Stallion Island Series Chapter 96

Banyan Tree restaurant was a fairy tale itself. Kakaiba ang restaurant na iyon dahil itinayo iyon sa mismong puno ng Banyan. Isa iyong malaking puno na karaniwang tumutubo sa Asya. It was like a treehouse yet it was modern and earthy at the same time. It was the classiest restaurant in the island, owned by the village lord, Rouen Arezmendi. Michellin-star food and world class and expensives wines were served. At sa gabi ay naiilawan ng capiz lantern ang puno na nagmistulang alitaptap sa gabi.

“Wow!” usal niya habang papasok sa restaurant.

Narinig niya ang mahinang halakhak ni Julian. “Parang bata ka na nasa isang theme park. O kaya first time na nakita si Jollibee. No false sophistication there.”

Nagsalubong ang kilay niya nang mahimigan ang amusement sa boses nito. “Oo na. Parang naiinosentehan ako. Matagal ko nang gustong mag-dinner dito. You have to dress up when you come here. I hate dress codes.”

“I am still glad that you dress up for me.”

There was so much pride in his voice. Na parang nagpaganda talaga siya para dito. Pero bakit di siya naiiritang pinupuri siya nito? Siguro dahil paminsan-minsan ay gusto naman niyang masabihang maganda siya. Bakit pa siya aangal?

Modern classical music agad ang sumalubong sa kanila mula sa string quartet na tumutugtog sa restaurant. There was laughter, clinking of glasses and buzz of whispers. Banyan Tree Restaurant was surely busy. Puno iyon ng naggagandahang at guwapong nilalang. Ilang buwan na siya sa Stallion Island pero nai-starstruck pa rin siya kapag nakikita ang mga personalidad doon.

“Julian, welcome back!” isa-isang bati ng mga members dito sa bawat mesang dinadaanan nila. May kumakamay kay Julian o kaya ay tumatapik sa balikat.

“Baby boy is alive again,” may himig ng panunuksong wika ni Quillian na isang guwapong television network producer. Sinaluduhan ito ni Julian bago siya igiya sa second floor ng restaurant. Mukhang na-miss ng mga ito si Julian.

Sa isang pandalawahang mesa sa gilid ng restaurant sila iginiya ng maitre ‘d. nakatikim na siya ng pagkain doon pero puro delivery lang. She wouldn’t dare set foot in that place wearing a fancy dress.

Excited pa siyang basahin ang menu nang maramdaman niya ang mainit ang titig sa kanya ni Julian. Hindi na siya mapakali dahil doon. Sa palagay nga niya ay nag-haywire na ang brain cells niya at di gumagana nang maayos. Wala siyang maintindihan sa menu. Palipat-lipat siya ng pahina pero naghahalo-halo lang ang letra sa paningin niya. Damn Julian’s eyes. Hanggang kailangan ba siya nito tutunawin sa titig nito? He wasn’t even touching her.

“What do you want?” tanong ni Julian sa kanya.

Sumuko na siya at ibinigay sa waiter ang menu. “Ikaw na ang pumili para sa akin.” Julian looked please. Men! Gusto talaga ng mga ito na dependent ang mga babae sa mga ito. It was their chance to boost their ego. Di naman kabawasan sa kanya kung hayaan muna niya itong mag-take over. Tutal labo-labo na ang utak niya. Di na gumagana nang matino dahil dito.

Lumapit ang sikat na publisher na si Mattheu kay Julian. “I can see that our little boy is back at the dating scene.”

“Tatang!” Tinapik ito sa balikat ni Julian. “Na-miss mo na naman ako.”

Julian was one of the youngest members of the club. Malapit pa lang itong mag-twenty-eight. Kaya lagi itong tinutuksong totoy o kaya ay little boy para lang inisin. Julian fights back. Nasa thirty-two pa lang si Mattheu. Masyado pang bata para tawaging tatang.

“Your date will think that I am old enough to be a grandfather.” Nakangiting bumaling sa kanya si Mattheu. “I am not that old, Miss.”

