Stallion Island Series Chapter 82

Gulat siyang lumingon sa nagsalita. Hindi pala siya nag-iisa sa parteng iyon. Karamihan kasi ng tao sa isla ay nagkakasiyahan sa iba’t ibang bar na nakapaligid sa isla o kaya ay nagre-relax na sa isa sa mga café doon.

“S-Sir Warren?” tanong niya nang mapagsino ito. Nakahilig ito sa maliit na post na pinagkakabitan ng chain na pangharang sa gilid ng wooden pathway. Tumayo siya at nilapitan ito. He didn’t look like his normal self. “Okay lang ba kayo?”

Ang alam niya ay maghapon itong nagliwaliw kasama ang mga Sirens. She was sure that he had a great time. Habang ang kaibigan niyang si Carlyn ay kaawa-awang nagmamahal at umaasa dito. Kaya nagtataka siya kung nasaan na ang mga babae nito. Alas diyes pa lang ng gabi. Dapat ay nagsasaya pa ito.

Tumayo ito at naglakad papunta sa kanya. Saka ito umuklo at tinitigan siya. “Leica?” Lumapad ang ngiti nito nang matitigan siya. “So it’s really you. Akala ko hindi ikaw iyon. Kaboses mo lang.” hinaplos ng daliri nito ang pisngi niya. “Marunong ka palang magalit. It doesn’t suit you, sweet one.”

Napansin niya ang pamumungay ng mata nito at medyo amoy alak ang hininga nito. sa isang kamay nito ay may hawak itong bote ng alak. “Lasing ka ba?”

Umupo ito sa tabi niya. “Konti lang. Napagalitan kasi ako ng lola ko.” Inangat nito ang bote ng alak. “Gusto mo ba?”

Umiling siya. “Salamat na lang. Di maso-solve ng alak ang problema ko.”

“Right. Hindi nga nito maso-solve kahit ang problema ko. Pero ito lang ang paraan ko para makalimot kahit sandali.”

Mukhang malaki nga talaga ang problema nito. Ang alam niya ay occassional drinker lang ito. Kapag kasama nito ang mga kaibigan at mga pinsan ay di ito masyadong umiinom ng alak kahit pa may kasiyahan. Dahil na rin siguro parte ng disiplina nito bilang piloto. Delikado kung magpipiloto ito ng eroplano na nakainom o kaya naman ay may hangover.

“Bakit kayo pinagalitan ng lola ninyo, Sir? Parang matanda na kasi kayo para pagalitan.” Kundi siya nagkakamali ay ang lola ni Warren ang pinagsusumbungan ni Carlyn kapag may ibang ka-date na babae si Warren. Boto ang lola ni Warren kay Carlyn dahil kaibigan ng pamilya nito ang pamilya ni Carlyn.

“Shhh!” saway nito at ikinumpas ang kamay. “Huwag mo akong pagtawanan. Mahal na mahal ko si Lola. Siya ang nagpalaki sa akin. May babae siyang gusto para sa akin. Mahal na mahal daw ako ng babaeng iyon at dapat ikasal kami balang-araw. Ang babaeng iyon daw ang bagay na maging ina ng mga anak ko, etcera, etcera!”

Si Carlyn marahil ang tinutukoy nito. Hindi niya inaasahan na magku-kwento sa kanya si Warren. Pagkakataon na niya ito para malaman kung ano ang tunay nitong nararamdaman para sa kaibigan niya.

“Mahal mo ba ang babaeng iyon?” tanong niya.

“Mahal din naman,” kaswal nitong sagot at tumungga sa bote. Daig pa nito ang mga lasenggo sa kanto nang mga oras na iyon.

“Mahal mo naman pala. Bakit kung kani-kanino kang babae sumasama? Mahal na mahal ka niya,” wika niya habang kinokontrol ang galit. Siya ang unang nakakarinig ng mga iyak ni Carlyn kapag ikinukwento ang mga kalokohan ni Warren. Hindi nito alam kung paanong nasasaktan ang mga kaibigan niya.

Humilig ito sa balikat niya. “Hindi mo ako maiintindihan. Hindi nga ako sigurado kung mahal nga ako ni Carlyn o katawan lang ang habol niya sa akin. Pare-pareho kayong mga babae. Gusto lang naman talaga ninyo ang katawan ko!”

Nanigas ang buo niyang katawan. Kanina lang ay galit na galit siya kay Warren dahil sa ginawa nito ay Carlyn. Ngayon ay nagbago ang ihip ng hangin. Magkalapit ang katawan nila sa isa’t isa. She could feel the heat of his body against hers. Hindi niya iyon dapat pinapayagan. Pero bakit parang normal lang sa kanya na pahiligin ito sa balikat niya? That’s what lovers do. They weren’t lovers.

