“Kapal talaga ng mukha ng Warren na iyon! Kapag nakita ko siya, sasapakin ko siya. At kapag dumalaw siya sa store namin, palalagyan ko ng santambak na sili ang dessert niya. Tapos itutulak ko siya sa dagat.”
Halos histerikal na si Leica habang nagsisisigaw sa tinutuluyan niyang worker’s lodge sa Central Town Village ng Stallion Island. Hindi pa rin siya maka-get over sa halik ni Warren. Hindi siya makapaniwala na hinayaan niya si Warren na halikan siya at kontrolin. Pero kahit isang masamang salita ay di man lang niya nasabi dito. Ni hindi niya ito napitik para makaganti.
Ipinangako niya sa sarili na kahit batukan man lang ay gagawin niya oras na maibalik nito sa isla ang eroplano. Pero hanggang maihatid siya nito pabalik sa Stallion Wave ay di man lang niya ito nakanti. Her body vibrated for hours because of that kiss. Pati utak niya ay lumulutang. Nang magkaroon siya ng maraming lakas ng loob para magalit dito at saktan ito ay nakaalis na ito.
“Wala kang karapatan na gawin akong tanga! Bwiseeet!” sigaw niya habang sinusuntok ang unan. Ini-imagine niyang iyon si Warren. Talagang buburahin niya ang guwapo nitong mukha sa mundo kapag natiyempuhan niya.
Dumungaw ang kaibigan niyang si Sissy. Nakasuot na ito ng uniform at handa nang pumasok sa trabaho bilang assistant manager ng Lighthouse Restaurant and Cafe na nasa Thunder Village ng isla.
“Tumigil ka na nga diyan. Kagabi ka pa paulit-ulit sa dialogue mo. Wala nang bago. Di mo na ako pinatulog sa pag-iingay mo,” sermon nito.
Bumangon siya pero nanatiling nakaupo sa kama. “Pwede bang kapag nakita mo si Warren pakibuhusan ng chicken noodle soup? Iyong mainit pa.”
“At gusto mo namang mawalan ako ng trabaho at makulong?”
Ngumisi siya. “You have the gorgeous Torque Lopez III to back you up.” Sinusundan-sundan na ito ng isa sa mga Stallion Boys. At mukhang gagawin ng lalaking iyon ang lahat para sa kaibigan niya.
“Idadamay mo pa pati si Tomasino Roque Lopez Ikatlo? Baka nga iyon mismo ang maghagis sa akin palabas ng isla.” Pinakatitigan siya nito. “Ano bang nangyari at galit na galit ka kay Sir Warren? Wala naman siyang ka-date kagabi. Kasama lang niya sa meeting si Torque, si Sir Yzaak at si Lord Evandro.”
Nakagawian na ni Sissy, ng ibang empleyado at maging ang ibang Stallion Boys na kabitan ng titulong “Lord” ang pangalan ng mga village lords.
Dumapa siya sa kama at sumubsob sa unan. “Pumasok ka na nga lang.”
Hindi niya kayang ikwento na alam na ni Warren ang tungkol sa pag-eespiya niya. At lalong di niya kayang sabihin kay Sissy na hinalikan siya nito.
“Kung gusto mo palang makipaggulpihan, huwag ‘yang unang walang laban ang gulpihin mo. Pumunta ka sa Mist Fusion. Mag-aral ka ng karate, taekwondo or kung anumang martial arts doon. Doon ka magwala.”
Nanghaba ang nguso niya. “Ayoko nga! Nandoon si Warren ngayon.” Kapag Martes ay may tai chi session ito sa Hidden Mist Village kung saan matatagpuan ang Mist Fusion na may dojo na nagke-cater sa martial arts. “Pwede bang mag-hire na lang ako ng gugulpi sa kanya. Pwede na siguro iyong wu shu expert. Si Rohann Madrigal.” Pinagkiskis niya ang palad. “kaya niyang pabagsakin si Warren.”
“Di mo afford ang presyo ni Rohann Madrigal. Isang taon kang magpapakakuba at isama mo pa ang mga tip sa iyo para maipagulpi mo si Warren. Saka sayang naman ang kaguwapuhan ni Sir Warren kung magugulpi lang.”
“Magpapa-deliver na lang ako ng cream puff. Mga dalawang dosena para naman gumaan ang loob ko. At wag na nating pag-usapan ang kaguwapuhan ng palikerong unggoy na made in China na iyon.”
Magfu-food trip na lang siya. Di siya lalabas maghapon ng bahay. Baka mamaya ay masalubong lang niya si Warren na kakalat-kalat. After that kiss, she didnt know what he was up to now. Dapat niyang paghandaan ang pagsalakay nito.
