Stallion Island Series Chapter 97

“What? Twenty thousand ang babayaran ko? Ganito kamahal?”

Sapo ni Arjhilleyne ang ulo habang nakatitig sa bill na ipinadala ni Julian sa kanya. Ininom agad niya ang paborito niyang mandarin orange juice at napa-order ulit ng panibagong bago sa dumadaang waitress na si Kukai.

“Ganyan kamahal?” bulalas ni Alziena na isa sa mga piling horse trainer sa Stallion Island. Kadarating lang nito sa isla. At dahil napansin niya na puro lalaki lang ang mga kasama nito sa trabaho kaya niyaya niya itong lumabas. “Ano iyan? Bumbay ba siya?”

Napalunok siya. Daig pa ni Julian ang bampira. Muntik na siyang himatayin nang dumating sa kanya mula dito. Nabitiwan nga niya sa sobrang shock. Kuripot siya. Usually ay sports lang at ang paborito niyang libro ang bisyo niya. Tapos pagagastusin siya ng twenty thousand?

“Ma-pride kasi kayong masyado, Miss Arjh. Alam mo naman na ayaw ng mga Stallion Boys na ang mga babae ang magbabayad ng bills nila. Nakakasira iyon sa macho image nila,” singit ni Kukai na mabilis maka-pick up ng tsismis kahit na padaan-daan lang ito sa mesa niya.

“Ayokong isipin niya na interesado ako sa kanya romantically dahil lang lumabas kami ng date,” giit niya. “Saka dapat lang magbayad ako bills dahil gumastos siya sa date namin. May utang na loob pa rin ako kahit paano. Pero hindi naman ganito kamahal! This ought to be against the law!”

Kung nandito lang sana si Doc Nathaniella ay may makakakampi siya. May kakayahan itong ipaglaban ang karapatan ng mga naaaping katulad niya. Tiyak na susuportahan siya nito. It was so unfair! Dugo at pawis ang ipinuhunan niya para makapagtrabaho sa Stallion Island. Tapos ay malilimas ang ipon niya dahil kay Julian.

“Alam mo ba kung ano ang kapalit kapag hindi ako nagbayad?” tanong niya kay Kukai at tiningala ito. “Kailangan kong halikan ang Julian na iyon.”

Nagtitili si Kukai at nagpapadyak. “Eeee! Hahalikan ka ni Sir Julian?”

Hinampas ito ni Leica ng menu sa baywang. “Umayos ka nga! Mina-maniac na nga itong si Arjh, tuwang-tuwa ka pa.” Dumilim ang mukha nito. “Maniac talaga ang magpipinsang iyan! Lalo na iyang Warren na iyan.”

Mortal na kaaway ni Leica si Warren Li, ang piloto ng Stallion Island at pinsan ni Julian. Kaya nga alam niyang pwede niyang maging kakampi si Leica.

“Naku naman! Grasya na ang lumalapit sa iyo, Miss Arjh! Ano ka ba? Bakit hindi ka pumayag? Alam mo bang masarap siyang humalik ayon sa mapapalad na babaeng naka-experience ng init ng kanyang katawan?” Tumirik ang mata ni Kukai. “Matagal ko na talaga iyang pangarap.”

Matalim niyang tiningnan si Kukai. “Alam mo ba kung ano ang kapalit kapag hinalikan ko siya? Ang puri ko! Mawawasak ang puri ko.”

Alam niya ang kakayahan ni Julian. A kiss won’t be enough for him. Matapos ang halik, baka kung saan na mauwi iyon. At di niya ito kayang pigilan. Maswerte pa nga siyang tumagal sila sa date nila nang di niya sinusuko ang virginity niya mismo. He could easily seduce a woman with his voice and his eyes. Kapag binabalikan niya ang date nila, parang pinapaso ang buong katawan niya.

“Aanhin mo naman ang virginity kung malamig ang gabi mo?”