His manly cologne muddled her brain. Maybe it was the cold sea breeze. O baka naman gaya ng ibang mga babae ay katawan lang din ang habol niya dito. At kundi lang dahil kay Carlyn, may posibilidad na attracted din siya dito.

Inangat nito ang ulo at dahan-dahang pumaling sa kanya. Inilapit nito ang mukha sa kanya at pinakatitigan siya. “Katulad ka rin ba ng ibang babae, Leica? Do you also find me attractive?”

Napipilan siya. Iniisip lang niya iyon kanina sa sarili niya. Paano nitong nabsa ang iniisip niya? Lalong naningkit ang mga namumungay nitong mata. But she could swear it made him more appealing. He may be a womanizing jerk but she could see now how he made it possible. He was charming indeed. And she could swear, kinukulam siya nito.

“Warren, nandiyan ka lang pala.”

The spell was suddenly broken. Inilayo niya ang sarili kay Warren at pinagmasdan ang tatlong lalaking paparating. Mga pinsan ang mga ito ni Warren na pawang mga pioneer members ng isla.

Iniyukyok ni Warren ang ulo. “Ang iingay naman ng mga iyan!”

Inalog ni Julian ang balikat ni Warren. “Uy, insan! Kanina ka pa namin hinahintay sa Banyan Restaurant. Ikaw dapat ang magbabayad ng dinner natin.”

Tinapik ito ng doktor na si Arvind James. “Bakit umiinom kang mag-isa? Paano kung pagsamantalahan ka dito?”

She was appalled. Siya pa ang magsasamantala ngayon. The nerve of these men. Tingin ba talaga ng mga ito ay katawan lang ang habol ng mga babae sa mga ito? Mukha ba siyang magsasamantala ng lalaki?

“Hindi ako pagsasamantalahan ni Leica. Mabait iyan,” nakangiting sabi ni Warren at ngumiti sa kanya.

Iyon ang akala mo. Una ay di siya mabait. He had no idea that she was his worst nightmare. Pangalawa, kundi dumating ang mga pinsan ni Warren, di niya alam kung ano ang susunod na mangyayari. She had just realized that she was not susceptible to his charm. Iyon ang ikinatatakot niya.

“Bitbitin na ninyo iyan sa cottage niya,” utos ni Jairon at binitbit ang bote ng alak na naiwan ni Warren. “Magugulpi ako ni Xandie nito. Di ko pa nadadaanan sa Lighthouse Restaurant ang cream puff niya.”

“Teka! May itinatanong pa ako kay Leica!” tutol ni Warren na lumingon pa sa kanya habang binibitbit nina Arvind James at Julian. “Leica!”

Pinagmasdan lang niya si Warren. Ano naman ang isasagot niya sa tanong nito? Na katulad din siya ng ibang babae na kahit paano ay pinagnasaan ito? Matulog na lang ito para mawala ang kalasingan nito.

“I am sorry about that,” hinging-paumanhin ni Jairon. “Madaling malasing si Warren. He is not much of a drinker. May problema lang siya. At kapag hinayaan siyang uminom mag-isa, baka kung saan-saan na lang siya humahandusay.”

“Hindi pa naman siya humahandusay kanina,” sabi niya.

Itinaas nito ang bote ng alak na nangangalahati na. “Oras na maubos na niya ito, baka hindi na niya alam ultimo ang pangalan niya. Baka ipatawag kami sa Peak at kailangan naming harapin ang village lords. Problema iyon.”

Sa The Peak matatagpuan ang bahay-slash-palasyo ni Prince Rostam, isa sa pitong village lord ng Stallion Island. Sinumang lumabag sa batas ng isla kasama na ang paglabag sa proper decorum at etiquette ay kailangang humarap sa pitong ito para litisin. It could mean suspension. Pwede ding tanggalan ng membership o kaya ay ma-ban. That would be so bad, lalo na’t dumadaan sa butas ng karayom bago makapasok sa riding club.

“Don’t worry. Wala po akong pagsasabihan tungkol dito.”

“Thank you,” anito at nagpaalam nang pupuntahan ang girlfriend nito.

Jairon used to be a playboy as well. Nakita niya kung paano itong makipag-flirt sa mga babaeng bisita sa isla. Ibig sabihin ay pwedeng ring magbago at maging matino sa babae ang mga playboy. He was so much in love with his girlfriend Alexandrea. At ang alam niya ay malapit nang ikasal ang mga ito.

Kung magiging matino lang din sana si Warren sa mga babae katulad ng pinsan nito, walang magiging problema sa kanya. Kailan kaya mangyayari iyon?

