Stallion Island Series Chapter 83

“Vamos! Vamos!” utos ng manager ni Leica na si Hyacinth at pumalakpak. It was another busy breakfast at the Stallion Wave. Parang ito ang queen ant at sila ay pawang mga worker ants na nakasunod sa bawat utos nito.

Alas kuwatro pa lang ng madaling-araw ay naroon na siya para magtrabaho. May mga members kasi na maaga kung mag-agahan. At magandang manood ng sunrise sa Stallion Wave dahil nakaharap iyon sa Silangan.

“Ma’am, ire-remind ko lang po kayo sa mga regular breakfast delivery natin. Nai-deliver na po ba lahat?” tanong niya nang madaanan niya ito sa pantry.

“Oo nga pala.” Lumapit ito sa touch screen LCD monitor para i-check ang mga deliveries. “Si Sir Warren na lang ang hindi natin napapadalhan.” She automatically barked order to the kitchen thru her headset. Humihingal ito nang matapos ibigay ang order. “Warren Li can be grumpy if his breakfast didn’t come on time.”

“Hindi naman siya nag-confirm, Ma’am,” pakonswelo niya sa namumutla niyang boss na kumuha ng tubig at tinungga.

“Kung hindi siya nag-confirm, ibig sabihin usual breakfast niya ang ide-deliver. Dito lang siya kumakain ng breakfast. And you know that.”

“Pampered little boy,” mahina niyang usal. Trabaho nila na pagsilbihan ang mga Stallion Boys at ang mga guest. Parang mga royalty kung tratuhin. And sometimes it is pissing her off.

Katatapos lang niyang maghain ng order sa isang customer nang tawagin siya ni Hyacinth sa pamamagitan ng headset. “Leica, i-delegate mo na sa iba ang mga customers mo. Ikaw ang magde-deliver sa cottage ni Sir Warren.”

“Bakit po ako?” tanong niya at nilapitan si Hyacinth. Ibang staff ang pinagde-deliver ng breakfast sa mga cottages. Hindi iyon ang specialty niya.

“Kapag nakita ka ni Sir Warren, hindi na siya magagalit. Makakalimutan na niyang late dumating ang order niya. Kaya libangin mo siya and give him your best smile. Ayokong mawalan tayo ng regular customer. Gusto mo bang mawalan ka ng malaking tip?”

Hindi na niya magawang tumanggi. Pagdating sa pera, talo-talo na sila. Parang ayaw na kasi niyang magpakita kay Warren mula nang sabihin nito na gusto siya nito. Okay lang sa kanya na ibang babae ang bola-bolahin nito. Pero ayaw niyang sa kanya ito nagfi-flirt.

Pumunta siya sa likuran ng restaurant at bumaba sa hagdan. May naghihintay na sa kanilang canoe doon pati ang magsasagwan na si Jimmy. “Huwag kang mag-alala. Hindi malakas ang alon ngayon. Maganda ang panahon,” sabi nito at inalalayan siyang sumakay ng bangka.

Kakaiba ang breakfast delivery nila sa Stallion Wave para sa mga residente ng Summer Snowflake Cottages. Sinasagwan nila ang mga cottage at isine-serve ang pagkain sa verandah. Parang nilikha nga ang Summer Snowflake Cottages para sa kakaibang service na iyon mula sa Stallion Wave. Kaya naman maraming guest nila ang nagpapa-deliver ng pagkain. Kaya nga naiinggit ang mula sa ibang village ng Stallion Island sa mga taga-Wave Village dahil ang mga ito lang ang may ganoong klase ng privilege.

“Nandito na tayo,” untag ni Jimmy sa kanya.

Sumampa siya sa hagdan na paakyat sa wooden verandah ng cottage ni Warren. Nasa bandang dulo na iyon ng Summer Snowflake. Kapag late ang pagkain ay nakaabang na dapat si Warren sa verandah habang nakahalukipkip. IYon ang sabi sa kanya ng mga nakatapat sa legendary temper nito.