Makalipas ang ilang minuto ay narinig niya ang katok sa pinto. Dali-dali siyang bumangon at kumaripas ng takbo sa pinto. “Cream puff ko! Cream...” Natigilan siya pagbukas ng pinto nang makita kung sino ang nakatayo doon. It was Warren. “You!”
Anong ginagawa ng impaktong Made in China na ito sa pinto ng pamamahay niya? Di na nga siya lumalabas ng bahay, nagpakita pa ito sa kanya.
Isasara sana niya ang pinto nang iharang nito ang hita. “Ayaw mo bang kainin ang cream puff na in-order mo?”
Kumislap ang mga mata niya nang makita ang tatak ng Lighthouse Restaurant sa paper bag. Tinangka niya iyong hablutin. “Akin na iyan!”
Mabilis nitong itinaas ang kamay pero mabilis nitong itinaas ang kamay para di niya maabot. She was seven inches taller than her. Humalakhak ito nang di niya naabot ang paper bag. “Papasukin mo muna ako kung gusto mong makuha ito.”
Napilitan siyang buksan ang pinto. Pero wala siyang nagawa kundi sundan ito ng tingin nang pumasok ito sa lodge. “Pwede bang ilapag mo iyan? Kunin mo na itong bayad ko at lumayas ka na.”
Sumalampak ito sa sofa at inilapag ang mga paperbag sa center table. “Huwag mo naman akong palayasin.” Sumandal ito at ipinikit ang mga mata. “Alam mo bang buong araw akong nag-training kay Alessandrace. Water tai chi sa waterfalls. It’s not the fancy one that the girls do at the pool. Mas mahirap ito dahil sa current. You have to stay calm even if the water isn’t.”
Nakahalukipkip niya itong pinagmasdan. Basa pa nga ang buhok nito. Naalala tuloy niya sa cottage nito nang naka-robe lang ito matapos mag-shower. Argh! She didnt want to go back there.
“Kailangan mo lang ba ng kakwentuhan? Maraming makikipag-kwentuhan sa iyo,” aniya sa malamig na boses.
“Hindi ko naman kailangan ng kakwentuhan. Kailangan mo ako.”
Natulig siya sa sinabi nito. Namaywang siya habang nanlalaki ang mata. “Anong sinabi mo?”
Lalo pa itong humimlay sa sofa. He stressed his lean body against the dark black sofa. Parang isa itong diyos-diyosan ng nang-aakit ng isang virgin na gaya niya para isakripisyo. “Malungkot kapag mag-isa. Kaya nga nang malaman ko kay Sissy na dito ka lang sa lodge ninyo buong maghapon, nagprisinta na akong i-deliver ang cream puff sa iyo. Sasamahan na kitang kumain.”
Na-imagine niya si Warren na walang saplot maliban sa puting tela sa baywang nito, hawak sa kamay ang malambot na cream puff at kailangan niyang kumain mula sa palad nito. Her heavenly and pure bliss cream puff, nahahaluan ng X-rated. Dali-dali niyang hinablot ang paper bag at saka niyakap iyon. No more X-rated playbacks. “Aagawan mo pa ako ng cream puff. Sa akin pa nga lang kulang na ito.” Binuksan agad niya ang isa at isinumpak. Wala siyang pakialam kung magmukma man siyang patay-gutom sa paningin nito.
“Don’t you think I deserve a thank you?” tanong nito at bumangon.
Inilapag niya ang pera sa center table. “Bayad sa cream puff. Kung kailangan mo ng tip sa delivery, heto ang beinte pesos. Pwede na iyan?”
Bumangon ito pero sumandal pa rin sa sofa. “Kung hindi mo napapansin, hindi ka pa pinapa-deport. I can still contest your stay here if i want to.”
Napasinghap siya. Nakalimutan niyang hawak pa rin siya nito sa leeg. At kapag napaalis siya sa isla, tapos na ang mga pangarap niya. “Bakit nga ba hindi mo pa rin ako pinapaalis?”
Pinisil nito ang baba niya. “How can I throw out my favorite girl?” Kinuha nito ang pangalawang paper bag. “Ipinagdala kita ng Stallion Shampoo.” Nang buklatin niya ang paper bag ay may limang malalaking bote ng Stallion Shampoo sa loob. Nagulat siya nang pagtingin niya kay Warren ay nasa harap na niya ito. Kinuha nito ang ilang hibla ng buhok niya at inamoy. “It really smells good on you.”
