Stallion Island Series Chapter 77

“Good morning, Mrs. Tomasino Roque Lopez III!” bati sa kanya ni Leica paggising niya at lumabas siya ng kuwarto.

“Oist! Umayos ka nga. Huwag kang panira ng morning!”

Di pwedeng masira ang mood niya dahil food tasting nila ng araw na iyon. Baka maging mapait ang panlasa niya.

“Noong isang araw lang kinikilig kang magkwento sa date ninyo ni Sir Torque. Ngayon parang mainit na ang ulo mo sa kanya.”

Pumiraso siya ng mainit na pandesal, “Alam mo ba na binawalan na niya ang ibang members na makipag-date sa akin?”

Napasipol si Leica. “Talagang gusto ka no’n at binakuran ka.”

“paanong may gusto? Hindi naman nanliligaw.” Gusto lang siyang sundan-sundan ni Torque at bakuran pero hanggang doon lang. Panliligaw na ba iyon? Ni minsan ay di nga nito sinabi na maganda siya.

“Ang sabi sa usap-usapan, matagal na siyang hindi nakikipag-date mula nang mag-break sila ng girlfriend niya. Ikaw nga lang ang niyaya niyang mag-date. Samantalang iyong ibang babae parang di nag-e-exist sa kanya.”

Isang himala daw ang ginawa niya para kay Torque. Pero wala siyang ideya kung ano ang motibo sa kanya. He obviously didn’t like her before. Pero bakit bigla ay gusto siya nitong maka-date? At malakas ang loob nito na sawayin ang ibang member na huwag makipag-date sa kanya. Pero hangga’t di nito sinasabi ang nararamdaman para sa kanya, di siya pwedeng maging kampante.

Dala pa rin niya ang alalahaning iyon hanggang makarating sa trabaho. NAwala lang sa isip niya si Torque nang ipaalala ni Darwayne sa kanya ang food tasting. Pagkain! Pagkain! At pagkain pa!

“Hey! Mukhang maganda ang mood mo ngayon, ah! What’s up?” tanong ni Yllac nang lapitan siya sa counter.

“Sir Yllac! Ilang araw ko na kayong hindi nakikita.”

“Yes. I have a school project in an island community near Stallion Island. Pumayag na mag-sponsor si Prince Rostam ng anim na Earthbag classrooms. Mahirap lang kasi ang community nila sabi ni Rouen. Walang school building kaya hirap mag-aral ang mga bata.”

“That’s good!” Ngayon lang niya nalinawan na di lang pala basta mayayaman at guwapo ang mga member ng Stallion Island. They were also responsible citizens.

“How’s your date with Torque?” tanong nito at umupo sa stool.

“Great! He introduced me to your washing machine. Maganda ang invention mo. Nabawasan ang mga excess fats ko. Wala pang gamit na kuryente.”

“It is just a prototype. Para talaga siya sa mga mahihirap nating labandera. Ikaw? Hindi ka ba niyaya ni Torque na makita ang projects niya?”

“Alin? IYong garden niya?”

Mahinang tumawa si Yllac. “Silly. Iyong feeding programs niya at night school para sa mga matatandang di nakatapos ng elementary at high school.”

“May ganoong project si Torque?”

“He has a foundation. Kaso sa Nagcarlan, Laguna ang mga beneficiaries niya.”

“Sa iyo na lang ako sasama.” Di naman siya niyaya ni Torque na mag-parcipate sa projects nito. Di nabanggit man lang. IBig sabihin ay di ito interesado. “Doon na lang siguro ako magpa-participate sa projects mo.” Gusto rin niyang makatulong sa iba sa sarili niyang paraan.

“Mukhang may date kayong dalawa,” singit ni Torque sa usapan nila. “Baka gusto ninyo akong isama diyan.”

Bigla siyang nailang sa tono ni Torque. Parang ayaw nitong makasama niya si Yllac. “Gusto daw mag-participate ni Sissy sa projects ko. MAs madali ang mga projects mo, Torque. Isama mo naman siya minsan.”