“COFFEE, Miss Leica,” alok sa kanya ng librarian na si Corrine.

“No, thanks! I am not really into coffee. Magre-request na lang ako na sana may libreng tea din dito sa library,” she said with a wicked grin.

Naging paborito na niyang puntahan ang library matapos niyang gawin ang lahat ng gawaing-bahay kapag day off niya. Nasa Central Town ang library na may nakahilerang kung ilang libong libro mula sa iba’t ibang bansa. Libre ding mag-internet at magbrowse sa kung ilang libong e-book files. Pero mas gusto niyang magbasa sa park kung saan sariwa ang hangin at matatanaw ang Horse Sanctuary kung saan malayang nakakagala ang mga kabayo.

Isa sa nagpatanyag sa Stallion Island ay ang mga kabayo ng mga ito mula sa iba’t ibang panig ng mundo. And Prince Rostam’s Kingdom, Al Ashiq had the best breed of horses in the world. And they also had their legendary Arabian horses as their kingdom’s pride. She was not a fan of horses. But for once, mas gusto niyang mga kabayo naman ang makita kaysa sa mga tao.

Dumampot siya sa talaksan ng mga bagong libro na inaayos ni Corrine. “How to Beat the Crap Out of Dominating and Arrogant Men.” Umangat ang gilid ng labi niya. “I like this one! Ito na ang hihiramin ko.”

Namutla si Corrine. “Miss, hindi pa ito approved ng mga village lords. Kadadating lang ito. Donation ng kaibigan ni Ma’am Pinay na si Ma’am Haellene.”

Haellene was an psychologist who was hell-bent on studying the behavior of men and women. She was taking up her Master’s Degree. At mukhang napag-iinitan nito ay ang mga Stallion Boys.

“This is interesting. Co-author pala siya ng librong ito.”

“I am not sure if the village lords will be happy about it. Baka nga kapag nakita ito ng ibang members silaban na lang nila.”

Chauvinistic, egotistical little boys! Iyon ang tingin niya sa mga members doon pagpasok ng island riding club. Ang Stallion Island ay ang palaruan ng mga ito. It was their own kingdom where they can dominate. These men were a class of their own. They earned their statures with their own talent. Isama na ang kaguwapuhan. At di madaling paibigin ang mga ito. Matataas kasi ang mga pride. And falling in love and giving their heart to a girl could be a sign of weakness or could deliver them to their downfall.

“Hihiramin ko na rin bago pa nila ipasunog. Sayang naman!”

“Sabihin mo sa akin kapag maganda, ha?”

Tumango siya at lumabas na ng library. Hindi nila pwedeng ipaalam na nasa posesyon nila ang librong iyon. Baka sila naman ang ipasunog ng buhay. Sa islang iyon, ang mga Stallion Boys ang batas. Matindi ang parusa sa mga lalabag. Ang pinakaiingatan ng mga ito ay ang seguridad at ang privacy. The members were powerful and influential men. Nagbabayad ng malaking halaga ang mga ito para makapaglibang sa isla at palawakin ang mga koneksiyon.

Binasa niya ang libro habang naglalakad. Preface pa lang ng libro ay interesado na siya. Parang nakikipag-kwentuhan lang sa isang malapit na kaibigan o kapatid ang approach na ginamit sa libro. She played the role of a sweet girl eversince she worked at the island. Pero ang totoo, isa siyang tigre na nagwawala habang nakakulong sa hawla. How she longed to be free.

Nagulat siya nang may humagibis na kabayo sa tabi niya. Then a hand swooped the book from her hand. Napaawang ang bibig niya sa sobrang pagkagulat at sinundan ng tingin ang kabayo at ang lalaking sakay nito na makisig na makisig sa royal blue long sleeve polo at white trousers na siyang official uniform ng riding club members.

Gusto nang bumula ng bibig niya sa galit at nakangiti itong lumingon sa kanya. It was Warren. “Hello, my sweet one!”

“Sir Warren,” usal niya. Jeez! Di ba papangit ang lalaking ito? Kahit anong isuot nito ay makisig pa rin ito. Kailangan kasi ay physically fit ang piloto. Kagabi lang ay lungayngay ito sa kalasingan. Now he looked better.

Bumaba ito ng kabayo. “Masyado kang busy sa pagbabasa. Kanina pa kita tinatawag. Ano ba itong binabasa mo?” Kumunot ang noo nito nang basahin ang title. “How to Beat the Crap Out of Dominating and Arrogant Men. I can’t actually believe it. You read garbages like this?”

Garbage to egotistical men like him who thought he could claim any woman with just a smile. Pwes, kayamanan sa kanya ang librong iyon. At ang mga ganoong libro ay di naman ipinabasa sa mga lalaking tulad nito. Dapat ay ihinahampas sa mukha ng mga ito para magsitino.

