“Warren, how could you do this? Hindi ka pa nasiyahan na makipag-date kung kani-kaninong babae. Women with wild reputation. Now you spent a night with a woman. You don’t have any discretions at all, do you? Ni hindi mo naisip kung ano ang mararamdaman ni Carlyn!”
Warren crushed the beer bottle with his bare hand. Hindi siya makapaniwala sa naririnig niya mula sa Lola Yani niya. “Where did you get that gossip, Lola? Anong babae ang sinasabi ninyo?”
“Si Carlyn mismo! From a very reliable source.”
Nagkakasayahan silang magpipinsan sa villa ni Arvind James sa Wind Country na nasa mabundok na parte ng isla. Ihinatid niya nang nagdaang araw ang fiancée ni Jairon na si Alexandrea sa Manila kaya free silang mga boys na magpakasaya dahil walang mga babaeng nagbabantay sa kanila. Akala niya ay Malaya siyang makakapagsaya kundi lang niya natanggap ang tawag mula sa lola niya.
He loved his grandmother very much. Di pa siya ipinanganganak nang mamatay ang papa niya sa isang plane crash. Naging abala naman ang mama niya sa pagpapatakbo ng negosyo. Kaya ang Lola Yani niya ang nag-alaga sa kanya. Ito na ang tumayong ama at ina sa kanya lalo na nang mag-asawa ang mama niya at sa ibang bansa na piniling manirahan.
He would do everything for her grandmother. Ang ayaw lang niya dito ay ihinanda na siya nito sa buhay na ayaw niya. Pumili na ito ng babae para sa kanya-si Carlyn, ang kababata niya. And now, Carlyn was also controlling his life through her grandmother. Kahit nasa ibang bansa ang dalawa ay alam ng mga ito ang ikinikilos niya. At sa mga ganitong pagkakataon ay nasasakal siya.
“Lola, that’s not true. Isang linggo na akong walang ka-date.” Kinalas niya ang necktie niya. “Si Zach lang ang kasama ko noong isang gabi.” Nilingon niya ang pinsang si Zach na nakasalampak sa wooden floor at kumakain ng higanteng pizza. “Right, Zach? Magkasama tayo noong isang gabi. Tayo lang.”
Nagkibit-balikat ito. “Siguro.”
BUmagsak ang balikat niya. Di talaga ito maasahan sa oras ng pangangailangan. Parang nananadya. Natutuwa yata ito na masermunan siya ng lola niya. “Hindi ako naniniwala kahit pa magkampihan kayong magpipinsan. Bata pa kayo magkakasabwat na kayong magpipinsan.”
Sinapo niya ang noo. “Lola, wala po talaga!” giit niya.
Di nito pinansin ang pagtanggi niya. Narinig niya ang malalim nitong paghinga. “At sa palagay mo magsisinungaling si Carlyn? Iyak nang iyak iyong bata. Wala ka nang ginawa kundi saktan ka. Nangako ka nang mamatay ang magulang niya na pasasayahin mo siya. Where’s my little boy? How could you lie to me and Carlyn? Sabihin mo sa akin kung maniniwala pa ako sa iyo.”
Her little boy. She was just twelve when she promised Carlyn that he would take care of her. And he did. Siya ang naging tagaaliw ni Carlyn at tagapagtanggol nang mawala ang mga magulang nito. He was her hero.
Pero di niya inaasahan na aabot sa puntong gusto ni Carlyn na pakasalan niya ito. Hindi iyon ang gusto niya. Hindi na siya bata. Marami pa siyang gustong gawin. Wala pa sa plano niya ang magpakasal. Lalong wala sa plano niya ang basta-basta na lang pakasalan si Carlyn. Pero umaakto na ito ngayon na fiancée niya. Worse. Parang narito ang lahat ng karapatan sa kanya na parang asawa na siya nito.
“Lola, hindi mo ako nagsisinungaling,” giit niya. “Wala akong kasamang babae sa kuwarto ko. Wala! I slept alone in my room.”
“Pero nakikipag-date ka sa ibang babae.”
“I didn’t deny it. Inaamin ko kapag may iba akong ka-date.”
Not that his dating is anybody else’s business. Thirty na siya. Hindi na siya batang paslit na kailangang mag-report sa nakatatanda kung sino ang kasama niya.
He was a normal warm-blooded male. Natural lang sa kanya na makipag-date siya sa ibang babae. Sayang naman ang kaguwapuhan niya na umaakit sa mga kababaihan kundi niya mapapakinabangan.
“Bakit ka pa nakikipag-date sa iba kung nandiyan naman si Carlyn.”