“Wala siya dito,” sabi niya at inilapag ang pagkain nito sa breakfast table.

“Baka naman natutulog pa.”

Tiningnan niya ang waterproof watch na shell bracelet ang style. Sa loob ng isang oras ay may chartered flight si Warren. It was her business to know his schedule. “Sandali lang. Titingnan ko.”

Kakatukin sana niya ito sa pinto pero nakabukas na ang pinto. He left it open. Walang kwenta ang security system ng isla kung kusa namang iniiwang bukas ang mga pinto. O baka kampante si Warren na buksan ang pinto papunta sa dagat dahil wala namang basta-basta papasok mula doon. Everyone had to get there either by swimming or by riding a sea vessel. At istrikto ang mga nagpa-patrol sa bahaging iyon bukod pa sa mga security cameras na nasa paligid maging sa ilalim ng tubig.

Unang bumulaga sa kanya ay ang magulong silid. Nagkalat ang mga damit ni Warren. How could a neat man be so messy with his own room? Parang gusto muna niyang linisin iyon. Ayaw niya ng madumi! Nasaan na ba si Warren?

Nakita niya si Warren na nakabulagta sa kama nito at tulog na tulog. Dinampot niya ang mga polo at pantalon na nadaaanan niya. May basyo pa ng beer sa lapag. Nakarinig siya ng ring ng telepono. Nang lingunin niya si Warren ay di pa rin ito natitinag. “Pambihira namang lalaki ito!” usal niya at napilitang sagutin ang telepono. “Hello!”

“Hello! Where is Warren?”

“N-Natutulog po…”

“What? Natutulog pa rin siya!” sigaw nito bago pa niya matapos ang sinasabi niya. “I suppose you are the woman he spent the night with.”

“P-Po? H-Hindi po,” tanggi niya.

“Listen! Wake him up right now! Sabihin mo pinapagising siya ni Jairon. May flight pa kami mamaya. At kung hindi siya dadating sa oras, ako mismo ang pupunta sa cottage niya at ihahagis ko siya sa dagat para magising siya,” bulyaw nito. Jairon Yun always had a sunny personality. Ayaw lang nito sa mga late. “Wala akong pakialam kung pagod man siya sa anumang ginawa ninyo kagabi. I want him to get here on time or he is dead! Dalawa kami ni Xandie na gugulpie sa kanya.”

Ume-echo sa pandinig niya ang sinabi nito. Napagkamalan siyang babae ni Warren. Matalim niyang tiningnan ang binata na himbing na himbing pa rin saka puno ng pagsususpetsa na iginala ang mata sa silid. Himbing na himbing ang tulog nito samantalang pinagtaksilan nito ang kaibigan niya nang nagdaang gabi.

Ihinagis niya ang damit nitong dinampot niya kanina at saka nagmartsa palapit dito. Kuyom niya ang palad habang pinipigilan ang sarili na suntukin ito o kaya ay lamukusin ang mukha nito. taksil! Taksil!

Huminga siya nang malalim. She couldn’t blow her cover. Kailangan siya ni Carlyn. Marahan niyang tinapik ang pisngi ni Warren. “Sir! Sir, gumising na po kayo,” aniya sa malambing na boses.

Umungol ito. “Lola…” Saka nito hinuli ang kamay niya at idinikit sa pisngi nito. “Please don’t hate me, Lola.” Nananaginip pa yata ito.

Pambihira! Kanina lang ay napagkamalan siyang babae nito. Ngayon naman ay lola nito.

Mas nilakasan niya ang tapik sa pisngi nito. “Sir Warren, gumising na po kayo. Baka ma-late kayo sa flight ninyo.”

Sa halip na dumilat at tuluyang gumising ay hinatak siya nito nang malakas. Mahina siyang tumili dahil nadaganan niya ang mainit nitong katawan. Nang subukan niyang kumawala ay naramdaman niya ang walang saplot nitong matipunong dibdib. Awtomatikong gumana ang malawak niyang imahinasyon. Kung may kasama itong ibang babae nang nakaraang gabi, ibig sabihin ay wala itong kahit anong suot.

