Stallion Island Series Chapter 95

Umaalingawngaw sa buong gym ang pagtama ng bawat sipa ni Arhilleyne sa punching bag. Matindi ang paghahanda niya para sa mga mangyayari sa gabing iyon – ang date nila ni Julian Veron Yun.

Kaninang umaga ay natanggap niya ang invitation nito na may dinner date sila at may kasama pang bouquet ng rose. He was trying to be romantic. Pero sa halip na matuwa siya o kiligin ay gumapang ang kilabot sa katawan niya. Kung pagbabasehan ang record nito sa mga babaeng una na nitong naka-date, kailangan na niyang aasahan na malaki ang hihingin nitong kapalit sa kanya-her body and soul.

Kaya tatlong oras bago ang date niya ay puspusan ang pagpa-practice niya ng self defense. Hindi niya hahayaang maisahan siya ni Julian. Kahit pa may utang siya dito, di niya basta-basta isusuko ang katawan dito.Di siya nito mapipilit.

“Arjh, hindi ba dapat naghahanda ka na sa date ninyo ngayon? Come on! This is your first date with a Stallion hunk,” sabi ni Nathaniella nang lumapit sa kanya. Mukhang sinadya pa siya nito sa dojo.

“Naghahanda na ako, Doc,” nakangisi niyang sabi at saka nagpakawala ng roundhouse kick sa punching bag. Subukan lang siya nitong halikan. Makakatikim ito ng balasik niya. Because a kiss from Julian could be lethal. Or even a simple touch. Kahit nga ang titig nito ay nakakawala na sa sarili. Baka bago pa niya malaman, naibigay na niya ang sarili niya dito. She needed to focus. Ang pagpapaakit kay Julian ay mas malala pa kaysa sa mapaalis sa Stallion Island. She could lose her soul to him and she might not be able to take it back.

“Not like this, Arjh. Hindi ka naman sasabak sa taekwondo competition. You must look beautiful for Julian to get his full attention.”

Napatitig siya kay Nathaniella matapos sumipa. “Get his full attention?”

Iyon nga mismo ang iniiwasan niya. Ang magpaganda para makuha ang atensiyon ni Julian. That would be dangerous. Parang siya na mismo ang nagtapon sa sarili sa apoy. Dahil kung simple lang siya at di siya magpapagandang masyado, hindi magkaka-interes si Julian sa kanya. Maliligtas ang puri niya.

“Yeah! Magpa-spa ka na dapat. Magpa-salon. May damit ka na ba? Dapat iyong sexy at seductive...”

“Aakitin ko siya?” tanong niya sa mataas na tono at napatitig na lang dito. Naestatwa siya nang tuluyan habang iniisa-isa ni Nathaniella ang mga dapat niyang gawin. Gusto ba nitong tuluyan na niyang isanla ang kaluluwa niya kay Julian?

Tuluyan nang lumutang ang utak niya sa mga posibleng mangyari sa gabing iyon oras na magpaganda siya sa date nila ni Julian. Di na niya napansin ang punching bag na humahaginit pabalik sa kanya. Walang patawad iyong humampas sa katawan niya at bumalandra siya sa sahig.

“Aray ko!” ungol niya habang nagpipilit bumangon.

“Wala ka nang oras para magsisipa. You have three hours before your date,” anito at hinila siya patayo.

“Pero magpapaganda ako...”

Itinirik nito ang mga mata. “I am not asking you to seduce Julian or even sleep with him. Just look beautiful. You bruised his pride. Di na siya nakipag-date dahil sa panggugulpi mo sa kanya. The least you can do is make yourself pretty for him. Huwag mo na siyang insultuhin, Arjh. At least hanggang ma-secure mo ang pananatili mo dito sa isla.”

Hindi na siya nakipagtalo pa dito. Tumapat siya sa shower at hinayaan ang mainit na tubig na alisin ang pawis at pagod niya. She was aware of Julian’s power. Paano niya ito lalabanan ngayon? Bigla ay di siya naging kampante sa kakayahan niyang lumaban.

“No! No! No!” paulit-ulit niyang usal hanggang matapos siyang maligo.

“We don’t have time for the spa,” sabi ni Nathaniella. “Sa salon na tayo didiretso. You don’t really style your hair that much.”

“Hindi naman kailangan.” Wala siyang hilig na mag-ayos. Tama na sa kanya na ipa-trim ang buhok niya at makapag-shampoo araw-araw.

“I think the stylist can manage to give you a new look.”

Napilitan siyang sumabay sa mabilis na lakad nito. Pumara ito ng e-jeepney na magdadala sa kanila sa salon. Parang fairy godmother ito na ihahanda si Cinderella para sa ball.

“Doc, ayokong makaabala sa iyo. Kaya ko na ito.”

