Stallion Island Series Chapter 94

Naestatwa si Arjhilleyne habang nakatayo sa harap ng villa ng mga Yun. Sa labas ay naririnig pa niya ang tawanan ng magpipinsan. Matapos maghapunan ay isinakay siya ni Doktora Nathaniella sa e-jeep. Akala niya ay magpa-party sila at hahabol sa mini concert ni TJ dahil isa ito sa fan ng naturang singer. Nagulat na lang siya nang tumigil sila sa harap ng villa nina Jairon at Julian.

“O! Ano pang itinatayo mo diyan?” tanong ni Nathaniella.

“Anong ginagawa natin dito?”

“Gusto mong magtagal dito sa isla, di ba? Then you have to face Julian. Huwag mong hintayin na palakulin na lang nila ang ulo mo.” Hinatak siya nito papasok ng gate. “Come on! Walang mangyayari kung tatayo ka lang diyan.”

Tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Nathaniella habang hila-hila siya. Nang makarating sa pinto ay basta na lang nitong binuksan iyon. The Yun’s house was one of the less secured houses in the island. Gaya ng bahay nina Arvind James at Warren. Katwiran ng mga ito, hindi kailangan ng mga ito ng privacy. At welcome ang sinumang babaeng gustong pumasok sa bahay ng mga ito.

“Hello, boys!” bati ni Nathaniella sa mga ito. “Balita ko wala kayong ka-date ngayon dahil busy daw ang lahat ng girls kay TJ.” Paminsan-minsan lang nagpapakita si TJ sa mga tao. At para lang sa charity event kaya ito lumabas.

Ibinuka ni Doctor Arvind James ang mga kamay. “Sabi na nga ba di mo ako matitiis. That one of these days, you will come to me.”

Matamis na ngumiti si Nathaniella. “Hindi ikaw ang ipinunta ko dito. Where is Julian? May gustong makipag-usap sa kanya.”

Parang iisang tao lang na humugot ng hininga ang tatlo nang makita siya. Biglang tumayo si Warren at nagtago sa likod ng sofa. “S-Siya ang…”

“…worst nightmare ni Julian!” dugtong naman ni Jairon at tumayo din. Mukhang monster ba siya o mad killer at may bahid ng takot sa mukha ng mga ito. Ganoon na ba kasama ang reputasyon niya?

Lumunok siya. “Nandito ako para kay Julian,” mahinahon niyang wika.

“Gugulpihin mo ulit ang pinsan ko?” tanong ni Arvind James na sa gulat niya ay ngumiti. Tumayo ito at nakipag-high five kina Warren at Jairon. “Woohoo! Nakakapanood tayo ng live action!”

“Pambihira! Bakit kasi walang security camera sa private restricted beach na iyon. Di ko tuloy napanood magulpi si bunso,” panghihinayang ni Jairon. “Pero ngayon may replay. Masaya ito.”

Nagulat siya. Akala niya ay magagalit ang mga ito kapag nakita siya. O kaya naman ay matatakot gaya ng unang rumehistro sa mukha ng mga ito. It was weird. Tuwang-tuwa pa ang mga ito na gugulpihin ulit niya si Julian.

“Hindi ko na siya sasaktan! Magso-sorry ako sa kanya,” aniya sa may kalakasang boses o di siya maririnig ng mga ito habang nagkakantiyawan.

“Killjoy naman! Magso-sorry?” sabi ni Warren.

“That sorry is one big joke, right?”

Sabay-sabay silang lumingon sa likuran niya. Nakatayo doon si Julian. His face was dim. Sanay siyang makita itong nakangiti o kaya ay nagbibiro. Pero nang mga oras na iyon ay parang galit ito sa mundo.

“Sir Julian, I…”

Bago pa niya mabuo ang opening statement niya ay nagdadabog na itong naglakad papunta sa likuran ng villa. Kasunod nito ang sariling stable boy nito na hila-hila ang kabayo nito.

Mukhang ayaw nito ang presensiya niya. Lagot niya. Kahit pa siguro i-practice niya ang kakaunti niyang feminine charms dito ay di eepekto. Mukhang mas malaki pang pagkakamali na nagpunta siya doon. Paano pa siya lalapit ngayon kay Julian kung ayaw siya nitong makita?

“Ano pang itinatayo mo diyan? Sundan mo!” utos ni Nathaniella.

“Mukha kasing galit,” nag-aalangan niyang wika.

“Galit talaga iyon. Pero gusto mo bang umalis na dito sa isla o hindi?”

“Gusto ko pa rin dito,” sagot niya.

“Then use all the weapon you’ve got!” mariin nitong wika. “Ipaglaban mo ang pangarap mo at ang trabaho mo.”

