Stallion Island Series Chapter 88

Manhid ang buong katawan ni Leica. Hindi niya aasahan ang pag-aakusa sa kanya ni Warren na nagsabi nagsabi kay Carlyn na may itinatago itong babae na nabuntis nito. It was horrible. Mas matindi pa ang galit nito sa kanya ngayon kaysa nang nahuli siya nitong nag-eespiya dito. And she felt bad. Wala siyang ginagawang masama pero napakasama ng tingin nito sa kanya. Isang sinungaling.

She walked aimlessly down the hallway hanggang makarating siya sa dulo kung saan may vending machine. Nag-punch in siya para bumili ng kape. Saka lang niya tinext si Carlyn para tawagan siya.

Di pa nagtatagal ay nag-ring na agad ang cellphone niya. “Hello,Leica! Any new about Warren?” excited nitong tanong.

Naging matigas ang anyo niya nang marinig ang boses ng kaibigan. “Yes. Nasa ospital ngayon ang lola niya dahil inatake sa puso.”

“Si Lola Yani? What happened?”

“Nagtalo sila dahil sa iyo. Bakit mo sinabi na may nabuntis na babae si Warren?” naghihinanakit niyang tanong.

“Well… naisip ko lang…. Sabi mo wala siyang ka-date pero di pa rin niya ako tinatawagan. Baka iyon ang dahilan kaya…” putol-putol na katwiran ni Carlyn hanggang unti-unting humina ang boses nito.

“Baka. Assumption mo lang. But you made it sound realistic, Carlyn. Mukhang hindi lang assumption ang dating no’n sa lola ni Warren. Umuwi siya ng Pilipinas para lang i-confront si Warren tungkol dito. Hindi ka ba nag-iisip?”

“It is Warren’s fault!” mariing katwiran ni Carlyn. “Kung kani-kaninong babae siya tumitingin. Ako dapat ang mahalin niya. Kaya dapat lang sa kanya iyan.”

“At sa palagay mo ba dapat lang din sa lola ni Warren na magkasakit dahil pinagkatiwalaan ka niya?” tanong niya sa maigting at mapanganib na boses. Bumabangon na ang iritasyon niya kay Carlyn. Napaka-insensitive kasi nito.

“Well… nagkataon lang iyon dahil sa galit niya.”

“Carlyn, kasalanan mo iyon!” mariin niyang wika. “You like a big spoiled brat. Pagdating kay Warren, lagi kang wala sa katwiran. You are using his grandmother against him. Gusto mo mahalin ka niya. gusto mo pakasalan ka niya. Kailan pa ba siya nangako? That was fifteen years ago. Bata ka pa. Get real! Hindi ka telenovela ng mga childhood sweethearts. Warren has a free will. Hinahadlangan mo iyon dahil gusto mong makuha ang pagmamahal niya sa madaling paraan.”

“Mahal naman talaga niya ako! Dati pa. Gaya ng pagmamahal ko.”

“Kung totoo ang pagmamahal mo, hindi mo siya sisirain. Iko-consider mo ang nararamdaman niya. At ang kagustuhan niya na mahalin ka. Gumawa ka ng paraan para mahalin ka. You are a very nice woman, Carlyn. Bakit hindi iyon ang ipakita mo sa kanya? Di ka niya mamahalin kung ganyan ang gagawin mo.”

Siguro nga ay may karapatan si Warren na magalit sa kanya. Halos lahat ng impormasyon ay sa kanya nanggagaling. Tinulungan niya si Carlyn na dagdagan ang kahibangan nito hanggang lumaki iyon nang lumaki.

“Kinakampihan mo si Warren. Ako ang kaibigan mo!”

“Yes! But I am through playing your spy,” she said in a tough voice. “Kung gusto mo si Warren, pumunta ka dito. Gawin mo ang paraan para ma-in love siya sa iyo. Tapusin mo na ang laro mo.”

Siya na mismo ang tumawag. Nakadama siya ng satisfaction sa sarili. Dahil malaking bagay sa kanya ang pagkakaibigan nila ni Carlyn kaya ginawa niya ang lahat ng gusto nito. Nabulagan din siya dahil di niya inisip na aabot sa puntong may mga tao siyang masasaktan. Nasabi na niya ang mga bagay na noon pa sana niya sinabi.

“Nandito ka pa rin?”

Nagulat siya nang marinig ang boses ni Warren. Nakasandal ito sa pader sa tapat ng vending machine habang nakatitig sa kanya. “Paalis na ako. Gusto ko lang bumili ng kape.” Gusto sana ulit niyang magpaliwanag dito pero di naman niya inaasahan na itutuwid ni Carlyn ang pagkakamali nito.