She smiled at her. “Wala naman akong ginagawa sa clinic. And besides, Oliver asked me to help you out. Hindi ka daw nila matutulungan sa pagpapaganda mo. They want you to stay here, Arjh. The whole team. You are their princess.”

“Daig pa nila ang kuya ko.”

Her brother would taunt her if he finds out that she would be dating a Stallion hunk. Baka nga di pa maniwala ang mga ito. Para sa mga ito, hanggang pantasya lang siya makakatagpo ng guwapong lalaking magde-date sa kanya.

“There is one thing you should know about Julian. He doesn’t force his women. But he has a charm that you can’t easily resist. All you have to do is to say no. Mag-practice ka na ngayon.”

Kung makakaya siyang akitin ni Julian, baka di na siya magkaroon ng pagkakataon na gamitin ng martial arts skills niya. All she had to do now was learn how to say “no”. Sana ay ganoon lang kadali ang tumanggi dito.

HINDI nakilala ni Arjhilleyne ang sarili habang nakatitig sa salamin. She was beautiful and feminine. Nakalugay ang buhok niya na laging nakapusod. It was freely flowing at her back. Parang sobrang kinis ng mukha niya dahil maganda ang pagkaka-apply ng make up sa kanya. Na-highlight ang mga mata niya at ang mahahaba niyang pilik-mata. Even her lips looked sensual. She even looked like a goddess in a Grecian inspired gown which was a Ayumi Tezuka creation. Hindi niya alam kung paanong nagawa ni Nathaniella na mai-secure ang damit na iyon samantalang ang ibang babae ay inaabot ng buwan bago makakuha ng creation ni Ayumi Tezuka. Kalahating taong sweldo yata ang halaga ng damit na iyon.

“You look gorgeous!” puri ni Nathaniella nang sa wakas ay lumabas na siya ng kuwarto niya.

“Hindi nga ako sanay magsuot ng ganito kamahal at kagandang damit.”

Mabibilang sa daliri niya na sinubukan niyang magpaganda. Lumaki siya nang di masyadong pinahahalagahan ang itsura niya. Simpleng tao lang ang magulang niya na naniniwalang mas importante ang puso kaysa sa panlabas na kaanyuan. It was the first time she tried to dress up for a date. Sabagay di naman member ng Stallion Riding Club o Stallion Island ang mga lalaking nakaka-date niya. She didn’t need to exert much effort then.

“It is a privilege. Huwag mo na lang isipin ang presyo ng damit. Ayumi will give you a great discount. Well, I am paying half of it,” anito at kinindatan siya.

“Doc, masyado ka naman yatang mabait sa akin.”

“Iniisip mo siguro na ayoko kay Julian at sa mga lalaki sa pamilya niya. They are spoiled rotten playboys. But I care for Julian.”

Kumunot ang noo niya. “You are for him?”

Tumango ito. “It is high time that he dates a decent woman. Someone who isn’t after his gorgeous body.”

She was giving her too much credit than she accounted for. Hindi niya pwedeng balewalain ang kakayahan ni Julian. He was born to seduce women. Hindi pa rin siya ligtas dito.

“I know you are smarter than to fall for him instantaneously.” Pinisil nito ang balikat niya. “Just remember the magic word “no”.”

Tumango siya at huminga nang malalim. Paulit-ulit siyang nagpractice ng “No” sa isip niya hanggang sa mag-ring ang doorbell. Si Nathaniella ang nagbukas ng pinto. Julian was standing there. Every inch a man in his suit. Nadoble ang kaguwapuhan nito nang ngumiti sa kanya.

“Arjhilleyne, you are so beautiful,” he uttered breathlessly. Na parang isang aparisyon siya sa harapan nito.

Namula ang pisngi niya. She automatically forgot the word no. Bumilis ang tibok ng puso niya habang nakatiitg ito sa kanya. Oh, boy! She was in deep trouble.

“Take care of her, Julian. Bring her back before midnight. Huwag kang gagawa ng kalokohan,” mariing bilin ni Nathaniella dito.

“Stop acting like a mother hen. Bakit di mo na lang guluhin si Kuya Arvind? Ang alam ko ka-date niya ang mortal na kaaway mo noong high school ngayon. Wouldn’t you just love to ruin his night?” pilyong wika ni Julian.

Nag-apoy ang mata ni Nathaniella. Mukhang may naisip na naman itong pambala para sa munting giyera nito para sirain ang bawat araw ni Arvind James Li. “That stupid moron! Wala na ba siyang matinong babaeng ide-date? Anthea killed her first two husbands. Gusto ba niyang maibaon sa lupa? Di talaga siya nag-iisip,” anito at hinablot ang purse nito. Lumabas ito ng working lodge niya pero tumigil ito sa harap ni Julian at pinitik ang binata sa noo. “Don’t do anything stupid, Julian. If you won’t treat Arjh like a lady, buong security team ang magbibitin sa iyo ng patiwarik.”

