Bukod sa pagkakaroon ng salapi, may isa pang misyon si Leica sa pananatili sa Stallion Island– ang espiyahan si Warren Li para sa kaibigan niyang si Carlyn. Nangako itong pakakasalan ang kaibigan niya. Iyon pala ay nambababae lang ito sa isla. At sa kasamaang palad ay isa siya sa babaeng inaakit nito. All Warren Li needed was a flash of smile and he could any woman as his. Di siya immune sa charm nito pero di ibig sabihin ay tulad siya ng iba na willing magpauto. Si Warren ay para kay Carlyn. At magagaya lang siya sa ibang babae na ibabasura nito.
Isang kaaway si Warren. Oras na mahuli siya nito sa pag-eespiya, kaya siya nitong patalsikin sa Stallion Island at kasamang maglalaho ang pangarap niya. Paano kaya kung ang kunin nitong kaparusahan sa pag-eespiya niya ay ang puso niya?
“Welcome to Stallion Wave!” nakangiting bati ni Leica sa mga members at guests na dumadating sa popular na over the sea restaurant na Stallion Wave. She was wearing a floral printed malong and hibiscus flower was pinned on her ear. Island inspired ang costume nila sa naturang restaurant na matatagpuan sa Wave Country ng Stallion Island Riding and Leisure Club.
Masasabi niyang maswerte siyang makapagtrabaho doon bilang waitress. Ang Stallion Island ay isang exclusive island resort na tanging mayayaman, matagumpay, sikat at guwapong kalalakihan lamang ng bansa ang maaring maging miyembro. Kaya naman halos lahat ng kababaihan ay nangangarap makapasok sa naturang riding club. Bawat isa ay nagnanais maging prinsipe ang isa sa mga Stallion Boys. Pero sa kanya, sapat nang makapasok siya doon para kumita ng limpak-limpak na salapi. Iyon lang naman ang tingin niya sa Stallion Boys at sa mga guest na naroon. Mga taong galit sa pera. Mabuti nang naroon siya para saluhin ang kayamanang ipinaambon ng mga ito.
Alerto siya nang makita ang matangkad na tsinitong lalaki na naka-white polo na may royal blue lining at may tatak ng Swan Air, ang official air carrier ng Stallion Island. Isa ito sa mga piloto ng isla at ito din ang pinakakaabangan niya sa isla. Si Warren Li, isa sa mga piloto ng Stallion Island. He was good looking enough with his Chinese ancestry. Pero nakadagdag ang kakisigan nito sa suot nitong uniform.
Luminga-linga agad ito sa paligid. Nang mahagip siya ng paningin nito ay ngumiti ito at kumaway. Lumapit agad siya dito. She gave him her best smile. “Good afternoon, Sir Warren! Kumusta ang flight ninyo?”
“Hindi maganda ang panahon nang umalis ako sa Manila. Pero maganda na ang panahon dito sa isla siguro dahil nakita na kita,ya ” anito at pinisil ang baba niya.
Pinisil niyang mapabuntong-hininga. Hindi lang ito basta guwapo. Magaling din itong mambola. Pero isa itong customer at isa siyang professional. Hindi siya dapat magpadala sa pambobola nito o siya lang ang mapapahamak. At ang mga lalaking tulad ni Warren Li ay kapahamakan lang ang dala. Lalo na si Warren Li.
“Then dapat na kayong mag-relax, Sir. We have a special abalone soup for today and your favorite lobster. Ipinahanda ko na talaga para sa iyo,” aniya habang iginigiya ito sa paborito nitong pwesto kung saan tanaw ang dagat.
Mula sa Stallion Wave ay tanaw ang Summer Snowflake, mga over water cottages na ang isa ay pag-aari ni Warren. And that part of the sea was buzzing with activities. Malapit doon ang yacht club pati ang dock ng seaplanes na siyang means of transportation papunta sa isla.
“Captain Warren, over here!” anang si Merian. Ito ang leader ng Siren na ang tanging mithiin sa buhay ay angkinin at ariin ang mga Stallion Boys.
“Maki-share ka na sa table namin. Please?” pakiusap ni Raine at pinahaba pa ang nguso. Nagpapa-cute pero nang-aakit at the same time.
Nagpaunlak naman si Warren. Pagdating sa mga babae ay di talaga ito makatanggi. He wanted to please everyone. And that would surely land him on hot water anytime soon. Sooner than he expected.