“Hindi ikaw ang nagsabi kay Carlyn na may babae akong nabuntis.”

Normal na ang pagsasalita nito. Wala na ring galit sa mga mata nito kahit hindi ito ngumingiti. Kanina pa ba ito doon? Narinig ba nito ang usapan nila ni Carlyn? “Assumption lang ni Carlyn ang lahat. Sa dami ng nai-date mo, she somehow expects the worse from you.”

“And you don’t think so?”

“Hindi ka masamang tao, Warren. Kaya sana gumaling ang lola mo at maayos ninyo ang relasyon ninyo. Sorry sa gulong dala ko. Kung may maitutulong ako, sabihin mo lang.” Nagkibit-balikat siya. “Well, di na iyon kailangan. Aalis na ako.” Di rin naman nito tatanggapin ang tulong niya. Tama nang ipinagtabuyan siyang minsan. Ayaw na niyang tanggihan pa.

“Stay, Leica!” utos nito nang humakbang siya palayo.

Tumigil siya at nilingon ito. “Itinaboy mo na ako kanina.”

Naglakad ito palapit sa kanya. Parang nagdadalawang-isip pa ito sa gagawin nito. “Gusto ko pa ring itaboy ka. I want to hate you for ruining my relationship with my grandmother but I want you to stay,” anito sa malambing na boses.

Nahigit niya ang hininga nang hatakin nito ang katawan niya palapit dito. She was not prepared for the warmth of his body. Walang galit doon. Hindi na niya maramdaman ang aura nito na parang gusto siyang burahin sa mundo. Parang napakahina nito nang mga oras na iyon. Kailangan nito ng masasandigan. Kaaway ang trato nito sa kanya pero nakikiusap itong huwag siyang umalis.

“Why dont you just have me, Warren?”

He buried his nose at the top of her head. Parang sinasamyo nito ang bango ng buhok niya. “Because I feel better when you are around. At ngayon kita higit na kailangan. Dito ka muna. Ayokong mag-isa.”

Tama. Nag-iisa lang si Warren. Mahina pa ito. Siya lang ang pwedeng umalalay dito ngayong matindi ang pinagdadaanan nito. Sinisisi rin nito marahil ang sarili dahil sa pagkakasakit ng lola nito. Isa lang din itong biktima.

Hindi na niya mnagawang tumutol nang igiya siya nito pabalik sa suite ng lola nito. Dahil kahit itaboy pa siya nito, hindi madali sa kanya na iwan ito.

NAALIMPUNGATAN si Leica nang maramdamang may humahaplos sa buhok niya. Paggising niya ay namulatan niya ang guwapong mukha ni Warren. Nakatulog siay sa couch sa pagbabantay sa lola nito. Nagdatingan na din ang mga ibang kaibigan nito sa isla. Subalit di rin nagtatagal ang mga ito dahil may mga meeting din.

“Leica, kanina pa tumutunog ang cellphone mo. Importante yata,” sabi nito at inaabot ang cellphone sa kanya.

“Sorry. Nabulabog ka pa,” aniya at kinuha ang cellphone. Tawag iyon mula sa Ate Katrina niya. Nag-text siya na nasa airport na siya at magche-check out.

Napansin niya ang pagbabago kay Warren. He looked better. Nag-improve ang kondisyon ng lola nito. Nabawasan na rin marahil ang alalahanin nito.

Palubog na ang araw at inaasahan na siya ng pamilya niya sa hotel. Kanina pa dapat dumating ang “flight” niyang stranded sa isla.

“Siya ba ang girlfriend mo?” tanong ng lola ni Warren. Nagulat siya sa transformation nito. Nang una niya itong makita ay isa itong maputlang matanda. Ngayon ay nakabangon na ito at naka-make up na. Mukhang ito ang babae na partikular sa itsura nito at ayaw na magmukhang pangit o matanda.

“Good afternoon po,” magalang niyang wika. Pasimple niyang sinuklay ng daliri ang buhok niya. Bahagya iyong nagulo dahil sa pagtulog niya.

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “You look decent and nice. Hindi pa halata ang tiyan mo. Ilang buwan na iyan.”

Tumingin siya kay Warren na humihingi ng saklolo. Akala talaga ng lola nito ay siya ang nobya ni Warren. “Hindi po ako buntis.”

Tumikwas ang kilay ni Lola Yani. “Iba ka pa sa nabuntis niya?”

Akmang mangangatwiran si Warren nang unahan niya ito. “Wala pong babaeng nabubuntis si Warren.”

“Paano ka nakakasiguro?”