At inisa-isa ng lola niya ang lahat ng magagandang katangian ni Carlyn. Carlyn was pretty. With her Chinese descent, she had chinky eyes like him. Maayos ang pagpapalaki dito ng tiyahin nito. Ngayon ay isa itong magaling na designer sa Los Angeles. She remembered her as a sweet girl with an equally sweet voice. Pero bata pa rin ang tingin niya dito. Hindi twenty-five years old.
“Lola, matagal na kaming hindi nagkikita ni Carlyn. Hindi na ako ang batang nakilala niya. Paano kayo nakakasigurong in love siya sa akin at siya nga ang babaeng para sa akin?”
“She loves you. You have no right to question that. And besides, she’s the best woman for you. Kailangan lang siguro ninyong magkasama ng mas matagal para makita ninyo na bagay kayo sa isa’t isa. In two months time, dadalawin ka namin sa Stallion Island. That would be terrific.”
“Okay,” walang gana niyang wika.
“Pero baka mas mauna akong umuwi. Kung kinakailangang bantayan kita para hindi ka malapitan ng iba’t ibang babae.”
“Lola, hindi na ako bata!” angal niya at sinabunutan ang sarili. Baka makantiyawan pa siyang lola’s boy.
“At kapag pumunta na diyan si Carlyn, paplanuhin na natin ang kasal. Do you want an island wedding? Maganda siguro na makadalo rin ang mga dignitaries. Oh! Kunin natin ninong si King Abdullah at ang presidente ng Pilipinas.”
Nagtayuan ang mga balahibo niya nang banggitin ang kasal. Parang may isang higanteng kamay na pumipilipit sa leeg niya. hindi siya makahinga. At kapag tumagal pa ang pag-uusap na iyon ay baka maubusan na siya ng oxygen.
Kinatok-katok niya ang cellphone. “Hello, La! Iyong signal nawawala. Saka malo-lowbatt na po ako. I love you!”
“Don’t hang up on me, Warren! Pag-usapan natin ang motif ng kasal…”
Pinatay agad niya ang cellphone. Tumakbo siya sa loob at in-unhook ang telepono sa villa. “What the heck are you doing? Baka may tumawag sa akin!” angal ni Arvind James.
“Patayin ninyo ang mga cellphone ninyo. Baka kayo naman ang tawagan ni Lola,” utos niya. Kanya-kanyang patay ng cellphone ang mga ito.
“Ano na namang kalokohan ang ginawa mo, Warren?” nanlilisik ang matang tanong ni Jairon. “Pati kami idinadamay mo sa kalokohan mo!”
“Paano ko tatawagan si Arjh nito? gusto mo akong magulpi no’n?” angal ni Julian. Parte ng security group ng riding club ang nobya nito kaya magaling sa martial arts. “Tinuruan pa kasi ni Ate Xandie ng tai chi.”
“Ilagan mo na lang ang sipa at suntok niya. Damayan naman ninyo ako,” pakiusap niya. “Pinagbibintangan ako ni Lola na may kasamang babae noong isang gabi. Wala naman.”
“Wala nga ba?” naghihinalang tanong ni Arvind.
Itinaas niya ang isang kamay. “Wala! Si Zach lang ang kasama ko.”
“Umalis ako para mag-night swimming kasama si…” Napakamot ito sa ulo. “Nakalimutan ko na ang pangalan niya.”
Great! Pagdating sa babae, wala talagang sensitivity ang pinsan niyang si Zach. Parang may amnesia ito pagdating sa babaeng nakakasama nito.
“Baka ikaw ang nakita nilang may kasamang babae,” sabi niya.
“Paano mangyayari iyon? Di naman tayo magkamukha.” Zach had Swiss blood. Di ito chinito gaya nilang ibang magpipinsan. “Baka naman nagpapasok ka ng babae sa kuwarto mo pag-alis ko.”
“Tulog na ako bago ka pa umalis. At alam mong ayokong nagpapapasok ng babae sa cottage ko. My cottage is my sanctuary. It is sacred.” Pinagsalikop niya ang dalawang palad at iginala ang tingin sa mga ito. “I am bothered. Alam ni Carlyn halos lahat ng kilos ko. Someone’s spying on me.”
“You mean a professional spy here at the island?” Umiling si Julian. “We have anti-spy devices here. Thorough din ang pagtse-check natin sa background ng mga taong pumapasok dito. Walang magkakalakas ng loob na mag-espiya dito. Malaking damage ang isasampa natin sa mahuhuli.”
