Stallion Island Series Chapter 91

Nang di matanggap sa Stallion Riding Club si Arjhilleyne, akala niya ay wasak na ang lahat ng pangarap niya. Pero muling nabuo iyon nang makapasok siya sa Stallion Island. Dati ay sa romance novel lamang niya nakakasama ang mala-diyos na kaguwapuhan ng mga Stallion Boys pero ngayon ay may tsansa na siyang maging isa sa mga prinsesa ng mga ito.

Pero may hadlang sa pangarap niya – si Julian Veron Yun na walang ginawa kundi sirain ang mga diskarte niya at ang akitin niya. Ngayon ay nanganganib siyang mapalayas sa Stalllion Island dahil sa kagagawan nito.

At isa lang ang paraan para di siya mapaalis – kailangang matapos niya ang parusa sa kanya ng mga village lords at huwag silang mag-away nito.

Pwede ba namang di sila mag-away ni Julian? At paano naman niya pipigilan ang sarili na mairita dito at maakit at the same time?

Sa huli ay puso din niya ang manganganib. Dahil hindi si Julian ang lalaking magmamahal sa babaeng katulad niya.

Ini-adjust ni Arjhilleyne ang shades niya at pinigilan ang sarong na nakasampay sa balikat niya. Sa wakas, matapos ang mahigit isang buwang pagtatrabaho niya sa Stallion Island ay makakatikim din siya ng day off. Isang tunay na day off kung saan walang emergency na mambubulabog sa kanya at walang computers sa kanyang paningin o ang mga stiff niyang boss at kasamahan sa security headquarters ng isla. Malaya siya sa araw na iyon.

Nilaro ng paa niya ang buhangin. Ilang metro lang ang layo niya ay ang dagat na. In front of her was a wide stretch of wind sand beach. Walang ibang tao kundi siya lang. solo niya ang mundo. It was paradise.

“Anak, hindi ka pa ba uuwi dito?” tanong ng Mommy niyang kausap niya sa cellphone. “Tumapak ka lang sa islang iyan, nakalimutan mo na kami.”

Nahimigan niya ang pagtatampo sa boses nito. “Huwag ka nang magtampo, Ma. I am just too tired to travel back to Cavite. Tapos kailangan ko ring umuwi agad bukas dahil maaga ang duty ko. It isn’t just possible. But I miss you, Ma. Sana nga po kasama kita ngayon. I am sure magugustuhan mo ang Stallion Island. This is a dream come true for me.”

Isang island paradise ang Stallion Island. It was an exclusive riding and leisure club where only young, famous and successful men were admitted as members. Lahat ng facilities doon ay para sa privacy at comfort na maibibigay sa members at sa guests ng mga ito. Kundi naman para mag-relax ay para mapalawak pa ang business connections ng mga ito.

At kung dati ay sa fairy tales lang matatagpuan ang mga tunay na guwapo, matangkad at mayayamang prinsipe, daig pa niya sina Cinderella, Snow White at iba pang fairy tale princesses dahil umaapaw sa mga prinsipe ang lugar na iyon. Kasama na ang ilan sa pinakasikat at eligible bachelors sa mundo na kinabibilangan ng pitong village lords na nagmamay-ari ng lugar. Kabilang dito angb isang tunay na prinsipe.

Kaya naman nagkukumahog ang mga kababaihan na makapasok sa lugar na iyon. Maraming magsasanla ng kaluluwa makapasok lang doon. At maswerte siya dahil di na niya kailangan pang magsanla ng kaluluwa para lang makapasok doon.

“Pwede mo namang tuparin ang pangarap mo kung dito ka sa Stallion Riding Club. Kapitbahay lang naman natin ang Tagaytay. At marami din namang gwapo dito. Hindi ka mauubusan.”

“Ma, wala nang vacancy diyan. Gusto ba ninyo ihagis ako ng security head nila? Sama kayang makatingin ni Myco Gosiaco.”

