Stallion Island Series Chapter 89

Iisa lang ang ekspresyon ng lahat ng mga tao sa paligid sa sinabi ni Leica. All of them were stunned. Nagkagulo ang mga ito lalo na nang biglang tumayo si Bart. “What is the meaning of this? You told me I have a willing bride. Are you telling me that I came here for nothing?” sigaw nito. Wala itong pakialam kung narinig man sa buong restaurant ang sigaw nito at nakakakuha na ito ng atensiyon. He was too mad to care about anything.

Nagngangalit ang kapatid niya habang nang-aakusang nakatingin sa kanya habang pinaliliwanagan naman ng bayaw niyang si Archie si Bart. Pero nanatili lang siyang tuwid ang tingin at di tumitinag sa kinauuupuan.

“Anak, ayaw mo ba dahil malayo ang Amerika?” malumanay na tanong ng nanay niya. “Masasanay ka din doon. Saka magkakasama-sama tayo sa AMerika. Di mo na nga kailangan pang magtrabaho dahil mayaman ka na.”

Di niya pinansin ang sinasabi ng ina at nanatili lang nakatitig sa nagmumula sa galit na si Bart. “I don’t love you, Bart. I hardly know you. I can’t marry the man that I barely know.”

Ibinuka ni Bart ang kamay at ihinawak sa tiyan. “But I am rich. Can love give you the man as rich as I am? And you can go to America, baby!”

Naningkit ang mata niya. Tingnan niya kung hanggang saan ang yabang nito. “I don’t marry for money. I know people far richer than you. Do you know that I work in an exclusive island with a desert prince? You can’t imagine how rich he is with is palace made of gold.” Ngumisi siya nang matameme ito. Ano nga ba ang laban nito kay Prince Rostam? Baka nga manliit pa ito kapag isinama pa niya ang buong legion ng Stallion Boys. “You see, I have plans for myself. I wasn’t even consulted about this marriage. And I don’t have an American dream.”

“Damn this country! Damn the women here! How dare you speak so highly? You third world monkeys can’t survive without us Americans,” maangas na wika nito. At talagang ginutay-gutay ang pagiging Pilipino niya.

“What a pity! A first world monkey wants to marry a pathetic third world monkey. Just go home to your beloved America and find a kind of your own. Seems like we are good enough for you, Bart. I am sorry.”

Nang naglatang ang galit sa mukha nito ay nakadama siya ng tagumpay. Hindi siya nito pwedeng maliitin lalo na’t nasa sariling bansa siya nito. Sa Stallion island ay walang sinuman ang pwedeng lumait sa mga Pilipino. Kung gugustuhin nga niya ay kaya niya itong ipa-persona non grata sa Pilipinas lalo na sa koneksiyon niya. Stallion Boys can easily pull their strings to kick him out of the country for good.

Nagdadabog na naglakad palayo si Bart. “The deal is off, Archie!”

“You clean up this mess!” bulyaw ng bayaw niya sa Ate Katrina niya.

Yumuko si Katrina na parang isang maamong tupa. “I will talk to her.”

Uminom siya ng tubig. Ni di man lang siya nakatikim kahit appetizer. “Anak, huwag ka namang ganyan. Napapahiya na ang kapatid mo. Baka naman pwede pa nating habulin si Bart. Paano na ang negosyo ng bayaw mo?”

“Humanap siya ng ibang tutulong sa kanya. Marami naman siguro siyang kakilalang makakatulong sa negosyo niya.”

“Pero magagamit niya ang malawak na koneksiyon ni Bart. Hindi mo ba naisip na maswerte ka na sa kanya, anak? Mabibili na natin iyong palaisdaan na matagal nang ibinebenta sa atin. At makakapagpatayo tayo ng sarili nating grocery. Kahit pa franchise ng Jollibee. Maluwag sa pera si Bart. Di tulad ni Archie na kuripot. Basta sumunod ka lang sa gusto ni Bart.”

Nakahalukipkip niyang pinagmasdan ang nanay niya. “Nay, naririnig ba ninyo ang sinasabi ninyo? Parang ibinebenta na ninyo ako.”

Umiling ang nanay niya. “Hindi, anak. Gusto ko lang na magkaroon ka ng magandang kinabukasan.”

“Kinabukasan ko o kinabukasan ninyo? Kayo lang naman ang sasaya. Ito ba ang pangarap ninyo sa akin, Nay? Ipakasal ako sa lalaking di ko mahal para lang magkapera. Natatandaan ko naman hindi ninyo ako tinuruan na unahin ang pera. Kahit mahirap tayo noon, masaya tayo.”