“IYon nga ang plano kong gawin,” anang si Torque na sa kanya nakatutok ang paningin. Kung makatitig ito, parang may ginawa siyang kasalanan.

“Mauna na ako sa inyo. Nandito na ang ka-meeting ko,” anang si Yllac at nilapitan ang sikat na tennis player at village lord na si Ryuhei. MUkhang gagawin nito ang lahat makakuha lang ng sponsor sa projects nito.

“Ano iyon? Bakit parang tinatakot mo si Yllac na isama ako sa project niya?” tanong niya kay Torque.

“Sinabi ko nang sa akin ka lang makikipag-date. Bakit ang kulit mo? Pilit ka pa ring nakikipag-date sa iba.”

PInagpag niya ang balikat nito. “Because you are so damn arrogant. Kung makautos ka sa akin, parang boyfriend na kita.”

“Yes. I am so damn arrogant. And I will act like your boyfriend because I want to. Get use to it.”

“Why are you doing this? Gusto mo ba akong maging girlfriend?”

Di ito sumagot at inilapag ang isang kahon sa harapan niya. “Here!” Nang buksan niya ay may ilang banig ng gamot doon para sa dyspepsia. “Food tasting daw ninyo mamaya. Baka di ka na naman matunawan.”

“Ang sweet mo talaga!” sarkastiko niyang wika. Di niya alam kung concern nga ito sa kanya o gusto lang siyang asarin.

“HUwag kang sarcastic. Sincere ako nang ibigay ko iyan. Hindi ko pa masasagot ang tanong mo kung gusto kitang maging girlfriend. I am not yet ready for a relationship. At sa palagay ko ikaw rin. Basta ang alam ko gusto kong kasama kita at gusto kitang alagaan. At ayoko ring may makitang ibang lalaki na umaaligid sa iyo. Is it okay to leave things that way for now?”

“So we are just exclusively dating? Showbiz ka naman, Torque.” Kaya nga siya makikipag-date para magka-boyfriend. Tapos ayaw siya nitong maging nobya. “Parang ang gulo!”

“Hindi iyan magulo.” Hinawakan nito ang baba niya at kinintalan siya ng halik sa labi. “Basta ayokong may lalapit sa iyo. Maliwanag?” anito at iniwan na siya.

Magulo pa rin ang estado nila pero malinaw sa kanya ang halik nito. Sinalat niya ang labing hinalikan nito. He likes kissing her. That one isn’t so bad at all.

“IYANG TORQUE na iyan, ha? Pinag-iinit ang ulo ko. Usapan namin noong nakaraan magkikita kami kapag day off ko pero wala naman siya. Mabuti na lang pinapasok ako ni Sir Darwayne kaya di nasayang ang araw ko.”

Hindi mapigilan ni Sissy na magsumbong kay Leica tungkol kay Torque nang dalawin siya nito sa Lighthouse pagkagaling nito sa trabaho at breaktime naman niya. Ilang araw na kasing lumuwas ng Maynila ang huli dahil may inasikaso daw sa negosyo nito doon. Nagmukha tuloy siyang tanga dahil umaga pa lang ay nagpapaganda na siya. Iyon pala ay naghihintay lang siya sa wala.

Hindi siya naghanda ng iba pang plano para sa araw na iyon. Pinangarap na niya kung ano ang aktibidades na ihahanda nito para sa kanya bukod sa pangako nitong magga-garden sila. Nang malaman niyang wala ito sa isla ay mas gusto na lang niya na magtrabaho. Lalo lang niya itong maiisip kapag mag-isa lang siya.

“Aba’y kay Leo din naman nai-indian ka kapag nagde-date kayo. You were so understanding then. Tapos kay Torque asar na asar ka. May relasyon ba kayo?”

Natigilan siya. “W-Wala kaming relasyon.”

“Bakit ka nanggagalaiti?” nanghuhuling tanong ni Leica. “Baka naman wala ka lang makatulong maglaba kaya ganyan.”