Tatlo na silang matalim ang tingin kay Kukai. Hindi niya sasayangin ang puri niya para sa isang gabing kaligayahan lang. Matapos iyon ay baka di na niya kayang harapin pa ang sarili sa salamin.

Pilit na ngumiti si Kukai. “Kukunin ko na ang order ninyo, Ma’am.”

“Anong plano mong gawin ngayon?” tanong ni Alziena. “Irereklamo mo ba siya sa village council.”

“Paano ako magrereklamo? Last night, nagmatigas ako kay Julian. Sabi ko mas gugustuhin ko pang magbayad kaysa halikan siya.” NGayon na lang niya hinarap ang matinding impact ng sinabi niya. malay ba niyang ganoon pala kamahal ang halik niya. Ang sabi pa ni Julian ay discounted pa nga ang amount na iyon. “wala akong choice. Kailangan kong magbayad.”

“Maliban na lang kung makakakuha ka ng matinong Stallion boy na pakakasalan ka at babayaran ang utang mo kay Julian,” kaswal na wika ni Leica. “Naniniwala ako na may lalaking gano’n.”

“Parang katulad ni Fafa Noah?” tanong ni Alziena at ngumuso sa papasok na member ng Stallion Island at may-ari ng flower shop. He was like a dream man. Tall, dark, handsome and a perfect gentleman. Isa ito sa mga ultimate crush niya sa isla. Lagi siya nitong binabati at natatandaan nito ang pangalan niya.

Lumakas ang kaba sa dibdib niya nang tunguhin nito ang direksiyon ng mesa nila. Napahawak siya sa dibdib niya nang tumingin ito sa kanya. Paano kung siya ang babaeng hinahanap nito? Paano kung may pagka-psychic si Leica? Na ito ang lalaking mag-aahon sa kanya mula sa kuko ni Julian Veron Yun.

“Hi, girls!” bati ni Noah sa kanila.

“Hi, Fafa Noah!” sabay-sabay nilang sagot nila Alziena at Leica. kahit na sinong tanunging babae sa isla, isa si Noah sa paboritong member. Kahit si Leica nga ay gustong magtitili ng “I love you” nang unang beses itong kausapin ni Noah. To think na bato ito pagdating sa mga lalaki. Kahit si Alziena ay umiilaw ang mga mata habang nakatitig dito.

“Arjhilleyne, this is for you,” anito at inabot ang bouquet ng bulaklak.

Jeez! Noah Munieca, isa sa kinakikiligan at iginagalang na miyembro ng Stallion Island binibigyan siya ng bulaklak.

“S-Sa akin ito?” nauutal niyang tanong.

Tumango ito. “Yes.”

Nanginginig ang kamay niya nang tanggapin ang bulaklak at amuyin iyon. Ang ganda niya! Sa dinami-dami ng babae sa isla ay siya pa ang napili nito. Di niya inaasahan na mapapansin nito ang itinatago niyang kagandahan. Worth it naman pala ang paggamit niya ng Stallion Shampoo. Hindi niya palalampasin ang pagkakataong iyon. he was a dream. Hindi na niya ito pakakawalan. Sa kanya na si Noah!

“Thank you. Nagustuhan ko siya.”

“I am glad nagustuhan mo. Ako mismo ang nag-ayos niyan.” Hindi lang simpleng flower shop ang pag-aari ni Noah. He had a huge flower farm in La Trinidad, Benguet. May ilang branch din ito ng Eternal Bloom Flower Shop sa iba’t ibang panig ng bansa. Nakadagdag pa sa appeal na isang guwapong nilalang ang may-ari niyon. And he was good in arranging flowers. Ang alam nga niya ay isa rin itong ikebana master na nag-training pa sa magaling na ikebana school sa Japan.

Kahit naman ligaw na bulaklak lang ang ibigay nito sa kanya ay masaya na siya. Noah Munieca is Noah Munieca.

“Hindi ka na sana nag-abala,” aniya at inipit ang buhok sa likod ng tainga.

