Stallion Island Series Chapter 80

NANLALAMBOT si Sissy habang pinagmamasdan si KUkai. Nakahiga ito sa hospital bed sa clinic at may benda ang pulsuhan nito. Ligtas na ito sa peligro subalit di ito tumitigil sa pag-iyak nang magising. “MAhal ko siya, Ma’am. Sabi ni Vince okay lang daw na magkalayo kami dahil para sa kasal namin kung bakit nandito ako sa isla. Tapos tumawag sa akin ang nanay ko. Nagpakasal na siya sa ibang babaeng nabuntis niya.”

Dinudurog ang puso niya. Nakita kung gaano katindi ang hirap ni KUkai sa pagtatrabaho para lang maipadala sa pamilya at nobyo nito. Wala itong itinira sa sarili nito. At ang masaklap, pera pa nito ang ginamit ng nobyo nito para magpakasal sa iba.

Ginagap niya ang kamay nito. “Hindi ka dapat magpatalo, Kukai. Nasaktan din naman ako. Iniwan din ako ng dati kong boyfriend, alam mo ba? Ipinagpalit niya ako sa dating girlfriend niya na may asawa na. MAsakit. Umiyak ako ng umiyak. Pero hindi ako sumuko. Di ko inisip na tapos na ang buhay ko.” Di niya mapigil na tumulo ang luha niya. “Hindi mo dapat sayangin ang buhay mo sa isang lalaking walang kwenta. Dapat mahalin mo ang sarili mo. Pwede ka pang sumaya.”

“Naging masaya ka ba kahit na nawala sa iyo ang unang lalaking minahal mo? NAwala ba ang sakit?” tanong ni Kukai.

Napapitlag siya nang magsalita si Torque sa likuran niya. “May dadating din na tao na magmamahal sa iyo, Kukai. Di siguro agad. Pero kapag nakita mo ang taong iyon, aalisin niya ang lahat ng sakit na nararamdaman mo at itatama niya ang lahat ng mali sa buhay mo.”

“SALAMAT sa pagsama sa aking magbantay kay KUkai,” wika ni Sissy habang naglalakad sila ni Torque palabas ng clinic. “Hindi madali ang pinagdadaanan niya. Dapat talaga sa mga lalaking manloloko, pinuputulan ng kaligayahan.”

Hindi siya iniwan ni Torque mula nang isugod sa clinic si Kukai hanggang sa may dumating nang kapalit sa pagbabantay dito. Hindi siya nag-uusap pero tiniis nito ang katahimikan niya. Kukai was an image of a dreadful nightmare. Malayo ito sa mga mahal sa buhay at wala itong kakapitan sa pinagdadaanan nito kundi sila lang na mga kaibigan at kasamahan nito sa Lighthouse.

“I am sorry, Sissy,” malungkot na wika ni Torque. “Hindi ko alam ang nangyari sa inyo ng boyfriend mo. Hindi ko alam na sinaktan ka niya.”

Mapait siyang ngumiti nang makarating sila sa kalsada. Madaling araw na noon at wala nang bumibiyaheng sasakyan. Parang iyon ang pinakamagandang pagkakataon para magkausap sila ni Torque. “Why say sorry? Dahil pareho kayong dalawa? Nang makita ninyo ang unang babaeng minahal ninyo, iniwan ako.”

Mukhang malas nga yata siya sa pagdating sa pakikipag-relasyon. Wala talaga siyang dala. Lagi siyang nai-in love sa lalaking bigo. Siya ang tagagamot ng sugat para lang iwan sa huli. At babalikan na naman siya kapag nasaktan. Napapagod na siya ng ganoon. Paulit-ulit.

“No. Hindi ako katulad ng ex-boyfriend mo. Hindi ko binalikan si Evita. ILang beses ko na bang sinabi sa iyo?”

Kumunot ang noo niya at nilingon ito. “Then bakit ka nagso-sorry?”