Binawi niya dito ang libro. “Hiniram ko lang sa kaibigan ko. Wala kasi akong mabasa.”

“Maraming romance pocketbook si Arjhilleyne. Iyong dinidiskartehan ni Julian. Niregaluhan siya ni Julian ng isang set ng Stallion Series. Gusto mo ba ibili din kita ng isang set kay Coltrain?” Si Coltrain ay member ng Stallion Island na may-ari ng chain bookstores sa bansa.

Umiling siya. “Hindi na po, Sir. Gusto ko lang namang magbasa at maglibang. Sige po, Sir! Doon muna ako sa park. Baka nakakaabala na ako.”

“Sasamahan na kita. Kanina pa naman kami tumatakbo ni Speedo.” At inakay nito ang kabayo.

“Hi, Speedo!” bati niya. “Pwede ko ba siyang hawakan?” She was fascinated with horses. Pero mas gusto niyang titigan ang mga ito. Baka kasi matiyempuhan niya ang kabayong topakin o kaya ay nangangagat.

Itinali ni Warren ang kabayo sa puno. “He is not fond of women when he is tired. Hayaan muna natin siyang magpahinga.” Umupo ito sa ilalim ng puno. “Magbasa ka lang. Hindi kita aabalahin.”

“Nakatulog ba kayong mabuti, Sir?” tanong niya nang pumikit ito habang nakasandal sa katawan ng puno.

Sinapo nito ang noo. “Just this rotten headache. Nabawasan lang nang mag-ikot kami ni Speedo. I am sorry about last night. Nasabi sa akin ni Kuya Jairon na ikaw ang kasama ko kagabi wooden walkway. I am lousy drinker. Ano ba ang ginawa at pinagsasabi ko?”

Kung ganoon ay wala itong natatandaan. Nakalimutan na ba nitong ihinilig nito ang ulo sa balikat niya? He smelled fresh and masculine then. At nakalimutan na rin ba nito nang sabihin nitong maganda siya?

“Walang masyado, Sir. Dumating din agad ang mga pinsan ninyo. Are you sure you are okay now?”

“Yeah!” anito at tumango.

“Wala ba kayong ka-date?”

“I feel rotten. Paano ako makikipag-date? I just need someone to talk to right now. Okay lang ba kung ikaw ang kausapin ko?”

Tumango siya at isinara ang libro. “No problem.

Pabor pa nga siyang malaman kung ano ang nilalaman ng isip nito. Para may mai-report siya kay Carlyn.

“What do you think about childhood sweethearts? Sa palagay mo ba valid ang nararamdaman ng isang tao dahil lang nagsumpaan kayo nang mga bata kayo na magmamahalan kayo habambuhay? Siyempre bata pa kayo noon.”

Si Carlyn ang tinutukoy nito. Mabuti naman at kahit paano ay binabagabag ito ng konsensiya nito. Akala niya ay wala itong pakialam sa kaibigan niya.

“May childhood sweetheart ba kayo na mahal pa rin ninyo hanggang ngayon?”

Matagal na sandali itong tumahimik. “Well... medyo komplikado. Mahirap ipaliwanag.” Pumalatak ito at tumayo. “Never mind. Gusto mo bang magpa-spa kasama ko? You deserve to pamper yourself, you know? We’ve been working so hard. It is my treat.”

Spa sounded heaven. Pero spa kasama ito. Never mind. “Salamat na lang, Sir. Okay na ako sa libro ko.”

Naniningkit ang mata siya nitong pinagmasdan. “You seem so sweet, Leica. But you dont date at all. Napapahiya tuloy ako sa iyo.”

“I just dont date. Period. I am sure maraming babae diyan na gustong makipag-date sa inyo. Kahit sila pa ang magbayad.”

“You dont mind?” gulat nitong tanong.

“I don’t. Why should I?”

He carressed several strands of her hair then let his lips touch it. “Because sometimes i think you like me, Leica.”

Katahimikan ang naisagot niya at sinundan na lang ito ng tingin palayo. Bakit di siya nagalit? Dapat inaway niya ito. Ang kapal ng mukha nito na sabihing baka gusto niya ito. Duh!

She didnt make any violent retort. Ang naririniig na lang ay ang malakas na tibok ng kanyang puso. Ire-report ba niya ito kay Carlyn?

Ipinilig niya ang ulo. No. Ayaw niyang malagyan ng malisya ang pagkakaibigan nila. She didnt want to be branded as one of warren’s women.

But there was one nagging question inside her head: kung wala ba si Carlyn sa buhay nila ni Warren, mai-in love kaya siya dito gaya ng ibang babae?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.