Nakasubsob ang mukha ni Leica sa unan nang sagutin ang tawag sa cellphone niya. madaling-araw na siya nakauwi kanina. “Hello!” Sana ay walang emergency sa Stallion Wave dahil tiyak na gagapang siya papunta sa trabaho.
Isang luau party ang isinagawa para kapatid ng village lord na si Ryuhei na si Ayumi at ini-launch ang collection nito ng swimwear. May mga international press pang imbitado at ilang kilalang tao. Pati nagguguwapuhan at naggagandahang international models ay nandoon. Di tuloy siya magkandaugaga sa pag-aasikaso. Sa tanghali pa naman ang pasok niya.
“Leica, it’s me!” anang excited na boses ng babae.
“Carlyn! It’s good to hear from you.” Matagal silang di nagkausap mula nang sermunan niya ito dahil sa maling impormasyon na ibinigay nito kay Lola Yani. Mabuti na lang at magaling na ang matanda kaya nakalimutan na niya. akala nga niya ay di natatawag pa si Carlyn dahil galit sa kanya.
“Na-miss kita. But don’t worry. Mamaya lang magkikita na tayo.”
TUmihaya siya sa kama. “Anong magkikita?” nananaginip pa yata siya. Nasa Los Angeles pa rin si Carlyn at busy sa trabaho nito.
“Nandito ako sa Stallion Island. Hino-hold lang ako sa security office dahil hindi pa dumadating si warren para sunduin ako.”
“Alam ba ni Warren na dadating ka?”
HUmagikgik ito. “I want to surprise him. Matagal na akong may imbitasyon galing sa kanya. Kaso mas gusto ko na ako mismo ang sunduin niya sa L.A. Ikaw ang nagsabi sa akin na dapat bigyan ko siya ng pagkakataon para makilala akong mabuti. Kaya nandito na ako sa Stallion Island. At madaming guwapo dito.”
Si Carlyn nasa Stallion Island para kay Warren? Hindi pa rin pala ito sumusuko hanggang ngayon. At sinunod nito ang bilin niya.
“Hindi ako aalis sa islang ito hangga’t di siya nagiging akin. Pero magso-sorry ako sa kay Warren sa mga nagawa ko. At siyempre babawi ako sa iyo. Mabuti di ka nila nahuli. Ibinibitin pala ng patiwarik ang nag-eespiya dito,” bulong nito.
“Magkita na lang tayo mamaya. Be careful. That placed is bugged. Baka ma-record ang sinabi mo at umalis tayo ng nakasalbabida lang sa isla.”
“Ngiii! Okay, I will see you later!”
Niyakap niya nang mahigpit ang unan nang mawala matapos ang pag-uusap nila ni Carlyn. Dapat ay matuwa siya. Nagbago na ang kaibigan niya. Di na ito immature gaya ng dati. Na-realize na rin nito ang dapat gawin at may chance na ito para magustuhan ni Warren. Pero bakit parang masama ang pakiramdam niya? parang ayaw niyang magkita at magkagustuhan ang dalawa? Baka dala lang iyon ng pagod niya sa nagdaang gabi. Di pa normal ang sistema niya.
Ilang oras lang siyang ganoon ang itsura hanggang katukin siya ni Sissy. “Leica, nandiyan si Sir Warren sa labas.”
Bigla siyang nabuhay at ipinatong ang robe sa pajama niya. Naabutan niya ito sa porch na nakaupo sa railing. Bumaba ito nang makita siya. “Warren, anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa hinihintay si CArlyn sa security office.”
Kapag walang sumundong member kay Carlyn para papasukin ito sa Stallion Island ay paaalisin ito sa isla. Ayaw niyang maging pangit ang experience ng kaibigan niya dahil ipinagmamalaki niya dito ang Stallion Island.
“Tinawagan ka rin pala niya. What does she want now?”
Mukhang di pa rin humuhupa ang inis nito kay Carlyn. Bagamat naayos na ang relasyon ni Warren at ng lola nito, di pa rin nakakalimutan ni Warren na nabingit sa kamatayan ang buhay ng lola nito dahil kay Carlyn.
“Gusto lang niyang magkakilala kayong mabuti. Gusto niyang bumawi sa mga ginawa niya sa iyo. Dapat bigyan mo siya ng chance. You know, Carlyn is a nice woman. Ang nakita mo dati iyong Carlyn na batang hini-hero worship ka. Malay mo magustuhan mo na siya kapag nakilala mo ang totoong siya.”
“I don’t like her,” mariin nitong wika.
“May pinagsamahan naman kayong dalawa. Kahit bilang kaibigan sana?”
Mahabang sandali itong nag-isip bago ipinagpag ang kamay sa pantalon nito. “Gagawin ko ito para sa iyo. If it won’t work, don’t blame me.”