Ikinulong nito ang pisngi niya sa palad nito at tinitigan siya. “Bago ko sabihin ang lahat, gusto ko munang malaman mo na mahal na kita. Ikaw na ang babaeng gusto kong makasama. I don’t care about Evita or any other girls…”

“Torque, sabihin mo muna kung bakit ka nagso-sorry na parang malaki ang kasalanan mo sa akin. Kung di mo ako ipagpapalit kay Evita, anong problema?”

Humugot muna ito ng malalim na hininga. For the first time, he lost his articulation. “Nang unang beses tayong magkita, akala ko katulad ka rin ni Evita. Na ayaw mong magpakasal sa boyfriend mo dahil gusto mong makapag-asawa ng mas mayaman at sikat na lalaki. Kaya ka pumunta ng Stallion Island para doon.”

“What?”

“And I don’t like that type of woman.”

“Nagpunta ako dito para makalimutan si Leo. Di na siya nasiyahan na saktan ako. Nang bumalik ang ex-girlfriend niya sa asawa nito, saka siya bumalik sa akin.”

“I thought you are simply cold hearted. Na kahit mahalin ka ng isang lalaki, mas pipiliin mo pa rin ang mas maginhawang buhay.”

Oo nga naman. Mukha nga namang kaawa-awa si Leo noon habang siya naman ang lumabas na kontrabidang. Ang mahaderang girlfriend na mas pipiliin ang mga Stallion boys kaysa sa boyfriend na nagmamahal dito.

“Kaya ba ayaw mo sa akin? Malamig ka rin naman sa ibang babae dito sa isla. Isa pa, hindi lang naman ako ang nag-iisang babae na hindi nagko-conceal ng intention nila na Stallion boys talaga ang habol nila dahil guwapo at mayaman.”

“You just remind me of Evita.” Ibinulsa nito ang kamay sa pantalon. “Kaya ginawa ko ang lahat para hindi matuloy ang date mo kay Yllac o sa kahit sinong lalaki dito sa isla.”

Nayanig ang sistema niya nang makuha ang ibig nitong sabihin. “You don’t really like me? At iyong pang-aakit mo sa akin, palabas mo lang. Kaya gusto mo lang akong makasama para mailayo sa akin ang mga kaibigan mo.”

Marahan itong tumango. “Yes.”

“Pati ang pagsasama sa akin sa pamilya mo.” Tumawa siya ng pagak kasabay ng pagpatak ng luha niya. Masaya pa mandin niya nang tanggapin siya ng pamilya nito at isiping nobya nito. “Para lang protektahan ang mga lalaki dito mula sa isang manlolokong playgirl, gagawin mo ang lahat pati ipakilala ako sa pamilya mo. Oo nga naman. It was no big deal. Wala ka naman palang nararamdaman para sa akin.”

“No. Nang dalhin kita sa Laguna alam kong mahal na kita. Ni hindi na nga ako nagtanong kung paanong nangyari iyon. Wala na akong pakialam kahit na i-reject mo rin ako tulad ng ginawa mo sa ex-boyfriend mo. Kahit maulit sa akin ang ginawa ni Evita. I just want to love you unconditionally.”

“Unconditionally?” Dinuro niya ito. “Hindi mo alam kung anong ibig sabihin ng pagmamahal, Torque. Ni hindi mo nga masabi sa akin ang tungkol sa kay Evita at sa nangyari sa inyo. You don’t trust me enough. You don’t care about me. At kung pinapapaniwala mo ang sarili mo na mahal mo ako habang inuuto mo ako, then you are a bigger fool than I thought.”

Paano nito masasabing mahal siya nito? Sa simula pa lang ay niloko at pinapaikot siya nito. Isang masamang babaeng di nasasaktan ang tingin nito sa kanya. Noong una ay narito ang simpatya niya. Iniintindi niya ito dahil sa mga sakit na pinagdaanan nito. Akala niya noong una ay pareho silang biktima. Iyon pala ay siya lang pinapaikot nito. She was a victim of his misplaced heroism.

“Pinagsisisihan ko nang hinusgahan kita, Sissy. I know. I am a big fool. NAsaktan kita. Pero hindi ako nagsinungaling nang sabihin kong mahal kita.”