“Tiniyak ni Julian na magugustuhan mo ang bulaklak na ibibigay niya sa iyo. Binantayan pa nga niya iyan habang ina-arrange ko.”

Bumagsak ang panga niya at maang na napatingin dito. “Ha? Si Julian? Galing kay Julian ‘to?”

Tumango si Noah at sumaludo pa. “Enjoy the flowers.”

The dream suddenly turned into nightmare. Mahigpit niyang hinawakan ang bouquet ng bulaklak sa sobrang iritasyon. Hindi ba talaga siya titigilan ni Julian. Di pa ba ito masayang ibabaon siya nito sa utang. Ngayon ay may pabula-bulaklak pa ito. Akala ba nito ay mapapalambot siya nito dahil sa bulaklak.

“How nice! Galing kay Sir Julian?” tanong ni Kukai dala ang orange juice at saka tiningnan ang card. “For my sweetcakes. Kisses, Julian.”

Nabulabog ang buong Lighthouse Restaurant nang tumili siya sa sobrang inis. Marinig lang niya ang salitang kisses ay nagpanic na siya. Napahangos tuloy sa second floor ang may-ari ng restaurant na si Darwayne. “Hey! Anong nangyari? May sunog ba? Tatawag ba tayo ng bumbero?”

“Boss, may sprinkler tayo,” paalala ng assistant manager na si Sissy. Inabot nito ang juice sa kanya. “Magpalamig ka muna.”

Tinungga niya ang mandarin orange juice pero di iyon sapat para pahupain ang emosyon niya. “Hindi bumbero ang kailangang tawagin kundi pulis, army, navy pati NBI, FBI at CIA. Ipatawag ninyo ang SOCO at si Gus Abelgas. Dahil mapapatay ko talaga ang Julian Veron Yun na iyon.”

“Papatay ka dahil sa bulaklak?” tanong ni Alziena.

“Hindi! Dahil sa halik niya!” Panahon na para may magsabing may isang babaeng di interesado sa halik nito. At siya ang gagawa no’n.

She stormed out of the restaurant. Di na siya nagawang pigilin pa ng mga ito dahil sumakay agad siya sa nakaabang na e-jeepney. Tinawagan niya ang security department at sumagot kasamahan niyang si Roco. “Please trace Julian Veron Yun for me.”

“Okay ka lang ba?” tanong nito. Parang nag-aalangang ibigay ang location ni Julian sa kanya. Baka nakakaamoy ito ng kamatayan.

“Okay na okay ako basta ibigay mo ang location niya!” sigaw niya dito.

“Alright! Nasa Windy Café siya ngayon. Please don’t mess up with him. Baka tuluyan ka nang mapatalsik sa isla.”

Huminga siya nang malalim. “Thank you!” Naging matiim ang anyo niya nang ibigay ang direksiyon sa driver ng E-Jeep. “Sa Windy Café tayo, Manong Bert.”

Namumutla nitong pinatakbo ang sasakyan. Di siya kumikibo habang bumibiyahe. Kailangan niyang magtimpi. Si Julian lang ang puntirya niya. Di kailangang madamay ang trabaho nito. kaya dapat ay masolo niya si Julian.

Nagbabasa si Julian ng magazine nang dumating siya. Kumaway pa ito nang makita siya. “Arjh, sweetcakes! Sabi na nga ba’t di mo ako matitiis.”

Inilapag niya ang bulaklak sa harap nito. “Ang mga gulay mo. Hindi ako interesado sa kahit anong galing sa iyo at lalong di ako interesado sa halik mo.”

“My, my I thought we already established that,” he said cooly. “Di ka interesado sa halik ko at babayaran mo ang bill natin sa date natin ng limang beses sa original price.

“E, bakit kailangan mo pang ipaggiitan sa card na ito?” panggagalaiti niya.

“That’s an innocent one.” Then he gave her a smoldering gaze. “O baka gusto mong may kasamang action ang salitang iyan.”