“She’s Eunice Arjhilleyne Reyes,” pakilala ni Julian.

Napamaang si Mattheu. “Holy crap! You are dating the security team’s amazon princess.”

Magaang sinuntok ni Julian ang balikat nito. “Kasalanan mo iyan at ng mga librong ipina-publish ninyo. Dapat i-ban ang Stallion Series. You patronize ass-kicking women. Look what happened to our women here. Lahat yata gusto nang manggulpi. We still want our women feminine and purring.”

Naghahamon siyang tiningnan ni Mattheu. This was a grand battle between her and Julian this time. “Mukha bang malungkot ang mga Stallion Boys na piniling magka-girlfriend o magpakasal sa babaeng malakas ang personality? Come on! Kahit si Rizal hindi naniniwala na si Maria Clara ang epitome ng babaeng dapat tularan. Ang totoong babaeng Filipina lumalaban. Nakikipaglaban kasama ang mga partners nila. At hindi nila iiwan ang lalaking mahal nila kahit anong mangyari.”

Maang na napatitig si Julian sa kanya at napalunok. Inaasahan niya na magiging mainit ang debate nilang dalawa. Oh, how she would love to prove her point. Feminine and purring? Not in this lifetime.

“And you are that kind of woman?” nakataas ang kilay na tanong ni Julian.

“With the right kind of man. Iyong irerespeto ako at mamahalin ako. Hindi ako paglalaruan. Dahil oras na may manloko sa akin, gugulpihin ko talaga.”

Tumikhim si Mattheu. “I must go ahead. Di ko na kayo aabalahin sa date ninyo.”

Nakababa na si Mattheu nang maalala niya ang libro ni Reid Alleje na di pa niya nababasa. “S-Sir Mattheu…” Pumalatak siya at napilitang harapin ang pagkain na isine-serve ng waiter. “Nakalimutan kong magtanong ng reprint ng novel ni Reid Alleje at Tamara Trinidad.”

“How charming. Even amazons believe in fairy tales,” komento ni Julian. “kaya ka ba nandito sa Stallion Island para makahanap ng Prince Charming?”

“Bakit naman hindi? LAhat naman ng babae iyon ang gusto kaya pumasok dito. Sa lugar na ito lang naman yata natutupad ang fairy tales,” aniya at sumubo ng soup. Ipokrita siya kung ide-deny niya iyon. Sa sobrang pagka-fanatical nga niya ay wala nang laman ang panaginip niya kundi makapasok sa riding club at makabingwit ng guwapong Stallion boy.

“So you go for handsome and rich men?” he asked bitterly.

Kumunot ang noo niya. Pangit palang pakinggan. Di naman siya ganoon kababaw. “Mas importante sa akin ang lalaki na mamahalin ako at irerespeto ako. Iyong ibibigay niya ang puso niya sa akin at ako lang ang babae para sa kanya.”

Fanatic man siya sa mga romance novels pero natutunan niya na higit sa panlabas na kaanyuan at pera ay mas mahalaga ang puso ng isang babae. It’s what makes strong women on their knees. The heart of a man.

“I am not that kind of man, baby. I don’t have a heart,” he said in a raspy voice. Ginagap nito ang kamay niya at isa-isang hinalikan ang palad niya. She was dumbfounded. The small sensation was enough to paralyze her. Anong ginagawa nito sa kanya? It was like an innocent kiss yet sensual. Di siya makahinga. Di niya maigalaw ang katawan niya. And all she could do was stare at him.

“S-Sir Julian...” tawag niya sa pangalan nito.

Then he flipped her hand and planted a kiss on her wrist. Then his smouldering gaze captured her eyes. There was a hungry look in his eyes and only she could satiate it. “I am not your gallant knight or Prince Charming but I can give you memories that will last forever, baby.”

Parang humampas sa pader ang buong katawan niya. Nahigit niya ang hininga. This was outright seduction in public. Bakit hinahayaan niya ito? She couldn’t even say no. Ni hindi niya mabawi ang kamay niya dito o kaya ay magpakawala ng isang sipa o suntok para layuan siya nito. Why did she want those eyes on hers? Hindi ito tama!