“Huwag ka kang ipokrita diyan,” kontra ng Ate Katrina niya. “Wala kang ambisyon? Huwag mong sabihing gusto mong waitress ka lang habambuhay.”

“Nagsusumikap akong umangat ang buhay ko. Di kasama sa pangarap ko na magpakasal sa lalaking di ko gusto para lang sa pera. Kontento ako sa buhay ko. Masaya ako. Disente ang pamumuhay ko kahit simple lang.” At maraming mga taong nagmamahal sa kanya at nag-aalala para sa kanya gaya nina Sissy at Warren.

Diniinan ng ate niya ang sentido niya. “Tatanga-tanga ka talaga!”

“Tigilan mo na ang kapatid mo, Katrina!” saway ng tatay niya. “sinabi niyang ayaw niyang magpakasal sa Bart na iyon. Pabayaan mo na.”

“Tay, paano ang negosyo ng asawa ko? Hindi matutuloy ang mga projects niya. Ang gusto lang naman ni Bart mapangasawa si Leica dahil nagustuhan niya. At gusto niyang magkaroon ng maraming mga anak. Magiging maganda ang kabuhayan natin. Lahat tayo magiging masaya,” katwiran ng kapatid niya.

“Sinabi ni Leica na hindi siya magiging masaya. Bakit pati siya kailangang isali sa kalokohan mo?” tanong ng tatay niya. “Kung alam ko lang na paiikutin mo ang buhay nating mag-anak ng ganyan para lang sa pera, sana di ka na lang umalis sa Pilipinas. Di naman kita tinuruang maging gahaman sa pera na pati kapatid mo ibebenta mo sa lalaking ubod ng yaman. Walang respeto sa lahi natin.”

“Aanhin mo ang respeto kung may pera ka naman,” naiiyak na sabi ng ate niya. “Tingnan ninyo ako. Masaya ako. Ginawa ko ito para sa atin.”

“Mas gusto ko pa nang mahirap tayo, Ate. Mas nararamdaman ko ang pagmamahal mo bilang magkapatid. Nang magkapera ka at makarating sa Amerika, lagi mong isinusumbat sa amin ang sakripisyo mo. Mas gusto kita noong simple ka. Kahit sa maliit na bagay naghahati tayo. Di tayo nag-aaway. Nami-miss ko iyon, Ate.” Malungkot siyang ngumiti. “Aalis na ako, Tay, Nay.”

Di kumibo ang nanay niya nang halikan niya sa pisngi habang niyakap naman syia ng mahigpit ng tatay niya. “Ituloy mo lang ang pangarap mo. At dalhin mo kami sa Stallion Island sa susunod, anak. Gusto kong makakita ng palasyong ginto.”

“Salamat po, Tay.”

Masaya siyang malaman na may iba siyang kakampi sa mundo. Di na siya lumingon pa nang lumabas ng restaurant. Alam niyang galit sa kanya ang kapatid niya at nagtatampo ang tatay niya sa kanya. Pero alam niyang balang-araw ay maiintindihan siya ng mga ito at mapapatawad.

Nagulat siya nang paglabas ng lobby ay naroon si Warren. He beamed when he saw her. Tumakbo ito at sinalubong siya ng yakap. “Mabuti naman nandito ka na. Akala ko hindi ka na makakalabas at magpapakasal ka na sa lalaking iyon.”

“Warren, anong ginagawa mo dito?” tanong niya. Ang alam niya ay umalis na ito para bumalik sa lola nito sa ospital.

“Hindi ako umalis. Paano kung kailanganin mo ang tulong ko? Nandito lang ako para i-rescue ka agad. At kung sakaling itakwil ka nila at wala kang pupuntahan, nandito ako para samahan ka. Muntik na nga kitang sunduin kung within five minutes hindi ka pa lalabas ng restaurant.”

Nakangiti lang siya habang inaamoy ang mabangong cologne nito. Ngayon lang siya kumalma matapos ang matensiyong pakikiharap niya kanina sa pamilya niya. Warren calmed her soul.

Inakay siya nito palabas ng hotel. Naroon na ang kotse nito at ang naghihintay na valet. “Nagalit sila sa akin lalo na si Ate. Kung mahina-hina lang ang loob ko, baka napapayag ako sa gusto nila. Kabuhayan ng kapatid ko ang nakasalalay doon. Pero naniniwala ako na di kailangan si Bart. May ibang paraan pa para umunlad ang negosyo nila nang di ako kailangang isakripisyo. Saka ipinagtanggol din ako ni Tatay kay Ate at Nanay.”

