Stallion Island Series Chapter 98

Muntik nang masamid si Julian sa iniinom na kape nang lumapit sa kanya si Draco Montague. Madilim ang mukha nito habang hawak ang isang bouquet ng bulaklak-ang bulaklak na bigay niya kay Arjhilleyne.

“Sabi ng babaeng nagbigay sa akin nito, ipinabibigay mo daw sa akin,” madilim ang mukhang sabi ni Draco. Ang maaliwalas na langit ay bigla na lang nagdilim. And he wanted to believe that he heard a distant rumble of thunder.

Draco was Prince of Darkness. Di ngumingiti. Laging tipid makipag-usap at lagi na lang masama ang mood. It was bad enough that he was face to face with him. Pero ngayon ay pinaghihinalaan siya nitong binigyan ito ng bulaklak. Drat! Tiyak niya na namumutla siya. Maging ang mga kawawang bulaklak na hawak nito ay malapit na rin marahil malanta dahil dito.

Ibinuka niya ang dalawang palad. “Whoa, Dracness! Before you jump into any conclusion…”

“I know.” Inilapag nito ang bulaklak sa harapan niya. “Mabuti na lang mas kilala kita.” Bahagya itong yumuko at parang may maitim ulap na tumabing sa harapan niya. Kasabay niyon ang panlilisik ng mga mata nito. “Dahil oras na hindi na pala babae ang gusto mo at ako ang pinuntirya mo, babaliin ko ang leeg mo.”

Napahawak siya sa sariling leeg. “Gee! Thanks, Dracness for sparing my life.” Sa halip na kape ang inumin niya ay ang malamig na Perrier water ang tinungga niya. He already had enough caffeine. Di pa rin nawawala ang kilabot niya habang naglalakad ito papunta sa kabilang mesa. Pakiramdam niya ay Friday the thirteenth o kaya ay Halloween. Awooo!

“Mukhang palala na nang palala ang taste mo, Julian. Noong una, iyong amazona. Ngayon naman si Draco the Vampire na ang type mo,” naiiling na wika ng pinsan niyang si Zach nang samahan siya sa mesa.

“Why don’t you shut up? Hindi pa nga ako nakaka-recover sa near-death experience ko.” Matiim ang anyo niyang tinitigan ang bulaklak sa harapan niya. An amazon. Ang tanging babaeng hindi napalambot ng mga bulaklak. “What is wrong with that girl? Hindi man lang niya naa-appreciate ang ginagawa ko para sa kanya. Mas gusto niyang bayaran ang dinner namin. At kulang na lang ihampas niya sa mukha ko ang bulaklak kanina.”

“No. What’s wrong with you, Julian? Ano ba ang nakita mo sa babaeng iyon? Masyadong matangkad, masyadong payat, walang boobs at masyadong maangas. Hindi mga katulad niya ang type mo.”

Kung tutuusin nga ay di niya gusto si Arjhilleyne. Wala na yatang lumalabas sa bibig nito patungkol sa kanya kundi insulto. Not good for a man’s ego.

Itinapik niya ang daliri sa baba niya. “I don’t know. Pakiramdam ko kasi nagpapahabol lang siya sa akin.”

“Oh, come on!”

“Tingnan mo nga ako, Zach. Ano ba ang hindi niya magugustuhan sa akin?”

“Baka ayaw niya sa mga guwapo,” anang si Zach at humalakhak. “Minsan kailangan mong tanggapin na may mga babae talagang ayaw sa mga guwapong katulad natin. Kaya tigilan mo na siya.”

“No. Hindi ako titigil hangga’t di ko nakukuha ang gusto ko.” Umangat ang gilid ng labi niya. “She’s just a woman. She’s just like any other women.”

Masyado lang nalunod si Arjhilleyne sa pangangarap nito na parang isang batang paslit na nalulunod sa fairy tale. Prince Charmings? Knight in shining armor. Hell! A feisty woman like her needed a sturdy man like him. Ang magpapakita dito kung paano maging tunay na babae.

Whether he didn’t have a heart or not, he was still irresistible. At isang araw ay babagsak na lang si Eunice Arjhilleyne Reyes sa mga kamay niya.

“You are just looking for trouble, Julian. That woman is not the kind of trouble you don’t want to mess up with.” Tinapik nito ang balikat niya. “Huwag mong sabihing hindi kita pinagsabihan.”

ALERTO si Arjhilleyne sa paligid habang papunta sa locker niya sa Mist Fusion. The building was delegated to different sports. Japanese inspired ang architecture niyon at nasa tabi ng Hidden Mist Waterfalls. Katatapos lang ng work out niya. Nakikiramdam siya dahil baka may kung ano na namang pakulo si Julian.