Hindi na niya kailangan pang magtanong. He was asking her to spend the night with him. To be his sex slave maybe. Memories to last forever? Bakit interesado siya na malaman kung ano iyon? she was suddenly a curious virgin. She wanted to know what his kiss was like. What touch would feel like. Sa halip na maging banta ang sinabi nito ay nagmistula iyong pangako.

Binasa ng dila niya ang labi niya. All she had to do was say “yes”. bingi na siya sa mga babala sa isip niya. She wanted him to show her paradise or sweet hell.

Nasa bangin na siya ng kahibangan niya nang marinig niya ang malakas na tawanan ng mga babae. Nakulili ang tainga niya. nasira na ang pangarap niya. kahit di niya tingnan ay alam niyang ang mga Sirens ito.

Muntik na niyang takpan ang tainga at mapasimangot nang magtilian ang mga ito pagkakita kay Julia. “Eeeee! Nandito na ulit si Julian.” Kanya-kanyang yakap at halik ang mga ito kay Julian.

“Akala ko hindi ka na babalik sa amin,” maluha-luhang sabi ng leader na si Merian at hinaplos ang pisngi nito.

“We have a new member- Mareschellie,” pakilala ni Francey.

Kumunot ang noo niya nang walang kakurap-kurap na humalik si Mareschellie sa pisngi ni Julian. Muntik na siyang mapaungol nang papungayin nito ang mata. “Welcome back! Ginawa namin ang lahat para pabalikin ka. The bitch that hurt you will pay. Titiyakin namin na mawawala siya sa islang ito. Gone forever. Pagbabayaran niya ang pananakit niya sa iyo. How could he hurt you?”

“Right! Right!” sang-ayon ng iba pang Sirens.

The nerve! Nananadya ba ang mga ito? The bitch was right in front of her. O di ba siya nakilala ng mga ito.

Wala ba talagang tamang asal ang mga ito? Di ba napapansin ng mga ito na may ka-date si Julian? Or they simply didn’t care?

Kumukulo ang dugo niya habang pinagmamasdan ang atensiyong ibinibigay ng mga ito kay Julian. Kung paanong idikit ng mga ito ang katawan sa binata.

Nakalimutan na ba ni Julian na kanina lang ay inaakit siya nito? Inaalok nito ang mga alaalang maitatanim sa isipan niya habambuhay. She was supposed to be glad. Dumating ang mga Sirens kundi ay napa-oo na si Julian at di niya alam kung saan na siya nito idinala ngayon o kung ano na ang ginawa sa kanya.

But she was simply pissed off. Siya ang ka-date nito. Saka na ito magpaakit sa mga Sirens kapag tapos na ang date nila.

“What are you doing with Julian, amazon bitch?” maanghang na tanong ng miyembro ng Siren na si Raine.

Kaswal siyang uminom ng wine. “Ka-date ko si Julian.”

Natutop ni Merian ang bibig. “You are trying to seduce him?” Hinaplos nito ang pisngi ni Julian. “Pinilit ka ba niya? Sinaktan?”

Ngumiti lang si Julian. “Arjhilleyne and I are trying to fix things. Walang gulong di naaayos sa magandang usapan.”

“Ibig sabihin papayag kang di siya mawala dito?” tanong ni Mareschellie.

“Paano ang petition namin?” angal ni Francey. “Pinaghirapan namin iyon para matulungan ka.”

“I appreciate the concern, girls. Pero mas maganda kung magkakasundo tayong lahat. Let’s forgive and heal the wounds. And this world will be a better place,” paliwanag ni Julian.

Yeah, right! Gusto niyang kumanta ng Heal the World ni Michael Jackson. She wanted to thank Julian for the defense though. Akala niya ay hahayaan siya nitong balatan nang buhay ng mga Sirens.