Excessive compulsory to privacy daw ang sakit ng mga members ng Stallion Island maging ng Stallion Riding Club. Both places offered privacy and tough security to members. Sa Stallion Island nga ay may mga underwater cameras pa at radar para ma-detect ang nagnanais pumasok doon nang walang permiso maging sa ilalim ng tubig. They had air and water patrols assigned. At para sa mga nagnanais pumuslit ng pagpapasok, sa terminal pa lang ay nahaharang na. Bagamat kasama sa guest list ang isang bisita, kung wala namang member na susundo sa itinakdang oras ay di rin makakapasok at ipapabalik sa Manila.
“Pero may mga matang nakasunod sa akin. At first I don’t mind. Talaga namang nakikipag-date ako sa ibang babae. What’s alarming is that the spy is passing on wrong information to Carlyn and my grandmother. Ako pa ngayon ang nagiging sinungaling sa lola ko.”
And that pissed him off big time. Ayaw niyang isipin na ginagawa iyon ni Carlyn para lalo siyang ipitin. Ito lang naman ang masasaktan.
Tinapik ni Arvind James ang balikat niya. “Pakasalan mo na si Carlyn.”
Matalim niya itong sinibat ng tingin. “She’s still a minor. She has a mind and heart of a ten year old kid. She likes having things her way. Kailangan sa kanya ibuhos ang lahat ng atensiyon na parang siya lang ang tao sa mundo.”
Noong bata pa si Carlyn ay okay lang na maging brat ito. Her parents had just passed away. She needed to feel better to cope. She needed loving people around her. Pero sumobra naman na yata ito ng pagiging brat.
“Iyon lang naman kasi ang paraan para di ka mamoroblema. Nagkakaproblema ka lang ng katatakas sa kanya,” wika ni Zach.
“No!” Hinding-hindi siya magpapakasal kay Carlyn nang napipilitan. Hindi siya magpapa-pressure dito at sa lola niya. “I will look for that spy. And once I get my hands on that bastard.” Isinuntok niya ang kamao sa nakabukang palad. “I will wring his neck!” He won’t let that person ruin him.
“SO what’s the news about Warren?” tanong ni Carlyn nang tawagan si Leica sa cellphone. Breaktime niya noon. Katatapos lang nilang mag-serve ng siesta meal kaya walang gaanong customers. Kaya pwede silang mag-relax.
“Wala siyang ka-date. Kasama lang niya si Gianfranco. I guess they are discussing about the Earth’s weather system.” Si Gianfranco ang village lord na kabilang sa pamilya ng mga del Pierro. They owned luxury cruise company and owned a company with megayachts and yachts for rent. Bagamat magkaiba ng linya, both of them had to deal with water.
Mula nang siya ni Warren sa cottage mahigit isang linggo na ang nakakaraan ay hindi na ito nakikipagkita pa sa ibang mga babae. Yes, he still smiled at them even flirt with them. Pero mag-isa itong umaalis ng restaurant. Kahit siya ay di na inaakit nito bagamat binabati pa rin siya nito. Samantalang dati ay tumatamlay yata ito kapag walang naka-date na babae sa loob ng isang araw. Now he was really acting weird. May sakit kaya ito?
Humagikgik si Carlyn. “Perhaps he finally accepted the inevitable. Walang ibang babae para sa kanya kundi ako lang. Pinagalitan kasi siya nang husto ni Lola Yani. Spending the night with another woman is something that I can’t tolerate. That is simply unacceptable.”
Carlyn ranted and raved about it. Nang makausap niya ito ay narinig niya ang pagkabasag ng plato. She was having dinner then. She had a tremendous temper. Kawawa si Warren kung makakasal ang mga ito. Mabait si Carlyn sa lahat lalo na sa mga nalalamangan. Pero kapag ito ang nalalamangan ay di nito kayang i-handle nang kalmado. Kung kalmado man, she had nasty thoughts in her head for sure.
“Nagkausap na ba kayo na plano ka na niyang bigyan ng chance ang relasyon ninyo?” tanong niya. wala kasi sa character ni Warren ang magpapailalim sa kapritso ng isang babae.
“Hindi pa. hahayaan ko na lang na sorpresahin niya ako. Basta huwag kang mawawala sa kasal namin.”
Sana nga ay ganoon lang kasimple ang lahat. Na bigla na lang nabagok ang ulo ni Warren at tanggap na nito ang babaeng para dito ay si Carlyn. Pero matapos siya nitong yakapin at akitin, she highly doubted that. Pakakasalan na ba ng kaibigan niya ang unang lalaking nagpahina ng kanyang tuhod dahil lang sa titig nito?
“Leica, special request ka sa delivery sa security headquarters,” wika ng manager niya.
Ngayon lang may nag-request ng delivery sa kanya sa security headquarters. Medyo may kasupladuhan kasi ang mga lalaki doon. Di niya maiwasang kabahan. Ano ang kailangan ng mga ito sa kanya? Baka mamaya ay pinaghihinalaan siya nitong nag-eespiya. She had always been careful with her moves.