Sa loob ng dalawang linggo ay wala itong ginawa kundi padalhan siya ng kung anu-anong regalo. Mula sa chocolates at iba pang sweets na ipinakain lang niya sa mga katrabaho niya, stuffed toys na di niya ma-appreciate dahil ni minsan ay di niya iyon nakahiligan pati mga sexy na lingerie. Di talaga nito pinalalagpas ang pagkakataon para painitin ang ulo niya.

Hindi naman niya maibalik dahil baka mamaya ay milyon na pala ang utang niya dito. Magsasawa din naman ito sa pagbibigay sa kanya.

Kadalasan umaga pa lang ay may sorpresa na ito sa kanya. Pahapon na pero parang wala naman itong gagawin. Baka nagsawa na dahil di niya ito pinapatulan. Baka ibang babae naman ang pinepeste nito.

“This must be a good day,” usal niya at binuksan ang locker.

Napasinghap siya nang makitang nakadikit ang iba’t ibang picture ni Julian sa locker niya. Napaurong pa siya at tiningnan ang numero ng locker. Locker nga niya iyon. It has a digital lock. Paanong napunta ang picture na iyon sa locker niya?

“Akala mo kung sinong pa-virgin. Ang totoo pala patay na patay kay Julian,” narinig niyang pasaring ni Sassy, isa sa miyembro ng Sirens. At nasa likuran nito ang mga kasamahan nito in full force para sirain ang araw niya.

“Malala pa pala siya sa atin. I bet may mga pictures pa siya ni Julian sa bahay niya at tinitirikan niya ng kandila. Kaya siguro naaakit sa kanya si Julian dahil ginagayuma niya,” sabi naman ni Francey.

Humikab si Merian. “Girls, let’s not waste our time here. Sino ba naman kasi ang maniniwala na nagustuhan siya ni Julian dahil may maganda siyang quality.”

“Siyempre tayo lang ang may magandang quality na babagay sa mga Stallion Boys. Right, Queen Merian?” tanong ni Mareschellie.

Humalakhak si Merian. “Of course. You are learning fast, dear. And I like that. Queen Merian!” Itinaas pa ni Merian ang dalawang kamay at muling humalakhak.

Ngayong nalaman pa ng Sirens ang tungkol sa mga pictures ay tiyak na wasak ang kinabukasan niya. kakalat sa buong isla na pinapantasya niya ng lihim si Julian. At di na siya magtataka kung susugurin siya ng mga tao na may dalang sulo para sunugin dahil napagkamalan na siyang mangkukulam.

“Great! Just great!” Di niya planong masunog ng buhay at mamatay na virgin. Hinablot niya ang mga pictures ni Julian. Hindi na niya kailangan pang magtanong. She knew that he was good with gadgets. Sisiw lang dito na mabuksan ang locker niya. Sobra na ito. He was invading her privacy. He was invading her life. Di na niya palalagpasin pa ang ginawa nito. “Humanda ka, Julian Veron Yun!”

Hindi na siya nag-abala pang mag-shower kahit na pawis na pawis siya. Hinablot niya ang mga gamit niya sa loob ng locker at tumawag sa security center. Busy tone ang sumagot sa kanya. Mukhang busy ang mga tao nila. saan ba niya hahanapin ang impaktong Julian na iyon?

“Ang guwapo naman ni Michael James Lizardo,” kinikilig na sabi ng receptionist ng Mist Fusion na si Terrie. “Super sexy. Kaso taken na.”

“Mas type ko naman si Rohann Madrigal. Nakita mo ba kung gaano siya kakisig na gumalaw?” nakatingala pang sabi ng isa pang receptionist na si Aura na parang nangangarap.

“May asawa’t anak na kaya siya,” angal naman ni Terrie. “Buti na lang makisig ding tingnan si Sir Julian. Kundi nga lang ako naka-duty gusto ko pa silang panoorin sa sparring nila. Wu shu versus tai chi versus taekwondo. Hanggang anong oras kaya sila dito?”

Dali-dali siyang lumapit sa dalawa. “Nandito? Nandito si Julian?”

Napaurong ang dalawa dahil sa gulat sa kanya. “Ah, eh… Miss Arjh…”

Binayo niya ang counter. “Ituro ninyo kung nasaan si Julian Veron Yun!”

“Ma’am, sa room four po. May street fighting session siya kasama sila Master Rohann at Master James,” pikit-matang sagot ni Aura. Mukhang nasindak ito sa sigaw niya kaya napilitan itong sumagot.