Nag-init ang buo niyang katawan. Parang lalagnatin siya. Nang maisipan niyang magpupumiglas upang makawala dito ay pumaikot na ang braso nito sa katawan niya kaya lalo siyang nadikit sa katawan nito. Kinabig nito ang ulo niya kaya napasubsob siya sa dibdib nito.

“Lola, please don’t force me to marry her. Paano kayo nakakasiguro na mahal nga niya ako? I am old enough to get hold of my own life. I’ve been a good boy. Sinunod ko ang lahat ng gusto ninyo. Bakit hindi ninyo ako pabayaan?”

Drat! She wanted to hate him. Di pala nito mahal ang kaibigan niya. Bakit pa ito nangako na magpapakasal ang mga ito. Di naman pala nito tutuparin. Tapos ngayon ay tututol itong magpakasal. Di lang talaga ito nagseseryoso sa babae.

She couldn’t help but bury her nose on his chest. But this womanizing jerk smelled so good. How could he sleep on that rumpled bed without a stitch on and still smell masculine and yummy after smelling a night in bed with another woman. Sino kaya ang bruhang babaeng iyon na nagpakasasa dito? Gusto niyang kalbuhin!

Pero bakit lola nito ang napapanaginipan nito sa halip na ang babaeng kasama nito nang nakaraang gabi? That woman must be a lucky bitch. Warren was a fine example of male specimen. And she could feel the warmth flowing from his hot body to her skin. Manipis lang ang suot niyang sarong. Ugh! Bakit pa siya ang napasubo sa sitwasyon na ito? And she felt so sensual when he buried his face against her hair.

“Lola, bakit amoy Stallion Shampoo ang buhok mo?” paungol nitong tanong. “Siguro nagpapaligaw ka, no?”

Bigla siyang natauhan siya itinulak ito ng ubod-lakas. Habol niya at hininga nang haplusin ang sarili niyang buhok at maang nakatitig kay Warren na unti-unti nang nagkakamalay. Umungol ito at sinapo ang ulo nito. “Anong nangyari?”

“Leica?” usal nito habang nagfo-focus ang mga mata. “What are you doing here?”

Nagpapa-harass sa iyo habang pinagkakamalan mong lola mo? Natigilan siya. Kung inaakala nitong lola siya nito, who’s harassing whom?

Pilit siyang ngumiti. “Breakfast. Nagdala po ako ng breakfast ninyo. Tumawag po si Sir Jairon. Ipinaalala niya ang flight ninyo within less an hour.”

“Oh, shit!” bulalas nito at bumalikwas ng bangon.

Napalunok siya nang maalalang wala itong damit na suot. Ano kaya ang itsura nito kapag walang damit? Ayaw niyang magkasala pero di siya makagalaw nang dumausos ang kumot nito hanggang sa baywang nito.

“I have to take a shower.” Saka wala nitong kiyemeng ihinagis ang kumot. Natutop niya ang bibig upang pigilang tumili at maghisterikal. Siya pa ang nadismaya dahil naka-boxer shorts pala ito. “Leica, paki-ready na lang ang breakfast. I am on a hurry. Masakit pa ang ulo ko.”

Nakatulala siyang napaupo sa kama. Muntik na iyon. Muntik na. walang lakas ang katawan niya pero nagwawala naman ang puso niya. Tinampal niya ang sariling pisngi. “Ano bang nangyayari sa iyo, Leica?”

Wala siyang pinagkaiba sa ibang babae na nagkakandarapa at nagnanasa kay Warren. Hindi siya taksil na kaibigan. Natural lang iyon na reaksiyon ng isang babae na napadikit sa matipuno at guwapong lalaki. Now she hated Warren more.