“Ako na ang oorder para sa iyo, ha?” prisinta ni Francey na nakipag-agawan pa kay Althea.
“Sa akin dapat iyan, eh!” angal ni Althea.
Kinuha ni Warren ang menu mula sa dalawa. “You don’t have to fight, girls. Pre-ordered na ang meal ko. Si Leica na ang bahala diyan.” Saka siya matamis na nginitian ni Warren sabay kinindatan.
Nawalan na nang magagawa ang mga babaeng nagbabangayan kundi ipaubaya sa kanya ang pagkain ni Warren. “Well, that’s her job,” wika ni Merian. “So how is your day? Sinong personality ang naisakay mo?”
Nilingon niya nang isang beses si Warren na sentro ng atensiyon ng pitong kababaihan bago i-confirm ang order. “Leica, pinagkukulumpunan ng mga babae ang crush mo, ah!” puna ni Tammy. “Hindi ka ba nahu-hurt?”
“Okay lang. Kinindatan naman ako,” sagot niya.
Namaywang ito. “Hindi ko akalain na ganyan ka kamartir.”
Makahulugan niya itong nginitian. Ang di alam ng iba ay nagngingitngit siya tuwing nakikita nga ang ngiti ni Warren sa ibang babae. Parang gusto niya itong buhusan ng malamig na juice o kaya ay pukpukin ng serving tray para matauhan. Kung pwede lang talagang gawin iyon para tigilan na nito ang pambababae nito.
Nang i-serve na niya ang order ni Warren ay inaaliw nito ang sarili sa paggiling-giling ni Merian sa kantang La Cucaracha sa saliw ng acoustic band nila. It was enough to make any man’s blood boil. Talagang nang-aakit ito.
Natapos na ang sayaw ay walang reaksiyon si Warren. Tumingin lang ito sa kanya habang nakapangalumbaba. She didn’t know if he was bored or something. “Leica, anong palagay mo sa sayaw ni Merian?”
“She very good, of course,” aniya at pumalakpak.
Saka lang pumalakpak si Warren. “You really dance great.”
“Thank you, Warren!” tuwang-tuwang sabi ni Merian at hinalikan ito sa pisngi. “Bibigyan kita ng malaking tip mamaya, Leica.”
Abot-tainga na ang ngiti niya dahil sa pangakong iyon. In fairness, maganda naman talaga at magaling gumiling si Merian. Di nga lang niya ito gusto bilang artista. Tingin kasi niya ay kulang ito sa talent. At kaya tumatambay lang ito sa Stallion Island ay para mahawaan ng ningning ang makulimlim nitong bituin.
Inaayos niya ang mga order slip nang hilahin siya ng ibang member ng Siren sa washroom. “Leica, sabihin mo kay Warren na maganda ako,” sabi ni Raine.
“Ha? Maganda naman talaga kayo. Kailangan ko pa bang sabihin?”
“Oo. Bibigyan kitang five thousand kapag sinabi mo iyon kay Warren,” suhol nito.
“Seven thousand kapag sinabi mong ako ang dapat niyang i-date,” pakikipagkompitensiya naman ni Francey.
“Ten thousand!” Naglabas ng pera si Raine at isinuksok ang pera sa kamay niya. “Tinanggap mo na kaya sabihin mo ako ang i-date ni Warren.”
“Para ba saan ito?” tanong niya at ibinalik ang pera kay Raine. “Hindi ko kayo maintindihan. Sa ganda ninyong iyan, tiyak na yayayain kayo ni Sir Warren ng date.”
“Ikaw kasi ang pinakikinggan niya. Nang sabihin mong magaling si Merian, sinabi din niya magaling kahit na parang di naman siya masaya. Kaya kung sasabihin mong maganda din kami, papayag siyang makipag-date.”
Great! Ngayon ay sinusuhulan pa siya ng mga kababaihang ito na lalong mabulid sa tukso si Warren. Pambihira! Kundi niya customers ang mga ito, she would ask them to back off and leave her alone.
“Ma’am, bakit po hindi na lang si Sir Warren ang kausapin ninyo. Hayaan ninyo siyang magdesisyon. Di na ninyo kailangan pa ng pera lang makuha ang lalaking gusto niya. Dapat maging confident kayo,” sabi niya.
Bumagsak ang balikat ng mga ito at nakahinga naman siya ng maluwag. Problema na ni Warren ang mga babae nito kung paano nito iha-handle. Hindi naman iyon kasama sa misyon niya sa buhay.