“I work at the island. I keep an eye on him. Kaya sana pagkatiwalaan po ninyo siya kahit konti. It would mean a lot for him,” kampante niyang wika.

“Baka naman nabubulagan ka lang dahil parang napaka-perfect ng apo ko sa paningin ng kahit sinong babae,” wika nito. Wala itong tiwala sa judgment niya. “That’s why he has a habit of picking strange women.”

“Maayos po ang pagpapalaki ninyo kay Warren. Wala po ba kayong tiwala sa kanya?”

“I want what’s best for him,” taas-noong wika ni Lola Yani. “Kaya nga pinili ko ang babae na alam kong bagay sa kanya at magmamahal sa kanya.”

And it was Carlyn. Ito naman ang nabubulagan kay Carlyn. Nakikita nito si Carlyn bilang isang bata na naulila sa magulang at kailangan ng pagmamahal. Di nito nakita ang puwang na ginawa ni Carlyn sa pagitan nito at ni Warren. He took everything Carlyn said as a gospel.

“Pero matanda na po si Warren. Alam na niya ang tama sa kanya at magpapasaya sa kanya,” pagtatanggol niya kay Warren.

Nagulat si Lola Yani. Nanliit ang mga mata nito at iniwas ang tingin. “Salamat sa pagbisita mo sa akin, hija.”

Masyadong tahimik sa loob ng kuwarto maliban sa hum ng aircon. Di niya alam ang sasabihin maging si Warren. She is being dismissed. Matigas talaga ito. Di na siya magtataka kung hanggang ngayon ay iniisip pa rin nito na may nabuntis ngang babae si Warren. Di niya alam kung nakatulong siya o lumala ang relasyon ng mag-lola.

Nabasag ang katahimikan nang biglang bumukas ang pinto at nagpasukan ang mga pinsan ni Warren. “Surprise!”

May hawak na lobo ang mga ito at may mga party hats pa. Parang pupunta ang mga ito sa isang children’s party kaysa dadalawin ang isang matanda sa ospital. May banner pa ang mga ito at party popper.

“Ang iingay ninyo!” nakaismid na wika ni Lola Yani sa mga ito.

“Hindi bagay ang tahimik na lugar na ito sa kagandahan ninyo, Lola,” sabi ni Arvind James at sinuutan si Lola Yani ng party hat.

“Ginagawa ninyo akong bata! Tulad ninyo! Mga isip-bata,” asik ng matanda.

“Guwapo naman kami, Lola!” katwiran ni Julian at nag-pogi pose pa.

Kinintalan ng halik ni Warren si Lola Yani sa noo. “Lola, ihahatid ko lang po si Leica. Babalik din po ako.”

Tumango lang ang matanda pero di man lang siya sinulyapan. Tahimik siya hanggang makarating sa kotse ni Warren. “Mukhang hindi ako nagustuhan ng lola mo. Sumobra yata ako sa mga sinabi ko.”

“Hindi siya sanay nang pinangungunahan pagdating sa kaligayahan ko. Bata pa lang ako, siya na ang nakakaalam ng makakabuti para sa akin. She defines what makes me happy.”

Huminga siya nang malalim. “Wala na. Nasabi ko na. Di ko na pwedeng sabihin. Saka iyon talag ang gusto kong sabihin sa kanya. Ang konsepto ng kaligayahan ng ibang tao ay di kailangang maging totoo para sa iyo. Dapat naiintindihan iyon ng mga taong mahal natin. Iba ang kaligayahan natin sa akala nilang makakabuti para sa atin.”

Pumalatak si Warren. “Sobrang lalim naman.”

“You gave me the idea.” Dinukwang niya ang pisngi nito at kinintalan ng halik. “Thank you!”

Ngumiti lang ito at nilingon siya nang walang halong panunukso. His hot kisses were mind boggling and unforgetable. Pero gusto niya ang kainosentehan ng halik na ibinigay niya dito. “Ano nga pala ang gagawin mo sa hotel?” tanong nito.

“Nandoon ang family ko at ang lalaking ipapakasal nila sa akin.”

Bigla itong nagpreno kung kailan sa susunod na kanto na ang hotel. “Ano? Bakit ka pa pupunta sa hotel? Baka bigla kang tangayin papuntang Amerika.” Hinampas nito ang manibela. “Ibabalik kita sa isla.”

Pinigilan niya ang kamay nito. “Kailangan kong harapin sila. Ipaglalaban ko ang kaligayahan ko kahit sa mga taong mahal ko. Kundi ko gagawin iyon, paano ako sasaya sa lalaking hindi ko mahal?”