“Basta bigyan mo siya ng chance.”
Tumango ito. “See you later.”
Lalong bumigat ang pakiramdam niya habang palayo si Warren at papunta kay Carlyn. Ano bang nangyayari sa kanya? Nagkulong siya at di pinansin ang pag-aalok ng pagkain ni Sissy. Masaya na sila ni Warren. Bakit kailangan pang bumalik si Carlyn?
Natigilan siya sa tinatakbo ng isipan niya. Bakit parang nagseselos siya samantalang wala naman siyang karapatang magselos?
Kinapa niya ang kaibuturan ng puso niya at doon niya nakuha ang sagot. She was in love with Warren. Nagustuhan niya ang Warren na nakilala niya. Minahal niya ang lalaking naging kasangga niya sa mga laban niya. She loved his smile, the look in his eyes and his kisses.
Ngayon ay di niya alam kung tama ang pagmamahal na iyon.
LUBHANG abala si Leica. Matamlay ang pakiramdam niya pero idinadaan niya sa trabaho niya ang lungkot ng puso niya. She thought she could push herself that way. Parang bumangga siya sa pader nang makita niyang pumasok ng restaurant si Carlyn nang nakahawak sa braso ni Warren. They looked quite a couple. At nakikita niyang ngumingiti rin si Warren dito.
Iba pala ang realidad. Sampung beses ang sakit kaysa sa nalalaman lang niya. Mukhang nagkakasundo na ang dalawa. Kasama ng mga ito ang ibang Stallion Boys. Ilang oras pa lang si Carlyn sa isla ay at home na ito. BUmagay dito ang floral shorts at tank top nito. May bulaklak pa na nakaipit sa tainga nito. Feel na feel nito ang pagiging island girl.
KUmaway agad si Carlyn sa kanya nang makita siya. “Leica!” Hinila siya nito kahit na nasa harap siya ng touch screen monitor at itsine-check ang mga delivery nila. “Na-miss kita. Bakit parang masama ang itsura mo ngayon? Maputla ka.”
“Masama kasi ang pakiramdam ko. Kumusta?”
“I love it here! Sana pala noon pa ako pumunta dito.” Muntik na siyang kumaripas ng takbo nang dalhin siya nito sa mesa kung saan naroon si Warren. “Warren, si Leica ang sinasabi kong friend ko. She’s the best waitress in the island.”
Di man lang ngumiti si Warren nang makita siya. “Hindi lang siya waitress. Kapo-promote pa lang sa kanya as supervisor.”
Nagningning ang mga mata ni Carlyn. “Ikaw, ha! Di mo sinasabi sa akin na na-promote ka na pala.”
“Dapat mag-celebrate tayo kung ganoon. Join us!” yaya nito.
“Carlyn, hindi pwede dahil kadu-duty ko lang.”
“Okay. Kapag free time mo na lang.” Dumampot ito ng menu. “For now, ipipili ko muna ng lunch si Warren.”
“Alam na ni Leica kung ano ang gusto ni Kuya Warren,” maagap na wika ni Julian. “Iyong mga ka-date nga ni Kuya Warren dati di kumakain hangga’t hindi si Leica ang namimili para sa kanya.”
Nakataas ang kilay siyang tiningnan ni Carlyn. “Oh, really!”
“She’s Warren’s favorite girl,” bigla ay nanulas sa dila ng nobya ni Jairon na si Xandie at biglang natutop ang bibig.
“Favorite waitress,” dugtong niya. Napapansin niyang naghihinala na nang di maganda sa kanya si Carlyn. At ayaw niyang mabahiran ang relasyon nila dahil kay Warren. “Akala mo lang pihikan si Sir Warren sa pagkain pero kahit ano diyan kinakain niya. Magsa-suggest na lang ako tapos ikaw ang mamili ng gusto mo.”
Bahagyang gumaan ang mood ni Carlyn pero nararamdaman pa rin niya ang tensiyon lalo na’t laging nakatitig sa kanya si Warren. Huwag na sana nitong palalain pa ang sitwasyon. It was already bad enough.
“Ma’am Leica, iyon ba ang bagong karibal ninyo?” tanong ni Shielajoie. “Mukhang may ibubuga, ah! Kaso mas maganda ka pa rin.”
“Luka! Kaibigan ko si Carlyn. At siya ang pakakasalan ni Warren.”
Tama. Inire-reserve lang niya si Warren para kay Carlyn. Ang mga ito ang para sa isa’t isa. Di na mahalaga ang nararamdaman niya.