“K-Kaya ko naman na mag-isa.” Though it was more fun to do the laundry when she was with Torque. Daig pa yata nito ang nanay niya sa dami ng tipid tips na alam nito. Anyway, she had never seen a man so manly when doing the laundry.

“O baka gusto mo lang ng libreng breakfast, lunch, dinner and meriendas.”

“Ganyan na ba ako kababaw ngayon? Pagkain lang, nanggagalaiti na?” Nangalumbaba siya at itinuon ang paningin sa malawak na dagat. “Gusto ko lang talaga siyang makita,” mahina niyang usal.

Nasanay na kasi ang mga mata niya na makita si Torque nang mas madalas. Kahit sa gitna ng trabaho niya ay bigla na lang sumusulpot si Torque. Minsan ay uupo lang ito para titigan siya. O kaya naman kapag busy ito sa laptop o pagbabasa ng libro. Ngayon lang siya na-engrossed na titigan ang isang tao. O halos mapraning dahil di ito nakikita.

“Gusto mo siyang makita kahit na malabo kayong dalawa?”

Nagde-date nga sila at inaaligiran siya nito pero di naman ito nanliligaw. Kung modern way man iyon ng panliligaw na walang katiyakan ang relasyon, she didn’t mind. Masyado siyang naka-focus na emosyong unti-unting sumisibol para kay Torque. “Ang tanga ko talaga! Kahit naman kay Leo di ako basta-basta sumugod kahit gusto ko siya. Bakit ba miss na miss ko ang ungas na Torque na iyon? Di ko naman alam kung ano ang gusto niyang mangyari sa aming dalawa.”

“Pikutin mo na lang kaya para walang kiyeme.”

Napaisip siya. When at the edge of insanity, kahit ang pinaka-absurd ba idea ay iko-consider niya. “Why not? Pagpaplanuhan ko iyan, ha?”

Tinampal nito ang noo niya. “In love ka nga. Pero kung mag-iikutan lang kayong dalawa, baka wala ring patunguhan. Tantanan mo na kung matapos ang isang buwan di ka naman niya gustong maging girlfriend. Malamang in love pa rin iyon sa ex-girlfriend niya.”

BIgla siyang naging seryoso. “Ano bang nangyari kay Torque at sa ex niya?”

Tumayo ito. “NAku! Siya na lang ang tanungin mo at kailangan ko pang i-monitor si Warren at baka may ibang babae na namang kasama iyon.”

“Leica, ikaw na ang magsabi at baka di ikwento ni Torque iyon.”

“Kung talagang gusto ka niyang seryosohin na maging parte ng buhay niya, ise-share niya sa iyo. Kung hindi, then don’t push it. Huwag ka na ring umasang maging seryosong parte ng buhay niya.”

Lalo lang bumigat ang loob niya nang makaalis si Leica. Dumami tuloy ang tanong sa isip niya. Nagde-date sila ni Torque. Pero parang wala siyang karapatang magtanong. Maging masaya na siya kung ano ang gusto nitong i-share sa kanya. But she wanted more. Gusto niyang maging parte ng buhay nito.

Napapitlag siya nang biglang katukin ni Kukai ang table niya. “Ma’am Sissy, andiyan si Sir Torque sa labas. Kadarating lang.”

Biglang nabuhay ang dugo niya. Nawala ang lahat ng alalahanin niya. Sa wakas ay nakabalik na ito. “Sana walang nangyaring masama sa kanya.”

“Ma’am, magpaganda naman kayo.” At inilabas nito ang maliit na salamin na nasa apron nito. “TIngnan ninyo. Dapat sa inyo nagre-retouch.”

Pero wala na siyang oras mag-ayos pa dahil paakyat na si Torque sa second floor. Her pulse quicken when she saw him. Ang imahe nito ang hinahanap niya sa maghapon. Makita lang niya ito ay kumpleto na ang araw niya.

Tumayo siya. “Good afternoon…”

Natigil ang pagbati niya nang umakyat agad ito sa third floor. Ni hindi man lang siya sinulyapan. Parang hangin lang siya sa paningin nito.

“Kukunin ko ang order niya, Ma’am,” sabi ni KUkai at sumunod kay Torque.