“Really? Akala ko lahat ng tao sa inyo gusto kang ipakasal.”

Umiling siya. “Sabi ko hindi naman iyon ang pangarap nila sa akin noong mga bata pa kami. Lumaki ako sa pagmamahalan ng mga magulang ko. Iyon din ang gusto ko. Lumaki sa pagmamahal ang mga anak ko kagaya ng pagpapalaki nila sa akin. Na masaya kami kahit na di kami mayaman.”

“Gusto ko ang tatay mo. Ipinaglaban ka talaga niya.”

“Sana nga ganoon din sa akin ang pamilya ko.” Nilingon niya ito. Nakabukas ang bintana ng kotse nito kaya hinahangin ang buhok nito. He looked painfully young and free. At iyon din ang nararamdaman niya. Dumukwang siya at kinintalan itong halik sa pisngi. “Warren, thank you.”

“Wow! May kiss ulit ako.”

“Good boy ka kasi.”

Nanghaba ang nguso nito. “Parang mas gusto ko ang kiss na nakukuha ko kapag naughty ako.” At saka siya nang-aakit na tiningnan.

Namula ang pisngi nang maalala ang mainit na halik na ibinigay nito sa kanya dati. “Magmaneho ka na nga lang. Puro ka kalokohan. Saan pala tayo pupunta?”

“Sa ospital. Dalhin daw kita sabi ni Lola dahil nagpa-party na sila doon.”

Napasandal siya sa windshield ng sasakyan. “Baka iihaw ako ng buhay ng lola mo.She doesn’t like me.”

“She likes you. Kung ikaw daw ang girlfriend niya, hindi siya tututol lalo na kung buntis ka na.” Tumikhim ito. “Chance mo na ito para maging girlfriend ko. May approval ka ni Lola basta bigyan mo ako ng baby.”

“Heh!” singhal niya. “Tantanan ninyo ako ng lola mo.”

Nakangiti niyang sinamyo ang hangin habang tinatangay ang buhok niya. She loved the freedom. Hindi siya nagsisisi sa pagsuway sa pamilya niya. Masaya siya. Masaya siya na mas makilalang mabuti si Warren.

Pwede palang maging magkakampi ang dating mortal na magkaaway.

“CONGRATULATIONS, Leica! Ikaw na pala ang bagong supervisor namin. Manlibre ka naman diyan!” kantiyawan ng mga kasamahan ni Leica paglabas niya sa opisina ng may-ari ng Stallion Wave. Di siya makapaniwala nang sabihin nitong ipo-promote na siya dahil sa magandang performance niya.

“Heh! Di pa naman tumataas ang sweldo ko. Libre kayo diyan,” aniya at pinanlakihan ng mata ang mga ito.

“Hindi kayo pwedeng ilibre ni Leica hangga’t di niya ako inililibre,” sabi ni Warren. Nagulat na lang siya dahil nasa likuran na niya ito.

“Halika na nga! Mukhang may date pa ang dalawa,” sabi ng manager niya at inutusan nang magsibalik sa mga trabaho ang mga kasamahan niya.

Pabiro niyang sinuntok sa balikat si Warren nang nakasakay na sila sa E-jeepney. “Anong libre? Ikaw nga itong mayaman tapos ako pa ang manlilibre. Paano mo nga pala nalaman?”

“Sinabi ng mga village lords sa akin.” Dumadaan din sa evaluation ng mga piling members ang promotion dahil satisfaction ng customers ang isinasaalang-alang sa pagpo-promote. Ang mga village lords ang unang sinasabihan sa mga ipo-promote. “Daya mo! Nalaman ko malaki ang ibinibigay na tip sa iyo ni Alexandros. Dapat binabalatuhan mo ako dahil ipinopromote kita.”

“Unggoy ka talaga! Saan nga pala tayo pupunta?”

Tumigil ang E-Jeepney sa harap ng simbahan na nasa pagitan ng Central Town at Wind Village. “Siguro naman kundi mo ako mabibigyan ng balato, kahit magpasalamat ka na lang sa promotion mo.”