Ang kagustuhan niyang tumagal pa sa trabaho niya ang nagbigay ng lakas ng loob sa kanya. She worked hard for it. Kailangan niyang ipaglaban. Nakasalalay doon ang mga pangarap niya.

Naabutan niya si Julian na inaasikaso ang kabayo nito. Nakatalikod ito sa kanya. At habang nag-iisip siya ng sasabihin ay pinagala niya ang tingin sa kabuuan nito. He was wearing his riding uniform. Sa tulong ng ilaw sa kuwadra ay napag-aralan niya ito. He was tall. Wala itong suot na helmet kaya gusot ang buhok nito. Ni hindi man lang ito nagtangkang ayusin iyon. But it made him look like a bad boy.

Dear God, it should be a sin for any man to look so damned sexy. He was dressed in jeans and boots, a blue silk shirt tucked into the low riding waist band, a wide black belt circling his lean hips. The bulge beneath those jeans was more than worth a second look.

No wonder women can’t resist him. Kung nasa tamang huwisyo nga lang siya sa private beach at di siya Naalimpungatan, baka di rin siya nakatanggi kung inakit siya nito nang maayos. He had a body to die for. Sasambahin ng mga kababaihan!

“Ano pang ginagawa mo dito?”

Muntik na siyang mapatili nang bigla itong magsalita. Mabuti na lang hindi ito lumingon. Kundi ay baka nahuli siya nitong pinagnanasaan niya ito.

“I… I came here to apologize.”

And she must apologize for staring. Had she gone nuts? Hindi iyon ang tamang oras para pagnasaan niya ito. Mawawalan na nga siya ng trabaho, uunahin pa ba niyang pagpantasyahan ang katawan nito?

Kailangan niyang mag-focus! Focus para di siya mawalan ng trabaho. Focus sa pangarap niya! At di kasama si Julian Veron Yun o ang kakisigan nito sa pangarap niya.

Humarap ito sa kanya at humalukipkip. Saka siya tinitigang mabuti. Parang tinitingnan kung sinsero ba siya o hindi. Hindi niya masalubong ang tingin nito nang humarap sa kanya. Parang wala na siyang mukhang ihaharap dito. O natatakot siya na baka mabasa nito ang nilalaman ng isip niya.

“Don’t you think it is a bit too late for that? Dalawang araw akong nandito bago ako pumuntang Singapore. You didn’t even bother to come forward and say sorry. Dahil ba sa video at petition kaya ka biglang nagso-sorry?”

“Well, I can’t lose my job.”

“Kundi ba dahil sa petition sa iyo, magso-sorry ka sa akin?” tanong nito at hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Di agad siya makasagot. He was right. Wala siyang planong mag-sorry dito. She had too much pride to apologize until now. Wala naman talaga siyang kasalanan. Pareho lang silang biktima ng pagkakataon. Pero bakit parang napakasama niya?

“Kasi…” Kinagat niya ang labi. Mahirap mang aminin pero napipilitan lang siya na mag-sorry dito. Naalala niya ang sinabi ni Nathaniella sa kanya. Dapat ay gamitan niya ng feminine charms. Well, it won’t work right now because she was guilty.

He suddenly threw his arms in frustration. “You really won’t apologize. And I don’t accept half-hearted and half-meant words. Ni hindi ko nga maramdaman na pinagsisisihan mo ang ginawa mong pananakit sa akin at inaamin mong mali ka. You are just doing this to save your ass!”

“Oo na! Kasalanan ko na. Hindi lang ako makalapit sa iyo noon dahil hindi ko alam kung paano ako magso-sorry sa iyo,” aniya sa mahinang boses.

“And you are apologizing suddenly because you are about to lose your job.”

Marahan niyang pinakawalan ang hininga. “I worked hard for this. Dito nakasalalay ang kinabukasan ko. Hindi ko naman gusto na saktan ka. Pareho lang tayong naging biktima ng pagkakataon.” Kung siya lang ang masusunod, bakit pa niya kailangang mag-sorry dito. “Wala namang may gusto ng pangyayari. Do you think it is fair that I lose my job? Di naman ako masamang tao.”

“Kung mapapatawad kita, tapos na ba ang lahat?”

Nagkibit-balikat siya. “Yes. Pero kailangan pa ring malaman ng ibang tao na pinapatawad mo na nga ako. Doon lang nila ititigil ang petition.”

Amusement flashed in his eyes. “At sa palagay mo ganoon lang kadali sa akin na patawarin ka at sabihin sa lahat na wala na sa akin ang nangyari? Alam mo ba kung gaano kalaking kahihiyan ang dinanas ko matapos kumalat sa buong Stallion Island na nagulpi ako? Kahit sa Stallion Riding Club pinagtatawanan ako. Itinakwil na nga ako ng bestfriend ko. What makes you think that I will easily forgive you?”