Ang original niyang target ay ang original na Stallion Riding Club na pag-aari ng mga Alleje. Sumikat ang naturang riding club nang gawing location ng commercial ng Stallion Shampoo and Conditioner. Doon nabunyag sa mundo na may isa palang eksklusibong riding club na puno ng nagguguwapuhang lalaki. At lalo pa siyang na-in love nang mabasa niya ang Stallion Series. Fan na fan siya no’n.

Pero hindi lang naman siya sa mga guwapong lalaki na-in love. She was drawn by the state of the art technology of the club. She was a graduate of Electronics and Communications Engineering. Dalawang taon din siyang nagtrabaho sa isang security company bago nagdesisyon na lumipat ng trabaho. Nang i-reject siya sa Stallion Riding Club, ini-refer naman siya ng agency ng mga ito sa Stallion Island na di pa nagbubukas nang mga panahong iyon. Nangangailangan daw ng member ng security team ang mga ito. And voila! Naging bahagi na siya ngayon ng formidable security team ng isla.

“Sabi mo sa akin masungit din ang mga kasamahan mo diyan,” hirit pa ng mommy niya. Mukhang gusto pa rin nitong kumbinsihin siyang umuwi.

“Tinanggap naman nila ako dito. I have a job,” katwiran niya.

And she was working with some of the best security professionals in the country. At ang security head nila na si Oliver ay personal security ng isa sa village lords na si Prince Rostam. Even his own royal security entourage respected him.

“Gusto ko lang naman dalawin mo kami para masuklay ko ulit ang buhok mo, baby. I really miss you,” anang mama niya at tuluyan nang napahagulgol.

“Mama…” Lumambot ang puso niya. Siya ang bunso sa kanilang limang magkakapatid. At dahil masyado siyang malambing sa mama niya ay siya ang naging paborito nito. Nene pa rin ang turing nito sa kanya at ayaw siyang pakawalan. Nakabuti na rin sa kanya ang paglayo dahil gusto niyang maging independent. Twenty-four na siya at di na siya bata.

“Wag mong pansinin ang mama mo, Arjh,” anang papa niya na natatawa pa sa pag-iyak-iyak ng mama niya. Inagaw marahil nito ang cellphone sa mama niya dahil di matatapos ang iyakan. “Gagawa na lang kami ng kasunod mo para hindi na ikaw ang kulitin niya.”

“Mahiya ka! May apo na tayo!” pagalit na wika ng mama niya.

“Okay lang magpaligaw, anak. Basta ba hindi ka lolokohin. Magsumbong ka sa akin kapag may nanakit sa iyo. Okay?”

“Thanks, Pa!” Her father was really the best. If her mother was coddling her too much, ito naman ang umaawat. Kaya naman hindi siya lumaking spoiled. Ito rin ang nag-suggest na kung gusto niyang maging independent ay gawin niya habang bata pa siya. Mahihirapan siya kung matanda na siya ay saka pa siya bubukod.

“Hindi na kita aabalahin sa pagre-relax mo. Bye, baby!”

“Bye, Pa!”

Hindi na siya nakaramdam ng guilt nang ibalik ang cellphone sa tote bag na naglalaman ng SPF lotion, sandwich na take out niya sa Windy Café, bottled water at ang latest na Stallion Series sa market na babasahin niya habang nagre-relax.

Nang mapagod siya sa paglalakad-lakad sa mainit na sikat ng araw ay inilatag niya ang sarong sa ilalim ng malabay na sanga ng puno at humiga. Inilabas niya ang librong babasahin niya. It was Reid Alleje’s book love story. Naintriga talaga siya sa kabuuan ng istorya nito at ng asawa nitong si Dra. Tamara Trinidad.

Naririnig niya ang iyak ng mga ibon na malayang lumilipad sa himpapawid pati ang hampas ng alon ng dagat. Sa harapan niya ay ang malawak na dagat at ang kalapit na isla. Idinuduyan siya ng malamig na simoy ng hangin. Unti-unting pumikit ang mga mata niya pero sa huli ay bumigay din sa tawag ng antok.

“Sana may prinsipe rin na dumating para sa akin,” mahina niyang usal at saka tuluyang ipinikit ang mga mata.