Umiling siya. Ayaw na niyang maniwala sa pagmamahal nito. Torque tainted it bigtime. Peke ang pagmamahal nito.

“You know what’s wrong with men? Lagi ninyong minamahal ang maling babae. KApag nasaktan kayo, nagagalit kayo sa mundo. Bibigyan kayo ng matinong babae na magmamahal sa inyo pero sinasaktan din ninyo. Sana pala hinayaan na lang kitang habambuhay magluksa kay Evita. Sana di na lang kita minahal. You are worse than Leo, Torque. At sana di mo na lang sinabi na mahal mo ako. Baka sakaling napatawad pa kita.”

Nagtatakbo siya palayo dito. Hilam ng luha ang mga mata niya. Wala siyang pakialam kahit na lamunin man siya ng dilim ng gabi. Nagluluksa naman ang puso niya. His love was a lie. All lies.

Noong una ay nagtatanong siya kung bakit siya nasasaktan samantalang gusto lang naman niyang magmahal. Ngayon ay alam na niya ang sagot.

Hangal siya kung aasa siyang mahalin nang di masasaktan.

NGITI agad ang isinalubong ni Leo kay Sissy nang saluhan niya ito sa mesa. She had a gloomy feeling about the place. Di dahil iyon ang paborito nilang puntahan ni Leo kundi dahil doon sila unang beses na nagkita ni Torque.

“Mabuti nagkita pa tayo bago ako umalis papuntang Paris. May malaking play kasi kami doon. Ayoko lang umalis nang di tayo nagkakausap.”

“Pasensiya ka na kung di agad ako nagpakita sa iyo. This is still not easy for me.”

Sinusulit lang niya ang tatlong araw na bakasyon na hiningi niya kay Darwayne. Masyadong emosyonal ang mga nagdaang araw para sa kanya. Pinayagan lang siya nito dahil natatakot ito na mag-break down din siya gaya ni Kukai. Isa pa ay nagawa naman daw niyang nang maaga ang mga importanteng paper works. Kaya na daw nitong maka-survive sa loob ng tatlong araw.

Hindi pwedeng manatili siya sa isla nang di nakikita si Torque. Di ito titigil hangga’t di sila nagkikita. Teritoryo nito ang Stallion Island. Wala siyang mapagtataguan. Mukhang desidido ito na makabawi sa kanya subalit di pa siya handa. Ayaw niyang gumawa ng mga maling desisyon at masaktan sa huli. At una niyang dapat ayusin ay ang sitwasyon nila ni Leo.

“I am sorry for hurting you, Sissy.” Ngayon ay sinsero na ang tono nito at walang halong kayabangan. “Tama ka. Puro sarili ko lang ang iniisip ko. Pati nang gusto mo nang makalaya sa akin, di kita pinagbigyan. Naisip ko kasi na wala nang ibang babaeng magmamahal sa akin kundi ikaw lang. Di ko inisip na may sarili ka ring damdamin. Na kasalanan ko kaya ayaw mo na sa akin.”

“Hindi mo na ako guguluhin mula ngayon?”

Tumango ito. “Hindi na. Pero di ibig sabihin hindi kita mahal. Naisip ko ang sinabi ng kaibigan ko. Kahit sinong taong nasaktan, may karapatan na sumaya sa taong mas magmamahal at mag-aalaga sa kanila. Saka ko lang na-realize na ginagawa ko lang impyerno ang buhay mo. You deserve to be happy with someone else. Hindi sa lalaking nanakit sa iyo.”

“May kaibigan kang nag-advice sa iyo?” tanong niya.

“Oo. Naalala mo ba iyong lalaki na nahulugan ng singsing ang wine dahil tinabig mo ang kamay ko?” Mahina itong tumawa. “Nanood siya ng play ko at niyaya niya akong uminom. I was a bit depressed that time. Nai-kwento niya sa akin na may dati rin siyang girlfriend. MAtagal na panahon niyang minahal pero nagpakasal sa iba. Pero naka-recover na siya dahil may bago na siyang mahal. Kaya nga daw kahit nakikipagbalikan ang ex-girlfriend niya sa kanya, di daw niya babalikan.”