Nang paalis na si Warren ay nagbabangayan na naman ang mga babae dito. Humihingi ng saklolo na tumingin si Warren sa kanya. “Leica… ano sa palagay mo ang magandang gawin para magkasundo silang lahat?” tanong nito.
“How about mag-banana boat ride kayo? That would be fun. I am sure hindi na sila mag-aaway-away,” nakangiti niyang wika.
He beamed came back. “Thanks!” Naglabas nito ng isang libong papel at inabot sa kanya. “You are really an angel.”
“Tapos mag-dinner din tayo mamaya, ha?” anang si Merian na nakahilig na sa katawan ni Warren. Kakaiba talaga ito. Samantalang nang nakaraang buwan lang ay sinasabi nito sa lahat na si Jairon na pinsan ni Warren ang lalaking mahal nito at destiny nito. Muntik na nga itong tumalon sa tuktok ng Lighthouse Cafe nang piliin pa rin ni Jairon si Xandie, ang babaeng talagang mahal nito. Makalipas ang ilang araw ay normal na ulit ito. She and her minions were back to being groupies.
Lumabas ang pangil niya habang tinatanaw si Warren kasama ang mga sirena nitong bilasa. Kung tatanungin ang kaibuturan ng puso niya, gusto niyang ihulog ang mga babaeng iyon mula sa tuktok ng eroplano nang walang parachute o lifevest. O kaya naman ay ihagis ng banana boat sa shark infested na dagat. Isama na ng mga ito si Warren na pugad ng kasamaan.
She flipped her phone when it rang. “Hello, Carlyn!” bati niya sa kaibigan.
“Nandiyan pa ba si Warren? Malungkot ba siya dahil nag-iisa siya at wala ako sa tabi niya?”
Sumandal siya sa railing at hinayaan ang hangin na tangayin ang buhok niya. “He just left with the Sirens. Magde-date sila. Banana boat ride.”
Mariin siyang pumikit nang marinig ang hagulgol ni Carlyn mula sa kabilang linya. “Manloloko talaga siya! Wala siyang puso! Wala!”
Carlyn was Warren’s official girlfriend. Bata pa lang si Warren ay magkakilala na ang mga ito. They were childhood sweethearts. At sa paglipas ng maraming taon ay hindi nagbago ang nararamdaman ni Carlyn kay Warren. Warren even promised to marry Carlyn when the right time comes.
Nagpapakaburo si Carlyn sa pag-asang isang araw ay yayayain itong magpakasal ni Warren. Ni hindi ito tumingin sa ibang lalaki kahit na ubod ito ng ganda at isa sa mga papasikat na interior designer sa Los Angeles.
Pero mukhang bigo si Carlyn dahil hanggang ngayon ay di pa rin ito niyayaya ng kasal ni Warren. Bilang piloto, lagi itong napapaligiran ng naggagandahang babae. That job was part of his appeal. Lalo na nang tumapak ito sa Stallion Island. Alam ni Carlyn na dudumugin ito ng mga babae. Carlyn, the oh-so-confident Carlyn was suddenly ate up by insecurity and jealousy. Lalong lumaki ang gap sa pagitan ng dalawa.
Kaya nang malaman ni Carlyn na sa Stallion Island na siya magtatrabaho ay nakiusap ito na i-report nito ang lahat ng ginagawa ni Warren. Hindi naman siya makatanggi kay Carlyn. Naging mabuti itong kaibigan sa kanya.
Kasamahan niya sa organization si Carlyn noong college sila. Noon pa lang ay alam niyang mahal nito si Warren na nag-aaral ng pagpipiloto sa ibang bansa. Nang naglayas siya dahil nag-away sila ng ate niya, si Carlyn ang nagpatuloy sa kanya sa apartment nito. Ito rin ang nagbigay sa kanya ng pera para may magastos siya at nag-recommend sa kanya sa part-time job para may maipantustos siya sa pagsasarili niya. Kaya kahit na nasa abroad na ang kaibigan ay hindi niya ito kinakalimutan at gagawin niya ang lahat para tiyaking magiging masaya ito.
“Isusumbong ko si Warren kay Lola Yani! Lagot siya,” parang batang sabi nito at pumayapa sa pag-iyak. “Thank you, Leica!”
“No problem. Basta may importante akong nalaman tungkol sa kanya, sasabihin ko agad sa iyo,” sabi niya at nagpaalam.