“My thoughts exactly. Alam mo na ngayon bakit di ako pumapayag magpakasal kay Carlyn kahit pa takutin ako ni Lola na itatakwil.”

They were riding on the same boat. At walang ibang makakaintindi sa kanya kundi ang taong dumanas din niyon. Nakakalungkot lang na natulungan siya nito habang siya ang nagpalala sa problema nito.

“Thank you sa paghahatid,” aniya at tinanggal ang seatbelt.

“Sigurado ka na kaya mong mag-isa?” nag-aalalang tanong nito.

Kinuyom niya ang kamao. “Oo naman. Kaya ko iyan!”

Hinawakan nito ang kamay niya. “Basta tawagan mo ako kapag kailangan mo ng tulong.”

Ngumiti siya at pinisil din ang kamay nito. “Salamat!”

Lalabas siya ng buhay sa hotel na iyon. Di siya magpapakasal kay Bart. Dahil gusto pa niyang makita uli si Warren. Para ipakita na lumaban siya gaya ng paglaban nito. Nang mga oras na iyon ay ito lang ang kakampi niya.

NAKAHANDA na ang lahat sa pagdating niya. Parang panauhing pandangal siya na siya lang ang hinihintay. “Finally, my sister is here!” sabi ng Ate Katrina niya at niyakap agad siya. “You are late,” mariing bulong nito bago nakangiting humiwalay sa kanya.

Nagmano siya sa magulang niya at hinalikan ang bayaw niya sa pisngi. Na-miss niya ang pamilya niya pero naramdaman niya ang tensiyon lalo na nang makita ang lalaking malaki ang tiyan na nasa puno ng upuan. May bigotilyo ito at kulay auburn ang kulot na buhok. Mukhang kaedad ng tatay niya. Ito marahil si Bart.

She gave him a respectful nod. “I am sorry I am late.”

Mataman siya nitong tinitigan at bumakas ang disgusto sa mukha nito. “You sure had a rough flight.”

Saka lang niya na-check ang sarili. Magulo ang buhok niya na pinadaanan lang niya ng daliri kanina. Ni hindi siya nag-make up man lang. Di naman niya napansin dahil di naman siya pangit sa paningin ni Warren. Ngayon ay dismayado si Bart dahil di niya pinaghandaan ang pagkikita nila.

“I am still lucky that I am alive right now,” kaswal niyang wika at inalok ang kamay dito. “You must be Bart. I am Leica.”

He threw his hands in the air. Ni di man lang siya kinamayan. “Alright. I already wasted too much time in this wasted country. How soon can you fix the requirements for our wedding lisence.”

“Excuse me?” nakataas ang kilay niyang tanong. Anong marriage license? Bakit nagmamadali yata si Bart? Alam niyang gusto siya nitong pakasalan at iyon din ang gusto ng pamilya niya. Pero dapat ay may pagkakataon muna silang magkakilalang mabuti kahit paano.

“Give my sister a few days, “wika ng Ate Katrina niya.

“You told me she’s ready and she’s eager to marry me!” dumadagundong ang boses ni Bart. “I will sign the contract once we sign the marriage contract. If you need, don’t make me wait.”

“There’s just some problem with the papers,” pagpapakalma ng bayaw niyang si Kirk dito.

“Damn third world countries,” Bart muttered.

Nang-aakusa niyang tiningnan ang kapatid niya. Di na ito nasiyahan na ipagtulakan siya pagpapakasal. Binigyan pa nito ng maling konsepto si Bart na siya ang may gustong magpakasal dito. Di na siya magtataka kung anu-ano pang kasinungalingan ang sinabi nito.

“Sumakay ka na lang,” nakangiti nitong sabi.

Sumakay pala. Nakangiti siyang bumaling kay Bart. “I am sorry for the inconvenience, Bart. You really travelled this far for me.”

Lumambot ang mukha ni Bart at ginagap ang kamay niya. “It’s okay. You are beautiful, my dear. I wish we could go to Vegas and marry right away. But your parents told me you want to marry here in the Philippines.”

“This is a beautiful country.” Lumungkot ang mata niya. “And I hate to leave this play. I want to stay here.”

“But Texas is my home. Every Filipinos want to go to the States. And they will do everything even sell their soul to get out of this god forsaken country.”

Talagang ipinagmamalaki nito ang bansang ito at tingin nito sa lahat ng Pilipino ay gustong tumapak sa Amerika. At kung makapagsalita ito sa Pilipinas ay parang busabos na isasanla din niya ang kaluluwa niya sa demonyo para lang sa mas magandang pamumuhay. Pwes. Ibahin siya nito.

“I am sorry, Bart. I can’t marry you.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.