Parehong nagulat sina Sissy at Meg nang makita si Torque na nakatayo di kalayuan sa kanila. May hawak itong dalawang kopita ng white wine habang matiim ang anyo na nakatitig sa kanila.
“Kuya! Kanina ka pa?” tanong ni Meg at pilit na ngumiti.
Habang di naman siya makatingin nang diretso kay Torque. Hindi naman nito dapat malaman ang pinag-uusapan nila ni Meg. Wala rin siyang balak na magtanong dito. Bakit di ito mismo ang magsabi sa kanya sa mga balak nito?
Umupo si Torque sa pagitan nila ni Meg at inabot ang isang kopita sa kanya. “Nag-aalala pa mandin ako na baka naiinip si Sissy dito. But you keep her company, I see.” Marahang lumingon si Torque kay Meg. “And you have an interesting conversation. Bakit hindi ninyo ako isali?”
“H-Hindi. Tapos na kaming magkwentuhan ni Sissy,” wika ni Meg na halatang ayaw nang i-push ang usapan.
“Hindi pa kayo tapos, Margarette!” mariing wika ni Torque. “Bakit di ako pwedeng sumali sa usapan ninyo samantalang ako ang topic ninyo? Ayoko sa lahat pinag-uusapan ako sa likuran ko, hindi ba?”
Parang kidlat ang talim ng boses ni Torque at wala siyang lakas na titigan ito. Parang napakalaking kasalanan ang nagawa nila ni Meg. Then she remembered the nasty gossips around him. Kahit nang nasa Stallion Island ito ay nasundan ito. Marami ang may alam tungkol doon sa isla pero walang nagsasalita sa kanya bilang respeto na rin marahil kay Torque.
“K-Kasi naman… akala ko okay lang, Kuya.” Parang bata si Meg na kagat-kagat ang dulo ng daliri. Kahit na rapido ang kadaldalan nito ay tumitiklop ito kapag galit na si Torque. “P-Pasensiya na.”
“Wala naman kaming masamang intensiyon nang pag-usapan ang ex-girlfriend mo,” depensa niya kay Meg. “Ano naman ang masama kung sabihin sa akin ni Meg kung bakit naghiwalay kayo ng ex-girlfriend mo?”
“Oo nga. Walang masama, Kuya.”
Sa kanya natuon ang tingin ni Torque. The look in his eyes was ruthless. As if it was a grave sin to retort to him. “Margarette, pumasok ka sa loob. Mukhang hindi mapatulog ng yaya ang anak mo.”
“S-Sissy…” Marahang tumayo si Meg at nag-aalinlangang iwan siya. Pero sa huli ay napilitan na rin itong bumalik sa mansion.
Tumayo rin si Torque. “Pumasok na tayo sa loob.”
“Akala ko may sasabihin ka pa sa akin. Sabi mo di pa tapos ang kwento.”
“Palalagpasin ko ang tungkol dito, Sissy. Basta huwag ka na ninyong pag-usapan sa susunod.”
“Wala ba akong karapatan na malaman ang tungkol sa importanteng parte ng buhay mo?” tanong niya sa nanginginig na boses. She felt left out. Alam na ng buong mundo ang tungkol sa dating nobya nito. Nagbabanta na ngang bumalik sa buhay nito. But she was still kept in the dark.
“Evita is not important. She is a part of my past. Hindi na kailangan pang pag-usapan. And you shouldn’t bother with her.”
“IMportante si Evita sa iyo. Dahil hindi ka magiging aloof sa mga babae sa loob ng sampung taon kundi siya importante sa iyo.” He went still. Iniwas nito ang tingin sa kanya at tuwid ang mga mata sa matayog na mansion. “Importante ka sa akin kaya gusto kong malaman kung ano ang nagpapasaya sa iyo at kung ano ang nakasakit sa iyo. Para mas maintindihan kita. Para alam ko kung paano ka tutulungan. Para alam ko ang gagawin para di ka na masaktan.”
“Kung ayaw mo na akong masaktan, huwag na nating pag-usapan si Evita.” Hinarap siya nito. “Hindi na siya importante sa akin. Hindi siya importante sa atin. At hindi mo na ako kailangang intindihin. Matanda na ako. Alam ko na kung paano aalagaan ang sarili ko.”
Naglaban ang mga mata nito. He was retreating inside his wall again. Nararamdaman niyang unti-unti na naman itong lumalayo sa kanya.
“Baka naman hindi mo na ako kailangan sa buhay mo.”
“What?”
“Simpleng bagay hindi mo masabi sa akin. Nangangapa ako sa iyo, Torque. Hindi ko alam kung saan ba ako lulugar sa buhay mo.” MArahan siyang tumango. “Naiintindihan ko kung di mo pa ako handang mahalin. O kung sasabihin mo sa akin na mahal mo pa si Evita. Huwag mo lang akong gagawing tanga.”
Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. “Sissy, masyado nang maraming tumatakbo sa utak mo. Di dahil di ko ino-open sa iyo ang tungkol kay Evita, hindi ka na importante sa akin at ginagawa kitang tanga. Sa palagay ko lang hindi iyon makakatulong sa ating dalawa.”