Hindi siya titigil hangga’t di nagtitino si Warren at pinapakasalan si Carlyn o hanggang matauhan ang kaibigan niya. At habang sinasaktan ni Warren ang kaibigan niya, siya ang matindi nitong kaaway.
“LEICA, you are really out of your mind! Noong una, assistant manager ka na ng isang restaurant. Nakakahiya na nga iyon. Ngayon waitress ka na lang.”
Nadoble ang stress na nararamdaman ni Leica nang marinig ang sermon ng Ate Katrina niya sa cellphone. Kalalabas lang niya ng Stallion Wave. Sa dami ng customers ay babagsak na siya sa pagod. Maglalakad-lakad sana siya sa wooden plank na nagdudugtong sa Stallion Wave at sa mga over water cottages para magpahangin at mag-relax nang tawagan siya nito para sermunan sa trabaho niya.
“Ate, Stallion Island ‘to. Iyong ibang babae willing magbayad ng milyones para lang makipagpalit sa pwesto ko. This is paradise.”
Maswerte nga siya dahil kumikita na siya ng malaking pera ay nasa paraiso pa siya at napapaligiran ng nagguguwapuhang mga lalaki. Hindi lahat ng babae ay magkakaroon ng ganoong pagkakataon.
“Pero waitress ka pa rin. Where is your pride? Kung pakakasalan mo si Bart, kahit ilang restaurant pa kaya ka niyang ipagpatayo. Ilang beses na niyang sinasabi na gusto ka niyang pakasalan. Bakit ba ayaw mo?”
“I barely know him. Hindi ko siya mahal!”
“Mayaman naman siya!”
Kaibigan ng bayaw niya si Bart na may sariling oil ranch sa Texas. Ipinakita daw ng kapatid niya ang picture niya dito at nagustuhan siya. Akala ay katulad din siya ng kapatid niya na nagpapauto sa mga lalaki sa internet at willing mag-asawa para sa American Dream. Di niya pinangarap na tumira sa Amerika.
“May pride ako, Ate. Hindi ko pakakasalan ang isang lalaki dahil lang mayaman siya. Kahit pa mahal ko siya, kaya ko namang tuparin ang pangarap ko nang di tumatanggap ng kahit isang kusing sa lalaki.”
“At sinasabi mo ba na wala akong pride? Na mukha akong pera?”
Nasa Texas ang kapatid niya na kasal sa isang mayamang ranchero na nakilala lamang ng ate niya sa internet. Pangarap naman ng ate niya na makapag-asawa ng mayaman. Mula nang magkapera ito, gusto na nitong patakbuhin ang buhay niya. Maging magulang niya ay sunud-sunuran sa gusto nito. Hindi niya ito hahayaan na kontrolin ang buhay niya. Kahit na bumukod na siya ay di pa rin ito tumitigil. Gusto nitong mag-asawa din siya sa lalaking di niya halos kilala. At habang nasusunod ang gusto niya, she was pissing her off big time.
“Hindi ako ang nagsabi niyan. Ikaw.”
“Ni hindi mo naisip na ginawa ko ang lahat para sa pamilya natin. Kung nagpakasal ako sa kung kani-kaninong tambay, baka may sampu na akong anak na di ko naman kayang pakainin. Ano ba ang problema mo? Sa palagay mo ba mapapakain ka ng pride mo?”
Umupo siya may wooden gazebo ng Summer Snowflake at inilawit ang paa. Kung pwede lang ay ibato na niya sa tubig ang cellphone para matahimik na ito.
“Hindi kita hinuhusgahan, Ate. Buhay mo iyan. At buhay ko ito. Di kita pinigilan sa mga gusto mong gawin kaya huwag mo rin akong pigilan.”
“Sige! Maging serbidora ka habambuhay at magpakasal ka sa janitor na di makabili ng disenteng damit. Huwag na huwag kang hihingi ng tulong sa akin!” bulyaw nito at binagsakan siya ng telepono.
Busy tone na lang ang naririnig pero di niya kinansel ang tawag. Itinapat niya ang cellphone sa bibig at saka nagsisigaw. “Anong masama sa trabaho ko? Inggit ka lang kasi di ka makakapasok sa Stallion Island! Magmamalaki ako hangga’t gusto ko! At ako ang bahala sa buhay ko! Huwag mo na akong pakialaman!”
“Sinong kaaway mo?”