“A lady.” Umangat ang gilid ng labi ni Julian at saka tumingin sa kanya. “I am a perfect gentleman, Nathaniella. But I think Miss Reyes is old enough to know what she wants and how to get it.” Inilahad nito ang palad sa kanya. “Let’s go?”

Napalunok siya at saka tinanggap ang nakalahad nitong palad. His hands were warm. Iginiya siya nito sa horse carriage na naghihintay sa kanila. Hila iyon ng dalawang puting kabayo. Namangha siya. Parang fairy tale.

“Hindi naman ito kailangan,” usal niya.

“Di ko ma-imagine na sasakay ka ng E-jeepney para sa date natin.”

She felt so special. Parang katulad sa fairy tales. And Julian was playing the part of the Prince Charming so well. She could easily fall for him.

Natigilan siya sa tinatakbo ng isip niya. No. Di niya pwedeng i-entertain ang ideya na mai-in love siya dito. She was vulnerable at the moment.

Umaalingawngaw pa rin sa isip niya ang sinabi nito. Di nito kontrolado kung ano ang ikikilos niya? Na kung gusto niya ito ay hindi siya nito tatanggiihan. Bawat minuto na kasama niya ito, kinakabahan siya na pahirap ng pahirap na tanggihan niya ito. And he wasn’t even seducing her or taking advantage of her.

It was not a date. Nandito lang siya para maayos ang reputasyon nila ni Julian at di siya mapatalsik sa Stallion Island. Di niya dapat isipin na nasa isang fairy tale siya. Isa lamang ilusyon ang lahat.

Magkukunwari siyang di niya ito kasama sa karwahe. Na di niya naaamoy ang mabangong men’s cologne nito at nararamdaman ang init ng katawan nito.

“This is your first date?” tanong ni Julian nang tumatakbo na ang karwahe nila.

Napaigtad siya. She was trying to pretend that he was not there. Ngayon ay di na niya kaya pang magkunwari nang marinig ang boses nito at naramdaman ang mga mata nito sa kanya.

“Nakikipag-date na ako dati,” defensive niyang sagot. Baka isipin nito na isang malaking karangalan para sa kanya na maka-date ito. Di siya gagaya sa ibang babae nito na magkukunwaring dito lang umiikot ang mundo.

“I mean here at the island.”

Yumuko siya at pinilit ang sarili na huwag itong tingnan. “First date. Well, this is not a real date, right? You are just trying to save my ass...”

“Your ass?” bulalas nito. Akala niya ay magagalit ito. Hinawakan nito ang baba niya at inangat. Nagsalubong ang mga mata nila. There was an amused glint in his eyes. “Such pretty mouth. Hindi bagay sa iyo ang salitang ‘yon.”

Ipinaling niya ang mukha nito kaya nabitiwan nito ang baba niya. “Ass? Light pa iyan sa ginagamit namin sa security center. Lalo na si Sir Ridge at Oliver. Masyadong makulay.”

Bumuntong-hininga ito. “Hindi ka dapat masyadong nagdididikit sa kanila. Come on! A lady shouldn’t use that foul language.”

“Lady?” Ngumisi siya. “Pasensiya na pero kung maririnig ka ng mga kuya ko, pagtatawanan ka nila. Mukha lang akong babae ngayon pero hindi naman talaga ako ito. Ni hindi nga ako makapaglakad ng matino sa high heeled pumps na ito. Saka itong gown na ito...”

“You look perfect. At sana lagi kitang makitang ganyan.”

At that moment, she made her feel beautiful and special. The fairy tale goes on and on. Wala pang lalaking nagsabing maganda siya. And the passion in his eyes made her want to believe. At parang may naghahabulang kabayo sa dibdib niya habang di nito inaalis ang mga mata sa kanya.

Gusto nang manghina ng tuhod niya. Ilang sandali pa lang silang magkasama ay pinagagana na nito ang talento nito para mang-akit ng babae. He wasn’t even touching her. Wala pa itong ginagawa para masabi niyang hina-harass siya nito para magamit niya ang self-defense skills niya. He was a far cry from a punching bag.

“Don’t bet on it,” usal niya.

Ito na marahil ang una at huling pagkakataon na makikita siya nitong maganda. This was not a real date. Sinasabi marahil nito na maganda ang lahat ng babaeng nakaka-date nito. Di siya dapat na magpadala.

She had to endure that night. And she hoped that she survived.

“We are here,” deklara ni Julian nang tumigil sila sa harap ng Banyan Tree Restaurant.

It is show time, she reminded herself. She was in a fairy tale. Di siya pwedeng umaktong siga bilang si Arjhilleyne ng security team. She must act feminine and graceful. Oh, hell! She wished it was the one she trained for. Hindi ang pagsisipain ang mukha ni Julian habang ginugulpi ang punching bag.

Okay. For a night she would try to pretend she was her prince. Just tonight.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.