NAPUTOL ang tulog ni Arjhilleyne. Di siya makahinga dahil sa kung anong nakatakip sa mukha niya. Hinawi niya iyon at dahan-dahang idinilat ang mga mata. Sa kamay niya ay isang short na panlalaki. Short na panlalaki? Saan iyon nanggaling?

Ang natatandaan niya ay nakatulog siya habang nagbabasa ng pocketbook sa ilalim na puso sa deserted beach na iyon.

Suddenly a shadow loomed over her. Isang lalaking matangkad ang nakatayo sa harap niya. He had lean muscles all over his body. Light brown ang kulay ng balat nito. Then she saw his smiling eyes. Singkit ito, may katamtamang tangos ang ilong at may mga labing mas maganda pa sa labi niya.

Parang isa itong diyos ng karagatan. The sun worshipped his skin while rivulets of water streamed down his gorgeous body. He was like a dream come true. At parang isa siyang birhen na iniaalay dito bilang sakripisyo.

Unti-unting nawala ang ulap sa isipan niya. Kilala niya ito. The gorgeous man infront of her was Julian Veron Yun. Member ito ng Stallion Island.

The name kept ringing in her ears. Julian Veron Yun. May mga ngiting mapang-akit. Naalala niya ang usap-usapan ng mga kababaihan tungkol dito. Bawat babaeng matitigan ni Julian ay parang kinukulam. Madali nitong naaakit. At wala itong babaeng di tinitigan nang di nito naidadala sa kama. He could easily possess every one of them – body and soul.

Inabot nito ang kamay niya. “Miss…”

Ang boses nito ay parang mainit na hangin sa tainga niya. As if his raspy voice caressed her whole body.

Nahigit niya ang hininga. Julian Veron Yun. Seducer of women. At nakatayo ito sa harapan niya nang ang suot lang ay itim na swimming trunks at ang tubig ng dagat. Julian Veron Yun. Spoiler of virgins. He won’t take no for an answer. At siya ang susunod na birhen na biktima nito.

Napalunok siya at tiningnan ang nakalahad nitong kamay. Naitukod niya ang siko para iangat ang sarili nang dahan-dahan itong umuklo sa harapan niya. Anong gagawin nito? Isasama na ba siya nito sa paraiso?

At anong ginagawa niya nang nakahiga lang doon na parang panindang nakabilad. Hahayaan na lang ba siya nitong kunin. Kaya ba niyang humindi?

Hindi siya makagalaw. Palapit na ito ng palapit sa kanya. Nakulam na rin yata siya. “Pwede mo na bang ibigay sa akin?” tanong nito sa malambing na boses.

Ang ano? Ang katawan niya? Ang kaluluwa niya? Ipinilig niya ang ulo nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Narinig niya ang iyak ng ibon sa himpapawid at ang alon ng dagat.

Hindi na ito panaginip. Totoo na ito. Aangkinin na siya ni Julian.

Isang makabasag eardrums na tili ang pinakawalan niya. “Eeee! Manyak ka! Manyak ka! Lumayo ka sa akin!”

Biglang nabuhay ang dugo niyang natutulog. Awtomatiko niyang ibinato ang shorts dito at nasapol ito sa mukha. “Miss, ano bang…”

“Manyak ka! Ang kapal ng mukha mo!” Nakapa niya ang pocketbook niya at ibinato din dito. Nasapol naman ito sa dibdib. “Akala mo basta-basta mo na lang akong maaakit, huh!”

Tumayo ito at kung tingnan siya ay parang nababaliw na siya. “Miss, ano bang nangyayari sa iyo?”

“Nangyayari? Ganito ang nangyayari sa mga babaeng muntik nang mapagsamantalahan.” Nagpakawala siya ng suntok at sinugod ito.

Tinamaan ito sa balikat pero bahagya lang nitong ininda. “Miss, kung anuman ang problema mo pwede naman nating pag-usapan.”

“Pag-usapan? Pag-uusapan pa rin ba natin kapag na-rape na ako? O akala mo ba kahit sinong babae papayag na lang sa mga advances mo?” Humihingal siya sa galit at nagpakawala ng sipa. Tinamaan ito sa binti.