“I don’t want a half you, Torque. I want to know everything about you. Kung nasasaktan ka, kung Masaya ka, gusto kong malaman. Kung hindi mo maibibigay ang lahat ng iyon, mabuti pang wala ako sa buhay mo.”
Nakakuyom ang palad niyang bumalik sa mansion. Tuloy-tuloy sa guestroom na tinutuluyan. Naninikip ang dibdib niya dahil pinipigilan niyang umiyak. Those unshed tears were killing her. Pero ayaw niyang makita ni Torque na nasasaktan siya. Kailangan niyang ipakita ang tapang niya.
She was foolish to think that he would love her. Pero ang pinakamatinding sakit na nararamdaman nito ay ipinagkait nito sa kanya. Mas masakit pa iyon kaysa kung sasabihin nitong ibang babae ang mahal nito at hindi siya.
She couldn’t go on like this. Gusto na lang niyang makawala dito. Baka sakaling makalaya rin siya sa sakit na nararamdaman niya.
NAKASUBSOB si Sissy pagbalik pa lang niya ng Stallion Island. Madaling araw ay sumabay na siya kina Lee at sa nobya nitong si PInay pabalik ng isla. Di na siya nag-abalang magpaalam kay Torque dahil tulog pa ito. Iyon mismo ang sinamantala niya dahil ayaw niyang kasabay ito pabalik ng Stallion Island.
Nagulat si Darwayne at ang mga staff ng Lighthouse sa biglaan niyang pagdating. Subalit walang nagtanong sa mga ito kung ano ang nangyari. Basta inasikaso na lang niya ang nabinbin na paper works.
“Ma’am, nakailang tawag po si Sir Torque. Tinatanong kung dumating na daw kayo. Sabi namin wala pa. Nag-aalala po at naka-off ang cellphone ninyo,” report ni Kukai na naging pinakamalapit na staff sa kanya.
“PAbayaan mo siya. Basta sabihin mo wala ako dito.”
“Ma’am, sabay na tayong mag-breaktime,” yaya nito.
Tipid siyang ngumiti. “Busog pa ako. Mauna ka na.”
“Pero Ma’am…” Bakas ang lungkot sa mga mata nito at parang may sakit ito dahil lulugo-lugo.
“Anong nangyari? Parang matamlay ka. Nagpatingin ka na ba sa clinic?”
Umiling ito. “W-Wala ito, Ma’am. Simpleng sipon lang po.” Bumuntong-hininga ito. “Kakain na ako, Ma’am.”
Hindi siya nagpahinga hanggang matapos niya ang paperworks. Wala na siyang pakiramdam. Di siya nakakaramdam ng gutom at pagod. Pumunta agad siya sa opisina ni Darwayne at ipinasa dito ang report. “Sir, iyong inventory baka pwedeng ngayon ko na gawin.”
“Sa ibang araw na lang. Mukhang wala ka pang pahinga. Baka magkasakit ka. Tingnan mo si Kukai. Matamlay.”
“Hindi ako magkakasakit, Sir. Okay na okay ako.”
“Mukhang matindi ang LQ ninyo ni Torque. Fired up kang magtrabaho.”
“Pasensiya na kayo, Sir. Pero magsasawa din tumawag iyon.”
Ang totoo ay manhid na siya sa sakit. At trabaho lang niya ang nagpapagana sa sistema niya. She couldn’t afford to think about Torque. Ayaw na niyang umiyak at magkulong sa kuwarto sa loob ng isang linggo. Wala nang espasyo sa buhay niya ang mga lalaki na di naman siya kayang mahalin ng patas.
“Sissy, may tawag ka,” sabi ni Vince, ang manager nila. “Si Leica daw.”
Aligaga siyang pumunta sa counter at sinagot ang tawag ng kaibigan. “Hello.”
“Sicilia, mabuti na lang na-contact kita. May masamang balita ako sa iyo. Bumalik na si Torque ng isla. At kasama niya iyong tingting niyang girlfriend na mukha namang bisugo.”
“Kasama niya si Evita?”
“Oo. Dito agad pumunta si Warren nang dumating siya. Sa akin ibinalita.”
Parang sinampal siya sa magkabilang pisngi. Di daw importante si Evita dito pero ngayon ay itinapak na nito sa isla. Ipinakita lang nito sa kanya kung ano siya sa buhay nito. Hindi siya importante. Parang siya lang ang ginamit nito para maihanda ang sarili sa pagbabalik ni Evita.
“Pare-pareho talaga ang kulay ng mga lalaki. Parehong-pareho sila ni Leo.” Nang makita ulit ang dating nobyang manloloko ay nagkukumahog na bumalik dito.
“Heto nga at kung makadikit kay Torque iyong ex-girlfriend niya. Ano? Gusto mo ba silaban ko na ang buhok niyang puro hair extension?”
“Hayaan mo silang maging masaya. Sige. Mag-i-inventory pa ako.”