“Thank you,” mahinang pasasalamat niya at tumalikod.

“Bakit mo sinabi? Kung patayin niya si Sir Julian?” narinig niyang paninisi dito ni Terrie.

“Kung ako naman ang patayin niya?” tanong naman ni Aura.

“Mabuti nang ikaw kaysa naman si Sir Julian. Mababawasan ng guwapo sa mundong ito. Maraming iiyak.”

No. she would be doing the world a favor if she would skin him alive. Magtutuos silang dalawa. Saktong-sakto. In the mood siyang makipagbabag ngayon. At hindi niya sasantuhin si Julian.

Malapit na siya sa room four nang maharangan siya ng mga babaeng nakasilip din sa naturang kuwarto. Pigil ng mga babae ang hininga habang nanonood sa loob. Kung makaka-distract ang mga ito sa pagte-training ng sinuman ay paaalisin ang mga ito sa dojo. It was a rule.

“Excuse me! Excuse me!” aniya at pilit na sumingit. Nakasilip na siya sa loob at naaninaw ang mabilis na pakikipaglaban ni Julian kay Michael James Lizardo. The latter was a world taekwondo champion and a national athlete. May Olympic medal din ito. Pero di nagpapahuli si Julian dito. Madali para kay Julian na umilag sa mga matatalim na sipa ni James. She didn’t know that he was that good. Naisip tuloy niya kung paano niya ito malalabanan. She was not that fast. Makakailag lang ito.

“Ikaw na naman?” tungayaw ni Francey na miyembro ng Sirens nang makita siya. “Pati ba naman dito sunod ka nang sunod kay Julian, Arjhilleyne?”

Narinig ni Julian ang pangalan niya at lumingon ito sa direksiyon niya. “Hey, sweetcakes!” nakangiti nitong wika at kumaway. “Dinalaw mo ak…”

Di pa natatapos ang sasabihin nito ay isang sipa ang tumama sa panga ni Julian mula kay Michael James at bumagsak ito sa sahig.

“Julian!” tawag niya sa pangalan nito. Naestatwa siya sa kinatatayuan niya habang pinapanood itong daluhan ng ibang mga nasa loob ng dojo.

Her heart slammed painfully against her chest. Awtomatiko siyang tumakbo patungo kay Julian. Matindi ang pag-aalala niya.

“Is he okay?” tanong niya. Gusto sana niyang siya mismo ang umalalay dito lalo na’t di pa rin dumidilat ang mga mata nito. He was hit by a world taekwondo champion. “J-Julian…” nanginginig niyang tawag sa pangalan nito. Namasa sa luha ang mga mata niya. “Paano kung patay na siya?”

“Hindi naman ganoon kalakas ang pagkakatama ko,” wika ni Michael James.

“The medical team is coming,” wika ni Rohann na katatawag lang sa emergency hotline. Nakakunot ang noo habang nakatiitg kay Julian. Saka ito tumingin sa mga nakapaligid.“Please! Iyong mga hindi kailangan umalis muna. Baka mahirapan ang medical team sa pagkuha kay Julian kung lahat kayo nag-uusyoso.”

Sa halip na sumunod kay Rohann ay hinawakan niya ang kamay ni Julian. Di siya aalis hangga’t di dumadating ang medical team. Kailangan siya ni Julian.

DI MAPAKALI SA pagkakatayo si Arjhilleyne habang nakasandal sa dingding ng clinic. May malay na si Julian at kasalukuyang kasama ng mga pinsan nito at ng mga martial arts masters ng Mist Fusion. Sinabi na rin ni Nathaniella na okay lang ito. Walang nabaling buto at di naman gaanong malala ang damage na gawa ng pagkakasipa dito pero hangga’t di niya ito nakikita, di siya matatahimik.

She held his hands until the medics came. Di pa nga niya agad mabitiwan ang kamay nito kahit nang dumating ang mga medics. Kanina lang ay halos isumpa niya ito. Nang makita niya itong masaktan, ang tanging gusto lang niya ay nawala ang sakit na nararamdaman nito.

“This is all your fault!” singhal ni Francey sa kanya. “Kundi ka dumating sa buhay niya at ginulo siya, di sana masasaktan si Julian.” Ume-echo ang boses nito sa tahimik na clinic. At dahil kasama pa nito ang iba pang mga Sirens, kanina pa nakukulili ang tainga niya sa paninisi ng mga ito. Kulang na lang pati ang global warming ay isisi din ng mga ito sa kanya.