NAGSESENTIMYENTONG mag-isa si Leica sa gazebo ng Summer Snowflake. Malamlam na ilaw lang ang tumatanglaw sa lugar kapag gabi. Dati naman na siyang pumupunta doon pero ngayon lang siya nakaramdam ng lungkot. She missed Warren. Pero di na niya ito aasahan na pumunta doon. Nag-dinner ito kasama si Carlyn sa Wind Café. Gusto daw kasi ni Carlyn makita ang mga windmill.
Dapat ay masanay na siya. Ilang araw ang itatagal ni Carlyn doon. Who knows? She might stay there forever if Warren asked her to. Dapat ay maging masaya siya para sa kaibigan niya.
“Ang ganda nga dito. Nakikita ang mga ilaw ng yate.”
Nagulat siya nang bigla siyang tabihan ni Carlyn. “Anong ginagawa mo dito?”
“Tapos na ang dinner namin ni Warren. May meeting daw siya kasama ang mga aviation officers. NAsabi niya sa akin na paborito niya ang lugar na ito. Nagkikita ba kayo dito?”
Nagkibit-balikat siya. “Paminsan-minsan.”
“Di mo nasabi na paborito ka palang waitress ni Warren.”
Ikinatang niya ang ulo sa poste. “Hindi ka naman magiging interesado. Pero malaki siyang magbigay ng tip,” aniya at tumawa.
Nilingon siya nito. “I am just wondering. May nagsabi sa akin na may kasama daw babae si Warren dito minsan. Kilala mo ba?”
Sumasal ang kaba sa dibdib niya. “Hindi… ko… alam.” Siya ang babaeng iyon. Pero di naman niya pwedeng aminin sa kaibigan niya. “Kumusta pala ang pamamasyal ninyo?”
“Pumunta kami sa Lighthouse Restaurant at saka sa Rainbow Village. Pero kumuha siya hiwalay na kabayo para sakyan ko.” Pumaling ito paharap sa kanya. “May tradition pala dito na kapag inangkas ka ng lalaki sa kabayo niya, ibig sabihin ikaw ang babaeng gusto niya. May iba na palang babaeng isinakay si Warren sa kay Speedo. Di mo rin alam?”
“Baka wala ako sa isla no’n. I am sorry.”
Nakakailang kasinungalingan na ba siya para itago ang sarili? She felt rotten. Napakasama ba niyang kaibigan? Gusto niyang aminin ang tototo pero hindi niya alam kung anong iisipin nito sa kanya.
“Gusto kong makipag-date sa kanya at isakay niya ako sa floating plane niya pero may nagsabi sa akin na may nai-date na siya doon,” nagngangalit nitong wika. “Hindi mo rin alam? O baka naman may itinatago ka sa akin. Alam na yata ng buong isla ang tungkol sa babaeng iyon pero ikaw na lang ang di nakakaalam. Gusto mo bang ako pa ang magsabi sa iyo?”
Maang siyang napatitig sa nagngangalit na mata ng kaibigan niya. galit na galit ito sa kanya. Pinagkakatiwalaan siya ni Carlyn. Kung di siya magsasalita ay di niya alam kung kaya pa siyang patawarin ng kaibigan niya.
TUmayo siya. “Aaminin ko! Ako ang babaeng kasama ni Warren.”
Napasinghap ito. The pain of betrayal was in her eyes. “It’s really you.”
“Pero hindi mo ako karibal. Di iyon katulad ng iniisip mo.”
“Bakit di mo sinasabi sa akin kung ayaw mong may isipin akong iba?”
“Dahil hindi ako katulad ng ibang babae na naghahabol kay Warren. Hindi naman talaga date ang mga iyon. I was just trapped. Alam niyang ako ang espiya mo dito, Carlyn. Sa halip na palayasin ako dito sa isla, iniinis lang niya ako. Mabuti nang ako ang pag-initan niya kaysa ibaling niya sa iyo. I am telling you. Kung nagkataong ikaw ang humarap sa kanya nang mga panahong galit na galit siya, baka hindi mo matagalan.”
Nagsakripisyo din siya para sa kaibigan niya. Ayaw niyang alalahanin pa siya nito. kaysa naman ito ang komprotahin ni Warren. Her heart would be broken.
Subalit di nito inaalis ang matiim na tingin nito sa kanya. “Tell me, Leica. Mahal mo ba si Warren.” BUbuka na sana ang bibig niya para tumanggi pero nagsalita itong muli. “Huwag kang magsinungaling. I want to the truth for once.”
“Carlyn, gusto mo siya mula pagkabata pa…”
“Tinatanong ko ang nararamdaman mo. Mahal mo ba siya?”
Mariin siyang pumikit at huminga ng malalim. “Yes! Hindi ko naman ginusto. Naramdaman ko na lang. Hindi ko naman siya aagawin sa iyo…”
“Sinungaling ka!” sigaw nito at itinulak siya sa tubig.