Akala niya ay matatag siya pero pagpasok niya ng stockroom. Doon siya unang beses na hinalikan ni Torque. At akala niya ay sa kanya na lang ang mga halik nito. Now another woman was taking him back.
Idinikit niya ang ulo sa malamig na steel rack. Pwede bang burahin na lang ang alaala niya at pamanhirin ang puso niya para di na siya masaktan pa?
Paglabas niya doon ay makikita niya si Torque at si Evita. Mabuti pa si Leo di niya nakita ang babae nito. Habang si Torque talagang idinala pa ang babae nito para ipagparadahan sa kanya. Bakit ba malupit ang mga lalaki sa kanya samantalang wala siyang ibang ginawa kundi magmahal?
Biglang bumukas ang pinto ng stockroom at pumasok si Torque. “Sissy! Good thing you are here,” humihingal nitong sabi.
“Anong ginagawa mo dito? Makikipagtaguan ka na naman?” Iwinaksi nito ang kamay para itaboy ito. “Hindi na pwede dito. Lumabas ka na.”
“Tinakasan ko lang si Evita,” anito sa mahinang boses.
“Nagkabalikan na kayo? Congrats!” aniya sa malamig na boses at kunwari ay nagbibilang ng pakete ng confectionaries sugar. Ayaw niyang makita nito sa mga mata niya kung gaano katindi ang sakit na nararamdaman niya.
“Nagkasabay lang kami sa eroplano. Nandito siya para sa Stallion Shampoo commercial. They are scouting for extra cast.”
“Must be destiny,” she said in a bitterly painful voice.
“Your fault. Basta ka na lang umalis. Naka-off ang cellphone mo. Kahit ang kapatid ko kinasabwat mo. Kung magkasabay sana tayong umuwi, hindi ko siya makakasabay. Bakit ba basta ka na lang umalis?”
“Panggulo lang naman ako sa iyo, hindi ba? And you don’t have to explain anything to me. Kung babalikan mo si Evita, then I am happy for you.” Bahala itong magpakatanga na balikan ang babaeng nanloko at nang-iwan dito minsan.
“Hindi ko siya babalikan. So stop pushing me away. I am trying to build a relationship here. PRoblema mo bang di ko sinabi ang tungkol sa amin ni Evita? Sasabihin ko sa iyo ng buong-buo.”
Naulinigan niyang may nag-uusap sa labas ng stockroom. There was a buzz of giggles. Ang grupo ng Sirens ang mga ito. Subalit nangingibabaw ang isang bagong boses na mas elegante at sopistikada sa iba.
“Sabi nga ni Torque, parang eighteen pa rin ako tulad nang sagutin ko siya. Ibig bang sabihin in love pa rin siya sa akin hanggang ngayon?” Kahit na di niya nakita ang nagsalita, tiyak niyang si Evita iyon.
“Mukhang bata? MAganda pa rin?” nakataas ang kilay niyang tanong.
“Pero hindi ko sinabing mahal ko pa rin siya,” mahinang usal ni Torque. “Hindi mo na siya dapat pagselosan.”
“Hindi mo rin sinabi sa akin na mahal mo ako,” aniya sa naghihinanakit na boses. Humaba ang katahimikan sa pagitan nila ni Torque nang di ito makasagot. Kaya naman naulinigan pa niya ang usapan sa labas.
“Of course. Ang ganda-ganda mo. Kaya nga idol kita,” sabi ni Francey. “Gusto ko ring maging magandang beauty queen tulad mo at maging sikat na model. At gusto ko rin na magka-boyfriend ng sikat na publisher sa London.”
Napaubo siya sa sinabi ni Francey at iniwas naman ni Torque ang tingin sa kanya. “Where is Torque?” Evita asked with a hint of discomfort.
“LUmabas ka na, Torque. HInahanap ka na niya.”
“No. Hindi ako aalis dito hangga’t di ko nasasabi ang lahat sa iyo. At kung ipagsisigawan mo na nandito ako, makikita lang nila Evita how we kiss.”
Their eyes clashed. She saw the memories of their first kiss in his eyes. And he was looking at her as if he wanted to kiss her.
Pumikit siya. “Huwag mo akong tingnan nang ganyan, Torque.” It makes her want to kiss him, too. At kapag nanghina siya, ibig sabihin ay ibubukas na naman niya ang sarili para masaktan muli.
“Or maybe I don’t need a contest to kiss you.”
Kumapit siya nang mahigpit sa braso nito nang unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanya. Mabilis ang tibok ng pulso niya sa leeg. Anong gagawin niya? Parang mas mahirap tumutol kaysa pumikit at hayaan na lang magpadala dito.
“Eeeeeeeeeee! I see dead people!” tili ni Raine na miyembro ng Siren. Mukhang sa second floor pa galing ang boses nito pero umaalingawngaw sa buong Lighthouse. “May patay! May patay!”
“Ano iyon?” tanong ni Torque.
Hangos silang lumabas ng stockroom. Naabutan na nilang ibinababa ng hagdan ng isang male waiter ang isang babaeng laslas ang pulso at punong-puno ng dugo. Kinilabutan siya nang makilala niya ang biktima. “K-Kukai!”