Tuluyan na siyang nawalan ng oras magtrabaho. Maghapon siya nitong pinag-alala. Maghapon nitong inokupa ang isip niya. Tapos ni isang sulyap o bati ay di man lang nito ginawa. Baka tama si Leica. Baka di siya importante para dito.

Nakailang balik si Kukai sa taas. Kunyari ay busy siya sa trabaho pero pinakikiramdaman niya ito. Nang i-serve na nito ang pagkain ni Torque ay saka siya nilapitan. “Ma’am, ipinapatawag kayo ni Sir Torque.”

“Busy ako. Di naman yata niya alam na nag-e-exist ako sa mundo.”

“Sus! Nagtampo pa si Ma’am. MUkhang pagod si Sir Torque at masama ang pakiramdam. Puntahan na ninyo at baka may ibang babae ang gumahasa doon habang nanghihina. Maunahan pa kayo.”

Nagbago ang isip niya at napilitang akyatin si Torque sa third floor. Nakapikit ito habang nakasandal sa couch. Mukhang nakatulog ito agad.

Hinaplos niya ang nakakunot nitong noo. “Sir Torque…”

Umungol ito at dahan-dahang dumilat. Tipid itong ngumiti nang makita siya. “Sissy, nakatulog yata ako. Pasensiya na. Medyo masakit ang ulo ko. I had an unpleasant flight. MArami yatang turbulence ngayon.”

“Kumain ka na. Ikukuha kita ng gamot sa sakit ng ulo.”

Pinigilan nito ang kamay niya at inilapat sa pisngi nito. “Galit ka ba? I tried my best to get back. Ayaw lang akong tigilan ni Lolo sa isyu ng ancestral house namin. Wala kasing magbabantay ngayong mas gusto ng pinsan ko na sa isang pirate ghost ship na lang tumira kasama ang asawa niya.”

“O! Bakit? Hindi ba mas maganda sa bahay ninyo?” Naikwento ni Lee noon na isang horror writer ang pinsan nito. Kaya may pagka-weird pati ang gustong tirahan.

“Authentic haunted house naman ang Villa Celesta,” pagmamalaki ni Torque. “Pero kung aalis ang pinsan ko, kailangan kong tumira doon. It means that I will spend lesser time here at the island.”

“Oh! I see,” aniya at tumango. “Anong naging sagot mo?”

Gumuhit ang ngiti sa labi nito. “Ayoko muna. Ngayon ko pa lang nae-enjoy ang isla dahil nandito ka. Baka ma-miss mo ako.”

“Hindi kita mami-miss,” kaila niya.

Lumungkot ang mata nito. “Kung di mo ako nami-miss, mami-miss naman kita. May kulang sa araw ko kapag hindi ka nakikita.”

Nakatitig si Torque ng direkta sa mata niya. Gusto niyang isiping nambobola lang ito. But Torque was a man of a few words. Hindi ito nagsasayang ng salita. Alam niyang sinsero ito dahil pareho lang sila ng nararamdaman. Hindi rin kumpleto ang buong araw niya kapag di niya ito nakikita.

She never expected that she share the same emotion with an unlikely man. “Torque, di pwedeng habambuhay tayong magtitigan lang. Gusto kong malaman kung hanggang saan mo akong gagawing parte ng buhay mo.”

“When I kissed you, I can’t get you out of my head anymore. And here I thought that I am a man of control.” Nagkibit-balikat ito. “It can’t be helped. Kailangan siguro humarap ka sa pamilya ko at panagutan ako.”

Nang mapasinghap siya ay humalakhak ito. Nagmukha itong mas bata sa edad nito. Nawala kasi ang lahat ng mabibigat na dalahin nito sa dibdib. Parang napakatagal na panahon na nitong hindi nakakatawa.

Kinintalan niya ito ng halik sa noo. Ang halakhak ni Torque ang senyales na tinatanggap siya nito bilang importanteng parte ng buhay nito. Sana ay tuluyan na nitong buksan ang puso sa kanya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.