Napasinghap siya at dali-daling umahon sa tubig. Ihinilamos niya ang palad sa mukha niya. Masyado ba niyang nasaktan ang kaibigan niya para gawin nito iyon sa kanya? Tatangkain sana niyang umakyat sa hagdan nang marinig niya ang mga paparating na yabag.
“Carlyn, anong ginagawa mo?” narinig niyang pasigaw na tanong ni Warren. “Bakit mo itinulak si Leica?”
“Mahal ka daw niya. At sasabihin niyang kaibigan ko siya?”
“Hindi naman kita girlfriend! Ano ngayon kung mahal niya ako? Mahal ko naman siya. I love Leica!”
Lalong naglatang ang galit ni Carlyn at pinaghahampas sa dibdib si Warren. “I hate you! Matagal kitang hinintay tapos sasabihin mo lang sa akin iyan.” Nang di ito masayahan ay itinulak din nito si Warren sa tubig. Di iyon inaasahan ni Warren. NAwalan ito ng balanse at bumagsak sa dagat. “Magsama kayong dalawa!”
“Carlyn, I am sorry!” wika niya. “I don’t want to hurt you.”
“Shut up, bitch! Anong di mo aagawin si Warren? Inagaw mo na nga siya. Mahal ka na niya. Mga sinungaling! Magsama kayong dalawa.” At nagmartsa ito palayo nang galit na galit.
TInapik niya ang braso ni Warren. “Sundan mo siya.”
“Huwag ninyo ako! Ayoko kayong makita. I hate you!” tili ni Carlyn. “Maging masaya sana kayo sa ginawa ninyo sa akin.”
Mangiyak-ngiyak siyang umahon. Nangangaligkig siya sa lamig pero di niya iyon pinansin. Si Carlyn ang inaalala niya. Mali talaga na minahal niya si Warren.
“Are you okay?” tanong ni Warren sa kanya.
Pinaghahampas niya ang braso nito. “Ang sama mo! GInamit mo pa ako para makatakas ka kay CArlyn! Ngayon galit na galit siya sa ating dalawa.”
“Mahal naman talaga kita. Ang alam nga ng buong Stallion Island my relasyon tayo. Saka mahal mo rin naman ako.”
Piniga niya ang blouse na suot niya. “Tigilan mo na nga ako. Nagugulo lang ang buhay ko para sa iyo.” Nangilid ang luha sa mata niya. “How dare you enter my heart without my permission. Ang sama-sama mo talaga!”
“Ako? Ikaw nga ang nauna. Nang makita pa lang kita nang mag-open ang Stallion Island na-in love na ako sa iyo. Pero tuwing niyayaya kitang mag-date tinatanggihan mo lang ako. MAs masama ka!”
“Mahal mo ako noon pa?”
NIyakap nito ang katawan niya para protektahan siya sa lamig at naglakad sila papunta sa cottage nito. “Oo. Nakikipag-date ako sa iba pero di ko sila hinahalikan katulad ng sa iyo. Maswerte na sila kapag nakahalik sila sa pisngi ko.”
“Wala akong pakialam sa mga babaeng iyon. Si Carlyn ang iniintindi ko. nasaktan siya sa nalaman niya. Matagal siyang umasa sa iyo.”
“Hindi mo ba narinig? Gusto niyang maging masaya tayo.”
“Sarcastic kaya iyon.”
Inakbayan siya nito. “Alam na niyang mahal kita bago pa siya pumunta dito.”
“Paano?”
“Sinabi ko sa kanya noong naglalakad-lakad kami sa beach. Ikinuwento mo iyong mga confidential files na di mo nasabi para sa kanya during your espionage.”
“Tapos anong ginawa niya?”
Napakamot ito. “Akala ko naman iiyakan niya ako o magagalit siya. Tumawa lang siya. Ang tanda ko na daw pero torpe pa ako dahil di ko nasasabing gusto kita.”
“Bakit siya tumawa? Di ba dapat magalit siya?”
“Baliw yong kaibigan mo. Na-realize n iya nang makita niya ako na di naman daw niya ako mahal. Mahal niya iyong binatilyo na hini-hero worship niya. Bakit daw di na ako ganoon kaguwapo pagtanda ko. Nilait pa ako. Target yata niya ang isa sa village lords. At mukhang plano niyang languyin ang megayacht ni Gianfranco para daw akitin niya.”
“baka palayasin siya sa isla matapos iyon.”
“Bakit mo ba iniisip iyon? Tayo ang importante.” Hinawakan nito ang baba niya at marahan siyang hinalikan. He made her forget about Carlyn, the whole island and even the world. Ito lang ang mundo niya.
Naniniwala na siya. He was really a good kisser. Dapat idagdag sa qualities ng ideal man niya at lalaking mahal niya.