“Iuurong ko ang petition para sa iyo, Julian,” sabi ni Merian pero matalim ang mga mata nang lingunin siya. “Hindi pa tayo tapos.” At saka ito naglakad palayo kasama ang mga alipores nito.

“Thank you,” pasasalamat niya kay Julian. Ngayon ay natiyak na niyang secured ang trabaho niya sa Stallion Island.

“You’re welcome. Napakaliit lang na gulo nito na di kailangang palakihin. Oliver vouched for your efficiency at work. Ayaw niyang mawala ka,” sabi nito at itinuloy ang pagkain.

“Sisikapin ko nang huwag masangkot sa gulo sa susunod.”

Hinawakan ulit nito ang kamay niya. Then him thumb created a circular pattern on her thumb. “Saan mo gustong pumunta pagkagaling natin dito? We can go to the beach and stargaze. Or plunge for a night swim,” he suggested wickedly.

Naramdaman niya ang pag-iinit ng buong katawan niya. Alam na niya kung ano ang gustong mangyari ni Julian. He wanted to seduce her through and through hanggang wala nang matira sa katinuan niya. And that sinful carress that he was doing with his finger was creating havoc to her senses.

Binawi niya ang kamay dito. “Gusto ko nang umuwi pagkatapos nating mag-dinner kung pwede. Buong araw na kasing masama ang pakiramdam ko.”

Hinawakan nito ang braso niya. “Gusto mo bang pumunta sa clinic?”

Umiling siya. “Hindi na. Sabi ni Doc Nathaniella umuwi na lang ako agad at magpahinga kung gusto kong makapagtrabaho bukas.”

Hindi niya ugaling magsinungaling pero kailangan. Kailangan niyang protektahan ang sarili niya mula kay Julian. Napatunayan niyang di ito madaling tanggihan. He was a great seducer. At gagawin niya ang lahat para di siya mahulog sa patibong nito. mas malinaw na ang utak niya ngayon. She was in control.

“You take a rest,” wika ni Julian nang ihatid siya sa lodge niya.

“Thank you.” Makakatulog na siya nang mahimbing. Di siya mag-eempake sa gabing iyon. May trabaho pa rin siya. “Di ko alam kung paano ka mababayaran.”

Hinawakan nito ang balikat niya at dahan-dahang inilapit ang mukha sa kanya. “How about a kiss?”

Nahigit niya ang hininga. “A kiss.”

Napatitig siya sa labi nito. Out of curiosity, gusto niyang malaman kung paano ang mahalikan nito. He was too tempting. Oh, yes! There were some talks that he was an orgasmic kisser. And a kiss would not be enough.

Inilayo niya ang mukha dito pero Sinalubong pa rin ang mga mata nito. “Ire-reimburse ko na lang ang lahat ng ginastos mo sa akin.”

“What?” bulalas nito. “Anong reimburse? Our date is not a dinner meeting with clients. Di kailangang i-reimburse ang pera. Marami akong pera.”

“Hindi naman totoong date ang ginawa natin. You helped me secure my job and I must pay you for the bother.”

Ipinilig nito ang ulo at binitiwan siya. “Hell! Mas gusto mo pang gumastos kaysa halikan ako?” iritado nitong tanong. “Alright! Babayaran mo ako ng limang beses sa ginastos ko sa iyo.”

“Fine!” sagot agad niya. Saka na niya iisipin kung magkano ang magagastos niya. Mas mabuti nang mabutasan ng bulsa kaysa mawalan ng puri. “Ipadala mo na lang sa akin ang babayaran ko pati ang account number mo. Goodnight, Mr. Yun!” saka niya ito tinalikuran para pumasok sa worker’s lodge.

“You can still change your mind about the kiss, baby. I will be waiting for you,” he said with a laugh.

Dali-dali siyang pumasok at ini-lock agad ang pinto. Nanlulumo siyang sumandal. She was safe now. She survived the date with Julian. Mabuti at mautak siya. Ni di siya nito nahalikan.

Sana ay di na niya kailangan pa itong harapin muli. Dahil baka sa susunod na akitin siya nito ay di na niya kayang tumanggi.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.