Hindi na pala nito kailangan pang sabihin ang gagawin niya. Ito na mismo ang nagdala sa kanya sa plano niyang puntahan. Sa maraming magagandang bagay na nangyari sa kanya, di siya pinabayaan ng Diyos. He even created a friend out of a foe to be with her. At natutupad na ang mga pangarap niya. Hindi siya nagsisisi sa pinili niyang desisyon. Masaya na siya ngayon at kontento.

Matapos magdasal ay pumunta sila sa wooden gazebo ng Summer Snowflake. Pampubliko ang lugar na iyon at may sariling path na naghihiwalay dito sa mga private cottages. May inabot itong paperbag sa kanya. “Treat ko sa iyo.”

Nagningning ang mga mata niya nang buksan ang paper bag. “Cream puff!” Sumubo agad siya ng dalawang magkasunod. Iyon ang reward niya sa promotion niya. “Thank you!” wika niya habang namumuwalan.

“Medyo tunaw na ang caramel topping.”

Nag-thumbs up lang siya. “Masarap pa rin naman. Gusto mo?”

Umiling ito. “Sa iyo pa lang kulang na iyan.”

“Tama ka diyan.” Nang abutan siya nito ng bottled juice ay ininom agad niya iyon. “Alam mo talaga ang gusto ko.”

“Hindi ka naman kasi mahirap i-please. Di ka high maintenance. Kung ikaw ang magiging girlfriend ko, marami akong matitipid na pera.”

“Kapag ikaw ang naging boyfriend ko, lilimasin ko ang kayamanan mo tapos ibebenta kita sa mga matrona at bading.” Ngumisi siya. “Lalong dadami ang pera ko no’n. Hihiga ako sa salapi.”

Kumuha ito ng isang cream puff. “Akala ko naman malinis ang intensiyon mo sa akin kahit alam kong katawan ko lang ang gusto mo. Ano nga pala ang gusto mo sa lalaki?”

“Una, di masyadong guwapo para walang masyadong karibal.” At kapag di kaguwapuhan, di siya basta-basta maaakit. Di katulad ni Warren na isang ngiti lang kung anu-ano na ang pumapasok sa kukote niya.

“Hindi daw ako kaguwapuhan sabi ni Kuya Jairon,” wika nito.

“Wala namang ibang guwapo sa kuya mo kundi sarili niya. Gusto ko mabait at maiintindihan lahat ng topak ko.”

Inayos nito ang polo at tumikhim. “Ehem!”

“Ako lang ang mahal.”

Itinaas nito ang kamay. “Kaya ko ring gawin iyon.”

Tinaasan niya ito ng kilay. “At paano mo naman magagawa iyon? Imposible yata iyon. Himala!”

Tinitigan siya nito. “Nang makilala kita.”

Iniwas niya ang tingin dito nang titigan siya nito. Nanunuot kasi ang titig nito. Parang nababasa nito ang laman ng isip niya. Alam ba nito na nagkukumahog sa pagtibok ang puso niya dahil sa sinasabi nito? Alam naman niyang binobola siya pero nagpapadala naman siya. “Sa dami ng babae mo, saan pa ako sisingit?”

“Sa puso ko,” anito at hinawakan ang sariling dibdib. “Solo mo iyan.”

Humalakhak siya. “Ang corny mo talaga!”

“Corny nga pero good kisser naman. Napatunayan mo naman iyon, di ba?”

“Anong napatunayan mo doon?” nakakunot ang noo niyang tanong.

Marahan itong ngumiti at pinagkiskis ang mga palad. “Mukhang hinahamon mo na naman ako, Leica Silvestre. Sabi na nga ba’t gusto mo na namang ma-experience ang expertise ko. Who am I to say no?”

Nanlaki ang mata niya nang mahulaan ang susunod nitong gagawin. He would grab her and kiss her another mind-shattering kiss. Tumayo siya at lumayo dito. “Pambihira! Uwian na tayo.”

Hinabol siya nito at hinawakan ang kamay niya. “Hindi na kita hahalikan basta huwag ka lang umuwi. I want to spend more time with you.”

Hindi niya mapahindian ang simpleng lambing ni Warren. sa loob ng ilang linggo ay lagi silang magkasama. Nakilala niyang mabuti si Warren. Isinama pa siya nito pati sa mga medical mission sa malalayong lugar na di basta-basta maabot ng tulong. Di pala ito kasing babaw ng iniisip niya. Mas marami pa nga itong na-accomplish kaysa sa kanya.

Isa iyon sa prebilihiyo ng di niya pagpapakasal kay Bart. She was happy and content to hold hands with Warren. She could sleep and wake up with a smile because of that.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.