His promixity made her feel sensual. Parang hinahaplos siya ng boses nito. Naramdaman niya ang panlalambot ng tuhod niya. Epektibo pa rin ang pang-aakit nito sa kanya at di niya alam kung paano ito labanan.
Binawi niya ang buhok niya dito at humakbang paurong. “Hindi na ako magsa-shampoo mula ngayon.”
His eyes became sensual lava. Parang tinutunaw siya habang nakatitig sa kanya. “Sa palagay mo ba mawawala ang interes ko sa iyo dahil diyan? Nagtataka lang ako kung bakit hindi mo pa inire-report kay Carlyn ang nangyari kahapon.”
She pouted her lips. “Anong nangyari? Di naman kita nakita kahapon.”
Gusto nga niyang burahin na sa isipan niya ang nangyari. Kung pwede lang na nabagok na ang ulo niya at mabura mula sa pagpasok niya sa security office at nakita si Warren. That was the start of her doom.
Naningkit ang mga mata nito at marahang lumapit sa kanya. Parang isa itong leon na palapit sa biktima nito. “You didnt tell her about the kiss?”
“What kiss? Wala akong maalala,” inosente niyang wika. Iniwas niya ang tingin habang paurong dito.
“Are you telling me that our kiss was forgetable?”
Napalunok siya nang mahimigan ang panganib sa boses nito pero pinilit pa rin niyang magtapang-tapangan. “Ano bang halik iyon?”
Ibinagsak nito ang mga kamay. “That’s a taint on my record. Mukhang kailangan kong bumawi.” Umangat ang gilid ng labi nito. “I should give you a kiss that you will never forget.”
Itinulak siya nito sa pader. Then his lips claimed her in a hot, searing fashion. Hindi na siya nito binigyan pa ng pagkakataong mag-isip. Ang nakakaliyong sensasyon lang ng mga labi nito ang ibinibigay sa kanya. Hinawakan nito ang pulsuhan sa magkabilang kamay at inilapat sa magkabilang gilid ng katawan niya. Saka nito marahang pinagsalikop ang mga kamay nila.
Ni hindi nagdidikit ang katawan nila. There was still a space between them. Pero sa sobrang lapit niyon ay parang humahaplos na rin ang katawan nito sa kanya dahil nag-iinit ang hangin sa pagitan nila.
Hindi na niya alam kung gaano katagal ang lahat. Kung pwede nga lang ay di na matapos ang sensasyong nararamdaman niya. He was right. Hindi niya lalong makakalimutan ang bagong halik na iyon kahit na gustuhin niya. Tinatakan na siya ni Warren.
Tulala siya nang maghiwalay ang labi nila. Parang nakalutang pa rin siya sa alapaap at naiwan ang kaluluwa niya sa ibang dimensiyon. Sa dimensiyon kung saan ang sensasyon dulot ng halik nito lamang ang pwedeng maramdaman.
Marahan nitong hinaplos ang gilid ng labi niya habang nasisiyahang ngumiti. Parang isa itong alagad ng sining na nasiyahan sa obra maestra nito. He turned kissing into an art. At siya ang tulalang obra maestra. “Sabihin mo lang sa akin kung nakalimutan mo na ang halik ko. I am willing to do a repeat performance again and again and again with pleasure.”
With pleasure. Tumataginting pa rin sa tainga niya ang sinabi nito hanggang makaalis siya. Lumipas ang ilang minuto saka lang siya natauhan. Napasigaw siya sa inis sa sarili at sinabunutan ang sarili niya.
Napakalaki niyang tanga. Nasaan na ang tapang at katalinuhan niya. Dalawang beses na niyang pinagmukhang tanga ang sarili dahil sa halik nito. At ngayon ay tiyak na ni Warren na kayang-kaya siya nitong talunin dahil sa halik nito.
Huminga siya ng malalim. “I can’t afford to get mad. Pumapangit ako. I need to calm down. I want happiness.” At nanginginig ang kamay niyang kinuha ang kahon ng cream puff. Isusubo na lang niya ang isang piraso nang maalala si Warren, nakahiga sa sofa niya habang inaalok sa kanya ang cream puff.
Isinara niya agad ang kahon ng cream puff at ipinasok sa ref. Dali-dali niyang hinamig ang mga gamit at nagkulong sa kuwarto niya. Di na niya pwedeng sandigan ang cream puff para sa katinuan niya. Warren’s kiss tastes more heavenly than cream puff.
“ARE you sure? Walang ibang babaeng idine-date si Warren?” tanong ni Carlyn kay Leica. Katatapos pa lang niyang mag-out sa early morning shift niya. Alas dos pa lang ng hapon pero parang lumulutang na ang pakiramdam niya.