Nakauklo na ito sa buhangin at sinapo ang nasaktang binti. “Shit! Miss, sumosobra ka na,” mariin nitong usal at saka siya matalim na tiningnan.

“Ano, ha? Kulang pa iyan sa gagawin mo sa akin. Dapat nga sa iyo mawala na sa mundo,” sigaw niya at susugurin itong muli.

Ang kapal ng mukha nito. Dahil ba guwapo ito at mayaman at akala nito ay hihilata na lang ang kahit sinong babae para dito?

Ibahin siya nito. Hindi siya katulad ng ibang mga babaeng nakilala nito. She believed in fairy tales and in real love. Hindi naman isang prinsipe ang kailangan niya kundi isang lalaki na magmamahal sa kanya. At malayong si Julian iyon.

Patayo na ito nang sumugod ulit siya. Subalit mas handa na ito ngayon. Nang magpakawala siya ng suntok ay mabilis nitong nasalag. Sinalo nito ang kamao niya sa palad nito. “Will you calm down?”

“No!” At isinunod niya ang isa pang suntok.

He easily deflected it. Pati ang sipa niya ay nasalag din nito. Then with one swift movement, she found herself flat on her back. Tumatagos ang init ng buhangin sa likuran niya. Napasinghap siya dahil pinipigilan nito ang dalawang kamay niya. Nashock siya dahil ilang pulgada lang ang layo ng mukha nito sa kanya. Kahit ang katawan nito ay halos humahaplos na sa katawan niya.

“Pakawalan mo ako!” sigaw niya dito.

Kailangan niyang makawala dito. It was a secluded beach. Walang ibang tao. Walang makakarinig sa kanila. Walang tutulong sa kanya sa anumang masamang tangka nito sa kanya. She won’t lie down and let him have his way with her. Lalaban siya sa kahit anong paraan.

Sinubukan niyang sipain ito pero lalo lang nabuhol ang mga hita nila. May kakaibang init na gumapang sa buong katawan niya. His skin left a tingling sensation when rubbed against hers. Napaungol siya. Lalo lang napasama ang paglaban niya dito.

“Stop fighting me! I want you to relax,” utos nito sa kanya. Naramdaman niya ang init ng hininga nito. She was more aware of the promixity of their bodies now. Almost touching.

“Relax?” Nagngalit ang ngipin niya. “Not a chance in hell.” Hinding-hindi siya magre-relax kung si Julian ang kasama niya.

Bumuwelo siya at ubod ng lakas niyang iniumpog ang ulo dito. Bahagyang sumakit ang bungo niya dahil sa impact pero mas napuruhan niya ito. Sanay siyang makipag-umpugan lalo na kapag inaaway siya ng mga kuya niya noon.

Lumuwag ang pagkakahawak nito sa mga kamay niya. Hindi man agad siya nakawala dito pero napindot niya ang maliit na button sa bracelet na suot niya. Hindi lang iyon isang simpleng bracelet. Isinusuot iyon ng mga tauhan sa isla para ma-monitor ang mga location nila at mapuntahan agad kung may emergency.

It sent a distress signal to the security command center of Stallion Island. Ibig sabihin ay nasa panganib siya.

“Damn it!” Julian snarled. Muntik na naman siya nitong hablutin nang marinig niya ang papalapit na speedboat mula sa sea patroller na gumagala sa lugar na iyon. Finally, someone came to her rescue.

Gumapang siya papalayo kahit nanlalambot at nanginginig ang buong katawan niya at sinalubong ang mga ito. “Tulungan ninyo ako! May maniac doon!” humihingal niyang sabi. “He tried to rape me.”

Naging mabilis ang kilos ng dalawang patrol at nilapitan si Julian. “Sir, sumama po kayo sa amin sa headquarters,” anang mga ito at bago pa makahuma si Julian ay pinosasan na ito at binitbit.

“S-Sandali! Wala akong kasalanan!” angal nito at matalim siyang tiningnan.

“Dapat sa iyo makulong. Maniac!”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.