Inambaan niya ito ng suntok. “Sige! Subukan mo lang lumapit sa akin. Gugulpihin talaga kita!”

HUmalakhak ito. That masculine laugh only made him more handsome. Parang di niya kayang pingasan ang guwapo nitong mukha. Sige. Sa ibang parte na lang ng katawan niya ito patatamaan.

“Sweetcakes, wag kang mag-alala. Wala akong gagawin sa iyo.” Itinaas nito ang dalawang kamay. “Akala mo ba madali sa akin na ipadala ang bill na iyon? It ripped my heart into pieces. Di ko maaatim na pagbayarin ang isang babae para sa date namin. But it was your choice. All I wanted is a kiss. Just a moment and it is over.”

Pinanlakihan niya ito ng mata. “Sinong niloloko mo? Sa palagay mo ba maniniwala ako na sandali lang kapag hinalikan mo ako?”

“Can’t blame you if you will keep asking for more.” Ngumisi ito at hinaplos ang sariling baba. “Why are you so hard assed about this?”

“Dahil sagrado ang halik sa akin. Gusto ko boyfriend ko na siya at lalaking mahal ko. Hindi iyong lalaki na kung sinu-sinong babae lang ang hahalikan.” MAtiim niya itong tinitigan. “At lalaking di marunong magmahal.”

For a moment, she saw pain in his eyes. Pero saglit lang iyon. Parang imahinasyon lang. Ngumiti ulit ito nang idinala ng cute na waitress ang order nitong kape. “Thanks, Carmz!” anito at kumindat. Flirt talaga ito. Saka lang siya nito muling tiningnan. There was no pain there anymore. No. Di nasasaktan si Julian. Wala nga itong puso. “If you want to give back the flower, kailangang bayaran mo ng sampung beses ng halaga niyan.”

Nanlaki ang mata niya. “What?”

“Nobody had ever thrown my gifts back to my face. There is hell to pay. Wala akong pakialam kung sunugin mo iyan o itapon mo. Huwag mo lang ibabalik sa akin.”

At hindi rin niya ugaling sirain ang mga bagay na ibinigay sa kanya. Nanghihinayang siya. At hindi siya baliw para magbayad ng sampung beses sa halaga ng bulaklak na iyon. The original price must be exurbant enough. Wala siyang planong maging pulubi dahil dito.

Tumayo siya ng tuwid at kinuha ang bulaklak. “Well, hahayaan na kita sa kape mo at sa pakikipag-flirt mo sa ibang babae. Good day, Mr. Yun!”

“Enjoy the flowers, sweetcakes,” pahabol pa nito nang paalis na siya.

The flowers were okay. At least di na naman siya tinakot ng halik nito. Pero parang napapaso siya habang hawak ang bulaklak na iyon. Dali-dali niyang inabot iyon sa unang taong nakasalubong niya paglabas ng café.

“What the…” bulalas ng lalaki nang mahawakan ang bulaklak.

Nanigas ang buong katawan niya nang masalubong ang matiim na mata ni Draco Montague. He was one of the meanest member of the club. Laging nakasimangot at parang laging galit sa mundo. Many called him Dracula. Kapag kasi tumitig ito ay laging namumutla ang mga kaharap nito.

Pilit siyang ngumiti kahit na natatakot siya. “Sir, pinabibigay po ni Sir Julian Veron Yun sa inyo ang bulaklak na iyan. Enjoy!”

Saka siya nagmamadaling naglakad palayo ng restaurant. Humalakhak siya nang malakas nang makasakay na sa E-jeepney. Parang baliw naman ang tingin sa kanya ng driver na si Mang Bert ngayon. Samantalang kanina lang ay galit na galit siya.

Flowers and kisses for Count Dracula from Julian Veron Yun. Sayang lang at di siya nagtagal pa sa Windy Café. Gusto niyang makitang mamutla si Julian oras na kinompronta ito ni Draco Montague.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.