“Wala talaga.” Ilang araw na niyang inoobserbahan si Warren. Hindi na ito nakikipag-date sa ibang babae. Pero wala naman itong ginawa buong araw kundi ang sundan siya ng sundan, ngitian, yayain ng date o kaya ay basta na lang susulpot sa mga panahong kailangan niya ng katahimikan.
Hindi niya pwedeng sabihin kay Carlyn ang tungkol doon. She never considered herself as Carlyn’s competition. Pero parang nananadya si Warren dahil siya ang pinupuntirya nito. Umaakto ito na parang siya lang ang babae sa paningin nito. It was pissing her off. Ginagantihan lang naman siya nito dahil sa pag-eespiya niya dito na dahilan kung bakit ito nasesermunan ng lola nito.
“Sa palagay mo ba may itinatago siyang babae? Iyong di mo nakikita. Siyempre may idea na siya ngayon na may mga mata ako.”
Isinuklay niya ang daliri sa magulong buhok. “I don’t really know.” Ang gusto niya ay magpunta sa tahimik na lugar at wala ng isipin pang iba.
Nagulat siya nang biglang humagulgol ng iyak si Carlyn. “Baka naman may ibinabahay na siyang babae at buntis na. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko matatanggap kung magkakaanak na siya.”
Lalong sumama ang pakiramdam niya nang marinig ang hagulgol nito. Lalo lang siyang nade-depress sa iyak nito. “Carlyn, please stop crying! Walang babaeng nabuntis si Sir Warren.”
“How sure are you?” pabulyaw nitong tanong.
“Gagawa ako ng paraan para malaman kung may iba pang babae. But for now please stop thinking about it.”
Tumigil ito sa pag-iyak at naging hikbi na lang. “Are you sure? Aalamin mo kung may iba siyang babae?”
Marahan siyang huminga. “Yes.”
“Oh! You are really a friend! I love you, Leica!”
Nanlulumo siyang napaupo sa gutter ng kalsada. She felt so tired physically and emotionally. Nang buksan niya ang voice mail niya ay kung ilang voice messages na ang nakaimbak doon at naghihintay sa kanya galing sa ate niya.
“Leica, bakit di mo sinasagot ang tawag ko? Pinagtataguan mo ba ako?” Binura agad niya ang mensahe.
Binuksan niya ang sumunod na mensahe. “Uuwi na kami sa Pilipinas next week. Mag-leave ka na.” She deleted the message again.
“Kasama naming uuwi si Bart. Excited na siyang pag-usapan ang kasal ninyo. Huwag ka nang kumontra dahil dito nakasalalay ang partnership nila ng asawa na sasalba sa rancho namin. Sabi nila Nanay huwag ka na daw magpakipot. Mag-resign ka na sa trabaho mong pipitsugin sa Stallion Island na iyan. Hindi mo na iyan kailangan kapag mayaman ka na at kasal na kay Bart.”
Hindi na niya nagawang burahin ang voice message na iyon sa sobrang pagkabigla. Kaya siya gustong ipakasal ng kapatid niya dahil kailangan siya sa negosyo ng asawa nito? Gusto nitong abandonahin niya ang buhay na gusto niya para sa pangarap nito?
Natapos ang buong mensahe pero nakatulala siya. Masakit. Sobrang sakit dahil di man lang siya ipinaglaban ng mga magulang niya. Pinili pa ito na suportahan ang kapatid niya para sa pera. Paano naman ang kaligayahan niya?
Napaiyak siya at isinubsob ang mukha sa nakatiklop na tuhod. Di niya alintana ang mainit na kalsada at sikat ng araw. Wala nga siyang pakialam kung ulanin man siya doon o lamunin ng lupa. At that point, she simply didn’t exist. Parang napakawalang kwenta niyang nilalang. Ni di niya kayang mabuhay dahil gusto niya. Nabuhay siya para sa kaligayahan ng iba at di sa sarili niya. Bakit kailangang maging responsibilidad niya ang kaligayahan ng pamilya niya?
Sa pag-iyak niya ay may naulinigan siyang yabag ng kabayo na tumigil sa harapan niya. “Miss, alam mo bang bawal ang mga iyaking pangit dito sa isla? Baka i-request kong ipa-deport ka.”
Nang iangat niya ang tingin ay nasa harap niya si Warren. He was wearing his riding uniform complete with helmet. Kasama na naman nito ang masungit nitong kabayo. Nakangiti ito na parang siya ang pinakamalaking katatawanan sa mundo.