Ngumisi siya. “Because you have a good heart?”

Kumunot ang noo nito. “Alam ko na iyon.”

She chewed her lips. Hindi yata sapat ang sagot niya. Ano ba ang magpapasaya at magpapalambot dito? “Mas guguwapo ka kapag nagpatawad ka.”

Hinaplos nito ang sariling batok. “I want to think that you are wasting my time. This really won’t work.”

This sucks! She’s blowing her chance. Baka nga sa kapalpakan niya ay ito pa mismo ang maghagis sa kanya palabas ng isla.

“Look! I will do everything so that you will help me out.” Pinagsalikop niya ang palad. Kung kailangang lumuhod siya sa harap nito ay gagawin niya. Isusuko niya ang pride niya para dito. “Please! Ayokong umalis dito.”

Umangat ang gilid ng labi nito. Then his eyes shone wickedly. Marahan itong lumapit sa kanya. “I heard the word anything. You want to stay here that much?”

TUmango siya. “Matagal kong pinaghirapan ito…”

Nahigit niya ang hininga nang haplusin ng daliri nito ang pisngi niya. Wala na ang galit sa mga mata nito pero di naman siya makahinga nang normal sa mainit na emosyong nakikita niya sa mga mata nito. As if he was touching her with his eyes.

“I just want to make sure that you will do everything to keep this job.”

Napalunok siya. Di niya alam kung tama ang tinatahak niyang direksiyon pero isa lang ang gusto niya. Ang huwag mawalan ng trabaho. At ang lahat ng iyon ay nakasalalay sa kamay ni Julian Veron Yun.

“Anything,” paniniyak niya.

Nang dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa kanya ay pinigil niya ang paghinga niya. She could feel the heat of his body. His warm breath caressed her skin. Di siya nito hinahawakan pero parang hinahaplos na nito ang balat niya. At nanlalambo ang tuhod niya.

It was a sweet threat. Sinubukan niyang tingnan ang mga mata nito pero wala siyang mabasa. Sana ay alam niya kung ano ang iniisip nito. Ano ang magiging kapalaran niya.

At sinasabayan naman iyon ng isipan niya. Paano kung katawan niya ang hingin nito? He was such a sensual creature. His sexual exploits was legendary. Paano kung samantalahin nito ang pagkakataon? Dapat ay naging maingat siya sa sinasabi dito. He could easily use it to wrap her around his fingers. Iyon na ang pagkakataon nito para makabawi sa kanya.

Inipit nito ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng tainga niya. “How about we go out a date?”

“Date?” bulalas niya sa mataas na tono.

Date with Julian Veron Yun was synonymous to sharing his bed for the night. Iyon ang prerequisite sa pakikipag-date dito.

“Don’t look so shocked. I am just asking for a date,” he said in an amused voice.

“W-Wala na bang ibang paraan? Maglilinis ako ng bahay mo, maglalaba, aalagaan ko ang kabayo mo…”

Kumunot ang noo nito. “What is so abhorrent about dating me? Mas gusto mo pang magpaalipin kaysa i-date ako? Kung lalabas ka kasama ako at nakita nilang magkasundo tayo, di na iisipin ng mga members na paalisin ka. I got you covered. At iisipin din nila na pinagkakatiwalaan mo na ako ako.”

Tiwala? Iyon yata ang di niya basta-basta maibibigay kay Julian. Parang sinabi na rin niyang pumayag siya na maging sex slave nito.

“Well… ano…”

Inilapit nito ang labi sa tainga niya. “You said everything… anything… O gusto mo bang mag-empake na paalis ng isla?”

Mariin siyang pumikit. “A date. Just a date.”

“Just a date,” paniniyak nito.

“Okay. A date,” aniya at inangat ang tingin dito.

Tumango ito at umurong. “I will inform you about the schedule. Just make sure that this date would be worth my time.”

Naestatwa siya nang harapin muli nito ang kabayo nito sa kuwadra. He was dismissing her. At di siya makapaniwalang pumayag siyang makipag-date dito.

Nanginginig ang tuhod niya nang naglakad pabalik ng bahay. A date with Julian Veron Yun that would be surely worth his time.

Isang date lang ang lahat. At titiyakin niya na di siya tatratuhin nito katulad ng ibang babae. She wanted to remain a virgin for the special man that she will love and eventually marry.

Lalabanan niya si Julian Veron Yun sa kahit anong paraan. Isang date lang iyon. Ang kailangan lang niyang gawin ay di magpaakit kay Julian.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.