Si Torque. Si Torque ang lalaking tinutukoy nito. Nagkataon lang ba na nagktia ang dalawa o sinadya ni Torque si Leo?

“Kailan nangyari ito?”

TUmingala ito. “Noong isang linggo. Umaga ang play namin noon. Nagmamadali nga siyang umalis dahil may flight pa siya. Pupuntahan pa daw niya ang girlfriend niya. Pinagseselosan kasi ng girlfriend niya ang ex niya. Kailangan din daw nilang magkaayos. Sana nga magkaayos na sila ng girlfriend niya, no? He seems nice. Di siya kasing hina ko. At mahal talaga niya ang bagong girlfriend niya.”

Mahal siya ni Torque kahit na inisip nitong materyosa at ambisyosa siyang babae. TInanggap siya nito kahit na ano pa ang di magandang perception nito sa kanya. He could easily discard him if he didn’t really love her. May pagkakataon na para dito at kay Evita pero siya pa rin ang pinili nito.

NIyakap niya si Leo. “Thank you!”

Nagulat ito. “Bakit ka nagpapasalamat? Hindi ba may kasalanan ako sa iyo.”

“NAkabawi ka na.” KInintalan niya ito ng halik sa pisngi. “Sana maging Masaya ka at mahanap mo rin ang babaeng mamahalin mo na di ka sasaktan at di mo sasaktan, Leo. I have to go.”

“H-Hindi ka na galit sa akin?”

Naglalakad na siya palayo no’n. “Hindi na.” Wala nang puwang sa kanya ang galit o hinanakit. Ang natitira na lang sa kanya ay ang pagmamahal para kay Torque… kung tatanggapin pa rin siya nito.

HALOS LIPARIN ni Sissy ang Ligthouse Restaurant pagbaba niya ng e-jeep. Matapos magpa-reserve sa susunod na flight papuntang Stallion Island ay ipina-trace agad niya kay Darwayne kung nasaan si Torque. Nasa Lighthouse lang daw ito at halos doon na tumira. Hindi na nga niya binalikan ang gamit niya sa bahay ng nanay niya. Basta na lang siyang nagpaalam na babalik na siya ng isla.

“Nasaan siya?” tanong agad niya sa staff na nabungaran niya.

Sumenyas ang lahat ng staff na nakarinig ng tanong niya sa taas. Di na niya hinintay pa kung saang taas. Halos dalawin na niya ang hakbang sa pag-akyat ng hagdan. Hinihingal siya pagdating ng third floor pero wala pa rin ang anino ni Torque. Malakas ang sasal ng dibdib niya nang makita si Kukai na nagki-clear ng pinagkainan ng customers. Di kaya nagkulong si Torque sa CR at naglaslas ng pulso dahil sa pagkabigo sa kanya? Huwag naman sana.

NIlapitan niya si KUkai. “Si Torque?”

“Tingnan ninyo sa taas ng tower, Ma’am.”

Inakyat niya ang makitid na hagdan patungo sa tuktok ng lighthouse. Natagpuan niya si Torque na nakatayo habang nakahawak sa railing. Nakatitig lang ito sa malawak na dagat.

“Parang may hinihintay ka dito,” untag niya. “Bawal tumambay dito nang hindi umo-order, Sir.”

“In-order ko ang assistant manager ninyo. Tatlong araw na akong naghihintay. Ganito ba kabagal ang serbisyo ninyo dito?” Bakas ang iritasyon sa mukha nito pero naging malamlam ang mga mata nang makita siya.

“The poor assistant manager had a hard time mending her broken heart at may kinailangan siyang asikasuhin sa Manila.”

“Para takasan ako?” tanong nito at marahang lumapit sa kanya.

“No. To set things right. UNa, kinausap ko si Leo. He is leaving for Paris. Pinagbigyan ko lang siya na magkausap kami.”

Naalarma ito. “Isasama ka niya sa Paris?”

