Di pa siya nagtatagal sa stock room nang biglang bumukas iyon at hangos na pumasok si Torque. Pawis na pawis ito at mukhang namumutla.
“O, bakit?” tanong niya.
“Pwedeng dito muna ako? Ayoko kasing makita ang mga Sirens na iyon.” Sumandal ito sa pader habang pinakakalma ang paghinga. “They are scary. Ang kapal ng make up at ang hahaba ng kuko. They are like creatures of the night. Parang gugulanitin niya ang kaluluwa ko.”
Di niya maiwasang matawa dahil ngayon lang niya nakitang may kinatakutan si Torque. Isang matalim na tingin lang kasi nito ay naglalayuan na ang mga babae. Kahit ang ilang members doon ay maingat magsalita dito.
“Ay! Bawal maglaro ng tagu-taguan dito,” pang-iinis niya. “Come on! Di naman siguro nila kakainin ang lamang loob mo. Mabuti nga may mga babaeng nagtitiis sa iyo.”
Matiim lang siya nitong tiningnan pero nakapinid ang bibig. Mukhang gusto siya nitong sindakin pero piniling manahimik dahil naroon ang kaligtasan nito.
“Torque, where are you?” narinig niyang tawag ni Francey na member ng Siren. “Ang daya mo! Sabi mo pupunta ka lang sa restroom. Hinanap kita pero wala ka naman.”
Mariing pumikit si Torque. Then he clenched his teeth. Habang hanga naman siya sa tatag ng loob ng mga Sirens. Pati CR ng mga lalaki ay ini-invade sa ngalan ng pag-ibig. “Uy, lumabas ka na! kawawa naman iyong naghahanap sa iyo.”
“Shhh!” saway nito at pumunta sa kaloob-looban ng stockroom. Talagang takot ito sa mga babaeng mukhang espasol.
May kumatok sa pinto at kasunod niyon ay ang boses ni Francey. “Torque! I will be gentle with you. Huwag mo na akong pahirapan.”
Siniko niya si Torque na kadikit lang niya dahil sa portion na iyon ang ini-inventory niya. “Tagu-taguan maliwanag ang buwan,” bulong niya at bahagyang inilapit ang mukha dito para lalong idiin ang pang-iinis. “Pagbilang kong tatlo ang di lumabas sa stockroom ay ibubuko ko.”
NAnlaki ang mata nito. “Don’t dare me…”
Hindi siya nasindak sa panlalaki ng singkit nitong mata. Minsan lang niya malaman kung ano ang weakness nito. Minsan lang niya itong maiinis.
“Isa. Dalawa…”
Bigla nitong kinabig ang batok niya at hinapit ang baywang niya. Then his lips were glued to hers in an instant. Naparalisa ang buong katawan niya. The kiss was supposed to be a punishment. But when his lips moved against hers, the world around her changed. Parang lumulutang siya sa alapaap habang kumakalat ang sensasyon ng halik nito sa buong katawan niya. She had been kissed before but Torque was a damn good kisser. And it served its purpose. Di na niya magagawa pang sumigaw. And she didn’t mind as long as the kiss would go on forever.
Biglang bumukas ang pinto at bumaha ang liwanag. Bigla silang naghiwalay ni Torque. Tinakasan ng kulay ang mukha niya dahil naroon ang Sirens at manghang nakatingin sa kanila pati na rin si Yllac.
“A-Anong ginagawa mo sa Torque ko?” nanggagalaiting tanong ni Francey.
“Baka ikinulong ng bruhang iyan. Tapos pinagsasamantalahan niya,” bintang ni Raine at inalog ang braso ni Francey. “Nilapastangan niya si Torque.”
And Francey went into hysteria. Muntik pa siyang sugurin kundi lang ito napigilan ni Yllac. Awtomatiko naman siyang inilalagay ni Torque sa likuran nito. Lutang pa rin ang utak niya at tulala. Kanina lang ay nakikipagtaguan si Torque. Tapos ay hinalikan siya nito. Ngayon naman ay nagkakagulo dahil lang sa halik na iyon. Inosente siya! Wala siyang ginagawang masama.
“I kissed her, alright. Di niya ako pinilit. Sissy and I are dating kaya huwag mo na kaming guluhin. Maliwanag?”
“Paano ako?” mangiyak-ngiyak na tanong ni Francey.
“Girl, walang taste ang Torque na iyan. Pumunta tayo sa kay Kreige,” anyaya ng leader ng Sirens na si Merian.
“Sinabihan tayo ni Kreige. Saka lang daw niya tayo papansinin kapag naging kabayo na tayo,” paalala ni Raine.
“Huwag ka ngang kumontra. Let’s go!” At poise na poise na nag-alisan ang mga Sirens para sa bagong biktima ng mga ito.
Nanlalambot siyang napasandal sa pader nang makaalis na ang mga ito. Grabeng eskandalo iyon. Di niya alam kung anong gagawin.
“Are you okay?” halos sabay na tanong nina Yllac at Torque. Pareho ring nakalahad ang palad ng mga ito sa kanya.
Kay Yllac ang tinanggap niya. Napaka-unpredictable kasi ni Torque. Di niya alam kung ano ang pwede nitong gawin sa kanya. Mas safe siya kay Yllac.
“I-I am okay. Hindi naman nila ako naano,” aniya at huminga ng malalim.
“Magpapakuha lang ako ng tubig para sa iyo,” wika ni Torque at lumabas.
“Pasensiya ka na sa nangyari kanina,” hinging paumanhin niya kay Yllac. “Iyong nangyari sa amin ni Torque…”
Nakangiti nitong tinapik ang kamay niya. “It’s okay. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit di ka pwedeng makipag-date sa akin.”