Kumatok siya sa pinto habang dala ang nilalang basket na siyang pinaglalagyan ng mga pagkaing order ng mga ito Pinagbuksan siya ni Ridge, second in command sa security department. “Good afternoon, Sir!” nakangiting bati niya.
“Come in,” anito sa malamig na boses.
Una niyang nakita ang head ng security department na si Oliver na nakasandig sa desk at nakahalukipkip. He had an angelic face but those dark eyes made him look like a fallen angel. “Good afternoon, Sir,” bati niya at ngumiti. “Sobrang busy siguro kayo, Sir. Late na kayong um-order.”
“Ilapag mo na lang dito ang basket,” anito at umalis sa desk.
Nawala ang ngiti niya nang makita si Warren na nakaupo sa malaking godfather’s seat na dapat ay kay Oliver. He was slouching there and he gave her a smug look. He didn’t even smile. Tinanguan niya ito. “Good afternoon, Sir.”
Pilit niyang kinokontrol ang panginginig ng kamay niya nang inilalabas ang order ng mga ito. Nakasunod sa bawat galaw niya si Warren. His hot stare was evoking a lot of memories. Lahat ay may kinalaman sa nangyari sa cottage nito.
Hindi na siya tatagal pa. Kailangan na niyang umalis agad. Tumakbo palayo. O kaya ay lumangoy palabas ng isla. Ano ba kasing ginagawa nito sa security office?
“Is there anything you need, Sir?” magalang niyang tanong nang mai-serve na niya ang lahat ng orders ng mga ito.
“Why don’t you stay for a while and relax?” tanong ni Ridge at inialok ang overstuffed chair. “Makipagkwentuhan ka muna sa amin.”
She sat stiffly on the chair. Komportable iyon pero parang gusto niyang lamunin na lang siya ng malaking upuan. It was the most uncomfortable place at th moment, lalo na’t kaharap niya ang mga taong ayaw niyang maka-kwentuhan kahit kailan. The tough security officers and Warren Li.
“Drinks?” alok ni Ridge ng four seasons shake sa kanya.
Umiling siya. “Tapos na po ako, Sir. Thank you.” Pinigil niyang itapik ang paa niya. Kailangan niyang kumalma. Baka makahalata ang mga ito na may itinatago siya. Perhaps it was just a random interview. Nagkataon lang nandoon si Warren.
“Graduate ka ng CEU, di ba?” tanong ni Oliver.
“Yes, Sir. HRM,” sagot niya habang kinokontrol ang matinding kaba. Sana ay hindi iyon mag-reflect sa boses niya.
“You were a member of Red Cross Youth,” wika ni Ridge.
“Yes, Sir.” Normal na tanong. Nasa resume naman niya iyon nang mag-apply siya. Affiliations and Organization looked good on resumes.
“Kilala mo si Carlyn Mae Perez,” nakataas ang kilay na wika ni Warren.
She hesitated for a moment if she would answer that question. “Naging president siya ng org namin.” Normal pa rin naman ang tanong na iyon. Kailangang lalo siyang maging kalmado pagdating kay Carlyn kahit kinakabahan na siya.
“Close ba kayong dalawa?” tanong ni Warren.
“Basta member niya ako sa organization. Magkaiba naman kami ng course so tuwing club activities lang kami nagkakasama.” Di niya pwedeng sabihin ang totoo. Parang ipinahamak lang niya ang sarili.
“Alam mo bang magkababata sila ni Warren?” tanong ni Oliver.
Nagkibit-balikat siya. “May nababanggit nga yata siyang Warren. Matagal na iyon kaya hindi ko na matandaan.”
“Ayon sa ibang naging kakilala ninyo sa org, naging close daw kayo ni Carlyn. As a matter of fact, kay Carlyn ka tumuloy nang maglayas ka sa inyo,” wika ni Oliver at humalukipkip. “Hindi rin napuputol ang communication ninyo. Magka-link kayo sa mga cyber community groups. At sa mga profile niya, walang nakalagay doon kundi mga pictures ni Warren at confession of love niya tungkol kay Warren.”
“May problema po ba?” tanong niya nang hindi makatiis. Mabuti nang ngayon pa lang ay ihanda na niya ang sarili bago ang mga ito unang umatake.
Tumuwid ng upo si Warren. His slacking posture was gone. Mukhang gaya niya ay naghahanda na rin ito sa giyera. “Someone’s spying on me. Minamanmanan ang kilos ko at inire-report kay Carlyn,” nagngangalit nitong wika at saka tumayo. Bigla ay napalitan ng balasik ang maamo nitong mukha. “Ikaw ba iyon?”