Ipinilig niya ang ulo at pumunta sa medicine cabinet. Kumuha siya ng ibuprofen. Inilapag niya iyon sa breakfast table. Di pa rin bumabalik sa normal ang sirkulasyon ng dugo niya.

Bakit ba ganito ang nangyayari? Si Warren lang ang lalaki na nagparamdam sa kanya na kaakit-akit siya. Na kaya nitong ibagsak ang depensa niya sa isang haplos lang nito. At mali iyon. Maling-mali.

Masama ang tingin niya sa malalim na tubig sa baba ng cottage nito. Kung tumalon kaya siya doon? Baka sakaling makawala siya sa kulam ni Warren.

Napalingon siya nang lumabas ng cottage si Warren. He was wearing a royal blue terry robe. Mamasa-masa ang buhok nito na pinatuyo lang ng tuwalya. Di sapat ang malamig na simoy ng hangin para pawiin ang init na naramdaman niya nang sumilip ang matipuno nitong katawan sa robe nito.

“I am sorry. Uminom ako ng isang baso ng wine kagabi para makatulog.” Sinapo nito ang ulo at ibinagsak ang sarili sa rattan chair. “May ginawa ba akong hindi maganda sa iyo kaninang ginigising mo ako?”

“Ha?” May naalala ba ito? Alam ba nitong niyakap siya nito, inakit at all the while ay tinatawag siya nitong lola?

“Don’t get me wrong. I am not in the habit of harassing women.”

“Wala po, Sir. Baka nananaginip lang kayo kanina. Kumain na kayo, Sir. Kasi mukhang galit si Sir Jairon kanina.”

“Nagpapalibre lang ng lunch iyon kaya kunyari masungit.” Then he gave her his killer smile that could sink Titanic. “Kumain ka din.”

“Hindi na po, Sir. Enjoy your breakfast.” Baka ito pa ang kainin niya.

“You look flushed. Are you okay?”

Ipinaypay niya ang kamay sa mukha niya. “Mainit ngayon, Sir.” The good weather had nothing to do with it. It was the his hot body.

He looked at her quizzically. “You look refreshing.”

Their eyes met. Then memories came rushing. Naalala niya kung paanong nagdikit ang mga katawan nila. And he was nearly naked.

Bigla niyang binawi ang tingin. “May iuutos pa kayo, Sir? Parating na po kasi ang sundo ko,” aniya at tinanaw ang bangkang kadadaan pa lang sa gilid ng cottage para maghatid ng pagkain sa ibang cottage. Kumaway siya at sumenyas na balikan siya. Hindi na siya tatagal pa na makita o makasama ito. Matutunaw siya.

“Wala na. “Thank you for taking care of me, Leica,” he said in a very lazy, seductive voice.

“Have a safe trip, Sir!” aniya at dali-daling bumaba sa hagdan para doon hintayin ang bangka. Di na niya matatagalan pa ang presensiya ni Warren.

“Wait!” Tumigil siya sa malalaki ang hakbang nito palapit sa kanya. “I just want to find out something.”

HInawakan nito ang balikat niya nang maabutan siya. Then he buried his nose at the top of her hair. Naestatwa siya. Ano bang ginagawa nito? Tumatakas na nga siya dito, pilit pa rin siya nitong nilalapitan. Tukso, layuan mo ako!

“You smell so good. Naamoy ko ito sa panaginip ko kanina.”

Naumid siya. Di nito alam na hindi panaginip ang lahat. It was real. She was in his arms a while ago. “Iyong breakfast ninyo, Sir,” paalala niya.

“Oh, yes! Nandito na rin ang sundo mo,” anito at inalalayan siyang sumakay sa bangka. Di niya ito tiningnan hanggang makasakay siya ng bangka. Ayaw na niya itong makita. Bahala na ang ibang staff na kumuha sa pinagkainan nito.

Tama na ang pang-aakit! Tama na ang mga ngiti. She had enough! Dapat nang mapigilan ang pambababae nito. At sa ginawa nito sa kanya kanina, titiyakin niyang magbabayad ito ng mahal.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.