Humaba pa ng ilang minuto ang litany ng mga ito hanggang di na niya kinaya. Nag-aalala pa nga siya kay Julian, tapos ay bubuligligin pa siya ng mga ito. “Shut up, will you? Shut the hell up!” singhal niya na ikinatigagal ng mga ito. “Tama na nga ang paninisi ninyo sa akin. Kundi kayo inaway sa dojo kanina, hindi kayo maririnig ni Julian. Sa kaingayan ninyo, baka kayo ang ireklamo ko. bawal ang mag-ingay. Kasi nakakamatay ang kaingayan ninyo. Kung namatay si Julian, kasalanan ninyo.”

Namutla ang mga Sirens at naumid. Nagtatanong na tumingin si Mareschellie kay Merian. “Queen Merian, totoo ba ang sinabi niya? Idedemanda tayo?”

“Huwag ka ngang tanong ng tanong,” iritadong wika ni Merian. “Umalis na tayo dito at kakausapin ko pa ang lawyer ko. Ayokong mademanda dahil ayokong masira ang career ko. kaya tumahimik muna kayo!”

Napahinga ang tainga niya nang makaalis na ang Sirens. Naidispatsa na niya ang isang problema. Sabay-sabay na lumabas ng kuwarto si Jairon at ang mga pinsan ni Julian pati ang mga martial arts instructors na sila James at Rohann.

“Gising na si Julian. Hinahanap ka niya,” sabi ni Jairon.

“Okay na ba siyang kausapin? I mean his jaw…” At alanganin siyang tumingin kay Michael James. Hindi ba nabasag ang panga ni Julian?

Tumingala lang ni Michael James at di tumingin sa kanya. “Basta puntahan mo siya,” sabi ni Warren. “Ikaw lang talaga ang gusto niyang makita.”

Di na siya nag-usisa pa. Ang tanging gusto lang naman niya ay makita si Julian at tiyaking okay lang ito. INaayos ng nurse ang kumot nito nang pumasok siya ng kuwarto nito. The “clinic” at the island was actually a mini hospital with the latest medical facilities. They could easily fly in specialists even during emergencies.

Nakapikit si Julian nang pumasok siya. Marahan nitong idinilat ang mata at nanghihinang ngumiti nang makita siya. “Hi!”

“Huwag ka munang ngumiti at magsalita. Baka malaglag ang panga mo,” aniya at umupo sa tabi nito.

Umungol ito. “Come on! Matigas ang bungo ko. HUwag kang mag-alala.”

Kinuyom niya ang palad nang makita ang pasa sa panga nito. She fought the urge not to touch him. Siguro nga ay di ganoon kasama ang pagkakasipa dito. Or he was just pretending to be strong. “Iyong totoo. Nasaktan ka, di ba?”

Hinawakan nito ang kamay niya at idinampi sa pisngi nito. “Basta dito ka lang sa tabi ko. The pain will go away eventually.”

“Iyon lang? Wala kang gustong kainin? Inumin?”

Hinawakan nito ang baba niya at iginiya palapit sa mukha nito. “All I want is you,” he said in a husky voice.

He was about to kiss her. Could he really kiss her? Hindi ba mahina pa ito? Masakit iyon sa panga. At talaga bang maaalis ang sakit na nararamdaman nito? O talaga bang may masakit dito at ginugulangan lang siya nito?

“Julian, sandali!” Itinulak niya ang mukha nito palayo sa kanya at umurong palayo sa kama. “Ano sa palagay mo ang ginagawa mo? Akala mo ba mauuto mo ako? Hindi ka naman talaga nasaktan, no? Umaandar lang pagka-maniac mo.”

“Paano mo naiisip na makakapang-maniac ako? Nasaktan na nga ako.” Pumikit ito at umungol na parang tunay na nasaktan.

“Hindi mo na ako mapapaikot.” Inilabas niya ang pictures nito sa bag niya at ihinagis sa mukha nito. “Tigilan mo na ako kung pwede? Wala kang mapapala sa akin. NAgsasayang ka lang ng panahon mo. Kahit anong gawin mo, hindi mo ako maaakit at hindi ako magkakagusto sa iyo!”

Humihingal sa galit siyang lumabas sa kuwarto nito. Wala talagang mabuting gagawin si Julian. Siguro nga nasaktan ito pero pati ba iyon ay gagamitin nito para akitin siya. The kiss was almost there. Almost. She could breathe the air a taste it.

Hindi na talaga niya dapat pinakitaan ng kabutihan ni Julian. All he cared about was sex, sex and sex. For a moment, she thought it was okay to care for him. Hindi na mauulit iyon kahit pa mangisay ito sa harap niya at bumula ang bibig.

She would never be fooled anymore. Never.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.