“No. Hindi na daw niya ako guguluhin. Na-realize daw niya na karapatan ko ring makahanap ng lalaking talagang magmamahal sa akin. IYong magtatama ng lahat ng pakakamaling ginawa niya.” Nilaro niya ang butones ng polo mo. “Iyon daw kasi ang sabi ng kaibigan niya na nahulugan ng singsing ang wine dahil sa kagagawan ko. Parang kapareho mo ang description ng kaibigan niya.”

He became uncomfortable. “Galit ka ba dahil pinuntahan ko ang ex-boyfriend mo? Gusto ko lang naman na tigilan ka niya. Ang gusto kong sabihin, makakahanap din siya ng ibang babaeng magpapasaya sa kanya. He is not the right man for you. Nagmagandang-loob lang ako.”

“Alam mo ba na hindi nakakatuwa na pag-usapan ako ng dalawang naging boyfriend ko na parang anonymous ako?”

Lalo itong di napakali. “Gusto ko lang namang bawasan ang problema natin. Kung galit ka dahil doon, I am sorry.”

“Sorry na naman?” pagalit niyang usal. “Nagso-sorry ka rin ba dahil sinabi mo sa kanya na mahal mo ang girlfriend mong bago at di mo na mahal ang ex mo?”

Ginagap nito ang kamay niya at inilapat sa pisngi nito. “I could proudly say that to anybody. Kahit kay Evita. Na-realize din niya na wala na siyang babalikan sa akin at apologies na lang ang maibibigay niya para makabawi sa kasalanan niya. Nagbabaka-sakali lang naman siya kung may babalikan pa siya. Wala siyang plano na guluhin tayong dalawa.”

“So she’s not as bitchy as I thought.”

HInalikan nito ang pulsuhan niya. “IKaw na lang naman ang hinihintay ko. I don’t have to haul you back. I want to give you time. Pero hindi ibig sabihin sumusuko na ako. Patutunayan ko pa rin naman na mahal kita kahit na itaboy mo ako. Hanggang maniwala ka sa akin.”

“At anong gagawin mo? Ipaglalaba mo ang buong Stallion Island para i-please ako? Ipagluluto mo lahat ng street children… o bubuhatin mo itong lighthouse?”

“For starters, I want to show you something that I can’t fake even if I hate you. I really love kissing you.”

Nang kabigin ni Torque ang baywang niya at angkinin ang labi niya. Kaya ayaw niyang halikan siya ni Torque noong galit siya. His kisses were emotion-filled. Nararamdaman niya ang pagmamahal nito sa halik nito at natatakot siya na pati judgment niya ay nalalabuan. Pero tama ang lahat ng nararamdaman niya. It was not a lie. Nararamdaman niya ang pagmamahal sa halik ni Torque. Na handa siya nitong alagaan at kung maari ay di siya nito sasaktan.

Umiyak na lang siya at niyakap ito nang maghiwalay ang labi nila. “Torque, sana nga hindi ka magsisi na ikaw ang pinili ko. Alam ko na maraming qualities ang ex-girlfriend mo kaya di mo siya madaling makalimutan. Pero titiyakin ko sa iyo na hindi kita ipagpapalit sa iba. Ganoon ako magmahal. Hindi ako titingin sa iba hangga’t nangangako din ang lalaking iyon na ako lang ang mahal niya.”

“So you love me still?”

Tumingkayad siya at kinintalan ito ng halik sa labi. “Yes! I love you, Torque. Kahit na ikaw ang pinakasupladong lalaki sa mundo. I won’t hurt you.”

“So do I. You taught me how to trust again. Na sa kabila ng maling pagkakilala ko sa iyo, hindi nagkamali ang puso ko sa unang pagkakataon. Just bear with me, Sissy. I can be hard to deal with sometimes but I will try to be a better man.”

“I will love you just the same. I love you, Tomasino Roque Lopez III.”

Kumunot ang noo nito nang akmang hahalikan siya. “Walang buuan ng pangalan!”

Humalakhak siya. Tinangay ng hangin ang halakhak niya kasabay ng pagsabog ng liwanag ng papalubog na araw. Tomorrow would be another day for her and Torque. They would make new memories together. Isasama na nila sa paglubog ng araw kung anumang sakit na naranasan nila. Ang matitira na lang ay ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.